Unlabeled [Baguio Series #1]

By marisswrites

39.1K 2.1K 764

• Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL • Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is... More

Unlabeled
Introduction
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Finale
ACKNOWLEDGEMENT & FAQs
Special Chapter: Unrecognized

36

454 30 20
By marisswrites

    

Nang matapos kaming mamasyal sa Wright Park ay kung saan-saan niya pa ako dinala, hanggang sa makarating na kami sa Burnham Park. Madilim na, at lakad lang din kami nang lakad.

A while ago, in Wright Park, I've decided about something I can never tell him. Kailangan, hanggang dito na lang ang lahat ng ito. Kailangan, matapos na dito ang lahat ng nasimulan kagabi.

Walang seryoso sa nararamdaman namin, sigurado ako. Baka nao-overwhelm lang kami sa presensiya ng isa't-isa dahil pareho pa kaming nasasaktan. Kung ipagpapatuloy namin 'to, siguradong...masasaktan lang ang isa sa amin.

At natatakot akong baka ako 'yon.

"Bukas, saan ka pupunta?" tanong niya nang makarating na kami sa halos dulong parte ng Burnham Park.

Nagkibit ako ng balikat. "BenCab Museum? Wala dito ang itinerary ko so hindi ko alam," I laughed.

Liar. Wala ka naman talagang itinerary simula ng pumasok ang buwan ng Disyembre maliban sa Cafe in the Sky dapat kahapon.

Tumawa siya. "Okay. Anong oras kang aalis? Sasama ako."

I smiled. "Kahit na hindi masiyadong maaga. Malapit lang naman."

Tumango siya. "Sabagay," he sighed. "I want to go to different places," he looked at me. "With you."

I chuckled. "Ipagdasal mong pagkitain pa tayo ng tadhana. Sige, sasama ako sa 'yo," pagbibiro ko.

He chuckled. "We can go to Ilocos right after this Baguio trip."

Pabiro ko siyang sinuntok. "Aren't you working?"

He laughed. "I can do my work anywhere, on my laptop."

"Eh 'di sana all."

Humagalpak siya ng tawa. "Mary, I'm serious."

Muli akong napatingin sa kan'ya. "Saan mo naman nalaman ang pangalan ko?"

Napakunot siya ng noo. "Uhm, hindi ba dapat?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi naman na kasi kailangan dahil hanggang dito lang naman ito sa Baguio, hindi ba?"

He looked away. "For you, maybe," he sighed. "Aling Aba told me your name. You didn't ask her for my name?" he looked at me.

Umiling ako. "Hindi. Para saan pa?" I chuckled. "Kapag umuwi naman na ako sa amin at umuwi ka na sa inyo, hindi ko na matatawag ang pangalan mo."

Huminto siya sa paglalakad sa harap ko. Napaangat ako ng tingin sa kan'ya. Ngumiti siya sa akin. "Travis. Travis Andrew Guttierez. Remember that."

Muli ay bumilis nang sobra ang tibok ng puso ko. Bakit niya sinabi?! Wala akong intensiyong alamin iyon dahil wala akong intensiyong makipag-ugnayan pa sa kan'ya pagkatapos nito!

Ang hirap pa naman para sa akin ang lumimot ng mga salitang sinabi sa akin!

"B-Bakit mo pa sinabi?"

He smiled. "I want you to look for me too, the way I wanted to look for you when I wanted to see you again."

Napalunok ako sa sinabi niyang iyon.Nagbuntong-hininga ako bago nag-iwas ako ng tingin at magsisimula na ulit sanang maglakad pero hinila niya ako, dahilan para bumalik ako sa kan'ya. Nanatili sa ibaba ang paningin ko.

This is wrong. Don't look at him, Mary. This is wrong.

"Mary," he called me. "Look at me."

Pinanatili ko ang mga tingin ko sa ibaba at hindi siya pinansin. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang isang kamay niyang humawak sa mukha ko, tapos ay iniangat iyon, dahilan para magtama ang paningin namin.

He smiled. "Say my name..."

"Ayoko," I said.

"Please... kahit isang beses lang."

Napalunok ako, at nakaramdam ng kaba. "T-Travis."

"The whole name, Mary. Please..." he pleaded.

Muli ay sunud-sunod akong lumunok bago nagbuntonghininga at ginawa na lang ang gusto niya.

"Travis Andrew Guttierez."

Nakita ko ang magandang ngiti niya bago bumaba ang mukha niya at muli akong hinalikan. Gusto ko siyang itulak, pero hindi ko magawa. Parang may kung ano sa akin na...gusto rin iyon... na hindi naman talaga dahilan ang pagiging lasing ko kagabi para gawin iyon kasama siya.

Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ng ulo ko, at mas pinalalim ang halik, dahilan para mapakapit ako sa shirt niya. Mabilis lang din at bumitiw siya, at pagkatapos ay niyakap ako.

"C-Can we...go on with this?"

I sighed. This is so wrong. Pareho kaming mahina ngayon. Siguradong overwhelmed lang itong nararamdaman namin para sa isa't-isa, at walang seryoso dito!

"I...I'd rather forget."

Matapos no'n ay bahagya ko siyang itinulak at kumawala sa yakap.

"Mary..." he called me.

Umiling ako. "We're both weak at the moment, Travis. Whatever we felt now will fade soon. Mahina lang tayo ngayon kaya pakiramdam natin ay masaya tayo at may nararamdaman sa isa't-isa."

Umiling siya at nagbuntonghininga ako.

"Umuwi na lang tayo."

Nauna na akong naglakad sa kan'ya paalis ng Burnham Park. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Muli ay kinuha niya ang kamay ko, at hinayaan ko na lang siya.

"I will prove to you, Mary. This is not being overwhelmed. We're not just overwhelmed, Mary. I'll prove it to you."

Nagkibit-balikat na lang ako at hindi na nagsalita pa.

Nang makauwi na kaming dalawa sa transient house ay nakitang wala doon ang dalawang bagong mangungupahan sa first floor. Siguro ay namamasyal pa.

"What do you want to eat?" he asked.

"Wala. Busog ako. kahit 'yung cake na lang," sabi ko tsaka kumuha ng tubig sa ref. Kinuha na rin niya ang box ng cake doon at siya na ang nagsarado nito.

Inilapag niya iyon sa lamesa at nag-slice ng dalawa, tsaka nilagay sa platito. Nagsimula na kaming kumain dalawa nang hindi nag-uusap.

Hanggang sa matapos ay siya na ang nag-prisintang maghugas ng pinagkainan. Umakyat na ako sa kuwarto ko, at nahiga. Muling naalala ang lahat ng nangyari magmula kagabi.

Bakit kami umabot sa ganito?

At bakit nagdadalawang-isip na akong umalis ngayon?

Alam kong wala namang patutunguhan 'to. Pareho naming kailangan ang isa't-isa dahil pareho kaming mahina ngayon. Nagkataon lang na kami lang ang nandito para sa isa't-isa, hindi ba?

Paano kung okay na siya, nasaan na ako?

Paano kung okay na ako, nasaan na siya?

Paano kung pareho na kaming okay, at hindi pala namin kailangan ang isa't-isa?

Tama lang naman siguro ang desisyon kong huwag ituloy ang kung ano man ang nasimulan kagabi, hindi ba? It all started last night, for me. We were both drunk. We barely even know each other so how could we say that these feelings are genuine, right?

We're only happy now with each other because we're still hurting. Nagagawa naming pasayahin ang isa't-isa dahil pareho kaming malungkot. Iyon lang 'yun.

Kinapa ko ang cellphone ko sa bag, at naalalang nasa kan'ya nga pala. Lumabas ako ng kuwarto, at bumaba, pero wala na siya sa kusina. Muli akong umakyat at nag-aalangan man ay kumatok na ako sa kuwarto niya. Mabilis lang din ay pinagbuksan niya ako.

"A-Ano, 'yung—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang hinila niya ako papasok sa loob, tsaka isinarado ang pintuan.

"T-Travis..."

"Mary..."

"Kukuhanin ko lang 'yung cellphone ko."

Umiling siya. "Bukas na."

"I need to update my family. I'm sorry. Please give my phone back to me."

Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil alam kong nanginginig na ngayon iyon sa kaba. Hindi ko naman talaga kailangang i-update ang family ko; gusto ko lang sabihin sa bahay na uuwi na ako bukas.

"Mary don't bite your lips, damn..." he sighed, frustrated.

"'Yung... 'yung cellphone ko..."

Nagbuga siya ng buntonghininga bago kinuha sa bulsa ang cellphone at iniabot sa akin. Lalabas na sana ako nang magsalita siya.

"Can you sleep here?"

Napakunot ako ng noo bago lumingon sa kan'ya. "A-Ayaw ko nga!"

He laughed. "Matutulog lang tayo, wala akong gagawin sa 'yo."

Napaiwas ako ng tingin, at nag-isip.

Whatever happens in Baguio, will be left in Baguio, right?

I looked at him. "L-Let me take a bath first."

Ngumiti siya. "Okay."

Tuluyan na akong lumabas ng kuwarto niya at pumasok sa kuwarto ko. Hindi na ako tumawag sa Mama ko dahil baka marinig ako ni Travis, kaya naman nag-text na lang ako.

Me:

Uuwi na po ako bukas, Mama.

Mabilis lang din at nag-reply kaagad siya.

Mama:

Okay, anak. Mabuti kung ganoon. Mag-iingat ka sa byahe.

Me:

Thank you, Ma. Love you.

Nang matapos ay binura ko na ang conversation at inayos na ang mga gamit na dadalhin sa pag-uwi. Mabuti na lang talaga at hindi ko hinahayaang nakakalat ang mga gamit ko, at pinanatili sila sa bag. Dumami na rin ang bagahe na dadalhin ko pauwi dahil sa dami ng pasalubong at souvenirs na binili ko.

Bahala na. Hindi naman na siguro malalaman ni Travis ito. Basta kailangan niya lang matulog nang mahimbing.

Nang matapos ay lumabas na ako ng kuwarto dala ang tuwalya at bathrobe. Mabilis lang akong naligo sa bathroom dahil medyo malamig. Nagbihis na ako ng pantulog, at nagpatuyo ng buhok, bago lumabas ng kuwarto ko.

Kumatok ako sa kuwarto niya. Mabilis niya akong pinagbuksan.

"Hi," he greeted happily.

Ngumiti lang ako at pumasok na. Isinarado na niya ang pintuan ng kuwarto niya at hinila na ako pahiga sa kama niya.

"Let's sleep. I feel so tired," he said.

Tumango ako. "Okay."

Hinila niya ako at niyakap. "Good night, Mary."

I hugged him back. "Good night... T-Travis."

Bahagya siyang kumawala sa yakap at tumingin sa akin. "My heart is fluttering whenever you call my name."

I smiled. "What's with it? Bakit gan'yan kayo?" I laughed. "Kahit 'yung mga dati, gusto nila na tinatawag ko sila sa pangalan nila."

He chuckled. "Malambing masiyado ang boses mo, Mary. I've been dreaming your voice the first time I heard it."

Tumawa na lang ako at pinaglaruan ang tela sa likod niya.

"I want to kiss you," he said.

Hindi maawat sa pagtibok nang mabilis ang puso ko, lalo na ngayong kung anu-ano ang sinasabi niya. Hindi naman sa gusto, at hindi sa ayaw, pero hindi ko mapigilang makaramdam ng kung ano sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

"Kiss me, then."

He chuckled before leaning forward, claiming my lips.

Remember, Mary. What happened in Baguio, will be left behind in Baguio. Okay? Wala kang iuuwi sa Zambales. You need to forget everything tomorrow, when you wake up.

When the kiss broke, he pulled me into a hug again.

"Good night, Mary. Let's sleep."

Tumango ako at isiniksik ang sarili sa kan'ya. "Good night, Travis."

***

The time went by, nakatulog siya nang mahimbing, at ako, hindi na nakaramdam pa ng antok sa dami ng iniisip at sa kaba. Nang maramdaman kong lumuwag na ang pagkakayakap niya sa akin ay dahan-dahan kong inialis ang mga braso niyang nakayakap sa akin, at tumayo, tsaka lumabas ng kuwarto niya.

Pumasok ako sa kuwarto ko para kuhanin ang tuwalya at bathrobe, tapos ay naligo sa common bathroom sa ibaba. Baka marinig ako kung sa itaas ako maliligo.

Nang matapos maligo ay mabilis akong nagpalit ng damit. Nagsuot lang ako ng blouse na kulay blue at itim na pants, sapatos, tsaka nagsuot ng jacket. Pagkatapos no'n ay dahan-dahan ko nang inilabas ang mga gamit ko mula sa kuwarto.

Kinuha ko ang drawstring pouch na nakuha ko noon na isinabit niya sa railings noong nag-skywalking kami. Isinabit ko iyon sa door knob ng pinto ng kuwarto niya, tsaka tuluyang bumaba, dala ang isang malaking backpack sa likod, luggage, at isa pang handbag.

Binuksan ko nang dahan-dahan ang pintuan at tahimik na lumabas doon. Nang tuluyang makalabas ng gate ay nag-doorbell ako sa tabing bahay, kung nasaan si Aling Aba. Dahil alas sinco na ng umaga ay gising na siya.

"Oh, Mary. Magandang umaga!"

Ngumiti ako. "Ito na po 'yung susi," sabi ko at iniabot sa kan'ya ang susi, tsaka 'yung bayad ko para sa huling linggo. "Tapos, ito po 'yung bayad ko sa huling linggo."

"Uuwi ka na ba no'n? Bakit hindi ka pa nagpahatid kay Travis?"

Bahagya akong ngumiti. "Hindi na po. Huwag niyo na lang din pong sabihin sa kan'ya kung taga-saan ako, pati ang buong pangalan ko, Aling Aba. Hanggang dito lang po kaming dalawa sa Baguio."

Nakita ko ang bahagyang pagngiti niya. "Ganoon ba? Sayang naman..."

Ngumiti ako at niyakap siya. "Thank you, Aling Aba. Babalik po ako ng Baguio at sa inyo ulit ako mangungupahan."

She laughed. "Walang anuman! Sana pagbalik mo rito hija ay masaya ka na."

Kumalas ako sa yakap at ngumiti, kasabay ng pangingilid ng luha ko, dahil sa tagal ng pananatili ko rito ay natutunan ko na rin mahalin ang mga tao sa paligid ko, lalong-lalo na ang lugar na ito.

Ang hirap iwanan ng Baguio...lalo na ng mga taong nagparamdam sa iyo ng mga bagay na hindi mo naman naramdaman noon.

Pero hangga't hindi pa naman tayo maayos, sa tingin ko ay huwag na muna at iwasan na munang ma-attach sa mga tao. Baka mali ang nararamdaman kong ito...

Baka mali ito.

"Mag-iingat ka, hija. Huwag kang mag-alala, wala akong sasabihin. Makakaasa ka sa akin. Hindi ko sasabihin kahit na anong mangyari. Pangako 'yan."

Ngumiti ako at pinunasan ang mga luha. "Maraming salamat po. Sige po, aalis na ako."

Tumango siya at kumaway sa akin. Saktong may dumaang taxi kaya sumakay na ako ro'n at nagpahatid sa terminal.

Nang makarating sa terminal ay nakahinga ako nang maluwag. Pasakay na sana ako ng bus nang magulat ako sa nakita kong nandoon, mukhang naghihintay.

"Mary..."

Nangilid ang mga luha ko nang bumalik ang lahat ng alaala ko sa kung paano niya ako iniwan nang walang paalam, at lahat ng sakit na naranasan ko nang wala akong nakuhang kasagutan.

"Gian..."

_____

I told you, may update sa madaling-araw! :D

This chapter is dedicated to wannie02067! Hi po, thank you for voting the previous chapters of Unlabeled! Thank you for supporting this story. Here's a token of appreciation for you! :) I hope you'll enjoy this chapter, because this is for you! ☺

THANK YOU ALL FOR SUPPORTING BAGUIO SERIES, yay! ♥


-mari 🌻

Continue Reading

You'll Also Like

133K 4.2K 55
In one's relationship, distance can result into two things: This can either strengthen or end one's love for each other. How will it be for Ricci an...
748K 13.1K 31
Forced to live under the same roof with her monster for a mother-in-law, Georgina finds herself stuck amidst complications and lies. With her trying...
130K 424 159
compilation of the best stories- a must read on wattpad add this to ur libraries! ------- highest ranking- #1 in bestwattpadstories ❤️
13.6K 279 15
The Cristina and Leonardo's love story. [HIS POV] BOOK 1 Cover by: PANANABELS