Chapter 9 - VOLLEYBALL GIRLS VS. BOYS
MICAH's POV
2nd day of our tiring special job.
I just can't believe that we're really doing this.
"Mukhang hindi papasok ang Fierce ngayon. 8:10am na pero wala pa sila." sabi ni Aliss
"That would be so much better." sagot ko sa kanya
BROOM! BROOOOOM!
"Ang ingay naman ng mga motor na yun. +____+" sabi ni Carse
"Tss. Don't tell me they got their motorcycles already?" sabi ko sa kanila
"SIGH ibig sabihin maghahabol tayo sa mga lalaking naka motor. GAHHHD! Parang ayoko na :|" sabi ni Daryll
ASDFGHJK! * ingay yan ng mga parating na nagdadaldalan na Fierce members at ingay rin ng mga nagsisigawan na Fangirls nila
"Nandyan na sila. Makapag headset na nga." sabi bigla ni Lhei
At nandito na nga tong mga Fierce. Tingin ba nila cool ang hindi nakauniform? :| Ang sagwa nga tignan :|
Magkakatabi kami ng mga MORONSX, ayaw na namin pumwesto sa tabi nga mga yun dahil wala talagang mangyayaring maganda pag katabi namin sila. Siguradong sisirain lang nila ang mood namin. :|
"Hi Mille!!!!!! ^____^//" sigaw nitong si Lei na palapit kay Mille
"Hello din Lei ^____^ Goodmorning!" sabi naman ni Mille sa kanya
Yung totoo, agad agad close na sila. Tss. Pero buti pa tong si Mille hindi nahihirapan sa pagsunod kay Lei kasi may permission siya nito. Siya ng swerte at kami ng malas. :|
"Ang cute mo naman sa P.E uniform. ^____^" narinig kong sabi ni Lei kay Mille
"Hehe salamat sa pambobola mo Lei." sabi naman ni Mille sa kanya
Oo, naka P.E uniform kami kasi P.E ang 1st subject namin ngayon.
Tumingin sa amin tong si Lei at sinabing "Kayo rin ang cute niyo sa P.E uniform. ^____^ Maliban sayo!" sabi nitong si Lei sabay turo kay Lhei
"Tss. Problema mo ha?" sagot sa kanya ni Lhei
"Hindi ko pa rin nakakalimutan ang pagsagot mo sa akin kahapon." sabi ni Lei kay Lhei
"Alin dun? Yung sinabi kong hindi ako member ng F4, wag kang magalala Wachilei araw-araw ko pang ipapaalala sayo yan!" sigaw ni Lhei
"Aba! At talagang sinabi mo pa ang pangalan ko!" sigaw din ni Lei
"Hey hey teka! Awat muna. Tama na yan." pagawat ni Mille sa kanila
Mabait naman at friendly tong si Lei, pero mukhang hindi siya magiging friendly kay Lhei dahil sa pagtawag nito sa kanya ng F4 member. HAHA XD
"Teka Mille, saan mo nakuha yang bracelet na yan?" narinig kong tanong ni Lei kay Mille
"Ah eto ba, nahulog to ni Black Star. Yung lalaking tumulong sa akin nung isang gabi." sagot ni Mille sa kanya
"Tumulong sayo? Black star? Bakit black star?" tanong ulit ni Lei
"Kasi nakita kong may tattoo siyang black star. Di ko kasi nakita ang mukha niya at di ko siya kilala kaya yun ang tawag ko sa kanya. Sana nga makita ko pa siya ulit para naman makapagpasalamat ako ulit at maibalik ko tong bracelet niya." sagot ni Mille
Yung reaction ni Lei kakaiba parang kilala niya yung Black Star na sinasabi ni Mille.
Dumating na ang teacher namin at sinabing Volleyball daw sports namin today.
*SIGH*
Pagod pa kami sa ginawang pag stalk kahapon. :|
***
CLIFF's POV
Volleyball! Alright! Magaling ako dyan XD
Makakaganti na ako dun sa Alien na inglesera na yun. XD
"Okay, let's team up." sabi nitong P.E teacher namin
"Sir, bakit hindi nalang girls vs. boys?" sabi ko sa teacher namin
"Tss. Hoy! Unfair yun pag ganun!" sabi nung si Daryll
"Walang unfair dun! Tama si Cliff maganda kung girls vs. boys." sabi naman ni Blue, mukhang gusto din makaganti nito sa ginawa ng mga babaeng to kahapon sa amin
"GAME na!" sigaw ni Yvo
Wala ng nagawa ang teacher namin at sinunod nalang kami. Kaming batas dito kaya wala talaga siyang magagawa.
***
JESX's POV
"Mukhang malalagot tayo dito." sabi ko sa mga MORONSX
"Hindi pa naman ako marunong mag volleyball. (_ _)" sabi ni Mille
Oo nga pala, actually wala naman kaming kahilig hilig sa sports.
Sina Daryll at Carse lang yata ang madalas sumasali sa mga ganito.
"Tutal 6 players lang naman edi tambay ka muna dyan Mille." sabi ni Carse kay Mille
"Yehey!" sabi ni Mille at natuwa pa talaga siya
"Kung sa tingin nilang malalagot nila tayo, nagkakamali sila." sabi ni Daryll with matching death glare sa mga Fierce +____+
"Hoy mga babae! Game na! Daldalan pa kayo dyan!" sigaw nung si Sky
"Edi game na kasi!" sigaw naman ni Lhei at pumwesto na kami
"We can do this girls." pag cheer up sa amin ni Micah
WHISTLE! *game na
***
MILLE's POV
Dahil ako lang ang nakatengga dito, kukuhanan ko nalang ng video ang laro nila para naman maging productive ako \\^_____^//
FIERCE Players: Yvo, Nick, Blue, Sky, Lei, Cliff
MORONSX Players: Aliss, Carse, Daryll, Jesx, Lhei, Micah
Parang biglang walang pasok. Bakit? Nagsilabasan kasi sa mga room ang ibang estudyante. Ang daming fangirls na nagchecheer for FIERCE. Papatalo ba naman ako? Kahit magisa ako yakang yaka ko yan! XD
Na kay Carse ang bola, siya ang magseserve.
"GO CARSE!!! ^____^///" sigaw ko yan
At tinira na ni Carse ang bola! Galing naman at pasok pero agad natira din ni Nick at pumasok din buti at natira rin ni Micah at pasok din at natira ni Cliff EEEEEEEKKKKK! FAIL! Tinira pababa ni Cliff ng malakas kaya hindi na nahabol pa ng MORONSX. :|
"Ganyan lang ba ang kaya niyo?" pagmamayabang ni Cliff
"HAHA pre, hindi yata ako pagpapawisan dito." sabi naman ni Blue
"Tss! Wag kayong mayabang! Naguumpisa palang tayo!" sigaw ni Lhei
Tama! Yan ang fighting spirit!
"GO GIRLS!!!!" sigaw ko ulit ^____^// cheerleader lang ang peg ko today
Kay Blue ang bola at siya ang nagserve. EEEEEEEEEEEKKK! Hindi natamaan ng MORONSX :|
"HAHA ang bagal niyo!" sigaw ni Blue
"Tsk! Yabang mo!" sigaw ni Daryll sa kanya
SCORE : 2-0
2 for FIERCE, 0 for my beautiful sisters
Kay Blue ulit ang bola at sinerve niya na. Natira ni Daryll pero outside! FAIL! :|
SCORE : 3-0
3 for FIERCE, 0 for my beautiful sisters
"Tapusin mo na ang laban Blue. HAHA" sabi ni Sky
Tinira na ulit ni Blue at swak! Natira ni Lhei at pumasok at natira ni Sky, pasok din at natira ni Aliss, nice! at natira din ni Lei, natira din naman ni Micah. Ayos gumaganda ang laban! XD Natira din ni Cliff at pasok! Natira din ni Jesx at pasok ulit! Natira naman ni Blue at pasok! At natira ulit ni Jesx, EEEEEKKKK!
"YESSSSSSSSS!!!!" sigaw ng MORONSX
Natira kasi ni Jesx at muntik ng di pumasok pero natira ulit ni Daryll at dahil sa pagaakala ng Fierce na di papasok ayun di nila hinabol. SCORE NAMIN!! XD
"Oh ha? Ano kayo ngayon?" sabi ni Daryll sa kanila
"Tss! 1 palang kayo!" sigaw ni Blue
SCORE : 3-1
3 for FIERCE, 1 for my beautiful sisters
** FAST FORWARD
Naging mahigpit ang laban at nanalo ang FIERCE sa game 1, nanalo naman ang MORONSX sa game 2, ito na ang 3rd game at dito na malalaman ang panalo.
SCORE : 24-24
24 for FIERCE, 24 for my beautiful sisters
1point na lang ang kailangan at mananalo na kami. XD
"MORONSX! GO GO GO! FIGHT FIGHT FIGHT!" ^______^//
"HAHA Mille, pancheer mo din ako." sabi bigla ni Lei sa akin
Ito talagang lalaking to, napaka friendly XD
"GO LEI! GO LEI! ^_____^// pero mas GO GO GO MORONSX!" at pinancheer ko naman siya pero syempre sa MORONSX pa rin ako XD
Pagod na ang dalawang grupo. Hindi rin nag sub ang mga Fierce kasi daw para partida sa amin na hindi rin nag sub, kaya ayan pagod na pagod sila.
Tingin ko kaming mananalo dito ^_____^V
Bakit? Malalaman niyo din mamaya ang pamatay naming plano XD
Nasa FIERCE ang bola. Na kay Yvo ngayon.
"Sigurado panalo na ang FIERCE!" sabi nung isang babae dito sa tabi ko
"For sure na yan, losers naman ang mga MORONSX na yan. Lakas pa ng loob nilang kalabanin ang mga prinsipe natin." sabi ni girl2
TSS! Papatunayan namin sa inyo na ang FIERCE ang losers at hindi kami.
Tinira na ni Yvo ang bola, nakuha naman agad ni Aliss, natira din ni Blue at natira din naman ni Daryll
Biglang sumigaw si Jesx ng "Habol STEFFANI KAYE!"
At natira naman ni Sky pero yung reaction niya halatang nagulat sa isinigaw ni Jesx. Mukhang nagwowork ang plano. XD
Natira din naman ni Micah at sabay sigaw niya ng "Go CLIFFTON!" na ikinagulat ni Cliff kaya naman hindi niya natira yung bola na papunta sa kanya, pero dahil mabilis kumilos si Nick agad niya yun natira pabalik sa MORONSX
"Anung mga pangalan yun?" sabi ng mga estudyante
"Don't tell me real name nila?" sabi naman ng iba pa
HAHAHA napapansin na nila. XD
"Hoy Cliff wag kang magpadistract muntik na kayo dun." sigaw ni Cloud na nasa kabilang side at nakatayo
Natira ni Lhei ang bola, ayan na ang winning shot namin, sakto! Boom! Kay Lei palapit yung bola, handang handa na si Lei pero sabay sabay sumigaw ang MORONSX ng "ILAG WACHILEI!!!!!" AT PAAAAAAAAAAKKKK! Tumama sa mukha ni Lei ang bola at NANALO KAMI! XD
"WAAAAAAAAAAAAHHH! HAHAHA NANALO TAYO!" sigaw naming pito
"Lei, ayos ka lang?" sabi ni Nick kay Lei na nakahiga sa floor
"Hoy Lei gising." sabi naman ni Sky
"Oh ano? Edi panalo kami? HAHA" sabi ni Lhei sa mga FIERCE
"Ang dadaya niyo!" sabi naman ni Yvo
"Kasalanan ba naming ang babaho ng pangalan niyo? HAHA" sabi ni Carse
"Aba! Malilintikan na talaga kayo sa akin!" sigaw ni Cliff at aktong lalapit na sa amin, balak yata talaga kaming upakan nito. :|
"Pre, babae pa rin yan." sabi naman ni Max at inawat si Cliff
"BLEEEEEEHHH! LOSERS!" sigaw naman ni Micah
"Manahimik ka dyang Alien ka!" sigaw ulit ni Cliff
"Alien mong mukha mo! HAHA" sagot ni Micah sa kanya
Natalo namin ang FIERCE. Masaya kami syempre! Nakatulong pa rin naman ako dahil ako taga cheer nila. XD At maganda sa lahat navideo ko ulit mga pangyayari.
Nasa canteen na kami ngayon at pinapanood ang video habang kumakain.
"WAHAHAHAHAHA! Another youtube sensation is born!" sabay sabay na sabi naming pito. XD