THE BRIDGE OF LOVE

By marklovesyouu

3.5K 240 4

Love is not wrong even though people are hurting ,but they choose to love again ,because we find happiness in... More

Authors Note
CHAPTER 1:
CHAPTER 2;
CHAPTER 3;
CHAPTER 4;
CHAPTER 5;
CHAPTER 6;
CHAPTER 7;
CHAPTER 8;
CHAPTER 9;
CHAPTER 10;
CHAPTER 11;
CHAPTER 12;
CHAPTER 13;
CHAPTER 14;
CHAPTER 15;
CHAPTER 16;
CHAPTER 17;
CHAPTER 18;
CHAPTER 19;
CHAPTER 20;
AUTHOR'S NOTE:
CHAPTER 21;
CHAPTER 22;
CHAPTER 23;
CHAPTER 24;
CHAPTER 25;
CHAPTER 26;
CHAPTER 27;
CHAPTER 28;
CHAPTER 30;
CHAPTER 31;
CHAPTER 32;
CHAPTER 33;
CHAPTER 34;

CHAPTER 29;

44 6 0
By marklovesyouu


ELI P.O.V

"Nikka ano ba talaga ang nangyari?" Mahinahon kung tanong sa kanya habang naglalakad kami pabalik sa court. Gusto kong klaruhin sa kanya ang totoong nangyari kanina.

"Kasi nung ipinadala mo sakin yung tray. Nakita ko naman silang pumasok ng cafeteria dun sila dadaan sa dadaanan ko rin. Iiwasan ko na sana sila pero may pumatid sakin kaya natapon lahat ng dala ko Kay Kaisler. Hindi ko naman talaga sinasadya nag sorry ako sa kanya pero itinulak niya ako." Hindi ako makapaniwalang ganun siya ka brutal sa mga babae. Napabuntong hininga na lang ako sa inis sa lalaking yun.

Nang makarating kami ng court ay naglalaro pa ang ibang team.

"Ohh ba't ang tagal nyo? Baka naman inubos nyo na lahat ng tubig sa cafeteria?" Biro ni Irene. Tumawa na lang kami.

"Ubos na nga talaga yung tubig sa cafe." Natatawang Biro ni Nikka kaya tumawa lang sila.

"Ohh!" Inabutan ko silang tatlo ng drinks na binili namin ni Nikka.

"Whoah! Thank you." Tuwang tuwang tinaggap ni Irene yung drinks.

"Thank you Eli." Nginitian ko na lang si Liza.

"Thanks Eli." Si Hanily.

"Marami pa ba ang maglalaro?" Tumingin ako sa score board ng mga naglalaro kaunti lang ang lamang kabilang team.

"Hmm..last na yan." Narinig Kong sagot sakin ni Hanily.

"Kanina yung team ni Baby Jane at Team ni Cyril ay tie." Anang ni Irene.

"Ok class tapos na ang laro maaari na kayong bumalik sa inyong classroom." Umalis na si Miss kaya kami kami na lang ang nandoon. Inayos na namin ang mga gamit namin pagkatapos ay dederetso kami sa locker para kunin ang uniform namin para magpalit.

"Oyy lunch muna tayo bago tayo magpalit nagugutom na kasi ako." Ani ni Irene. Ako nga rin ehhh Hindi kami nakakain kanina ni Nikka dahil sa tensyon namin ni Kaisler nawalan na ako ng ganang kumain.

"Oo nga ako din ehh tumutunog na ang tiyan ko." Reklamo din ni Hanily.

"Oyy dami mong alaga dahil baka may gong sa loob ng tiyan mo at pinupokpok ng bulate kaya tumutunog." Pabiro ni Irene kaya napahagalpak kami sa tawa.

"Gaga." Natatawang saad ni Hanily.

"Tara." Saby sabay naming tinahak ang daan papuntang cafeteria.

"Grabe  ang lakas ng loob nung babae kanina dahil na kaya niyang ipahiya si Kaisler sa harap ng maraming studyante." Rinig namin ang pag uusap ng dalawang students na nasa likuran namin.

"Naku! Alam Kong gaganti yun si Kaisler. Knowing him." Di ko na lang pinansin ang pag uusap nung dalawa dahil nababanas akong marinig ang pangalan ng lalaking yun.

"Oyy totoo ba yun? May nagpahiya Kay Kaisler?" Pag uusisa ni Irene.

"Ikaw talaga maka sagap ka lang ng chismiss magtatanong agad." Binatukan ni Hanily si Irene.

"Aray! Ano ka ba nagtatanong lang ako Kay Eli dahil baka nakita niya kung sino yung tinutukoy nung dalawang babae kanina." Iritadong sagot niya Kay Hanily.

"Actually ako yung gumawa nun." Seryusong sagot ko naramdaman kung tumigil silang tatlo kaya hinarap sila. Nakita Kong Hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.

"Ano?" Sabay sabay nilang bulalas.

"Manahimik nga kayo nakaka istorbo kayo." Nakita Kong pinagtitinginan kami ng nga studyanteng napapadaan doon .

"Ahehehe sorry. Pero totoo ba yung sinabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong ulit ni Irene.

"Oo nga ... Kasi may nangyari kanina." Tamad Kong sagot.

"Ano sinabi mo?" Pag uusisa din ni Hanily.

"Hmm..sabi ko kung para sa kanya Hindi madadaan ang lahat sa sorry lang pwes ibahin niya ako Hindi rin lahat madadaan niya sa kayabangan." Saad ko para tumigil na din sila sa kakatanong.

"Ayy woww sana all matapang." Natatawang ani ni Liza.

Narating namin ang cafeteria agad kaming naghanap ng table. Omorder na si Liza para sa aming lahat. Hinintay na lang namin yung order.

"Eli di ba so Kyle yun?" Itinuro niya sakin ang lalaking ngayon ay papasok ng cafeteria. Presentable lang itong naglalakad habang nasa bulsa ang mga kamay. Gosh ang astig niya talaga.

"Oyy Kyle dito." Dahil sa lakas ng boses ni Irene agad din kaming nakita ni Kyle. Naglakad na siya papalapit samin tinitigan ko lang siya at parang slow motion ang paglalakad niya papalapit sa amin.

"Tapos na ba kayong kumain? Sorry nahuli ako." Hindi parin maalis sa kanya ang pagkakatitig ko.

"Hi Eli." Parang may kumiliti sa puso ko dahil sa sarap ng kanyang tinig.

"Oyy Eli tutulala ka lang ba dyan." Napaayus ako ng upo dahil kanina pa pala ako nakakatitig sa kanya.

"Ahh ehh hello." Napahalukip kip na lang ako dahil sa hiya.

"Hindi pa kami kumakain hinihintay pa namin young order kaya umupo kana." Si Hanily na ang sumagot sa kanya. Tumabi naman siya sakin nakita ko ang panunukso ng mga mata nilang apat.

d>>_<<b

"Mabuti na lang naka abot ako." Nakangiting tugon niya.

Sakto namang dumating na yung order namin kinuha ko young dalawang Plato at gaya ng dati inilagay ko ito sa harap ni Kyle.

"Aba grabe ka pala kung mag alaga Eli." Nanunuyang sambit ni Irene.

"Kain na." Nakangiting iminuwestra sa kanya ang platong nasa harap niya. Pero nakita Kong nakatitig lang siya sakin kaya ako na mismo ang nag iwas ng tingin dahil sa sobrang pagkailang dahil sa nga titig ni Kyle.

"Kyle alam mo ba panalo kami sa volleyball kanina." Masayang kwento ni Irene kasabay ng pagpapa cute niya.

"Hoyy babae chismiss agad agad." Singit ni Hanily. Nakanguso lang so Irene na kumakain ng favorite niyang siomai.

"Bakit Hindi ba pwede? Wag ka nga." Mataray na tugon niya habang nakataas ang kabilang kilay. Nag tawanan na lang kami dahil sa bangayan ng dalawa.

"Congrats sa inyo." Nakangiting ani ni Kyle. Nakita Kong ipinagpatuloy na niya ang pagkain niya tinitigan ko ang maamo niyang mukha.

"Arayy." Daing ko nung maramdaman Kong may umapak sa paa ko. Napatingin ako sa kaharap ko ngingiti ngiti lang si Hanily na alam Kong siya ang may gawa.

"Eli bakit?" Nag aalalang tanong sakin ni Kyle.

"Ahh ehh wala hehehe." Napapahiyang sagot ko.

"Bakit ka umarayy?" Nagtatakang tunong niya ulit sakin.

"May kumagat lang sakin." Ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain namin habang si Irene kwento lang ng kwento ng kung ano ano.

"Oyy alam niyo bagay kayong dalawa." Nasamid ako sa sinabi ni Hanily. Agad namang inabot sakin ni Kyle ang  tubig at ipinainom sakin.

"Eli are you okay?" Hindi ko magawang titigan siya dahil sa hiya mahihimigan sa tinig niya ang pag aalala pero kahit ganun hinihiling Kong hilahin ako ng lupa palubog dahil sa hiyang nararamdaman ko.

"Oo ayus na ako. Thanks" pinilit kung wag mautal para Hindi niya masyadong mahalata na sobrang naiilang ako.

"Bakit namumula ka Eli?" Nag aalalang tunong nilang apat pero mas nangingibabaw ang panunuya sa tinig nila. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain at ganun din sila.

Bakit ganito mo ko tratuhin Kyle na parang napakahalaga ko sayo? Baka isang araw mahulog ako sayo pero pano kung malayo ka para saluhin ako?

Natatakot na akong magmahal pero mas natatakot ako kung wala ng magmamahal sakin ng totoo.

d>>_<<b

KYLE P.O.V

Sa maikling panahon pa lang na nakasama ko so Eli, I feel comfortable with her. I don't know why?

"Oyy Kyle kanina pa kita tinatanong, Hindi ka naman nakikinig." Nahimasmasan ako sa pag iisip ng biglang nagsalita si Irene.

"Ang lalim ata ng iniisip mo? May problema ba?" Nagtatakang tanong sakin ni Eli. Napakamot ako sa batok ko dahil wala akong maisagot ng tama.

"Ahh ehh hehehe wala." Nahihiyang sagot ko. Tumango naman siya.

"Anong gusto mong Dessert?" Nakita Kong nakatayo silang apat at hinihintay pala nila ang sagot ko.

"Isang malamig na Chuckiee." Yun kasi ang favorite ko. Lagi puno ang mini refrigerator sa kwarto ko ng chuckie.

"Aba parehas ata kayo ni Eli." Nilingon ko si Eli at nakita Kong nakangiti lang ito sa apat.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Hahaha yup I love chuckie. Sa bahay lahat ng laman ng ref. Namin ay chuckie." Nakakatuwang pareho pala kami ng favoritism.

Umalis na yung apat para kumuha ng mga pang Dessert kaya kaming dalawa lang ni Eli ang nandito. Naalala ko naman ang napag usapan namin ni lolo ito ang tamang pagkakataon para kausapin siya.

To be continued

Continue Reading

You'll Also Like

196K 19.2K 24
"๐™๐™ค๐™ช๐™˜๐™ ๐™ฎ๐™ค๐™ช๐™ง๐™จ๐™š๐™ก๐™›, ๐™œ๐™ž๐™ง๐™ก. ๐™„ ๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™ฃ๐™– ๐™จ๐™š๐™š ๐™ž๐™ฉ" Mr Jeon's word lingered on my skin and ignited me. The feeling that comes when yo...
25.1K 670 21
"How can be sure when your whole job is to pretend?" "I was never sure about anything until I met you." Y/N L/N is an A-Lister in the film industry a...
611K 9.5K 88
A text story set place in the golden trio era! You are the it girl of Slytherin, the glue holding your deranged friend group together, the girl no...
1.1M 38.2K 63
๐’๐“๐€๐‘๐†๐ˆ๐‘๐‹ โ”€โ”€โ”€โ”€ โi just wanna see you shine, 'cause i know you are a stargirl!โž ๐ˆ๐ ๐–๐‡๐ˆ๐‚๐‡ jude bellingham finally manages to shoot...