Not Your Asset (To Be Publish...

By xxialej

474K 16.7K 6.5K

With his notorious playboy reputation, Bluie knew Miguel Chavez was made to break hearts. She just didn't kno... More

Not Your Asset
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue
Special Chapter - Miguel
Special Chapter
Special Chapter

Chapter 3

16.1K 635 162
By xxialej

Bumalik kami ni Marckus sa room. Ilang beses ko na yata siyang tinanong kung okay lang ba talaga siya dahil nag-aalala talaga ako lalo pa't namumula ang kanang pisngi niya dahil doon tumama nang malakas ang bola.

"Okay nga lang ako." He laughed. "At saka huwag ka na ngang mainis diyan. Nag-sorry naman na iyong tao."

I scoffed and shook my head in disagreement. Eh labas nga sa ilong iyong paghingi niya ng tawad, eh! Ang sabi pa ni Rose, sinadya raw ni iyon ni Miguel. Gusto ko sanang paniwalaan kaso napapaisip din ako. Bakit naman niya iyon gagawin, 'di ba? Ano 'yon, trip trip lang? Nang titigan ko si Markcus kanina ay hindi naman mukhang basketball ring ang mukha niya.

Markcus also said na kilala lang niya si Miguel dahil sikat nga ito sa campus namin pero hindi sila close at never pa silang nagkausap. Wala rin naman daw siyang naaalalang atraso roon kay Miguel.

"Baka may gusto sa 'yo? Nagseselos kay Markcus?"

Muntik ko nang mabuga ang iniinom kong tubig sa sinabi ni Ate Neza. Pinandilatan ko siya ng mga mata at hinampas sa braso.

"Ano bang pinagsasabi mo riyan Ate? Malabong mangyari 'yon!" singhal ko at sinabayan pa nang maraming iling.

Hindi ko sigurado kung sino ba ang kinukumbinsi ko roon. Si Ate Neza ba o ang sarili ko? But that's impossible, right? Imposibleng magustuhan ako noong lalaking 'yon. Iyong ganoong klaseng tao ay hindi marunong magseryoso at kahit kailan ay hindi magiging seryoso lalo na sa pag-ibig.

Maybe na-cha-challenge siya sa 'kin? Na-cu-curious? At once na makuha na ang gusto at maumay ay iiwan na lang bigla nang walang pasabi o paalam.

Mas gusto ko na lamang paniwalaan ang sinabi ni Ate Neza na baka nga hindi talaga sinasadya ni Miguel iyong nangyari. Maybe it was just an accident but...nakita rin ni Rose na sinadya nga iyon.

Pinilig ko ang aking ulo at mariing ipinikit ang mga mata.

Kaasar naman! Bakit ko pa ba pino-problema 'yon?

"Baka may gusto sayo..." Tila isang sirang plaka na nag-ple-play sa utak ko ang sinabi ni Ate Neza.

I laughed bitterly and bit my lip. Ang assuming ko naman masiyado kung maniniwala ako roon! Sobrang labo talagang mangyari 'non. Hindi naman ako kagandahan at hindi rin ako sexy. Men only like me for having a big boobs and butt. Kayumanggi lang din ang kutis ko at sa tingin ko'y wala namang espesyal na katangian ang maaaring magustuhan sa akin.

Hindi na nga ako maganda, hirapan pa ako pagdating sa pakikipag-socialize. So yeah, impossible for him to like me.

Kinabukasan ay nagpaalam si Markcus na sasabay ulit siyang mag-lunch sa akin at hindi na rin n'ya ako binigyang pagkakataon na tumanggi pa. Kaya naman nang matapos ang pang umagang klase ay magkasabay kaming lumabas ng classroom ngunit laking gulat ko nang makita na naman si Miguel na nakasandal sa stainless na railings ng classroom namin at tila may hinihintay.

Nang magtama ang mga mata namin ay tumuwid siya ng tayo at naglakad papalapit sa akin. Beads of sweat started to form on my forehead and my knees were trembling as fuck. Pinilit kong tumayo nang tuwid sa kabila ng hindi maipaliwang kong nararamdaman. I unconsciously looked around. Karamihan sa mga kaklase ko ay nakatingin sa amin habang may nakakalokong ngisi sa labi. Ang iba naman ay walang pakialam na nilalampasan lamang kami habang ang ilan ay pasimpleng nagbubulungan.

"Bluie," bigkas niya sa aking pangalan kaya naman tiningala ko siya. Halos masilaw pa nga ako sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. "A-Ah, gusto ko lang ulit mag-sorry sa nangyari kahapon. A-Ano...hindi ko talaga 'yon sinasadya. You see, kung alam ko lang sana na matatamaan si Margus—"

"Markcus," pagtatama ko.

Umawang ang labi n'ya at kapagkuwan ay tumango. Binasa n'ya ang kaniyang pang-ibabang labi. "Oo nga. Markcus nga ang sinabi ko, ah?" depensa pa niya.

Umirap ako at ngumiwi.

Seryoso ba? Iyon lang talaga ang ipinunta niya rito?

"Huwag ka sa akin mag-sorry. Hindi naman ako ang natamaan mo ng bola," saad ko pa.

He pursed his lips then looked at Markcus. He nodded his head as a sign of acknowledgment. "Sorry pre. A-ano...ayos ka na ba? Hindi ba nabasag bungo mo o hindi ba naalog utak mo?"

"Hindi. Why are you asking?" Markcus laughed a bit.

"Ah, ganoon? Sayang naman—a-ang ibig kong sabihin...sorry talaga, pare."

"It's nothing but at least be careful next time," nakangiting sagot ni Marcus kay Miguel bago bumaling sa akin. "Let's go, Bluie?"

"Sige." Tumango ako kay Miguel bilang pamamaalam at nilampasan na namin siya. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagtiim ng bagang niya nang akbayan ako ni Markcus.

That was the last time I saw him dahil lumipas pa muli ang tatlong buwan ay hindi na muli nagtagpo pa ang landas namin ni Miguel kahit isang building lang ang pagitan naming dalawa.

Sa loob ng tatlong buwan ay mas naging malapit kami ni Markcus sa isa't isa. Medyo natuto na rin akong makihalubilo sa iba naming kaklase at nagkakaroon na rin ako nang mangilan-ngilang kaibigan kagaya ni Erika at Ria na madalas kong maka-grupo sa mga gawain.

Kinu-kwento sa amin ni Ria ang pagkagusto niya kay Miguel. Matagal na raw niya itong kilala dahil kaibigan ng kuya niya ang lalaki. Matagal na rin daw siyang may gusto rito at sa sobrang pagkagusto nga niya roon ay madalas niya itong sundan kung saan man ito magpunta at idagdag pa na palagi siyang updated sa buhay ni Miguel. Wala naman akong pakialam doon dahil abala ako sa sarili kong buhay. Hindi ako interesado sa love life ng iba.

Malapit na ang midterm exam kaya puspusan ako sa pagre-review. Palagi kaming magkasama ni Markcus. Tinutulungan n'ya ako sa tuwing nahihirapan ako sa acads lalo na sa isa sa mga major subject namin na Accounting.

Kapag may free time naman o pagkatapos ng klase ay palagi kaming dumi-diretso sa library para roon mag-aral. Minsan ay kasama pa namin ang iba naming ka-blockmates.

College life is not as easy as you think. Kailangan mong mag-exert ng bonggang bongga na effort para pumasa. Hindi sapat na matalino ka lang, dapat matiyaga ka rin at magaling pagdating sa time management.

"Kayo na ba ni Markcus?" malisyosong tanong ni Rose habang kumakain kami nang hapunan.

Nagulat ako sa tanong niya ngunit agad din akong nakabawi.

"Hindi," simpleng sagot ko.

"Aysus! Pa-showbiz ka pa! Eh may nakakita sa inyo noong last week sa mall na kumain kayo sa labas at nag-shopping pa tapos kahapon naman nakita ulit kayong dalawa na magkasama sa park at may dala kang bouquet," mahabang litanya niya sa akin at kinunotan ko siya ng noo.

"Hindi nga kami ni Markcus. Masiyado lang talagang malisyoso ang mga tao," irita kong sagot at inirapan siya.

Hindi porke't magkasama ang babae at lalaki sa labas ay may something romantic nang namamagitan sa kanila. Man can be friends with woman and vice versa pero ewan ko ba kung bakit sa paningin ng ibang tao ay palagi na lamang may malisya.

Kaibigan lamang naman ang tingin ko kay Markcus at hindi kailanman sumagi sa isipan ko ang patulan siya nang higit pa sa pakikipagkaibigan. If I have a guy friend, it will be remained as friend.

"Weh? Sigurado ka?" Naningkit ang kaniyang mata, may pagdududa pa rin sa akin.

"Oo nga! Sino bang nakakita sa amin? Napakadumi naman ng utak no'n!"

Sumimsim ako sa juice.

"Si Miguel," aniya.

Nabuga ko ang iniinom ko sa kaniyang mukha dahil sa sobrang pagkagulat. Nalukot ang mukha ko dahil pakiramdam ko'y mayroon pang pumasok sa ilong ko!

"Tangina ang bastos! Eww!" nandidiri niyang ungot ngunit hindi ko iyon pinansin.

Pinunasan ko ang aking labi bago muling nagsalita. "S-si Miguel ang nakakita sa amin?"

"Oo nga 'teh. Paulit-ulit, boomerang ka? Hindi lang isang beses kung 'di maraming beses na." Napakurap siya at biglang ngumisi nang nakakaloko nang tila may napagtanto. "Eh ano naman pala sa 'yo kung si Miguel ang nakakita sa inyo? Ba't affected ka?"

"Hindi no!" I answered defensively and looked away.

She wiggled her brows, nang-aasar na naman. "Yes, you are."

Hindi ko na siya pinansin at mabilis na tinapos na lamang ang pagkain. Buong gabi niya akong inasar na may gusto raw ako kay Miguel. Gusto ko na nga siyang sampalin at ipamukha sa kaniyang wala talaga pero imbis na patulan ang mga pang-aalaska niya sa akin ay tinulugan ko na lang siya.

Tatlong beses ko pa lang naman nakakausap si Miguel kaya paanong magugustuhan ko siya agad?

I wrinkled my nose.

Si Rose talaga napaka-malisyosa!

Midterm exam passed by so easily. Naitawid ko naman iyon nang matiwasay. Iyon nga lang may isang subject akong pasang-awa ang score. Accounting. It was just fine, though. Hindi naman ako nag-iisa dahil halos lahat kami ay halos bumagsak sa subject na iyon.

Nag-aya si Markcus na gumimik bago ako bumalik ng Quezon. Pinagbigyan ko siya. Noong una akala ko ay kaming dalawa lamang pero nang pumunta ako sa kanilang bahay ay nandoon rin ang iba kong mga ka-blockmate.

"Alam ko kasing hindi ka pupunta kapag sinabi kong marami tayong nandito sa bahay..." He scratched his nape shyly.

Kumain at inuman ang naganap buong maghapon. Pagsapit ng gabi ay nagpasya silang mag swimming sa malaki at malawak na swimming pool nina Markcus samantalang ako naman ay nakaupo lang sa isang tabi at pinapanood sila.

Bumaling ang tingin ko sa aking tabi nang umupo doon si Markcus. His eyes were fixed on our classmates who's screaming and laughing out of their lungs.

"Hindi ka ba magswi-swimming?" he asked and I shook my head.

"Wala akong extrang damit eh."

"You can borrow my clothes if you want," he offered.

Umihip ang malamig na hangin kaya niyakap ko ang aking sarili. Markcus chuckled and pinched my left cheek. "Or kung ayaw mong mag swimming, jacket ko na lang ang hiramin mo."

"P-puwede? Ang lamig, eh."

He licked his lower lip and smiled. "Oo naman. Sige kunin ko lang." Tumayo siya at naglakad papasok sa loob ng bahay nila. Hindi ko inalis ang mga mata sa malapad niyang likod.

I know that Markcus has a special feeling for me. The way he treats me...ibang iba sa paraan ng pagtrato niya sa mga iba naming kaklase na babae. His eyes were twinkling every time we're together. He's very transparent kaya nga madali kong nahalata iyong kakaibang trato niya para sa akin.

"Here." Inabot niya sa akin ang isang red na hoodie pagbalik niya.

Tinanggap ko iyon at nagpasalamat. Matapos kong isuot ang hoodie ay nagpatuloy kami sa pag-uusap kung anong mga plano namin sa darating na semestral break.

"Baka pumunta kaming Korea at doon na mag-celebrate ng Christmas and New Year." Kibit balikat niya. "Ikaw ba?"

"Ah sa bahay lang kami." I laughed a bit. "Tutulong ako kay nanay sa negosyo namin. Sa bahay din kami magce-celebrate ng pasko at bagong taon."

Hindi naman kami kasing yaman nila 'no. Sapat na sa amin na magkakasama at kumpleto kami sa mga gano'ng klaseng okasyon.

He smiled. "Nice! Pagkauwi ko, pupunta ako sa inyo."

"Oh? Sige ba, akong bahala sa 'yo. Ito-tour kita."

"Yown! That's great!"

Sumilay ang matipid na ngiti sa aking labi kasunod noon ay ang pamumutawi ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nakatingin lamang ako sa mga kaklase kong nagkakatuwaan pa rin.

Markcus shifted his seat. Mas lalo pa niyang idinikit ang kaniyang sarili sa akin. Natutop ko ang aking bibig. Dahan-dahan niyang ipinatong ang isa niyang braso sa sandalan ng aking monoblock chair.

I looked at him. Napasinghap ako nang mahuli siyang nakatitig sa akin. He gave me a warm smile. I was about to say something when he spoke first.

"Bluie, I like you," mahina ngunit sapat na para marinig ko.

Namumungay ang kaniyang mga mata.

Alam ko na naman iyon ngunit hindi ko pa rin maiwasan ang magulat. I-I just don't know what to say.

Marahas ang naging paglunok ko bago iniwas ang tingin sa kaniya. Huminga ako nang malalim dahil parang hinihingal ako sa bilis ng tibok ng aking puso.

He chuckled but it seemed unreal. "You don't have to reciprocate the feeling I have for you Bluie but I hope you give me a..." he trailed off and swallowed hard. "...a chance."

I remained silent. Paano ba mambasted in a nice way? Noong binasted ko iyong mga lalaking gustong manligaw sa akin ay hindi naman ako nahirapan nang ganito.

Ang hirap kapag kaibigan mo ang nagkagusto sa 'yo pero hindi mo magawang suklian ang feelings niya.

I sighed. Mariin kong pinikit ang aking mga mata upang kumuha nang lakas. Bahala na. I know Markcus is a good man. Kung talaga mang gusto niya ako, maiintindihan niya ang desisyon ko. Why would I say yes kung alam ko naman talagang walang pag-asa, hindi ba? At saka, masyado pang mabilis ang lahat.

"Markcus, sorry..." I bowed my head and bit my lip.

That's it. That's enough. Ayaw ko nang dagdagan pa ng mga matatamis at positive words just to feel him better. Gusto kong malaman niya agad na wala talaga. Wala talagang chance at hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay.

Saglit siyang natahimik bago pagak na tumawa. The pain was evident in his voice and I can feel my heart crashing into pieces vigorously. "I-It's okay, Bluie. I respect your decision."

Hindi ako nagsalita. Na-gu-guilty ako but I know it was the right thing to do.

I tried to hold his hand but he shook it away. "Markcus..."

He painfully laughed. "Ayos lang talaga, Bluie. Sinubukan ko lang naman," he added.

Continue Reading

You'll Also Like

28.2K 1.1K 25
[epistolary] Two celebrities, doing their job just for the public, will eventually change into something that will make them feel what love truly is...
5.4M 222K 49
After getting hurt by the people around her, aspiring chef Dacia Holgado builds up her walls to protect her heart... until band bassist Eris Arriaga...
889K 33.4K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...
504K 19K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...