Mhorfell Academy of Gangsters...

By alerayve

25.8M 641K 136K

[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black... More

Prologue
Chapter 1: Meeting the King
Chapter 2: Upcoming Storm
Chapter 3: Welcoming
Chapter 4: Our So-Called Party
Chapter 5: Troublemakers
Chapter 6: Single Arrow
Chapter 7: Show Some Skin
Chapter 8: Competition
Chapter 9: Charlene
Chapter 10: Watched
Chapter 11: Symptoms
Chapter 12: End of the First Round
Chapter 13: Magic Word
Chapter 14: Promise
Chapter 15: Fire and the Shooting Stars
Chapter 16: Message
Chapter 17: School of Mystery and Danger
Chapter 18: The Prince's Sword Dance
Chapter 19: Hide and Seek
Chapter 20: Coming Back
Chapter 22: Ally
Chapter 23: Hypothesis
Chapter 24: The Missing Mafia Pendant
Chapter 25: Alex Syndrome
Chapter 26: Recollection
Chapter 27: Aftermath
Chapter 28 - Peace Inside the Woods
Chapter 29 - Second and Third Examinations
Chapter 30 - Good Luck To Us, Bastards
Chapter 31 - Don't Ever Dare To Mess With Him
Chapter 32 - The Incident
Chapter 33 - Saving The Idiot
Chapter 34 - The Crying Little Girl In The Midnight
Chapter 35 - All Hail For The Princess
Chapter 36 - Celestial Key of the Pacific
Chapter 37 - Regaining and Solving
Chapter 38 - Dinner Meeting
Chapter 39 - The Only One Left
Chapter 40 - She is The Key
Chapter 41 - She's Dead All Along
Chapter 42 - Seal
Chapter 43 - Trip to the Principal's Office
Chapter 44 - Acting is Over
Chapter 45 - Who's Next?
Chapter 46 - Alex is Kirsten Theory
Chapter 47 - Another Meeting With Her
Chapter 48 - Strange Things Did Happen Here
Chapter 49 - Secret Letters
Chapter 50 - Crashing To A Party
Chapter 51 - Values
Chapter 52 - Love Story
Chapter 53 - Overload
Chapter 54 - The Meaning Behind The Arrows
Chapter 55 - You'll Be Fine
Chapter 56 - Happily Ever After
Chapter 57 - Access Granted
Chapter 58 - The Real Demon
Chapter 59 - Her Most Epic Birthday
Epilogue
Author's Note (Important)
GIVEAWAY!
ORDER NOW!

Chapter 21: Fear

356K 9.9K 1.1K
By alerayve


JANICE'S POV



"Miss Janice..." untag sa akin ni Theodore.



Tinapos ko na ang huling sulyap ko kay Miss Alexandria at saka ko marahan na sinarado ang pinto ng kwartong kinalalagyan niya. Tumatakbo ang oras. Walang segundo ang nararapat na masayang.



I turned to see Theodore looking at me with his usual worried face. Instead of putting another weight on him, I tried to pull of a smile in front of him. "How are you? Are they hurting you? Have you been doing well?"



Ngunit kagaya ng dati, walang salita ang lumabas mula sa bibig niya sa tuwing lumulutang ang mga katanungang ito. Tila ba mga katanungang walang kasagutan. Subalit ang katotohanan ay hindi niya nais marinig ang sarili niya na magsumbong o hindi kaya'y magpakita ng kahit anong hinagpis sa harapan ko.



Looking at him is quite painful. What right do I have to ask him if he's alright. I, his so called young lady have left him in this house where a psychopath and a demon are living. It's as if I left him here to suffer and to struggle to death.



The fact that I left two years ago to escape from my father and brothers have always been there. What could I even say to his face? Even so, I'm glad he is still alive and kicking.



"Kamusta naman po kayo? Nakakakain po ba kayo tatlong beses sa isang araw? Nakakatulog po ba kayo kaga gabi? Nakakainom po ba kayo ng gamot araw-araw para sa paninikip ng dibdib?" at umarangkada na naman ang samu't saring mga tanong niya sa akin.



Mga ilang araw nang malaman kong bumisita si kuya sa Mhorfell Academy ay nagtungo rin ako rito, umaasang makakahagilap ako ng balita sa kung ano ang binabalak niya. Mabuti na lamang at pinanigan niya ako at tinulungan para roon.



Hindi ko aasahan na ang dating manananggol namin ni mama noon sa pamilya ni papa ay siya ring walang alinlangang tutulong sa akin ngayon.



"Don't worry about me. Take care of yourself and thank you. Thank you very much, Theodore. I would never forget how good you've been to me and to my mom." pagpapasalamat ko habang pinagmamasdan ko siyang tumayo nang may buong dignidad ng isang walang kasing tulad na katiwala ng tahanan na ito.



He's one of those staffs who never left our household even though our family name has lost it's shine and has been drenched in blood and injustice. And I can't thank him enough for not losing hope on my father who is constantly having serious nightmares that keep on hunting him everytime.



This man deserves a better master and family. To think his family never disappointed anyone in our family ever since to the first generation. We are so indebted to him.



Nabalik naman ako sa wisyo nang makarinig ako ng ilang mabibigat na yabag mula ibabang palapag. Kapwa nanlaki ang mga mata namin sa isa't isa ni Theodore. Alam namin na parehas kaming malilintikan sa oras na malaman ni papa na naririto ako.



Dali-dali namang lumapit sa akin ang matanda at inaalo ako sa isang sikretong daan papalabas ng mansyon. "Magmadali kayo! Hindi kayo pwede makita ng mga tauhan ng inyong ama! Isa pa, kailangan ng dilag na iyon ng magliligtas sa kanya at alam kong ikaw lang ang makakapaghatid ng mensahe sa mga kaibigan at mga kapamilya niya. Kaya humayo na kayo, Miss Janice." halos pabulong niyang sabi sa akin at pilit pa niya akong tinutulak upang ihakbang ko na ang mga paa ko.



"Paano ka?" agad kong balik sa kanya. Hindi ko maatim na iwan siya rito. Hindi na ulit...



Ikaw ang tumanggap ng mga latay na dapat para sa akin sa tuwing ako ang nasisisi ni papa. Ikaw lang ang nag-atubiling bigyan ng maayos na libing si mama kahit na ba isa lang siya sa mga babaeng dinala ni papa sa pamamahay na ito. Ikaw lang ang nagpupuslit sa akin ng pagkain at inumin noong mga panahong ikinukulong ako ni papa. Ikaw... tanging ikaw lang...



Paano kita magagawang iwan ulit sa pangalawang pagkakataon? Ikaw na parang tinuring ko na ring isang tunay na ama.



Napatigil naman siya sa pag-udyok sa akin at mahigpit na hinawakan niya ang aking mga kamay na nanlalamig na sa takot na kung ano pa ang maaaring gawin sa kanya ni papa sa bawat oras na naririto siya. "I will protect the young lady as long as I can. Gamitin mo ang mga oras na magagawa ko para dalhin ang panig ng mga Cromello at mga Dela Vega."



Napamaang naman ako nang masambit niya ang mga pinagbabawal na epilyido sa pamamahay na ito. "Paano mo nalaman na—"



"Ilang dekada na ang alitan ng mga Dela Vega at Domzelle. At saka... kamukhang-kamukha niya si Miss Alexandra. Paanong hindi ko mapagtatanto?" paliwanag niya.



Tama siya. Matagal-tagal na rin ang alitan sa pagitan ng dalawang pamilya. Naging malala lang lalo nang maidamay si Master Kristoffer sa plano nina papa. Siya mismo ang gumawa ng dahilan upang iwan siya ng mga kaalyansa niya. Sinira lang niya at lahat ng pagtataguyod na ginawa ni lolo sa kasakiman at walang kwentang paghihiganti niya.



Nabalik ang atensyon ko sa kay Theodore nang maramdaman ko ang lalong paghigpit ng hawak niya. "Iligtas niyo siya. Baka siya na lang din ang natitirang daan para mairesolba ang lahat ng pinag-ugatan ng alitan. At sa pagbabalik mo, asahan mong sasama na ako sa inyo, Miss Janice. Karangalan kong paglingkuran kayo. Kaya sige na. Umalis na kayo." at dali-dali niya akong hinigit papunta sa pintuan na ginamit ko rin papasok rito. Ang sikretong daanan.



Gusto kong sabihin na mag-ingat siya. Gusto kong sabihin na hindi niya na kailangan pang idamay ang sarili niyang buhay sa misyon ko. Masyado na ang mga dinanas niya para sa akin.



But before I could even utter the words, he pushed me in to the room and closed the door as fast as thunder. I could feel my hands trembling as I found myself still staring at the door.



Please be safe.



****



SKY'S POV



Damn! What happened to the two of them? We're like waiting for almost an hour here! Ito ang pinakamadalas at pinakamabilis na daan papunta at papauwi magmula sa Reighzine Academy. Kaya imposibleng hindi namin sila makasalubong dito.



I was on my way to check Alex out from Queen Anne's dormitory mistress when Dereen called me. And not just me... everyone! Ni hindi kami magkandaugaga makapunta lang dito. Namura na namin lahat ng mga sasakyang humarang sa amin at sumobra pa kami sa bilis ng pagpapatakbo ng kotse.



Tapos maaabutan ko ay ang balitang nawawala pa ang pinsan ko? Bullshit.



Dear Jesus, sana po walang nangyaring masama sa kaibigan ko at kay Alex. Hindi ko po alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanila. Sasaluhin ko lahat ng galit at sigaw mula kay Kuya Xander sa pagiging pabaya basta't huwag na huwag lang mapapahamak si Alex!



"Geez. Rennei, bakit ba hindi niyo kami sinabihan tungkol dito sa plano niyong ito, ha?! Imbes na makatulong kayo, napahamak pa kayo!" pagalit na bulalas ni Marc nang mukhang tapos na siya sa pananahimik niya sa isang tabi.



Dinakuan ko naman ng tingin si Rennei na nananatili lang na nakasandal sa isa sa mga puno at pawang nakatulala sa kalsada. Hindi siya umiimik. Pero hindi rin namin alam kung ano ang iniisip niya. At kung ano ang gustong ipahiwatig ng mukha niya.



Napatayo naman si Thelina mula sa pagkakaupo sa isang bato at hinawakan ang braso ni Marc upang pigilan ito sa nagbabadyang paglalabas ng inis. "Stop it, Marc. Pare-parehas nating hindi ginusto ang nangyari. Huwag mo na siya sigawan."



Nanaig pa rin naman ang pagmamatigas ni Marc at mabilis na kinabig ang kamay ng pinakamalapit na kaibigan. "Bakit, Thelina? Hindi ba nila 'to ginusto?! They chose to proceed with this plan!"



"Marc, tama na." mariin na wika ni Edward na nakatayong nakahalukipkip at tila malalim ang iniisip.



Ilang sandali naman ay narinig namin ang mahinang paghikbi ni Fiacre habang dinadaluhan ni Dereen sa kanyang tabi. Walang may gusto na mawala ang dalawa. Bakit ba nagsisisihan pa 'tong mga 'to?



Napahilamos na lang ako ng mukha. Hindi lang sigaw at galit ang ihaharap sa akin ni Xander kapag nagkataong walang Alex ang dumating sa mga oras na ito. I may be his cousin but I'm still under his power. I am just like one of his hundreds of men that has to submit to him. And I failed him.



Pasapit na ang kabilugan ng buwan. Only the streetlights could lighten up the darkness conquering the road and it's sides. Nag-uumpisa na rin na mamayani sa aming mga balat ang lamig at hamog na dulot ng gabi. Lahat kami patuloy na nag-aabang at umaasa na may dadating na sasakyan papunta sa direksyon namin at sila ang sakay.



"Ed, I think I should go check out the school for a few turns. Mabuti na ang nakakasigurado. Kung nagawa nilang pasukin ang Reighzine na siyang pinakamatinik nating kalaban, wala na rin tayong dapat ikapanatag na hindi rin nila pagtatangkaan ang Mhorfell."



"Sama ako, Collen!"



"Very well, then. Collen, Alexis, bring Thelina as well. She has to talk with the Ozna. I'm sure these girls did something to get through with the surveillance cameras and the security guards. Come back as soon as possible and be safe."



"Sure thing. Balitaan niyo na lang kami."



Magdaan man ay narinig ko na lang ang mga yapak nila sa paglisan nila sa lugar na pinaghihintayan namin ngayon. Nanatili ang katahimikan sa paligid ngunit alam namin na may kanya-kanyang gustong sabihin ang bawat isa sa mga nangyayari ngayon pero mas pinipili na lang na itikom ang kanilang mga bibig.



What should I do? What can I do except from sitting down here and waiting?



I can't even remove these two palms from my face because I'm afraid that once I remove them, I still won't be seeing Alex in front of my eyes. Pagbabantay na nga lang sa kanya ang nag-iisang iniutos sa akin, hindi ko pa nagawa ng maayos. Ang tanga tanga mo talaga Skyzzer!



"They're here!"



As I heard Kia's remarks, I took my hands off from my face and stood up to see a black car coming right to our direction. It's Spade's car.



Mas mabilis pa sa kidlat na nagsilapitan kami at nagsikumpulan nang huminto na ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Kahit papaano nakahinga na ako nang maluwag dahil alam kong hindi papabayaan ni Spade ang pinsan ko. Baka nasa loob siya ng sasakyan nito at kasamang bumalik nang ligtas.



Ngunit laking dismaya ko nang si King lang ang nakita kong bumaba sa kotse. "Where's Alex?" diretsang tanong ko nang napagtanto ko na na wala nang ibang bababa mula sa kotseng iyon.



Iyon din ang tanong ng iba pa ngunit tanging ang nasagot lang sa amin ni Spade ay ang pagyuko at pag-iling niya na hindi niya madalas ginagawa. He's always been a victor. How could he not bring home the bacon this time? What happened to my cousin?!



I can't seem to get a hold of the situation as fast as my fellow Heads did. Of course, they are not the cousin of the missing one nor the one who is obligated to guard that one. And the remaining one that I could trust to bring her back is even admitting his loss on the game between him and those men. Both of my hands just found Spade's collar and pulled it with all my strength.



"Sky!"



"Where is she? Where is she?!"



Ramdam ko ang pagkapitan at paghilahan sa akin ng mga kaibigan ko. Alam kong isang kagaguhan lang at dala lang ng emosyon ang pagiging padalos-dalos ko ngayon pero hindi ko magawang ipaintindi sa sarili ko. Sa katawan ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko.



Nagagalit ako! Naiinis ako! Nalulungkot ako! I don't know which feeling is the strongest. All I want to do is to burst everything out. Wala akong masisi kasi alam kong hindi naman talaga kasalanan ni Spade. Pero wala rin akong mapagbuntungan! Naiirita ako kasi ako mismo nagagalit sa sarili ko!



"S-Sky... I'm sorry. Bigla na lang siyang nawala. Tinulungan niya ko nang ayaw gumana ng sasakyan ko. Akala ko nakasunod lang siya sa akin. Pero wala. Bumalik pa ako pero wala na siya roon." bagsak ang mga balikat niyang pagki-kwento sa amin habang pilit niyang kinokontrol ang higpit ng hawak ko sa kwelyo niya.



"Oh god, Sky! Tigilan mo na 'to! We should be helping each other now to find her!" rinig kong ani ni Jonathan sa akin nang may mga nanlalaki nang mga mata.



Nahatak na lang talaga ako ng katotohanan nang mapahinto kaming lahat sa pagtunog ng telepono ko sa bulsa. Tila isa akong toro na umuusok pa rin ang ilong makita ko lamang ang mukhang dating sobrang iniidolo ko.



Pero sino nga ba ang niloko ko? Spade is neither a fate nor a god. He's still a human being like everybody else who could lose and be mistaken. I depended on him too much. It's time for the real thing.



Huminga muna ako nang maluwag ng ilang beses bago ko tuluyang binitawan ang kwelyo niya. Halos parang nabunutan din ng tinik sa dibdib ang mga kasamahan namin sa pagkalma ko. Gayunpaman, kapwa pare-parehas lang kaming nagtataka kung sino pa sa kalagitnaan ng mga oras na ito ang tatawag sa akin. E hindi naman ako babaero katulad nina Marc.



"My goodness."

"Akala ko tutuluyan ka na ni Sky, King."

"He's capable of doing that though, Fiacre."

"Are you alright? Are you not hurt?"



Tumalikod muna ako para kunin ang tawag. The name that keeps on flashing on to my phone's screen is just enough to give me a heart attack. Ito na nga ba ang sinasabi ko.



It's now or never. "Hello? K-Kuya?" I muttered, not trying to be obvious that there's something wrong.



Dama ko ang mga tingin sa akin ng mga nasa likod ko nang bigkasin ko ang salitang 'Kuya'. I'm an only child so for sure they will be confused on who am I pertaining to.



["Oh, hello, Skyzzer. Sorry to disturb in the middle on the night but I only called to check out on Alex. Is she asleep already? Is she doing well? Or is she being a headache again?"]



If there is only an answer as straight and as specific, I wish I could think of that now. However, nothing seems to get on my mind right now. Alex's brother, Alexander is on the line and asking for his sister. How could I tell him that 'hey your sister is missing and no one knows where the fuck those people took her'? Ridiculous.



"Kuya... kasi po..." hindi ko magawang dalhin ang dila ko na sabihin ang totoo sa kanya. Magiging malaking problema 'to ng sambahayan ng mga Dela Vega at Cromello.



Bago pa ako makaisip ng maayos na maisasagot, narinig ko na sa kabilang linya ang mariing paghinga niya. Isang senyales na iba na ang kutob at pakiramdam niya. ["May nangyari bang masama sa kanya? Tell me, Sky."]



Tono palang ng boses niya, nagpapahiwatig na ng takot at nerbyos. Ngayon na wala na silang magulang, alam ko kung gaano niya kamahal at kung gaano kahalaga para sa kanya ang nag-iisa niyang kapatid. Regardless of the law or bond, he'll do everything just to make sure that his sister is safe and sound.



That's why, I decided to tell him the truth. "She's missing."



There was a long silence and I can't help but to feel the responsibility about it. Good thing is that I felt my friends' hands patting my shoulders and it's already enough for me, somehow, to not overthink again.



["I will decide what will be our move once I hear your report. For now, bring all those who know about this to the second headquarters. I'll give the security team a signal to secure your entrance once you enter the area."] and then, he ended the call.



I guess I need to get ready for a good report or else I will be punished big time. Itinago ko na ang telepono ko at saka ako nagkaroon ng lakas ng loob na haraping muli ang mga natitira kong kasamahan rito.



"Who's that?" 'yan ang unang tanong ni Edward.



Napayuko naman ako. Paano ko rin ba sasabihin sa kanila na kailangan ko silang dalhin sa lugar na iyon? Ano ba naman ito...



"By the look and tone of your face while answering the call, I'm positive it's Alex's brother. He's asking an audience with us, isn't he?"



Napatingin naman kaming lahat kay Rennei na mukhang kagagaling lang sa isa sa mga sasakyang ginamit rito at may dala-dalang bote ng tubig sa paglapit niya sa akin.



"Alex's brother? You mean, Alexander Cromello for real?!" Jonathan exclaimed as if he heard the name of the love of his life. It really is a bother having an idol-type and famous cousin like him. 



Wala talagang mintis kay Renneisme Martin.



"Sa bagay... Kay Kuya Xander lang naman talaga mabilis tumiklop si Sky." dagdag naman ng babes ko. Why you do this to me? 'Wag mo naman ako ipahiya. I'm your future husband!



Anyway, she has a point though. So sad.



"As I was saying, the current head of the Cromello family and Dela Vega mafia is waiting for us. I'm sure he will be a great help to find Alex. She's his sister after all. There would be annoying security measures once we enter the area so be ready but don't worry, only a few." paalala at paninigurado ko sa kanilang mga hindi maipintang mga mukha.



There were uneasiness, doubt, and nervousness on their faces. I can't blame them though. If you are on their shoes being asked to enter a territory of an influential family wherein you could get shot in just a matter of seconds, I'm sure you will think twice or even thrice. There's even no assurance that they will be safe as well. Mafia knows no mafia and family unless related and connected to them.



Mahirap na. Baka hindi pa man kami nakakapasok sa mansyon e pagbabarilin na kami. Mas maganda nang malinaw sa kanila. It's still a headquarters of a mafia.



"Let's go?" Dereen asked as she put her string bag back on her shoulder.



Unti-unti namang napawi ang mga pag-aagam-agam nilang lahat at kapwa nagsingitian na animo'y iisa na lamang ang intensyon at iniisip. "Alex is our friend, afterall. Of course, we'll be cooperating." they said in unison and we started to ride on each of our cars to depart as fast as we could.



While I'm in the middle of driving, I can't help not to think of what will be the effect of Alex's absence on the family. Cromello family was always been blessed with males. Despite of that, they've been waiting for at least one female who could bring joy and brilliance to the family like before. That's quite the reason why our relatives love spoiling Alex ever since she was young, which she doesn't remember anyway.



Dahil sa may pagkaliblib at pagkarami ng mga pasikot-sikot, inabot rin kami ng dalawang oras na biyahe bago kami mahagip ng mga tinalagang tauhan ni Alexander. "Aish. Finally, we're here." Ang sakit kaya sa pwetan 'yung umupo lang ng ilang oras.



The drive has been quite long and despite of the consequences I might face by coming to the headquarters, I must move forward. It's still my home, after all. I am finally home.



Mga ilang metro pa ang itinakbo namin ang nasilayan ko na rin ang mga nagtataasang mga punong nagkukubli ang isang mansyon na mas higit pa ang nilalamang mga alaala kaysa sa pinagsama-samang bilang ng mga bahay na pagmamay-ari ng aming pamilya.



This is where Xander, Alex, and I used to play when we were young; Where Aunt Xandra and Uncle Kristoffer would always play pranks with us; Where Uncle Johan will unfailingly serve us the best snacks once we got tired of playing.



After over ten years? Everything changed.



When it comes to the purpose of selecting employees on both the mafia and other family businesses, the third house has always been the venue of it. It was also a set for exclusive meetings and a training ground for aspiring reapers who are dreaming to step on the main headquarters' grounds.



As for the place we are about to enter, it is the keeper of the family's documents, confidential files, and ancestral information for generations. The archives and the main library fitted for the members' education and upbringing are on it's hold as well.



Actually, it used to be the main one but ever since the head of the Cromello family, Kristoffer, and only daughter of the Dela Vega family, Alexandra perished, the young heir, Alexander ordered to move out and make the then-second headquarters the new main house.



Kaya nga nagtataka ako kung bakit mas pinili ni kuya ang pangalawang tanggapan para makipagkita at makipag-usap. Alam ko ang dalang kirot at hapdi ng pagtapak pa lamang sa mga damuhan ng kalupaan ng mansyon na iyon. Nakabaon ang lahat ng memorya ng aming pagkabata kasama ang yumaong mag-asawa sa buong lugar na ito.



Whatever reason it may be, what I hope is that for Alex to be returned to us safely.



Lastly, the main house, the dream of every reaper in training, the den of the master of hundreds of men and strings of connections, location of treasury and heirlooms, and the chamber of those who wish to be saved is the center of order and organization.



"Sky! Bakit kailangan pa kami kapkapan dito?" Jonathan hissed as he glances back to the others who are being inspected by the security team. We just got off from our cars and I know it is quite a surprise being checked even though you're an expected guest but hey, I warned them. They should've at least expect something like this for a territory a mafia leader is staying.



Napabuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan ko silang inoobserbahan at matamang binabantayan ng bawat tauhan namin nang makuha ng tanong ni Edward ang atensyon ko.



"The Martinez family has been accommodating bunch of influential and powerful families for years in our resorts but I never heard anything about the one who is leading the Cromello and Dela Vega family, Alexander except from that he's a good man and a great basketball player."



Napadako naman ang tingin ko kung saan nakatingin ang mga maiilap na mga mata ng isang Zhen Edward Martinez. Nakapukol ang mga ito sa pinakamalaking balkonaheng unang sisimbulat sa iyo pagdating mo rito. Balkonaheng minsanan lang kung daluhan ng kanyang panginoon na laging nanatili sa loob ng kanyang silid na binabalot ng kadiliman. Balkonaheng bukana ng kwartong magdidirekta sa iyo sa lugar ng ubod ng kahalagahan ngunit gayon na rin ang takot.



"He ascended the position when he was fifteen with the guidance of our uncle. The Dela Vegas however saw a potential on Alex too so they made them responsible for pursuing the best on both sides." He was so young yet he is ferocious. Just like that time. Ten years ago.



"What kind of brother is he then for Alex?" a newly arrived Marc who seemed to look like awfully abused by the inspection came to us.



That reminds me...



What kind of brother, huh?



Natapos ang mga pagtatanungan naming iyon nang dumating ang isa sa mga katiwala ng sambahayan upang batiin kami at ipaalam na nakaabot na sa nakatataas ang balitang naririto na kami. "Young master, he's already waiting for all of you."



Walang ano pa man ay nagsisunuran na kami sa katiwala nang matapos na ang mga inspeksyon at ang pagsuko ng mga susi ng mga sasakyan namin para maigarahe ito ng maayos. Dahil mga kapwa mga anak mayayaman din itong mga kasama ko ay hindi naman na naging kagulat-gulat para sa kanila ang pagsalubong ng mga tauhan at mga katulong namin sa bawat sulok ng mansyon. Napapatingin na lang sila sa ilang parte ng bahay pero wala naman silang sinasabi na tila ba nililibot lamang nila ang mga tingin nila sa kung anong klase ng pamamahay nakatira ang kaibigan nila.



While we are walking down the path towards Xander's office, setting Marc's question aside a while ago became inevitable. The question keeps on making my mind to relentlessly think of the day when Alex got involved on a serious crisis within the family.



"There are certain things you must contain to preserve the future."



What kind of brother is he? Ah, yes. He's a loving and an overprotective one, I guess. A brother whose teasing his sister is his usual chore everyday but hates it when others do the same. Not letting his sister leave the house without bodyguards, strongly declining early marriage offers from our allied families, learning to take on a combat and use the gun at the age of eight to assure he is just enough to protect his sister, what can I say more? Right! He tends to piss Alex off a lot about her tantrums but ends up giving and doing what she wants anyway.



I can say that he's a total idiot when it comes to her.



But is he really like that? Could there be something more from Alexander Kristian Cromello? Why did I become less than sure that I am before? 



"The master instructed me only to guide you until you reach this turn. Proceed as to where the paths will take you and you will reach his office." the butler announced, pulling me out from the abyss I was about to lunge myself on. 



This is not the time for me to be paranoid and conscious. There's a bigger problem and that should be our top most priority from this moment onwards. Thus, I started to take the steps first towards Xander's location, walking through the bloody red carpet and passing by the paintings of gold, silver, and bronze frames hung from the every corner of the house. 



"Wow, Alex is sure living like a princess in here. It's huge and it looks great. At ang dami pang mga nakabantay na guwardiya. Yeah, this is what you called a few security measures." puri ni Kia na pinatatamaan ang sinabi ko kanina tungkol sa kondisyon ng seguridad dito sa bahay. 



I didn't lie though. Kumpara naman sa pinakasentrong himpilan kung saan napapalibutan ang halos bawat metro ng sambahayan at kung saan-saan nakakalat ang mga armadong tauhan ng pamilya. Handang dumepensa bilang empleyado. Handang umatake upang manalo. Handang lumaban para mabuhay. At higit sa lahat, handang mamatay para sa mafia. Those people would never think twice to shot you straight to your head once you attempt to make a single wrong move. 



Napatigil naman ako sa paghakbang at naipamulsa ko na lang ang mga kamay ko sa magkabilang bulsa ng pantalon ko. "The moment she was born, she's already a princess. Being the receiver of all the love, pamper, and concern as the only direct female descendant of Don Ariel and Doña Cristina, Alex never experienced any shortcoming when it comes to luxuries and attention." paglilinaw ko naman sa kanila at hinayaan kong sila na ang mauna sa paglalakad nang sa gayo'y masanay din sila sa pagtapak dito sa mansyon. 



This is still a fortress guarded by those who could kill passionately at the end of the day. Oh well. 



Sa paglibot at pag-ikot ng mga tingin nila ay bakas na sa kanila ang pagkamangha sa pamamahay na ito. This would not be Aunt Xandra's favorite place if it isn't wonderful, would it? Sa totoo lang, nagmula pa ang estrukturang ito sa bansang Venice. Sina lolo at lola ang nagdala ng pamamahay na ito sa Pilipinas noong bagong kasal sila. Hanggang sa dito na rin lumaki ang ama nina Alex at ang aking inang si Edeline. Napuno ang bawat sulok at gilid ng mansyong ito ng mga masasayang alaala at gayon na rin ang mga mapapait. Gayunpaman, hindi maitatanggi ang tinagal ng kasaysayan ng bahay na ito.



"Waah! Ang ganda naman niya! Sino siya, Sanchez?" pagtuturo ni Marc sa isang painting na may kuwadradong pilak. Maagap naman akong naglakad papunta sa harapan ng larawang tinutukoy niya.



Napamaang naman ako nang makilala ko ang ginang na sinasabi niya. "That is the portrait of Madamme Leanne Crisse. She is our late great-grandmother. She is a great leader of the business empire when her husband passed away." I told them. Napatango-tango naman sila dulot ng pagkabighani sa ganda at natatanging impormasyong nalaman nila tungkol dito.



Ang hindi nila alam, isang masalimuot din na buhay ang dinanas nito. Namatay ang magandang ginang sa gulang na animnapu't walo bunga ng kanyang ginawang pagtitiwakal upang mapigilan ang kanyang pangungulila sa namayapa nang asawa.



Sa pangalawang pagkakataon, pinabayaan ko na silang tahakin ang landas sa kwartong kinaroroonan ng pakay namin dito. Ilang hakbang papunta sa kabilang liko ang ginawa ko at napahinto na lang ako sa tapat ng isang malaking larawan ng isang mag-ina.



On the bottom of it's frame, a sign was put up to make the people recognize the people illustrated on the paintings. Madam Alexandra Dela Vega and her daughter, Young Miss Alexandria. Whenever I see this picture, I keep on noticing how it blooms and how radiant it has become as years passed. Their hair, lips, nose, they're the same. 



Hanggang ngayon, isang misteryo pa rin ang kwentong nasa likod ng mga pangyayari mula noon hanggang sa kasalukuyan. Walang nakakaalam at kung mayroon man ay maaaring isa siyang kaaway o kakampi. Maraming misteryo at sikreto ang bumabalot sa mga pamilya namin at sa gulang ko na ito, alam kong tama na ang edad ko upang tumayo na sa aking sariling mga paa at hanapin ang mga kasagutang matagal ko nang hinahanap. 



Basta ang alam ko, higit kaninuman, si Alexandria ang pinakawalang kaalam-alam sa lahat ng mga ito.

Continue Reading

You'll Also Like

29.7M 988K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
910K 38.1K 54
[HIGHEST RANK: #1 in Historical Fiction - April 22, 2018 #3 in Historical Fiction - November 14, 2016] ✔COMPLETED [Currently Editing] Malaki ang pag...
5.7M 18.4K 5
Heartless, ruthless, and merciless-four legendary gangster princesses bound by their thirst for revenge. They are the four Fujiwara sisters. Despite...
37.2K 1K 27
One section, one secret. This is the time to reveal it and everyone will regret. Highest Rank: #76 in Horror