Unlabeled [Baguio Series #1]

By marisswrites

39.1K 2.1K 764

β€’ Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL β€’ Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is... More

Unlabeled
Introduction
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Finale
ACKNOWLEDGEMENT & FAQs
Special Chapter: Unrecognized

39

473 45 16
By marisswrites

     

Weeks went by, hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin ang naging interaksiyon namin ni Gian. Hindi ko na talaga kayang bumalik sa kan'ya kahit na alam ko naman sa sarili ko na may katiting na nararamdaman pa rin sa puso ko para sa kan'ya.

I just don't want to be involved with him anymore.

I still cared, actually. But I don't really care that much anymore. If he'll apologize to what he did to me, I think I might forgive him and we can be friends, since I think I'm already fine... moved on... that what happened in the past needs to happen for the both of us to learn from it.

Tori, on the other hand, constantly talk to me. Sinabi ko na sa kan'ya ang totoo na alam kong magkakilala sila ni Gian at tawa siya nang tawa dahil sa kahihiyang naramdaman dahil sa pagkikita namin sa Baguio.

Baguio really gave me friends. So I think, it's not really bad that everything happened, right?

"Isang taon na lang akong mag-aaral, Mary! We'll see each other after that," Tori said on the other line.

"Shall I go to Baguio?"

No," she said. "I want to go to Zambales, para hindi lang si fucking Gian ang nakakaranas ng ganda ng lugar mo."

Natatawa talaga ako kapag tinatawag niya nang ganoon si Gian. They are friends, so they are really close. Nagalit pa pala siya kay Gian dahil sa ginawa niya, but, since it already happened at hindi na niya napigilan, wala na siyang magawa.

"Okay, sabihan mo ako. Para makapag-file ako ng VL."

Ilang sandali pa ay tumawa siya. "Alam mo ba once, I saw you here in Baguio, may kasama. Hindi ko na binanggit sa 'yo noong nakaraan dahil matagal na, but you look happy with him. I just remember because you really don't deserve someone like Gian."

Bahagya ay napangiti na lang ako nang maalala ang lalaking iyon. Kumusta na kaya siya?

"He's just someone I met there. He went alone in Baguio too."

"Ohh," malanding sabi ni Tori na pinagtawanan ko. "Sounds like a broken soul too, Mary Shella. Tell me stories, please! I want to know!"

I laughed as I lie on my bed, remembering those days, six months ago, when I was in Baguio.

"His girlfriend cheated."

"What?!"

I laughed. "And then he drove away from their place. I don't know where he came from. Hindi ako nagtanong dahil hindi interesado."

"Hmmm, hindi interesado o ayaw mong maging interesado?"

I chuckled. "Really, what happened in Baguio is just a temporary euphoric feeling. We left everything there, and left the place as we part ways."

She sighed. "At least, something good happened in your trip to Baguio, right?" she chuckled.

"Something good happened in Baguio since I became friends with you."

Tumawa siya. "Kinikilig ako, ha! Kaya siguro patay na patay sa 'yo si Gian kasi nakakakilig kang magsalita!"

Napairap ako sa kawalan bago tumawa. "As if naman, Tori. Remember what he did to me?" I laughed. "Anyway, I'm already okay with that. I've moved on."

"Nawa'y lahat."

Natawa ako nang dahil sa naging sagot niyang 'yon.

"So, ituloy mo na ang kuwento!"

Muli ay natawa ako bago ipinikit ang mga mata at inalala ang mga nangyari noon. Ikinuwento ko sa kan'ya kung paano si Travis noong unang linggo niya, hanggang sa lumalabas-labas na ito at namamasyal, hanggang sa sumasama na nga sa akin. Even the bar thing and the Malcolm Square walk we shared. Kinuwento ko.

And then I remembered that he told me something.

"And then what? Don't stop talking, Mary. I love your voice..." pagrereklamo niya nang bigla ay tumigil ako sa naalala.

I laughed. "Sorry. May naalala ako."

"Ano?" excited na tanong niya.

I sighed. "Noong kinuwento niya sa akin na wala naman talaga siyang destinasiyon. Nakarating na lang daw siya sa Baguio."

"Hmmm... I think I know..." bahagya ay tumili pa siya nang bahagya, parang kinikilig. Tumawa ako.

"Uhm, well, he told me that... I'm glad my car brought me here," she screamed. Hindi ko iyon pinansin. "What does that mean?"

"Argh! So naïve! It means that he's happy that he met you in Baguio! Duh?"

Bahagya ay napangiti ako, dahil iyon din naman ang nasa isip ko. Ayaw ko lang aminin sa sarili ko dahil sino ba ako para magustuhan ng isang taong tulad ni Travis? He's too ahead of me. I think he's living his life a lot more comfortable than I am. Nagawa nga niyang manatili sa Baguio habang may trabaho, eh.

And he's too handsome to like this ugly me. I really won't believe that.

I sighed. "I doubt that. He's just overwhelmed that there is someone as brokenhearted as him... together with him."

"Hmm, in denial. But based on how you tell me stories, you sounded so happy with him."

I smiled. "Sinong hindi sasaya kung may isang taong pasasayahin ka nang ganoon...kahit pareho kayong nasasaktan?" I chuckled. "Tori, we're both broken that time. We're both fragile and sensitive. I don't think that what we felt in Baguio are genuine feelings."

"Kung itinuloy niyo 'yun, pakiramdam ko, mas masaya ka ngayon."

I smiled. "I don't need someone to make me happier. I'm happy now; I don't need excess happiness."

She chuckled. "I liked the way you go against me. Anyway, tell me more! Paano kayo nagtapos?"

At dahil pakiramdam ko naman ay nakalimutan na ako ng taong 'yon, pakiramdam ko naman ay hindi na kami magkikita, ikinuwento ko ang lahat kay Tori, maging ang never have I ever game at ang lahat ng nangyari pagkatapos no'n.

"Oh my God!!!" kilig na kilig na sigaw niya sa kabilang linya, dahilan para mapalayo ako ng cellphone sa tainga. "You are damned, Mary! He's fucking in love with you!"

Napairap na lang ako. "Tori, like I told you a while ago, we're just both overwhelmed with each other's presence that we misinterpreted it as love. We're just two broken souls, trying to make each other happy. We're two broken souls, both alone in Baguio, entertaining each other because...we're living together on that time?" I shrugged.

"Sobrang nega mo, nakakairita ka."

Humagalpak ako ng tawa sa seryosong sinabi niyang iyon.

"I'm serious, his feelings for you are genuine, Mary! I don't think that it's just him, being fragile because of a fresh breakup. I really think that he's really in love with you," she sighed. "Alam mo? Pangarap ko kayang masabihan na magaling humalik! I had sex with Maverick for so many times and not even once did he tell me that I am a good kisser!"

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko sa ikinuwento niyang iyon dahil sa hiya para sa kan'ya, pero natawa na rin sa kung paano siya mag-rant sa akin. Nakakatuwa siya.

"Why are you telling me these things, Tori? Damn..." I laughed.

"There's nothing wrong with that, okay?" she sighed. "But I am proud of you for keeping yourself pure. Keep it until you know that you've got your right man, okay?"

I smiled, slightly chuckling. "Thanks for that," I sighed. "Nahihiya kaya akong ikuwento dahil...para kasing... ang pangit pakinggan."

"Ang alin?"

I chuckled. "Nakipag...halikan ako? Sa hindi ko...kilala?"

Tumawa siya ng malakas. "But that was new experience! You've wanted to have a new experience, 'di ba? And it's alright! It's not like you were the one who initiated. Siya naman itong bigla kang sinunggaban! At isa pa, it's not like you just kissed random guys there. You get to know him, at least, right? And don't feel bad. Hindi ka naman nakipag-sex sa tao, ano ba? Mary, ah!"

Tumawa ako at muli kong naramdaman ang init ng mukha ko sa sobrang hiya. Hindi na ako makapagsalita pa sa katatawa.

She heaved a deep sigh. "I prayed for the two of you to cross each other's paths again. Kahit na hindi na muna kami magkabalikan ni Maverick. Mas interested pa ako sa love story niyo, at love story ni George at Anna!"

I laughed. Madalas niyang nababanggit sa akin 'yun, at kahit hindi ko sila kilala, ay pakiramdam ko alam ko na ang kuwento ng lahat lahat kay Anna at George. Sobrang daldal ni Tori! At totoong mas interested pa siya sa lovelife ng iba dahil kinukuwento niya sa akin palagi ang dalawang iyon at kung paano i-flex sa social media ang isa't-isa.

Minsan nga ay tinatanong pa niya sa akin kung gaano raw kadalas may nangyayari sa dalawang iyon dahil apat na taon na raw ang mga itong nakatira sa iisang apartment. Hindi ko alam kung ano talaga ang trip niya at bakit pati doon ay interesado siya.

Tumagal ng tatlong oras ang tawag namin ni Tori bago kami nagpaalam sa isa't-isa. Mabuti na lang at nakaramdam na siya ng antok dahil hindi nauubos ang tanong niya tungkol kay Travis. Wala naman akong alam tungkol sa tao.

I opened my gallery and saw my selfie there while riding the canopy ride. Hindi siya masiyadong kita, pero nasa likod ko siya no'n, at halata naman sa simangot ng mukha niya na siya iyon.

Kumusta na kaya siya? I just hope that he's doing well now, and I hope that he's finally happy. Sana rin ay naka-move on na siya sa ginawang pagchi-cheat ng girlfriend niya, because being cheated is the worst thing to ever happen to a person.

I've been there. And I know how much it hurts.

He may have forgotten everything about me now, but I never, not even once, forget what we both shared in Baguio.

Ni-lock ko na ang cellphone at ipinikit ang mga mata para matulog.

***

The following weeks were very normal dahil nasa trabaho lang naman ang buong focus ko, at walang kainte-interes na nangyari sa buhay ko.

"Nakasuweldo ka na, mukhang makakatikim na ako ng libre mo," sabi ni Archie habang kumakain kami ng tanghalian sa cafeteria.

Umirap ako sa kan'ya. "Ikaw itong mas malaki ang suweldo sa akin!"

Inubos ko na ang natitirang pagkain sa plato ko. "Sus, malaki din naman ang suweldo mo!"

"Hindi ko naman wini-withdraw. I have plans."

Siya naman ngayon ang umirap sa akin bago uminom ng tubig sa baso. "Gagala ka na naman! Iiwanan mo na naman akong nagdurusang mag-isa dito!"

Tumawa ako. "Hindi naman na ako magtatagal kung sakali. Baka one week na ang pinakamatagal...if ever," I shrugged.

"Tss. I don't know what happened in Baguio but you really changed, Mary. I don't know what it is. But I am glad of what Baguio did to you."

I pursed my lips and smiled. "Nauntog lang," I laughed.

"Untog lang pala ang kailangan mo, eh 'di sana ako na lang ang nag-untog sa 'yo!"

Muli akong natawa sa kan'ya.

Nang matapos ang lunchbreak ay bumalik na kami sa kani-kaniyang floor at department, at ginawa ang trabaho. 5:00 PM came and then it's time for us to wrapped things up and go home. Pinatay ko na ang computer at niligpit ang gamit sa cubicle, bago nag-time out sa biometrics.

Lumabas ako ng opisina at sumakay ng elevator kasabay ng ibang officemates ko. Pagkarating sa ground floor ay nakita ko si Archie sa lobby na naghihintay na sa akin doon, inip na inip. Nagmadali akong lumapit sa kan'ya at sabay na kaming lumabas ng building.

Nang makalabas at handa nang tumawid sa pedestrian lane ay napahinto ako, kasabay ng pakiramdam ng pamumutla ko, at pagtriple ng bilis ng tibok ng puso ko.

"Mary?"

Archie called for me but I couldn't look at him. My eyes are darted on someone so familiar to me. He's leaning on his car while his arms are crossed in front of him. He clenched his jaw as he gave Archie a quick glance, before looking back at me.

"Kilala mo ba 'yan?" tanong ni Archie.

Napalunok ako. Pakiramdam ko ay nauubusan na ako ng hininga.

"Huy, pota. Rebulto ka, ghorl?"

Hindi ako muli tumingin kay Archie. Nakita ko na lang na binuksan niya ang pintuan ng shotgun seat, senyales na sumakay ako ro'n. Humigit ako ng malalim na buntonghininga bago humakbang papalapit doon.

Napatigil ako nang hinila ni Archie ang braso ko. Lumingon ako sa kan'ya at nakita ko ang galit niyang mukha na nakatingin sa akin.

"Sino ba 'yan? Sasakay ka? Seryoso?" iritang tanong niya na parang hindi makapaniwala sa gagawin ko.

Ngumiti ako sa kan'ya. "Kilala ko siya. Huwag kang mag-alala."

Tinanggal ko na ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at lumapit na sa lalaking halos pitong buwan kong hindi nakita.

"Sakay..." he commanded.

Nag-iwas ako ng tingin nang muli ay tumitig siya sa akin nang malalim. Nagbuntonghininga ako bago sumakay sa sasakyan niya. Mabilis siyang umikot matapos maisarado ang pintuan ng shotgun seat, tsaka sumakay ng driver's seat.

He started driving away...and I don't know where his car will take me.

I left him alone in Baguio, without a word. And even though it was what Gian did to me before, I know that I have all the valid reasons because I left even before things gets more serious.

And I will always leave, if I'll ever in the same situation.

_____

Yieeee ~ malande khaaaa. >:D<

Anyway, this chapter is dedicated to Anne of Facebook! Hindi ako sure kung siya ba 'yong isang nagvo-vote ng chapters nitong Unlabeled, gusto ko sanang i-dedicate sa kaniya, so kapag nag-reply na lang siya sa PM ko, i-dedicate ko ito sa kaniya. Hehe

Okay na, tama nga ako! :D Galeng hahahahaha

Hi, Anne! Thank you so much for supporting the hard copy of Unlabeled's original plot (ito 'yong isinulat ni Mary sa Baguio). And nakakakilig ang message mo. Huhu. Thank you so much for appreciating me. Hindi ko alam kung deserved ko ba but ~ thank you talaga. Sana ay nagustuhan mo ang chapter na ito. At ito ay para sa 'yo :D 

At, huwag po kayo masiyadong magalang sa akin HAHAHAH kahit Mari or Mariss na lang po huhuhu, or mag-ate na lang kayo kung trip niyo. :D 'Yon lang. :D Ang pormal ng Miss Author/Miss A eh. Hahahahahahaha.

Ang daldal na naman! Sorry. Hahaha :D

Thank you all for supporting Baguio Series!


-mari 🌻

Continue Reading

You'll Also Like

260K 1.7K 66
Warning marami ang spg sa story series na to take your own risk this is requested majority by pm and chat ang storyang ito ay mag sisimula sa isang...
1.1M 23.6K 50
After getting kicked out from her dorm, Kat moves into her twin brother's house where she finds herself dealing with AJ, his brother's best friend...
6.9K 274 37
Dubbed the 'Ice Queen of Southeast Asia', Isla Lorenzo's dream is to become the first-ever Filipino figure skater to win the gold medal in the Winter...