South Boys #1: Kiss Master (P...

By JFstories

14.6M 749K 405K

He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming h... More

Prologue
NOTE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
LAST CHAPTER
Epilogue
SOUTH
Series Adaptation and book announcement!
update

Chapter 14

199K 11.7K 4.9K
By JFstories

Magdamag kong inisip iyong sinabi ni Arkanghel bago siya umalis. Bakit kung magsalita siya parang balewala ang lahat sa kanya? Bakit bukas pa siya maghe-helmet? Bakit hindi niya ba iniingatan ang sarili niya noong mga nakaraan?


Dahil sa pag-iisip, late ako kinabukasan. Nasa room na ang mga estudyante, naglalakad pa lang ako papunta sa building ng Grade 12. Sa second floor ang room ko at sa first floor ang kay Arkanghel. Walang ibang daan para makarating sa hagdan kundi ang dumaan sa room niya. Walang takas.


Hindi ko magawang kumalma sa panloob kahit sa panlabas ay kalmado ako. I was in my poker face nang dumaraan na ako sa room ni Arkanghel. Nagka-klase na sila which was good dahil nasa front ang attention ng lahat. Walang titingin sa bintana.


"Alcaraz!"


Muntik na akong matalisod.


"Alcaraz, is that you?" Lumabas ng room ang first subject teacher nila na si Mrs. Herrera. "Ikaw nga. Dito ka na pala talaga ulit."


"Opo, Ma'am." Hindi ko alam kung paano magpapaalam sa kanya. Nakakailang kasi dahil iyong isa niyang estudyante sa loob ay halos mabalian na ng leeg kakatingin sa akin.


"Pinapagawa ko ng sariling tula ang mga estudyante ko." Lumingon siya sa room. "Ikaw, bakit ka nasa labas?"


"Late po ako," nahihiyang sagot ko.


"Hmn, bago 'yan. Pero minsan lang naman siguro, ano?" Ngumiti siya. Ang bait-bait talaga ng bukas ng mukha niya.


Si Mrs. Maria Ethelinda Herrera ang naging isa rin sa mga coach ko sa mga quiz bees noon maliban kay Mrs. Aguilar. Mabait siya sa akin at oo nga pala, Grade 12 Filipino teacher siya. Taga Ecotrend Subdivision siya sa may Pasong Camachile 2.


"Halika na. Aakyat din ako. Di ko naibigay iyong baon ni Jillian."


Classmate namin ni Carlyn ang bunsong anak niya na si Jillian Mae Herrera.


Nilingon niya ang klase. "Walang lalabas, ha? Babalik ako. Walang magkokopyahan. Babasahin ko isa-isa 'yan."


Napangiti ako. Knowing Mrs. Herrera, babasahin niya talaga isa-isa ang gawa ng mga estudyante kaya walang makakalusot sa kanya.


Chorused na sumagot ng "yes, ma'am" ang mga nasa loob. Maliban kay Arkanghel na nakasunod ng tingin sa amin ni Mrs. Herrera.


Habang naglalakad ay nagkukuwento si Mrs. Herrera. "Iyong anak kong panganay na si Jordan,  graduate na. Sa La Salle Dasma nag-aaral ngayon, first year, architecture. Ikaw, saan ka magka-college? Anong course?"


"Baka sa CVSU, Rosario po. Educ." Ayaw ko kasing lumayo kay Tatay Bear kaya nagdesisyon ako na hindi mag-e-enroll sa main ng Cavite State University na nasa Indang, Cavite pa.


Pagkarating sa room ay humingi ako ng sorry sa teacher namin dahil sa pagiging late ko. Tinawag ko rin si Jillian dahil bibigyan siya ng baon ni Mrs. Herrera.


"Bakit tinawag mo si Jillian?" usisa agad ni Carlyn pagkaupong-pagkaupo ko. Sa tabi ko na talaga kasi siya nakaupo. Pinalayas niya na nang tuluyan iyong talagang dapat na katabi ko rito. Hindi na rin niya pinagbibigyan si Hugo na tumabi ulit sa akin.


Sinitsitan ako ni Hugo. Hindi ko nga pinansin kahit pa kapansin-pansin siya dahil siya lang naman ang bukod tanging makapal ang mukha na hindi nakapolo uniform. White t-shirt na Nike ang suot niya.


"Nasa labas mommy niya, si Mrs. Herrera," I answered Carlyn's question.


"Awts, akala ko kuya niya na iyong nandiyan."


"Si Jordan? Bakit?" Kilala pala ni Carlyn ang panganay ni Mrs. Herrera? "Graduate na iyon. Nasa La Salle na, 1st year architecture daw."


"Bakit alam mo?" Sinamaan niya ako ng tingin.


"Kwinento ni Mrs. Herrera habang paakyat kami rito kanina."


"Nililigawan ako 'nun!"


Pumasok na ulit si Jillian sa room at bumalik sa upuan niya na nasa likod lang namin. Nagsi-cellphone ito. Palagi itong may ka-text kapag walang klase. 


"Alam ba ni Jillian ang tungkol sa inyo ng kuya niya?" bulong ko kay Carlyn. Mabait naman si Jillian, pero parang hindi ito natutuwa sa kaibigan ko. 


"Ewan. Pakialam ko diyan. Hindi naman siya syosyotain ko e, kuya niya."


Natatandaan ko pa ang ugali ni Jordan dahil madalas siya sa faculty para dalawin ang mommy niya noong dito pa siya nag-aaral. Tahimik na estudyante siya. Guwapo pero intimidating. Ganoon siguro kapag seryoso sa buhay, maiintimidate ka. Nakapagtataka lang na nagkasundo sila ni Carlyn samantalang magkabaliktad ang ugali nila.


Mahinang hinila ko ang buhok ni Carlyn. "Alam mo, ang dami mong lihim sa akin. Marami kang di nakukwento!"


"Katulad naman ng ano?"


"Kay Isaiah."


Sabay kaming napalingon kay Jillian nang may mahulog na libro sa likod. Kanina ay busy sa phone ang babae, pero napakinggan yata ang pinag-uusapan namin dahil bahagyang napalakas ang aming boses ni Carlyn.


"Hanapin niya pake ko."


Hanggang mag-breaktime ay hindi ako lumabas ng room. Pinagkasya ko ang sarili ko sa baon kong kanin at corned beef na tinorta sa itlog. Parte na ito ng pagtitipid ko, pagda-diet, at syempre, pag-iwas kay Arkanghel.


Palingon-lingon ako sa bintana habang kumakain. Pupunta kaya si Arkanghel dito sa second floor? Baka puntahan ako nun e. Pero hanggang sa maubos ang pagkain ko ay hindi siya nagpakita. Nakakainis.


Teka lang? Bakit ba nag-e-expect ako na pupunta siya? Ano namang gagawin niya rito, di ba? May mapapala ba siya rito? Baka may iba siyang ginagawa like texting his girlfriend? Malamang. So sino ako para pag-aksayahan niya ng panahon na puntahan?


At isa pang teka lang? Di ba umiiwas nga ako kasi nahihiya ako e bakit inaabangan ko siyang pumunta? Bakit feel na feel ko? Napatingin ako sa hawak kong suklay na kanina ko pa hinahagod sa buhok ko. Hindi ko pa naililigpit ang pinagkainan ko pero nagsusuklay na ako. Ano ba ito?


"Hoy puro dandruff na iyong baunan mo." Tumabi si Hugo sa bakanteng upuan ni Carlyn.


"Pwede ba? Umalis ka riyan dahil pabalik na si Carlyn."


"Mamaya pa iyon. Nasa baba siya e kausap si Isaiah."


"Ha?" Ang sabi niya, iihi lang lang siya.


Kinatok ni Hugo ang armchair ko. "O bat di mo alam? Magsyota iyon."


"May nanliligaw kay Carlyn-"


"Echos niya lang iyon. Patay na patay kay Isaiah iyon kaya kunwari syo-syota siya ng iba. Malas lang niya dahil si Vivi ang tunay na nagmamay-ari sa puso ni Isaiah. Si Vivi ang may hawak ng korona at unkabogable kahit efortless." Tumawa siya na akala mo naman nakakatawa ang sinabi niya.


Nakaramdam tuloy ako ng awa sa kaibigan kong si Carlyn. Hindi ko alam kung ano ang mga nangyari sa kanya noong mga panahong nasa Bulacan ako. Tinalikuran ko siya sa mga panahong kailangan niya ng best friend.


"Tingnan mo si Vivi. Gaganyan-ganyan lang 'yan pero kung habulin ni Isaiah 'yan, akala mo gawa sa ginto."


Napatingin naman ako sa gawi ng upuan ni Viviane Chanel. Busy si Vivi sa pagtataktak ng solution sa mata niyang may suot na contact lenses. Mukha namang wala siyang pakialam sa mundo. Hindi ko rin nakikita sa kanya na may care siya kay Isaiah.


Nakatingin na lang sa akin si Hugo. Hindi na siya nagsasalita. Baka nalunok ang dila. Sana nga.


Umayos ako sa pagkakaupo. Napapaisip din ako sa sinabi ko. Posible nga bang iyong nararamdaman ko ay-


"Aso mo," tamad na sabi ni Hugo.


"Ha?" Mabilis akong napalingon sa bintana.


Padaan si Arkanghel sa harap ng room namin. Todo bali na ang leeg ko kakasilip dahil pag nadadaan siya sa mga nakatambay na estudyante ay natatakpan siya. Hinihintay ko siyang tumingin dito. Hinihintay ko siyang lumingon.


"'Pag hindi iyan lumingon, akin ka na."


"Siraulo!" Sinabunutan ko si Hugo.


Kumakabog ang dibdib ko dahil palampas na si Arkanghel sa room namin, hindi pa rin siya lumilingon. Nafu-frustrate na ako.


"Ge, pag lumingon 'yan ibig sabihin supot pa 'yan."


"Hugo, bwisit ka!" Binalingan ko siya para kurutin sa braso. Todo ilag naman siya habang natatawa kaya nagtaka ako nang biglang nagbago ang reaction niya.


Nagdilim ang mukha niya habang nakatingin siya sa labas ng bintana. Nanalim din ang mga mata niya.


"Ha?" Napabalik ang tingin ko sa labas, pero wala na si Arkanghel. Hindi ko na siya nakikita. Nakalampas na siya. "Lumingon ba siya?" malungkot na nasabi ko.


Nang tingnan ko si Hugo ay madilim pa rin ang mukha niya. Salubong na salubong ang mga kilay niya. "Hindi. Hindi siya lumingon kaya magluksa ka riyan!" Pagkasabi ay padabog na tumayo na siya at iniwan niya na ako.


Anong problema ni Hugo?


Si Arkanghel? Hindi ba talaga siya lumingon? Malungkot na bumagsak ang balikat ko. Mukhang magluluksa nga ako.


Nang uwian ay nagmamadali si Carlyn na umalis. Hindi siya sasabay sa akin kung kailan gusto ko pa naman na sabay kami. Ang sabi niya, nasa labas na raw ang sundo niya, si Jordan. At ngayon niya na raw sasagutin ang lalaki. Ang dami kong gustong itanong pa sana kay Carlyn pero ayoko naman siyang pilitin na sumagot kung hindi pa niya feel na mag-open up sa akin. Hindi ko naman siya mapangaralan dahil syempre, buhay niya iyon. Eighteen na siya at alam naman na niya ang tama at mali.


Binitbit ko na ang bag ko para lumabas ng room. Kanina pa nga dapat ako lalabas, iyon nga lang ay kinakabahan ako. Hindi kasi pwedeng hindi ako dadaan sa bench. Baka nandoon na si Arkanghel at naghihintay sa akin. Di ba sabi niya, hihintayin nga raw niya ako roon? Paano kaya iyon? Kinakabahan, naiilang at nae-excite ako? Pwede pala magsama-sama iyong mga pakiramdam na iyon?


"Chubs!" tawag ni Hugo sa akin. Nasa labas siya at hawak ang cellphone niya. "Number mo nga!"


Paglabas ko ng pinto ay sinalubong niya agad ako. "Hugo, wala pa akong phone."


Meron na akong phone. Iyong luma ni Carlyn, ibinigay niya sa akin. Ayaw ko lang ibigay kay Hugo ang number ko. Maligalig kasi siya e.


"Accept mo ko sa FB. Wag kang sinungaling diyan, nakita kita kagabi naka-online ka!" Mahina niyang pinitik ang noo ko. "Nagcomment ka roon sa post ni Elvy. Gusto mo magreseller sa daing na bangus ng nanay niya!"


Si Elvy ay classmate namin na ang nanay ay nagtitinda ng daing na bangus sa palengke at sa Facebook.


"Oo na!" Tinabig ko ang kamay niya. "Syempre gusto kong magsideline. Hindi naman ako katulad mong maraming pera."


"Sabay ka na sa akin para di ka na magastusan pamasahe-"


"Bhie!"


Hindi na naituloy ni Hugo ang sinasabi dahil mula sa kung saan ay may yumakap sa kanya. Maputing babae na nagmumura ang blush on at ang sharp na sharp na kilay. Anong grade naman kaya ito?


"Ano ba, Shiela!" Kumawala siya sa babae. "May lakad ako ngayon-"


"Saang lakad?! Saka sino siya?!" Tiningnan ako noong Shiela na mayaman sa cosmetics. "Sino siya, Bhie? Don't tell me, mahilig ka na ngayon sa chubby?!"


"She's Sussie!" inis na sagot ni Hugo. "Saka di ba sabi ko, itetext na lang kita?! Bakit ba andito ka?! May lakad kami ni Sussie!" Nakatingin siya sa akin na parang humihingi ng saklolo.


Lakad? Wala kaya.


"Bhie, sasama ako kung may lakad kayo! Weeksary natin ngayon e tapos iba kasama mo?! Hindi ako katulad ng ibang ex mo kaya wag mo kong gaganyanin!" Palaban si Bhie. Kawawang Hugo.


Mabilis ang mga lakad ko para hindi na makahabol pa si Hugo. Nakalampas ako ng room nila Arkanghel nang walang aberya kaya ang saya. Nang malapit na ako sa bench ay napakunot ang noo ko.


Wala siya roon.


Uwian na kanina pa. Bakit wala siya? Akala ko ba maghihintay siya?


Baka dumating iyong girlfriend niyang si Zandra? Syempre nga naman uunahin niya iyon. GF niya iyon e. Priority iyon. Ang bigat-bigat na ng mga hakbang ko habang naglalakad.


"Huli ka!" Biglang may umakbay sa akin.


"Ano ba, Hugo?!" Inis kong tinabig ang braso niya at itinulak siya.


Magra-rant pa sana ako nang makitang hindi siya si Hugo. Si Arkanghel na salubong ang kilay. Nakagat ako ang ibaba kong labi dahil sa pagkapahiya.


Lumakad siya papunta sa bench at pasalampak na naupo roon. Wala siyang dalang bag. Ballpen lang na HBW ang nasa bulsa ng suot niyang polo.


Balisa ako at hindi makapagdecide kung susundan siya sa bench o uuwi na. Naguguluhan din ako kung dapat ba akong magsorry dahil napagkamalan ko siyang si Hugo kanina. Baka naman kasi lumabas akong OA at defensive kung ie-explain ko pa na napagkalaman ko siya.


"Dumaan ako sa room niyo kanina. Nakailang daan ako, ni tumingin di mo ginawa."


Ha? Dumaan pa siya ulit? Ilang ulit?


"So ano? Snob ka."


"Hindi ko alam na dumaan ka ulit..." Hindi ko rin naman alam na ako ang sadya mo kaya ka dumaan. Baka naman kasi hindi ako. Ayokong mag assume. Baka napadaan lang siya talaga.


Ang hirap naman nang ganito. Hindi ko alam ang lulugaran ko. Frustrated na nagpakawa ako ng paghinga. "Sige. Uuwi na ako." Tinalikuran ko na siya.


Ayokong maabutan pa kami ni Zandra kung sakaling susulpot na naman ang babaeng iyon dito. Ayokong maipit si Arkanghel sa amin-


"Pag umiiwas, may crush."


Napabalik ako. "Ano?"


"Wala." Sumipol siya na parang balewala.


Tumigil siya sa pagsipol saka nilabanan ang titig ko. Syempre, talo ako. Nakakalunod kaya iyong titig niya. Nakakainis.


Tumayo siya at lumapit. "Akala ko ba okay na tayo?"


Napalunok ako bago nakasagot. "Uhm, oo." Pero hindi na tayo VBF like before. Marami nang nagbago.


"O okay naman na pala." Ngumiti siya matapos hagurin ng kamay ang buhok niya. "Tara, fishball tayo."


"Baka magalit GF mo," maliit ang boses na sabi ko. Parang ang hirap pa ngang pakawalan ng mga salita.


Natigilan naman si Arkanghel. Napatitig siya sa mukha ko. Siguro bigla niyang naalala na may GF na nga siya.


Naiilang na sumimpleng iwas naman ako ng tingin. "Uhm, di ba pangit naman iyong ganon? May GF ka tapos makikita kang may kasamang iba? Magselos pa iyon." Pilit kong pinasigla ang boses ko para magtunog na casual lang.


"Tara kain tayo fishball," nakangiti na siya nang magyaya ulit. Iniignore niya iyong sinasabi ko.


"Busog ako. Saka diet na ako." Saka may GF ka nga...


"Kaya pala naka-tatlong balik ka sa kanin kagabi? Partida na iyong tindi ng meryenda mo isang balot daw ng tasty bread at-"


Napipikong napataas na ang boses ko. "Arkanghel, may girlfriend ka! Wag mo akong kulitin diyan dahil hindi magandang tingnan ang ginagawa mo kahit pa walang malisya sa 'yo!"


Bigla siyang sumeryoso. "Sinong nagsabing walang malisya?"


"A-ano?"


"Fishball nga tayo. Gusto mo may kikiam at kwek-kwek pa e. Dagdagan mo pa ng palamig. Libre ko lahat basta hanggang trenta lang total. Iyon lang keri ng budget e."


Tumalim ang tingin ko. "Bakit hindi na lang si Zandra ang yayain mo? Ah, wala siya kaya ako muna?!"


Nangunot ang noo niya. "Zandra ka nang Zandra. Anong kinalaman ni Zandra sa fishball, kikiam, kwek-kwek at palamig?"


Napapadyak ako sa asar. "Di ba siya GF mo?!"


"Sinong may sabi?"


Itinulak ko siya sa dibdib at nilampasan. "Ewan ko sa 'yo!" Iniwan ko siya. Iiwan ko siya kasi nakakainis siya.


Siraulo. Nakakainis siya talaga. Porket wala iyong tao, hahanap siya ng panakip-butas sa foodtrip niya? Hindi niya ba alam na kahit simpleng foodtrip lang ay ay pwedeng makasakit ng damdamin? Ang sakit kaya para sa akin-I mean for Zandra.


"For your information, Susana Alcaraz, di ko GF si Zandra!"


Napahinto ako sa paglalakad.


"Wala akong GF!"


Hindi na nakagalaw pa ulit ang mga paa ko.


"Ano? Sa sabi-sabi, naniniwala ka? Sa akin, hindi? Ganoon?"


Nilingon ko siya. Nakasimangot siya ngayon sa akin.


"Wala ka pala e. Naniniwala ka sa chismis! Chismosa!"


"Pero dinadalaw ka niya rito kahit graduate na siya!" Hindi ko na napigilan ang bibig ko. At syempre ang damdamin ko.


"May kinuha lang siyang form sa faculty room. Nataon lang na nakita niya ako."


"Sabay kayong kumain sa canteen!"


"Sinabayan niya lang ako, alangang tadyakan ko paalis."


"Pumunta siya sa birthday mo! Pumupunta siya sa inyo!"


"Inaanak siya ni Mama. Saka malamang, pupunta iyon. 'Lapit lang bahay nun samin e."


"Tinawag ka niyang baby!" doon na pumiyok ang boses ko.


Lalong napasimangot siya. "E narinig mo bang tinawag ko rin siyang baby, ha?! Ano, wala ka pala e!"


"E kahit na..."


Napayuko ako dahil ayokong makita niya ang pangingilid ng mga luha ko. Parang baliw naman 'tong mga mata ko. Bakit naman kaya naluluha na lang bigla?


Naramdaman ko ang pagpatong ng palad ni Arkanghel sa ulo ko. "Tss... Ikaw talaga."


"Sexy siya..." halos bulong na lang ang lumabas sa akin.


Nagulat ako nang bigla siyang tumawa.


Napipikong nag-angat ako ng paningin. Umurong ang mga luha ko. Ano kayang nakakatawa? Dapat bang pagtawanan iyong insecurities ko? Nang makabawi ako ay naglakad na ako para iwan siya ulit. Umalis ako pero hindi papunta sa gate kundi pabalik sa bench. Naupo ako roon at hinintay siyang sumunod. Sumunod nga naman siya.


His handsome face lit up with a boyish grin when he saw me on the bench. "Uy, memories..."


"Memories ka riyan!" Humalukipkip ako.


Naupo siya sa tabi ko saka sumandal sa bakod na nakadikit sa sementadong bench. May kinuha siya sa tabi niya. Ay, wala pala siyang kinuha. Parang may kinuha lang. "Ano nga 'to?" tanong niya.


Tinaasan ko siya ng kilay. Wala naman siyang hawak e pero kung umacting siya, parang may bitbit siyang kung ano. Nababaliw na ba siya?


"Huy, ano nga 'to?" Siniko niya ako.


"Wala ka namang hawak e! Baliw 'to!"


"Tsk." Inayos niya ang pagkakakalong sa kung anong imaginary na hawak niya. "Gitara 'to. Hina mo naman."


Gitara? Saan? Iyong hangin? Kailan pa naging gitara ang hangin?


"Gitara nga 'to. Wag makulit." Then he started strumming. Tumango-tango-tango pa siya. Feel na feel ang imaginary guitar.


Pati iyong pagkalabit ng mahahaba niyang mga daliri sa hangin, akala mo may string talaga. Parang tanga talaga.


"Ano ba para kang sira..." Napapatingin kasi sa kanya iyong mga dumaraang estudyante. Hindi naman niya pinansin ang sinabi ko. Tuloy lang siya sa pagitara hanggang sa marinig ko ulit kung gaano kaswabe ang boses niya.


"Although loneliness has always been a friend of mine..." Tumingin siya sa akin. "I'm leavin' my life in your hands. People say I'm crazy and that I am blind, risking it all in a glance."


That was the same song that we sang together. Nanahimik na ako.


Katulad niya ay nawalan na ako ng paki sa mga estudyanteng dumaraan at nawiwirduhan sa pagigitara ni Arkanghel sa hangin.


"And how you got me blind is still a mystery. I can't get you out of my head. 'Don't care what is written in your history, as long as you're here with me..." Hindi maalis ang mga titig niyang nakakapanghina.


"Arkanghel..." sambit ko nang ibaba niya ang imaginary guitar.


Ngumiti siya sa akin. "Welcome back, Sussie. I missed you."


JF

Continue Reading

You'll Also Like

4.1M 241K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
778 213 46
I love you(143 and 3Words and 8Letters -Charlene and Edmon) Sa isang party nakilala ni Edmon si Charlene. Nahulog ang loob niya kay Charlene, at iyon...
8.9M 184K 42
si Aga ay isa sa mga sikat na ramp model. happy-go-lucky girl. she is every man's dream na takot pumasok sa isang seryosong relasyon dahil ayaw nyang...
450K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022