EDSA (Emosyong Dinaan Sa Awit...

By itsvxi

17.3K 1K 659

A Viceion Story β™‘ "You can look at a picture for a week and never think of it again. You can also look at a p... More

01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28

15

564 34 48
By itsvxi

(Hi everyone! May nagsabi sa akin na hindi daw bagay if si Ryza Cenon si Angel. Mas maganda daw if si Erich Gonzales. So simula naman si Angel ay si Erich na. Angel Gonzales na siya mga bHiE! Thank you!)


"I missed you." Ani ni Angel sabay yakap kay William.


"Anong ginagawa mo dito, Angel?" Tanong ni William sabay alis ng pagkayakap ni Angel.


"Andito na ako, Love. Babawiin na kita. We deserve a second chance. Please? Love?" Pagmamakaawa ni Angel. Napasapo naman si William sa kanyang noo.


"Angel, may iba na akong mahal." Mahinahong sambit ni William.


"No, William. Alam ko naman na ako parin. Please? Tayo nalang ulit." Pagmamakaawa ni Angel dito.


"Angel, umuwi ka na. Gabi na oh. Pupuntahan ko pa yung mahal ko." Madiin na sambit ni William at iniwan si Angel.


William's POV
Minsan lang ako magmahal at alam ko kung para kanino tumitibok ang puso ko. Agad akong umalis ng school para hanapin si Andreas. Nung una ay lumalakad lang ako ng mabilis hanggang sa tumakbo na ako. Mawal na ang lahat sa akin huwag lang si Andreas. Hindi ko kaya.


Pagkarating ko sa dorm ay agad kong hinanap si Andreas. Napansin ko naman na wala ito. Nasaan kaya yun? Agad kong binaba ang mga gamit ko a tumakbo sa dorm ng mga kaibigan namin.


Una akong pumunta sa dorm nila Lucas at Paul dahil bawal naman ito matulog sa mga babae. Pagkarating ko sa dorm nila Paul at Lucas ay agad akong kumatok.


"Bro? Sorry sa istorbo. Nandyan ba si Andreas?" Agad kong tanong. Ramdam ko ang pawis sa aking katawan.


"Oh? Ang basa mo. Wala man siya dito eh. Napano ba kayo?" Tanong naman ni Paul dahil tulog na si Lucas.


"Sabay dapat kaming uuwi ngayon eh kaso una siyang umalis." Sagot ko dito sabay punas ng pawis ko.


"Try mo kila Celine. For sure, doon lang yun." Ani naman ni Paul sa akin.


Tumango naman ako bilang sagot at nagpaalam na. Nasaan ka ba kasi Andreas Viceral. Hindi ko alam kung bakit pero kailangan ko siyang puntahan. Kailangan kong malaman kung okay lang ba siya.


Pagkarating ko sa dorm nila Celine at Emma ay nararamdaman ko ang kaba sa puso ko. Kakatakot na sana ako kaso bumakad ang pintuan at nakita ko namang nagulat ito.


"Umiyak ka ba? Okay ka lang?" Agad kong tanong dito.


"Okay lang ako. Anong ginagawa mo dito? Baka hinahanap ka ng Angel mo." Malamig na sambit nito sa akin.


"Hinahanap kita. Wala naman kasi akong pakealam kay Angel. Tara na? Malulungkot ako pag hindi ka matutulog sa dorm natin." Pagmamakaawa ko dito at inabot ang kamay ko sakanya.


Sinarado ni Andreas ang pintuan sa likod niya at sumandal dito. Nakahalukipkip ito at tinignan lang ako ng diretso sa mata.


"Halika dito." Ani ko sakanya.


"Ayoko William. Gusto ko ng matulog please?" Malamig na sambit nito.


"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko dito. Gusto kong marinig na nagseselos siya o di kaya nagagalit. Gusto kong manggaling sakanya.


"Bakit bawal? Stress lang ako." Mataray na sagot nito.


"Akala ko naman kung ano. Sige, dyan ka na matulog. Uwi na ako ha? Btw, pwede bang matulog si Angel dun? Sleepover muna siya." Sinadya ko talagang sabihin yun para makita ang gagawin niya.


Andreas' POV
Hayop toh. Pumunta pa talaga dito para sabihin na doon matutulog si Angel. Edi dun kasi siya. Magsama kayong dalawa. Wala naman akong pake sainyo.


"Sige." Matipid na sagot ko. Syempre ayaw ko naman na isipin niya na marupok ako.


"Okay sige. Ingat ka dyan." Ani ni William at lumakad papalayo.


William's POV
Naglakad akong dahan dahan at nagbilang. Alam ko naman na hindi ako matitiis nito eh. Any minute now hahabulin ako nito. Narinig ko naman na binuksan niya ang pintuan at napatingin ako dito.


"Andreas Viceral!" Sigaw ko dito. Napatigil naman siya at tinignan ako.


"Ano?" Naiinis na sagot nito.


"Kunin mo na gamit mo. Umuwi na tayo." Madiin na sambit ko dito.


"Ayoko nga diba? Tigilan mo na nga ako." Mataray na sagot nito.


"Bibigay mo ba ako kay Angel ng hindi pinaglalaban? Pag ako umalis na dito wala na talaga." Pananakot ko sakanya.


"Kung gusto mo talaga ako manatili sayo, gumawa ka ng paraan!" Sigaw pabalik nito sa akin.


Tumakbo ako papalapit dito at niyakap siya ng mahigpit. Niyakap ko siya na parang wala ng bukas. I love you too much, Andi. Gusto ko sanang sabihin pero huwag nalang.


"William hindi ako makahinga." Nahihirapan na sagot ni Andreas.


"Hayaan mo lang ako na yakapin kita." Bulong ko sa tenga nito.


Niyakap ko lang siya. Hindi ko naman kailangan magsalita dahil yakap lang sapat na. Sapat ng matanggal ang sakit na nararamdaman niya. Sapat ng iparamdam na mahal ko siya. Sapat na siya.


"Intrams na bukas. Kailangan ko cheerleader ko." Bulong ko sa tenga nito sabay halik sa pisnge.


"Andreas? May Angel man o Wala ikaw padin pipiliin ko. Mas mahalaga ka. Gusto ko maging panatag ang puso mo. Oo, may mga mas magagandang babae pero para sa akin ikaw lang ang maganda. Para sa akin, ikaw lang sapat na. Please trust me? Andi?" Bulong ko sa tenga nito sabay hawi sa buhok niya.


"I trust you. Uwi na tayo." Nakangiting sagot nito at tumango naman ako.


Hinintay ko lang siya sa labas ng dorm nila Celine. Maya maya lang ay lumabas na itong may ngiti sa kanyang labi at bitbit ang bag nito. Agad ko naman kinuha ang bag nito. Nakaakbay ako sakanya hanggang sa makapunta kami sa dorm.


INTRAMS


"Kaya mo yan Andi! Support lang kami sayo girl!" Ani ni Celine habang nakasuot ng pang cheerleader kasama si Emma.


"You're so pretty! Go Andi!" Ani naman ni Emma.


"Goodluck bebe." Bulong ni William kay Andreas. Tinignan lang ni Emma at Celine ng nakakaloko ang dalawa.


"Goodluck din." Pabalik na bulong ni Andreas.


Nagsimula na ang laban ni Andreas. Unang set ay panalo na agad sila. Patago naman sumusuporta si William.


"Yes!" Mahinang sigaw ni William ng mapasok ni Andreas ang bola.


Pagkadating sa second set ay natalo sila Andreas kay naisipan muna nila na mag break for 5 mins. Agad naman nilapitan ni William ito para bigyan ng pampunas at gatorade.


"Kaya mo yan, Andreas! Naniniwala ako sayo. Go!" Pagchecheer ni William dito. Napangiti naman si Andreas at inaperan si William.


Last point nalang para kila Andreas. Pagkaspike niya ay pumasok agad ang bola. Sobrang intense ng laban dahil parehong magaling ang team. Hanggang sa...


"Putangina! Pasok! Go Andi!" Napatalon naman si William at sila Andi ng manalo sila.


Agad tumakbo si William kay Andreas at niyakap ng mahigpit. Kinilig naman ang lahat sa nasaksihan nila ung iba naman ay nagiisip kung ano ba silang dalawa. May dalawag tao na hindi natuwa sa ginawa nila si Romeo at Angel. Makikita mo ang inis sa mga mukha nila.


"Hoy! Grabe ka naman makayakap William." Ani ni Celine at pinaghiwalay ang dalawa.


"Anong meron? Ha? Itong magjowamg hilaw! Lalandi niyo." Ani naman ni Paul.


"Selos ka naman. Congrats, Munchie!" Ani ni Emman at niyakap si Andreas.


"Huwag masyadong mahigpit, tol." Seryosong sambit ni William.


"Seloso! Di naman kayo." Ani ni Dos at napatawa naman sila ngunit si Andreas ay pilit lang ngumiti.


"Next na kami niyan. Warmup lang kami guys!" Pagpapaalam ni William. Tinignan naman niya si Andreas at kinindatan.


Sinundan lang ng mga mata ni Andreas si William. Tinignan niya lang ito at nainis ng makita niyang may lumapit na babae sa kanya at binigyan siya ng tubig. Malabo ang mata nito kaya hindi niya agad nakita. Maya maya lang ay napansin niya na si Angel ito. Hindi naman tinanggap ni William ang inumin nito at lumakad na papalayo.


"Ganda mo ha? Ganda ni Angel pero hindi man niya pinansin." Ani naman ni Celine dito.


"Iba talaga. Ano nga ulit kayo? Friends? With benefits?" Pangaasar ni Emma. Mas lalong nainis si Andreas ng tumawa si Emma at Celine.


"Okay lang. At least nasa akin siya. Sino nagsabi nahahayaan ko si Angel? That's my man. Ang para kay Andreas ay para kay Andreas." Madiinin na sambit ni Andreas.


"Eh hindi naman sayo si William." Pagkokontra ni Celine dito.


"Daot ka naman eh." Ani ni Andreas.


"Okay fine. Andreas and William forever." Ani ni Celine sabay irap.


Nagsimula na ang laro nila William at sa unang quarter ay nanalo sila Romeo. Makikita mo ang galit, inis, at pagod sa mukha ni William. Gusto sana lapitan ito ni Andreas kaso nakatingin si Angel sa kanila.


"Alam mo sis lapitan mo na si William. Puro ka tingin eh." Ani ni Celine. Napatingin naman si Andi dito at binalik ang tingin kay William.


"Andun si Angel eh." Mahinang bulong ni Andreas.


"So what? Sila ba? Alam naman namin na mahal niyo ang isa't isa. Halata naman kasi eh. Lalapit ka sakanya o si Angel? Pili ka sis." Ani naman ni Emma.



Napaisip naman si Andreas sa sinabi nito. Oo nga naman bakit siya matatakot? Si Angel asa past na ni William. Si Andreas na ang present at ang future. Agad naman kinuha ni Andreas ang tubig niya at tumakbo papalapit kay William.


"Hoy! Anong ginagawa mo?" Agad na bungad ni Andreas dito.


Napatingin naman si William sa likod niya. Inis na inis si William na humarap dito. Agad napawi ang inis nito ng si Andreas ang nakita niya. Nawala ang mga linya sa noo nito at napalitan ng ngiti.


"Bebe." Mahinang bulong ni William. Agad niya itong niyakapan kahit may harang sa gitna nila.


"Ew pawis! So gross!" Pangaasar ni Andreas dito ngunit hindi bumitaw si William.


"Ayusin mo naman laban mo! Sayang pagiging mayabang mo sulitin mo na. Dito lang ako ha? Panuorin kita." Bulong ni Andreas dito at humiwalay sa yakap ni William.


"Go William!" Sigaw ni Andreas sabay taas ng kanyang mga kamay.


"Thank you! Game na kami ha?" Tumango naman si Andreas at nginitian si William.


Masayang naglaro si William andun kasi ang inspirasyon niya. Maririnig mo ang mga hiyawan sa tuwing pumapasok ang bola. Nanalo naman sila sa 2nd quarter at 3rd. Pasimple naman tumitingin si William kay Andreas.


"Ganda!" Pangaasar ni Celine dito.


"Ngayon nalang namin nakita si William na ganya kasaya." Singit naman ni Dos.


"Thanks Andi. For making William happy and alive again." Nakangiting sambit ni Dos. Ngumiti naman pabalik si Andreas dito.


"Last quarter nalang pala eh? Tangina bro tambak! Sure win na sila William." Ani ni Paul kay Lucas habang nakaupo sa bench.


"Grabe isipin mo yun nanalo si Andi kanina tapos si William ngayon. Iba talaga pag may inspiration." Pangaasar ni Lucas kay Andreas. Napangisi naman si Andreas.


Kagrupo din ni William sila Lucas, Paul, Dos at Emman. Sabi nga nila ay swerte sila dahil magkakasama silang magkakaibigan.


3... 2... 1... Buzzer Beater!


"Hoy! Gago! Panalo." Masayang sigaw ni Andreas.


Lahat sila ay nagsisigawan at nagsisitalunan. Agad nagyakapan ang mga mag ka teammates ni William. Maya maya lang ay tumakbo ito kay Andreas at niyakap.


"Congrats! Galing mo!" Sigaw ni Andreas kay William.


"Nawala na pagod ko." Bulong ni William kay Andreas.


"Landi mo ha." Pabalik na bulong ni Andreas dito at humiwalay na sa yakap ni William.


"Ano victory party na natin toh?" Tanong ni Paul sa mga ito.


"Osige, kailan ba?" Tanong naman ni William habang tinatanggal ang sapatos niya.


"Sa sabado pwede?" Tanong muli ni Paul.


"Oo." "Hindi." Sabay na sagot ni William at Andreas. Napatingin naman ang dalawa sa isa't isa.


"Bakit hindi?" Tanong ni Andreas dito.


"Aalis tayo sa sabado pati linggo. Puntahan natin si Mama. Sorry guys date muna kami." Ani ni William. Napailing naman si Andreas.


"Bakit biglaan?" Tanong ni Andreas.


"Yun naman talaga ang dapat kong sasabihin sayo kaso nagtampo tampo ka pa." Pangaasar ni William dito. Inirapan naman ni Andreas ito.


"Excuse me?" Lahat naman ay napatingin sa nagsalita. Agad nawala ang mga ngiti sa labi nila ng makita si Angel.


"Yes?" Tanong naman ni Celine dito.


"Uhm... William? Para sayo pinapabigay ni Mama. Congrats. Gusto ko din sana niyang yayain sa sabado? Kasi birth—" Hindi naman natapos ang sinasabi ni Angel ng sinabayan ito ni William.


"Sorry ha? Aalis kasi ako sa Sabado. Importante kasi lakad ko. Salamat sa leche flan pakisabi kay tita." Magalang na sagot ni William. Tumango naman si Angel at nagbigay ng matipid na ngiti.


"See you around, Love." Ani ni Angel at hinalikan ng mabilis si William sa labi at agad umalis.


Nagulat naman si Andreas sa mga nangyayare at talagang sa harapan pa niya hinalikan si William. Naramdaman niya na naginit ang ulo nito. Tinignan ni William ito at napansin ang kunot sa ulo niya.


"Galit ka nanaman." Bulong ni William kay Andreas. Nananahimik lang ang mga kaibigan nila at lumakad papalayo para bigyan ng oras magusap ang dalawa.


"Ha? Hindi ako galit." Ani ni Andreas at nagbigay ng pekeng ngiti.


"Alam ko na galit ka." Ani ni William. Hinawakan niya ang kamay ni Andreas na nakatikom at hinawi ang mga ugat na nakalabas.


"Nakikita mo tong ugat mo? Ung kunot sa noo mo? Alam ko na galit ka. Kahit hindi mo sabihin alam ko." Malambing na sambit ni William.


"Nagulat lang ako." Ani naman ni Andreas. Nagtaka naman si William sa kinukuha ni Andreas sa bag niya.


"Ano yan?" Tanong ni William. Inabot ni Andreas ang wipes sa kanya.


"Wipes mo bibig mo. Tara na." Ani naman ni Andreas. Natawa naman si William dito at kinuha ang wipes.


"Mas masarap ka parin humalik." Bulong ni William kay Andreas. Natwa naman ito.


"Alam ko." Ani ni Andreas at kumindat. Lumakad ito patalikod at tinignan ni William ito ng nakakaloko.


"Kahit pagod ako di kita aatrasan." Napakagat naman si Andreas sa kanyang labi. Dahan dahan lumapit si William dito ngunit tumakbo ng mabilis si Andreas.


Habang naghaharutan sila ay tinitignan lang ng mga  kaibigan nila ito. Napangiti naman sila ng makitang masaya ang dalawa pero hindi parin mawawala ang pangamba sa puso nila.


"Taya ako 1k magiging sila." Ani ni Paul.


"Ako 5k masasaktan sila." Ani naman ni Dos.


"Grabe ka dos! Ako 2k magkakatuluyan mga yan." Ani naman ni Emma.


"Ako 500 sila din sa huli." Ani ni Lucas.


"Kuripot mo. Bakit kayo nagtataya? Grabe kayo." Mataray na sagot ni Celine.


"Ako 10k Hindi magkakatuluyan mga yan. Andyan si Angel oh." Napairap naman si Celine sa sinabi ni Emman.


"I hate it here." Naiinis na sambit ni Celine.


"Biro lang yun. Syempre tao sila noh. Hindi naman natin alam eh. Hayaan na natin sa tadhana." Pambabawi ni Dos. Tumango naman silang lahat habang tinitignan parin ang dalawang nagtatakbuhan.


"Hayaan na natin sila. Tara na?" Tanong ni Paul sa mga ito. Tumango naman sila bilang sagot at umalis na.


"Sa akin ka lang Andi."


"I'm back, Love. I'll make sure na sa akin parin ang bagsak mo."


*****

Continue Reading

You'll Also Like

231K 26.1K 67
#Book-2 of Hidden Marriage Series. πŸ”₯❀️ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...
423K 5.8K 32
Rajveer is not in love with Prachi and wants to take revenge from her . He knows she is a virgin and is very peculiar that nobody touches her. Prachi...
427K 24K 43
The story continues to unfold, with secrets unraveling and new dangers lurking in the shadows. The Chauhan family must stay united and face the chall...
2.5M 143K 48
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...