Unlabeled [Baguio Series #1]

De marisswrites

39.1K 2.1K 764

• Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL • Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is... Mais

Unlabeled
Introduction
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Finale
ACKNOWLEDGEMENT & FAQs
Special Chapter: Unrecognized

38

455 36 11
De marisswrites

     

Noong mga sumunod na araw ay dumalaw ako sa mga kaibigan ko sa dating trabaho, dala ang mga pasalubong ko para sa kanila. Masayang-masaya naman sila nang dahil doon dahil ang dami ko raw pinamili para sa kanila.

Pagkatapos no'n ay pumunta ako sa opisina ng kakilala ko at pinagawang aklat ang nobela na ginawa ko sa Baguio. Nakapag-hire na rin ako ng book cover illustrator noong isinusulat ko pa lang iyon kaya naman kumpleto na at wala nang kulang. Kinabukasan lang din ay nakuha ko na ang physical book ng aklat na iyon na Alone in Baguio, at inihatid ko kay Archie ang isang kopya.

"Naks, wala ka pang isang buwan dito, nagawa mo na kaagad aklat 'yan, ah?" he laughed. "Salamat! Babasahin ko 'to!"

"Tss..."

Nang makapaglaro kami ng Mobile Legends at nakailang game ay umuwi na rin ako.

Hindi agad tumigil si Aling Aba sa pangungulit sa aking payagan ko na siya na sabihin ang address ko kay Travis. Sa huli ay talagang nagpalit na lang ako ng number at kunwari ay hindi ko na nare-receive ang mga text niya kahit na ang totoo ay nababasa ko pa rin naman pero hindi na nga lang matatawagan dahil sira ang cellphone na pinaglagyan ko ng lumang sim card.

Nakapaghanap na rin ako ng trabaho at final interview ko na bukas. Doon sa company kung saan nagta-trabaho si Archie pero sa finance department ako nag-apply dahil doon lang naman may bakante.

"Naihanda mo na ba ang mga isusuot mo bukas, Mary?" tanong ni Mama sa akin nang pumasok siya sa kuwarto.

"Opo, Ma," ipinakita ko sa kan'ya ang corporate attire na plantsado na isusuot ko bukas para sa final interview. "Matatanggap kaya ako?"

"Oo naman!" Lumapit sa akin si Mama at niyakap ako. "Matatanggap ang anak ko sa trabahong iyan."

I laughed. "Salamat, Mama."

Naging mabilis ang pagdaan ng araw, tulad ng sinabi ni Mama ay natanggap nga ako sa trabaho. Pinag-ayos lang ako ng requirements at pagkatapos ay mabilis na rin akong pinagsimula. The job I got was computing every employee's payroll, and I am enjoying it because it was one of the lessons I enjoyed in my Cost Accounting.

I've been living quietly the whole three months since I went home in Olongapo. At masaya rin ako na nakakasama ko sa iisang building ang best friend ko na paminsan-minsan ay nakakasabay kong kumain ng lunch sa canteen.

Everything's going well, until one day...Gian showed in front of us both.

Kalalabas lang namin ng kumpanya dahil tapos na ang oras ng trabaho nang makita namin si Gian sa labas ng entrance, halatang naghihintay. Nang makita niya kami ni Archie ay tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa motor.

Napalingon ako kay Archie at nakaramdam ng kaba nang iginalaw niya ang ulo niya na para bang pinapalagutok ito, bago lumapit kay Gian at sinuntok ito nang malakas, dahilan para matumba ito.

Napasigaw ako, kasabay ng pagtakto papunta kay Archie at paghila sa kan'ya palayo. Nakikita ko ang mga tao sa labas na nakatingin na sa amin at nanonood ng kung anong gulo na hindi naman na dapat pa pinanonood.

"Ang kapal ng mukha mong putang ina ka!" malakas na sabi ni Archie.

Aamba sana ulit ito ng suntok dito pero humarang ako sa pagitan niya at pinigilan siya.

"Tama na!" sigaw ko kasabay ng pagsigaw ko.

"Mary..." rinig kong tawag ni Gian na hindi ko na pinansin.

"Tang ina, ang kapal ng mukha, eh! Matapos ng lahat ng ginawa sa 'yo, magpapakita siya sa 'yo ngayon?!"

Napailing ako kasabay ng mabilis na pagtulo ng panibagong mga luha habang hinihila siya palayo doon.

"Tara na, Archie!" sigaw ko gamit ang basag na boses.

Narinig ko ang buntonghininga niya bago ako hinila palayo roon. Lumingon ako kay Gian na tumatayo na ngayon, at halatang nagalit sa ginawa sa kan'ya. Nag-iwas ako ng tingin nang tumingin siya sa akin at hinayaang hilahin ni Archie.

Nakarating kaming dalawa sa bahay niya at hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak dahil sa pag-aalala, kay Gian, at kay Archie na nakita kong sumasakit ang kamay ngayon. Nasa living room kami ng bahay nila at sinusubukang imasahe ang kamay niyang mukhang napilay sa lakas ng pagkakasuntok kay Gian.

"Ang tigas ng mukha ng putang ina," sabi ni Archie habang nagbubuga ng buntonghininga. "Tang ina, sabi ko sa 'yo, Mary, huwag siyang magpapakita at makakatikim talaga ng masakit-sakit ang putang inang 'yon, eh."

"Tama na..." I said as I sobbed.

"Ano bang iniiyak-iyak mo d'yan? Tumigil ka nga d'yan. Dapat lang sa kan'ya 'yon," sabi niya bago pinunasan ang luha ko gamit ang kamay niya.

Tumingin ako sa kan'ya. "Wala naman na sa akin! Kaso nag-aalala ako, dumugo ang gilid ng labi niya! Archie naman bakit naman gano'n? Sabi ko 'di ba? Huwag na, tama na. Kasi maayos na ako. Ilang buwan naman na at okay na talaga ako."

He scoffed and stopped wiping my tears. "Ha! Kung naka-move on ka na sa ginawa niya sa 'yo Mary, ako hindi! Tandaan mo na lahat ng lalaking mananakit sa 'yo ay makakatikim nito!" ipinakita niya sa akin ang kamao niya na ngayon ay alam kong nasasaktan na.

Hinampas ko na lang ang dibdib niya at kinuha ang cold compress na dinala kanina ng Mama niya at inilagay iyon sa kamay niyang nasasaktan ngayon.

Nang makauwi ako sa amin nung gabi ay binasa ko ang mga text ni Gian sa akin.

Gian:

I just wanted to talk to you.

Gian:

I'm sorry that you had to see that. I deserved that, so it's fine.

Gian:

Can you go out?

Kinagat ko ang ibabang labi ko sa pag-iisip ng kung anong puwedeng i-reply sa kan'ya. Hindi ko rin alam kung saan niya nakuha ang bagong number ko; nagulat na lang ako noong isang araw na nag-text siya at nagpakilala pa.

I typed my reply.

To Gian:

Ano 'yung pag-uusapan?

Gian:

Everything. I need to clear everything. And I realized something. Please, talk to me, Mary. I have so much to tell you.

Nagbuntonghininga na lang ako bago kinuha ang jacket at lumabas ng bahay. 8:00 PM pa lang naman at tapos na akong mag-dinner kaya lumabas na rin ako.

Nang makalabas ng kanto ay nakita ko ang motor niya na nandoon, habang siya ay nakaupo doon. Tumayo siya at lumapit sa akin.

"Thank you, Mary," he said.

Tumango ako. "Anong... pag-uusapan?"

He smiled, and I saw his wounds on his left lip. I suddenly wanted to touch it. I know that it hurts him.

"Can you come with me?"

Napalunok ako at nakaramdam ng kaba, pero hindi na katulad ng dati. I can finally say that I am alright now, honestly. I'm just worried about what happened a while ago, but I know that I'm healed from the wounds and bruise that he caused me.

"I need to go home early."

Tumango siya at kinuha sa compartment ng motor ang isang helmet, at ikinabit iyon sa akin. Tulad noon... noong hindi niya pa ako iniiwanan.

Sumakay siya sa motor niya habang ikinakabit sa kan'ya ang helmet, at ako naman ay nahihiyang umangkas sa likod niya. Kumapit ako sa balikat niya nang magsimula siyang mag-drive. Ilang sandali pa ay huminto siya at kinuha ang kamay ko sa balikat niya, tsaka nilagay sa bulsa ng jacket niya.

Naiilang na lang ako, pero hindi na katulad ng dati ang epekto sa akin.

Pinanatili ko ang kamay ko doon hanggang sa lumayo na kami. Nakarating kami ng Pundaquit Beach. Hindi ko alam kung bakit dito niya pa napagpasyahang mag-usap kung puwede namang sa Olongapo na lang. Sayang ang oras at gasolina.

Tahimik lang kaming dalawang naglalakad, nakasunod lang ako sa bawat hakbang niya sa buhangin habang ang mga buhok namin ay hinihipan ng malakas na hangin. Ilang sandali pa ay huminto siya sa paglalakad, dahilan para mapahinto ako, bago nag-angat ng tingin sa kan'ya nang lumingon siya sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin nang mailang sa sobrang tagal ng titig niya.

"Anong...p-pag-uusapan natin?" nakaiwas ang tingin na tanong ko. "Kanina pa tayo rito..."

Narinig ko ang pagbuntonghininga niya bago ko nakita na kinuha niya ang kamay ko. Hinila ko iyon palayo pero hindi niya binitiwan.

"Gian, ano ba?" naiinis na sabi ko habang pilit na tinatanggal ang kamay ko sa mahigpit na pagkakahawak niya. "Bitiwan mo ako."

Sa halip na bitiwan ay pinagsalikop niya ang mga daliri naming dalawa. "Bakit? Dati ko namang hinahawakan ang kamay mo."

Napatingin ako sa kan'ya at kahit madilim ay nakikita ko ang bahagyang pamumula ng mata niya. Nag-iwas ako ng tingin at pilit pa rin na tinatanggal ang pagkakahawak niya sa akin.

"May girlfriend ka pero hinahawakan mo ang kamay ko. Anong klase kang tao?"

He sighed. "Wala na akong girlfriend."

Napaawang ang bibig ko. Parang kailan lang ay hinihintay niya pa sa terminal 'yon, tapos ngayon ay sasabihin niyang wala na?

Nilakas ko ang paghila sa kamay ko pero hindi ko pa rin nakuha pabalik ang kamay ko. "Ano ba?!" sigaw ko. "Gian, bitiwan mo nga ako!"

He sighed as he faced me completely. "Mary, I'm sorry..."

Tinulak ko siya palayo sa akin nang humakbang siya papalapit. "Nag-usap na tayo, ang sabi ko'y pinapatawad na kita! Kaya tumigil ka na't huwag mo na akong idamay sa inyo ng girlfriend mo—"

"Wala nga akong girlfriend!"

Napatigil ako sa pagtulak sa kan'ya sa pagsigaw niyang iyon. Tumingin ako sa mukha niya at nakita kong namumula siya. Nagbuntonghininga siya.

"Mary, ikaw ang mahal ko."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya, at bumilis ang tibok ng puso ko, hindi sa saya, kung hindi dahil sa galit.

"Ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin 'yan ngayong masaya na ako, Gian!"

Hinila ko nang malakas ang kamay ko, dahilan para makuha ko iyon pabalik kasabay ng pag-atras ko sa lakas ng paghila ko.

"Mary..." he sighed.

"Tumigil ka na, Gian. Hindi na kita kailangan."

Tinalikuran ko siya at handa nang iwanan sa lugar na iyon nang hinila niya ako pabalik at mabilis na hinalikan. Mabilis ko siyang itinulak palayo, at pinunasan ang bibig ko dahil sa ginawa niya.

"Ano ba?!" sigaw ko. Nangilid na ang luha ko sa galit. "Tumigil ka na, Gian! Kasi matagal na kitang binitiwan!"

Umiling siya, kasabay ng pag-igting ng panga niya. Hinawakan niya ako sa dalawang braso ko at hinila papalapit. Kumabog ang puso ko sa kaba.

"Mary, bakit? Ang bilis mo naman akong binitiwan."

Napakunot ako ng noo dahil anong karapatan niyang sabihin sa akin 'yan ngayon matapos ng lahat ng ginawa niya? Ang kapal ng mukha niya!

"Matapos ang lahat ng ginawa mo sa akin, sa tingin mo, hindi ko magagawa 'yon nang mabilis?"

Hindi siya sumagot kaagad. Nakita ko ang mas madilim na titig niya sa akin.

"Gian, bitiwan mo na ako. Wala na akong kahit na anong nararamdaman para sa 'yo!"

Umiling siya nang umiling nang paulit-ulit. "Hindi..."

"Bakit? Bakit hindi?" I scoffed. "Anong akala mo, mahirap kang kalimutan? Gian, you're just like any other guys from the past. And thank you for being my lesson."

Lalong namula ang mga mata niya, kasabay ng pag-iwas ng tingin niya. Tinulak ko siya nang malakas, dahilan para mapaatras siya.

"Bakit? May iba na ba?"

Napaawang ang bibig ko, kasabay ng mas matinding galit, ay hindi ko na napigilan ang sarili kong sampalin siya nang malakas.

"Ang kapal ng mukha mo, Gian, para akusahan ako ng mga gan'yan, kung ikaw ito mismong unang..." napaiwas ako ng tingin nang sunud-sunod na tumulo ang mga luha ko. "Ikaw itong unang umalis nang walang paalam!"

"Nagkamali ako, Mary! I never wanted to hurt you intentionally but my conscience is eating me whenever I am with you, being happy with you! And now I am here because I realized that it has always been you!" he sighed. "May iba ka na? Pinalitan mo na kaagad ako?"

I sobbed as I closed my eyes tightly, letting my tears go.

"Ang kapal ng mukha mong sumbatan ako! Gian, baka nakakalimutan mong ikaw ang unang lumapit, nagpumilit, at ikaw rin ang kusang umalis nang walang paalam! Nananahimik ako noon, Gian. Pero lumapit ka at ginulo ako. Iniwan ako nang walang kahit na anong salita. Pero ano? May narinig ka ba sa akin? May narinig ka?!"

Hindi siya sumagot. Nakita ko na lang na may mabilis na tulong luha mula sa mata niya.

"Kahit kailan ay hindi kita sinisi at wala akong isinumbat sa iyo dahil alam ko sa sarili ko ang pagkakamali ko. Hinayaan kita na pumasok sa buhay ko, hinayaan kitang hawakan ang kamay ko, yakapin ako...halikan ako... sa kabila ng kawalan naman natin ng relasiyon. Hinayaan kita kasi masaya ako."

I sobbed continuously as the cold wind blew and kissed our skin.

"Pero binalewala mo ako, 'di ba? Nagkamali ka? Hindi na ako magugulat kung nagkaroon ka ng babae, Gian, kasi sobrang laya mo sa akin. Hindi ako magagalit sa 'yo kung nagkaroon ka nga ng iba...pero sana naman... nirespeto mo ako... kasi inihayag mo sa akin 'yung pagmamahal mo. Ikaw itong gumulo sa buhay kong nananahimik naman noong wala ka pa. Kaya wala kang karapatang sumbat-sumbatan ngayong pinalitan kita kahit na hindi naman totoo..."

I sobbed as more tears went out of my eyes, making me gasped for more air.

"Wala akong ipinalit sa 'yo. Wala na lang talaga akong balak na bumalik pa sa 'yo. Kaya ko na. Masaya na ako kahit mag-isa lang ako. Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko, Gian. Hindi na kita kailangan sa buhay ko."

Umiling siya nang umiling. Lumapit siya at umambang hahawakan ang kamay ko nang lumayo ako sa kan'ya.

"Mary... I'm sorry. Lahat ng sinabi ko sa 'yo noon, totoo 'yon. Lahat ng ipinaramdam ko sa 'yo, totoo 'yon. Noong sinabi kong mahal kita...totoo 'yon."

"Pero hindi ka sigurado sa nararamdaman mo noong mga oras na 'yon kaya bakit mo sasabihin 'yan?"

Hindi kaagad siya nakapagsalita. Nagbuntonghininga ako.

"You just love the damn chase, Gian. And when I finally stop running so that you could also stop chasing...you ran away, making me the one to run to you. It was the chase that makes you like that to me, Gian. You were never interested; you're only challenged. Kaya kung babalik ako sa iyo ay sigurado akong uulitin mo lang ang lahat."

Muli ay tinalikuran ko siya at naglakad palayo.

"Mary..."

Lumingon ako sa kan'ya. "Huwag mo na akong lalapitan, Gian. Utang na loob lang."

Matapos kong sabihin 'yon ay tuluyan ko na siyang iniwanan sa lugar na 'yon, at sumakay ng bus pauwi sa Olongapo.

_____

So, what are your thoughts about this chapter?

Dedicated to narahuyo! Thank you for supporting Unlabeled and the whole BAGUIO SERIES! And thank you for the time you're giving by talking to me on Twitter. Thank you for appreciating me as a writer, and also, thank you for finding an inspiration from me. Huhuhu ano bang nakita niyo sa akin at bakit ganito niyo ako suportahan? :"< Anyway, this chapter is for you! I hope you'll enjoy it! :)

Follow me on Twitter and talk to me too. :D @MarissWrites

Thanks! >:D<


-mari 🌻

Continue lendo

Você também vai gostar

1.1K 16 1
Crescent Park Series #2 She's bad at love-that's the only reason Consuelo can think why all the boyfriends she had broke up with her. At nang makabal...
13.6K 279 15
The Cristina and Leonardo's love story. [HIS POV] BOOK 1 Cover by: PANANABELS
1.1M 23.6K 50
After getting kicked out from her dorm, Kat moves into her twin brother's house where she finds herself dealing with AJ, his brother's best friend...
260K 1.7K 66
Warning marami ang spg sa story series na to take your own risk this is requested majority by pm and chat ang storyang ito ay mag sisimula sa isang...