Evicted (TLS #2 - COMPLETED)

بواسطة chrisade_dee

23.5K 721 108

2nd Installation of The Lawyer Series - (COMPLETED) Attorney Rebekah Claire Alarcon was born competitive, she... المزيد

Disclaimer
Song Peek
Prologue
Article 2 - Section 1
Article 2 - Section 2
Article 2 - Section 3
Article 2 - Section 5
Article 2 - Section 6
Article 2 - Section 7
Article 2 - Section 8
Article 2 - Section 9
Article 2 - Section 10
Article 2 - Section 11
Article 2 - Section 12
Article 2 - Section 13
Article 2 - Section 14
Article 2 - Section 15
Article 2 - Section 16
Article 2 - Section 17
Article 2 - Section 18
Article 2 - Section 19
Article 2 - Section 20
Article 2 - Section 21
Article 2 - Section 22
Article 2 - Section 23
Article 2 - Section 24
Article 2 - Section 25
Article 2 - Section 26
Article 2 - Section 27
Article 2 - Section 28
Article 2 - Section 29
Article 2 - Section 30
Article 2 - Section 31
Article 2 - Section 32
Article 2 - Section 33
Article 2 - Section 34
Article 2 - Section 35
Article 2 - Section 36
Article 2 - Section 37
Article 2 - Section 38
Article 2 - Section 39
Article 2 - Section 40
Article 2 - Section 41
Article 2 - Section 42
Epilogue
Chrisade Dee Tells
Meet-and-Greet Book Signing Event

Article 2 - Section 4

473 18 3
بواسطة chrisade_dee

Masama ang tingin na iginawad ko sa kliyente ng makabalik na ito sa pagkakaupo sa tabi ko.

"I thought you told me everything? Ano yun?" Iritado kong tanong sakanya.

"Attorney, hindi ko naman alam na--" pinutol ko na ang sasabihin niya at pinatahimik na siya ng magsalita ang judge.

Masama na ang timpla ko habang nakikinig sa testimonya ng witnesses ng kabilang panig.

"We'll definitely lose this case." Tiim bagang kong ani sa kanya ng makalabas kami ng courtroom.

"Ha? Attorney akala ko po ba--"

"We had our chance kung sana lang sinabi mo sakin na biktima ka ng fraud insurance na yon, Ms. Samonte." Nagtitimpi kong explain sakanya. Pilit kong pinapaalala sa sarili na kliyente ang kaharap at hindi ako pupwede basta na lang maglash-out.

But damn it! This ruins my record! Ito ang kauna-unahang case na natalo ako and it's not even a murder case or something! Arson? Really? I know it's a heavy case too but, damn it! Just damn it!

"Pero hindi po ako ang sumunog ng kusina namin!" Pamimilit niya habang nananahimik ako at nag-iisip ng posibleng lusot roon pero wala!

May grounds ang last argument ni Atty. Hernandez. My client was scammed of a house insurance a week after the incident happened. Kahit ako ay hindi na naniniwala na hindi siya ang may gawa noon sa sariling bahay.

Akala siguro niya ay mapapakinabangan niya ang insurance kaya sinunog ang sariling kusina, but when she learned that it was a fraudulent one, ginamit ang tsismis na galit sakanya ang kapitbahay at masisi rito ang nangyari. She would be hitting two birds with one stone then, nakaganti na siya, nagkapera pa siya since the other party would be required to pay all the damages caused.

"Attorney!" Pagalit nitong tawag sakin habang nauuna akong maglakad pabalik sa courtroom.

This case is hopeless.

Mas nairita pa ko ng makasabay ko sa pagpasok si Atty. Hernandez na may mapaglarong ngiti sa mga labi.

"Hindi ko inexpect na we'll meet on court like this, Attorney." Mayabang nitong saad habang naglalakad kami papasok.

"Ako rin." Labas sa ilong kong saad.

"You know you're gonna lose this, right?" Tumigil ako sa paglalakad kaya mas nauna siya ng ilang hakbang sakin. Nang marealize na tumigil ako ay huminto rin siya at umikot para harapin ako.

We still had seven minutes before the recess ends kaya wala pang masyadong tao sa loob. Ang mga nasa loob naman na ay abala na sa kanya kanyang ginagawa kaya wala ng nakapansin pa samin.

"Ang yabang mo pala noh?" Nalaglag ang panga niya ng marinig ang sinabi ko.

"What?" Tanong niya ng tuluyang makabawi.

"You just don't know how to celebrate your victory in silence. Oo, malamang talo kami ngayon." Sagot ko sa kanya bago humakbang papalapit sakanya to intimidate him.

"But I swear, the next time we meet on court again, I'll make sure to win against you. Sisiguraduhin kong matatabas ko ang kayabangang umuusbong diyan sa ulo mo." Hindi ko alam kong nagtagumpay ako sa pag-iintimadate sa kanya, but if I did hindi halata. He didn't even move an inch.

Malambing kong tinapik ang pisngi niya gamit ang kamay ko at nginitian siya ng matamis. Nakita ko ang pagsunod ng mata niya sa mga palad ko.

I know how to handle men. They were more predictable than women. Kaya nga puro lalaki ang kaibigan ko at iilan lang ang mga babae.

I hated losing control over someone. Ang mga lalaki mabilis mapaikot, mabilis makuha, kaunting paawa at lambing samahan mo na ng kaunting landi kung malandi yung lalaki. Surebol na makukuha mo ang gusto mo.

Mas inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya. Nakaheels ako pero kinailangan ko paring tumingkayad upang maabot ko ang tenga niya.

"Mark my words, attorney. This is my first time losing, and this would be the last time."  Bulong ko sa tenga niya at bahagya pang kinagat bago lumayo sa kanya ng may ngiti sa labi.

I saw how his eyes darkened. Sinasabi ko na nga ba at marupok din ang isang 'to!

"Due to insufficient evidences, the defendant, Ms. Kayla Rollo is hereby acquitted by this constitution." I had to fight the urge to roll my eyes when I saw Kayla Rollo hugged Attorney Hernandez.

Ano yan? Masaya ka lang talaga o chansing?

Nagmamadali kong nilisan ang courtroom paglabas ng judge. Hindi ko na pinansin ang pagtawag ng kliyente ko sakin.

Bahala siya sa buhay niya. Kasalanan niya yan.

Bumalik ako sa opisina ko para sana makapagpahinga pero halos gusto ko ng sabunutan ang sarili ko ng makilala kung sino ang prenteng nakaupo sa swivel chair ko.

I need to change chairs na, naupuan ng higad baka mangati ako mamaya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya pagkapasok ko sa opisina ko.

"Are you enjoying this?" Tanong ni Fryje sakin.

"Enjoying what?" Painosente kong tanong.

"Take down that articles, Arci."

"What articles, Ate?" I mocked.

Iritado siyang tumayo mula sa pagkakaupo at lumapit sakin. Hinablot niya ang braso ko at mariing hinawakan.

I can feel the pain of her tightening hold but I won't gave her the satisfaction to see that, so I maintained my mocking expression.

"Take down those damn articles, Arci. Habang kinakausap pa kita ng maayos." Mariin niyang saad.

Mas humigpit ang pagkakahawak niya sakin ng makitang mas lumapad ang ngisi ko.

"Ganito ka makipag-usap ng maayos, Fryje?" Nang-uuyam kong saad sa kanya.

"Hindi ka lang pala failure as an artist, failure as a person din. Imagine? Hindi mo alam kung paano makiusap ng maayos?" Nalasahan ko dugo sa labi ko ng mabilis na bumaling ang pisngi ko sa kaliwa dahil sa malakas niyang pagsampal.

"Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan, Arci. Baka nakakalimutan mo? Sampid ka lang. Bastarda ka lang ni Daddy. Don't act too high and mighty, baka bigla kang bumulusok. Masakit yun." She said, looking so satisfied after slapping me.

Pinunasan ko ang dugo sa labi bago muling ngumisi.

"Bastarda nga. Atleast, ako mahal. Ikaw ba? Naturingang legitimate child pero hindi manlang matulungan ni Dad na linisin ang pangalan? Sinong hipokrita satin?" Matapang kong saad habang humahakbang papalapit sa kanya. She was taking a step backward everytime I took a step closer. Tumigil lang ako ng masandal na siya sa table ko.

"Don't try too much, Ate. Baka sa susunod hindi lang paintings ko ang nakawin mo? Inggit na inggit ka pa naman sakin."

"Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw niya bago ko naramdaman ang hapdi sa anit ko dulot ng mga sabunot niya.

At siyempre! Hindi ako papayag na dehado ako! I grabbed her hair too. Malas niya lang mas maiksi ang buhok ko kumpara sa buhok niyang feeling rejoice model.

"Ouch! Let go of me, you bitch!" Reklamo niya.

"Ano ako tanga?! Let go of me first!" At mas hinigpitan ko pa ang kapit sa buhok niya.

"Ma'am Fryje! Attorney!" Rinig kong awat ni Venus samin but neither of us stopped pulling each other's hair.

"What the hell!" Someone exclaimed before I felt myself free of Fryje's hold.

"Damn it! Your lips are bleeding!" Galit na galit ang mukha ni EJ ng balingan niya si Fryje na hawak na ng mga guards ngayon.

"Did you have to always end with violence?!" Sigaw niya kay Fryje na nagmukha ng bruha sa sobrang gulo ng buhok nito.

"Get her out of here! Siguraduhin niyong hindi na yan makakapasok dito!" Instruction niya sa mga guards na agad na sumunod sa mga utos niya.

"Let me go! Hindi pa tayo tapos!" Nagawa pa akong iduro ni Fryje bago siya tuluyang kinaladkad ng mga guards palayo.

"Go back to work!" Utos ni EJ sa mga tauhang nanunuod yata sa mala teleserye naming sabunutan ng kapatid ko.

"San ka pupunta?" Tanong ni EJ ng makitang kinuha ko ang bag ko.

"I need to breathe. Bad trip na nga ko, dumagdag pa ang Fryje na yun." Reklamo ko habang sinusubukang ayusin ang sarili.

"Ayos ka lang?" He asked, he sounded so worried. Wala na talagang may pakialam sakin maliban sa mga kaibigan kong 'to. Nginitian ko siya at bahagyang tinapik sa braso.

"Alis muna ko." Paalam ko at naglakad na palabas.

"Oh! Wait! Paki palitan pala ng chair ko, inupuan yan ng higad. Baka mangati ako." I said before I walked out of the office gracefully.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

60.5K 1.2K 45
Lust is an inordinate craving for the pleasures of the body. | Seven Deadly Sins Present --------------- This story is not thoroughly edited so expec...
152K 3.3K 45
Wrath is an intense emotional state involving a strong uncomfortable and hostile response to a perceived provocation, hurt or threat. | Seven Deadly...
32.2M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
97.9K 3.1K 64
The Lionheart Brothers #2 Heaven Claudius Lionheart is the eighth son of the Lionheart household and is known as the "Doctor" of the family. Seraphin...