Unlabeled [Baguio Series #1]

By marisswrites

41K 2.1K 768

• Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL • Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is... More

Unlabeled
Introduction
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
50
Finale
ACKNOWLEDGEMENT & FAQs
Special Chapter: Unrecognized

49

556 28 18
By marisswrites

     

"You're ridiculous!!!" bulyaw sa akin ni Tori nang matapos kong ikuwento ang paghihiwalay namin ni Travis, halos isang taon na ang nakakaraan. "I didn't travel from Baguio to Zambales just to hear that, Mary!"

Nandito kami ngayon sa Marikit Park. Inihatid lang namin sa bahay namin ang mga gamit niya dahil doon siya mag-i-stay for the whole week na nandito siya, at gusto niya ay sa tabi ko matulog. Hindi pa siya nakakapag-pahinga ay nag-aya na kaagad siyang lumabas.

Nagkibit ako ng balikat. "It's been almost a year. Move on ka na," I laughed.

Inirapan niya lang ako bago naupong muli sa tabi ko. "You're wasting the time and chance to be with each other! I mean, anong point nitong paghihiwalay and all kung ang balak niyo naman pala ay magbalikan after years?"

I sighed. "Feeling ko lang hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko," I said. "Tingnan natin kung hahanap-hanapin ko ba siya after the years that we're apart."

Umirap siya sa akin. "Tss! Nakakainis ka, gusto kitang sabunutan!" I laughed. "I don't really see your point..."

I pursed my lips. "You'll never see my point, Tori. You're full of self-confidence; I am not. Natatakot lang talaga akong baka nabibigla siya sa mga sinasabi niyang sigurado na siya sa akin, na ako ang huli niya, na sa akin siya magse-settle. What if magbago ang isip niya? I gave us this space so he can think about it. Ayaw kong pag-isipan niya 'yon habang may relasiyon sa akin. Ayaw kong magbago ang isip niyang hindi na pala ako habang ako ang girlfriend niya."

Bumagsak ang dalawang balikat niya habang bahagyang nakanguso. Tumingin siya sa akin.

"Understanding the point of view of a pessimistic and a doubter friend... okay. I got your point," she sighed. "But... ikaw? Are you sure with him?"

I smiled as I felt my eyes heated. "Akala ko noon, hindi. Pero noong nawala na siya at pinili naming alisin ang communication sa isa't-isa, as in, zero talaga, doon ko napagtanto... ahh, sigurado na pala ako, hindi lang ako sigurado."

She laughed. "What?! I don't fucking get it."

Tumawa ako at umiling na. "Wala," I sighed. "Do you want to meet Gian?" I asked.

"Hmm... sa ibang araw na lang. You two are okay naman, 'di ba?" she asked. I nodded. "Hayaan mo siya, ah? Huwag ka nang ma-guilty sa ginawa mo. It's the right thing to do. Huwag kang ma-guilty na hindi pa naka-move on 'yon. May mga maling desisyon lang talaga tayo sa buhay, at nagkataon na ang gaguhin ka ang pinakamalaking pagkakamali ni Gian, na hindi na niya puwedeng itama pa."

I pursed my lips. I don't really care about what happened before anymore. I'm okay now. We're friends and sometimes, we hang out like friends but I already drew a line between us. We can't be any closer than that.

"But, that mistake that Gian made is actually worth it for you," she said, nodding. She looked at me. "Natagpuan mo si Travis on your healing process," ilang sandali lang ay tumingin siya nang masama. "Tapos pinakawalan mo. Gaga!"

Tumawa ako at hinayaan na siyang sisihin ako nang sisihin sa mga desisyon ko sa buhay.

Nang gumabi ay nakipag-kuwentuhan siya sa pamilya ko bago natulog sa kuwarto ko.

Kinabukasan ay pumunta kami sa apartment ni Gian dahil kagabi ay tinawagan niya at sinabing nasa Zambales siya.

Pinapasok niya kami. Pagkarating namin sa loob ay may nakahanda nang mga pagkain.

"Tori, nagsasawa na ako sa mukha mo. Hanggang dito ba naman sa Zambales?" iritang sabi ni Gian nang makaupo kami sa dining area nila. Tumawa ako sa sinabing 'yon ni Gian.

"Hindi ka patatahimikin ng mukha kong ito, Gian. Ito ang araw-araw na magpapa-alala sa 'yong g-in-host mo si Mary."

Natatawa at napapailing na lang ako sa pang-aasar ni Tori sa kan'ya. Ilang sandali ay nagbuntonghininga si Gian bago naupo sa kabisera ng lamesa. Kumain na kami ng pagkaing inihanda namin.

"Hanggang kailan ka rito?" tanong ni Gian habang nginunguya ang agahan na iniluto.

"Hanggang Sunday lang," Tori answered with her poise while eating with class. Napatingin ako sa sarili ko kung paano kumain. "Mary needs to go back to work by Monday. Naka-VL lang siya."

Tumawa si Gian. "VIP naman pala at napag-VL mo itong mabuting empleyado."

Tori smirked as she flipped her hair. "Talaga! Hindi kasi ako nanggo-ghost."

Muli ay nagbuntonghininga si Gian na para bang sukong-suko na kay Tori. Parang nasama lang ako rito para maging taga-tawa nila, eh.

Namasiyal kami sa iba't-ibang pasyalan sa Olongapo, at siyempre, kasama si Gian. Nag-change day-off kasi siya nang malaman na nandito si Tori.

"Tsk, tsk," Gian said while we're walking on the Harbor Point. "Ano nang score sa inyo ni Mav?" tanong pa nito.

Lumingon ako kay Tori na nakakapit sa braso ko. "Eh 'di wala! Duh?"

Tumawa ako. "Bakit hindi pa kayo magbalikan ni Maverick? Halata namang pareho niyong mahal pa rin ang isa't-isa, eh," I said.

Tumingin nang masama sa akin si Tori. "Bakit hindi mo balikan si Travis para hindi mo pinakikialaman ang lovelife ko?"

Pinagtawanan namin ni Gian si Tori dahil talagang napipikon siya tuwing si Maverick na ang pinag-uusapan namin.

"Sayang, wala ka nung graduation ko. Nandoon si Anna at George. Eh 'di kumpleto sana tayong tatlo," she shrugged.

"Hindi niya naman ako kilala," sabi ko.

Tumawa si Gian. "Maniwala kang hindi ka kilala no'n, numero unong chismoso ang boyfriend no'n na si George! Pustahan tayo, kilala ka no'n at alam kung anong nangyari sa 'yo at sa akin."

Humagalpak si Tori ng tawa dahil doon. "Hindi mo na masabi 'yong tayo 'no, Gian? Kasi walang kayo. At hindi nagkaroon ng kayo. Kawawa ka naman," after she said that, nilabas niya ang dila niya para asarin lalo si Gian tsaka ako hinila palayo sa kan'ya.

Ilang sandali lang ay narinig ko na ang pagtakbo ni Gian papalapit sa amin. I smiled.

After all, being friends with Gian again is not bad at all. It's actually nice; he was a good man, really. Other than the ghosting stuff, wala naman na akong ibang reklamo sa kan'ya. He's a funny friend, and I am glad that I kept him with me, kahit na nagkasakitang kaming dalawa.

Nang gumabi ay inihatid kami ni Gian sa bahay namin. Nagpaalam si Tori sa kan'ya.

"Thanks for the time, Gian! Mag-VL ka na para makasama ka sa mga susunod na pupuntahan ko!" sabi ni Tori na tinawanan ko.

"Ayaw ko, nagsasawa na ako sa mukha mo," sabi ni Gian. "At baka magselos pa 'yong panget sa Baguio."

"Hindi magseselos 'yon, hindi ka naman kaselos-selos."

Nagtawanan ulit kaming dalawa ni Tori nang makita namin na napikon na naman si Gian. Muli kaming nagpaalam bago pumasok sa loob ng bahay.

"Don't get me wrong about the last thing I told him. I know that you don't like judging people based on their physical appearance," Tori said. "Guwapo si Gian. Hindi ko lang talaga siya type."

I shrugged. "It's okay. Alam ko namang super close lang kayo sa isa't-isa kaya ganoon na kayo kakumportable."

Kumapit ulit siya sa braso ko bago ko binuksan ang pinto. "And I'm glad you accept him in your life again, as a friend, at least."

Tumango ako at ngumiti na.

Inaya kami ni Mama na sumabay sa kanilang kumain sa hapag-kainan ng hapunan kahit na tapos naman na kami. Gusto ni Tori 'yon, dahil madalang umuwi ang Mommy niya at madalang siya makakain ng luto ng isang ina, talagang binubusog niya ang sarili niya kapag nagluluto si Mama para sa amin.

Nang makaligo at makapagpalit ng pantulog ay nahiga siya sa tabi ko, nasa gitna namin si Drew, ang life-size tiger plushie ko. Kinuha niya iyon at iniangat.

"Hi, Drew. Your Mommy missed your Daddy!" pagkausap ni Tori sa tiger na pinagtawanan ko. "Ang tanga ng Mommy mo, pero I got her point naman kung doubter din ako." she shrugged before putting the tiger back between us.

"I want you to meet my best friend," I said as I looked at him. Nakatagilid na rin siya, magkaharap kami. "You want to meet him, right?"

Ngumiti siya. "Puwede naman. I want to meet the people in your life that helps you get through everything," she sighed. "You're one of the most important people in my life, Mary, in case you didn't know. So, all the people that matters to you also matters to me too."

Ngumiti ako sa kan'ya. I don't know what I did to my life that I have friends like her.

"Thank you for treasuring me."

Bahagya siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

"I have friends naman but I don't have friends as pure and genuine as you. I found a family in you, Mary. So, I will really treasure you until the end."

Ngumiti akong muli at ipinikit na namin ang mga mata para matulog.

***

Kinabukasan ay namasyal kami sa Subic. Ipinasyal ko siya sa mga lugar na pinapasiyalan namin ni Travis tulad ng Zoobic Safari at iba't-ibang pasyalan sa Subic Bay Freeport Zone. Nag-shopping pa sa Duty Free si ate mo ghorl. Nakakapanlambot 'yung laki ng nagastos niya.

"Come on, let's go to Archie na. I want to meet him."

Sumakay na ako sa sasakyan niya at nagsimula na siyang mag-drive paalis ng Freeport Zone. Naka-schedule kaming mag-Anawagin Cove by weekend, at bukas, Huwebes, magbi-beach resort naman kami. Ngayon ay pinapasyalan lang talaga namin ang mga malalapit, pero bukas ay magbi-beach na raw kaming dalawa.

Nang makarating kami sa building ng company ay tumawag ako kay Archie.

"Hey, yow," sagot niya.

"Nandito na kami. Nakapag-time out ka na?" tanong ko.

"Oo, bababa na."

"Okay."

Tumingin ako kay Tori at nakita kong nag-e-enjoy siya sa mga nakikita niya ngayon dito sa Olongapo. Ilang sandali lang ay lumabas na sa entrance si Archie kaya naman ibinaba ko ang bintana at kinawayan siya. Lumabas kami ni Tori ng sasakyan niya tsaka lumapit sa kan'ya.

"Archie," pagtawag ko. "This is Tori."

Ngumiti si Tori. "Hi!" naglahad siya ng kamay. "Tori."

Tumango si Archie at tinanggap ang kamay. "Archie. Nice to meet you."

Nang nagbitiw sila ay nag-usap-usap kami ng puwede naming pasyalan dito ngayong gabi.

"Dapat nag-VL ka na, Archie!" sabi ko habang nagdi-drive si Tori paalis doon. "Isinama mo na sana si Joy, magbi-beach resort kami bukas ni Tori."

Tumawa si Archie. "Hindi na. Sulitin niyo na lang ang isa't-isa."

Tumawa si Tori. "Ano ba kami sa paningin mo, Archie? Mag-jowa?"

Tumawa rin si Archie. "Bukambibig ka ng isang 'yan, eh. Anong iisipin ko kung hindi ko kilala si Mary, hindi ba?"

Nagtawanan kaming tatlo sa loob ng sasakyan.

"Ewan ko ba d'yan sa kaibigan mo, Archie. Pamali-mali ng desisyon."

"Sinabi mo pa," OA na nagbuntonghininga si Archie. "Kawawang Travis."

Pinagtawanan nila akong dalawa kaya naman pinagkukurot ko sila.

Kumain na muna kami bago namasyal sa Olongapo Night Market, at parang nasa mall na naman si Tori na napakaraming binili. Binilhan pa kaming dalawa ni Archie.

"Grabe ka naman gumastos!" sabi ni Archie.

Tumawa ako dahil doon. "'Di ba? Lalo na kanina sa Duty Free!"

Tori just laughed. "Okay lang 'yan, I'll be working naman na." she shrugged.

Nang matapos ay namasyal ulit kami sa Harbor Point. Akala ko ay tapos na siyang mamili ro'n pero hindi pa! Ang dami niya pa rin pinamili! Nagkakatinginan na lang kaming dalawa ni Archie habang nakikita ang mga one thousand bill na ibinabayad niya.

Hindi ba nauubos ang pera nito? Isang milyon ba ang allowance niya para sa one-week trip niya sa Olongapo?

Nagkaroon ng picture taking session sa mga magagandang lugar sa Harbor Point, at oo, ginawa talaga naming photographer si Archie.

"Hindi ko alam kung bakit pumayag akong sumama," reklamo ni Archie nang nagpa-picture ulit sa kan'ya si Tori habang nasa background niya ang dagat.

"Sige na! Minsan lang ako mamasyal dito," sabi ni Tori.

Tumawa si Archie tsaka nag-picture pa kami nang nag-picture. Maraming mga pictures iyon. Mga solo namin, kami ni Tori, sila ni Archie, kaming dalawa ni Archie, at siyempre, kaming tatlo.

Nang gumabi ay inihatid ni Tori si Archie sa bahay nito.

"Salamat sa libre!" sabi ni Archie. "Ingat at enjoy your stay."

"Thank you! I'll be back at iistorbohin ulit kita," tumawa si Tori.

"Okay lang! Bihira lang naman..."

Matapos makapag-paalam lumabas na si Archie ng sasakyan at tuluyan nang pumasok sa bahay nila.

"Your best friend is cute," she said as she drove away. "Bakit hindi naging kayo?"

Tumawa ako sa sinabi niyang 'yon. "Hindi niya ako type. Natural at hindi naman ako maganda."

Tumingin nang masama sa akin si Tori matapos kong sabihin 'yon.

"Mary."

"Kidding."

She sighed. "So, you liked him?"

Nag-isip pa ako noong mga panahong college pa lang kami ni Archie. First year college yata 'yon?

"Hmm, saglit na panahon lang. Mga ilang months lang, gano'n. Natigil din kasi he's a keeper, Tori. I'd like him as a friend that I'll keep in my life forever than to tell him that I like him that time. He didn't even like me back." I laughed.

"Tss," she chuckled. "I don't think he didn't like you. I think he likes you too before. Base lang sa kuwento mo na super protective niya," she shrugged while driving. "But you chose the right decision too, though. Hindi rin naman ako sigurado sa sinasabi ko. Hypothesis lang," she laughed. "But kung pagbabasehan ang kuwento mo sa akin everyday, it's clear that he liked you that he didn't want you to end up with an asshole. Kita mo nga't sinasapak ang mga nananakit sa 'yo."

I laughed. Oo nga. Ang ex ko, at si Gian, nakatikim ng sapak d'yan. Si Travis lang ang hindi dahil hindi naman ako sinaktan no'n. Ako pa ang nanakit.

"But you both are happy with your own lovelife. I think that you made the right decision on settling as best friends than to be lovers with no assurance na tatagal kayo, right? At least, once in your life, you had a decision you'll never regret; that you made a perfect decision."

I smiled. I have so many decisions now that I didn't regret bukod pa doon sa nabanggit ni Tori.

I didn't regret leaving Travis alone in Baguio. He looked for me and it proved me that he's sincere with his feelings.

I didn't regret rejecting Gian's love when he confessed again. I know I have feelings for him back then, but I just don't think that I love him the same way.

I didn't regret accepting Gian in my life again as a friend, because Gian's a keeper kung pagkakaibigan lang din ang pag-uusapan. And I am happy that we're civil and close to each other like my other friends. Archie scolded me for this, but he couldn't do anything anymore so he lets me.

I didn't regret giving Travis and me time and space. It hurts but I think this will prove more kung hanggang saan ang nararamdaman namin para sa isa't-isa. It may be absurd for others, but for someone who has low self-confidence, a total doubter, I think I made the right decision.

Kung babalik, eh 'di go on na until the end.

Kung hindi, well, everything happened for a reason, and maybe we're not bound to be together.

___

I posted this update now. Mamaya pa sana kaso ang aga kong inaantok. Anyway, I hope you'll enjoy!

Last chapter and finale na lang. Please, hold on! Hahahaha. Thank you for the support! ♥


-mari 🌻

Continue Reading

You'll Also Like

209K 8.8K 23
The background changes. One day I'm at school. The other day I'm at the playground. The trees disappeared, the flower withered and died. I saw him sm...
37.2K 591 43
Manila Avenue Series #4 Christina, the student who's very persistent and very adorable partygirl from Ateneo Engineering who haven't have dreams. She...
1.4M 44K 44
Rich and rebellious, Euphemia Villasenor only wishes for her father's attention and love. But when things get out of hand and she's finally pushed to...
Hello, Lili By Babi✨

Science Fiction

3.9K 161 13
The time goes to the future where life is vain in technologies, where history is important and inventors from the past were distinct. Time travel bec...