FLAMES OF ROZE | Season 1 | T...

بواسطة sainreenity

8K 522 133

LOGLINE: A rebellious maiden who runs away from her family after recovering from a mental institute struggles... المزيد

NOTA AUCTORIS (read this first⚠️)
PROOEMIUM (proem)
DUX FABULAE (story guide)
EXORDIUM (Pt. 1) - BEGINNING OF SEASON ONE
EXORDIUM (PT. 2)
CAPITULUM 1
CAPITULUM 2
CAPITULUM 3
CAPITULUM 4
CAPITULUM 5
CAPITULUM 6
CAPITULUM 7
CAPITULUM 8
CAPITULUM 9
CAPITULUM 10
CAPITULUM 11
CAPITULUM 12
CAPITULUM 13
CAPITULUM 14
CAPITULUM 15
CAPITULUM 16
CAPITULUM 17
CAPITULUM 18
CAPITULUM 19
CAPITULUM 20
CAPITULUM 21
CAPITULUM 22
CAPITULUM 23
CAPITULUM 24
CAPITULUM 25
CAPITULUM 26
CAPITULUM 28
CAPITULUM 29
CAPITULUM 30
CAPITULUM 31
CAPITULUM 32
CAPITULUM 33
CAPITULUM 34
CAPITULUM 35
CAPITULUM 36
CAPITULUM 37
CAPITULUM 38
CAPITULUM 39
CAPITULUM 40
CAPITULUM 41
CAPITULUM 42
CAPITULUM 43
CAPITULUM 44
CAPITULUM 45
CAPITULUM 46
CAPITULUM 47
CAPITULUM 48
CAPITULUM 49
CAPITULUM 50
CAPITULUM 51
CAPITULUM 52
CAPITULUM 53
CAPITULUM 54
CAPITULUM 55
CAPITULUM 56
CAPITULUM 57
CAPITULUM 58
CAPITULUM 59
CAPITULUM 60
CAPITULUM 61
CAPITULUM 62
CAPITULUM 63
CAPITULUM 64
CAPITULUM 65
CAPITULUM 66
CAPITULUM 67
CAPITULUM 68
CAPITULUM 69
CAPITULUM 70
CAPITULUM 71
CAPITULUM 72
CAPITULUM 73
CAPITULUM 74
CAPITULUM 75
CAPITULUM 76
CAPITULUM 77 - END OF SEASON ONE

CAPITULUM 27

83 8 1
بواسطة sainreenity

27 | Fall

XIAFEZIN ROZE'S POINT OF VIEW

Dumiretso na ako sa daan papunta sa kagubatan. Mabilis ang pagpapatakbo ko sa motor sa ilalim ng isang malamig at tahimik na gabi. Hindi ko alam kung bakit hindi ako natatakot kahit pa ako lang mag-isa at napakadilim ng gubat.

Tanging ang ilaw sa motor ko lang ang nagpapaliwanag sa tinatahak kong kalsada kaya naman nanalangin ako ng taimtim na sana ay makarating na ako ng mabilis.

Mabuti na lang at kinabisado ko ang daan noong pumunta kami sa Betelgeuse Society base noon. Alam ko pa kung saan banda sa kagubatan na ito ang daan patungo sa hanging bridge kaya naman kampante akong hindi ako maliligaw.

Inihinto ko na ang motor nang matanaw ko na ang hanging bridge. Hindi ko madadala ang motor doon kaya naman iiwan ko na lang muna rito. Sinuot ko na ang black cloak at hinawakang mabuti ang basket na dala ko.

Kumuha ako ng isang malaking kahoy na nakita ko lamang sa gilid ng isang napakalaking puno kung saan ko tinabi ang motor. Sinindihan ko ang dulo ng kahoy na iyon ng apoy gamit ang mahika para magsilbing liwanag ko sa daan.

Napabuntonghininga ako. Kaya ko ba talaga, ito? Wala pa man, nahihirapan na ako sa paglalakad.

Pinakatitigan ko ang dulo ng hanging bridge na iyon at nakita kong napakadilim doon kahit pa napakaliwanag naman ng buwan. Bahagya akong kinabahan pero dahil narito na ako ay hindi na ako aatras pa.

Umihip ang malamig na hangin ng gabi at bahagya akong gininaw sa lamig. Hinahangin ang hood ko na suot at ang buhok ko, kaya naman mabilis na inayos kong muli iyon at hinanda na ang sarili.

Mabilis na akong kumilos at sa nanginginig na tuhod ay humakbang na ako sa hanging bridge. Nakakarinig ako ng lagaslas ng tubig kaya naman kahit ayoko ay napatingin ako sa baba at nakitang ilog pala ang naroon. At kahit ilog ang ilalim ng hanging bridge ay kinakabahan pa rin ako!

"Hays!"

Ganito talaga Roze! Hahamakin mo ang lahat, 'di ba?! Ginusto mo ito, 'di ba?

Nakasukbit ang basket sa kanan kong braso habang hawak ko roon ang nagsisilbing ilaw ko. Ang kaliwang kamay naman ang ginamit ko pang hawak sa suporta at doon ay kumapit ako ng mabuti dahil pakiramdam ko'y isang maling galaw lang ay mahuhulog ako.

Dahan-dahan akong naglakad sa bridge at nang mapagtanto kong mukhang kakayanin naman ng bridge ang bigat ko ay tinakbo ko na ang napakahabang hanging bridge na iyon hanggang sa wakas ay marating ko na ang dulo.

Wala sa sarili akong napangiti nang marating ko na nga iyon. Luminga ako sa kanan at kaliwa. Sa kanan ang daan patungong Betelgeuse Society base. Sa kaliwa ay hindi ko alam kung anong mayroon doon. Pero may kung ano sa'kin na parang nagtutulak na magtungo roon kahit hindi pa naman ako sigurado kung saan ako dadalhin ng daan na iyon.

Mabilis akong naglakad doon at pinagmasdan ko ang paligid kung makakakita ba ako ng kahit na anong tanda kung nasaang lugar na ako.

Natigilan lang ako sa paglalakad nang makarinig ako ng kaluskos sa paligid. Luminga-linga ako ngunit wala naman akong makita.

I continued to walk again only to stop again when I heard another rustling sound. What was that? Nakiramdam na ako sa paligid. Tama pa ba itong ginagawa ko? Wala nang kaluskos ngunit may nararamdaman akong kakaiba. Napalunok ako.

"Hello?! Is there anyone here?" kabado kong tanong.

Nang may maramdaman akong presensya sa likuran ko, hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Marahas akong lumingon at itinutok doon ang nagniningas kong apoy!

"Sino ka?!" Marahas kong inalis ang hood sa ulo ko. Napatalon siya sa gulat at sa huli'y hindi na rin gumalaw.

Nakita kong nakahood ng pula ang babaeng iyon. Hindi ko makita ng maayos ang mukha niya dahil bukod sa madilim dilim ang paligid at kaonti lang ang nabibigay na liwanag ng apoy ko, malalim din ang hood na suot niya kaya hindi ko masilayan ng maayos ang mukha niya. Sapat lang ang butas nito para maaninag kong may mukha siya. Alam kong nakatingin siya sa'kin.

"Tinatanong ko kung sino ka..." ulit ko.

Hindi siya sumagot.

Naningkit ang mga mata ko. "Who are you?" tanong ko sa ingles dahil baka hindi niya naintindihan ang lenggwaheng ginamit ko kanina.

"K-Kanika?"

Sino ito? Salubong ang kilay na napanguso ako. Iyon ba ang pangalan niya o iyon ang akala niyang pangalan ko?

"I'm not Kanika."

"That's impossible..." she muttered.

Napakaganda ng boses niya, babaeng babae. Pinigilan kong mapangiti.

"I'm asking who are you?" I repeated the question.

Marahan niyang inalis ang hood sa ulo at doon ay napatanga ako sa kaharap...ang ganda niya.

Para akong hinarap sa isang perpektong anghel. Maganda ang pagkakahulma ng mga mata at kilay niya, natural ang pula ng kaniyang mga labi, matangos ang kaniyang ilong, at makapal ang kaniyang mga pilik. Pinadidilim nito ang kaniyang itim na mga mata.

Hindi siya gaanong maputi at mas maputi pa rin ako sa kaniya, pero walang pinagkaiba ang kinis ng balat niya sa'kin at wala akong makitang kapintasan. Mas matangkad din siya at mas maganda ang kurba ng katawan. Matagal kaming napatitig sa isa't isa at hindi na ako nakapagsalita pa.

Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko at napatingin pa siya sa dala kong basket ng mga pagkain. Nahihiya ko iyong tinago sa likuran ko at mas lalong ngumuso.

Napatingin din ako sa suot niya at nakitang napakahaba ng kahel niyang damit. Nagtataka siyang nag-angat ng tingin sa'kin at kitang-kita ko ang pagdududa sa mga mata niya.

"I'm Klaudia," pagpapakilala niya sa mabining boses, sticking out her hand for a hand shake.

Napakurap-kurap ako sa kaniya at wala sa sariling binaba ang apoy sa kahoy bago inabot ang kamay niya. Hindi ko alam kung paanong nagandahan ako sa pangalan niya kahit simple lang naman iyon kung pakikinggan.

"I-I'm...I'm Roze po. Xiafezin Roze," sa maliit na boses ko sinabi at pakiramdam ko nanliliit ako. Napakalambot ng kamay niya!

May kung ano sa kaniya na nagtulak sa'kin para maglagay ng respeto sa mga salita ko. I'm not really a respectful person but I think my respect would come out naturally tonight.

"Saan ka pupunta at...bakit mag-isa ka rito?" Kalmado pa rin niyang tanong at binitawan na ang kamay ko.

Naiwan sa ere ang kamay ko at matagal pa bago ko naibaba. Marunong pala siyang magtagalog, pero...ganoon ba talaga? Bakit sa sobrang ganda ng boses niya ay parang hindi ko iyon maintindihan?!

"A-Ano po ulit?" natatanga kong tanong.

Napansin kong nagpipigil siya ng ngiti. "Ang sabi ko...Saan ka pupunta at bakit mag-isa ka rito, hija?"

Napakurap-kurap ako. Hija?!

"Hindi mo ba alam na delikado para sa isang babaeng tulad mo ang maglakad dito mag-isa?"

"Pupunta po ako sa...sa palasyo po..." I trailed off.

Hindi ko alam kung dapat bang sinabi ko na pupunta nga ako sa palasyo. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya.

"Anong palasyo?"

"Ahh...I-Iyong palasyo po...palasyo po sa...sa Royal Society base po...alam niyo po ba kung saan iyon? Hindi po kasi ako sigurado sa daan po," maingat kong sinabi.

Mabilis na luminga siya sa paligid at nagulat na lang ako nang hilain niya ako patungo sa likuran ng isang puno. Sa pwestong iyon, marami nang alitaptap na nagliliwanag. May isang puno roon sa hindi kalayuan ang sobrang liwanag. Iyon ang nagbibigay ilaw sa'min.

"Anong gagawin mo roon? Hindi mo ba alam na delikado ang magtungo roon mag-isa? Baka mapaglaruan ka ng mga elemento!" Mahigpit ang kapit niya sa braso ko at tumatama na iyon sa mga pasa ko.

Hindi ko na inintindi pa iyon.

"K-kaya ko naman po mag-isa. May bibigyan lang po ako nitong mga pagkain po." Itinaas ko ang basket at ipinakita sa kaniya ang laman niyon. "T-Tapos po, uuwi na rin po ako po. Kailangan lang po talaga po."

May multo siya ng ngiti sa labi. Nahihiyang ngumuso ako.

Nagbaba siya ng tingin sa braso kong hawak niya at nakita kong nagulat siya sa malalaking pasa ko roon. Nagtataka siyang napatingin sa'kin at kalmado ko lang siyang tiningnan pabalik. Magaan naman ang pakiramdam ko sa kaniya kaya't hindi na ako kinakabahan pa.

"Kanino mo ibibigay iyan?" Tinuro niya ang basket ko.

"Ahh...sa kaibigan ko lang po. Nakulong po kasi siya sa bilangguan ng palasyong iyon...po. H-Hindi po siya pinapakain doon kaya...naisipan ko pong magluto po," mahinahon kong sagot.

Bahagyang nagsalubong ang kilay niya at parang tinitimbang niya pa ang sinabi ko. Matagal bago siya nagsalita.

"Paano kung mahuli kang binibigyan mo siya ng pagkain? Alam mo bang pwede kang maparusahan ng kamatayan?"

Magaan akong ngumiti. "Kaya ko naman po ang sarili ko po."

Napatitig siya saglit sa ngiti ko na iyon at marahan din siyang ngumiti.

"Maswerte sa'yo ang kaibigan mo kung ganoon."

Opo, pero malas po ako para sa kaniya...

"Siguro nga po," I smiled more.

Naglakad siya palayo sa'kin at akala ko iiwanan na niya ako roon ngunit napakurap-kurap ako nang lumapit siya sa isang napakalaking kabayo na nakatali sa isang puno sa 'di kalayuan.

Tinanggal niya ang pagkakatali nito sa puno at iginiya ang puting kabayo patungo sa'kin.

"Marunong ka bang mangabayo?" tanong niya.

I pouted. "Hindi po masiyado."

"Hindi iyon problema, iingatan ka naman ni Ariel..." aniya sabay tingin niya sa kabayo na parang nakangiti rin sa'kin at umiilaw-ilaw pa ang mga mata.

Napakurap-kurap na naman ako. "S-Sasakay po ako riyan?" gulat kong tinuro si Ariel.

"Matatagalan ka kung lalakarin mo patungo sa palasyo. Tahimik kang dadalhin ni Ariel doon. Huwag kang mag-alala dahil walang ingay ang mga paa niya. Hindi ka maririnig ng mga kawal. Mag-iingat ka lang dahil baka may makakita sa'yo na mga kabalyero at ikulong ka rin kagaya ng kaibigan mo," aniya at hinaplos ang ulo ng kabayo na si Ariel.

"Alright."

"Wala riyan ang hari at reyna, tanging ang mga hukom lang at ang mga nasa konseho ang nariyan," dagdag pa niya. "Pati ang mga nasa mataas na rango, sa tingin ko."

"Wow..." Wala sa sariling sabi ko habang nangingiti pa.

She then stared at me as though amused.

"Mayroon po pala talagang mga kawal doon? May hari at reyna pa! Buong akala ko po moderno na ang panahon ngayon," medyo natutuwa kong sinabi.

Natawa siya sa'kin. "Narito tayo sa Terra Reale. Expect the unexpected, Roze. May mga nasasakupan ang kaharian ng mga Valerious kaya mayroon talagang palasyo, mayroong hari at reyna at mayroon ding mga kawal sa kapitolyo. And because we're here in a modern generation...naging moderno na rin naman ang pamamalakad sa palasyo ngayon. May mga...nabagong sistema sa buong kaharian."

Napatango-tango ako kahit hindi ko naman masiyadong maintindihan ang mga sinasabi niya. Sakop ba ng Royal Society ang kaharian na iyon? O sakop ng kaharian na iyon ang Royal Society?

Hindi ko na talaga alam. Masiyado na akong nahihiwagan sa lugar na ito.

"Mukhang bago ka lamang dito, hija. Hindi mo pa alam ang mga bagay na iyon?"

"Bago pa nga lang po ako...m-medyo nalilito pa. Sobrang laki po kasi ng Terra Reale at mahirap po kabisaduhin ang mga nandito po."

"Siguradong matutuwa ang mga diwata kung ipapasyal kita sa Paraiso. Lalo na si Serfinna. Matagal na rin noong nakita ko siya, at naaalala ko siya sa'yo..." Wala sa sariling niyang sinabi, hinahaplos ang kabayo at nasa kawalan ang tingin. "Siguradong matutuwa siyang makilala ka..."

Napatanga ako. "D-Diwata po?!"

"Gusto ko sanang magkwento sa'yo tungkol sa kasaysayan ng lugar na ito na konektado sa Paraisong tinutukoy ko pero...mukhang nagmamadali ka talaga."

Napangiti muli ako. "Pwede niyo naman po ikwento sa susunod kapag nakabisita po ulit ako rito po."

Natawa siya. "Sana nga may susunod pa."

Tinulungan na niya akong makasakay sa kabayo at mabilis akong nanibago. Hindi pa ako nakakasakay sa kabayo na ganito kalaki! Ngayon pa lang...kaya naman bahagya akong kabado.

Nakita yata ni Klaudia na bakas ang takot sa mukha ko kaya naman natawa na naman siya sa'kin. Hindi ko sigurado kung bakit hindi ako naaasar sa tawa niyang iyon. Pakiramdam ko ay natutuwa siya sa'kin kaya siya tumatawa.

"Huwag kang matakot. Gagabayan ka ni Ariel sa paglalakbay mo," aniya at hinaplos muli ang kabayo.

Hindi ko alam kung bakit mabilis akong nagtiwala sa kaniya. Siguro dahil mukha naman siyang mabait at hindi niya naman ako ipapahamak?

"Pasensya na nga po pala sa kanina po..." napapahiya kong paumanhin.

"I understand your reaction. Natural lang na iyon ang ipakita mo sa mga hindi mo kilala..." malumanay niyang sinabi. "Sige na...mag-iingat ka, Roze."

"S-Salamat po!"

"Walang ano man..." nakangiting aniya. "Sana sa atin muna itong dalawa. At huwag muna sanang makarating sa iba na tinulungan kita."

"Pwede ko po bang malaman kung bakit?"

"Dahil walang pwedeng makaalam na nandito ako sa liblib na lugar ng kapitolyo," simpleng sagot niya at napatango na lang ako kahit nalilito.

Bakit walang pwedeng makaalam? Sino ba siya?

Kumaway pa ako sa kaniya na nahinto lang nang mag-umpisa nang maglakad si Ariel! Hinawakan kong mabuti ang basket kong dala para huwag itong mahulog. Sana lang ay hindi matapon ang chicken soup ko rito!

Naging mahirap iyon sa una ngunit sa gitna ng biyahe ay naging maayos din naman. Sumusunod kasi si Ariel tuwing hinihila ko ang hawakan at pinapabagal ko ang takbo niya, dahil masiyado iyong mabilis. Bukod doon ay marunong naman kasi akong mangabayo. Hindi nga lang ganito kalaki ang sinasakyan ko.

Napangiti ako.

Lumiwanag ang dinadaanan namin ni Ariel dahil maliwanag ang buwan at may mga natatanaw din akong nga kabahayan sa paligid na nagliliwanag ang mga ilaw. Bukod doon may natatanaw na rin akong maliwanag na bagay sa hindi kalayuan.

Hindi nagtagal ay narating namin ang isang bridge patungo sa napakalaki at nagliliwanag na palasyong iyon. Dumapo ang paningin ko sa sahig ng bridge na. Namangha ako nang makitang gawa iyon sa ginto.

Tinakbo na iyon ni Ariel at sinalubong ko ang marahas na hangin na napakalamig at napakarahas, dahilan kung bakit naaalis na naman ang hood kong suot! Agad ko iyong sinuot at hindi na mapakali. Baka matagalan ako at maabutan ni Zayden na wala ako sa dorm!

Sa paligid ay nakita ko ang buong nasasakupan ng kahariang sinasabi ni Klaudia. Sa ilalim ng bridge na tinatahak namin ay may ilog na hindi ko masiyadong makuha ang anyo dahil madilim na sa ibabang parte na iyon.

Sa gilid ng ilog ay may mga matataas na gusaling napaka-klasiko ng dating. May maliliit na kabahayan at may malalaki rin. Dumapo ang tingin ko sa napakataas at napakaliwanag na Clock Tower roon at nakita ko kung anong oras na. 9:30PM.

Shit. Wala na bang ibibilis ang kabayong ito?!

"Hyah!" Pinaharurot ko na ng takbo si Ariel at mabilis na narating namin ang napakataas na gate.

Tiningala ko iyon at namangha ako sa laki niyon. Nanliliit man ako ay bumaba na ako, marahang inalis ang hood, at hinarap ang kabayong nakatingin na sa akin.

"Dito ka lang, ha? Hintayin mo ako..." habilin ko pa kahit pa alam kong hindi niya ako naiintindihan.

Sa nanginginig na kamay ay kumatok ako sa gate. Nahinto lang ako sa pagkatok nang makarinig ako ng mga kaluskos sa paligid. Saglit kong nilibot ang tingin sa buong lugar bago ako kumatok muli.

"Tao po?!" sabay katok ko.

Napapikit ako sa katangahang sinabi. Hindi nga pala mga ordinaryong tao ang narito! But how the hell can I call someone without sounding like I'm calling some ordinary man?!

Kumatok akong muli at hindi na lang nagtawag. Panay lang ang katok ko hanggang sa makarinig na ako ng pagbubukas ng gate.

Napaayos na ako ng tayo at hinanda ang maaliwalas kong ngiti.

"Hi!" bati ko nang bumukas na nga at tumambad sa'kin ang lalaking naka-pormal na damit.

Hindi siya bagay dito sa palasyo lalo na't mukhang galing pa siyang opisina. Namimilog ang mga mata niyang tumingin sa'kin. Nakasuot siya ng salamin at may itsura rin naman, kasing tangkad ni Klaud.

"K-Kanika?!"

Napakurap-kurap ako sa kaniya. Bakit ba lagi nilang sinasabing Kanika ang pangalan ko?! May imaginary card ba ng nakadikit sa noo ko at nakalagay doon ang pangalang Kanika?!

"A-Anong ginagawa mo rito?!" sabay bunot niya ng baril at tutok sa'kin. "Kailan ka pa nakabalik sa Terra Reale?"

Napaatras ako at mabilis na umiling. "H-Hindi po ako si Kanika!"

Nagtaas siya ng kilay at pinasadahan ako ng tingin gaya ng ginawa ni Klaudia kanina. "Then...who are you?!"

"R-Roze po!" kabado ko pa ring sagot.

Binaba niya ang baril at kunot noong tiningnan ako. Napagaya tuloy ako at nagsalubong din ang kilay ko.

"Rospo? Ang pangit naman ng pangalan mo!"

My jaw dropped. Mas lalo akong sumimangot dahil mukhang pangit na pangit talaga siya sa pangalan ko, e nagkamali lang naman siya ng dinig!

"Roze kasi!" ulit ko.

"Rozkaze? Mas pumangit!" lait niya.

Naiinis ko siyang tiningnan. "May deperensya ka ba sa tainga?! Sino ka ba? Guard ka ba rito? Ang mabuti pa, papasukin mo ako na lang ako-"

"Hindi mo na ako maloloko, Kanika." Mapait siyang ngumisi. "Huwag ka nang magbanggit pa ng kung ano-anong pangalan dahil hindi ako tanga! Hindi ka pwedeng makalapit kay Krystal hangga't nandito ako!"

"Si Krystal!" nagulat ako. "Kilala mo siya?!"

Nagtataka siyang tumingin sa'kin.

"Nasaan siya? Kumain na ba?" tanong ko.

"Huwag ka nang makialam, Kanika-"

"Sinabi ko nang Roze nga ang pangalan ko! Roze! Ako si Roze! Roze! Xiafezin Roze!"

Hiningal ako sa iritasiyon. Sa itsura niya, mukhang hindi pa rin siya kumbinsido.

Tumingin-tingin siya sa likuran ko na para bang tinitingnan kung may kasama pa ako. Bigla ay namilog ang mga mata niya nang mamataaan ang puting kabayo roon na si Ariel. Napatingin din ako sa likuran at nakita ang kabayong mukhang nakangiti na naman sa'kin.

"Bakit kasama mo ang kabayo ni Ma'am Klaudia?!" gulat niyang tanong.

Nagliwanag ang mukha ko. "Kilala mo si Ma'am Klaudia?!" Gulat kong tanong, nangingiti.

Napakurap-kurap siya sa sigaw ko at nagtataka talaga akong tiningnan.

"Siya ang nagpahiram sa'kin kay Ariel!" ngisi ko, sabay turo ko sa kabayo.

"Pinahiram niya?" ulit niya.

Mabilis akong tumango. Nagbaba siya ng tingin sa dala kong basket at nagtataka siyang napatingin sa'kin.

"Ano iyang dala mo?"

Ginaya ko siya at tumingin-tingin pa muna ako sa likuran niya para tingnan kung may kasama siya, ngunit laking gulat ko nang makitang maliwanag lang ang palasyo, wala namang mga kawal.

"Mga pagkain ito! Para sana kay Krystal-" mabilis niyang tinakpan ang bibig ko at balisa siyang nagpalinga-linga sa paligid.

Nagugulat at takot ko siyang tiningnan. Hinila niya ako papasok at mabilis niyang sinarado ang tarangkahan. Nataranta ka agad ako. Bago pa ako makapagsalita ay hinatak na niyang muli ako at dinala sa madilim na gilid ng palasyo!

"S-Sandali!" sigaw ko dahil sa takot nang naalala ko ang paghilang ginawa ni Krystal sa'kin noon..."Bitiwan mo ako!"

"Shh! Baka may makarinig sa'yo, huwag kang maingay!" pagalit na aniya. "Alam mo ba kung gaano kadelikado ang pagpunta mo rito? Pasalamat ka't ako ang nakarinig ng katok mo dahil kapag nagkataon na mga kawal ang nakapagbukas ng tarangkahan sa'yo ay sa mga konseho ang diretso mo!" Pilit niyang hininaan ang boses ngunit halata sa tono niya na gusto niya niya akong sigawan.

"Alam ko kung ano ang ginagawa ko," mahinahon kong sinabi.

"If you do, I don't think you would be here just to give that food to my Lord Aries! Para sa kaniya ba talaga iyan? Paano kung-"

"Makinig ka. Hindi kita kilala pero gusto kong malaman mo na para kay Krystal ang pagkain na ito at sabihin mo na sa'kin ngayon kung nasaan siya bago pa kita mabigwasan! Wala na akong oras!" iritado ko nang sinabi. "Hindi pwedeng malaman ni Zayden na wala ako sa dorm!"

Napakurap-kurap siya. "I-Imposibleng madala mo iyan sa kwarto ni Lord Aries. Kagagaling ko lang doon at maraming bantay sa labas, Kanika!" iritado rin niyang sabi.

At sasabog na rin yata ako sa iritasyon. "Hindi nga ako si Kanika! Bakit ba paulit-ulit ka?!"

Tinakpan na naman niya ang bibig ko kaya't naputol ang mahaba kong sigaw!

"Napaka-ingay mo!" singhal niya.

Inis kong inalis ang kamay niya.

"Kahit ako, gusto ko siyang dalhan ng makakain doon pero hindi ko magawa! So, what makes you think you can do it?! Siguradong hindi ka nila pahihintulutan na magpasok ka ng pagkai-"

"Ikaw ba ang magbibigay o ako?! Ituro mo na lang sa'kin ang daan at ako na ang bahala!" nauubusan na ako ng pasensya.

"Do you wanna die?!"

"Gusto mo rin bang mamatay si Krystal?!" sigaw ko.

Natahimik siya.

"Kung ayaw mo, huwag ka nang maraming sinasabi at ituro mo na sa'kin ang daan!" sabay amba ko na hahampasin na siya. "Bilis na!"

Bahagya pa siyang napaiwas kahit hindi ko naman talaga siya hahampasin. Nananakot lang ako. Nanatiling nakataas ang kamay ko at masama na ang tingin sa kaniya, nagbabanta.

"Hays!"

Wala na ring nagawa ang lalaking iyon at sinunod na lang ang gusto ko. Sa may likod kami ng palasyo dumaan. Dumaan pa kami sa kusina kung saan nakita ko pa ang iilan sa mga naninilbihan sa palasyo. Nagulat ang mga naroon nang makita ako at sa dala kong basket nahinto ang mga paningin nila. "K-Kanika's back!"

"Oh meu Deus!"

"Signorina Kanika?!"

Napansin ko pang gusto nilang tanungin ang guard na kasama ko pero pagkatapos kong kumuha ng isang tray doon ay dire-diretso na kami sa paglalakad at tinahak na namin ang madilim at malawak na hallway.

Tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsilbing ilaw at dahil maliwanag sa kusina kanina ay kinailangan pang mag-adjust ng mga mata ko.

"Nasaan na ba? Ang layo-layo naman!" reklamo ko.

Hindi ko alam kung bakit ngayong malapit na ako kay Krystal ay kumakalabog na ang dibdib ko at tila nagmamadali na ang mga paa ko na marating ang kanina ko pa gustong puntahan!

Sa sobrang pagkainip ay inunahan ko na sa pagtakbo ang guard, kahit pa hindi ko na alam ang daan! Nararamdaman ko ang pamamanhid ng mga hita ko at ang kaonting kirot sa dibdib ko. Pero hindi ko na iyon nagawang intindihin.

"Damn it! Your footsteps are making noise!" the guard growled.

Hindi ko na siya nilingon at tuloy tuloy lang ang takbo ko. Mayamaya pa ay hinila niya ako sa isa pang paliko at tumakbo na naman ako!

Napabuga ako ng hangin nang ihinto niya ako sa tapat ng isang napakalaking pinto. May mga kawal akong nakita roon at hindi na ako nag-aksaya ng oras. Hindi ko sinasadya ang pagkumpas ko at namilog ang mga mata ko nang mag-mistulang estatwa na lamang ang mga kawal na iyon.

Gulat akong napalingon sa guard na iyon at nakitang pati siya ay nagulat din. His mouth fell open. "What the hell?!"

"I-I didn't intend to do that!"

Mabilis niyang kinuha ang susi ng pinto na rehas sa isa sa mga bulsa ng mga kawal na iyon at nabuksan niya ang pagkakasarado nito. Mabilis na nakapasok ako sa loob at doon natanaw ko sa pinakaloob ang nakatagong mga silid.

Nilingon ko ang guard na kasalukuyang sinususian ang isa pang rehas.

"Thanks for your help...uh-"

"Lance na lang."

"Lansalang? Ang pangit naman ng pangalan mo!" panggagaya ko sa katangahan niya kanina, may ngisi sa labi.

Natawa siya at tumawa rin ako. Sinusubukan ko lang pagaanin ang sarili dahil kinakabahan na ako ngayon.

Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin kay Krystal.

Iniisip ko pa lang ang magiging reaksyon niya, para na akong mahihimatay. Iniisip ko pa lang ang magiging interaksiyon namin, nanginginig na ako at gusto na lang umatras.

Pero alam kong...hindi na pwede.

Marami akong gustong sabihin...at itanong sa kaniya. Napagdesisyunan ko na ito kanina pa at pilit ko ulit na inaalala ang mga dapat na sabihin at itanong ngayon. Hindi ko na ito palalampasin pa, nanginginig man ako sa kaba at takot sa kaniya.

Nagawang ngumisi ng guard nang lingunin na ako, may pagdududa pa rin sa mga mata. "Lance. Lance de Pierredon. I'm Krystal's butler."

"Butler?"

Nagbaba siya ng tingin sa mga pagkaing dala ko nang nabuksan na niya ang rehas.

"Please...give it to him immediately. Dalawang araw na siyang hindi kumakain. Kailangan mong bilisan."

"Alam ko."

Ngayon ay mas lalo kong napatunayang tama nga ang narinig ko. Hindi pa nga siya kumakain at siguro'y nanghihina na ngayon!

"Sige. Salamat sa...pagpapapasok sa'kin, Lance."

"Magbabantay ako sa labas at sisiguraduhing walang makakakita sa'yo. Marami ring salamat, Roze."

Nagdadalawang isip pa niya binanggit ang pangalan ko. Tingin ko hindi pa rin siya kumbinsidong hindi nga ako si Kanika.

"Hindi kita kilala, pero sa ngayon ay magtitiwala ako sa'yo. Ikaw na ang bahala kay Krystal, Roze," dagdag niya.

"Dagdagan mo na rin ng La Spada para makampante ka na," mayabang kong sinabi.

Nagtagal ang tingin niya sa'kin. Pinapanatili man ang seryosong ekspresyon, hindi naman nakatakas sa mga mata ko ang gulat niya.

"L-La Spada?"

Tumango ako. "Roze La Spada."

"P-Paanong...Apat lang ang alam kong anak ni Romnik," naguguluhan niyang sinabi.

I scoffed. "Sabihin na lang natin na ako ang pang lima?"

Tuluyang namilog ang mga mata niya. "Ikaw ang..." hindi niya matuloy tuloy ang sasabihin.

"Kailangan ko nang pumasok," matapang kong sinabi at pinakitang handa na ako.

Napakurap-kurap siya. "S-Sige. Mag-iingat ka."

Ngumiti at tumango na lamang ako. Mabilis niyang nilingon-lingon paligid habang ako naman ay hindi na nagdalawang isip na pumasok doon, dala ang basket ng mga pagkain.

Marahan lang ang pagpasok ko dahil ayokong biglain si Krystal. Ngunit pagkapasok ko pa lang ay parang gusto ko nang umatras. Nagsalubong ang kilay ko at naestatwa na ako sa kinatatayuan ko.

Napakalamig sa loob at madilim-dilim. Ang liwanag lang sa labas ng bintana ang nagbibigay ilaw sa'kin. Bakit ganoon?

The darkness in his office where he harrassed me flashed behind my eyes. Napapikit ako nang mariin at nanlamig bago pilit na winaksi iyon sa isipan ko. Hindi ito ang oras para mapanghinaan ako ng loob!

Hinubad ko muna ang sandals ko at nilagay sa shoe rack bago ako tuluyang pumasok sa loob. Hindi pa man ako nakakatagal sa paglalakad sa makintab na tiles ay nilalamig na agad ang talampakan ko paakyat sa leeg ko.

Hindi ako nilubayan ng takot ko.

Nilibot ko ang paningin sa loob ng napakalaking kwarto na iyon. Unang bumungad sa'kin ang entertainment area kung saan may mahahabang sofas, coffee table, vases, at kung ano-ano pang mamahaling muwebles. Natanaw ko sa hindi kalayuan ang sa tingin ko'y isang kusina at dining area.

"K-Krystal?" marahan kong tawag at walang sumagot.

Pagkatapos kong ayusin ang mga pagkain sa tray ay marahan akong naglakad-lakad muli upang hanapin si Krystal, ngunit hindi ko pa rin siya makita.

Napakalaki naman kasi ng kwarto na ito!

Naglakad pang muli ako at nilibot ko na ang buong kwarto hanggang sa dalhin ako ng mga sariling paa sa isa pang silid. Natigilan lang ako saglit. You gotta face your fears, Roze. You got this.

Bumuntonghininga ako at nilagay ang kamay sa dibdib ko. Puso, 'wag mo akong bibiguin ngayon. Kahit ngayon lang. Kahit...saglit lang.

My eyes shut tight. Sa kalampag ng puso ko, para na akong hihimatayin. Marahan akong pumasok doon at nakita ko ang isang napakalaking canopy bed. Sarado ang mga kurtina nito at...hindi kita kung may tao ba sa loob.

Sa sobrang tahimik, parang may bubuyog na umuugong sa tainga ko habang naglalakad papalapit. Hindi ko akalain na sa sobrang kaba ko, magagawang manlabo ng mga mata ko ngayon. Nahihilo na ako sa hindi ko siguradong dahilan.

Nagpapahinga kaya siya? Sa nanginginig na tuhod ay marahan kong nilapag ang tray sa isang lamesa na nakita ko, hindi kalayuan sa kama niya.

Sa nanginginig din na kamay ay naglakad ako papalapit. Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko, palakas nang palakas.

Marahan kong hinawi ang kurtina at doon ay tumambad nga sa'kin ang payapang natutulog na si...Krystal.

Hindi ko alam, pero napaawang bibig ko, at mabilis na nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko. Nabitiwan ko ang kurtina at tahimik nang napaluhod...hindi kinaya ang bangungot nang nakita.

Face your fears, Roze. You can do this! You have to. Your mind won't be appeased if you don't.

Nanghihina kong kinalma ang sarili ko. Bumabalik ang lahat-lahat sa'kin at hindi ko na alam kung kaya ko pang ipagpatuloy ito. Hirap akong sumiksik sa isang sulok para hayaan muna ang sarili na doon tahimik na umiyak.

Kaya ko ito. Gaya lang ng dati, kakayanin ko ito mag-isa! Walang-wala ito...sa mga pinagdaanan ko noon, kaya ano pang ginagawa ko? Kailangan ko nang tumayo.

Nang tuluyan nang mahimasmasan ay tahimik kong tinawanan ang sarili at tumayo na. Pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ang sarili. Kaya ko mo ito...Kaya mo ito, Roze...Kaya mo...

Nahirapan man, nakapagpahinga naman na ako, at kahit paano ay may lakas na. Siya...ang hindi maayos ngayon at sa tantiya ko...mas mahirap ang sitwasyon niya ngayon kumpara sa'kin kaya hindi ako dapat matakot sa kaniya.

Lumapit muli ako at malakas na ang loob na hinawi ulit ang kurtina.

May kung anong kumislap sa puso ko. Awtomatikong lumamlam ang mga mata ko sa nakitang sitwasyon niya. Naaawa ako sa kaniya...hindi ko alam kung anong unang gagawin ko.

May parte sa'king gusto nang umalis dahil naaalala ko lang ang kababuyang ginawa niya sa'kin, pero gaya nga ng sinabi ko...nakakaawa ang sitwasyon niya ngayon.

At...hindi ko kayang iignora ang nararamdaman ko. Alam kong hindi ako makakaalis nang walang ginagawa para makatulong.

Sa loob ng dalawang araw ay hindi naman siya namayat...pero hindi ko alam kung bakit awang-awa ako sa kaniya at sa paningin ko...ang hina-hina na niya. Hindi, mahina talaga siya. Napakalamig ng lugar kung nasaan kami ngayon at alam kong hanggang ngayon, wala pa siyang kinakain na kahit na ano.

Sanay din akong nakikita siyang malakas. Hindi iyong ganito...na nakaratay lang na tila walang malay.

Sa matagal na pagkakatitig ko sa kaniya ay namalayan ko na lang na bahagyang bumukas ang mga mata niya at marahang kumukurap-kurap.

My lips parted again. Para akong magkasabay na nabuhayan at namatay nang makita kong gumalaw siya.

Nang makita kong sinubukan niyang abutin ang isang baso ng tubig na nasa side table niya ay kusa na akong kumilos para ibigay iyon sa kaniya...nang walang pag-aalinlangan. Sinalo ko ang kamay niyang napakalamig bago ko nilagay doon ang baso ng tubig. Hindi ko alam kung paanong nagawa ko. Hindi naman ako nagsisi. Alam kong kailangan niya.

Lumunok ako nang mariin. Kahit pa dim ang ilaw ay nakita ko ang sindak sa mga mata niya nang makita ang kabuuan ko.

Marahan kong nilapit ang tubig sa kaniya para makainom siya, pero hindi niya iyon pinansin. Nanatili siyang gulat at manghang nakatingin sa'kin.

Hindi ko siya masisisi.

Sino nga bang mag-aakalang narito ako pagkatapos ng ginawa niya?

May parte sa'king nagugulat at naguguluhan na rin sa kinikilos ko. Kung paanong naatim kong pagplanuhang dalawin siya at paglutuan siya ng pagkain ay hindi ko inisip pa. Kung paanong nagawa ko pa ring maawa sa sitwasyon niya, kung paanong nagawa kong gawin ang lahat basta makarating lang dito, kung paanong nagawa ko pang masilayan siya pagkatapos ng lahat...

"N-Nagluto ako," pauna kong sinabi sa kalmadong boses.

Pinipilit kong maging kaswal at kalmado sa harap niya. Ayokong makitaan niya ako ng takot.

"Narinig kong hindi ka pa kumakain kaya..." I trailed off and sighed.

Napalunok siya at hindi naman nagsalita.

"Uhm...h-hindi ako magaling magluto pero sana magustuhan mo," dagdag ko nang hindi siya nakasagot.

Hinawi ko na malaki ang kurtinang iyon sa bandang kaliwa niya. Ramdam kong nanonood na siya sa'kin at hindi iyon nakatulong sa kabang nadarama ko.

Kinuha ko ang tray ng pagkain at marahang nilapag na iyon sa kama niya. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko. Oo, nilalamig ako, pero alam ko sa sarili kong hindi iyon ang dahilan nito.

Hindi ko masabi kung dahil ba sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ko rin alam kung dahil ba iyon sa kaba, takot, o tuwa...dahil sa wakas ay nagagawa kong kausapin siya.

Nanatili ang titig ni Krystal sa'kin. Ramdam ko ang matinding gulat niya habang pinapanood ako. Para siyang tinuklaw ng ahas kung makatitig sa'kin. Kulang na lang...isipin kong nakakita siya ng multo.

Nagtataka siya, at naguguluhan kung bakit ako narito. Nakakatakot na tuloy ngayon na mag-angat man lang ng tingin sa kaniya. Natatakot ako na sa oras na tingnan ko siya ay magtanong na siya kung bakit ako narito. Hindi ko alam...kung paano ako makakasagot nang diretso kapag nagkataon.

"Sinong nag-utos sa'yo na pumunta rito?" he asked coldly.

Natigilan ako sa balak kong pag-upo sa kaniyang tabi. Namamanhid na ang mga paa ko at gusto ko munang magpahinga kahit kaonti lang, pero dahil sa sinabi niya...

"Wala. A-Ako lang," nauutal kong sagot at nag-iwas ako ng tingin.

Binalik ko ang tingin ko sa kaniya. I saw him frowning at me now with utter shock and...disgust? I don't quite understand. Kitang-kita ko rin ang pagdududa sa mga mata niya, tila ba hindi siya naniniwala sa'kin.

"N-Narinig ko kasi na...hindi ka pa kumakain kaya nagluto ako," ulit ko. "D-Don't worry...it's alright...even if you don't believe me."

Bigla ay nag-iwas din siya ng tingin. Anong nangyari? Galit kaya siya?

Unti-unti ay nilapit ko ang tray ng mga pagkain sa kaniya. Alam kong sa gilid ng mga mata niya'y nakikita niya iyon ngunit hindi niya pa rin pinansin.

"A-Alam kong hindi 'to kasing sarap ng mga kinakain mo, pero...k-kailangan mong kumain," pilit ko pa rin.

Kailangan niyang kumain!

"Sinong nag-utos sa'yo?" ulit niya sa tanong.

Nahihimigan ko ang inis sa tono niya ngunit pakiramdam ko balewala na iyon sa'kin.

Humiga siya mula sa pagkakabangon kanina at matalim na tumitig sa kisame.

Bahagya akong humalakhak. Hindi ko alam kung akma ba sa sitwasyon iyon, pero gusto ko lang naman pagaanin ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

Nakita kong sumama ang tingin niya kaya naman natigilan ako at mariing pinaglapat ang mga labi. Napatingin siya sa mga labi ko at galit na nag-iwas na naman siya ng tingin.

Galit...talaga siya.

"Ako lang ang pumunta rito at walang nag-utos sa'kin. Sa ginawa mo, s-sa tingin ko hindi nila hahayaan na pumunta ako rito. K-Kung may uutusan man sila siguradong hindi ako 'yon."

Napatitig siya sa'kin at pilit kong sinuklian ang titig niya para mapatunayang totoo ang sinasabi ko at hindi ako nandito para pagtawanan ang sitwasyon niya.

Nang hindi ko na makayanang labanan ang titig niyang iyon ay nagbaba na ako ng tingin at nilapit muli ang tray sa kaniya. Pilit nang nakiusap ang mga mata ko na kumain na siya, pero nanatili lang ang mariin niyang titig sa'kin.

I swallowed hard. Again.

Imbis na mainis ako ay hindi ko magawa. Kahit alam kong tutol siya sa ginagawa ko ay hindi ko iyon pinansin. Ang tingin niyang iyon-kahit galit-nakikita ko roon ang panghihina niya.

May puso pa rin siya kahit paano. At sa pagsilip ko roon, alam kong nasasaktan at naapektuhan siya.

Nag-iwas lang ako ng tingin sa kaniya nang makita kong sa bawat paghinga niya ay ang paglabas ng malamig na usok sa bibig niya, senyales ng sobrang lamig ng lugar.

Napatingin ako sa kisame at nakita ko na kung saan nagmumula ang lamig na pumapasok dito sa kwarto niya. Kinabahan ako sa maaaring mangyari. Hindi siya pwedeng tumagal nang ganito ang temperatura ng kwarto niya.

"S-Sobrang lamig dito. P-Paano ka nakatagal?" tanong ko at bahagyang niyakap ang mga braso ko dahil sa panlalamig.

Pasimple akong umupo sa kama nang magsalita siya.

"B-Bakit kasi hindi ka na lang umalis?" His voice is still irritated, but it is tinged with weakness.

Napakurap-kurap ako at biglang napatayo.

"K-Kumain ka muna...'wag kang mag-alala...wala namang lason 'to. I also wanna talk to you, if you don't mind."

Tumitig lang siya sa'kin at hindi na siya nagsalita pa. Napanood ko ang unti-unti niyang pagpikit habang nasa akin ang huling tingin. Kinabahan agad ako.

Napahakbang ako. "A-Are you alright? Krystal..." pagtawag ko ngunit hindi na siya umimik pa o nagmulat ng mga mata.

Mas lalo akong kinabahan.

Unti-unti ay nakita kong mabibitiwan na niya ang baso ng tubig kasabay ng unti-unting pamimilog ng mga mata ko. Sumibol ang kaba sa dibdib ko at mabilis akong sumampa sa kama para makalapit sa kaniya!

"Krystal!"

Kinuha ko ang baso sa kaniya at natigilan nang maramdaman ko ang napakalamig niyang kamay. Nataranta ako nang hindi ko na makita ang usok na lumalabas sa ilong niya, senyales na hindi na siya humihinga. Mas lalo akong nataranta nang makita ko ang dumaloy na dugo palabas sa kaniyang ilong.

I cupped his face and tried to wake him up. "Wake up, Krys! Wake up!"

Ngayon ko lang napansin ang pamumutla niya. Hinubad ko ang cloak na suot ko para makagalaw ako nang maayos.

"Krystal! Wake up! Please!"

Naiiyak na ako sa kaba. Konsensya ko pa kung wala akong magawa para tulungan siya!

"Krystal, please! Come on, wake up!"

Sa nanginginig na kamay ko ay pinunasan ko ang dugo sa kaniyang ilong. I checked his pulse and found his heart beating so fast! But why on earth is he not breathing?!

Natataranta kong kinuha ang mga baraha sa loob ng sling bag na dala ko. I took out my black ace of spades and used my magic to cool down the entire place. Kahit kinakabahan ay pinilit kong mag-focus at kumalma. Maybe it's because of the temperature of this place, right? Hindi na yata niya kaya!

Suprisingly, it worked. But I can't manage to smile in relief.

"Krystal..."

I finally teared up when he still didn't respond. Huminto na ang ang panlalamig ng kwarto ngunit nanlalamig pa rin siya.

"Krystal, wake up!" pinilit ko pa ring gisingin siya! "Why don't you open your eyes?"

Lumipad ang tingin ko sa fireplace na nasa tapat lamang ng kama niya. I enchantingly set it ablaze, weaving flames into existence with the magical essence at my fingertips.

Mabilis na nagningas iyon at pilit kong pinainit ang lugar. Mabilis na nilingon ko si Krystal nang maramdaman kong gumalaw ang kamay niya na hawak-hawak ko pala.

Nagliwanag ang mukha ko nang mapansin ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya. His breathing is back...

"Krystal. Please, open your eyes," mahina kong sinabi at unti-unti ay nakita ko ang pagmulat niya ng matamlay na mga mata.

"Roze..." I heard him murmured.

Kinuha ko ang dala kong tubig at iyon ang pinainom ko sa kaniya. Pilit ko siyang pinaupo mula sa pagkakahiga para makainom siya ng maayos.

"You should eat..."

Naubo siya sa pagkakasamid sa dami ng gusto kong ipainom sa kaniya. Natataranta kong hinimas ang likod niya at nilayo na ang lintik na tubig!

Hindi ko na maipaliwanag ang kakaibang pag-aalala na nararamdaman ko. Naaalala ko ang kaba, sakit, at takot ko nang mawala si Raul. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang may mamatay muli, kaibigan ko man o kaaway. Masakit para sa'kin na isipin na may mamatay nang wala man lang tumutulong, nang walang kahit na sinong kasama, at walang kahit na sinong nagmamalasakit.

Marami nga siguro talaga akong dahilan kung bakit ko pa ginagawa ito. May kasalanan siya, oo, pero may kasalanan din naman ako rito. Malinaw pa sa sikat ng araw ang ginawa ko sa kaniya para gawin sa'kin iyon. Pambawi ko na lang ito lalo na't hinding-hindi ko makakalimutan na kahit isang beses ay nagawa rin naman niyang iligtas ang buhay ko...kahit pa ayaw niya rin sa'kin.

Dahil sa naghalo-halo kong emosyon ay nayakap ko na siya nang mahigpit. Ramdam kong nagulat siya pero hindi ko iyon inintindi. Hindi ako makapaniwalang umiiyak na naman ako...at sa kaniya pa.

Tama si Shantal. Paano na lang si Yassi kung wala na siya? Walang kwenta si Delilah at alam kong si Krystal na lang ang mayroon si Yassi. I can't imagine her pain if she finds out that something happened to her father. Alam ko rin sa sarili ko na isa ako sa mga dahilan kung bakit narito si Krystal...at tiyak na sisihin ko nga ang sarili ko kung may mangyari ngang masama sa kaniya.

Pagod na akong makita na habang tumatagal ay dumadami ang mga kaaway ko. It's time to clean up the mess I made with him. Mga kaibigan ang kailangan ko. Hindi ko kailangan ng panibagong kaaway.

At hindi ko pinangarap si Krystal na maging isa sa mga iyon.

Hindi siya umangal sa yakap ko. At hindi siya gumanti ng yakap, ilang beses man niyang sinubukan. Hindi niya tinutuloy. Pinigilan ko naman ang paghikbi habang nakasubsob ang mukha ko sa balikat niya. Hindi ako makapaniwalang magagawa ko iyon. But this is the only way I can assure him that everything will be fine. That it's all right. That now...is the time for us...to mend fences and fix things between us.

"I'm s-sorry," mahinang bulong ko sa kaniya habang lumuluha.

There, his hug came. Naramdaman ko ang magaang pagganti niya ng yakap nang sabihin ko iyon ngunit...hindi siya nagsalita at nanatili siyang tahimik. Marahang hinagod niya ang likod ko na para bang gusto niya akong patahanin, dahil sa mga oras na ito, hindi ko na kayang tumigil sa pag-iyak.

Bumuhos ang emosyon kong kinikimkim. Everything is exhausting. Things aren't good outside of Terra Reale. And now here?

Tuloy ay gusto kong mabigla dahil hindi ko inaasahan ang yakap niya. Pero sa sobrang bigat ng dibdib ko ay hindi ko na lang iyon inisip. Pinagpasalamat ko na lang ang yakap niyang iyon dahil kailangang-kailangan ko iyon ngayon.

Kahit pa magaan at halos hindi ko maramdaman. Kahit pa hindi ko inaasahan na sa kaniya manggagaling iyon.

"I'm sorry...it's my fault," I sobbed.

"Yes. I know..." he softly agreed.

Naramdaman kong tumango pa siya. Napanguso ako.

"But it's not all your fault. It was my...It was my stupidity that brought me here," pag-amin niya.

May kung anong kumislap sa puso ko. Mabait naman siya, alam ko. Bakit hindi niya ito araw-arawin nang magkasundo kami?

Tumango ako kahit hindi naman niya iyon nakikita. Marahang kumalas ako sa yakap at papahiran na sana ang pisngi ko ngunit inunahan niya na ako.

Naestatwa ako sa kinauupuan.

"Masiyado kang iyakin," puna niya sa'kin at pinunasan ang magkabila kong pisngi kahit nanghihina ang mga kamay niya.

Napatitig ako sa kaniya, hindi alam ang magiging reaksyon. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ako sanay na ganito siya sa'kin.

"N-Nagdala ako ng pagkain," I croaked.

Inayos ko na ang sarili at nilapit ang tray. Hindi man lang niya iyon sinulyapan at tumitig lang siya sa'kin.

"Narinig kong hindi ka pa kumakain kaya...nagluto ako. Mabuti na lang may tumulong sa'kin na makarating dito. May tumulong din sa'kin na makapasok." Nilapit ko na ang kutsara sa bibig niya.

"Itong chicken soup muna ang inuna ko. Baka kasi mabigla ang tiyan mo..."

Namumungay ang mga mata niya habang nakatingin sa kutsarang iyon na nilalapit ko. Nagdadalawang isip pa siyang isubo iyon pero ginawa rin naman niya.

Magsusubo pa sana ako ng isa pa nang makita kong dumudugo na naman ang ilong niya. Natigilan siya nang makita iyon na tumulo sa suot niyang damit.

"Uhm, h-hold on! Kukuha lang ako ng towel!" agap ko kahit hindi ko alam kung saan ako kukuha!

Mabilis na bumaba ako sa kama at pinagbubuksan ang mga aparador na nakita ko roon. Habang naghahanap ako ng towel ay naramdaman kong sinusundan ako ng tingin ni Krystal, tahimik lang.

Puro malalaking towel at mga damit ang naroon sa aparador. Marami iyon kaya medyo nahirapan ako sa paghahanap. Nang makakita ako ng maliit na panyo roon ay mabilis ko iyong hinablot.

Pinanood niya akong bumalik sa tabi niya. Talagang hindi niya pinunasan ang tumutulong dugo sa ilong niya at hinintay niya lang ako na makalapit.

Kahit kabado ay marahan kong pinalis ang dugo gamit ang panyo na iyon. Nakatitig siya habang ginagawa ko iyon, dahilan para bahagya akong mailang.

"Nilamig ka siguro ng husto..." puna ko nang tumulo muli ang dugo sa ilong niya.

Mabilis na pinunasan ko ulit iyon, nanginginig man ang kamay.

"W-Walang lason?" biglang mahina niyang tanong.

Patay ang tingin niya sa'kin habang pinupunasan ko ang ilong niya. Para akong sinaksak nang napagtantong marahil iyon ang iniisip niya...kaya niya sinubo ang soup na inalok ko.

Napakurap-kurap ako. "H-Hindi kita lalasunin, Krystal."

Natahimik siya at umiwas ng tingin, patay at matamlay ang tingin. Ilang sandali ang lumipas na ganoon lang ang ayos namin.

"M-Masama pa ba ang pakiramdam mo?" tanong ko naman para bawasan ang katahimikan sa gitna namin.

Marahan siyang umiling. "Nilalamig lang ako..." aniya at sumulyap sa fireplace na nagbibigay ng katamtamang init sa silid.

Binaba ko na ang panyo at bumaling na muli sa pagkain niya para subuan siya. Alam kong kaya naman niyang kumain mag-isa. Pero naisip kong baka kaonti lang ang kainin niya kung hahayaan ko siyang mag-isa.

Isusubo ko na sana muli ang kutsara sa kaniya nang hulihin niya ang palapulsuhan ko. Napatingin ako sa kaniya at napalunok nang mariin.

"Why are you doing this?" he seriously asked.

My lips parted, but I'm so out of words. Gusto ko na sanang ibaba ang kutsara pero pinigilan niya ang kamay ko. Tumitig siya sa'kin at napalunok ulit ako. Naghihintay siya ng sagot.

"I just want to help you. And besides, gusto ko rin...makabawi. Minsan mo na rin naman akong tinulungan," mahinahon kong sagot.

Nagtagal ang tingin niya sa'kin bago walang imik na nag-iwas ng tingin ulit. Inilapit ko muli ang kutsara sa kaniya at sinubo rin naman niya iyon, sumusunod din sa gusto ko. Siguro dahil sa nagugutom naman na talaga siya kaya hinahayaan niya na lang ako.

Nang maubos niya ang chicken soup na iyon ay kinuha ko ang tubig. Umamba akong paiinumin ko siya nang pinigilan niya ako bigla.

"Ako na..." aniya at uminom.

"Gusto mo pa ba? Marami pa akong niluto rito," sabi ko at pinakita sa kaniya ang mga nasa tray. "Mayro'n pa ritong beef and noodles, a rice in a bowl, grilled steaks, mixed vegetables, barbecues, sinigang na baboy, chicken pasta, and mashed potatoes. Kain ka pa..." alok ko, pero nakatitig lang siya sa'kin.

Nag-iwas ako ng tingin, naiilang na naman.

"B-baka gutom ka pa kasi. Hindi sapat iyong chicken soup lang."

"Hindi na. Busog na ako."

"Huh?! Pero...ang kaonti lang no'n."

"Hindi na..." ulit niya, mas magaan ang tono ngayon.

I pursed my lips and nodded. I don't know why I suddenly felt weird butterflies in my tummy.

"S-Sige. Uhmm...b-bukas na lang itong iba kapag nagutom ka. Mayroon din akong dalang prutas baka gusto mo," sabi ko habang tinatakip na ang takip ng container ng binuksan kong grilled steaks.

Narinig kong bumuntonghininga siya nang malakas. Para bang naiirita na naman siya sa kung ano.

"Uuwi na rin naman ako," sabi ko dahil baka ang kinaiinis niya ang presensya ko rito. "Ilalagay ko lang muna sa fridge. Ipainit mo na lang sa butler mo."

I was about to go when he caught me by the wrist I turned to look at him.

"B-Bakit? Gusto mo pa?" I asked nervously.

Hindi siya sumagot. Napansin kong nakatingin siya sa braso ko kaya naman nagbaba ako ng tingin doon at nakitang...Ang mga pasa ko pala ang tinitingnan niya. I swallowed hard.

"Krystal, it's-"

"Masakit pa ba?" may kung anong emosyon sa tono niya.

Napakurap-kurap ako. "A-Ahm...medyo na lang-" napababa ako ng tingin sa braso ko nang marahan niyang haplusin ang pinakamalaking pasa roon na...siya mismo ang gumawa.

Hindi na ako nakapagsalita pa nang pati ang kabila kong braso ay tiningnan niya. Hindi ko alam kung bakit nangilid na naman ang mga luha ko nang makita ko siyang ganoon...may pagsisi sa mga mata.

"You're so warm," puna niya habang hawak pa rin ang mga braso ko. Parang nagtataka siya sa kung ano.

A small smile formed on my lips.

"Malamig ka lang talaga..."

Nag-angat siya ng tingin at hinawakan ako sa noo dahilan para matigilan ako. His brows creased in concern. "A-Are you sick?"

"A lil bit..."

"Then you shouldn't come here if you feel sick."

His irritation was very evident in his voice but it wasn't seen in his eyes. There is nothing I can see there but gentleness with a touch of darkness as he looked at me.

"Nakapasok ako sa school nang may sakit, kaya ayos lang. Besides, I also want to...make things right. I wanted to apologize for what I did," paliwanag ko at nanatili siyang tahimik. "M-May gusto rin sana akong itanong...sa'yo."

Wala pa man ay nangingilid na ang mga luha ko. Mabilis na binitiwan niya ang mga braso ko at nag-iwas ng tingin sa'kin...na para bang alam na niya ang itatanong ko.

Kahit ganoon ay nagpatuloy ako.

"Bakit mo...Bakit ginawa iyon?" sa maliit na boses ko tinanong.

Hindi niya ako nilingon. He didn't answer either. Tumulo na ang mga luha ko.

"Bakit mo nagawa iyon sa'kin?" nabasag na ang boses ko. "Matagal kong...iningatan ang sarili ko-dahil wala akong ibang gustong pagbigyan niyon kundi ang lalaking pakakasalan ko."

Napahikbi ako at pinunasan ang mga luha. Nilingon niya ako at nanatili siyang tahimik.

"D-Don't get me wrong, okay? H-Hindi na ako galit sa'yo. I just...I just really wanna know why."

"Do you really have to know..."

I shook my head. "I need to know," pagtatama ko. "And I need to hear your side. Pwede kong isipin na masama ka lang talaga kaya mo ginawa iyon, pero gusto kong marinig ang dahilan mo galing sa'yo. Sa'yo mismo."

"Aren't you just looking for a reason to justify what I did to you?"

"Gusto ko lang maintindihan. Iyon lang."

Matagal bago siya nakasagot. Ang akala ko pa, hindi na siya kailanman sasagot pero nagsalita na siya kalaunan.

"You really look like her."

Lumuluha man ay binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. Hindi ko na nagawang isatinig ang tanong dahil sa lahat ng sakit na bumabalik sa'kin.

"You look like Kanika," dagdag niya at natigilan ako. Kanika...

Napahikbi ako. Wala akong maintindihan.

"I know it sounds ridiculous. But how can I stop myself when I see her every time I look at you? Roze, you remind me of her. Hindi madali sa'kin iyon...na tuwing titingin ako sa'yo...siya ang naaalala ko."

"But I'm Roze, I'm not Kanika." Panay ang pahid ko sa mga luha at hindi ko na mapigilan ang paghikbi.

Hindi ko maintindihan. Kanika is her ex-girlfriend. Naaalala niya raw sa'kin si Kanika. Kaya ba siya nagagalit? Kaya ba niya nagawa iyon sa'kin? Isa iyon sa mga dahilan?

Nanamantala siya dahil kamukha ko si Kanika? Dahil naalala niya sa'kin si Kanika? Isa iyon...sa mga rason?

"Kaya ba ayaw na ayaw mo sa'kin?"

I can't help but feel moved. Marami ang may ayaw ayaw sa'kin. At iba't iba sila ng dahilan.

"Hindi mo lang siya kamukha, Roze. Kamukhang-kamukha mo siya..."

Natigilan ako sa paghikbi. Umawang ang bibig ko.

"She seems older than you, yet the resemblance is striking. Your eyes, your nose, your lips-it's undeniably her. Well, the differences are subtle, almost negligible."

"H-How..." hindi ko matuloy ang sasabihin ko.

Hindi ako makapaniwala. Is he serious? Kaya ba paulit-ulit akong tinatawag na Kanika dahil kamukha ko nga si Kanika?

"P-Paano nangyari iyon?"

Napatungo siya. "I don't know either. Nauna siyang ipanganak sa'yo kaya imposibleng kakambal mo siya. You must be her doppelganger or something. But I'm not sure..."

Natahimik ako, pino-proseso ang mga sinasabi niya.

"You might say it's impossible. But it's true, Roze."

"A-Are you saying it is Kanika's fault?"

"No, it's not your fault. I take full responsibility for this. I genuinely despise her, let me make that clear. And unfortunately, it's causing me to harbor resentment towards you as well. I suppose...it was simply foolish of me to assume that you're just like her."

Tumulo ang mga luha niya at parang piniga ang puso ko nang makita ko iyon.

"Krystal..."

Gusto kong punasan ang mga luha niya, pero inunahan na niya ako.

"Clearly, what you're doing is so characteristic of you, Roze. It's so distinctly you that I can't see Kanika in you anymore. She isn't like this. She has never done this to me, and she would never. I've only realized more that you two are indeed different." He laughed a bit but there's no humor in it.

It wasn't a happy laugh.

Napayuko ako at naiyak sa sitwasyon naming dalawa.

"Alam ko naman na hindi ka nga katulad niya. Napatunayan ko naman iyon, pero...nagdilim na ang paningin ko."

My lips quivered as I struggled to breathe.

"I'm so sorry...for taking advantage of you. I'm sorry...I-I'm really sorry-"

I quickly wrapped my arms around him and I felt him stiffened at my hug...again.

"Tama na, naiintindihan ko na. You were just in pain...because she hurt you. You were hurt, Krystal! I-I-I understand."

Unti-unti ay naramdaman ko ang pagbalik niya ng yakap sa'kin. Sa higpit ng yakap niya, pakiramdam ko, pati ang pagsisisi at paghingi niya ng tawad ay nabuhos niya na sa yakap na iyon.

And I accepted that embrace whole heartedly.

"I'm really sorry...I'm sorry, Roze..." he broke down in tears. "Sorry..."

Gumaan ang pakiramdam ko sa kaniya nang dahil sa bulong na iyon. May kung ano sa'kin ang nagtulak na yakapin din siya ng mahigpit; pero iyong makakahinga naman siya. Pakiramdam ko kailangan na kailangan niya rin ng mahigpit na yakap.

Naalala ko ang nangyaring sagutan namin bago niya ako pagsamantalahan. Naalala ko ang mga masasakit na salita na binato namin sa isa't isa, ang halos walang tigil na pisikal na pananakit namin sa isa't isa, at ang bigayan namin na matatalim na tingin sa isa't isa...

Siguro nga talagang sinagad ko siya. Ginalit ko siya ng husto kaya nauwi sa ganoon. May kasalanan siya at may kasalanan din ako rito. Kaya bakit siya lang ang parurusahan ngayon?

I don't know what to feel right now. But I feel so contented, I feel so light. The hug seems so perfect for the both of us. Nilalamig siya at mainit naman ako. Isn't it just a perfect combination?

I only have high hopes that after this, we can be real friends. Dahil sa totoo lang, nakakapagod na rin siyang maging kaaway...pagkatapos niyon.

"C-Can we...be friends now?" I whispered, still wrapped in his arms. "P-Pasensya ka na m-mahilig ako sa yakap."

Naramdaman kong tumulo ang luha niya sa balikat ko. Gusto ko siyang silipin ngunit pinigilan niya ako at hinigpitan pa ang yakap. Kinagat ko ang ibabang labi ko at nararamdaman ang mas pag-iinit ng gilid ng aking mga mata.

It's difficult for me to believe that I can hug him like this. I suddenly feel closer to him-and I've never imagined myself so close to him before. I'm not sure why, but I'm beginning to...like this. Maybe it's because I find hugs so soothing.

I love...warm hugs.

Even if it's a tight hug, I'm at ease. In his arms, I suddenly feel so brave, hugging my fear.

"Of course, we can," he whispered after a while.

Napangiti ako habang may luha pa rin sa mga mata.

I understand the feeling of being broken-hearted. I understand...how he feels. How it hurts. Naramdaman ko na iyon noon. Iyong hindi makakain, hindi makatulog, hindi makausap. I can't envision him like that since I knew him as aggressive and strong-willed. As someone courageous...

Kaya siguro ganoon na lang ang gulat ko tuwing papatak ang luha niya. Siguro nga gaya ng pangungulila ko kay Levi ay ganoon din siya kay Kanika. It made me wonder why her. Bakit kay Delilah, hindi ba siya nasasaktan nang ganito?

Pero...hindi na importanteng malaman din iyon ngayon.

"I forgive you," I finally said as he started to caressed my hair. "You deserve a second chance. We...all do."

"T-Thank you."

Panay ang haplos niya sa ulo ko habang nagpapatuloy ang mahina kong hikbi. I closed my eyes as I found his touch calming. It's weird. I was starting to get familiar with it. I was starting to get to know it better. There was something existing that I couldn't explain.

"I'll someday pay for my sin, Roze."

That was the last thing I heard from him.

Mayroon pa akong narinig sa kaniya na sinabi niya, pero hindi na iyon naging malinaw sa pandinig ko.

And then suddenly, everything went so peaceful.

Isang nakakaabalang tunog lang ng cellphone ang gumising sa'kin. Nanatili akong nakapikit at hindi iyon pinansin. Nilalamon na ulit ako ng pagkatulog nang tumunog ulit ang cellphone.

My brows knitted. Finally awake, all I wanted to do was go back to sleep. I sniffed my pillow before snuggling closer to it and pulling my comforter closer to me. Kailan pa naging ganito kabango ang unan ko?

I groaned a bit as I opened my eyes. Isang dibdib ang bumungad sa harap ko. Kumalabog agad puso ko nang makitang dibdib pa lang...kilala ko na.

Dahan-dahan akong napaangat ng tingin. And the horror! Nakita ko ang tulog na tulog na si Krystal!

Nakayakap ako sa kaniya at ganoon rin ang isang braso niya sa'kin! Hindi pala unan ang mabango...kundi siya mismo!

Nakatulog ako! Nakatulog kami!

I swallowed tightly as I stared at him in horror. Hindi agad ako nakagalaw at natulala na lang sa kaniya. But as much as I wanted to admire his beauty longer, I couldn't!

I jerked right up as I quickly grabbed my phone out of my sling bag. Natataranta kong tiningnan ang cellphone at nakitang naka-104 missed calls na si Zayden!

"Shit!"

Sabay kong sinampal ang magkabilang pisngi para matauhan. Tiningnan ko ang oras at nakitang alas tres na ng umaga!

"Holy shit!" I cursed again in horror. Inis kong pinasadahan ng daliri ang sariling buhok, hindi na maintindihan ang gagawin.

Nilingon ko si Krystal nang makita ko sa gilid ng mga mata ko na nagising at bumangon siya. Tulad ko ay gulat siyang napatingin sa'kin.

My cheeks blushed profusely when I remembered...how I hugged him earlier. The tingling sensation began to creep beneath my skin as we exchanged awkward stares.

What the hell was this, Xia?! It shouldn't be this way! This is not how you planned everything to be!

"I-I-I have to go!" natataranta kong inalis ang kumot sa'kin. "Sorry, hindi ko alam nakatulog ako! Sorry talaga!"

"N-Nakatulog din ako." He pinched the bridge of his nose, still sleepy.

"No, i-it's okay! It's okay!"

Hindi ko na maintindihan kung sasagutin ko ba muna ang tawag ni Zayden o ilalagay ko muna sa fridge ang mga pagkain!

In the end, nagkukumahog akong dalhin ang muna ang mga pagkain sa fridge. Natataranta ko pang hinanap ang silid kung nasaan ang kwarto ni Krystal. Nang makita ko iyon ay tumakbo na ulit ako papasok. Pinapanood lang ako ni Krystal at tarantang sinagot ko na ang tawag habang kinakalkal ko ang mga baraha ko sa sling bag.

"H-Hello?! Zayden?"

"What are you doing?" Krystal calmly asked, referring to what am I looking inside my bag.

Hindi ko na siya sinagot at nilabas ko ang mga baraha.

"ROZE?!" Zayden exploded on the phone. "Where the fuck are you?! I was fucking looking for-"

"I-I'm coming home!" agap ko. "Don't worry! I-I'll just explain everything to you later, okay?"

I panicked and hung up before he could even respond.

"Hey-"

I immediately cut Krystal off. "Take this please..." Kinuha ko ang kamay niya at nilagay sa palad niya ang barahang ginamit ko para labanan ang lamig dito sa kwarto niya.

Kunot-noo siyang nagbaba ng tingin sa binigay ko.

"That should help you maintain the warmth in here. I know you need it so bad! Take it, please."

Krystal's eyes softened. "B-But Roze, this is too much."

"Just take it, please. I don't want you to die here."

Mabilis kong sinuot ang black cloak na hindi ko maalala kung bakit ko hinubad.

"K-Kapag nagutom ka, kumuha ka lang ng pagkain sa fridge mo," I managed to say despite the awkwardness that is still there. "I really need to go right now-"

I was about to walk away when he caught me by the wrist. Kumalabog ang dibdib ko. Shit!

Slowly, I turned anxiously to him.

"Kailangan ko na umalis..." patiuna ko.

Krystal opened his mouth, but he seemed out of words.

"T-Take care."

My heart pounded more when he said that. Marahan akong tumango at ngumiti kahit kumakalampag na ang puso sa kaba. Hindi ko na maintindihan, pero hindi na iyon mahalaga. Kailangan ko nang umalis!

"I will..."

His soft hand lingered for a bit before letting go.

Mabilis akong lumakad palabas ng kwarto niya. Akala ko pa ay matutumba ako at hahampas sa pintuan sa parehong bigat at gaan na nararamdaman, pero mabilis kong naayos ang sariling balanse bago pa ako muling mapahiya sa kaniya!

Sinubukan niyang tumayo para ihatid ako, pero pinigilan ko siya. I was already at the door when I told him that I have his butler to ask for help. Natigilan siya at sa huli'y wala na ring nagawa, lalo na nang nakita niyang nagmamadali na talaga ako. Natataranta ko pang sinuot ang sandals ko bago ako lumabas!

Mukha agad ni Lance ang bumungad sa'kin. Halos mapatalon ako.

"B-Bakit ang tagal mo sa loob? Kanina ko pa kayo kinakatok-"

"Kailangan ko nang umalis!" Hindi ko na siya pinatapos at mabilis ko siyang nilagpasan.

Tumakbo na ako at nakita kong may mga kawal na nakakita sa'kin at hinabol agad ako!

Shit!

"M-Miss Roze! Sandali lang!" si Lance.

Mas lalo akong nataranta nang marinig ko ang walang tigil na pagtunog ng cellphone ko habang tumatakbo na ako paalis. Sa sobrang bilis ko, hindi ko alam kung paanong nakalabas pa ako ng gate ng palasyo habang hinahabol na ako ng mga kawal.

Nang namataan ko si Ariel na naroon pa rin at papungay-pungay na ang mga mata ay mabilis akong sumakay doon at pinatakbo kaagad siya.

Humarurot ng takbo ang kawawang kabayo na iyon na halatang inaantok na. Narinig ko ang kaskas ng mga paa ng mga kabayo ng mga humahabol na kabalyero sa'kin, kaya naman mabilis na kinabig ko muli ang tali ni Ariel.

"Stop right there!" I heard one of the men shouted.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Napahiyaw ako ng malakas nang tinamaan ako ng isang palaso sa braso. Nakita kong sunod-sunod ang tira sa'kin at kung hindi lang mabilis umiwas ang kabayo ko ay natamaan na ako ng ilang ulit.

Daplis lang ang tama sa'kin kanina ngunit nakita ko ang pagtulo ng dugo sa braso ko at naramdaman ko rin ang pamamanhid doon. Halos mabingi pa ako nang makarinig ng iilang putok ng baril! Nataranta ako nang marinig kong humiyaw ang kabayong si Ariel. Huli na nang makita kong tinamaan din pala ang isa sa mga paa niya ng baril.

Napahinto siya sa takbo at nakita kong sa tapat mismo ng puno siya nahinto kung saan siya tinali ni Klaudia kanina.

Nanghihina man ay mabilis na bumaba ako ng kabayo at hinanap si Klaudia, ngunit hindi ko siya nakita. May nagpaputok ulit ng baril at napatakip na ako ng tainga. Isang batang lalaki lamang ang nakita ko na lumabas mula sa gilid ng puno. Naputol ang titig ko sa batang lalaki nang marinig ko muli ang papalapit na papalapit na mga kabayo!

Nahihilo man ay mabilis akong tumakbo at papalayo roon at natanaw ko na ang madilim-dilim na hanging bridge. Mga umaalingawngaw na palaso ang narinig ko muli sa himpapawid kasabay ng ilan sa putok ng mga baril.

Kabadong-kabado na ako.

"Roze?" I heard Klaudia called.

Pero dahil sa kaba, hindi ko na siya nagawang hanapin. Patuloy ang takbo ko sa napakahabang hanging bridge. Mabilis na tinakbo ko iyon at nang nasa gitna na ako ay nawalan na ako ng balanse at laking gulat ko nang mahulog ako mula roon.

"Help!" sigaw ko at napakapit ako sa hanging bridge. "H-Help, anyone!"

Hindi ko na rin kinaya ang matagal na pagkapit doon at tuluyan akong nahulog sa napakadilim na ilog.

Panay ang paglangoy ko para makaangat, ngunit mabilis na lumulubog ako sa tubig. I'm not very good at swimming in anything...except in a pool!

It's weird, but it's true!

Dagdag pa ang natataranta ako, hindi ko alam kung makakaligtas ako. Sinubukan kong lumangoy para makaahon ngunit lumulubog pa rin ako! Parang may humihila sa'kin pailalim!

Mabilis na nataranta ako nang malamang napakalalim pa yata ng ilog at hindi ko maabot ang sahig! Dagdag pa ang kadiliman sa ilalim, mas lalo akong natakot...

Sa ilalim ng tubig ay nakita ko ang mabilis na pagkalat ng dugo ko roon.

Nakalunok ako ng tubig nang ilang ulit at napaubo ako sa ilalim.

Panay ang pagkawag ng mga paa ko sa tubig hanggang sa maramdaman kong tumama ang ulo ko sa isang matigas na bagay.

At mabilis na nagdilim na ang lahat.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

103K 6K 78
(On-Going)
15.5K 726 40
First Elementa Series A coincidence, or not. Alexis Donn was very happy after receiving a letter of admission from FEUTERACRIA during her 18'th birth...
32.7K 1.2K 26
How evil are the devils? Private first class Maria wanted revenge for her fallen comrades and was tasked to find the guy with a code name: DEVIL by...