Blood ties
"Sige po mauna na ako."ngiti kong saad sakanila. Bahagya naman kumaway ang lahat nang maid saakin maging si kiendrick ay ganon rin.
"Onee-cham! will i see you again?"nakangiting tanong nito.
"Hmm, next time? Dadalawin kita..."sagot ko.
"Mag iingat ka ha?"sambit ni manang ester at agad ako binigyan nang payong.
"Makulimlim, baka mag kasakit ka' at mayari pa ako."dagdag pa niya.
"Salamat po."ngiti kong aniya.
Agad na akong nag lakad palabas nang gate, hindi na ako nakapag paalam kay Ms. kieja dala ng may ginagawa raw ito. hanggang ngayon naiisip ko pa rin iyong kwento ni manang ester.
Isang zolidyck si detective futaba? it means nga na makapangyarihan ito? Pero bakit pa nag tratrabaho itong si detective futaba kung marami namang hawak na pera?
Agad akong dumeretso sa dorm ko' agad kong hinubad ang damit ko at agad na dumeretso sa CR saka nag half bath. Pag katapos ay agad na ako dumeretso palabas para mag bihis.
Naalala ko nanaman iyong pangyayari na nandito si detective futaba. Marahan ko na pinatay ang natitirang ilaw at ni locked ang pintuan.
Kinabukasan ay bahagya akong nagising dahil sa ingay mula sa labas nang dorm ko. Inaantok man ay agad na rin akong bumangon. Akma kong bubuksan ang pintuan ko ng biglang sumigaw si detective ferrer.
"Solein! Huwag ka muna lalabas."saad nito.
Napag tanto kong naka police line ang buong kwarto ko' bakit naman dito pa? May krimen nanaman ba?
"Tss." Agad na sinipa ang pintuan ko' dahilan ng pag ka sira nito. Napag tanto ko nalang na si detective futaba iyon.
Marahan nito hinila ang kamay ko at sapilitang inilabas doon. "Aray!"bulyaw ko sakaniya.
"Shut up!"bulyaw niya pabalik.
-
"Mabuti at nailabas mo si ma'am, kung hindi baka ma contaminate."saad nang pulis mula sa harapan ni detective futaba.
"Ano ba' meron?"tanong ko.
"May isang lalaki daw na pumasok sa kwarto mo' at doon naganap ang krimen. Jusmeyo mabuti at hindi ka manlang nagising."sambit ni detective ferrer.
"How would she wake up if it was placed on her ear."iritadong saad ni detective futaba habang turo-turo ang nasa tenga ko.
Agad ko iyon hinawakan at mukhang earphones iyon' kaya siguro wala akong naramdaman na ingay o kung ano man dahil sa malakas ang volume?
"Sir, this is the paper a millionare shot in the forehead' at his own home. At pinag susupetsiyahan ang isa sa mga anak nito na nag tago mula sa kwarto niya."saad ng lalaking kausap nila detective futaba, at bahagya akong tinuro.
"So he have a three son?"detective futaba asked.
"So sinasabi mong isa sakanila' ang pumatay?"tanong ni detective ferrer.
Nanatili lamang akong nakayakap sa katawan ko' dahil sa malamig na klima. Pakiramdam ko ay madaling araw palang ngayon.
"Wear this."sambit ni detective ferrer, habang hawak-hawak ang kanina'y jacket na nakasuot sakaniya.
"Hindi, okay lang' maraming salamat."saad ko.
"Bahala ka' malamigan diyan, solein."asar na saad ni detective futaba.
Agad na may dumating na pulis, sakay ang tatlong' lalaki na mukhang mayayaman. Agad itong iniscortan ng mga naroon. Maging sila detective ferrer ay marahan na sumilip doon.
Ang isa ay nanahimik mula sa dulo, ang pangalawa naman ay nanatiling nakayuko ang pangatlo naman ay parang galit at tinutukoy kung bakit andito siya.
"Solein, mauna kana' sa headquarters. Doon kana muna mag pahinga. Hindi ka pa pwede pumasok doon sa dorm mo."seryosong saad ni detective ferrer.
"Sasamahan ka ni ariana' papunta doon, gamitin mo itong jacket ko."nakangiti nitong saad at agad na sumenyas mula sa dulo. Agad naman dumeretso ang sinasabi niyang ariana at bahagya itong ngumiti saakin.
Ginantihan ko rin ito ng ngiti at agad naman ako nito inalalayan. "Hello ma'am i'm ariana."nakangiti nitong saad.
"I'm soleil, don't call me ma'am."i said while smiling to her.
"I thought you we're solein."natatawa nitong' saad.
"Huwag ka maniwala doon kay detective ferrer."tawa kong saad.
"By the way ma'am, si mr. zolidyck yong katabi niyo' kanina hindi ba?"tanong nito.
Naalala ko lang na ang katabi namin ay isang pulis at si detective futaba, maari ngang si detective futaba ang tinutukoy nito.
"Hmm, zolidyck?""tanong ko.
"Ah, oo."kinikilig nitong ani.
Marahan nalamang akong napailing at napangiti sakaniya, makikita mo sa mukha niya na may pag tingin ito kay detective futaba.
"Si sir kieji, iyon diba?"saad niya.
"Kieji?"napaisip kong bigla ang pangalan na iyon.
"May kambal ba' iyong lalaking katabi niyo kanina?"tanong nito.
"Ah by the way ariana, ano position mo?"pag iiba ko ng tanong.
"Medical. Actually kalilipat ko lang sa building ni Mr. marco."saad nito.
"Sinong handler mo?"tanong ko.
"Si Mr. kieji."saad nito.
"Kieji?"tanong ko.
"Kaya nga napansin ko kung bakit may kamukha ng katabi nyong' lalaki kanina."aniya.
"Nandito na tayo' ito yong susi. Kompleto na lahat ng gagamitin mo. Siguro ay mag fifit naman ang mga pantulog na nakalagay sa drawer. Since sabi ay hindi kapa pwede pumunta sa dorm mo."ngiti nitong saad at agad na ibinigay ang susi.
"Ah ariana..."i said.
"Hmm?"tanong nito.
"T-thank you..."ngiti ko.
Hindi ko matanong si ariana about doon sa sinasabi niyang kieji naalala ko yong sinabi ni manang ester about detective futaba's family members. At mukhang nag tugma ito sa sinabi ni ariana na may kamukha si detective futaba.
Agad ko nalamang binuksan ang pintuan at pumuwesto upang matulog' wala na ako sa wisyo para mag palit nang damit since naka sando at pajama lang naman ako. At mas comportable ako suotin.
Masyadong inaantok ang diwa' ko para alalahanin ang mga bagay bagay. Pero iisa lang ang pumukaw sa atensyon ko ngayon.
Kambal ni detective futaba?