The Other Side (JelRi Fanfict...

By MataNgJelRi

53.4K 3.3K 1K

"What if, one day when you wake up you have a child with your long time crush?" Christian Dale as an Inter-di... More

INTRODUCTION
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33 (Filler)
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Epilogue
Author's Note

Chapter 23

845 63 21
By MataNgJelRi

KAORI POV

Nang matapos kumain ay nawala sa paningin ko si Jelay. Hindi ko naman siya mahanap dahil inantok si Dale at nakatulog dito sa cottage kaya binabantayan ko.

"Hi!" nakangiting bati ni Donny sa akin kaya nginitian ko lang rin siya.
Naupo naman siya sa tabi ko saka humarap.

"Swimming naman tayo.." aya niya sa akin..

"Binabantayan ko si Dale e. Baka biglang magising at maghanap." sagot ko dito

"Ang cute ni Dale nuh? Sobrang lambing. Hehe" masayang ani nito

"Oo naman. Anak ko kaya yan." pagmamalaki ko dito

"Hahaha kung makapagsalita ka parang ikaw ang nag-ere sa kanya!" natatawang ani nito.

Kung alam mo lang..

Tumawa na lang rin ako sa sinabi nya. Nakaka hiya naman na tawang tawa siya tapos istatwa lang ako dito.

Sabay naman kami napalingon sa bagong dating.

Kulang ata ang mga Anghel sa langit. Andito sa lupa ang isa..

"Oh, andyan na pala si Jelay e. May magbabantay na kay Dale.. Jelay, bantayan mo muna si Dale ha? Magswimming lang kami ni Kaori"

Hindi agad ako naka-react sa nangyari. Namalayan ko na hinahatak na ako ni Donny papunta sa dagat.

"Hindi araw araw tayong nagpupunta ng beach. Hindi ka dapat nagmumukmok. Hayaan mong mag-enjoy ka.. Tara!" aya sa akin ni Donny..

Sumabay na lang ako sa kanya.. Lumangoy siya, lumangoy na rin ako. Kapag tumawa siya, tatawa na lang rin ako. Kung anong gawin nya ay ginagaya ko na lang rin.

"Are you okay?" tanong nya sa akin na hinawakan ang braso ko.

Hindi naman ako nakasagot sa kanya..

"You really love her ha?" saad nito na tinitigan ko lang.

"Narinig mo naman sinabi nya kanina diba? Kao, andito naman ako e." nakita ko sa mata nya ang pagmamakaawa..

Nakukunsensya ako pero wala talaga akong maramdaman kay Donny..

Naramdaman ko namang niyakap niya ako.

Pati ang yakap niya walang wala sa yakap ni Jelay.
Yung yakap ni Jelay nakakapagpagaan ng nararamdaman ako. Nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Bakit hindi ako ang piliin mo Kao? Bakit dun ka sa hindi sigurado sayo? Andito ako, sigurado ako sayo." pagsusumamo niya.

Hinagod ko ang likod nya para pagaanin ang pakiramdam nya.

"Donny, naiintindihan ko si Jelay kung di siya sigurado sakin kasi yun din nararamdaman ko sayo. Alam kong masasaktan kita kapag sinagot kita dahil hindi ko matutumbasan ang pagmamahal mo. Nasaktan lang ako sa narinig ko kay Jelay kanina pero sigurado naman ako na sa isang ngiti, isang lambing, isang haplos at isang yakap lang ni Jelay ay ayos na ako. Kasi ganon ako kasigurado sa kanya." i heard him chuckled.

"You really love her?" ulit nya sa tanong nya kanina.

"I do. The moment i saw her, i know there's something about her. I really really do love her." buong pusong pagtatapat ko kay Donny.

"It's funny you said that while you're in my arms.. Kaori, ang sakit pero kakayanin ko ito kung makikita kitang masaya sa kanya pero nadodoble ang sakit ngayon dahil alam kong nasasaktan ka nya. Nasasaktan ka nya pero wala akong magawa para pagaanin ang loob mo." bumitiw ako sa yakap ni Donny at tinitigan siya..

"I love her and i'm willing to be hurt. I'm willing to absord the pain. Kung masaktan man ako sa kanya at least, nilaban ko ang nararamdaman ko. In love, there's no such thing as lose. It's either you win or you learn. I'm sorry Donny. I just want to be honest with you. Ayukong umasa ka pa sa akin." tumawa naman sya ng mahina.

"Sa ilang beses mo kong binasted at pinahinto, ito na ata pinaka memorable. In the middle of the sea, with sunrise fierce to our skins. A perfect ambiance to break someone's heart hahaha" pabirong ani nya..

"I'm sorry.. I really do." paghingi ko ng tawad.

"Never apologise just because you love someone." nakangiting ani niya..

"Tara dun!" aya nya saakin at naupo kami sa may dalampasigan.

Walang nagsasalita sa amin. Hindi ko alam ano iniisip niya pero ako, iniisip ko kami ni Jelay.

Susuko na ba ako agad agad dahil lang sa sinabi nya?

JELAY POV

Pagkatapos ko magdrama ay binilin ko si Dale kay Karina. Bumalik ako sa kwarto para matulog. Kailangan ko rin mag pahinga dahil mag ddrive pa ako pauwi tsaka pakiramdam ko naubos lahat ng lakas ko.

Nagising ako ng may nagyugyog sa akin.

"Hoy! Diyan ka na lang? Yung bebe mo dun binabakuran na ng iba. Ikaw patulog tulog lang.." walang prenong saad ni Karina ng idilat ko ang mata ko.

Masakit pa nga ang puso ko e. Ayuko bumangon.

"Bahala ka diyan! Imbis na binabantayan mo si Kaori dun nagmumukmok ka dito. Baka di na sayo yun sumama pag-uwi" talak pa rin ni Karina

"Kare, wala ako sa mood" sagot ko dito at tinalikuran siya.

"Sayang ganda ng lugar Jelay.. Kapag di ka pa tumayo dyan sasabihin ko kay Kaori na tawag mo siya para siya ang pumunta sayo dito." kahit kailan talaga ang galing mang block mail nito e.

"Bweset ka! Ito na tatayo na.." napipilitan akong tumayo sa kama at ngiting ngiti naman si Karina.

"Anong ginagawa ni Kaori?" tanong ko dito

"Ayon inaalagaan si Dale na makulit habang nabuntot sa kanya si Donny. Nakarami na ng puntos si Donny, ikaw nakadami lang ng tulog" sagot sakin ni Karina napaka daldal talaga.

Nauna na akong lumabas ng kwarto at sumunod naman si Kare.

"Jelay babe!! Kanina pa kita hinahanap" salubong naman sakin ni Kyzha pero di ko pinansin.

Di ko ugaling maging rude pero wala talaga ako sa mood ngayon.
Nakita kong nagawa ng sand castle si Dale na tinutulongan naman ni Kaori. Andun din si Donny.

So, totoo palang nabuntot sya kay Kaori? Akala ko inaasar lang ako ni Kare.

Palapit pa lang ako sa kanila ng malingonan ako ni Donny..
Nakakagulat pero tumayo sya at umalis.

"Ano ginagawa nyo baby?" tanong ko kay Dale kahit alam ko naman kung ano.

"We're making a castle Mommy" magiliw na sagot nito pero busy lang sa paglalaro.

Sinulyapan ko naman si Kaori. Nahuli ko siyang nakatingin sakin pero umiwas din agad.
Nakaluhod sya sa may buhanginan.

Pasimple naman akong lumuhod din sa tabi nya..

"Pwedeng pahiram?" tukoy ko sa mukang pala na maliit na hawak ni Kaori.

Wala naman talaga akong balak sa pala na ito gusto ko lang magpapansin kay Kaori.

Walang salita na binitawan nya ang pala kaya kinuha ko naman ito.
Inabala ko kunwari ang sarili ko sa paglalaro ng buhangin..

"Nagmeryenda na kayo, Love?" tanong ko sa kanya ng hindi pa rin sya nakibo.

"Hindi pa." tipid na sagot nito

"Gusto mo ba mag-order ako ng banana sundae? Masarap daw banana sundae nila dito." nakangiting ani ko dito

"Busog pa ako" tipid pa rin na sagot nya.

"Si Dale baka gusto ni Dale.. Baby, gusto mo bang mag meryenda?" tanong ko dito.

"Yes mommy! I want ice cream." masayang sagot nito.

"Tara na.." aya ko kay Kaori

"Kayo na lang.." sagot nito

Bumuntong hininga naman ako. Last card ko na ito.

"Dale, ayaw sumama ni Mommy mo sa atin." sumbong ko kay Dale.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Kaori

"Mommy, come join us na.. Let's eat an ice cream" ngiting ngiti naman ako ng kinulit na sya ni Dale. Hindi nya matitiis ang anak namin syempre.

Wala siyang nagawa kundi magpatianod sa paghila sa kanya ni Dale.

Pumwesto naman ako sa tabi nya at sinabayan siya ng maglakad.

"Hoy Lovebirds! Snorkeling daw!" aya samin ni Missy

"You know Missy, i can't. Walang mag babantay kay Dale." sagot ni Kaori

"I can't too.. Hindi ko mababantay si Kaori." sagot ko kay Missy

"Bakit mo naman babantayan si Kaori?" nagtatakang tanong ni Missy

"Baka kung kani-kanino naman makipag yakapan e. Sige na, alis na kayo. Enjoy guys." ani ko

"Jelay, sama ka na" aya sakin ni Kyzha na hinihila pa ako

"Dito lang ako. Kayo na lang" sagot ko

"Nagiging boring ka na tulad ng isa dyan" pasaring nito kay Kaori

"I don't care what you think of me.. Yung sinasabi mong boring dun ako komportable at masaya." sagot ko sa kanya na sumulyap kay Kaori na hindi naman nakatingin sa akin.

"Tara na Kyzha! Lulunurin pa kita." aya naman ni Missy dito kaya nagsi-alisan na sila.

"Sumama ka na dapat. Hindi mo naman ako kailangan bantayan baka mabored ka lang" narinig kong saad ni Kaori pagka-alis nila

"We're gonna eat ice cream right? I think that's not boring hehe" hindi ko naman siya narinig sumagot

"Mommy, is Tita Missy serious?" nakatingalang tanong ni Dale kay Kaori.

Well, i hope Missy is just joking. Sayang buhay nya sa isang impaktang yun.

"No baby. They are friends. She will not do that." sagot ni Kaori

"I don't like Tita Kyzha. She's annoying and always cling to Mommy Je."

"I don't like your Tito Donny, he's annoying and always cling to your Mommy Kao" bulong ko habang ginagaya ang sinabi ni Dale and making sure that Kaori will hear it, clear.

"Don't hate Baby.. She's just sweet." nakangiting sagot ni Kaori dito

Nakarating na kami sa Cottage naupo naman si Kaori at kinalong si Dale.

"Don't let her come near to Mommy Je" naka-nguso pang saad ni Dale kay Kaori..

"Order lang ako ng ice cream natin" paalam ko sa kanila pero di naman nila ako pinansin.

KAORI POV

Andito kami ni Dale sa may buhanginan. Nagawa siya ng Sand Castle tinutulongan ko.

Naramdaman ko na umalis si Donny sa may likod ko pero di ko na pinansin.
Wala akong gana. Kanina pa nawawala si Jelay sa paningin ko.
Sabi ni Karina natulog daw ito pero hindi ko naman mapuntahan dahil nakakahiya. Sabihin niya, buntot ako ng buntot sa kanya.

"Ano ginagawa nyo baby?" nanindig ang balahibo ko ng marinig ko ang boses ng mahal ko.

"We're making a castle Mommy" narinig kong sagot ni Dale

Mukang bagong gising nga si Jelay pero ang ganda pa rin.

Nagulat ako ng tumingin siya sakin kaya agad kong binalik ang tingin ko sa mga buhangin.

Naramdaman ko naman ang pagtabi niya sa akin pero hindi ko siya kinikibo. Wala naman akong sasabihin e.

"Pwedeng pahiram?" tukoy ni Jelay sa shovel na hawak ko. Binitawan ko naman yun para makuha nya.

Parang wala sa sarili niyang pinapantay ang ginagawa ni Dale, pinapanuod ko lang silang dalawa.

"Nagmeryenda na kayo, Love?" nagulat ako sa biglang pagtatanong nya.

"Hindi pa." sagot ko

"Gusto mo ba mag-order ako ng banana sundae? Masarap daw banana sundae nila dito." nakangiti ani nya. Akala niya ata madadaan nya ako sa charm niya.

Hindi ko pa nakakalimutan sinasabi niya kaya. Kanina lang yun!

"Busog pa ako" sagot ko

"Si Dale baka gusto ni Dale.. Baby, gusto mo bang mag meryenda?" tanong nya sa bata

"Yes mommy! I want ice cream." naku, basta pagkain hindi tatanggi si Dale. Mana sayo yan e.

"Tara na.." aya nya sakin

"Kayo na lang.." kailangan ko muna ayusin ang sarili ko. Kailangan ko maintindihan ano na gusto kong gawin.

Hanggang ngayon di ako sigurado kung ilalaban ko pa itong nararamdaman ko o susuko na ako.

"Dale, ayaw sumama ni Mommy mo sa atin." sumbong nito sa bata kaya tinitigan ko siya ng masama.

Di nya naman kailangang gawin yun! Dahil sasama naman ako kung gusto ko. Kung kaya ko ng makasama siya.

"Mommy, come join us na.. Let's eat an ice cream" dahil makulit si Dale ay wala na akong nagawa kundi tumayo at sumama sa kanila.

Akala ko ay pupwesto si Jelay sa tabi ni Dale pero sa tabi ko siya pumwesto at sinabayan ako sa paglakad..

Ayuko maging marupok pero kinikilig na naman ako sa mga simpleng gesture ni Jelay.

Natanaw ko naman papunta samin ang grupo.

"Hoy Lovebirds! Snorkeling daw!" saad ni Missy.

"You know Missy, i can't. Walang mag babantay kay Dale." wala akong gana tsaka walang kasama si Dale kapag sumama ako.

"I can't too.. Hindi ko mababantay si Kaori." nagulat naman ako sa naging sagot ni Jelay.

"Bakit mo naman babantayan si Kaori?" yan din ang tanong ko Missy.

"Baka kung kani-kanino na naman makipag yakapan e. Sige na, alis na kayo. Enjoy guys." nakita nya kami kanina ni Donny?

Hindi man lang siya nagselos? Wala lang talaga ako sa kanya.

"Jelay, sama ka na" aya ni Kyzha na humawak pa sa pulsohan ni Jelay.

Iniwas ko naman tingin ko dun. Di ako komportable kapag may ibang nahawak kay Jelay.

"Dito lang ako. Kayo na lang" sagot nya

"Nagiging boring ka na tulad ng isa dyan" alam ko naman na ako tinutukoy ni Kyzha.

Bakit kasi di na lang sumama sa kanila si Jelay, Outgoing kaya sya. Kaya nga maraming giliw na giliw sa kanya kasi masarap syang kasama at game sa lahat.

"I don't care what you think of me.. Yung sinasabi mong boring dun ako komportable at masaya." sinabi nya bang masaya siya sakin? O baka naman si Dale tinutukoy nya. Yeah, right. Baka nga si Dale.

"Tara na Kyzha! Lulunurin pa kita." biro ni Missy dito. My over protective friend.

Nagsi-alisan naman na sila at naiwan kaming tatlo pagbalik sa cottage.

"Sumama ka na dapat. Hindi mo naman ako kailangan bantayan baka mabored ka lang" ani ko kay Jelay kasi naman may punto si Kyzha. Boring nga naman akong kasama.

"We're gonna eat ice cream right? I think that's not boring hehe" sabagay, tsaka hindi ko dapat iniisip na nag-paiwan sya dahil sakin. Malamang nagpa-iwan siya para kay Dale. Nagsabi sya ditong mag-ice cream kaya madidisappoint ang bata kung iiwan nya.

"Mommy, is Tita Missy serious?" tanong sakin ni Dale.

"No baby. They are friends. She will not do that." plastik ng sagot ko. Hindi naman magkaibigan ang dalawa.

"I don't like Tita Kyzha. She's annoying and always cling to Mommy Je." likewise baby..

"I don't like your Tito Donny, he's annoying and always cling to your Mommy Kao" narinig kong bulong ni Jelay mimicking Dale's voice. Cute.

"Don't hate Baby.. She's just sweet." kahit naman ayaw ko kay Kyzha ayukong maging masama ugali ng anak ko.

Pagkarating ng cottage ay naupo ako at kinalong si Dale.

"Don't let her come near to Mommy Je" nakangusong ani ni Dale.

Kung pwede ko lang itali sa bewang ko si Mommy mo ginawa ko na para walang ibang makalapit, kaso baby hindi ako ang gusto ni Mommy mo.

Yan sana gusto kong isagot kay Dale kaso masyado pa siyang bata kahit matalino siya may mga bagay na hindi nya maiintindihan dahil hindi naman iyon natutunan sa pagtuturo lamang. Kailangan mong pagdaanan at sobrang bata pa nya para dun.

"Okay baby" pag-sang ayon ko na lang dito.

Maya maya lang ay bumalik si Jelay na may dalang isang gallon ng ice cream, mga baso at kutsara.

Nilapag nya sa harap ko ang mga iyon at naupo sa tabi ko.
Nagmamadali naman si Dale na binuksan ang ice cream.

"Mommy! Mommy!" turo nya sa ice cream kaya kinuha ko ang isang baso at sinalinan sya dun..

Masaya nya naman kinain yun habang ako ilang na ilang dahil napatong ang isang siko ni Jelay sa lamesa at nakahiga sya sa kamay nya habang nakatingin sakin.

"Love, i want ice cream too." malambing na ani niya.
Yan na naman siya sa mga lambing niya at ito na naman ang puso ko na sabik na sabik..

Gets ko naman kung anong gusto ni Jelay kaya pinagsalin ko siya ng ice cream sa baso tsaka inabot ito sa kanya..

"Yey! Salamat!" ani nito na mabilis akong hinalikan sa pisngi.

Binalewala ko na lang iyon dahil ayukong umasa baka kaya lang sya ganon dahil andito si Dale.

"Halik ka ng halik dyan kapag ikaw hinalikan ko diyan hmm..." pagpaparinig ko sa kanya at kumain na lang rin ng ice cream.

"Sus. Di mo naman kaya yun" sagot nya na pangisi ngisi

"Akala mo lang yun.." tapang tapangan na sagot ko pero ang totoo hindi ko naman talaga kaya dahil ayukong magalit siya

"Di mo kaya hahaha" tumatawang ani nya

"Wag mo kong subukan baka di mo kayanin kapag ako humalik sayo" sagot ko sa kanya na di siya tinitignan..

Natahimik naman siya kaya nilingon ko siya..

"Joke lang.. Di ko yun gagawin." bawi ko sa sinasabi ko kanina parang nailang kasi siya.

Di pa rin siya nagsasalita kaya nailang na rin ako..

"Jelay, joke nga lang. Di mabiro" kulit ko sa kanya.

"Kain ka na lang ice cream" sabi ko sa kanya na sinusubuan sya ng ice cream.

Kinain nya naman yun at dun ko lang narealize na kutsara ko nga pala yun. Kung gagamitin ko ulit yun, indirect kiss na yun!

"Oh? Bakit di ka na kumain.. Kain ka pa" sinubuan din ako ni Jelay ng ice cream gamit ang kutsara nya, naiilang ko naman sinubo yun.

Ang sarap ng ice cream hehehe

"Mommy, i want more" singit ni Dale. Tumatahik sya kapag may kinakain e..

"Tama na yan Dale, baka sumakit ngipin mo" istriktong saad naman ni Jelay dito

Ngumuso naman na tumingala sakin si Dale. Naghahanap ng kakampi.

"Your Mommy is right.. Enough na yun" suway ko rin sa kanya.

"Swimming na lang tayo." nakangiting saad ni Jelay kay Dale..

"Okay Mommy!!" hyper na naman na sagot ni Dale parang ako ang napapagod sa kanya.

Natulala naman ako ng maghubad si Jelay sa harap ko..
Nakita ko na syang naka two piece kanina pero natutulala na naman ako.
Ang ganda ng katawan nito. Ang sarap haplosin ang bawat parte ng katawan nya..

"Mommy! Let's go!" pukaw ni Dale sa atensyon ko..

Nakapanligo pa rin naman ako kaya tumayo na lang ako..
Sa mababaw na bahagi lang kami ng dagat..

Tinuturuan lumangoy ni Jelay si Dale..

"Mommy, i'm drowning." ani ni Dale. Natatawa naman ako sa itsura ni Dale. Tiwala naman ako kay Jelay kasi

"Wag kang matakot, hindi kita pababayaan." sabi ni Jelay kay Dale.

"But Mommy, it's not easy.." reklamo ni Dale

"It's not easy but if you keep on trying you gonna make it and it will make you happy. Just don't be afraid, i'm here" pagpapalakas ng loob ni Jelay sa bata pero parang iba nasa isip ko.

"Time first Mommy. I'm gonna drink water." sabi ni Dale na halatang nagpapalusot lang

"Bumalik ka ha" sagot ni Jelay

"Yes Mommy" umalis na si Dale at sinundan naman ng tingin ni Jelay na tumatakbong nagpunta sa cottage.

Naupo dun si Dale at di naman uminom ng tubig. Natatawa na lang ako.

"Alam mo mana talaga sayo si Dale." sabi ko kay Jelay. Kunot noo naman siyang tumingin sa akin na parang nagtatanong bakit..

"You're both making excuses.. Ang bilis nyong sumuko, mahirapan lang kayo.. Masaktan lang kayo, suko na." tinitigan lang ako ni Jelay kaya mas lalo akong lumapit sa kanya..

"Jelay, why not give it a try again. I'm here, hindi kita pababayaan malunod. It might not easy but it's gonna be worth it. Kung masaktan man tayo atleast sinubukan natin diba?" hinaplos ko ang muka niya..

"I love you Jelay.. Ramdam kong may nararamdaman ka rin sakin." lakas loob na saad ko habang nakatitig sa mga mata niya.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi..

"I want to kiss you" paalam ko sa kanya hindi naman siya pumalag kaya unti-unti kong tinawid ang pagitan ng mga labi namin.

*dub *dub *dub *dub

Continue Reading

You'll Also Like

5K 386 17
Life always offers you a second chance. Elaine EbaƱez was unfairly killed because of a certain Grim Reaper's selfishness. Elaine, who is now named Ki...
34.5K 1K 8
Isang misteryosang babae ang aking nakilala matapos kong mag-leave ng isang linggo mula sa trabaho. Sa unang tingin, inakala kong ito ay si.. ngunit...
22.1K 621 18
WARNING!! This is a girlxgirl story,so kung di po kayo nagbabasa ng mga gantong klaseng babasahin..mawalang galang na po..pwede na kayong lumayas(jok...
32.7K 644 39
Nagmahal... Nasaktan.... Bumalik..... Nag higanti.... at ang babaeng iyan ay si KEINA NORRAINE DELA FUENTE...