My Naughty Bratinella (Comple...

By twinklingberyl

151K 2.5K 151

KONTRABIDA? Okay Fine at least may bida pa rin. GORGEOUS? Oh well, hindi naman maikakaila, right? MAYAMAN? i... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
For Special Chapter
Special Chapter
Author's Note

Chapter 12

2.6K 52 1
By twinklingberyl

Amethyst's POV

"Nurse mukhang kailangan niyang maoperahan," seryosong sabi ni Cloud ng maibaba niya 'ko sa isang stretcher sa clinic.

Literal na nanlaki ang mga mata ko pagkatapos niyang sabihin 'yun. Natapilok lang ako operahan agad agad?

"Buwisit ka talagang ulap ka!" I blurted out when he suddenly laughed. Nakaupo siya sa tabi ko ngayon kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataong hampas-hampasin siya.

"Ano namang nangyari diyan Ms. Tuazon?" nagatatakang tanong ni Nurse Cristine.

"Chismosa kasi," I heard Cloud whispered kaya naman tiningnan ko siya ng masama.

"N-natapilok po ako," I answered..

"Ah, sige wait for me here kukuha lang ako ng igagamot diyan para maiwasan ang pamamaga," ani Nurse Cristine bago kami iniwan.

"Hoy Ulap!"

"Kanina unggoy ngayon naman ulap, tss." He said without looking at me. "ANO?" parang naiinis na tanong niya.

"Salamat!"

"Ano ba 'yang salamat mo labas sa ilong! 'Yung sincere naman!"

"Ang arte mo!"

"Wow, welcome ah!" sarcastic na sagot niya.

"Bakit mo nga pala ako binalikan?" I asked.

"Pake mo? Trip ko e."

"Bakit nandito ka pa?"

"Ano ngayon sa'yo?"

"Umayos ka nga sa pagsagot mo!"

"Maayos naman ah! Ano bang problema mo?"

"Late ka na, bumalik ka na sa room!" I reprimanded.

"Inuutusan mo ba 'ko?"

"Ayoko lang naman ma-late ka ng dahil sa akin."

"Feeling mo naman dahil sa'yo kaya ako nandito. Inaantok kaya ako," sabi pa niya tapos nag-hikab siya atsaka humiga sa stretcher. Muntik pa nga 'kong mahulog kasi pinaurong niya pa 'ko. Kahit kalian talaga.

Ilang segundong katahimikan. Nakaupo lang ako sa may gilid niya habang siya ay nakapikit na. Seryoso talaga siyang matutulog siya?

I stared at his peaceful face. Grabe lang. Napaka-pogi talaga nitong unggoy na 'to, ang hirap ipagkaila.. Pointed nose, pinkish lips, mapupungay na mga mata. Aish! Bakit ko ba kino-compliment 'tong taong 'to?

"Huwag mo 'ko masyadong titigan baka ma-inlove ka. Mahirap na baka hindi mo na ko pakawalan."

I was startled when he suddenly talked while smiling. I quickly averted my gaze to somewhere dahil baka isipin niya pang type ko siya. Yabang e, tss.

"Feeling mo naman!" pagtataray ko. "Umalis ka na nga diyan! Hindi naman ikaw ang pasyente ah?" I said habang tinutulak tulak ko siya.

"Huwag ka ngang magulo! Innantok ako e!" sabi niya atsaka ako tinalikuran.

Buwisit talaga!

I stopped talking for a while kaya ayun, nagkaroon muli ng ilang minutong katahimikan.. Bigla kong naalala 'yung mga nakita at narinig ko kanina. Hindi naman siguro masama kung itatanong ko sa kanya 'di ba? Alam ko namang nagtutulug-tulugan lang 'to e.

"Uhm, Ulap? Anong meron sa inyo ni Aileen?" I asked.

"Baka magkapatid." sagot niya kaya hinampas ko siya sa likod at inis siyang napaharap sa akin. "Kanina ka pa ah! Ano bang problema mo at napakabayolente mo?!" reklamo niya.

"Hindi ka kasi sumasagot ng maayos e! Ang ayos ayos kaya ng tanong ko!"

"Wala akong dapat sagutin," he said in coldness.

"Nagtatanong lang naman ako e kasi nakita kitang umiiyak—" napatakip ako sa bibig ko. Napansin ko ng natahimik siya at nakatingin lang siya sa akin. Ooops. Did I hit the nerve? Huli na para bawiin ko 'yung sinabi ko.

Umupo siya mula sa pagkakahiga atsaka inilapit sa akin ang kanyang mukha. Ang sama ng tingin niya. Gosh, anong gagawin niya sa akin? Susuntukin niya kaya ako? Pipilayan sa kabilang paa?

"Akala ko ba wala kang nakita?" sobrang seryosong tanong niya kaya napalunok ako.

"Huh? Uhm... K-kasi... k-kaunti lang n-naman e... Kaunti... l-lang nakita ko... p-promise..."

"Kung anuman ang nakita mo, atin atin lang 'yun kasi kung hindi—"

"Kung hindi ano? Tss. Kala mo naman natatakot ako sa'yo," I told him but deep inside ang lakas na ng heartbeat ko. Damn. Ang lapit kaya namin sa isa't isa.

Nag-smirk lang siya at ang ikinagulat ko ay ng hawakan niya 'ko sa balikat at inihiga sa stretcher. And then in just a blink of an eye, he's now on top of me. Halos gahibla na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Ramdam ko pa nga 'yung init ng hininga niya e. Infairness, mabango ah. Hindi ako makagalaw kasi pareho niyang hawak ang mga kamay ko. What the hell is he doing?

"Masyado kang matapang my naughty bratinella," he uttered with a seductive smile.

"What the—Anong your naughty bratinella?" iritang tanong ko sa kanya. Pinagsasabe nito? Ngumiti lang siya at inilapit niya pa lalo ang kanyang mukha sa akin. Ngayon ay magkadikit na ang mga.... ilong naming.Woah! Kaunting kaunti na lang at maghahalikan na kami. Lord naman... huwag naman po sana sa unggoy na 'to mapunta ang first kiss ko. Nakalaan na kay Jace 'yun e.

I closed my eyes. Lord, kayo na pong bahala sa akin.

Matapos ang ilang segundo at naramdaman kong safe ang first kiss ko ay nagdesisyon akong idilat ang akng mga mata.

"Nakakatawa 'yung hitsura mo kanina," natatawang sabi pa niya na kasalukuyang nakasandal na sa pader at naka-crossed arms pa.

Dahan dahan akong umupo mula sa pagkakahiga ko atsaka siya binato ng unan.

"Magpahinga ka na nga. Inaatake ka na naman ng kabaliwan mo e," he murmured laughing before he turned his back. "By the way, Aileen is my ex-girlfriend," pahabol niya bago tuluyang lumabas ng clinic.

Ex niya si Aileen? Nagka-girlfriend siya? Naka-tsamba ah! Pero kung mag-ex na sila bakit hinalikan niya pa si Aileen kung gano'n? Hmmm. Hindi pa nakakamove on si Loko HAHAHAHA.

Pagkalabas ni ulap ay siya namang pagpasok ni Nurse Cristine. Akala ko natabunan na siya ng mga gamot e.

"Sorry Ms. Tuazon, absent kasi si Dr. Sylvia e. HInanap ko pa kung saan nakalagay 'yung mga gamot. Binago pala 'yung office niya. Oh heto inumin mo muna. Pain killer 'yan," he explained as she handed a single tablet and a glass of water.

"Thank you po."

Muling lumabas ng clinic si nurse Cristine at pagbalik nito ay may dala na siyang cold compress. Lumapit siya sa akin at marahang ipinahid ang compress habang mina-massage ang aking paa.

************

Mga 30 minutes na siguro akong nakatulog ng biglang bumukas ang pinto ng clinic at pumasok doon ang isang gwapong nilalang na may bahid ng pag-aalala ang kanyang gwapong mukha. Shet, lalim!

Lumapit siya agad sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Ano ba naman 'yan, kinikilig ako!

"Amethyst, are you okay? May masakit ba sa'yo? Tell me, dadalhin kita sa hospital." he mumbled.

"Huh? Teka Jace, 'di ba may taping ka? Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Ipinagpabukas na lang ni direk 'yung mga scenes na meron ako. Hindi ako makapag-concentrate e. Tinawagan ako ni Cloud. Nawalan ka daw ng malay at malala daw 'yung kalagayan mo ngayon. May sakit ka ba? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" he explained at mahahalata mo talaga sa hitsura niya na nag-aalala siya.

Kinilig naman ako do'n. He's really worried about me? Pero anong sinabi niya? Tumawag sa kanya si Ulap at sinabing may malala akong sakit? Ano na namang pumasok sa utak no'n at dinamay pa si Jace my loves?

Continue Reading

You'll Also Like

52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
8.5K 594 22
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
5.4M 274K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
281K 19.5K 90
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...