Ignored by Mr. Famous (ASHLEY...

By lady_assasin2004

67.7K 1.5K 29

Ignore me now... Regret Later. Read at your own Risk! Nicolette Fren Ashley's Story it is. •Ashley 5 (Third G... More

First Note
Ignored by Mr. Famous!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Nicolette and Kezia
Epilogue

Chapter 5

1.4K 35 0
By lady_assasin2004

Chapter 5

Madaling araw na akong nakatulog kaya lutang akong naglalakad ngayon papuntang classroom ko, sa di ko maipaliwanag na dahilan ay hindi maalis sa isip ko ang sitwasyon ni Nic at ni Em. May kung anong namamagitan sa kanilang dalawa, hindi ko lang maiexplain. Ang sabi ni Ai iba ang mahal ni Em pero bakit ganoon nalang siya ka-concern kay Nic? Possible kayang hindi naman totoong iba ang mahal ni Em? Hindi kaya alibay lang iyon para hindi sila paghinalaan ng pamilya nila?

Napabuntong hininga ako at inayos ang pagkasabit ng bag ko sa aking balikat.

"Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?" Biglang tanong ni Quid.

Tama nga pala, kasama ko pala siya, medyo nasanay nadin ako sa paghahatid-sundo niya sa akin, pero inaamin kong minsay naiilang ako. "May iniisip lang kaya madaling araw na akong nakatulog."

Saglit niya akong tinitigan at bigla nalang nag-iwas ng tingin. "Sino naman?"

Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kaniya ang totoo, baka nga makatulong pa sya eh. Huminga ako ng malalim at tiningnan siya. "Si Nic."

Nagtagis ang bagang niya, at hindi na nagsalita. Ng makarating kami sa tapat ng classroom ko ay bigla nalang siyang nagsalita, at hindi ko inaasahan ang mga sinabi niya.

"Kapag may kailangan ka, Tawagan mo ang kahit na sinong nasa contacts wag lang si Nic, marami siyang ginagawa kaya baka di niya masagot ang tawag mo." Salubong na kilay niyang sabi at umalis na.

Kunot noong sinundan ko siya ng tingin, mukhang wala sa mood ang isang iyon ah, pero bakit? Gusto ko pa sanang habulin siya at magtanong patungkol kila Nic at Em pero tumunog na ang bell, kaya pumasok nalang ako sa loob. Nakatingin sa akin ang halos lahat ng kababaihan kong kaklase, hindi ko man sila tingnan ng diretso sa mata pero alam kong hindi maganda ang paraan ng pagtingin nila sa akin. 

Wala pang isang minuto ng maka-upo ako ay tinabihan na ako ni Nathaniel, nakabusangot ito, mukhang napipilitan, pabagsak niyang nilagay ang bag niya sa sahig at nag nap na. Napataas ako ng dalawang kilay dahil sa inakto niya, umagang-umaga tulog nanaman?

Umiling nalang ako at naglabas na ng libro para magbasa, medyo hindi ako komportable dahil sanay na akong walang katabi mula ng bagong pasukan, ano kaya ang nakain ng Nathaniel na ito at bigla nalang akong tinabiban? Inutusan ba siya ng mama niya?

"Good morning, class." Bati ni ma'am delos Reyes.

Tumayo kami lahat at bumati din, pero ang katabi koy nanatiling naka-nap, napansin kong napatingin na ang karamihan sa pwesto namin kaya hindi ko napigilang mamula at mailang dahil sa paraan ng pagtitig nila sa akin at sa katabi ko. Pasimple kong sinipa ang paa ni Nathaniel at mukhang tumalab naman dahil nag-angat siya ng tingin at inilibot ang paningin sa kabuuan ng classroom gamit ang mapupungay na mga mata, huminto ang mga mata niya sa akin.

"Bat mo ako sinipa?" Namamaos niyang sabi.

Lumunok ako, medyo may kalakasan kasi ang boses niya kaya tiyak na narinig ito ng nakararami. "Nandito na si Ma'am. "

Napunta kay ma'am ang paningin niya, ilang saglit pay bumuntong hininga siya at tumayo na. "Good morning ma'am. " bati niya.

Mas lumapad pa ang ngiti ni Ma'am at tiningnan pa ako saglit bago kami sinabihang umupo na. Hindi na ulit natulog si Nathaniel, namangha pa nga ako sa kaniya dahil nung tinanong siya patungkol sa klase namin kahapon ay walang kahirap-hirap niya itong sinagot, alam kong hindi lang ako ang namangha kundi karamihan sa amin, paanoy lagi siyang tulog pero may nasagot siya sa itinanong ng guro namin. Akala ko tinabihan lang ako ni Nathaniel kanina dahil sa mama niya ang magtuturo sa amin, pero tinabihan niya ako sa susunod na klase ko, magkapareho kasi kami ng schedule. Siguro nga napipilitan lang siya pero hindi naman masama, sa tingin ko pareho lang kaming walang kaibigan kaya bakit di nalang kami ang maging magkaibigan, diba?

"Sabay na tayong mag-lunch." Yaya ko sa kaniya ng i-dismiss na kami ng prof namin dahil lunch break na.

Pinasadahan niya ako ng tingin habang magka-kruss anv nga braso. "Kung yayayain mo ako dapat ako lang ang kasama mo."

Wala naman akong natanggap na mensahe, hindi rin naman ako sinabihan ni Quid na sumabay sa kanila. "Wala naman akong ibang kasama ah? May nakikita kabang hindi ko nakikita?" Inosente kong sabi pero mapagbiro ang tono ko.

"Tsk. Wag kang mag-joke di bagay sayo."sabi niya at tumayo na.

Imbes na mainsulto ay napangiti ako. Mukhang may kaibigan na ako ah?


Ang buong akala koy kakain kami sa cafeteria pero hindi, dahil sinabihan niya akong sundan nalang siya, napadpad kami sa likod ng building namin kaya medyo kinabahan ako, pero ng makita ko ang dalawang swing sa ilalim ng malaking puno ay nawala ang takot ko at napalitan ng pagkamangha.

"Di ko akalaing may ganito dito." Manghang bulalas ko.

"Mhh. Hindi naman kasi ganoon kalinis dito, madamo ang paligid at walang pwedeng silungan kapag umulan." Walang ganang sambit ng kasama ko.

Tamad na umupo si Nathaniel sa isang swing, hindi ko na siya hinintay na magsalita dahil umupo na kaagad ako sa katabi niyang swing. Napatingin ako sa kaniya ng marinig ko ang pagbukas ng zipper, hindi ko maiwasang mapangiti ng makitang may mga libro sa loob ng bag niya, akala ko walang laman eh.

"Oh, catch." Sabi niya at tinapon sa akin ang isang burger. "Ito pa." Binato niya ako ulit ng mineral water.

Mabuti nalang at mabilis akong kumilos dahil kung hindi ay tiyak na hindi ko nasalo ang mga binato niya sa akin. Pero sa kabila ng kabastusan niya ay nakaramdam ako ng tuwa.

"Mabait ka naman pala eh." Sabi ko pa habang pinupunit  ang wrapper ng burger'ng hawak ko.

Tamad siyang kumagat sa burger niya. "Hindi ako mabait."

"Mabait ka nga kasi." Pamimilit ko, at kumagat na sa burger.

Mapait siyang ngumiti. "Salot ako sa lipunan alam mo." Ngumunguya niyang sabi.

"Salot? Paanong naging salot? Sabagay, natutulog ka sa klase natin, at ayon sa naririnig ko medyo suplado ka-"

"Im gay." Mataman niya akong tiningnan. "Still want to be friends with me?"

Tinaas ko ang dalawang kilay ko at tiningnan siya. "Eh ano naman ngayon? Sa probinsya nga kadalasan sa mga kaibigan ko bakla, at wag mo ngang tawaging salot ang sarili mo, saka na kapag naging drug adik ka o di kayay magnanakaw, pagagawan pa kita ng banner, 'Nathaniel salot'."

Nag-iwas siya ng tingin at bumuntong hininga. "Hindi ko alam kung totoo bang magkaiba kayo." Mahina niyang sabi.

"Magkaiba kami nino?" Tanong ko at inilapit ko pa ang mukha ko sa mukha niya.

Mabilis naman siyang umatras kaya nahulog siya sa swing, agad ko siyang tinulungan patayo, sinamaan niya ako ng tingin pero nginitian ko lang siya pabalik at tinulungan siyang magpagpag ng pantalon.


Nag-kwentuhan pa kami ng nag-kwentuhan hanggang sa naging komportable kami sa isat-isa, nalaman kong kaya pala lagi siyang natutulog sa klase ay dahil nag-aaral siya buong magdamag, mas advance pa nga siya eh, nasa first module palang kami habang siya ay nasa third na. Sampung minuto bago ang bell ay napagdesisyonan naming pumunta na sa susunod naming klase. Bakla siya pero hindi iyon alam ng lahat, ako, ang mama niya at ang dati niyang mga kaibigan lang ang nakakaalam, at ang lugar kung saan kami kumain ay ang tamabayan niya simula ng hindi na siya pinansin pa ng dati niyang mga kaibigan.

"Hindi ka ba..." yumuko siya. "Nagsising ako ang sinabayan mo at hindi sila Quid?" Mahinang sabi niya


"May gusto ka ba kay Quid?" Nanlalaking matang sabi ko, tinapunan naman niya ako ng matalim na tingin. "Biro lang." Sabi ko pa at mahina siyang sinuntok sa braso, napatingin naman siya sa braso niya kung saan ko siya sinuntok. "Bakit naman ako magsisi? Eh mas komportable nga akong ikaw ang kasabay eh, nagkakasundo na tayo dahil pareho tayong babae sa puso, may libre pang burger. "


"Tsk. Si mama ang nag-utos sa akin na yayain kang mag-lunch."


"Pero di mo naman ako niyaya, ako ang nagya-"

"Of course, I know you'll invite me to have lunch with you, kaya hinintay kong yayain mo'ko." Mapagmalaki niyang sabi.

"Tsk. Yabang." Nakanguso kong sabi.

Tumawa naman siya. "Para kang pato kapag nakanguso." Sabi pa niya at inakbayan ako. "I hope you can keep the real me a secret."


"Oo naman." Nakangiti kong sabi.

Ilang saglit pa niya akong tiningnan saka nakangiting nag-iwas ng tingin. "Tama nga si mama, you'll be a good friend."


Magkatabi kami palagi ni Nathaniel sa lahat ng klase hanggang sa huling subject namin, hindi na siya nakatulog sa klase dahil lagi ko siyang tinatanong patungkol sa klase, ang totoo ay alibay lang para di siya matulog sa klase. May itusra si Nathaniel, ang totoo ngay pwede siyang maging kabilang sa kila Quid pagdating sa physical na katangian, matalino din siya, kaya naman di maiwasang may mga matatalim na mata ang tumingin sa akin at kung ano-anong masaaakit na salita ang gamitin para i-describe ako. Pero kahit na ganoon, ay di naman ako apektado sa pagtawag nila sa aking malandi, dahil alam ko namang hindi. Sinabayan ko si Nathaniel papuntang Office ni Ma'am delos Reyes, Guidance Counselor kasi ang mama niya kaya may sarili itong office.

"Salamat sa malaking pabor, iha."

"Wala po iyon, masaya pong kasama ang anak niyo."

Mas lumapad pa ang ngiti ni Ma'am. "Mabuti naman at magkasundo na kayo, sana ipagpatuloy mo lang ang pagiging mabait sa anak ko."

"Kahit naman po di niyo sabihin, at isa pa po, pabor din po sa akin ang maging kaibigan si Nathaniel, may makokopyahan ako kapag sinubok na ng sandamakmak na tanong itong utak ko." Biro ko pa, malakas ang loob kong sabihin iyon dahil wala si Nathaniel, nagpaalam kasi ito kanina na magc-cr lang.

Natawa naman si ma'am. "Oo, maasahan mo ang anak ko pagdating dyan-"

"Ma'am, ito na po ang excuse letter ni Santiago." Halos sabay kaming napatingin ni ma'am sa nilalang na nakatayo sa tapat ng pinto na siyang nagpalakas ng tibok ng puso ko.

Hindi siya nakatingin sa akin kaya malaya akong tingnan ang kabuuan niya, gaya ng kahapon, simpleng uniporme lang ang suot niya pero iba ang dating. Pinapasok siya ni ma'am kaya pumasok siya, nag-usap pa sila ni ma'am patungkol sa estudyanteng Santiago daw. Ako naman ay nagpanggap na nagbabasa habang panay ang sulyap sa kausap ni ma'am.

"Sabihan mo ang kaklase mong iyon na kausapin ako bukas ng hapon, pero kapag lumiban ulit siya bukas at di siya makipag-usap sa akin ay talagang babagsak siya." Problemadong saad pa ni Ma'am.


"Yes ma'am. "

"Salamat, kumusta na pala ang project bayanihan para sa charity event? Kompleto na ba ang mga members?"

Mabagal na umiling siya. "Nag back-out po ang dalawa sa mga napiling myembro, dahil hindi sila libre ngayong sabado at linggo, may trabaho daw kasi sila buong araw."

Ito siguro ang tinutukoy ni Quid na kinabusy-han ni Nic. Pero Bakit kaya ang dami-daming lumalabas dyan sa bibig niya kapag iba ang kausap tapos kung ako halos di maka-oo o hindi?

Mabilis kong nilipat ang nga mata ko sa binabasa ko ng makitang papatingin sa akin si ma'am. Napalunok ako ng maramdamang dalawang pares ng mata ang nakatingin sa akin ngayon.

"Ang anak ko nalang at itong si Miss Balura ang ilista mo." Tiningnan niya ako. "May gagawin ka ba ngayong sabado at linggo, kezia?"

Binaba ko ang hawak na libro at alanganing ngumiti. "Hindi po ako sigurado, baka po kasi may ipagawa sa akin ang Tiya ko."


Dahan-dahang tumango si Ma'am. "Ipaalam mo sa tiya mo na sasali ka sa charity event ngayong sabado at linggo, libre naman lahat, at wala ka namang ibang gagawin kundi ang magbigay ng mga pagkain sa mga bata, at isa pa makakasama mo naman si nathaniel doon."


"Titingnan ko po." Alanganing sabi ko.

"Good." Nakangiting sabi ni ma'am at nilingon na si Nic. "Isali mo sa listahan ang anak ko at itong si kezia, at bukas ng umaga pumunta ka dito sa opisina ko para kunin ang listahan ng mga estudyanteng mah issue last school year."

"Yes ma'am." Tumatangong sabi ni Nic.

"Ok. Ingat sa pag-uwi."


Ng marinig ko ang salitang uwi ay saka ko pa naalalang uwian na pala. Nagmamadaling kinuha ko ang cellphone sa bag ko at ng mabasa ko ang isang mensahe galing kay Fheris ay natatarantang tumayo ako.

"Ma'am mauuna na po ako, pakisabi kay Nathaniel na umuwi na ako, ba-bye po." Nagmamadaling sabi ko at agad na tumakbo palabas ng opisina ni ma'am.


"Wag kang tumakbo, sabay na tayo." Sabi ng taong nasa likod ko na nagpahinto sa akin sa pagtakbo.


Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at Tiningnan lang siyang maglakad palapit sa akin, akala ko hihinto siya pero nilampasan niya lang ako kaya kunot-noo kong tiningnan ang likuran niya, parang nalaugutan ako ng hininga ng bigla siyang tumigil sa paglalakad at hinarap ako.

"Sabi ko, sabay tayo."

___________________________________________

Avisala! This is lady_assasin2004, I hope You didn't get bored, sana wag kayong magsawang hitayin ang next update ko.

Don't Forget to:

✔Vote
✔Share
✔Comment  and;
✔Follow

A/N: 🎂

Itututloy pa...

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 109K 200
**Story is gonna be slow paced. Read only if you have patience. 🔥** Isha Sharma married a driver whom she had just met. She was taking a huge risk...
2.5K 102 4
in which ego thinks it a good idea to add a girl who went pro at 15 into the blue lock project "I'm genuinely abt to start tweaking up in this bitch...
916K 22.3K 41
While moonlighting as a stripper, Emery Jones' mundane life takes a twisted and seductive turn when she finds herself relentlessly pursued by reclusi...
2.6M 146K 43
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...