The Bachelor

By DarkLigthe

48.7K 794 95

Sa hindi inaasahan, muling nagtagpo ang landas ng dalawang taong may isang gabing nakaraan na nagbunga ng isa... More

Synopsis!
Prologue
Chaptet 1: Work
Chapter 2: Challenge
Chapter 3: Meet
Chapter 4
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17:
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20:
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31(Part1)
Chapter 31(Real Part)
Chapter 32:
Chapter 33:
:)
Chapter 34
Chapter 35
brrrrr

Chapter 16

1.1K 17 0
By DarkLigthe

Gertrude's POV

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa binulong ni boss sa tenga ko, pati na rin ang maghawak niya sa balikat ko. "B-B-B-B-boss?" Nag-aalangan akong tumingin sa likod ko dahil masiyadong malapit ang mukha ni boss sa akin.

"Shhhh… Follow me if you don't want anyone to see that," seryoso niyang sambit malapit sa mukha ko n ikinalunok ko.

'Shet! Nakakahiya! Ngayon pa ako natagusan! Ba't gano'n, hindi ko naramdaman,' iyak ko sa isip ko.

Wala nang kapantay ang hiya ko ngayon, si boss pa mismo nakakita sa akin na may tagos. Napapapikit at napapalabi ako sabay kapit sa bag ko, dahil hiyang-hiya ako. 'Di ko naramdaman kanina, dahil sa kaba ko. Jusko po, lupa, lamonin mo na ako. Now na!

"Walk to where I take you," sambit niya at nagsimulang lumakad kahit nasa harap niya ako. Dikit na dikit 'yong likod niya sa akin, ramdam na ramdam ko 'yong matigas niyang dibdib, at yung kamay niya na nasa batok ko, kinokontrol ako kung sa'n dapat ako tumungo.

Nahihirapan akong humakbang, baka mas lalo akong tagusan. Nakakahiya, parang gusto ko na lang tumakbo papalayo sa presensya ni boss. Ba't kase sa dami ng makakakita siya pa? Light brown pa naman yung pencil cut na skirt ko, kitang-kita na niya yung pulang likido, jusko po!

"Walk, Gertrude." Itinulak niya ako papasok sa isang aisle na hindi ko alam kung saan patungo, pero parang papunta sa isang CR. Pinagtitinginan kami ng ibang tao dahil sa posisyon namin, kaya napapakagat labi na lang ako at umiiwas ng tingin dahil sa hiya.

"B-Boss," utal kong saad nang makarating kami sa pinaka loob ng aisle kung saan may dalawang pinto at wala ng mga tao ang nakatingin ng natatawa sa amin. Mabuti na lang, walang masiyadong tao sa CR.

"Stay here." Umalis siya sa likod ko at isinandal niya ako sa pader. Pumunta siya sa harap ko at itinukod ang kaniyang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko sabay lapit ng kaniyang mukha.

Napatitig ako, pero napapikit kaagad dahil isang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin. Naduduling ako sa mga maya niyang kakaiba. Lumakas nanaman ang tibok ng puso ko. I pursed my lips, and turned my head to the right not wanting my nose to hit his.

"Stay here, don't run or some people will see what you're hiding. I'm pretty sure that will be so humiliating," mahimang sambit niya at umalis na harap ko papunta sa kung saang lupalop ng mundo na hindi ko alam.

Napalunok ako at dahan-dahang tinanaw ang likod ko, para makita kung totoo ba yung sinasabi ni boss. 'Jusko po!' May isang mediyo malaking bilog na kulay pula ang nakalagay mismo sa may puwetan ko. 'Nakakahiya, sana walang ibang nakakita.'

Napapikit ako sa hiya at napasandal sa pader sabay kagat sa labi. Hindi ako mapakali, unang araw ng dalaw ko, siguradong malakas 'to. 'Asan na ba kasi si boss? Teka, ba't umaasa ako kay boss?'

"Gertrude." Bumalik si boss na may dala-dalang paperbag. "Get in and change," wika niya at iniabot sa akin yunv paper bag.

Napalunok ako at napangiwi. Nakakahiya pa rin na tumingin sa kaniya. "T-Thank y-you," nahihirapan kong saad. Hindi na ako nagsayang ng oras dahil sasabog na ako, sasabog sa sobrang pagkahiya kaya napapikit ako pumasok sa restroom ng babae.

Dali kong binuksa 'yong paper bag. Nahulog ang aking panga at nanlaki ang akinh mga mata nang itaas ko sa aking kamay ang laman. 'Napkin, palda, panty?!'

~~

Kakatapos lang ng lahat ng mga trabaho namin dito sa Paris, naayos na lahat ng mga gusot sa kumpaniya. Nawala na yung mga corrupt na heads, pero 'yong hiya ko kay boss, hindi pa.

Halos ayokong lumabas sa CR kanina do'n sa mall, kung 'di lang ako pinilit ni boss. Mabuti na lang, hindi siya tumawa o kung ano man. Tama 'yong sinabi ni Chase, mahirap ang trabaho, pero 'di naman hahayaan ni boss na maging ka-awa awa ang mga employee niya.

Nakita ko 'yon ngayong araw. Yung binigay niya sa akin, na lacy underwear at saktong saktong black pencil cut skirt, sobrang hiya ko pa bago ko sinuot lahat ng 'yon. Lalo n 'yong panty. Sana lang, hindi siya ang pumili no'n, dahil nakakahiya.

Nakaupo ako ngayon sa labas ng opisina ni boss, bilang secretary niya pa rin, kahit may secretary siya rito na naghihintay sa pagbalik niya. 'Di ko makita yung dahilan no'ng nalaman ko kay Cybrine, yung secretary niya dito, na lahat naman daw ng branch niya may nakatalaga na secretary. Bakit kinailangan niya akong isama? Magsasayang lang siya ng gastos sa akin sa pagpunta rito, hindi ko maintindihan.

"Gertrude." Lumabas si boss mula sa office niya na magulo ang buhok at suit. Nakalas 'yong necktie niya, pati suit niya maraming kusot, halatang pagod na pagod sa trabaho.

"Sir?" Tumayo ako at lumapit sa kaniya.

"Get your things, and let's go," sambit niya at dumertso ulit sa left elevator. Binuksan ulit niya 'yon gamit yung card, talagang lahat ng mga lock dito card swipe, at tanging yong card ko at card niya lang ang makakabukas sa lahat.

"Yes, sir." Hinablot ko yung black na bag ko at pumasok sa elevator papunta sa likod niya. Pero napakunot noo ako, no'ng umatras siya aa tabi ko para magkalebel na lang kami. 'Di na ako nagsalita, walang kahit anong ingay ang maririnig habang pababa kami sa parking lot.

"Sir," ani ng bodyguard/driver ni boss na si Ssixt sabay bow pagkalabas ni boss. "Ma'am." Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti ako pabalik. Guwapo at maskulado si Ssixt lalao na't nakasuit siya, dagdag pa yung brown niyang buhok.

"Don't call me, ma'am. It's Gertrude," tanggi ko at sumunod kay boss papunta sa sasakiyan. Puno ang parking lot ng mga magagara at mamahaling sasakiyan, pero nakaka-agaw pansin parin 'yong black Chevrolet ni boss na kumikinang-kinang pa.

Pumasok si boss sa backseat na dati nang nakabukas ang pinto, akmang papasok naman ako sa harap pero nagsalita siya.

"Not there, Gertrude. Here," sabad ni boss at umusog sa may bandang kanan, para makapasok ako. Dapat sa harap ang secretary, ba't ako nasa harap? Hasyt. "Let's go, Ssixt." Isang sambit lang ni boss, ini-start ni Ssixt ang sasakiyang at lumabas na papunta sa kung saan, sa hotel, o saan mang hindi ko alam.

Gabi na, at gumanda nanaman ang vibe sa labas. Andaming mga tao ang naglalakad sa road sides, mga kulay orange na kotse, traffic, TV advertisements, casinos, bars, halos nandiyan na lahat. Pero para sa akin, nakikita ko ang ganda ng Paris, ang ngiti ng mga tao lalo na ang mga bata, ang mga kumikinang na ilaw ng mga buildings, at lahat lahat na.

Nakakatanggal ng pagod, parang lahat ng bigat na nararamdaman ko nawala, kaya lang. Mas lalo kong namiss si AK, ang anal ko, sana nandito siya kasama ko. Siguradong matutuwa siya masiyado. Sana balang araw makapunta rin siya rito.

Napapatanaw na lang ako sa labas ng sasakiyan at napapangiti dahil sa pagkamangha. 'Paris, isang napakagandang lugar, at masuwerte ako, dahil nakarating ako rito kahit isang beses lang.'

Sandali kaming na-traffic sa gitna, pero naka-alis din kami dahil may guide 'yong sasakyan kung saang route na dapat ang daana para makarating sa pupuntahan. Pero mas lalong nanlaki amg mga mata ko, nang makita konv palapit kami sa Eiffel tower. 'Oh my God,' sabi ko sa isip ko at napatakip na lang sa bunganga ko.

Kahapon kita ko 'to sa malayuan, ngayon malapitan na. Ang ganda, sobrang ganda, kumikinang ang mga ilaw sa bawat poste, at sa baba, ang daming mga taong kumukuha ng picture. Halos lahat magjowa, at magkakaibigan.

Biglang tumigil yung sasakiyan, pero 'di ako gumalaw, basta gusto ko lang tanawin yung tower. Wala na akong pakialam sa ibang bagay, masiyadong ako namangha. Nagtatalong ang puso ko, at ang lawak ng aking ngiti na tumititig sa labas.

Pero napahila ako mula sa bintana nang biglang nakita ko ang mukha ni boss doon at binuksan yung pinto sa side ko. Napatingin ako kay boss nang nakakunot noo pero mas lalo ako na apatras nang buksan niya ang pinto ko sabay lahad ng kaniyang kamay. Ang mata niyang nakatingin sa akin, parang nagmamaka-awa ito na sumunod ako sa anumang gusto niya.

Ngayon lang, sa mga oras na ito, naging malamboy at tila maawain ang mga mata niya. Ngayon lang, na hindi niya isinuot 'yong sunglass niya para matakpan ang ganda ng kaniyang mga mata. So oras na to, kakaiba siya.

Hindi ko alam kung bakit, pero kusang gumalaw ang aking kamay at tinanggap ako kamay niya para tulungan ako papalabas ng kotse. Pagkalabas ko, naramdaman ko ang mahinang hampas ng hangin sa mukha ko kaya't mediyo nilamig ako.

"Let's go?" Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"Ahh ahmm sige." Ngumiti ako ng simple at nagpatianod sa kung saan man niya ako dadalhin. Pero todo titig parin ako sa tower, sadiyang napakataas at napakahiwaga kahit isang simpleng pasyalan lang.

Sa baba ng tower, may parang park na may malawak na kulay green na ground, parang nataniman ng bermuda. Sa mediyo gilid, may tubig at fountain. Marami ring mga ilaw na mas lalong nagpapaliwanag sa lugar, maraming tao, pero parang wala akong naririnig ni isa sa kanilang mga sinasabi. Basta ang alam ko, hinihila ako ni boss at tinititigan ko ang tower.

"Isn't it beautiful?" Biglang tumigil si boss sa may gitna ng hagdan na mediyo malayo sa tower 'saka siya tumayo sa tabi ko. Nakapamulsa siya ngunit madamdamin niyang tinititigan ang tower, parang isa itong maganda, ngunit masakit na ala-ala para sa kaniya.

Tinignan ko siya at ngumiti. "Yes, it's very beautiful." Tumango-tango ako at ibinalik ang tingin ko sa tower. Nanatili kaming tahimik at nakatitig lang sa tower hanggang sa naramdaman kong mediyo nilamig na ako dahil sa hangin kaya napayakap akp sa sarli ko.

"Here." Biglang tinanggal ni boss yung mahabang coat na kulay itim at walang alinlangang inilagay ito sa likod ko.

"B-boss?" Nagaalangan kong tanong dahil baka siya naman ang lamigin.

"It's okay. I'm wearing my coat, you need it more thatn I do." Sumibol ang konting ngiti sa kaniyang labi sabay punta sa gilid ng hagdan, at dooy umupo.

Napangiti na lang ako at sumunod sa kaniya. Kakaiba si boss, hindi siya kailanman maiintindihan. Kagaya ngayon, kakaiba nanaman ang aura niya. Nakikita ko nanaman ang sakit sa mukha niya, parang sakit ng kaniyang nakaraan. Ramdam ko sa bawat mabigat ba paghinga niya. Hinayaan ko na lang at umupo sa tabi niya.

Sana, sana, nandito ang pamilya ko at nakikita nika ang nakikita. Magiging masaya ako lalo, lalo na sa anak ko. Gusto ko ring maranasan niya ang magandang buhay, hindi kagaya ng sa akin. Galing sa isang mahirap na pamilya na naninirahan sa tabi ng dagat. Naghirap, nagutom bago napunta sa ganito.

Ayokong maranasan ni AK 'yon, gusto kong lumaki siya ng 'di masiyadong naghihirap. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko, para maibigay ang magandang buhay na 'yon. Kaya lang, may isang bagay na hindi ko kayang ibigay, ang kumpletong pamilya. Ang isang ama.

Dahil alam ko, na kailanman, hindi puwedeng maging asawa ko ang boss ko. At hindi ko rin alam, kung may magmamahal pa ba sa tulad ko, tulad ko na may anak na. Siguro tatanda na ako ng walang asawa.

"Gertrude?"

"S-sir?" Mediyo gulat na lingon ko sa kaniya.

"How does it feel when you have parents guiding you?" Tumingin siya sa akin na mediyo basa ang mga mata.

Mediyo nanalako ang mga mata ko sa nakita ko, si boss naluluha. Parang impossible. "Ahhh ahmmm masaya. I mean, it's good, specially when they make you feel so loved and important. When they always take care of you when you're sick, and they're always there when you need a-advice," lintaya ko. "Ba-bakit boss?"

Ngumisi siya. "I wish I felt how you felt," mahinang boses na wika niya at tumayo mula sa kinau-upuan. "Come on." Hinablot niya ang kamay ko para hilahin ako papatayo. Muntik pang mahuloh yung coat dahil hindi ko talaga isinuot, nakapatong lag sa balikat ko para magsilbing harang sa hangin.

"Wh~"

"Hello! Maam and sir. Can I take photos of you, you look so good together," biglaang sambit ng isang lalaking guwapo na nakacasual wear, nakabackpack, at may hawak na camera.

"W-we are n-not c-couples," alanganing saad ko at tinignan si boss na biglang nanlamig nanamn ang mga mata.

"Oh, I'm sorry. You two looked so in love. So may I?" Magalang at nakangiting offer niya. "It'll be waste, if you two won't get a picture together."

Sinulyapan ko si boss na tahimik lang at tinapunan ng nagtatanong na tingin. Siya boss eh, siya masusunod.

"Okay," agree ni boss.

"Yes!" Pagbubunyi ng photographer. "Okay so, all you need to do is post like a couple together," masayang sambit niya at inilagay sa ulo ko ang parang hairband na mabulaklak at may veil. Sabay lagay sa kamay ko ng isang flower.

Si boss naman lumapit lang sa akin pero hindi niya pa ako nasasagi na ikinatawa ng photographer. "Go closer. Sir, put you hands on her waist and ma'am, rest your head on his chest," request niya.

Napangiwi ako, pero wala akong nagawa dahil si boss na mismo ang lumapit sa akin para gawin 'yong sinabi ng photographer. Ramdam ko ang mediyo malamig na kamay ni boss sa bewang ko at hinila ako papalapit sa kaniya.

Kumabog nanaman ang puso ko sa kakaibang ritmo. Gusto kong kumawala sa hawa ni boss, dahil mawawala nanaman ako sa katinuan, pero wala akong nagaqa no'ng yung photographer na mismo ang umayos sa amin. Inilagay niya ang ulo ko sa dibdib ni boss, kaya rinig ko ang malakas na tibok nito, mas malakas pa sa puso ko.

"Smile!" Masayang sigaw ng photographer at itinaas ang kaniyang kamera para makunan kami. Pilit akong ngumiti ng normal na parang wala si boss sa tabi ko. Hanggang sa gumamit siya ng singsing bilang props sa pagkuha sa litrato namin, at doon narealise ko.

Pang newly wed ang vibe ng picture namin, mase may veil sa ulo ko, at may bulaklak sa gitna namin ni boss. 'Jusko, ba't sa dami pa ng puwede?! Yung pang-kasal pa ang napili.'

"One more shot. Look at each other and smile."

Napalunok ako, hindi ko nga kayang tumingin kay boss ng matagalan. Paniguradong mahihirapan ako sa lagay na 'to, kaya mas pinili kong umiwas ng tingin. Pero nanigas ako, dahil hinawakan ni boss ang baba ko at siya na mismo ang nagharap sa kaniya.

Normal siyang ngumiti sa akin kaya mas lalong nabaliw ang puso ko. Ang guwapo, napakanatural niyang tignan. Isang ngiti lang, pero kaya nitong itago ang totoong katotohanan sa pagkatao ni boss.

"Smile, honey." Hinaplos niya ang aking pisngi na kinayuko ko dahil kakaiba nh pakiramdam ng haplos niya.

Huminga ako ng malalim at nakipaglaban ng tinginan sa kaniya nang may ngiti sa labi. Mahirap, nakakakaba, nakakahiya, pero nagawa ko. Ilang beses din nag-flash ang camera, at ilang segundo kaming nagtinginan ni boss nang nakangiti.

Nababaliw ako, ang puso ko, ang damdamin ko gulong-gulo. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Mali, maling-mali.

Nawala ang ngiti ko sa labi at napahakbang papalayo na ikinagulat ni boss. Tinanggal ko ang veil sa ulo ko at hindi na tumingin kay boss kahit pa nakatitig siya sa akin.

"You're a perfect couple. See?" Lumapit sa amin ang photographer ng may malawak na ngiti sa labi. Ipinakita niya ang developed nang picture sa amin. Totoong maganda, nagmukha nga kaming couple, lalo na 'yong picture na magkatitigan kami nang nakangiti.

Sana, sana totoo. Sana puwede, pero imposible. Hindi kailanman mangyayari 'yon, alam ko.

"Here, keep it maam." Binigay sa akin ng photographer ang ilan sa mga pictures namin at ang iba ay kay boss.

Kakaiba ang tingin niya sa larawan, parang isang napakaimportanteng bagay sa kaniya. Parang nararandaman niya, o kagaya niya, mahiwaga ang picture para sa akin. Pero hindi 'yon nagtagal, dahil dumating si Ssixt.

"Sir, your mother called. She's waiting for you in New York."

#Umay pa rin, di ko na talaga alam kung ano ba ang dapat kong gawin.

Continue Reading

You'll Also Like

754K 13.1K 60
Highest Ranking #349 Si Blaire Cojuangco Agustin ang nagsalaba sa kanya ng mga panahon na kinaylangan nya ang tulong nito. Pero ang kapalit ay maging...
170K 3K 37
NBSB at the age 27, Ana Vanessa firmly believes that she will attract someone by just being nice and pretty. Later, she realized that it was useless...
46.4K 1K 38
Jackson Ramirez is Artemis Defensor ex boyfriend their relationship was just so called fling but what if Jackson got Artemis pregnant what will happe...
2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...