STS #2: Give Me More [COMPLET...

By Missflorendo

2.2M 45.3K 12.4K

[Smith Twins Series #2] Atty. Sam Spencer Smith, a secret agent who quit his dream job just to become a crim... More

ABOUT THE STORY
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55

Kabanata 28

25.8K 768 222
By Missflorendo

Kabanata 28

"Fyuch, sure ka talagang hindi ako nananaginip?" Sabay kong pinisil pisil ulit ang pisngi at labi ko. "Nag-kiss talaga tayo? For real?"

He rolled his eyes...again. "For the 30th time, Portia-you're not dreaming."

Napatakip na naman siya sa kabilang tenga niya nang tumili ulit ako. Nakatakip ang isang kamay niya sa isang tenga habang ang kabila ang may hawak sa manibela. Pauwi pa lang kasi kami.

Mula sa pagbaba ng sasakyan hanggang sa pagdating namin sa unit niya ay pilit kong kinukumbinse ang sarili ko na hindi iyon panaginip.

Mukhang naaasar na nga siya sa kakatanong ko pero wapakels ako at paulit ulit ko pa ring kino-confirm iyon sa kanya. Pag-upo niya sa sofa, tumabi agad ako.

"Fyuch?"

Napahilot siya sa kanyang sentido.

"Please, Portia. Believe me you're not dreaming." Pangungunang sagot niya kahit wala pa man akong tinatanong! Isinandal niya ang ulo sa headrest ng sofa.

Stress na stress ang bb ko?!

Naka-indian sit akong humarap sa gilid niya. Nakagat ko ang dalawang labi ko habang pinagmamasdan ang nakasandal niyang ulo. Umawang ang bibig ko nang dumapo ang mga mata ko sa mga labi niya. Pinanood ko kung papaano niya ito binasa sa kanyang dila na tila ba may kinain siyang nais malasahan muli.

Kaso ako yata ang biglang gustong malasahan ulit ito. Nakita ko rin siyang napalunok at para akong tangang sinundan ng tingin ang paggalaw ng Adam's apple niya.

Ang landi ko tangina.

"Fyuch?" umusog ako palapit hanggang sa iyong mga tuhod ko ay tumatama na sa kanya. Pinaglaro ko ang mga daliri ko habang iniisip kung papaano ko uumpisahan iyong gusto kong sabihin. "Uhm. Pwede kaya nating...uhm i-rewind? Uhm ano lang...just...uhm to...convince myself...that-" Bago ko pa natapos iyong suggestion ko ay bumangon na siya at hinalikan ako.

Saglit akong natulala sa nakapikit niyang mga mata habang hinahalikan ako. Parang saglit na tinakasan na naman ako ng katinuan nang maramdaman kong muli ang maiinit at malalambot niyang labi.

Napakurap kurap ako sa kanya.

Ang sarap.

Halik pa lang tangina mababaliw na yata ako.

Tila unti unting kinokonsumo niya ang natitirang katinuan ko sa sarili.

Itininukod niya ang isang kamay sa gilid ko para sa suporta habang ang isa ay nilagay niya sa batok ko. Tangina. Nanginginig ang mga tuhod ko sa bawat paggalaw ng labi niya sa labi ko. Napapikit na lang ako sa sobrang pagkahumaling sa paraan ng paghalik na ginagawa niya.

Napakapit ako sa magkabilang side ng damit niya nang tuluyan na 'kong mapahiga sa sofa. I responded the same intensity of his kisses. His tongue started to ask for entrance and my lips gladly parted to give him access.

Naging marahas ang pagsugod ng kanyang mga labi nang ipasok ko ang aking mga kamay sa loob ng kanyang damit. My hands started roaming around his body...caressing his waist...his well-defined abs...up to his very hard chest.

I felt his whole body hardened.

"Shit...Portia..." hirap na daing niya.

"Hmm..." Nakapikit pa rin akong dinadama ang mga labi niya.

Grabe, sobrang nakakaadik ng amoy niyang tila laging handang magpaamoy. Tapos itong matigas niyang dibdib na malaya ko ng nahahawakan. Ugh.

I feel so blessed. Chos!

Pero my gosh, mababaliw na po yata talaga ako ngayong gabing ito. Huhuhu. Isang babae nawala sa katinuan nang dahil sa halik.

He snuggled his face against my cheek. I could feel his warm breathing and his shoulder moving up and down. "Let's...stop this..." he said with so much difficulty.

Hindi ako sumagot ngunit ginawa ng mga pagkilos ko ang pag-kontra. Ipinulupot ko ang mga binti ko sa kanyang baywang at muling hinalikan siya.

Mas malalim.

"We...might...get out of here...five."

I chuckled.

Five? Woah-is he threatening me with triplets?

"Just use a condom, Fyuch," angal ko. Alam ko namang halos kadikit na ng buhay ng mga lalake 'yung bagay na 'yon.

I continued kissing him. Ngunit nang wala akong naririnig na sagot mula sa kanya, natigilan ako at bahagyang lumayo para titigan siya.

"Don't tell me na wala kang condom?"

"Wala nga..."

"Seriously, Fyuch?!"

He innocently nodded. "Seriously."

He leaned back a little. Sobrang kalmado pa rin niya samantalang ako ay nanlalamig na ang mga kamay ko. Nabibitin ako e!

"Tangina naman, Fyuch." Hindi ko na napigilang mapamura.

Gumuhit ang saglit na pagkagulat sa mukha niya ngunit narinig ko ang mahinang pagtawa niya pagkatapos lamang ng ilang sandali. Mula sa seryoso niyang mukha ay mabilis na napalitan ito nang pagkamangha.

"My baby is losing her patience..." he teased.

"Iputok mo na lang sa labas!" suggest ko.

Amusement danced in his eyes as he playfully pinched my nose. Hindi naman ako pa-virgin para hindi masabi ng deretso 'yon.

"Ang kalat mo," aniya na para bang ako lang ang may gustong ituloy itong nasa utak ko. "Look, baby. Our child is watching."

Kunot noo 'kong sinundan ng tingin iyong nginuso niya.

I groaned when I saw Tammy on the side watching us like an interesting TV show. Diyos ko, anak. Kaunting privacy naman d'yan para kina Mommy and Daddy.

"Tammy, 'dun ka nga! Shoo!" Taboy ko rito. Pero nakakaloka dahil parang sinamaan pa ako nito ng tingin! "Fyuch, feeling ko umaattitude na 'yang anak mo."

"Mana sa 'yo."

"Baka sa 'yo? Kung ako lang 'di ako attitude."

"So you're saying na ako ang may attitude?"

"Hindi naman sa gano'n, Fyuch!" Ugh. "Teka nga! Bakit ba tayo nagtatalo? May ginagawa pa tayo 'di ba?"

"If you keep on pushing me to do this, I swear, I'm giving a set of grandchildren to my parents. They'll love it for sure. I'm not quite sure though about your parents."

"Badtrip naman 'to oh. Kalalaking tao hindi ready!"

I bit my lower lip, expecting him to be offended from what I just said. But he did not.

"I'm always ready. It's just that, I'm trying to be a responsible person here. Gusto mo bang magkaanak nang wala sa plano?"

Ako pa tuloy ang lumabas na padalos dalos sa aming dalawa.

"Ayoko naman syempre."

Tumango-tango siya. "Good that we got the same thought on that."

Ngumuso ako. "So kapag mag-se-sex tayo kailangan planuhin muna natin?"

He stared at me for a moment before he started laughing like an idiot.

"You crazy woman. That's not what I meant." Natatawa niyang hinawi ang buhok kong humaharang sa aking nakasimangot na mukha. "I just didn't expect that you're too ready for this."

"Sus! So ako lang pala talaga 'yung naglu-look forward sa moment na 'to?!"

Another amused smile appeared on his face.

"Really? You're looking forward to this, huh?"

Nagsimula na tuloy akong tablan ng hiya! Kakainis naman kasi 'tong lalakeng 'to e! Imbes na walangya na 'ko kanina 'yan tuloy nahiya na 'ko ngayon!

Tinakpan ko na lang ng mga palad ko ang mukha ko. Feeling ko iisipin na niya ngayon na ang landi landi ko talaga. Amp.

Slight lang naman!

"Hey, don't be shy. Di bagay."

Nakanguso akong sumilip sa pagitan ng mga daliri ko. "Gaano na ba 'ko ka walangya sa paningin mo?"

"Wala akong sinasabing ganyan. But at least I know now that I should be prepared all the time." He was grinning from ear to ear.

"Magdadala ka na lagi ng condom? Gano'n?" I didn't mean to sound excited.

"Too straightforward." Pinisil na naman niya ang ilong ko at feeling ko ang pula pula na nito kakapisil niya kanina pa.

At dahil wala pa naman sa plano ko talaga ang magkaanak, medyo bwist ko siyang itinulak.

"Tumabi tabi nga d'yan mga pabitin!" Kahit naiinis ako ay medyo natatawa na lang din ako sa epic fail na moment na 'to.

Maglalakad na sana talaga akong paalis nang biglang hilahin niya 'ko pabalik sa kanya kaya't sumubsob ako sa dibdib niya. Bumagsak ang buhok kong nakalugay nang mapakubabaw ako sa kanya. Enjoy na enjoy na talaga siyang panoorin akong maasar.

"Bitaw na. Uwi na 'ko."

"Dito ka muna."

"Ano pa bang gusto mong gawin?"

"Titigan ka."

Napalo ko tuloy siya dibdib. "Asar ka, alam mo 'yon?"

"Bakit ba? Sa gusto pa kitang titigan e."

"Gagantihan din kita kala mo."

He chuckled.

"Do you want ice cream?"

"I swear 'pag ikaw ang nabitin tandaan mo, aalukin din kita ng ice cream."

He smirked. "Sorry, baby. I just really can't trust my babies."

My eyebrows furrowed.

"Your...what?" I looked at him, bewildered.

He took a deep breath first. "To tell you honestly..." he paused for a moment before he looked at me in a very serious way. Medyo kinabahan ako dahil parang napaka-seryoso ng sasabihin niya. "I have millions of speedy sperm cells."

My lips slightly parted.

"They swim really fast-well, every sperm of mine does." He still looked very serious. "This is why I'm kinda worried for you. Coz if we do it without proper precaution, I cannot guarantee that you won't be filled the next day."

I think my jaw literally dropped on the ground.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Nanatili akong nakatingin sa kanya nang nakanganga habang siya ay kaswal lang na pinanatili ang seryosong mukha.

"Fyuch, naka-drugs ka ba?"

"Baby, that's bad. I don't do drugs but now that you're in my life, I can no longer be sure I won't be addicted."

I stared at him without blinking, still with my mouth half-opened.

Shuta hindi ko yata kinakaya so Fyuch ngayon. Ganito siguro palagi 'yung pakiramdam niya sa tuwing binabanatan ko siya. Yung para bang hindi mo alam kung kikiligin ka, matatawa, o masisiraan ng ulo.

"Pero sa tingin mo, hindi kaya nagagalit si God kapag maraming nag-se-sex?" I asked out of the blue.

"Pfft...bakit naman siya magagalit?"

I pouted. "Eh kasi syempre ang daming sperm cells na nasasayang. Imagine, during sex milyon-milyon ang kayang i-release na sperm cells ng isang lalake. Pero isa lang do'n kadalasang nagiging baby."

"Well yeah-maybe. Because I believe every sperm is sacred. Every sperm is great. And every time a sperm is wasted, God gets quite frustrated."

Parang dito kami biglang nagkasundo.

"Grabe diba? But it also sound a little ridiculous because you guys can produce so many of them."

"Yeah right. In fact, we can produce roughly 525 billion sperm cells over a lifetime and shed one billion of them per month. A healthy adult male can release between 40 million and 1.2 billion sperm cells in a single ejaculation."

"Hala. Talagang magagalit nga si Lord 'pag madaming nagse-sex. Ang daming nasasayang." I did feel a little bit of guilt. "Pero kung isang sperm cell lang naman ng lalake at isang egg ng babae ang kailangan magkita para makabuo ng baby, bakit ba kasi napakadami n'yong nilalabas? Wouldn't it be less wasteful kung isa or mas konting sperm cells na lang ang ilabas n'yo para makipagkita sa isang itlog ng babae?"

"Baby, the reason for that predicament comes down to two words-sperm competition."

Pinaliwanag niya sa 'kin in detail kung bakit mayroong ganitong kompetisyon. I suddenly felt like I was in a science class at siya ang teacher.

Napatango tango na lang ako. "Ahhh so ibig sabihin lahat tayong mga tao na nandito ngayon sa mundo ay mga competitive sperm cells lang noon. Biruin mo nga naman."

Natawa na naman siya sa sinabi ko.

"You're really proud of yourself now, huh? You little competitive sperm cell."

He pinched my nose again.

"Mas competitive ka pa rin. Di ka nagpatalo kay Christian e."

"Pfft-yeah. But I think the sperm cells I have in me are way more competitive."

My brow arched. "Paano mo naman nasabi?"

"It's for you to discover it in the future. Hahahahaha."

Sa sobrang gigil ko sa pagtawa niya'y hindi ko napigilang pugpugin siya ng kiss sa mukha. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya saka ko siya inubos. Char.

"Fyuch, edi para hindi magalit masyado si God, dapat hindi tayo mag-sex araw araw?"

He smiled. "Mapagpatawad ang Panginoon, Portia."

HAHAHAHAHA. Lord, patawarin n'yo po kami!

Sumakit ang tiyan ko kakatawa sa mga reasoning niyang hindi ko sure kung valid ba! Para kasing kapani-paniwala talaga kapag sa kanya nanggaling!

Ang kulit kulit ni Fyuch nakakainis! Napakadaming alam! Nasanay ako dati sa serious version niya kaya heto ako at pinipilit i-adjust ang sarili ko sa rebelasyon ng kanyang tunay na pagkatao! Pero not bad naman 'tong latest version.

"Aminin mo nga, Fyuch. Matagal mo na talaga 'kong crush 'no? Magtapat ka na ngayon. Understanding naman ako." Kinagat ko ang mga labi ko.

Nanliit ang mga mata niya na tila nag-isip talaga. Medyo nangawit na 'yung ulo ko sa pagdungaw sa kanya kaya humiga muna 'ko sa dibdib niya. Napakinggan ko tuloy ang malakas na pagtibok ng kanyang puso.

Ang sabi nito, Portia~ Portia~

"I don't really remember."

"Ihhhh. Isipin mong mabuti!" Tinapik tapik ko siya sa dibdib para piliting mag-isip pa.

"Bakit ba tinatanong mo pa?"

"Syempre part 'yun ng kung paano naging tayo!"

"What I just remember is that you fell for me first."

"Ay mayabang."

We just cuddled for more than an hour. Nagkwentuhan kami ng kung anu-ano habang nagpapaantok. Sa huli ay hindi rin niya inamin kung kelan siya na-fall sa 'kin! Napakaduga!

Nang pakiramdam ko ay babagsak na ang talukap ng mga mata ko sa sobrang antok, naramdaman ko na lang ang pag-angat ko sa ere at ang pagsarado ng pintuan. Hindi ko sigurado kung saan niya 'ko dinala ngunit nakasisiguro akong inilapag niya 'ko sa kama.

"At saan ka natulog binibining Portia Deanna Martin?"

Nakapamaywang akong sinalubong ni Dior pag-uwi ko kinabukasan. Oo na-sa kwarto na 'ko ni Fyuch magdamag! Eh sa doon ako nakatulog e. Hehe.

Nginitian ko ang pinsan kong mukhang kagagaling lang sa shoot. Nakasuot pa kasi ito ng usual outfit nitong long sleeves at jogger pants kapag may late silang taping.

Lumabas sa likuran nito si Mona. "Tinatanong pa ba 'yan? Edi sa doon jowa niyang abogado sa taas!"

I didn't try to deny it. Diretso akong nagtungo sa kusina. "Dito ba kayo natulog?"

Sumunod si Lyra sa likuran ko.

"Nag-sex kayo?"

"Hindi nga e." mabilis na sagot ko.

"Kaya pala mukha kang tigang."

"Alam mo? Tangina ka, Mona."

Napahampas ng kamay nito si Lyra sa lamesa habang humahagalpak sa tawa. "Hindi nga nadiligan ito. Ang sama ng gising e!"

"Excuse me, ayaw lang namin na magsayang ng milyon-milyong sperm cells," depensa ko at saka kumuha ng tubig sa ref.

"Ay wow? Edi nasa isang planeta na pala ang nasayang kong sperm cells nang 'di ko namamalayan?"

Literal na lumabas sa ilong ko 'yung iniinom kong tubig. Anak ng pucha ang sakit! Sinamaan ko agad ng tingin si Lyra na hindi na makahinga sa kakatawa habang tinuturo ako. Gano'n din sina Mona at Dior na halos gumulong na sa sahig sa paghalakhak.

Pwede po bang mag request na magpapalit ng mga pinsan? Ang gagago e.

"Nasa'an si Kairo?" tanong ko nang mapansing wala ito.

"Ewan. Pagdating namin dito kagabi wala na siya."

Saan na naman kaya nagsususuksok ang lalaking 'yon? Lagi na lang naglalahong parang bula. Hindi naman nagpapaalam kung saan pupunta. Lagot talaga sa 'kin 'yon kapag nakita ko.

Pagkatapos kong kumain ay halos takbuhin ko pababa ang building dahil ihahatid ako ni Fyuch sa trabaho. Kailangan ko kasing magpakita sa opisina ngayon kaya ihahatid ako ng boyfriend ko. Ahihihi.

Habang nasa byahe kami ay sinubukan kong tawagan si Kaiden Royce.

"Hindi man lang marunong magpaalam 'tong lalake na 'to-kabwisit. Para akong may alagang bata."

"Hindi umuwi si Kairo?"

"Hindi."

"Ikaw din naman hindi ka umuwi."

"At least ako nasa taas lang naman. Tsk." Hindi sumasagot ang loko! Inis ko tuloy na binalik sa bag ang phone ko.

"Baby, I'll drive to Pampanga this evening. May pinapa-check na site sa 'kin si Dad dahil hindi pwedeng iwan ni Kuya si Adara."

Onga manganganak na 'yun anytime!

"Ayaw mo 'ko isama?"

"Pwede naman. Kaso baka mapagod ka lang."

I grinned. "Paano ako mapapagod kung kasama ko naman ang charger ko?"

"Talaga lang ha..."

"Namern! So final na 'yan ha. We are going to Pampanga later!!"

Malapad ang ngiti kong tumingin sa labas ng bintana. Anong klaseng operasyon landi na naman kaya ang gagawin ko ngayon sa Pampanga? Ito na kaya ang takdang oras para magdala ako ng pari at singsing? Char.

Kinuha ko ang mga gamit ko sa back seat. "Ingat sa pag-da-drive, Fyuch, ha."

Pababa na sana ako nang hawakan niya 'ko sa braso at pinigilan. Akala ko ay may nakalimutan siyang sabihin pero paglingon ko sa kanya ay ang malambot niyang mga labi ang marahan na lumapat sa labi ko.

Ay shet. Di ako prepared.

Nanghina agad ang buong sistema ko kaya't napapikit na lamang ako .

"Take care, baby," he said-bringing me back to my senses.

"Ayy tapos na?" hinayang na bulalas ko.

Pinitik niya 'ko sa noo bago tinipon ang mga gamit ko at pinalabas na ako. Hinintay ko siyang makaalis muna bago ako pumasok pero sinenyasan niya 'kong pumasok muna bago siya umalis. Muntanga tuloy akong nakangiti habang naglalakad.

As usual, in chaos na naman ang news room pagdating ko. Parang nakaka-offend na pumasok ng may malapad na ngiti kaya straight face akong dumiretso sa lamesa kong nasa dulo. Kumaway ako sa mga boss ko at sa copyeditor kong si Mindy na agad nilapitan ako pagkaupo.

"Alam mo bang bad shot ka na naman kay Mayor Vasquez?" bungad na chismis nito. Humila pa ng upuan para makapwesto ng maayos sa tapat ko.

"Baka may pake ako?"

Nilabas ko ang laptop ko at binuksan ang isa pang unit ko.

"Luka-loka ka talaga. Pati si boss na-stress sa 'yo."

"Bakit? Nireport na naman ba 'ko sa management?"

"Well-parang gano'n na nga."

Napasulyap ako sa salamin na opisina ni Boss Amara at saktong nakatingin din siya sa 'kin. Sinenyasan ako nitong pumunta sa kanya.

Kabado si Mindy na tumitig sa 'kin. "Naku good luck, girl."

Hindi naman nakakatakot si Boss Amara. Sa katunayan ay close kami nito. Parang nanay ko na rin kasi siya lalo nang hindi pa kasal si Adara ay halos doon na 'ko tumira sa bahay nila. Pero minsan hindi ko pa rin maiwasang kabahan kapag ganitong seryoso na siya pagdating sa trabaho.

Huminga muna ako ng malalim bago tinulak ang mabigat nitong pintuan.

"Hi, boss. Musta? Hehe."

Humila ako ng isang upuan sa tapat ng table nito.

"Ako yata ang dapat magtanong niyan sa 'yo. Wala ka pa bang natatanggap na threats?"

"Wala pa naman."

Napabuntong hininga ito. "Next time 'wag ka naman masyadong magpadalos dalos sa mga kilos mo, Portia. Paano kung nagkaroon ng engkwentro at napahamak ka?"

"Sorry..." this time ay hindi ko na sinubukan pang ipagtanggol iyong ginawa ko. Alam ko naman kasing mali ako. "I was too compulsive."

"Good that you recognize what you did."

"But I'm not saying I regret doing it."

"Stubborn girl. Parehong pareho kayo ng kaibigan mo-matigas ang ulo."

"Hehehe. Pero love mo naman." Kinuha nito ang script na nasa table at saka mahinang ipinukpok sa ulo ko. "Aray ko!"

"Siguraduhin mo lang na hindi ka mapapahamak, Portia. Or I'll lock you down inside this office."

"Ay 'wag namang gano'n, Boss! Promise mag-iingat ako palagi." Kinindatan ko pa ito saka ako umayos ng sandal sa upuan ko.

"Tsk. Ang laki ng kalokohan mo pero mukha ka pa ring masaya. Are you dating someone?"

"Luh late ka na sa chismis." I waved my index finger in front of her.

"Ahuh?"

At ayun, chinika ko na rito ang tungkol kay Fyuch. Akala ko ay hindi ko matatapos ang kwento ko nang hindi nangingisay sa kilig.

"So you're dating that lawyer twin brother of Christian. Bagay na bagay para sa isang pasaway na journalist. I think hindi ko na kailangan mag-aalala kapag nakulong ka sa tigas ng ulo mo."

"I know right!"

"At proud ka pa, ha?"

"Namern! Bb ko 'yun e." I giggled like a teenager telling about how proud she is with her crush.

Nag-martsa agad ako palabas ng opisina ni Boss para ituloy ang imbestigasyon ko tungkol sa tunay na yaman ni Vasquez. Right after he won his last term as Mayor of the city, doon mas lalong umugong ang ingay tungkol sa ownership niya ng Fabella Homes.

Actually noon pa man ay may kumalat ng balita tungkol dito pero never na nagbigay ng pahayag si Vasquez. He neither confirmed it nor denied it. He just kept his silence. At dahil baguhan lang ako noon, wala akong sapat na kakayanan at resources para patunayan iyong alegasyon ko rito hanggang sa nawala na lang iyong issue.

Pero ngayon, halos alam na ng buong publiko ang tungkol dito-na hindi lang isang simpleng maliit na home builder ang kanyang negosyo. Kaya naman lahat kami ay naghihintay ng kumpirmasyon mula mismo kay Vasquez.

In fairness, magaling ito sa negosyo. Sana ay doon na lang talaga nito itinuon ang atensyon kaysa ngayon na nabulag na ito ng kapangyarihan sa mundo ng pulitika.

"Bye, guys! See you when I see you!" nag-flying kiss ako sa kanilang lahat at bukod tangi ni Justine na umilag kaya tawang tawa na naman sila bago ako umalis. Hunyango talaga 'yon!

Pagbaba ko nandito na si Fyuch. Hindi na rin namin kailangan bumalik ng condo dahil siya na ang nag-insist na kumuha ng gamit ko kanina.

"Sure ka bang 'yung favorite kong bra ang kinuha mo?"

"I think so. It's pretty and I like its design too."

Natatawa niyang binuhay ang makina ng sasakyan.

"HAHAHAHA. Ba't ganyan ka na ngayon? Dati mamumula ka muna pero ngayon ang yabang mo na sumagot!"

"Kailangan e."

Napasandal ako sa upuan ko kakatawa sa kanya.

"Haaay! Buti na lang talaga sumama ako sa 'yo ngayon. Kundi ay maiistress lang ako sigurado magdamag."

"Why? Did something happen?"

"Pinasakit ni Mayor Vasquez ulo ko, bb." Nag-beautiful eyes at nakanguso akong tumingin sa kanya. "Di ba may bali-balitang siya ang tunay na may-ari ng Fabella Homes? And I was able to confirm it earlier when I reviewed his newly declared asset this year."

"He held it in trust?"

"Yeah. Matalino sana-crocodile nga lang."

He laughed.

"He probably did that to keep his assets hidden, limiting the access to his financial information. He knew that those with visible and reachable assets are often a target of lawsuits and other actions. This is well understood by business and property owners."

"Tapos alam mo ba few months ago before ng eleksyon, may kinover akong presscon ng ni-launch niyang Art Gallery para sa mga batang cancer patients. But right after he won, pagmamay-ari na ito ng asawa ng isa sa mga senador."

Now I know how he was able to fund such project. It's because he has Fabella Homes.

"Is it the wife of Senator Aurelio?"

My eyes widened. "Paano mo nalaman?"

"Mrs. Aurelio is an art collector and is fond of Art Gallery Museums. She goes to a lot of huge Art Exhibits around the world."

I nodded. "Ibig sabihin nagpapabango talaga ng pangalan ang Vasquez na 'yon kay Senator Aurelio."

"Exactly, because he wants something return."

"Siguradong may hihingin itong pabor sa senador. Lalo na't ito ang minamatang papalit kay Senator Dela Vega bilang presidente ng senado." Natawa na lang ako at napailing-iling. "Mautak talaga."

Bago kami pumasok ng NLEX, nag-dinner muna kami tapos dumaan siya ng convenience store at binilhan ako ng ice cream. Pampalamig daw ng ulo.

"Ano'ng site pinapa-check ni Tito sa 'yo?" tanong ko habang binubuksan ang ice cream ko.

"A condo project in San Fernando."

"Ay wow-condo! Nag-start na ba pre-selling n'yo?"

"Yeah last year pa. Why?" He quickly glanced at me. "Do you want a unit? I'll reserve you one."

He leaned his elbow on the window ledge while he drive with one hand.

"Hala siya napakamahal nun panigurado!" Hindi pa nga 'ko tapos doon sa pinag-iipunan kong bahay sa tabi ng dalampasigan. "Magkano ba ang isang 2 bedroom unit n'yo d'yan?" tanong ko na parang nagtatanong lang ng isang produkto sa palengke.

He grinned. "15 Million cash payment for strangers. But for you... a kiss per day will do."

I faced him with a lopsided smile and seductively bit my lower lip.

"Can I make a down payment now?" I asked.

***

Angel's note: Sobrang nag-eenjoy talaga ako sa pagsusulat sa dalawang 'to. Sana ganoon din kayo sa pagbabasa. HAHAHAHA. Bitin ba? Get an access now to 10 advance chapters of GMM in Patreon for only $3. Just visit www.patreon.com/missflorendo

At sa mga hindi pa nakaka-order ng aking librong Married With King Daryl Smith, just visit PSICOM's shopee account and order a copy now for only P195! Thank you, Cherubs! Follow me on twitter as well @missflorendo.

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 117K 50
The lethal and the pure. The black and white. Opposite sides burning each other's souls. Parvana Naia Bukhari and Zeus Vincenticus Ferrer. When she f...
3.3M 76.7K 43
Elysha Yvonhale Vicencio never experienced luck in her life. Hindi niya kailanman nakilala ang ama. Nawala sa kanya ang ina sa murang edad. Naghirap...
12.1K 495 17
Julia don't believe in love, not until Aries effortlessly sent her tingling sensations. Eventually, even without trying, she fell. Aries Chase was th...
6.3K 118 33
UAAP Series # 1 TO BE REVISE! She deemed to be loved, and she hoped to be loved for a long time. She envisioned a love that would last indefinitely...