Unlabeled [Baguio Series #1]

By marisswrites

41K 2.1K 768

ā€¢ Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL ā€¢ Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is... More

Unlabeled
Introduction
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
43
44
45
46
47
48
49
50
Finale
ACKNOWLEDGEMENT & FAQs
Special Chapter: Unrecognized

42

485 32 11
By marisswrites

     

Nang mag-weekend ay walang pasok sa opisina. Nakakatuwa lang na kahit nasa probinsiya ako ay nakakuha ako ng trabaho na ganoon dahil mas madalas ang ganoon sa Manila kaysa dito. Nag-try akong mag-apply doon at nakapasa naman ng interview, noong hindi pa ako nagta-trabaho sa store. Pero mas naging praktikal lang ako na, kapag nandito ako sa Zambales ay wala akong bahay na babayaran, at matitikman ko pa ang mga luto ni Mama.

Mamayang gabi ay may lakad kami ng mga dati kong katrabaho sa store dahil payday nila. Lagi nila akong iniimbitahan kaya naman kahit ang mga bagong on-probation employees ay kilala ako.

Katatapos ko lang kumain ng miryenda, at kagagaling lang dito ni Travis. Pinauwi ko lang dahil sabi ko ay may kailangan akong kausapin. Tumatawag kasi kanina si Tori at hindi ko nasagot dahil kinakalkal ni Travis ang gallery ko noong nasa Baguio pa ako. Baka may sasabihin.

Knowing Tori, kapag tumawag 'yon, kailangan ilaan mo ang, at least, one hour ng araw mo.

"I'll be back."

"Aalis ako mamayang gabi," sabi ko nang maihatid siya sa sasakyan niya.

"Sama ako," he said.

I chuckled. "Bukas na lang tayo magkita. Ipapasyal kita sa Subic."

"Really?" his eyes were excited. I laughed. "I'll pick you up very early so we can be together all day."

Natatawa akong tumango na lang bago kumaway na sa kan'ya. Pumasok na ako sa loob at isinarado ang gate hanggang sa narinig ko na ang pag-alis ng sasakyan niya. Nakasalubong ko pa si Mama na nanggaling sa loob ng bahay, mukhang maglalabas ng basura.

"Mukhang seryosong-seryoso ang batang 'yon, ah?" nakangising sabi ni Mama. "Boto ako r'yan."

Umirap ako. "Titigil nga din 'yon! Wala pang isang linggo, 'Ma. Magsasawa rin 'yan."

Tinawanan na lang niya ako bago tuluyang inilabas ang mga basura. Pumasok ako sa loob at umakyat papunta sa kuwarto ko. Ni-lock ko ang pintuan at tinawagan si Tori. Mabilis niya itong sinagot.

"Finally, you answered! I hate you, kanina pa ako tawag nang tawag!"

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at tinanggal ang salamin na suot. "Hindi ko hawak ang cellphone ko kanina."

"But you declined! Kaya lang ako tumigil tumawag kasi pinatay mo. Akala ko ay busy ka kahit na alam ko namang day off mo!"

I laughed. Nakakatawa talaga 'tong si Tori. Akala mo naman ay napakatagal na naming magkakilala dahil sobrang close niya sa akin, at nakakatuwa 'yon. I don't mean to discriminate but she's rich to be friends with a commoner like me. I'm happy she's not like anybody else I know.

"Hindi ako 'yon."

"Sino? Boyfriend?Aww, wala na bang pag-asa 'yung na-meet mo sa Baguio?! Well, wala akong pakialam kay fucking Gian because he doesn't deserve you, but I think, that the other Baguio guy deserves you."

Natawa ako. Hindi ko pa nga pala naikuwento sa kan'ya na natupad ang pinagdarasal niyang magkita kami.

"Tori, he's here."

"Sino? Gian? Of course he's there! D'yan siya nagwo-work, eh."

I chuckled. "I mean, si Travis. The never have I ever guy."

Ilang saglit siyang tumahimik bago tumili. "Omg! Really?! I'm so happy, my prayers were answered!!!"

Ang dami niya pang sinabi na sobrang saya niya raw dahil doon, na worth it daw ang lahat ng pagpi-pray niya na magkita kami, at kung anu-ano pa. Ikinuwento ko na lang sa kan'ya ang lahat lahat simula noong magkita ulit kami.

"Really, ngayon mo sabihing hindi totoo ang naramdaman niya sa 'yo sa Baguio! That guy really did the research on finding you for those seven months! Ikaw, nagmana ka yata kay Gian, g-in-host mo 'yung tao! Hay nako, makakatikim talaga sa akin ng masasakit na salita ang kaibigan ni Maverick!"

I sighed, slightly chuckling. "Titigil din 'yon."

"I bet not," she chuckled. "Anyway, noong minsan pala ay umuwi rito si Gian at nakipagkita sa akin. You two talked daw?"

Muli kong naalala ang huling pag-uusap namin ni Gian. Hindi ko na siya ulit nakita pero nakikita ko siya sa notification ng Facebook ko na nagre-react sa posts ko, at nagli-like sa Instagram. He's even viewing my IG stories kahit an kung anu-ano lang naman ang inilalagay ko ro'n.

I've never heard from him anymore, after that. What happened to him?

"Ahh, oo," I answered. "Well, he's saying sorry. And he wants me back."

Humagalpak ng tawa si Tori sa sinabi ko. "Ikinuwento nga niya sa akin! Alam mo bang pinagtawanan ko siya? Sabi ko sa kan'ya, do you really think you still deserve Mary after that? And he fucking cried!" muli ay humagalpak siya ng tawa. "Sobrang lasing na kasi niya tapos kinuwento niya nga 'yon. Alam niya namang wala siyang maririnig na magandang salita sa akin dahil doon sa ginawa niya! The nerve of that guy!" he laughed again.

"Tama na 'yan, hayaan mo siya," I sighed. "Nag-aalala din ako ro'n kasi noong nag-usap kami, sinuntok siya ng best friend ko. Of course, our best friends are the one who will never move on from the pain that someone imposed to us. Kahit naman okay na ako sa ginawa ni Gian at ready na akong maging friend niya, Archie will never forget that. Nakita raw niya ang naging epekto sa akin and he hates it."

Tori sighed. "Ang sarap magkaroon ng gan'yang friend. I have friends too but some of them are younger than me, I swear. They have band and we only saw each other when we go to bar. Mga ganoon lang. And I have guy friends also but they always try to hit on me. I don't like that. I'm glad you found a guy friend with no malicious intentions to you."

I chuckled. "Archie is not that type of a guy. He's a good man. At sino pa bang magkakaroon ng masamang intensiyon sa akin? I'm not pretty, though."

"You're pretty. You're just too clouded with your negative thoughts that your eyes and mind are both focused on the negative things you see, when there are a lot positive things about you. I hope you'll see what we saw in you soon."

I smiled. "Thank you. Sana magkabalikan na kayo ni Maverick."

She chuckled. "Hindi na muna. Na-realize ko lang from Gian that this breakup thing is the best for us. Saka na lang kami magbalikan kapag kaya na naming piliin ang isa't-isa," she laughed. "And I am happy, okay? Don't mind me. Makiki-kilig na muna ako sa lovelife niyo, and it's enough for me for now."

"So, close pala kayo ni Gian? Mabuti at hindi ka pinopormahan niyan." I laughed.

Humagalpak siya ng tawa. "No way! Hindi namin type ang isa't-isa. At siyempre, naging boyfriend ko ang tropa niya. Gian's just someone I always talk to about some things, you know. George is, also. Mabuti nga at hindi selosa ang girlfriend no'n. I want to meet her too. Sana magkaroon tayo ng time na tatlo, 'no?" she chuckled. "It would be great, I think."

Muli ay nagkaroon siya ng napakaraming kuwento. Natapos lang iyon noong nagpaalam ako na kailangan kong gumayak na kasi may pupuntahan ako. Gagawa pa rin daw siya ng school works so we ended the call.

Trevor picked me up from my house with Sir Lawrence's car. Nandoon na raw kasi sila at ako na lang ang wala.

"Ganda mo yata ngayon?" nakangising sabi ni Trevor nang magsimula na siyang mag-drive.

"Wala akong pera, hindi ko araw ng sweldo ngayon."

Pinagtawanan niya lang ako. "Nakaka-proud ka, hindi ka na umiiyak sa inuman."

Hinampas ko lang siya nang hinampas dahil sa kahihiyan habang nagtatawanan kaming dalawa, hanggang sa makarating na kami sa restaurant. Pumasok kami sa isang VIP room kung saan naroon ang mahabang table at nakita kong kumakain na nga sila ro'n.

"Oh, Mary!!!" bati sa akin ni Sir Lawrence habang may hawak ng manok.

Tumawa ako at lumapit sa kan'ya. Niyakap niya ako at ganoon din ako sa kan'ya. Nakipagyakap na rin ako sa ibang mga nandoon, at siyempre, ang kaibigan kong si Neil na tumataba na ngayon.

"Kumusta sa opisina?" bati niya sa akin.

"Okay lang, ganoon pa rin."

"Ako sumundo sa 'yo tapos hindi mo 'ko ni-hug," sabi ni Trevor sa nagtatampong tono.

Tumingin ako sa kan'ya at lumapit, tsaka niyakap. Niyakap niya ako pabalik at nag-sway sway pa kaming dalawa. "Okay na?"

Tumawa siya tsaka ginulo ang buhok ko. Hinila niya ang isang upuan at doon ako pinaupo. Nagsimula na kaming kumain ng napakaraming manok.

"Ano? Kumusta puso?" tanong ni Ate Flor sa akin.

Hindi siya nakasama last time na sumama ako, kaya siya ang nagtatanong-tanong sa akin. Kumakanta si Drixon sa videoke.

"Kundiman tayo hanggang dulo, 'wag mong kalimutan..."

Nagkibit ako ng balikat. "Magaling na magaling naman na," I chuckled before biting my fried chicken.

"Naku, balita ko ay may umaaligid sa 'yo ngayon!" sabi ni Dustin.

"Nandito lang ako, laging umaalalay... hindi ako lalayo..."

Nanlaki ang mga mata ko bago tumingin sa katabi kong si Neil. Ngumiwi siya sa akin,

"Sorry, nakuwento kasi sa akin ni Archie," natatawang sabi niya.

Napailing na lang ako bago inubos ang natitirang laman ng manok.

"Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw..."

"Wala 'yon."

Naghiyawan sila, dahilan para magulat ako, at matawa ang kumakanta sa videoke. Hindi ko na pinansin pa ang pang-aasar nila sa akin at tinuloy na ang pagkain.

"Huwag ka na kay Gian!"

"Oo nga. Doon ka naman sa mas guwapo sa akin, Mary!" sabi ni Trevor na pinagtawanan ko.

"Guwapo kaya si Gian!"

"Sir, tingnan mo, pinagtatanggol pa!" pagsusumbong niya kay Sir Lawrence na pinagtawanan naming lahat.

"Hindi ko pinagtatanggol! Sinasabi ko lang ang totoo," I laughed. Inirapan niya ako.

"Basta dapat, mas guwapo sa akin ang magiging boyfriend mo para naman manghinayang ka, Mary, kung sakali!"

Tumawa ako sa sinabi ni Trevor bago uminom ng tubig na inilagay niya sa baso ko.

"Oo na," I burped, he laughed. "Pero wala talaga 'yon. He's just someone I met in my trip alone in Baguio, so I don't think it matters. It didn't matter to me so I never told anyone anymore."

He sighed before brushing my hair.

"Kahit sino pa 'yan, ang mahalaga ay sumaya ka. Bunso ka kaya namin dito kahit mas matanda ka sa iba." Sabi ni Sir Lawrence na nagpakilig sa akin.

"Thank you."

Nagsimula na ang inuman namin at kahit naman hindi ko subukang malasing ay nilalasing talaga nila ako dahil nami-miss na raw nila ang libreng lugaw ko.

"Umiyak ka nga ulit!" sabi ni Ate Chelsea nang natatawa.

Tumawa ako. "Okay na nga ako, Ate!" I laughed. "Ayaw niyo ba 'yon?"

"Hindi ah! Okay nga 'yang okay ka na! Nakaka-miss lang kapag naalala namin 'yung mga araw na iyak ka nang iyak sa gitna ng inuman," sabi ni Ate Flor.

"Mary," lumingon ako kay Sir Lawrence. "Basta tandaan mo 'yung sinabi ko noon, ah? Hindi sagot ang alak sa problema, kaya huwag mo nang hayaan na bumalik ka sa dating ikaw."

I laughed. "Yes po. Thank you, Sir Lawrence."

Ngumiti siya. "Kuya na lang ang itawag mo sa akin. Wala ka naman na sa trabaho."

Noon niya pa sinasabi sa akin ito pero hindi ko talaga magawa.

"Nasanay na kasi ako!" I laughed. "O sige na nga, Kuya Lawrence," nag-init ang mukha ko sa naramdamang hiya.

"Ang cute," natatawa-tawa niyang sabi.

Nagtuloy pa ang inuman namin hanggang sa inabot na kami ng alas dose. Nararamdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko kanina pa. Ngayon ko lang tiningnan kung sino 'yon.

Travis calling...

"Pogi naman niyan, Frenny..."

Napalingon ako kay Neil na nakasilip pala sa cellphone ko. Nilagyan kasi ni Travis ang contact number niya ng picture! Nakakainis talaga 'yon, lahat na lang!

"'Yan ba 'yung kinukuwento sa amin ni Neil?" tanong ni Trevor.

Tumawa ako at hindi na sinagot ang tawag. "Oo."

"Bakit hindi mo sinagot?"

"Mangungulit lang 'to."

Nagtuloy lang ang inuman at nakaramdam na ako ng lasing. Sabi ni Sir Lawrence ay ihahatid niya kami sa kani-kanilang bahay, tulad ng palagi niyang ginagawa, kaya hindi na ako nag-alangang magpakalasing na rin.

Ala-una nang hindi ko na talaga nakayanan ang kalasingan. Ipinatong ko ang ulo sa table at ipinikit ang mga mata.

"Nahihilo na ako," sabi ko kahit na alam kong hindi nila maririnig dahil sa ingay nila at ng kumakanta sa videoke.

Wala na akong maintindihan dahil sabay-sabay silang nagsasalita! Ang ingay pa ng videoke na hindi na kumakanta ngayon kung hindi isinisigaw ang liriko.

Muli ay nag-vibrate ang cellphone sa bulsa ko kaya naman kinuha ko iyon at sinagot nang hindi tinitingnan ang tumatawag.

"Hello..." I said in a drunken voice.

"Where are you? Hindi mo sinasagot ang tawag at text ko."

It was Travis. I smiled.

"I'm in a party with my friends. It's rude to talk to someone else when they missed me like this."

He sighed. "Where are you? I'll go to you."

"Ihahatid ako sa bahay, you don't have to worry. Thank you."

"No. I'll pick you up. Where are you?"

Nagbuntonghininga ako at sinabi na sa kan'ya ang pangalan ng restaurant at kung nasaan iyon. Nang sinabi niyang pupunta na siya ay ibinaba ko na ang tawag.

"Nagpasundo yata si Mommy Mary sa jowa niya," sabi ni Dustin nang tumatawa.

Iniangat ko ang ulo ko at kahit na malabo ay nakita ko siyang nasa tabi ko habang si Trevor ay nasa harap ng videoke at kumakanta nang malakas.

"Ihahatid naman kita, hindi ka na sana nagpasundo," sabi ni Sir Lawrence.

"Ayaw pumayag," sabi ko nang namumungay ang mga mata.

Kitang-kita ko ang magagandang ngiti nila sa akin ngayon at hindi ko na iyon pinansin. Ipinikit ko na ang mga mata ko at hindi na tumanggap ng panibagong shot dahil talagang lasing na ako.

Ilang sandali pa ay narinig kong medyo nagkagulo sila, hanggang sa may tumatapik na ng pisngi ko. Bahagya kong iminulat ang pisngi ko, at automatic na napangiti nang makita ko si Travis.

"Hi," he said.

Ngumiti ako bilang tugon. Ilang sandali pa ay binuhat niya ako at narinig ang magalang na pagpapaalam niya sa mga trabaho ko, habang naghihiyawan pa ang iba.

Tuluyan na kaming nakalabas ng restaurant hanggang sa naramdaman kong nasa loob na kami ng sasakyan niya.

_____

Continue Reading

You'll Also Like

170K 4.7K 25
His game is already over. Will she play again? | Ā©ļø2016 - Cover made through CANVA
3.7M 74.1K 67
|| Published under PSICOM || Tamara didn't want her husband to know that the day he married her was also the same day she was diagnosed with cancer. ...
883K 40K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
131K 9.3K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...