Unlabeled [Baguio Series #1]

By marisswrites

39.1K 2.1K 764

β€’ Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL β€’ Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is... More

Unlabeled
Introduction
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Finale
ACKNOWLEDGEMENT & FAQs
Special Chapter: Unrecognized

40

504 38 19
By marisswrites

     

Madilim na nang huminto siya sa zigzag road ng Subic kung saan makikita ang overlooking ng Zambales. Alam ko namang kahit na huminto kami rito ay hindi rin ako makakalabas dahil naka-lock ang mga pinto. Sobrang bagal ng pagdi-drive niya, na tinakbo yata namin nang mahigit isang oras ang Olongapo at Subic kahit na hindi naman ganoon kalayo.

Hindi naman siya nagsasalita. Hindi ko rin siya kayang tingnan dahil natatakot ako sa kung anong puwede kong makita...at maramdaman.

"Kumusta?" I asked, looking outside the window. "It's been a while."

I imagined him smirked. "You're serious about that?"

Nakaramdam ako ng kaba nang muli ay marinig ko ang boses niya. I gulped before looking at him. I smiled at him nervously.

"Uhm, w-why?"

Nag-iwas siya ng tingin na mabilis ding ibinalik sa akin ang mas galit at seryosong tingin ngayon. "You left without a fucking word, and you forbid everyone to tell me where the fuck you are. And now you're asking me...kumusta?" he scoffed. "You're a damn cruel woman. I can't believe you."

Nangilid ang mga luha ko nang marinig kung gaano siya ka-galit sa akin ngayon, pero gayunpaman, wala akong pinagsisisihan sa lahat. Sumandal ako nang mabuti at itinuon ang atensiyon sa daan.

"You're the one who suggested me to go on until the end or forget everything like nothing happened in Baguio," I smiled. "I chose to forget."

"But I chose to go on!" he said, frustrated, that made me jump on my seat. "I chose to go on, I told you that!"

Umiling ako at ngumiti. "Mali ang desisyon mo kung ganoon."

"No!"

Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at hinarap sa kan'ya, dahilan para magwala ang puso ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kan'ya, ngayong magkaharap na kami.

"Wala kang alam sa nararamdaman ko, Mary," he said in his low voice. "Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko noong mga panahong kasama kita. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali...bakit mo ako iniwan bigla. Masaya naman tayo, ah? Masayang-masaya naman tayo no'n, alam ko..."

His voice broke and it makes my heart ache a lot. Nag-init ang sulok ng mga mata ko.

"Mahal mo pa ba 'yung naging dahilan ng pagpunta mo ro'n? Huh? Nagkaayos na ba kayo?" I heard him heave a deep sigh. Umiling ako. "Then come to me..."

I sighed as I felt something in my throat that makes me want to cry. "Travis..."

Narinig ko kung paano niya hinigit ang hininga niya nang tawagin ko ang pangalan niya.

"Mary...I still don't know why you left me."

Umiling ako. "We're not fine in Baguio."

"But I am!"

"You're not."

"Wala kang alam sa nararamdaman ko, Mary. Hindi ikaw ang nakaramdam ng lahat ng naramdaman ko doon, kung hindi ako. Ako ang nakaramdam kung gaano ako kasaya noon sa 'yo. Ako ang nakaramdam ng... ng pagmamahal."

Tinanggal ko ang mga kamay niyang nakahawak sa akin. "Naramdaman mo lang 'yon dahil mahina ka nung mga oras na 'yon. Kagagaling mo lang sa breakup, hindi ba? You were sensitive and fragile when you're hurting. You just misinterpret your feelings into something. You're just overwhelmed—you're not really happy and in love. You're longing for someone's attention...presence. It just so happened that I was there. And if ever that it wasn't me who's there, you've probably felt the same."

Lumunok siya at umiwas ng tingin. Sunud-sunod siyang nagbuntonghininga bago muling tumingin sa akin.

"Palagi mo na lang sinasabi 'yan, pero iba naman ang nakikita ko sa 'yo ngayon," he said as his eyes pierced right through me. "If you believe that, okay then. But I believe that—"

"Travis..." I called his name. "Just stop. Bakit ba nagpunta ka pa rito? Paano mo nalaman kung nasaan ako nagta-trabaho? Ang tagal tagal na no'n, sana kinalimutan mo na lang!"

Umiling siya nang paulit-ulit, bago kinuha ang dalawang kamay ko at hinawakan iyon. Muling nagwala ang puso ko nang maalala kung paano niya hawakan nang matagal ang kamay ko sa pampublikong lugar.

I missed him...

"Hindi mo nga nagawang kalimutan, kaya bakit ko kakalimutan, Mary?"

Lalo akong nag-iwas ng tingin sa sinabi niya.

"Kung gusto mong kalimutan, sige, kalimutan mo. Kung magagawa mo, sige, kalimutan mo. Pero huwag mo namang diktahan ang nararamdaman ko kasi malayong-malayo ang sinasabi mo sa kung ano talaga ang nararamdaman ko," he said in his sincerest voice I've ever heard.

Napayuko ako at tuluyan nang naiyak. Why is he like this? Anong mapapala niya sa akin? Wala. Nagsasayang lang siya ng oras.

"Mary, hinding-hindi ka na ulit puwedeng umalis nang hindi nagsasabi. At kung sakaling uulitin mo ulit 'yon..." he pulled me closer. "Pakakasalan na kita."

Lalo akong umiyak sa huling sinabi niya, hindi dahil natakot ako, o kung ano pa man. He was the only guy who has ever opened up about that thing to me, and I don't know what to feel right now. But to top everything, I am very... very scared of myself now.

He slightly moved away as he cupped my face, wiping my tears on my cheeks.

"Hindi ka na makakawala... ngayong alam kong... hindi lang ako ang hindi lumimot."

Yumuko ako pero muli niya lang iniangat ang mukha ko at hinalikan ang labi ko. Sa kabila ng lahat ng iyak ko ay naramdaman ko pa rin ang saya ngayong kasama ko siya. Sa kabila ng lahat ng iyak ko ay hindi nakatakas sa akin ang kung anong sumabog sa dibdib ko matapos dumampi ang labi niya.

Mabilis lang din ay binitiwan niya ang labi ko at hinalikan ako sa noo, tsaka ako niyakap.

"I'm here now," he whispered. "And always will be."

When I was calmed down, he drove to the nearest restaurant so we could have our dinner together. Hindi na ako nagsalita pa matapos naming mag-usap kanina dahil wala na akong balak pang sabihin. Wala naman na akong dapat sabihin dahil nasabi ko na ang sa tingin ko'y totoo.

Naniniwala pa rin ako na wala lang ang lahat ng nangyari sa Baguio. Hindi ko alam kung bakit hinanap niya pa ako dito nang dahil lang sa ilang araw na saya na pinagsamahan namin doon.

9:25 PM na nang umalis kami ng restaurant.

"Uuwi na ako."

Tumango siya. "Okay. I'll see you again tomorrow," he said as he started driving again.

Lumingon ako sa sinabi niyang iyon. "What do you mean?"

Lumingon siya sa akin at umismid. "Akala mo ba nagbibiro ako sa lahat ng sinabi ko kanina?" kunot-noo niyang tanong. "Hindi ko na hahayaang mawawala ka ulit sa akin, Mary. May salita man o wala, hindi na kita pakakawalan."

Napaawang ako ng bibig bago inilipat ang tingin sa daan. Ano bang sinasabi niya? Hindi nga niya ako kilala, bakit siya ganito sa akin? At saan siya tutuloy kung sakali man? Hindi ko nga alam kung taga saan siya, eh.

"S-Saan ka tutuloy niyan? Umuwi ka na sa inyo."

He smirked. "Uuwi lang ako kapag sigurado na akong sa akin ka, umalis man ako dito nang ilang ulit."

Muli ay napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ano bang nangyayari dito?

"Travis—"

"Shh," he shushed me. "Don't talk. Walang lumalabas na maganda sa bibig mo."

Napasandal na lang ako sa sandalan at hindi na nga nagsalita. Ilang sandali lang ay nakita ko siyang nag-drive papasok sa kanto kung saan ako nakatira. Paano niya nalaman?!

"Paano mo nalaman?"

He smirked but he never answered. Huminto na lang siya sa harap ng gate ng bahay namin. Tinanggal ko na ang seatbelt habang siya naman ay pinagbuksan ako. Lumabas na ako ng sasakyan niya.

"Sige na, papasok na ako," I said.

Tumango siya. "Okay. Good night, Mary."

Tumango ako. "Good night. Ingat sa pagdi-drive."

Bubuksan ko na sana ang gate nang makita ko si Archie at Mama na lumalabas ng bahay. Mabilis kong hinila si Travis at pilit na pinapasok sa loob ng sasakyan.

"Bakit?" nagtataka niyang tanong.

"Basta! Umalis ka na!"

Nakasakay na siya sa driver's seat. Isinarado ko na ang pintuan ng driver's seat tsaka siya kinawayan. Binuksan ko ang gate at papasok na sana nang lumabas mula ro'n si Archie at Mama.

"Saan ka nanggaling?" tanong ni Mama. "Kanina ka pa inaantay nitong si Archie."

Tumingin ako kay Archie at nakita ko siyang nakatingin sa likod ko. Lumingon ako ro'n at napaawang ang bibig, kasabay ng pagkabog ng dibdib ko nang makitang nasa labas na naman pala si Travis!

"Pumasok na tayo!"

Hinila ko si Mama at Archie papasok sa loob ng bahay pero tumikhim si Travis, dahilan para mapahinto kami.

"Magandang gabi po, Ma'am," pagbati niya rito. Tumingin lang siya kay Archie.

"Magandang gabi rin. Kaibigan ka ni Mary?" tanong ni Mama.

"Oo, Mama, kaibigan ko lang po 'yan. Tara na po, aalis na 'yan!"

"Uhm, opo, kaso gusto ko po ang anak niyo. Okay lang po ba 'yon? Gusto ko ho sana siyang ligawan."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig mula kay Travis. Bakit niya sinabi 'yon?! Seseryosohin 'yon ng mga magulang ko!

"Ganoon ba?" bahagyang tumawa si Mama, habang si Archie ay nakatingin lang kay Travis, mukhang kinikilala. "Gusto mo bang pumasok muna? Nagluto ako ng miryenda."

"Talaga po? Sige po," masayang sagot ni Travis.

Napabuntonghininga ako bago naunang pumasok sa kanila. Nakita ko pa ang masamang tingin sa akin ni Mama na nag-aakusa bago ako tuluyang pumasok.

Ano bang iniisip ni Travis? Akala niya ba ay totoo 'yang nararamdaman niya? Nadadala lang 'yan sa kalungkutan niya kaya akala niya ay nagmamahal ulit siya! Sigurado ako na balang-araw ay titigil din ito at ipapahiya niya lang ang sarili niya sa pamilya ko!

Nang tuluyang makapasok ay nakita ko ang pagtataka kay Papa at Ate nang makitang may iba kaming kasama. Iniwan ko na sila ro'n at umakyat na papunta sa kuwarto ko.

Bahala sila d'yan. Hindi ko sila bababain!

Naligo na ako sa kuwarto ko at nagbihis ng pantulog. Bahala talaga sila d'yan! Sila ang nag-imbita kaya sila na ang bahalang mag-entertain d'yan!

May isang oras na yata ang nagdaan nang may kumatok sa kuwarto ko. Pinagbuksan ko iyon. Nakita ko si Ate.

"Uuwi na yata ang manliligaw mo, ihatid mo na sa labas." Bakas na bakas ang pang-aasar sa ngisi ni Ate.

Umirap lang ako. "Huwag nga kayong maniwala ro'n!"

Nagsuot ako ng jacket dahil manipis ang pantulog na suot ko at lumabas ng kuwarto ko tsaka bumaba. Nakita ko na kinakausap na ni Travis si Papa at paulit-ulit itong yumuyuko na parang sumasang-ayon sa sinasabi ni Papa.

"Oh, nandito na pala si Mary. Ihatid mo na siya sa labas," sabi ni Mama.

Tumango na lang ako at lumapit kay Travis. Sinenyasan ko siyang sumunod na sa akin dahil kapag nagtagal pa siya ay talagang maiinis na ako. Nang tuluyan kaming makalabas sa gate at maiwan nang kaming dalawa na lang ay nagbuga ako ng buntonghininga.

"Bakit mo ginawa 'yon?" naiinis na sabi ko.

Tumingin siya nang nagtataka sa akin. "Alin? Ipakilala ang sarili ko sa pamilya mo bilang manliligaw? Wala namang mali ro'n."

I sighed. "May mali kasi mali 'yang nararamdaman mo!" nakita ko na nagbago na naman ang itsura niya sa sinabi ko. "Travis, mali ang akala mo d'yan sa nararamdaman mo. Hindi mo ako gusto. Mali ang akala mo."

Tumingin siya sa paligid, maging ako, at nakita ko sa bintana sila Mama na mukhang nanonood sa amin. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at paghila papunta sa shotgun seat, tsaka ako pinasakay ro'n. Umikot siya at sumakay sa driver's seat, at nagsimulang mag-drive palabas.

Bahagya lang kaming lumayo sa kantong iyon, tsaka siya huminto sa pagmamaneho.

"Mary, hindi ko nagugustuhan sa tuwing sinasabi mo 'yan. Bakit ba kung makapagsalita ka ay parang kilalang-kilala mo ako at parang alam mo kung anong nararamdaman ko?"

Lumingon ako sa kan'ya at nakita ko na diretso lang ang tingin niya sa daan.

"Hindi tulad ng iniisip mo kung ano man ang nararamdaman ko," he looked at me. "Pitong buwan na ang nagdaan, sa tingin mo ba ay biro pa rin itong nararamdaman ko? Sa loob ng pitong buwan na 'yon, hinanap kita gamit lang ang kaisa-isang bagay na alam ko sa 'yo. Ang Mary na pangalan mo. At ngayong nahanap na kita, sobrang saya ko."

He sighed. "Sa nararamdaman ko ngayong kasama kita, hinding-hindi mo ako makukumbinsi na katulad nga ng sinasabi mo ang nararamdaman ko."

I looked away. "Ano pa ba ang kailangan mo? Hindi pa ba sapat 'yung ilang araw doon?" I sighed. "Kasi ako, ayaw ko nang bumalik sa mga araw na 'yon. Ayaw ko na."

"Bakit?" I didn't answer. "Why are you stopping yourself of the things that you want to feel?"

Lumingon ako sa kan'ya nang may kunot-noo. "What do you mean?"

"Back in the days when we are in Baguio, I know that you were happy with me too. Alam ko 'yun...naramdaman ko... nakita ko. Kaya kahit na anong sabihin mo ngayon na salungat sa kung ano ang nakita at naramdaman ko noon, hinding-hindi mo ako mapapaniwala."

Isinandal ko ang ulo ko sa headrest at ipinikit ang mga mata.

"I can't believe you," I said. "I can never believe you."

"Why?"

I opened my eyes and saw my reflection on the side mirror. "Ang daming maganda d'yan kumpara sa akin. Ang pangit pangit ko. Why are you wasting your time on me?"

He scoffed. "You don't believe of the beauty that resides in you? Mary, don't be like that. For a short period of time that I get to hang out with you, I already saw the beauty you carries, and I always see it—even tonight. It shines more...and it shines the most as time goes by, so don't you ever doubt my feelings for you just because you think yourself to be an unattractive person."

Napalunok ako at naramdaman ang pag-init ng sulok ng mga mata. I remembered how Gian offered me to lift my self-confidence. He lifted it up, yes. But he quickly took it away just when I was having fun with the confidence he gave me.

And now, here we are again...but with a different person.

I'm just afraid that he's like Gian. Paano kung hindi naman pala siya sigurado sa nararamdaman niya? What we shared in Baguio was just temporary happiness... temporary affection... temporary feelings. Paano ako makakasigurado na sigurado nga siya? Ako nga ay siguradong wala lang iyon...

Wala lang iyon, Mary... tapos na iyon...

"Seven months of searching is worth it," he took my hand and intertwined our fingers. I looked at it and my eyes started heating as I remembered the days I had with him in Baguio. "I'll never let this one go anymore, whatever happens."

Lumingon ako sa kan'ya at nakitang nakatingin siya, nakangiti sa akin.

"Why?"

"I've finally found someone I wanted to spend my whole life with."

_____

Dedicated to NerissahMoritcho! Thank you so much for voting the previous chapters on Unlabeled!

Sorry, hindi ako naka-update kaninang 1:00 AM hahahaha nakalimutan ko. Anyway, bawi ako.


-mari 🌻

Continue Reading

You'll Also Like

748K 13.1K 31
Forced to live under the same roof with her monster for a mother-in-law, Georgina finds herself stuck amidst complications and lies. With her trying...
6.9K 274 37
Dubbed the 'Ice Queen of Southeast Asia', Isla Lorenzo's dream is to become the first-ever Filipino figure skater to win the gold medal in the Winter...
7.3K 227 5
It all started with that site where you get to talk with strangers.
7.5M 101K 49
Shinessa knows that Helix is worth the fight―until she discovers that he's dying soon. Now faced with a difficult situation, can Shin overcome her wo...