Unlabeled [Baguio Series #1]

נכתב על ידי marisswrites

39.1K 2.1K 764

• Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL • Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is... עוד

Unlabeled
Introduction
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
44
45
46
47
48
49
50
Finale
ACKNOWLEDGEMENT & FAQs
Special Chapter: Unrecognized

43

496 33 14
נכתב על ידי marisswrites

     

Nagsimula na siyang mag-drive paalis doon habang nanatili akong nakapikit at dinaramdam ang sobrang kalasingan. Lalo pa akong nahihilo ngayong nasa loob ako ng sasakyan niya at nararamdaman ang pagdi-drive niya.

Seeing Travis now with me makes me remember the happiness I had with him. Those Malcolm Square walk and talk, the bar thing that he let me experience, the foods he cooked, the sandwiches and coffee he made for me on that one rainy morning that I couldn't let my comforter out of my body.

"Ahhh," I sighed. "I missed you."

I missed Travis.

The following days after I left him alone in Baguio, I've never forgotten about him. Lagi ko siyang naiisip, at lagi kong iniisip kung kumusta na siya. I've always look at that one photo I have together with him, stolen pa siya.

"I missed you too...like crazy," he said.

Ilang minuto na siyang nag-drive at hindi pa rin kami nakakarating sa amin. Nagmulat ako ng mga mata at nakita kong papunta kami ng Subic.

"Where are we going?"

"I wanted to go to Subic now," he said as he looked at me. "You promised me that you'll bring me here."

"Hindi ako nagpaalam."

"Pinagpaalam na kita."

Muli ko na lang ipinikit ang mga mata ko at hinintay na makarating kami sa Subic. Hindi ko alam kung saan kami tutuloy ngayon, pero sana, alam niyang gusto kong matulog sa sobrang kalasingan.

Ilang sandali lang ay nakita kong nakarating kami sa White Rock Beach Hotel and Waterpark. Kahit na nanlalabo na ang tingin ko ay nakita ko ang pangalan ng hotel na iyon sa harap dahil malaki ang sulat.

Inalalayan niya akong maglakad hanggang sa makarating siya sa loob. May ni-fill up-an siya at kung anu-ano pa hanggang sa nakita kong ibinigay na sa kan'ya ang susi at dinala kami ng isang babae sa elevator. Hindi ko na nakita kung anong number ang floor dahil ipinikit ko na ang mata sa hilo na naramdaman nang magsimula nang umakyat ang elevator.

Pumasok kami sa loob ng isang kuwarto at doon pa lang ako nakaramdam ng ginhawa nang saw akas ay nakahiga na ako sa isang malambot, malaki, at maputing kama. Ginapang ko ang unan at ipinatong doon ang gilid ng ulo ko.

"You really drink like that with your friends?" I nodded. "Most of them are guys. Aren't you scared?"

"I've known them for years, get drunk for so many times, and they never did something wrong," I explained with closed eyes. "They are better than what you're thinking, Travis."

He chuckled before sitting on the other side of the bed. "I'm going crazy," he said.

"Bakit?" I asked, still with eyes closed.

"I love your voice, calling my name."

I smirked. "I heard that same line, Travis. You're never going to fool me with that."

"I am not trying to make a fool out of you. Whoever hurt you before, that you lost all the trust to everyone, even to yourself, is a complete asshole!"

I laughed. Hindi na ako sumagot. Ilang sandali lang ay naramdaman kong nahiga na siya sa tabi ko at binalot kaming dalawa ng kumot.

"Travis..." I called his name in my sleepy voice.

"Argh," I heard his frustrated sigh. "What, Mary?" he moved.

"I really did miss you," I said.

He chuckled. "I know. And I missed you too, damn much."

"Thank you for those euphoric days in Baguio. It's such a special moments of my life I could never, ever, forget, how much I tried."

I felt his palm on my face. "Don't forget, then. It was special to me too. No one made me feel that comfort you gave me there. It was only you that makes me...at ease. I would sacrifice everything just to have it back."

I sighed. "And I want you to know that... I am not sorry for leaving."

"What?"

His thumb brushed in my cheek. I held his hand on my face as I opened my eyes, I saw his face, few inches away from mine. I smiled at him.

"Ayaw kong maging rebound."

Umiling siya. "You never were... you're never a rebound to me."

"At ayaw ko rin na maging rebound kita."

He smirked. "I don't care, as long as I am with you."

"You deserved more than that," I told him. "You're a good man. You don't deserve to be treated like that. Umalis ako kasi alam kong may nararamdaman din akong kakaiba sa iyo, at alam kong hindi tama 'yon..."

"Mary..."

I smiled. "Natatakot akong baka overwhelmed lang din ako sa presence mo, kaya bago pa lumala ang lahat... umalis na ako. I can see that you're so happy with me, I am afraid to see that you'll lose that happiness once you realized that it wasn't really me that you want. Ayaw ko na nang hindi sigurado. Pagod na ako sa ganoon."

Remembering how Gian said that he's never sure of everything with me, back then, makes it so hard for me now with Travis. Ayaw ko na nang ganoon.

Umiling siya, kasabay ng pagsinghap niya. "Mary, hindi. Nandito nga ako, hindi ba? Hindi pa ba sapat na pruweba iyon, na totoo 'tong naramdaman ko at hindi panandaliang saya lang?"

I almost laughed at myself.

Ang kapal ng mukha kong sabihin sa kan'ya ito ngayon samantalang alam ko naman na ngayon sa sarili ko kung anong sagot.

"Hindi ba tayo magsisisi?" tanong ko.

He sighed. "Mas magsisisi tayo kung hindi natin sinubukan. Mary, please..."

I sighed. Hinawakan ko ang mukha niya, katulad ng ginawa niya.

"Do I deserve you?" I asked.

"You deserve better, but I will try to be the best...for you."

I chuckled. "I mean, do I deserve someone like you? Ito lang ako, oh. Simpleng tao lang ako. Hindi ka nagsasabi pero alam ko sa sarili kong mayaman ka."

"I'm just an employee like you, Mary. Don't say that."

"And you're... you're too good for me. Ang daming maganda d'yan. Hindi naman ako—"

Hindi ko na naituloy pa ang sinasabi ko nang maramdaman ko ang labi niya sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinalikan siya pabalik. Nangingilid ang luha ko sa dami ng nararamdaman ko. Kahit kailan ay hindi pa ako naiyak nang dahil sa saya, pero dahil sa kan'ya...nararanasan ko na iyon... at natatakot na ako.

"Talk about you, being not beautiful and I will really, really tie the knot for us," he said as the kiss broke.

Ipinatong niya ang noo niya sa akin, at nanatili ang mga mata niyang nakatitig sa labi ko. "Mary, I love you. I swear, I do. This is not just a temporary feelings I had in Baguio. I know that I really love you."

Tumango na lang ako bilang tugon, tinatanggap ang lahat ng sinabi niya. Ilang sandali pa ay muli niyang hinalikan ang labi ko, at wala na akong iba pang nagawa kung hindi ang halikan siya pabalik.

Kissing him now reminds me of the feelings I had the first time he kissed me. It was a magical moment of my life that I will never, ever, forget. Gaano man nakakahiyang makipaghalikan sa isang taong hindi ko naman kilala nang lubos ay hindi ko maitanggi na sobrang saya ko noong mga oras na iyon sa kan'ya.

At ngayong napapatunayan ko na ang mga pagkakamali sa isip ko, natatakot na ako lalo.

Hindi ba't masiyadong mabilis?

Nang kumalas ang labi niya sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit.

"Let's sleep, Mary. Good night."

I hugged him back as I closed my eyes.

***

Nagising ako kinabukasan sa amoy ng pagkain sa loob ng kuwarto. Nang magmulat ako ng mata ay nakita kong nasa isang suite room ako, at may pagkain sa tray na nasa gilid.

"Good morning," he greeted.

I smiled. "Good morning."

"Breakfast. Nagpa-deliver na lang ako, akala ko kasi ay mamaya ka pa gigising."

Ngumiti na lang ako at nagpasalamat. Sabay na kaming kumain ng agahan sa kama. Marami siyang tanong sa akin tungkol sa Zambales, kung saan pa magandang pumunta bukod sa Subic. Mukhang balak niyang magtagal dito, ah?

"Hindi ka pa uuwi?" tanong ko nang patapos na kaming kumain.

"Hindi pa," he shrugged. "One month ang leave ko, huwag kang mag-alala sa trabaho ko," he laughed.

Umirap ako sa kan'ya. "Eh 'di sana all."

Tumawa siya sa sinabi ko. Ilang sandali pa ay tumitig siya sa akin at ngumiti.

"I missed seeing you first thing in the morning," he chuckled. "I kind of imagined you were my wife back then."

Pinagtawanan ko siya. "Wife na hindi marunong magluto."

"I can cook. I'm a good cook, you never know," he winked at me.

Umirap na lang ako dahil nakaramdam ako ng kung anong kaba sa ginawa niyang pagkindat na iyon.

Nang matapos kumain ay niligpit niya na ang pinagkainan namin. Tiningnan ko ang sarili ko at nakitang naka-pants at blouse pa rin ako. Wala man lang akong dalang damit at alam kong amoy alak pa rin ako.

"Paano ako maliligo, wala akong dalang damit?" tanong ko habang tumatayo mula sa kama.

"Sige, ligo ka na, bibili muna ako ng damit natin," he laughed.

Nang lumabas na siya ay wala na akong nagawa pa. Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at nakitang wala namang kahit na anong text doon mula kay Mama. Siguro nga ay dahil naipagpaalam na ako ni Travis. Nag-text na lang ako at sinabi kong magkasama nga kami, baka sabihin pa, hindi ako nagti-text.

Ni-reply-an ko si Archie na nagpa-planong pumunta sa bahay ngayon kasama ang girlfriend niya.

Me:

Wala ako sa bahay, nasa subic ako

Archie:

De ikaw na nakipag-date

Pinagtawanan ko na lang siya sa reply ko, at hindi na ulit nag-reply pa. Sinaksak ko ang charger para i-charge ang cellphone ko bago kinuha ang bathrobe na nandoon at tuwalya, tsaka naligo sa bathroom.

Nang matapos maligo ay binalot ko ang sarili ko sa bathrobe at lumabas na ng bathroom. Nakita kong may dalawang paper bag doon, at mukhang nandoon ang mga damit ko. Kinuha ko iyon, saktong pagpasok niya ulit sa kuwarto.

Ngumiti ulit siya nang makita ako. "I also missed seeing you running from bathroom to your room, wearing your bath wear, back in Baguio."

I laughed. "Bumalik ka na nga lang ng Baguio. Puro ka Baguio!"

"I told you I don't want to come back in Baguio. You're not there."

Nagkibit-balikat ako bago pumasok ng bathroom para isuot ang mga damit. Nakita ko ang brassiere na may tag. Mukhang dinayo niya pa ang Duty Free sa Freeport Zone, ah? At talaga namang tama ang sukat ko, ah? Mukhang masiyado niyang pinag-aralan ang katawan ko para malaman ang tamang size ng dibdib ko!

Hindi ko alam kung mababastos ako o ano, pero natatawa na lang ako.

Isinuot ko na ang underwear at ngayon naman ay nakita kong may white short jumpsuit. Spaghetti strap pero may pa-off shoulder. Nakita ko pa sa loob na may sandals na itim doon na babagay sa damit.

Kumpletong-kumpleto naman si Sir.

Nang maisuot ko iyon ay nakita ko sa salamin na bagay naman sa akin kahit na masiydong balingkinitan ang katawan ko. Lumabas na ako ng bathroom. Pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko at napangiti.

"Bagay," he chuckled.

Nagkibit-balikat na lang ako bago pumunta sa dresser para i-blow dry ang buhok. Pumasok na siya ng bathroom at narinig kong nagsimula na siyang maligo. Tinanggal ko na muna ang salamin ko dahil nahihirapan akong mag-blower. Ilang sandali lang ay natuyo na ang buhok ko, kaya naman nag-ayos na ako.

Wala talaga akong plano sa kung saan kami pupunta ngayon, pero bahala na. Tutal ay may sasakyan naman siya, ubusin na namin ang gasolina niya! Iyon naman ang gusto niya, 'di ba? Ang gumala?

Patapos na akong mag-ayos nang lumabas siya ng bathroom, basang-basa pa ang buhok. Nakasuot siya ng V-neck shirt na may tatak na maliit lang sa gawing kaliwa, tapos ay shorts. Tumayo ako.

"Maupo ka rito, patutuyuin ko ang buhok mo," sabi ko habang isinasaksak ulit ang blower.

Ngiting-ngiti siyang naupo sa harap ng salamin. Tinutok ko ang blower sa buhok niya at in-on ito. Nagreklamo pa ang loko na mainit raw, natural! Paano matutuyo 'yun kung hindi mainit, 'di ba? Pasalamat pa nga siya't malakas ang aircon.

Nang matuyo na ang buhok niya ay tumayo na siya. Ako naman ay sinuklay ang mahaba kong buhok at tinapos na ang pag-aayos sa sarili ko bago ko isinuot ang salamin.

Tumingin ako kay Travis. "Tara na?"

Ngumiti siya bago lumapit sa akin. Tinanggal niya ang salamin na suot ko.

"I like seeing your eyes."

Napakunot ako ng noo. "Tigilan mo nga ako, ang pangit pangit, eh."

He chuckled. "Wala namang maganda sa sarili mo para sa 'yo, eh."

Napangiti na lang ako at nag-iwas ng tingin. Kinuha ko na ang maliit kong backpack, at ang paper bag na naglalaman ng mga damit na suot ko kahapon tsaka lumabas na.

"Where are you going to take me?" he asked as he held my hand.

Napatingin ako ro'n. "Saan mo ba gusto?" lumabas na kami ng hotel room at pinagsalikop niya ang daliri ng mga kamay namin. "Why are you holding my hand, I'm not your girlfriend."

He chuckled. "You will be."

Tinawanan ko na lang siya bago pumasok kami sa elevator. Inihatid kami nito sa ground floor at nagbayad sa lobby ng stay namin. Pagkatapos no'n ay lumabas na kami at pumunta sa parking lot.

המשך קריאה

You'll Also Like

748K 13.1K 31
Forced to live under the same roof with her monster for a mother-in-law, Georgina finds herself stuck amidst complications and lies. With her trying...
7.3K 227 5
It all started with that site where you get to talk with strangers.
416K 4.5K 9
The romance writer meets his heartless match. Sa dinami-rami ng babaeng nagkandarapa sa kanya, mai-in love na lang siya, sa bitter pa. Sa dinami-rami...