Chapter 10 - ANGELIC VOICE, DEATH GLARE BATTLE, and BLACK STAR
THIRD PERSON's POV
Nasa room na ang FIERCE ngayon at talagang badtrip ang mga itsura nila.
"Nakakapikon na ang mga babaeng yun." sabi ni Sky
"Hindi naman nga babae ang mga yun." sabi naman ni Eli
"Ang sakit ng ulo ko." sabi naman ni Lei
"Wag niyo kasi silang maliitin." sabi naman ni Ash
"Tama si Ash, hindi pala sila gaya ng mga mahihinang babaeng inaakala natin. Tss" sabi naman ni Max
Inis pa rin talaga ang ilan sa mga members ng FIERCE sa MORONSX.
"Ipinagsigawan pa nila ang mga pangalan natin dun." sabi ni Sky
"Matawagan nga si Mama, kung bakit naman kasi naisipan pang F4 member ang ipangalan sa akin. Baduy!!" sabi ulit ni Lei
"Mag isip tayo ng magandang plano para makaganti sa mga babaeng yun." sabi ni Blue
"At anu naman magandang plano yan?" tanong naman ni Yvo
Binulong ni Blue sa kanila ang naisip niyang plano at
"ANO?????? Hindi ko kaya yan." sabi ni Nick
"Kahit ako, wala pa man nasusuka na ako." sabi naman ni Yvo
"Yun lang ang planong alam kong ikakatalo ng mga yun." sabi ni Blue
"Wag niyo ng ituloy ang plano niyong yan." sabi naman ni Ash
"At bakit naman hindi? Siguradong ngayon mananalo na tayo." sabi ulit ni Blue
Ano kayang plano ang sinasabi ng mga to? Napapaisip tuloy ang third person. XD
***
MICAH's POV
"Girls, una na kayo sa room. Punta muna ko sa restroom." sabi ko sa kanila
"Sige gorabels!" sagot naman ni Mille sa akin at naglakad na ako papunta sa restroom
THERE'S A SHOP DOWN THE STREET,
WHERE THEY SELL PLASTIC RINGS,
FOR A QUARTER A PIECE, I SWEAR IT.
YEAH, I KNOW THAT IT'S CHEAP,
NOT LIKE GOLD IN YPUR DREAMS,
BUT I HOPE THAT YOU'LL STILL WEAR IT
"Teka alam ko yung kantang yun ah."
Hinanap ko kung saan galing yung magandang boses na naririnig ko.
YEAH, THE INK MAY STAIN MY SKIN,
AND MY JEANS MAY ALL BE RIPPED.
I'M NOT PERFECT, BUT I SWEAR,
I'M PERFECT FOR YOU.
Mukhang sa may garden yata yun. Makapunta nga dun.
AND THERE'S NO GUARANTEE, THAT THIS WILL BE EASY.
IT'S NOT A MIRACLE YA NEED, BELIEVE ME.
YEAH, I'M NO ANGEL, I'M JUST ME,
BUT I WILL LOVE YOU ENDLESSLY.
WINGS ARENT'S WHAT YOU NEED, YOU NEED ME.
Tama nga ako, Endlessly yun ng The Cab, my favorite boys.
Agad agad akong tumingin sa garden para makita kung sino yung kumakanta pero wala na. Wala na yung kumakanta.
Sino kaya yun?
Ang ganda pa naman ng boses niya.
Nakakainlove yung boses niya, hindi kaya isang angel yun?
Gwapong angel?
OHMYYGOSH! >//////////<
Kailangan ko tong machika sa kanila.
Hindi na talaga ako nakapagrest room agad agad akong pumunta sa room.
"Girls may chika ako!" sabi ko agad pagka pasok pero hindi nila ako pinansin kasi naman may tensyon ngayon dito sa room
Naka death glare ang ilang members ng FIERCE sa amin at ang MORONSX naman ayun naka death glare din +________+
Magpapatayan yata kami sa titigan.
"Mille, friends pa rin tayo. ^___^V" biglang sabi ni Lei at nagpeace sign pa
"Oo naman Lei, tayo lang friends dito. ^___^" sagot naman ni Mille sa kanya
Close na talaga ang dalawang yan.
"Girls, may chika ako sa inyo. Hayaan niyo na muna ang mga mokong na yan." sabi ko sa kanila
"Mamaya nalang Micah." sabi naman ni Carse na busy sa pakikipag death glare battle
"Ihhhh pero kasi gusto ko ng ikwento." sabi ko ulit sa kanila
"Itweet mo nalang, babasahin namin mamaya." sabi naman ni Lhei
(_ _) Kainis naman eh! Atat na atat na akong magkwento eh.
Makapag tweet na nga
["I JUST HEARD AN ANGELIC VOICE TODAY SINGING THE CAB'S ENDLESSLY. I'M HOPING TO MEET THAT ANGEL SOON. :)))"]
TWEET!
"Ayan na natweet ko na. Basahin niyo na please?" sabi ko sa kanila
Pero wala, hindi na nila ako pinansin.
Pauso naman kasi ng mga to. Death glare battle, bahala kayong magpatayan dyan. Makapag basa na nga lang muna sa wattpad.
Ano ba magandang basahin?
Ah eto! STALKING THE GANGSTERS by missfacile. Romance comedy daw to, siguradong maganda to :))) Mabasa nga!
***
LHEI's POV
Poteek nangangawit na ako sa death glare battle na to. :|
Ano naman kasing trip ng mga to. +____________+
"Napapagod na ako!" sabi ni Aliss
"Hoy mga mokong! Tumigil na nga kayo! Kakasawa na!" sabi ni Carse
"Kayo ang sumuko!" sigaw ni Sky
"AISH! Wag tayong susuko." sabi ni Jesx
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!" sigaw bigla ni Blue at napasigaw din ang iba pa, maliban kay Ash at Max na di kasali sa death glare battle XD
"HAHAHAHA! TALO KAYO!" sabi ni Daryll
"Ang dadaya niyo talaga!" sigaw ni Blue
"Duwag niyo kasi!" sabi naman ni Daryll
Kung kahapon laruang daga ang hinagis namin sa kanila, ngayon laruang butiki naman. XD
"Saan niyo ba nakukuha tong pesteng mga laruan niyo!" sabi ni Cliff
"HAHAHA secret! Baka bumili pa kayo! XD" sabi ulit ni Daryll habang lumapit sa kanila at pinulot ang butiking laruan
"Alam niyo para nalang tayong mga ewan dito eh. Tigilan niyo na kasi kami para walang gulo." sabi ko sa kanila
"Aba! kayo ang umalis dito sa section namin, kayo ang mga pang gulo!" sabi naman ni Cloud
"Uy actually, hindi naman, masaya nga eh. Ikaw lang Lhei ang pang gulo talaga para sa akin." sabi ni Lei sa akin
Busit to! talagang pinapainit niya ang ulo ko. +_____+
"BUSIT KA TALAGA WACHILEI!" sigaw ko sa kanya
"HOY WAG MONG IPAGSIGAWAN YANG PANGALAN KO DITO!"
"WACHILEI WACHILEI! OH BEYBE BEYBE BEYBE! WAHAHA"
"ASAR KA TALAGA!"
At nabangyan nga kami. Asar talaga yung Lei na yun. Akala mo naman eh. :|
"Tapos na ba kayong mag death glare battle? Pwede na ba akong magkwento?" sabi bigla ni Micah
"Oo Micah, tapos na kami." sabi ni Aliss
"Talo kasi ulit ang Fierce. HAHA" sabi ni Mille
"Pero wag ka munang magkwento. Kasi asar pa talaga ako sa F4 member na yun." sabi ko kay Micah at sabay death glare ko ulit kay Lei +_________+
"Ihhhhh naman!" sabi ni Micah at nagbasa nalang ulit sa Iphone5 niya
** FAST FORWARD
MILLE's POV
1week na ang nakakalipas ng pagstalk namin sa mga Gangsters na yun. Halos araw araw rin namin sila nakakabangayan.
Medyo nasasanay na nga kaming pito sa kalokohan nila, sa asaran namin at sa death glare battle namin na halos araw araw naming ginagawa.
Buti nalang talaga at maswerte pa rin ako kay Lei dahil mabait naman yung lalaking yun. Madali lang din turuan at makulit siyang kausap, panay nga ang banat ng jokes sa akin. XD
Pauwi na ako ngayon galing sa bahay ni Lei, yung anim na yun hindi ko alam kung nakauwi na o iniistalk pa rin ang FIERCE.
"MISS!!!!"
ha????
"Tss. Buti nalang agad kitang nailayo dun kung hindi tatamaan ka na nung motor na yun." sabi nitong lalaking nasa harapan ko
"Mag ingat ka naman Miss." sabi niya ulit sa akin
Teka! Sino naman to? Infairness ang gwapo XD
"Miss, uy.. ayos ka lang ba? gusto mo dalhin kita sa hospital?" tanong niya sa akin
"Ah eh, ayos lang naman ako. Salamat." sabi ko sa kanya
"Mabuti naman kung ganun next time magiingat ka." sabi niya sa akin at inayos niya ang suot niyang sumbrero
"Teka!!!" sabi ko sa kanya
"Oh bakit?" gulat niyang tanong sa akin
"Black star?"
"Huh??? Ito bang tattoo ko?"
"Oo, yan nga. Ikaw nga si Black star! ^___^"
Sa wakas nakita ko na rin si BLACK STAR. ^_____^