Peculiarity In Her Eyes

Bởi Luni_Solace

8.4K 1.5K 317

"We all have a secret we could never tell." A girl with a spectacular ability but with a miserable life will... Xem Thêm

Disclaimer
Peculiarity In Her Eyes
Prologue
[ 1 ] Not A Reverie
[ 2 ] Irksome Guy
[ 3 ] Nigh Demise
[ 4 ] Death Color #1: Yellow Signifies Fear
[ 5 ] Coincidence
[ 6 ] Atrocious Bruises
[ 7 ] Death Is Undisguised
[ 8 ] Inscrutable Letter
[ 9 ] Head-Scratcher
[ 10 ] Undone
[ 11 ] Bizarre Happenings
[ 13 ] The Shindig
[ 14 ] Death Is Roaming
[ 15 ] Rummaging Pieces
[ 16 ] End Of Friendship
[ 17 ] Death Color #2: Red Signifies Warning
[ 18 ] Top of the Roof
[ 19 ] Off-The-Wall
[ 20 ] Strange Vision
[ 21 ] Omit The Last Breath
[ 22 ] The Anonymous
[ 23 ] Uneven
[ 24 ] Vizard
[ 25 ] Doomed In Three
[ 26 ] What Time Is It?
[ 27 ] On One's Last Legs
[ 28 ] Outlandish
[ 29 ] Pretty Bizarro
[ 30 ] Death Color #3: Violet Signifies Luck
[ 31 ] A Sleuth's Job: Part 1
[ 32 ] A Sleuth's Job: Part 2
[ 33 ] A Sleuth's Job: Part 3
[ 34 ] A Sleuth's Job: Part 4
[ 35 ] Vendetta's Mask
[ 36 ] Unaccustomed
[ 37 ] Square of Threat
[ 38 ] Two At Once
[ 39 ] Calling On Their Way
[ 40 ] Gotcha
[ 41 ] Easily Caught
[ 42 ] Truth's Unfold
[ 43 ] Past Life
[ 44 ] Dr. Luo
[ 45 ] New Recruit
[ 46 ] Years Passed
[ 47 ] A Stole Away
[ 48 ] Newest Member
[ 49 ] The Double
[ 50 ] Her Truth Behind Why
[ 51 ] H2P

[ 12 ] The Outré

170 41 7
Bởi Luni_Solace

• - - - - . • • - - -

SOMEONE’S POV

Padabog kong isinara ang pinto na gumawa ng ingay sa napakatahimik kong condo. Itinapon ko ang dala kong sling bag sa couch at lumakad ng pabalik-balik na may dalang iritasyon.

Damn that guy! Ang kapal ng mukha niyang lokohin ako?! Me?! It hurts like fvcking hell! I hate him for breaking and shattering my heart! Sobra ang kapal ng mukha niyang pagtaksilan ako behind my back.

Seeing him with other girl makes me wanna punch him in his face. At talagang best friend ko pa ang kadate niya sa favorite restaurant namin? Ahas. I’ll make sure to make them pay. Magbabayad sila sa pagtataksil sakin. Lalo na siya, ang kaibigan ko.

“Tch, Shiana.”

Devio was my first love, alam niyang gusto ko si Devio pero nakita ko nalang silang dalawa na nagdedate?! How dare them. Sapat na ang nakita ko na inaahas lang pala nila ako. Nagtatawanan sila, ang sweet nilang dalawa tignan. They really looked like a couple back there. Bagay sila, bagay na bagay naman talaga ang dalawang ahas.

Pumasok ako saking kwarto at doon binuhos ang lahat ng hinanakit ko. Sumandal ako sa pinto pagkasara ko nito. Nang mahipo ng sahig ang pang-upo ko ay doon ko lang naramdaman ang mga tubig na dumadaloy sa pisngi ko. Umiiyak na pala ako, tumataas-baba na rin ang balikat ko.

Niyukom ko ang aking kamao. Hindi ko hahayaan sa saktan lang nila ako, hindi ko hahayaan na gaganituhin nila ako. Magbabayad talaga sila. I just need a perfect opportunity to make my mark.

ROSELLA’S POV

Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ako sa tumpok-tumpok na mga estudyante sa loob ng caf. Halos kunin na nila ang hininga ko sa sobrang dami at sikip ng lugar at halos kinse minuto rin akong nando’n. Agad akong bumalik sa room dahil alam kong naiinip na sila sa kakahintay sakin. I hope not, sinabihan naman sila siguro ni Mev na babalik ako.

Habang naglalakad pabalik sa room ay hindi ko maiwasan isipin ang nakita ko kanina. Tila nagflashback ang nakita ko sa mga mata niya.

She was lying on the table, bumubula ang bibig niya at may konting malapot na pulang bagay ang tumutulo na nagmumula rin sa bibig niya.

I still can’t believe this. Wala akong alam tungkol sa buhay ni Shiana but I know na mabait naman siya. I can see that in her actions. Minsan na akong nagmamasid sa paligid at napatunayan yun ng mga mata ko. Hindi rin maiwasan ng isip ko ang tatlong lalaki na kasama niya palagi.

Hindi pa ako nakakarating sa room ay rinig na rinig ko na ang boses ni Kylie. I was halfway through the stairs. Tumigil muna ako at tumayo lang do’n habang pinapakinggan sila.

“Naman Mev eh! Sino pa ba kasi ang hinihintay natin?! Gutom na gutom na ‘ko! Huhuhu!”

“Relax lang kayo guys, matutuwa talaga kayo sa makikita niyo."

Sumandal ako sa pader at sinilip sila. Do’n ay bumungad sakin ang anim na pigura ng tao. Si Kystella, Von, Tyrone, Azra, Mev and of course Kylie.

Nagrereklamo sila samantalang si Azra at Von ay tahimik lang nakikinig sa kanila.

“So be patient lang guys, alam kong pabalik na siya.” Sabay tingin ni Tyrone sa kanyang relos. Nandito na nga ako eh, tinitignan kayo dito sa likod ng pader.

“Aba, dapat lang. Stress na ang ganda ko dito at nangangalay na ang mga paa ko.”

“Ang reklamadora mo talaga kahit kailan.”

“Huwaw, nahiya naman ako sayo. Parang hindi ka nagreklamo kani-kanina lang ah.”

Bumuntong hininga si Kylie kasabay no’n ang pagbagsak ng mga balikat niya, bigla yata lumungkot ang mukha niya. I wonder why?

“Haaay! Mas sasaya ako kung kasama natin si Rosella maglunch.” I smiled. I was wrong. Kahit kailan talaga ay hindi magawa ni Kylie na magalit sakin.

“Ako rin. Dahil panigurado ay wala ako dito ngayon nung hindi niya ko pinuntahan nung araw na mangyayari ang hindi ko inaasahan.” Kahit na binulong niya lang ang huli niyang sinabi ay dinig na dinig ko pa rin.

“Haaah? Kailan ka pa naging kaibigan ni Rosel?” pang-iinis ni Kylie sa kanya at nagtagumpay naman siya. Inilapit ni Kystella ang inis na mukha niya kay Kylie.

Lumabas na ako sa pagtatago. Baka hindi na magtigil ang pagbabangayan nilang dalawa. Ba’t ba palagi silang nag-aaway? Kada makikita nila ang isa’t isa ay daig mo pa na parang aso’t pusa silang dalawa.

Nakita kong inaawat ni Mev si Kylie at si Tyrone naman kay Ksytella habang ang aso’t pusa naman ay patuloy pa rin sa pagbabangayan. Pinipilit nga nilang kumawala sa hawak ng dalawang lalaki pero dahil likas na malakas sila ay hindi sila nagtagumpay. Tumigil lang sila nang mahagip ako ni Mev.

“Oy! Ro,” nakangiting sambit niya. Tumingin naman silang lahat sakin, pati na ang dalawang nagbabangayan.

Tahimik akong lumapit sa kanya.

“Sorry, natagalan ako sa mahabang pila sa caf.” Pagbabasag ko. Naging tahimik kasi sila nang makita lang nila ako. They all just looking at me, some of them are wide-eyed. I guess, they were surprised by my sudden move.

“Okay lang, don’t worry.” Tumango nalang ako kahit na alam kong hindi totoo ang sinasabi si Mev.

Naramdaman kong tumingin si Mev sa dalawa kong plastic.

“Ano yan?” inabot ko naman ito sa kanya at kinuha niya.

“Wow! Cupcakes?!” sambit niya pagpakita kung ano ang nasa loob nito.

“Para sakin ba ‘to lahat? Naku! Nag-abala ka pa.” binatukan nga siya ni Tyrone. Kapal naman ng mukha ng lalaking ito. Kaya ko lang naman binigay ito sa kanya dahil alam kong gusto niya tignan kung ano ang nilalaman ng dala kong plastic.

“Aray ko pre,”

“Hindi yan para sayo.”

“Alam ko naman yun, eto naman hindi mabiro.” Tinignan ulit ni Mev ang mga cupcakes na binili ko.

“Para yan sa inyo.”

“Really?! Natatakam na ‘ko, parang gusto ko tuloy iuwi lahat ito.”

“Patay gutom."

“Sa anong dahilan? Peace offering?”

“Peace offering ka dyan? Wala namang kasalanan sayo si Rosel.”

“Hindi ikaw ang kinakausap kaya wag kang sumabat dyan.”

“Nye nye nye.”

“Tara na, kumain na tayo.” Nawala ang pagiging isip-bata ni Kylie at tinignan ako na malalaki ang mga mata.

“Let’s go! Gutom na gutom na ‘ko."

“Matakaw nga pero hindi naman tumataba.”

“Paki mo ba babae? Itikom mo nalang yang malaking bunganga mo.”

“Mas malaki ang sayo.”

At nagsimula na naman ulit sila sa pagbabangayan. Minsan ay tinatawanan sila ni Mev at ni Azra kung may nakakatawa silang sinasabi. Si Von ay tahimik pa rin, hindi umiimik. Nasa harap ko silang apat lima habang ang isa sa kanila ay katabi ko. Hindi kami nag-iimikan, tahimik lang din kaming nakatingin sa mga taong nasa harap namin.

“You’re slowly… changing.” Biglaang sabi niya.

“Like what you’ve said,”

“Yeah. I remembered when you said something to me and Kylie,” marahan tumaas ang kilay ko sa sinabi niya, nagtataka pero hindi ko nalang ito pinansin.

Bumulaga samin ang sariwang hangin na dumikit saming mga balat pagbukas na pagbukas ni Mev ng pinto sa rooftop.

The beautiful and mesmerising view was also visible to our eyes— the blue sky, white fluffy clouds and also the dancing towering trees. The view looks gracious in my eyes. Nakakaginhawa tignan, ang tahimik pa.

Nilagyan muna ni Azra ng isang makapal na tela ang sahig para saming mauupuan. Sa totoo lang, kung nasa damuhan kami ngayon ay parang nagpipicnic na kami. This seems nice.

Pagkatapos ay nagsimula kaming kumain. Puro tawa at nakangiting mukha nila ang nakikita at pumapalibot sakin. The image of their smiling faces are enough for my lips to arch and formed a smile. They are absolutely special beings living from this cruel world.

As much as possible, dahan-dahanin ko lang ang mga galaw ko. I’m sure na maiintindihan naman nila ako. This is all… a bit new to me. The feeling of warmth, pleasing and blissful with a little weirdness are mixing and combining in my body.

Natapos na ang lunch namin kaya kinuha na ni Mev ang mga cupcakes na binili ko. Binuksan niya ang bawat plastic box ng mga cupcakes. I choose chocolate chips and sprinkles for the toppings on it’s icing at chocolate lahat ang flavor ng cakes.

May mga ngiti nilang lahat ang cupcakes na binili ko. Mga light colors ang pinili nila while me, it’s gray. I kinda liked the color of it kaya binili ko ito at alam kong hindi nila pipiliin ang ganitong kulay na icing ng cupcake. Pakiramdam ko kasi ay pinaghalo ang buhay at kamatayan.

“Sana maulit ito.”

“Ang ano? Ang paglibre ng cupcakes ni Rosel satin?”

“Wag mo naman abusuhin Mev.” Ibinaba niya ang hawak niya at yumuko.

“Gusto ko maulit ang pangyayari ito na kasama si Rosella.” Aniya kaya agad na pumunta ang atensyon ng mata ko sa kanya. Nakayuko pa rin siya at nilalaro niya ang kanyang mga daliri.

“Siyempre naman Lie. Mauulit naman talaga 'to dahil palagi nang sasama si Ro satin. Diba Ro?” sabay akbay sakin at ginulo ang buhok ko. Hinayaan ko nalang siya dahil ang totoo ay nagtitimpi lang ako na masuntok ang mukha nito. Ginulo pa talaga ako buhok ko. Inayos ko nga ang buhok ko na ginulo niya, pati bangs ko ay nadamay, psh.

“Kung ganon araw-araw na tayong may libreng cupcake.”

“Hoy babae, kung gusto mong kumain ulit ng cupcake ay bumili ka!”

“Bigyan mo muna akong pera para makabili ako.”

“Aba? Ano mo ako? Nanay?”

“Ay sorry, mukhang nanay kasi itsura mo.”

“Like duh? Maganda ako para maging nanay mo! At kung magkaka-anak ako ay hindi katulad mo na pangit at ma-attitude!”

“Magtigil nga kayo, palagi nalang ba kayo mag-aaway sa harap namin?” Kylie pouted of what Tyrone said.

“Siya kasi eh! Inuunahan ako!” parang bata na pagmamaktol niya. Tinuro pa talaga niya si Kystella. Haay, hindi pa rin talaga siya nagbabago.

“Wow, ako pa talaga? Eh ikaw nga itong palaging kumukontra sa bawat salita ko eh.”

Tsk. Bahala sila dyan, magbangayan sila kahit buong magdamag pa. Magtitigil rin ang mga yan.

Umayos ng upo si Von ng inayos ko ang mga kalooban ng bag ko. Tumayo na ‘ko at sinukbit ito, napatingin naman sila lahat sakin. Tutal, natapos na rin naman ang lunch namin at naubos na nilang kainin ang cupcakes ay aalis na ‘ko dito. Magte-twelve thirty na, baka malate pa kami kapag nagtagal pa kami dito.

“Tara na, alis na tayo.” Ani Mev.

“Oo nga, baka magbubunga pa ang kulay pulang ballpen sa class record natin.”

Sumang-ayon naman silang lahat at nagsimulang magligpit. Iniligpit na rin ni Azra ang telang ginamit namin kasabay no’n ang pag-alis namin sa rooftop.

Habang tinatahak ang hallway papunta sa room ay nakasalubong namin ang isa naming kaklase. Siya pa rin, ang kaninang nakita ko papunta sa caf. Kasama niya pa rin ang tatlong lalaking kasama niya.

Though, hindi ko talaga alam kung talagang lalaki ba ang isa sa mga kasama niya.

“Guys! Buti nakita ko kayo,” bungad niya samin kaya tumigil kami sa paglalakad at hinarap sila.

“Bakit? May problema ba?”

“We would like to invite you all to the approaching birthday party of this guy beside me.” Nakangiting sabi niya sabay akbay sa lalaking katabi niya na halos mala-poste ang tangkad. Tumingkayad pa siya para lang maabot ang leeg ng lalaki.

“Hala oo nga pala, malapit na pala ang birthday mo Devio diba?” tanong ni Kylie. Teka, kilala niya ang lalaking inaakbayan ni Shiana?

“Yeah, this Saturday.”

“Hindi ko alam yun ah? Ba’t hindi mo sinabi agad Devio?! Isang araw nalang ang pagitan!” tumawa lang yung Devio daw.

“Sorry naman Mev. Pinaplano pa kasi namin ang party ko.”

“Not just a party, it’s a shindig.” Sabat naman ni Shiana.

“Edi kung ganon pala ay go na go ako dyan!” kahit kailan talaga palaging energetic itong si Mev.

“Woah! Totoo?!” gulantang sabi ni Kylie.

“Sa mansyon ni Dev gaganapin.” Sabi ng isang kasama nilang lalaki.

“Hindi talaga kami nagkamali na ninominate ka namin bilang Treasurer.” Tumawa nalang si Devio sa sinabi ni Kylie.

“Rald, kasama ka rin?”

“Oo naman! Lahat ng kaklase natin ay invited. Hinanap pa nga namin kayo para lang sabihin ito sa inyo.” Wait, kaklase? Ibig sabihin ay kaklase namin sila? Kaklase ko sila? Teka nga, ba’t hindi ko yata sila kilala?

What the— I’m too spacing out! Ang layo-layo na ng pagitan ko sa kanila. Hindi ko alam na classmate ko pala si Devio at Rald. Ugh. Lutang na lutang talaga ako kapag tungkol sa mga kaklase ko ang pag-uusapan.

“Kung ganon ay no choice ako,”

“Aba? As if naman pinipilit ka namin feeling-malditang Kystella.” Sabi na nga ba, hindi siya lalaki. Lalaki nga ang katawan niya pero ang kaluluwa niya ay babae.

“Wala kang pakialam Marv.”

“Arrgg! Don’t call me that! It’s really creeping me out!”

“So? Paki ko sayo? Sinabi ko na dati sayo, tatawagin kita sa kahit anong gusto ko.” Nakataas na kilay sabi ni Kystella. Pati sila ay magka-away? Ang dami naman yatang kaaway itong si Kystella.

“Aba, siyempre pati ako sasama. Aarte pa ba ako? Hindi ko papalampasin ‘to.” Sambit ni Kylie.

“Eh ikaw Von? Sasama ka ba?”

“Mmmm,”

“Ayown! Eh ikaw Tyrone?”

“Oo, wala naman akong gagawin sa bahay.”

“Meron kaya,”

“Huh? Ano?”

“Mabobored ka.” Sabay tawa niya. Napangiwi naman si Tyrone sa sagot ni Mev. Tumawa ng sarcastic si Kylie, ngiti lang ang ginawa ni Azra at umiling-iling si Devio at Rald habang si Shiana ay tumawa. Siya lang yata ang tumawa sa joke ni Mev kahit na napakacorny ito. Samantalang kaming dalawa ni Von ay tahimik lang nakatingin sa kanila, nakikinig sa pinag-uusapan.

“Eh ikaw Rosella?” ani Shiana kaya pumunta ang lahat atensyon nila sakin. Ilang segundo silang nakatingin sakin, hinihintay ang magiging sagot ko.

“I’ll try,”

“Sige na Ro! Magiging masaya 'to promise.” Hindi ko pinansin ang sinabi ni Mev. Nakita ko naman ang paglungkot ng mukha ni Kylie. Ang inaalala ko ay baka hindi ang magiging sagot dito ni ate.

“Try to ask your sister about this.” Tumango ako sa sinabi ni Tyrone. Tatanungin ko naman talaga siya, I’ll ask her permission before I say ‘yes’ to this kind of party. You know, it’s gonna be shindig, a big party full of unknown people and strangers. It’s best to be safe than sorry.

“Anong oras pala magsisimula ang party?”

“6 pm, magtatapos ng 3 am pero pwede kayong umalis kahit anong oras niyong gustuhin.”

“Nice, formal attire ba dapat?”

"Yeah but you can dress comfortably."

“Required ba bang bigyan ka namin ng regalo Dev?”

“Wow Kylie, sa'n aabot ang kakapalan ng mukha mo?"

“Che!”

“Don’t worry Kylie, hindi naman ibig sabihin na birthday ko ay dapat papasok kayo na may regalo. Just my classmates, relatives and of course my family is enough to be my gifts.”

“Aww, sana all!”

“Clear na ba lahat sa inyo guys?” tanong ni Shiana at tumango naman silang lahat.

“Good! Sige, una na kami. Mag-iinvite pa kasi kami.”

We bid goodbye to them and we then continued to walk towards the room. Pagdating namin do’n ay marami-rami na ang mga kaklase namin, bawat sulok ng room ay pinapalibutan ng bawat grupo. May mga sari-sariling mundo.

Dumiretso ako sa desk ko while them are forming their seats into a circle. Magkukwentuhan yata.

“Rosel, want to join?” iling ang naging sagot ko kay Tyrone. Gusto ko munang mapag-isa. Hindi talaga ako sanay na marami ang kasama ako. Because for four years, only myself is my friend. Only myself was my bag to carry on.

Kinuha ko nalang ang earphone ko at nagsoundtrip. Nakatanaw lang ako sa magandang view while feeling the sad song playing on my cell. Habang nakatingin sa labas ay nahagip ng mga mata ko ang isang hindi pamilyar na tao.

Mula dito ay tanaw na tanaw ko siya. Nasa ilalim siya ng puno, suot-suot ang isang itim na hoodie at may sombrero rin na siyang nagpapatago ng kalahating mukha niya. Ang tanging nakikita ko sa mukha niya ay ilong at bibig.

He slowly put his hand up and formed it like gun. Nagtaka pa ako dahil parang sakin nakaturo ang index at middle finger niya. He then banged it to me like as if he shot me. Pagkatapos ay ibinaba na niya ang kanyang kamay at ngumiti ng nakakakilabot.

Luminga-linga ako sa loob ng room, nagbabasakaling isa sa mga kaklase ko ang hinahand-bang ng wirdong lalaking ito pero wala. May mga sariling mundo pa rin sila. Wala ni isa sa kanila na tumatambay malapit sa bintana.

My eyebrow raised as I put back my vision to the guy.

He's gone.

Umiling nalang ako, I should erase that thought. Nagjojoke o pinaprank lang siguro ako ng lalaking yun.

Dumating ang oras ng last subject namin ngayon but unfortunately, ma’am Eril announced na absent si ma’am Elmy which is weird dahil hindi pa kailan man nag-aabsent ang guro namin sa Social Studies.

Oh well, tao lang naman siya hindi perpekto. Mabuti at alas tres y medya pa lang ng hapon ay uwian na namin. Pagkatapos inannounce ni ma’am ang tungkol sa pagliban ni ma’am Elmy ay nagsi-unahan magligpit ng mga kagamitan ang mga kaklase ko.

Patakbo rin ang ibang lumabas, nakarinig pa ako na magdidiriwang daw sila sa pag-absent ni ma’am Elmy at dahil na rin maaga ang uwian namin. Hay, ewan ko ba dyan sa mga kaklase ko. Lalo na ang mga boys, mga loko talaga.

“Ro, sama ka samin?” pag-anyaya sakin ni Mev. Tinignan ko naman sila lahat, nakatingin sila sakin hinihintay ang sagot ko sa tanong ni Mev. Tango lang ang naging sagot ko. Sabay kaming lumabas sa room at tinahak ang daan papunta sa gate.

Nang makalabas ako sa gate ay napatigil ako ng may napagtanto akong bagay. Tumingin ako sa kabilang daan at nakita ang punong tinayuan ng wirdong lalaki kanina.

Walang pasabi-sabi ay tumawid ako sa kabilang daan. I stood to the exact place where that weird guy stood a while ago. Tumingin ako sa mataas na puno sa harap ko, ilang sandali ko muna tinitigan ang puno bago napunta ang mga mata ko sa bintana ng room namin. Mula doon ay nakita ko si ma’am Eril na sinasara ang lahat ng bintana.

After I blinked, I suddenly saw a man. Sumalubong ang kilay ko sa nakikita ko.

Wait, what?

I blinked again and now it’s clearer than before. It's the man I saw standing in the same exact position where I'm standing now.

Dahan-dahang kumaway sakin at sumilay na naman ang magpapakilabot na ngiti niya. Kumurap-kurap ako, inaakalang namamalik mata lang ako pero hindi. Nandyan talaga siya sa loob ng room namin, kumakaway sakin. Tila, parang nangyayari ulit ang nangyari kanina.

Kaya ang ginawa ko ay kinusot-kusot ko ang aking mga mata. Pagkatapos ay binalik ko na ulit ang paningin ko sa bintana ng room namin. Nagulat ako nung si ma’am Eril na ang nakita ko, sinasara niya pa rin ang mga bintana.

W-what?

Kumurap-kurap ako at kinusot ulit ang mga mata ko. Si ma’am Eril na talaga ngayon ang nakikita ko.

Was I…

“Rosel?” marahan akong tumingin sa kanan ko at nakita ang pigura ni Tyrone.

... just hallucinating?

“Oh? Anong tinitignan mo dyan?” tanong niya sabay tingin sa tinitignan ko.

“Guys! Nandyan lang pala kayo.” Lumapit naman samin si Kylie, Kystella, Azra at Von.

“Akala namin nauna na kayong umuwi. Bakit kasi bigla kayong nawala sa likod namin?”

“Ewan ko ba sa kanila. Tara na nga, umuwi na ta— FISHBALL!” naputol ang pagsalita niya at tinuro ang isang stall na nagtitinda ng iba’t ibang street foods malapit samin, pinagkukumpulan ito ng mga estudyante.

“Cheesestick! Isaw! Tempura! Kwek-kwek!" dagdag niya pa.

“Aray ko Kylie. Ang eardrums ko, pwede ba hinaan mo lang ang bwisit na boses mo?”

“Wala kang paki! Ayun oh! Fishball! Tara bili tayo!"

“Psh! I don’t eat street foods.”

“Arte mo! Tara na nga Azra, Von.” Sabi niya sabay hatak sa dalawa at hindi na umangal ang dalawa. Binalik ko ulit ang tingin ko sa bintana ng room namin.

Imposible, nakita ko talaga siya tapos bigla-bigla nalang siya nawala? O sadyang namamalik mata lang talaga ako? My eyes, recently I’m seeing strange things. Ano bang nangyayari sakin?

“Ano bang tinitignan mo dyan Rosel?” yumuko ako at umiling-iling. Erasing that thought.

“Bakit bigla nalang kayo nawala sa likod namin?”

“Hindi ko rin alam kay Ro eh, nakita ko nalang siya dito nakatayo habang tinitignan ang bin—“

“It was nothing,” pagpuputol ko sa sasabihin ni Mev. Ayokong malaman nila ang nakita ko. I-it- I know it was just nothing. Yeah, nothing at all.

“Haaayy! Alam mo Ro, gutom lang yan. Teka lang, bibili rin ako ng fishball.” Sabi niya at umalis.

“Ang s-sarap ng fries nila.”

“Diba? Diba? Masarap rin ng fishball at kikiam nila!”

“Oy, hingi ako Von."

Bumalik sila na may dala-dalang tig-dalawang pagkain. Inabutan ako ni Mev at Von pero umiling lang ako.

Sabay naming nilakad ang daan. Ngayon nalang ulit ako umuwi na may kasama. Ang saya, masaya sa pakiramdam. Iba ang sayang nararamdaman ko ngayon. It really feels nice to be with the ones who are friends and close to you.

As time passes by, we part our ways.

Naunang umalis si Von na sinundan naman agad ni Azra, ilang hakbang pa nga lang ang ginawa namin ay nagpaalam na si Tyrone. Ngayon ay tatlo nalang kaming magkakasama. Ang awkward lang dahil hindi na kami nag-iimikan. Nang makita ko ang eskinita ay lumiko ako sa likuan malapit dito.

“Mauna na kayo, may pupuntahan lang ako.” Sabi ko. Magsasalita na sana si Kylie nang hinatak na siya ni Mev. Hinintay ko muna silang mawala sa paningin ko bago lumapit sa eskinita. Mula doon ay nakita ko ang karton niya. Nilapitan ko ang karton at lumuhod saka ito binuksan.

“Dadalhin na kita sa bahay Spot, mabuti nalang talaga at sumang-ayon si ate tungkol dito.” Umiling ako, as if naman na maintindihan ako nito. Hindi na ako nagtagal sa eskinita at binuhat na ang karton. Iuuwi ko na rin siya sa wakas.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

TUNED IN (Wattys2021 WINNER) Bởi Josh

Khoa Học Viễn Tưởng

392K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...