Not Your Asset (To Be Publish...

By xxialej

474K 16.7K 6.5K

With his notorious playboy reputation, Bluie knew Miguel Chavez was made to break hearts. She just didn't kno... More

Not Your Asset
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue
Special Chapter - Miguel
Special Chapter
Special Chapter

Chapter 2

19.2K 730 321
By xxialej

Nangako ako kay Nanay at Tatay na uunahin ko ang pag-aaral kaysa sa pagbo-boyfriend. Sa loob ng isang buwan ko rito sa LSPU ay marami na ang sumubok manligaw at magtapat ng damdamin para sa akin. Karamihan ay nagmumula pa sa iba't ibang departamento.

To be honest, it makes me uncomfortable. Being in a relationship is the least thing I would do.

Hindi naman ako iyong tipo ng babae na atat magkaroon ng love life. Ang salitang "pakikipagrelasyon" sa akin ay napakahalaga at hindi lamang biro. Kung papasok man ako sa isang relasyon ay gusto ko ay iyong pangmatagalan. Ayaw ko sa mga taong ginagawang laro at pampalipas oras ang pakikipagrelasyon. Kapag mahal ko, mahal ko talaga.

Kaya nga nang malaman kong babaero iyong gwapong Criminology student ay agad akong na-turn off. Oo, given na iyong gwapo siya pero hindi iyon sapat na basehan para magustuhan siya.

Iyon kasi ang mahirap sa ilang mga kababaihan, eh. Basta gwapo kahit malandi at siraulo ay ayos lang. Kapag pangit, kahit seryoso, may pangarap sa buhay at may magandang pag-uugali ay ayaw. Ganoon din naman sa ibang lalaki na basta maganda, kahit masama ang ugali ay ayos lang din sa kanila. Kapag pangit na mabait, dedma lang sila. Ewan ko ba sa mga tao ngayon dito sa mundo, masiyadong komplikado at ang hirap basahin.

Mabuti na lamang ay hindi na ako inasar pa ni Rose roon sa kaibigan niyang Criminology student na si Miguel. Naiirita lang ako kapag naririnig ko ang pangalan niya...hindi ko alam kung bakit pero basta, naiirita ako! Sayang, eh! Kung matino lang sana siya at hindi babaero, baka magustuhan ko siya.

Isang linggo na rin ang nakakalipas mula nang makita ko siya at iyon na ang una't huli. Hindi naman kasi ako 'yong tipo ng estudyante na pagala-gala sa campus.

Palagi akong nasa loob ng classroom, pupunta lamang sa comfort room at cafeteria kung kinakailangan lang. Pagkatapos ng klase ay diretso uwi na kaagad ako sa dorm. Maglalaba, magbabasa ng libro o di kaya'y magce-cellphone. Ganiyan ang araw-araw kong routine. Ganiyan ako ka-boring.

It's just that...hindi ako komportableng makipag-socialize sa mga tao. Natatakot akong makihalubilo. Hindi ko alam kung bakit. Maraming nagsasabi sa akin na napaka-introvert ko raw. Palaging may sariling mundo, na masiyado raw na mataas ang bakod na itinayo ko para laban sa ibang tao.

What can I do? I only find peace within myself. Being with myself comforts me. It's my safe place. Isn't it bad to take care of your own peace?

"Oo nga pala, hindi ako sasabay sa 'yo mamaya pag uwi ha? May pupuntahan ako," Rose informed while we are walking. Abala na naman ito sa pagtitipa sa cellphone.

Maaga kaming pumasok ngayon dahil tinatamad kaming magluto kaya napagdesisyunan naming sa Cafeteria na lamang ng campus kumain. Marami namang stalls ng pagkain doon eh. Budget-friendly pa.

Awtomatikong tumaas ang aking kilay sa sinabi ni Rose. Nilingon ko siya. "At saan ka naman pupunta? Lagot ka na naman kay Tita Paula niyan." Pagtukoy ko roon sa landlady namin.

Madalas kasi siyang pagalitan ni Tita Paula. Palagi na lang kasi itong wala sa dorm at kung minsan ay lampas na sa curfew kung umuwi.

She rolled her eyes at me. "Birthday ni Joana. May inuman sa kanila. Doon na lang ako matutulog kaysa uuwi pa ako nag dorm mamayang gabi. Ikaw na bahala magsabi kay Tita, huh?"

"Ilang beses bang mag birthday si Joana sa isang taon? Hindi ba't pumunta ka rin sa kanila noong nakaraang linggo dahil may birthday-an din?" I scoffed.

Binatukan niya ako at binigyan ng tingin na para bang ako na ang pinaka-shungang tao sa mundo. "Gaga! Birthday no'ng tatay ni Joana 'yon! Ngayon naman ay si Joana ang may birthday. Epal ka talagang bubita ka!" naiinis na singhal niya sa akin.

"Oh, baka naman next week birthday naman no'ng nanay? Tapos next week 'yong aso nila? Next year, 'yong mga ipis, lamok at langaw naman?" pagbibiro ko na may kasama pang mahinang pagtawa dahilan para mas lalo pa siyang maasar sa akin.

"Oh, baka naman next week birthday naman no'ng nanay? Gaga! Wala silang aso! Pabida ka?" asik n'ya ulit ngunit biglang natigilan at natahimik nang makasalubong namin ang grupo ng mga Engineering students na sa tingin ko'y first year pa lang din.

Mabilis siyang nagtago sa aking likuran habang nakasilip ang ulo at sinusundan ng tingin iyong grupo ng mga kalalakihan...or to be specific, iyong lalaking matangkad, maamong mukha, at singkit na mga mata.

I just shrugged my shoulder and didn't bother to ask. It's her life to deal with.

"Wala na ba? Malayo na?" bulong n'ya. Nang umiling ako ay saka lamang siya umalis sa pagtatago sa aking likuran at nakahinga nang maluwag.

Magkaibang-magkaiba talaga kami ni Rose. Siya ay iyong tipong maraming kaibigan, magaling makibagay sa lahat ng tao sa kabila nang matabil niyang bunganga, at active na active rin ang kaniyang social life. Walang araw na hindi siya gumimik at pumunta kung saan-saan. While me? She's my only friend. May ilan naman akong nakakausap at nakakakwentuhan pero hindi naman gano'n kalalim at hindi pa enough para matawag na kaibigan talaga.

I'm contented with Rose. Kahit na matabil, bastos ang bunganga at prangka siya ay ayos lang sa akin. Mas mabuti na iyon kaysa makipagkaibigan sa mga taong pinupuri ka kapag nakaharap pero kapag nakatalikod ay sinisiraan ka pala. Kay Rose lang ako naging komportable nang ganito.

"Hidalgo, stand up!"

Dumagundong ang puso ko nang tawagin ako ni Mr. Reyes para sa recitation. My hands were shaking in nervousness. A bead of sweat was slowly forming on my forehead. With my knees trembling, I slowly stood up.

"Basic lang 'to, Miss. Give me some examples of current assets."

I sighed in relief. Akala ko ay pamatay na tanong ang itatanong sa akin!

I cleared my throat first before answering. "Cash, Accounts Receivable, Notes Receivable, Marketable Securities, Inventory, Prepaid Insurance, Prepaid Rent and Office Supplies po, Sir."

He proudly smirked and nodded. "Very good! Next, Terciano! Explain what is Accounts Receivable in your own words."

Confident na tumayo ang katabi kong si Markcus Terciano. Mula gilid ng kaniyang mata ay sinulyapan niya ako at binasa ang kaniyang labi.

Kumunot ang noo ko.

"Sir, Accounts Receivable is the amount you expect to receive in some future time."

Tumango si Sir Reyes at pinaupo na si Markcus. Nagpatuloy pa ang halos tatlong oras na klase sa accounting. Ang natitirang labing-limang minuto ay ibinigay na sa amin bilang break.

Kanina pa kumukunot ang noo ko dahil hanggang ngayon ay pansin ko pa rin ang madalas na pagsulyap sa akin ni Markcus. Maayos kong nilagay sa bag ang mga gamit ko kasama na roon ang makapal na libro.

And to my surprise, I was about to leave the room when Markcus called me using my first name.

"Blossom, wait!"

Dahan-dahan ko siyang hinarap at mas lalo pang lumalim ang gatla sa aking noo nang mapansin ang pamumula ng kaniyang tainga at pisngi.

"Bakit Markcus?"

He licked his lower lip and held his nape. Mula sa akin ay bumagsak ang tingin n'ya sa puting tiles. "A-ano kasi..."

"Ano?" My 3-inches black shoes are lazily tapping the floor.

"Pwede bang sumabay sa 'yo pagkain ng lunch?"

Mas lalong kumunot ang noo ko, nagtataka. He has a lot of friends from other section. So...bakit sa akin siya sasabay? For damn's sake, we're not even close!

Suminghap siya at pagak na tumawa nang mapansin niya ang pagtataka sa aking mukha. Nahihiya siyang umiling at ikinumpas ang kamay.

"Kung hindi pwede, ayos lang―"

"Okay lang," I cut him off and said it out of nowhere. Napakurap ako't umawang ang labi. Bakit ko sinabi 'yon?

Hindi na ako nabigyan pa ng pagkakataon na bawiin ang sinabi ko. I just found myself silently walking with him in the crowded corridor.

Hindi ako kumportable sa mga malilisyosong tingin na ibinibigay sa amin ng bawat makakasalubong. Bumuntonghininga ako at kinagat ang pang-ibabang labi. Mukhang maling desisyon pa nga yata 'tong ginawa ko.

I heaved a deep sigh again. Alright, Markcus Terciano has a good look. Marami sa mga ka-blockmates namin na babae ang nagkakagusto sa kaniya but it looks like he's not interested. Mayroon siyang kaya sa buhay pero kahit gano'n ay hindi naman siya makikitaan ng yabang at karangyaan sa mga gamit na mayroon siya. Ni hanggang ngayon nga nagtataka pa rin ako kung bakit sa isang state university siya nag aral gayong afford naman niya siguro ang magbayad ng tuition fee sa ibang prestihiyosong eskwelahan.

Well, that's not my problem anymore.

Bukod sa mala-koreano n'yang balat, mapungay at singkit na mga mata, matangos na ilong at mapupulang labi ay maganda rin ang kaniyang pag-uugali. He has a good boy image and reputation too. Kaya nga hindi na ako nagtataka kung maraming nagkakandarapa sa kaniya.

Nakasalubong rin namin si Rose na kasama ang mga kaibigan niya. She's smirking at me, kung anu-ano na naman siguro ang nasa isip nito. Hindi ko siya pinansin at lalampasan na lamang sana pero hinila niya ang buhok ko.

I groaned in annoyance.

"Feeling mo maganda ka?" Kinurot niya ang tagiliran ako kaya napadaing na naman ako.

"Ah ah, masakit! Parang tanga 'to!" reklamo ko at pilit kumakawala sa kaniya.

She laughed, leaned closer at me, and whispered to my ears. "Kwentuhan mo ako bukas kung daks or juts."

Nanlaki ang mga mata ko at tinulak siya palayo sa akin. Humalakhak siya at napailing na lang ako sa pagiging bastos ng bunganga niya. Kahit kailan talaga!

"Saan mo gustong kumain?" tanong sa akin Markcus.

"Sa Cafeteria na lang siguro."

Pumunta kami sa nasabing lugar kaso sa kasamaang palad ay punuan doon. Lunch break kasi. Wala kaming choice kung 'di ang lumabas ng campus. Hindi pala siya kumakain sa mga turo-turo kaya bumalik na naman sa loob ng campus para kunin ang kotse niya.

Maarte din pala 'tong isang ito. Ayaw din sumakay ng jeep, eh. Pumunta kami sa Sunstar Mall. Siya na ang nag-decide kung saan kami kakain. Parang lalagnatin yata ko sa mahal ng mga pagkain pero mabuti na lang at nilibre niya ako. Malaking tipid din iyon sa akin, ano!

"Actually, matagal ko na talagang gustong makipagkaibigan sa 'yo kaso nahihiya akong lumapit..." he confessed.

I smiled shyly. "Bakit naman? Marami ka naman ng kaibigan."

Nagtaas siya ng kilay at ngumisi. "Oo nga no? Hindi ko na pala kailangan ng kaibigan kasi marami na ako no'n so girlfriend na lang pala kasi iyon na lang ang wala pa ako, eh."

Para akong nasamid sa sarili kong laway. Nag-init ang buong mukha ko sa kaniyang sinabi.

He, then, roared with laughter. "I'm just kidding."

Ala una na nang matapos kaming kumain at mag kwentuhan. Mabilis ko siyang nakagaanan ng loob. Mayroon pa kaming dalawang oras para sa sumunod naming klase kaya napagpasyahan namin na maglaro na lang muna sa World of Fun.

He's sweet and fun to be with kaya mabilis akong naging komportable sa kaniya. We played and roamed around the mall. Twenty minutes bago ang alas tres ay nagkasundo na kaming bumalik na kami sa campus.

Hindi rin naman iyon kalayuan kaya mabilis kaming nakarating. Pinark niya ang kotse sa may field at sabay kaming naglakad pabalik sa building. Natanaw ko pa si Miguel, iyong Criminoly student, kasama ang mga kaklase niyang naglalaro ng basketball sa open court na nasa harapan lang ng Administration Building.

Nag-uusap lang kami tungkol sa kung ano-anong bagay nang may biglang lumipad na bola patungo sa direksyon ni Markcus at tinamaan siya sapul sa mukha.

Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap sa gulat. Sandali akong natuod sa kinatatayuan. Nang matauhan ay nataranta ako at hindi malaman ang gagawin. Dapat ko na ba agad siyang dalhin sa clinic?!

"Hala okay ka lang?!" nag-aalalang tanong ko at agad sinuri ang parte ng mukhang tinamaan ng bola.

He chuckled then groaned in pain afterwards. "D-do I look like I'm okay?" nahihirapang aniya.

Dinampot ko ang bola at nilibot ang paningin sa paligid. And there, I saw Miguel Chavez walking towards us. Sa hindi malamang kadahilanan ay biglang kumulo ang dugo ko—dahil ba iyon sa ginawa niya kay Markcus o naiinis ako dahil mas lalo siyang guma-gwapo sa paningin ko kapag seryoso at walang mababakas na ekspresyon sa kaniyang mukha?

What? Ano bang sinasabi ko?!

I sighed and gritted my teeth in annoyance. Ano na naman kayang trip niya this time?

"Sorry..." ani Miguel sa malamig na tinig nang makalapit siya sa amin.

I scoffed, iniwas ko ang aking paningin sa kaniya. Wala namang bahid ng pagka-sincere ang tono ng pananalita n'ya!

"Uh, sorry Markcus pre, bigla kasing lumipad 'yong bola sa...sa direksyon mo," he said plainly.

Napairap ako dahil halata namang labas sa ilong ang paghingi niya ng tawad.

"Paano naman 'yan lilipad papunta sa amin? May pakpak ba 'yan?" sarkastiko kong tanong.

Markcus held my arm and shook his head, parang sinasabi niya na huwag na akong magsalita pa. Mas lalo akong nainis. Dumapo ang tingin ni Miguel sa kamay ni Markcus na nakahawak sa akin. Kitang kita ko ang pag-igting ng panga niya.

Muli niyang binalik ang tingin sa akin. Walang mababakas na kahit anong emosyon doon. Binawi niya ang bola sa akin at tipid na ngumiti. "Sorry ulit, Blossom." Hindi na n'ya kami binigyang pagkakataon pa para umalma dahil tumalikod na siya at naglakad pabalik sa court.

He glanced at me again then shook his head afterward.

Bumaling ako kay Markcus. "Ayos ka lang ba talaga? Gusto mo dalhin kita sa clinic?"

Matipid siyang ngumiti. "Hindi na."

Magsasalita pa sana ulit ako nang biglang lumapit sa amin si Rose.

"Nakita ko Bluie! Sinadya niya!" eksaherang saad niya na may kasama pang pag-alog sa balikat ko.

Naguluhan ako sa kaniyang sinabi.

"Gaga! Ang slow! Sinadya ni Miguel na batuhin ng bola si Markcus. Nakita ko! Nandoon lang ako malapit sa court.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Markcus. Nagkibit balikat siya sa akin. Sapo pa rin ang bahagi ng mukhang tinamaan ng bola. Wala sa sarili akong tumingin muli sa court kung nasaan si Miguel.

He's looking intently at me.

Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay agad siyang nag-iwas ng tingin at bumalik na sa paglalaro.

Continue Reading

You'll Also Like

28.2K 1.1K 25
[epistolary] Two celebrities, doing their job just for the public, will eventually change into something that will make them feel what love truly is...
1.3M 51.5K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
2.2K 67 13
Panacea Series #2 Paris Franz Allende is the breadwinner of their family. Her parents died when they were young and ever since that day, she lived a...