I LOVED YOU FIRST by Colt

By Dimenth0r

778K 16.8K 1.6K

Re-publishing this story due to the request of the previous owner's followers More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE

Chapter 12

18.8K 439 26
By Dimenth0r

< Dennise P.O.V >

Nandito kami ngayon sa BEG, nakaupo sa bleachers at hinihintay ang pagdating ni coach pati na rin nung iba naming team mates, may trainning kasi kami ngayon. 

Ella: HAAAAY!... Back to reality nanaman tayo.

Sabi ni Ella na kararating palang at agad na umupo sa vacant seat sa tabi ni Jia.

Den: Mukhang gustong gusto mo sa retreat ah.

Ella: Syempre naman, nandoon kaya si Jeron Teng.

Napangiti nalang ako sa sinabi ni Ella.

"Si Jeron ba talaga?" Sabi ko sa isip ko. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko yung mga lambingan nila ni Mae.

Aly: Kaya naman pala eh... Gusto mo, ibigay ko sayo yung number nya?.

Ella: Talaga?! (Nakangiti nyang tanong kay Alyssa.)

Aly: Oo, pero may kondisyon.

Ella: Besh kahit ano pa yang kondisyon na yan, basta para lang sa number ni Jeron.

Aeriel: Ano ba yan Ella?! Kababae mong tao.

Ella: Eh bakit ikaw, hindi mo ba gagawin ang lahat para makuha yung number ni Enrique Gil? (Sabi nya kay Aeriel.)

Aeriel: Uhm..... Sabagay.

Ella: Oh diba? (Muli syang tumingin kay Ly.) Ano ba yung kundisyon mo besh?

Aly: May date kasi kami ni Jeron sa saturday.

"Date?!" Sabay sabay naming tanong kay Aly.

WHAT THE?!

Wala na nga akong problema kay Axel dahil mukhang hindi na sila magkakasama ulit ni Ly tapos meron nanamang bago. At si King archer pa talaga?!

Aly: Guys. Easy...

Ella: Easy?! Alam mo naman na super crush ko yun tapos makikipag date kapa sa kanya?!

Aly:Besh! Pwede wag kang OA? Yun na nga yung kondisyon ko sayo, sumama ka sa date namin. Kunwari chaperone kita pero ikaw yung irereto ko kay Jeron.

Ella: Well... ayaw kong maging chaperone mo pero agree ako dyan sa gusto mong mangyari.

Mabuti naman at iyon ang nasa isip ni Aly. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil dun, ang ibig sabihin kasi ay wala na akong ibang po- problemahin kundi ang pag-amin sa kanya.

Tinapik naman ako ni Aeriel kaya napatingin ako sa kanya, magkatabi lang kasi kami. Inilapit nya yung bibig nya sa taenga ko at binulungan ako.

Aeriel: Kamusta na nga pala kayo nung bf mo? Kayo pa rin ba?

Den: Kinausap kona sya at nakipaghiwalay na ako sa kanya. (Bulong ko kay Aeriel.)

Aeriel: Buti pumayag?

Den: Nagalit nga eh. Pero wala naman syang magagawa kung yun ang gusto ko.

Ilang sandali pa ay dumating na yung mga team mates namin at kasama nila si coach kaya nag-umpisa na rin kaming mag warm up.

~~~~

< Alyssa's P.O.V >

After trainning ay tumambay lang muna kami sa BEG, naka upo kami ni Maddie sa sahig. Kaharap ko sya at pareho kaming busy sa paglalaro ng chess sa cellphone nya. Nasa bleacher naman sa may tabi namin sila Den, Kim at Bea, pinapanood nila kami habang naglalaro. Yung iba naman naming kasama ay may ibang pinagkakaabalahan.

"LY!"

Napatingin ako sa kabilang side ng court at nakita ko si Marge na nanakbo papalapit sa amin, agad syang umupo sa tabi ni Maddie.

Maddie: Makasigaw naman ate? May sunog? (Biro nya kay Marge.)

Marge: Ly, kilala mona ba yung bagong courtside reporter?

Agad na tanong sa akin ni Marge nung makaupo na sya sa tabi ni Maddie.

Aly: Hindi, bakit?

Marge: Ang ganda kasi nun eh... ARAY!

Napasigaw nalang si Marge nung binato sya ni Jirah ng bola at tumama yun sa likuran nya.

Lumapit sa amin si Jirah pero naupo sya sa tabi Den. Tiningnan naman sya ni Marge.

Marge: Besh, bakit kaba namamato? (Nung hindi sya sagutin ni Jirah ay muli syang tumingin sa akin.) As I was saying, maganda yung bagong courtside reporter natin. Sumali sya sa Binibining Pilipinas.

Aly: Oh? Edi, maganda nga. ARAY!

Ako naman yung napasigaw dahil bigla nalang may pumitik sa kaliwang tenga ko. Napatingala naman ako kay Dennise na nakaupo sa bleacher, nasa tapat lang kasi nya ako.

Aly: Den? Bakit mo naman ginawa yun?

Den: Trip ko lang. 

Asar na sabi ni Dennise tapos ay inirapan ako.

Aly: Adik.

Sabi ko naman sa kanya saka muling tumingin kay Marge.

Aly: Sino ba yung bagong courtside reporter?

Marge: Laura Lehmann yung pangalan nya. Nandun nga sya sa labas ngayon eh, kausap nila coach. Puntahan natin.

Pag-aaya nya sa akin, agad naman akong tumayo at inayos ang sarili ko.

Aly: Tara.

Maglalakad na sana ako nung may humawak sa wrist ko, napatingin naman ako kay Den. Salubong yung kilay nya habang nakatingala sa akin tapos ay ang higpit pa nung pagkaka hawak nya sa pulsuhan ko.

Aly: Bakit?

Lumuwag yung hawak nya sa akin at naghiwalay yung salubong nyang kilay.

Den: Miryenda tayo. Treat ko.

Aly: Mamaya nalang, may pupuntahan pa kami ni Marge eh.

Den: Mas importante paba yun kaysa sa akin?

Napatingin naman ako kay Marge na hinihintay na ako, sya naman ang salubong ang kilay ngayon at naka cross arms pa.

Aly: Marge, next time nalang.

Marge: HUH?! PERO.

Hindi na natapos ni Marge yung sasabihin nya dahil agad na tumayo si Den at pumagitna sa amin, humarap sya kay Marge at tinaasan ito ng kilay.

Den: Hindi mo ba naiintindihan ang salitang next time?

Mataray nyang sabi kay Marge. Hindi naman sumagot si Marge kaya kinuha na ni Den yung bag naming dalawa. Oo, pati yung akin ay binitbit nya tapos ay hinila nya ako at nag-umpisa na kaming maglakad papalayo kay Marge.

Marge: Pero sayang yung oppurtunity! ARAY!

Hindi kona dapat titingnan si Marge pero nung sumigaw sya na parang nasaktan ay lumingon ako sa kanya. Nakita ko naman na pinipingot ni Jirah yung taenga nya.

Natawa nalang ako dahil sa nakita ko. Muli akong tumingin kay Den na nakahawak pa rin sa pulsuhan ko.

Aly: Den, akin na yung bag ko. Ako na yung magdadala.

Tumingin naman sya sa akin at saka inabot sa akin yung sport bag ko. Nung malapit na kami sa labas ng BEG ay nakita namin sila coach Tai at Sir Tony na may kausap na babae. Matangkad sya at maputi, may hubog din yung katawan.

Naramdaman ko naman na bumaba yung kamay ni Den, at nakahawak na ito sa kamay ko.

Napatingin naman ako sa kanya, hindi nya ako tiningnan at nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makalapit kami kanila coach.

Dire-diretso lang sa paglalakad si Den pero tinawag kami ni Sir Tony kaya napahinto kami at lumapit sa kanila.

Sir Tony: Alyssa, this is Laura. Our new courtside reporter.

Pagpapakilala ni Sir Tony dun sa babae na kasama nya.

Iniabot naman ni Laura yung right hand nya sa akin para makipag shakehands.

Laura: Hi! I'm Laura Lehmann. Nice to meet you. (Nakangiti nyang sabi sa akin.)

Iniabot ko rin yung kanang kamay ko at ngumiti sa kanya tapos ay nakipagkamay ako.

Aly: Alyssa Valdez. Pleasure to meet you. (Pagpapakilala ko sa kanya.)

Naramdaman ko naman na humigpit yung hawak ni Den sa kamay ko, Itinaas naman ni Den yung kamay nya na walang hawak para makipag shakehands kay Laura.

Den: Hi! I'm Dennise Lazaro.

Dahil sa ginawa ni Den ay napabitaw kami ni Laura. Tumingin sya kay Den at nakipag shakehands din dito.

Den: Uhm... Sir Tony, mauna na po kami.

Sir Tony: Sige.

Pagkasabi nun ni Sir Tony ay agad akong hinila ni Den. Nung makalayo na kami sa kanila ay nagsalita ako.

Aly: Totoo pala yung sabi ni Marge. Maganda pala talaga yung bagong courtside reporter.

Napahinto ako sa paglalakad dahil huminto din si Dennise at magkahawak parin yung kamay namin. Napatingin ako sa kanya, nakatingin din sya sa akin.

Den: Sabi mo dati, ako lang yung maganda sa paningin mo. (Tampo nyang sabi.)

Aly: Wala naman sigurong masama kung magandahan ako sa kanya diba? Maganda naman kasi talaga sya.

Sinamaan nya ako ng tingin pero sandali lang iyon tapos ay muli syang naglakad at hinila nanaman ako.

Den: Kumain na nga tayo. Gutom lang yan.

Pagdating namin sa canteen ay nilibre nya ako ng kung anung gusto ko. Magkatabi kami habang kumakain. Halos kakaumpisa palang namin sa pagkain nung dumating yung mga team mates namin, agad silang lumapit sa amin.

Ella: Kayo ah, nagde date pala kayo dito sa canteen. (Pang aasar nya sa amin.)

Den: Oo besh, date to. Kaya pwede wag kayong magulo.

Ana: Nuks naman ate Ly! Kaya pala wala ng strike.

Nagsitawanan naman yung mga kasama namin dahil sa sinabi ni Ana.

Aly: At anung nakakatawa?

Mich: Wala naman. Natutuwa lang kami dahil graduate kana sa pagiging palpak na manliligaw.

Aly: Mga loko loko talaga kayo. Tigilan nyo na nga ako.

Tumigil na naman sila at bumili ng makakain. Nung tapos na silang bumili ay umupo na sila malapit sa amin ni Den. Si Marge at Jirah naman ay sumalo sa amin, nakaupo sila sa tapat namin.

Aly: Marge, totoo pala yung mga sinabi mo about kay Laura.

Marge: Na meet mo na?

Aly: Oo, pinakilala sya ni Sir Tony sa amin kanina.

Marge: Ang swerte mo naman, ako nga hindi ko pa sya nakakausap.

Jirah: Ano bang meron sa Laura na yun at nagkakaganyan ka sa kanya? Ha Marge?! (Biglang singit nya sa usapan namin.)

Napatingin kami kay Jirah dahil halatang naaasar sya.

Marge: Besh. Si Laura, sya yung tipo ng babae na unang kita mo palang. Parang gusto mo na agad suotan ng singsing.

Aly: Sabi nga ni Justin Tec, may mga babae na basta basta mo nalang papakasalan. Yung tipo'ng unang kita mo palang, gusto mo na agad dalhin sa simbahan at pakasalan. At isa na si Laura dun.

Naramdaman ko na may tumatapak sa left feet ko. Pasimple akong sumilip sa ilalim ng mesa at nakita kong tinatapakan ni Dennise yung paa ko. Hindi sya yung simpleng pag apak lang na hindi sinasadya, dahil dinidiinan nya pa lalo yung pagtapak sa paa ko.

~~~~~~

Continue Reading

You'll Also Like

16.4K 124 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
60.8K 1.8K 29
"Someday......I'll make you smile. I'll make sure that day will come." Date Started: 10/02/16 Date Ended: 2/13/18
19.3K 792 48
A DarLentina/JaneNella Fanfiction where Narda Custodio has been infatuated with co-actress Regina Vanguardia but end up hiding her feeling for her be...
240K 8K 29
Sa hindi inaasahan ba mahahanap ang sagot sa mga katanungan? Aasa? Maniniwala? Walang galawan? Maghihintay?