Unlabeled [Baguio Series #1]

By marisswrites

39.1K 2.1K 764

β€’ Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL β€’ Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is... More

Unlabeled
Introduction
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Finale
ACKNOWLEDGEMENT & FAQs
Special Chapter: Unrecognized

31

520 34 22
By marisswrites

     

Another week has passed, hindi pa rin daw umaalis ang lalaking nangupahan sa kuwarto katapat ng kuwarto ko, sabi ni Aling Aba. Hindi ko rin alam kung bakit sinasabi niya pa iyon sa akin, pero siguro ay gusto niya lang nang may makakuwentuhan.

"Mukhang malungkot ang batang iyon," sabi niya habang nagpapalaman ng Ube Jam sa tinapay. Iniabot niya sa akin iyon. "Laging umuuwi nang lasing at kung minsan ay nakikita ko pa na naninigarilyo."

Napatango na lang ako bago kinagat iyon. "Baka po iniwan ng girlfriend," natatawang sabi ko.

Inimbitahan niya ako sa bahay niya dahil maaga na naman daw akong gumising. Tinatanong niya kung saan ako pupunta ngayon. Sabi ko'y base sa itinerary ko, pupunta akong Session Road at doon naman mamamasyal nang maigi.

"Hay, nako," nagbuntonghininga siya. "Marami nang nangupahan sa akin sa gan'yang dahilan. Hindi ko alam kung anong mayroon sa Baguio at iyon ang nagiging takbuhan ng mga taong nasasaktan sa kanilang iniibig," tumawa ito, habang ako ay ngumiti na lang.

Tinamaan naman ako ro'n sa sinabi ni Aling Aba. Pero maganda naman talaga ang Baguio, walang duda. At dito ko nakakamit ang katahimikan na hindi ko nahahanap sa iba.

"Sa tingin ko ay mayaman iyong batang 'yon," sabi ulit ni Aling Aba bago ako binigyan ng hot chocolate. Naupo siya sa tabi ko.

"Salamat po," sabi ko.

"May kotse iyon, hija. Sa edad niyang 'yan ay may sariling sasakyan na siya. Pero bakit kaya nangupahan siya sa isang transient na mumurahin lang? Kayang-kaya niyang mangupahan sa isang hotel, 'no. Panigurado."

Tumawa ako. "Ayaw niyo po ba no'n? May nangungupahan sa inyo?"

"Hindi naman," tumawa siya. "Nagtataka lang ako."

Marami pa kaming pinagkuwentuhan bago ako bumalik sa transient house. Nakita ko ang apat na kabataan na pauwi na yata ngayon sa kani-kanilang bahay.

"Hello po," bati nila sa akin nang nakangiti. "Good morning."

Tumango ako nang nakangiti. "Good morning din," inikot ko ang paningin ko at nakitang naghahanda na silang umuwi. "Uhm, uuwi na kayo?" tanong ko.

Tumango silang lahat. "Opo, Ate," sagot ng isa.

Ngumiti ako. "Ingat kayo."

"Kapag wala nang pasok, mag-stay din ako dito nang matagal, tulad mo, Ate Mary!" sabi nung cute na babae.

Tumawa ako at nakipagkuwentuhan pa sa kanila bago ko napagpasyahang umakyat. Nakasalubong ko ang lalaking nagku-kuwarto sa harap ko. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa pag-akyat.

"Hi po!" rinig kong bati ng mga kabataan sa kan'ya pero wala akong narinig na sagot.

Sungit naman no'n.

Naligo na ako at gumayak para pumunta sa susunod na papasyalan ko. Sa totoo lang ay ang ibang lugar, inuulit-ulit ko na lang dahil sobrang nagagandahan ako, at isa pa, malapit sa akin. Ngayong umaga ay gusto kong mag-Camp John Hay kaya nakasuot ako ng pang-hiking na damit kahit na hindi naman maghi-hike doon. Mamayang hapon, saka na lang ako magsi-Session Road. Mas maganda kasing abutan do'n nang gabi.

Nagsuot ako ng black leggings at racerback shirt na pinatungan ko ng manipis na long sleeve cotton blazer na nabili ko sa Night Market sa Burnham, tsaka running shoes. Nagdala rin ako ng extra shirt just in case. Pagkatapos no'n ay lumabas na ako ng transient.

Nakita ko na nandoon ang kotse nung lalaki. Hindi siya umalis? Pero lumabas siya kanina, ah?

Lumabas na ako ng village at sumakay ng jeep, tsaka nagpahatid sa Camp John Hay. Mabilis lang din at nakarating ako ro'n. Maraming tulad ko ang naroon nang makarating ako.

Nagpunta ako sa Tree Top Adventure at nakita ko ang mga salitang nakalagay na adventure starts here. Nakalagay rin doon ang mga puwedeng gawin sa loob. Napalunok ako nang makita ang superman ride. Hindi ko gagawin 'yan! Magca-canopy ride na lang ako at skywalking and trekking, pero hindi ako magzi-zipline!

Pumasok ako sa loob at nagbayad para sa skywalking and trekking, tsaka canopy ride.

Una kong ginawa ay ang canopy ride. Pumila pa ako dahil maraming tao ang nandoon. Nang turn ko na ay naupo na ako sa puwesto ko habang kinakabitan ako ng safety harness ng mga tao. Paglingon ko sa nasa tabi ko ay nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang kasabay ko sa ride.

Siya 'yung nangungupahan din sa transient! Sinundan niya ba ako? Pero hindi naman siguro. Baka assuming ka na naman, Mary! Kaya ka nasasaktan, eh!

Nang magsisimula na ang ride ay hindi talaga siya nagtapon ng tingin sa akin at hindi man lang ngumingiti. Ano bang problema ng isang 'to?

Napasigaw ako nang tuluyan na ngang umandar ang inuupuan ko dahil sa kaba. Mabuti na lang at hindi mabilis ang pag-andar kaya nagawa ko pang kumuha ng litrato gamit ang camera na nakasabit sa batok ko.

Nakangiti ako nang malawak the whole canopy ride at nag-selfie selfie pa ako paminsan-minsan kahit na kabang-kaba na ako. Minsan lang naman 'to.

Nang matapos ay dumiretso ako sa mahabang tulay para sa Sky Walking and Trekking. Ramdam ko na nakasunod pa rin ang kasama ko sa transient pero hinayaan ko na lang. Baka gusto lang ng makakasama sa pamamasyal. Ang importante ay hindi niya ako ginugulo at pinakikialaman sa desisyon ko.

Huminto ako sa gitna ng tulay at ninamnam ang malakas na hangin at magandang lugar. Kinuhanan ko ng mga litrato ang iba't-ibang parte ng lugar. Nadaanan pa ng camera ko ang lalaking kasama ko sa transient, nasa 'di kalayuan siya nakapuwesto, at nakasimangot. Hindi ko na iyon pinansin at kumuha na lang nang kumuha ng magagandang litrato ng lugar, pagkatapos ay ibinaba ko na ang camera.

Nagbuga ako ng buntonghininga at napangiti. Sobrang ganda. Ang sarap balik-balikan ng Baguio. Ipinatong ko ang dalawang braso ko sa railings at ipinatong ang baba ko ro'n tsaka ipinikit ang mga mata. Hindi naman siguro ako nakakaabala sa mga daraan kasi medyo maluwang naman ang tulay at sobrang nipis lang naman ng katawan ko.

Nauubos na ang tao sa tulay, nang magmulat ako ng mga mata. Pareho kaming nakahinto ng lalaki sa magkalayong puwesto. Nakita ko siya na may hawak na kung ano, sa tingin ko ay kuwintas iyon. Ilang sandali pa ay ibinato niya iyon sa malayo.

Huh? Sayang!

Ilang sandali pa ay may isinabit siyang kung ano sa railings bago nagtuloy-tuloy sa paglalakad, nilampasan ako. Lumingon ako sa kan'ya bago lumapit doon sa kung anong isinabit niya sa railings. Nakita kong drawstring pouch iyon, dahil may ganoon sa trabaho ko noon. May nakalagay sa loob. Kinuha ko iyon at binuksan.

May bote iyon sa loob na parang may sulat. Tapos may kung anu-ano pang kasama ang papel na iyon. Hindi koi yon binuksan at inilagay na lang sa bag. Ibabalik ko sa kan'ya, baka kasi mamaya, nabibigla lang siya. Pakiramdam ko ay may kung ano sa sulat na iyon sa loob.

Tinapos ko na ang Sky Walking at Trekking, tapos ay nilibot pa ang ibang parte ng Camp John Hay. Pumasok ako sa Cemetery of Negativism, at siyempre, nakaramdam ng matinding negativity sa loob, tapos ay pumasyal ako sa Butterfly Sanctuary. Mura lang naman ang entrance, at mabuti na lang talaga at marami akong ipon. Binigyan pa ako ng pocket allowance ni Mama at Papa, tsaka ni Ate na rin, galing sa kanila ng asawa niya.

Pumasok din ako sa loob ng Bell House at kumuha ng maraming litrato. Sobrang ganda talaga dito. At gustong-gusto ko ang klima. Parang paborito talaga ni Lord ang Baguio, eh. Malamig sa Zambales pero hamak na mas malamig dito.

Nang matapos ay napagpasiyahan kong magpahinga na muna sa transient house dahil napagod ako ro'n sa ginawa kong pamamasyal sa Camp John Hay. Mamayang 5:00 PM na ako magse-Session Road. Tutal, mas masarap naman maglibot doon kapag gabi.

Susulitin ko na ang mga susunod na araw ko rito sa Baguio kasi next ay uuwi na ako. Akalain mo 'yon, nakatatlong linggo na ako rito? Birthday ko na sa isang araw, saan kaya magandang pumunta?

***

Nakatulog ako pagkatapos kong mananghalian. Madilim-dilim na nang magising ako, at hindi ko natupad ang 5:00 PM kong plano para sa itinerary ko sa Session Road. 5:30 PM na akong nagising at siyempre, gagayak pa ako.

Muli akong naligo at naghanap ng sleeveless blouse na papatungan ko ng sweater kong gray na may butones. Pinartner-an ko iyon ng puting pants, at nagsuot ng itim na sandals, tsaka lumabas ng kuwarto.

Bumaba ako at nakita ko ang lalaki na nasa couch, may hawak na laptop at mukhang may ginagawa dahil sa itinitipa nito.

Hindi ko na sana papansinin at lalabas na ng bahay nang magsalita siya.

"S-Saan ka pupunta?" tanong niya.

Nakaramdam ako ng hiya bigla, at ilang. Ito ang unang beses na nagsalita siya! Nagsasalita pala siya?

Itinuro ko pa ang sarili ko, nagtataka. "A-Ako?" nahihiyang tanong ko. Tumango siya. "S-Session Road."

Bahagya siyang tumango. "Puwedeng...sumama?" nag-iwas siya ng tingin.

Natawa ako bago nag-iwas ng tingin dahil nahihiya talaga ako makipag-usap sa mga taong hindi ko naman kilala. Gusto ko sanang humindi kasi nahihiya ako at hindi ko nga siya kilala, hindi ko alam kung ano ang mga trip niya, at hindi ko alam kung anong klaseng tao 'to. Baka mamaya ay pinagti-tripan din ako nito.

Pero mukha namans iyang mabait... "P-Puwede naman."

Bahagya siyang ngumiti. "Magbibihis lang ako," isinarado niya ang laptop at tinungo ang hagdanan dala iyon.

Tumango na lang ako at naupo sa couch na kanina niya inuupuan. Saglit lang akong naghintay sa kan'ya dahil ilang sandali lang ay bumababa na siya sa hagdanan suot ang plain white V-neck shirt at dark blue pants. Tumingin siya sa akin.

"T-Tara na?"

Tumango ako at tumayo na tsaka sumunod sa kan'ya. Naamoy ko kaagad ang pabango niya. Ang bango! Amoy mayaman naman! Bigla kong naalala 'yung Tori na nakipag-usap sa akin sa Café in the Sky. Ibang-iba talaga ang pormahan at amoy ng mga mayayaman kumpara sa mga tulad kong naghihikahos sa buhay!

Nang tuluyan kaming lumabas ay binuksan niya ang gate at sumakay ng sasakyan niya. Napaawang ang bibig ko. Gagamitin namin ang sasakyan niya?! Hindi ba nakakahiya?!

Nang tuluyang mailabas ang sasakyan ay ako na ang nagsara ng gate tapos ay binuksan ang pintuan ng backseat.

"Uhm, dito ka," sabi niya.

Lumingon ako sa kan'ya at nakita kong binubuksan na niya ang shotgun seat. Nakaramdam ako ng hiya at pag-init ng mukha dahil doon. Isinarado ko ang pintuan ng backseat, tapos ay sumakay sa shotgun seat na nakabukas na. Isinarado ko iyon tapos isinuot ang seatbelt.

Gabi na rin. Dapat pala nag-dinner na muna kami.

"May specific place ka bang gustong puntahan?" he asked.

I looked at him and saw that he's gulping continuously while his eyes are directed on the road. Napaiwas ako ng tingin bago sumagot.

"Uhm, Planet Bar sana. G-Gusto ko lang ma-experience," nahihiyang sabi ko.

Ramdam ko ang pagsulyap niya sa akin. "You've never been to a bar?" he asked. Umiling ako. "Okay, let's eat first."

Tumango ako at hindi na nagsalita. Kinutkot ko nang paulit-ulit ang kuko ko dahil hindi talaga ako sanay ng ganito. Sana pala ay hindi ako pumayag!

Pero nakakahiya naman. More than two weeks ko na siyang nakasama sa bahay, dahil mas nauna ako sa kaniya rito, at ito ang unang beses na parang lumabas siya sa comfort zone niya kahit na lumalabas naman daw ito, sabi ni Aling Aba. Ito ang unang beses na nakipag-usap siya sa amin—sa akin. Parang na-overwhelm ako ro'n kasi laging ikinukuwento sa akin ni Aling Aba na hindi naman daw nakikipag-usap sa kaniya ang lalaking 'to kung hindi kailangan. Tapos biglang nakasama ko sa Camp John Hay, at ngayon ay sumama pa sa akin sa Session Road.

Napabuntonghininga ako. Ilang sandali pa ay nag-park siya sa parking space ng restaurant sa Session Road.

Pumasok kami sa loob at nakita ko na parang bar din pala ito, maraming relo na nakasabit. Nakita ko ito sa research ko. Drop Out Restaurant. May bar din ito, pero mas gusto ko yatang magpunta sa Planet.

Naupo kami sa isang bakanteng table, at kinuha ng waiter ang order namin. I ordered Chicken Teriyaki. Hindi ko na narinig kung anong naging order niya at hindi rin naman ako interesado.

Kinuha ko ang cellphone ko at kumuha ng litrato sa lugar, pagkatapos no'n ay ibinalik ko na ang cellphone sa bag.

"Do you...want me to take you photos?" he asked.

Napaawang ang bibig ko, at nakaramdam ng kaba at hiya dahil doon. Kitang-kita ko pa ang paminsan-minsang sulyap niya sa labi ko, o ilong ko, hindi ko alam, basta nakikita ko ang bahagyang pagbaba ng tingin niya sa mukha ko. Hindi ko maipaliwanag.

 "'W-Wag na..." I said as I looked away.

He smiled. "Sayang naman. You liked taking pictures, but you can't take pictures of yourself because you're alone. Come on, I'll take photos of you."

Nahihiya man ay ibinigay ko na dahil parang ayaw niyang tigilan ang parteng iyon. Iniabot ko sa kan'ya ang cellphone ko, at naiilang na ngumiti habang kinukuhanan niya ako. Naka-ilang tunog ng shutter ang camera bago niya ibinalik sa akin ang cellphone.

"Salamat," sabi ko at mabilis na itinago ang cellphone sa bag.

Siguradong pangit ang picture dahil alam kong nakangiwi ako, at hindi nakangiti, dahil sa sobrang awkward!

"Bakit wala kang kasama?" he asked.

"H-Ha?"

He laughed. "Why are you so...stiff? Am I making you feel uncomfortable?" he asked.

Mabilis akong umiling. "Hindi!" mabilis na pagtanggi ko. "G-Ganito lang talaga ako," I chuckled awkwardly.

"Ohh, okay," he smiled. "So, why are you here alone?"

Nag-iwas ako ng tingin. "I... I just want to." Tumango siya. "I-Ikaw? B-Bakit hindi ka nagsama?"

Bahagya siyang ngumiti bago sumandal sa upuan. "Wala, eh. Sumama sa iba," he chuckled.

Napatango na lang ako. "Baka next time, sasama na siya sa 'yo."

Muli siyang tumawa, dahilan para mapalingon ulit ako sa kan'ya. "Damn, innocent..."

Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. "Huh?"

Umiling siya. "Wala," he chuckled again. "You're cute."

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niyang iyon kaya napaiwas ako ng tingin.

Ayan na naman! May pa-ganyan na naman! Nakakadala!

But this is okay because I'll be leaving this place soon. Wala namang sigurong mawawala kung hahayaan ko ang sarili ko sa ngayon kasama ang lalaking ito. Sakya n ko na lang ang trip niya.

Ilang sandali pa ay dumating na ang order namin kaya naman kumain na kami nang tahimik.

___

This chapter is dedicated to kathdjford! Thank you so much for patiently waiting for updates here in Unlabeled and in Unmended. Thank you for supporting Baguio Series! This chapter is for you!

The regular update for this story starts now. :D  I hope you'll enjoy Mary's adventure here in new, improved, and revised Unlabeled: Alone In Baguio! ♥

And thank you all for supporting BAGUIO SERIES!!! ☺♥

-mari 🌻



Continue Reading

You'll Also Like

6.9K 274 37
Dubbed the 'Ice Queen of Southeast Asia', Isla Lorenzo's dream is to become the first-ever Filipino figure skater to win the gold medal in the Winter...
6.7K 321 68
|| third installment of "habit series" || Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother...
748K 13.1K 31
Forced to live under the same roof with her monster for a mother-in-law, Georgina finds herself stuck amidst complications and lies. With her trying...