The Mafia Prince is my Stalke...

By lil_MissBlue

8.4M 236K 17.2K

What if malaman mo na ang stalker mo ay isang anak ng mafia? And worst anak siya nang leader ng mga ito? Anon... More

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?! (>_<)
¤ Chapter 1 ¤ The game is ON
¤ Chapter 2 ¤ The START
¤ Chapter 3 ¤ Moody Seatmate
¤ Chapter 4 ¤ Step 2
¤ Chapter 5 ¤ Nicknames
¤ Chapter 6 ¤ Savior
¤ Chapter 7 ¤ Kasalanan mo lahat 'to!
¤ Chapter 8 ¤ You're my Stalker?!
¤ Chapter 9 ¤ Can you help me?
¤ Chapter 10 ¤ We will help you
¤ Chapter 11 ¤ Meet my Friends
¤ Chapter 12 ¤ The Plan
¤ Chapter 14 ¤ Lagot kayo ngayon
¤ Chapter 15 ¤ Spotlight
¤ Chapter 16 ¤ Ayaw mo di huwag!
¤ Chapter 17 ¤ Kawawa ka naman
¤ Chapter 18 ¤ Couple's Pageant
¤ Chapter 19 ¤ Practice
¤ Chapter 20 ¤ A Day Before The Pageant
¤ Chapter 21 ¤ The Pageant
¤ Chapter 22 ¤ Binalaan kita
¤ Chapter 23 ¤ Jarred The Great
¤ Chapter 24 ¤ Sino kaya sila?
Jhen's Note
¤ Chapter 25 ¤ What a Great Day
¤ Chapter 26 ¤ I'm not a Liar
¤ Chapter 27 ¤ Lucky
¤ Chapter 28 ¤ Sino kaya ang dumating?
¤ Chapter 29 ¤ Group date?
¤ Chapter 30 ¤ Group date
¤ Chapter 31 ¤ My day
¤ Chapter 32 ¤ Ready?
¤ Chapter 33 ¤ Sophie is back
¤ Chapter 34 ¤ Ngayon alam mo na ang feeling
Chapter 35 and Chapter 36 :)
¤ Chapter 37 ¤ Sweet
¤ Chapter 38 ¤ The Decision
¤ Chapter 39 ¤
¤ Chapter 40 ¤
For my readers :)
Book 2? Special Chapter?

¤ Chapter 13 ¤ I'm back and ready to make your life a living hell

201K 5.9K 145
By lil_MissBlue

¤ Chapter 13 ¤ I'm back and ready to make your life a living hell

"Fifi, take care okay? Huwag mong papayagan na saktan ka nila maliwanag? If you need help, you know who to call." paalala ni Lulu.

"Remember na every week we will have our date. Huwag mong kakalimutan ang tinuro ko sa'yong mga pang-depensa in case na saktan ka nila okay? And please be back as soon as you can okay? I'll wait for you, love." sabi niya saakin nang malungkot.

"I love you." sagot ko nalang sa kanya. I am so overwhelmed by how much he cares about me.

"I love you more." sabi naman niya sabay yakap at halik sa noo ko.

"Sige alis na ako." malungkot kong sabi sa kanya sabay kalas sa yakap. "Mom, dad and baby alis na ako." paalam ko sa parents ni Lulu at kay baby Gab.

Pagkatapos hinarapan ko ulit si Lulu "Don't miss me too much okay?" nagbibiro kong sabi at siya nginitian lang ako pero bakas sa mukha niya ang lungkot. "Lulu, don't be like that. Huwag ka ng malungkot, sandali lang 'to. Kapag natuto na sila, babalik na ako." paga-assure ko sa kanya.

"I will miss you." malungkot niyang sabi.

"Hija, sige na umalis ka na. Baka pagalitan ka pa nila kapag na late ka ng uwi." sabi naman ni mom.

"Sige po." sabi ko

"I will miss you, ate." malungkot din na sabi ni Gab

"I'll miss you too, baby." sabi ko tapos yinakap ko na sila at umalis.

While driving, I couldn't help but have second thoughts.

May mga sandali na gusto ko nalang itigil ang sasakyan at bumalik. Ayoko mang aminin ngunit nakaramdam ako ng takot.

My mind started to doubt. Kakayanin ko ba? Will I be able to do it? Hindi ko ba pagsisisihan ito sa huli?

Pero kapag naaalala ko ang lahat ng ginawa nila saakin, parang lumalakas ang loob ko. Sa lahat ng sakit na ipinaranas nila saakin, they deserve this.

"Nandito na po ako." sabi ko pagdating na pagdating ko sa impyerno ng buhay ko.

At ang magaling kong mga magulang ay hindi man lang ako tinulungan na buhatin ang mga gamit ko lalo ngayon na ang dami ko ng damit pagkatapos akong pinamili ni mom.

"Oh, nandiyan ka na pala." sabi ni mama habang nanonood ng TV. Ganon ba kasama ang hitsura ko at hindi man lang nila magawang alisin ang tingin nila sa TV?

"Pumasok ka na sa kwarto mo at magpahinga ka na." sabi naman ni papa.

Ano pa bang inaasahan ko sa kanila? Na yayakapin nila ako at sasabihing miss na miss nila ako? Psh, Sophie huwag ka nang umasa dahil kahit kailan hindi na sila magbabago kung hindi ka kikilos. Ngayon ko lang napagtanto na tama pala talaga ang gagawin ko.

At dahil alam kong wala naman akong maaasahan sa kanila pumasok na ako sa kwarto ko at inayos ang gamit ko. Inihanda ko ang sarili ko sa paghaharap namin ni Monique.

"Sophie anak, lumabas ka na at kakain na kayo ng parents at kapatid mo. Kasama yata ang boyfriend niya." sabi ni yaya Ising sa labas ng kwarto ko.

"Lalabas na po 'ya, salamat po." sagot ko.

Saktong paglabas ko nang papaalis pa lang si yaya, ang nag-iisang nagmamahal saakin dito sa bahay namin. Yung ekspresyon niya nang makita ako ay nakakatuwa, para siyang nakakita ng multo.

"Sophie anak? Ikaw na ba 'yan?" tanong niya saakin.

"The one and only, yaya Ising." nakangiti kong sabi sa kanya."Ang ganda ganda mo na." hindi makapaniwalang sabi niya saakin at ako tumawa lang.

"Ibig sabihin dati hindi kayo nagagandahan saakin?" kunwaring nagtatampong tanong ko sa kanya at siya ay kinakabahang umiling lang. Bago ako umuwi pina- make over mu na ako ni mom.

"Hindi ganon ang ibig kong sabihin anak, maganda ka na dati pero mas lalong gumanda ngayon." sabi niya saakin.'Mas na lalo pa? Wew, sobrang ganda ko naman yata ngayon.'

"Ibang-iba ka na anak, mukhang masaya ka doon sa Hyun University dahil napakaaliwalas nang mukha mo ngayon." masayang sabi niya.

"Sobrang saya ko doon, yaya Ising." malungkot kong sabi dahil naalala ko na naman ang buhay ko doon, mga kaibigan ko, ang bago kong pamilya at si Lulu.

"Halata sa'yo anak." sabi niya saakin.

"Yaya Ising, sabihin mo po sa kanila hindi po ako kakain." sabi ko sa kanya.

"Ha? Anak alam kong malayo ang biyahe kaya siguradong gutom ka." nag-aalalang sabi saakin ni yaya.

"Mas gusto ko po kayong kasama. Gusto ko pong magkwentuhan muna tayo." sabi ko sa kanya. "At isa pa po busog pa ako." sabi ko. Busog pa ako dahil bago ako paalisin ni Lulu pinakain niya muna ako nang isang bundok na pagkain.

"Sigurado ka ba anak?" nag-aalangang tanong niya at ako ngumiti lang

"Siguradong sigurado po." sagot ko. "Ay! Ya pagkatapos niyo pong sabihin na hindi ako makakakain, pwede pa po bang makahingi ng favor?" sabi ko with my best puppy dog face.

"Siyempre naman anak, lagi mo akong maaasahan." nakangiti niyang sabi saakin.

"Salamat po, I love you." masaya kong sabi.

"Asus! Ikaw bata ka binobola mo na naman ako. Ano ba yung isa mong pabor?" sabi niya saakin.

"Pakipalagay po kay manong Jim yung sasakyan ko sa lumang garahe, ito po yung susi." sabi ko sabay abot nung susi at siya is nagtataka lang tumingin saakin.

"Sasakyan? Kailan ka pa nagkasasakyan?" nagtataka niyang tanong.

"Basta po. Ipapaliwanag ko nalang sa inyo mamaya. Sa ngayon po quiet lang po kayo ha?" sabi ko at siya tumango lang.

Pinapalagay ko sa lumang garahe yung sasakyan ko para hindi malaman nang magaling kong pamilya pero baka bukas malalaman din ni Monique.

Palihim akong pumunta sa kusina at nagtago para hindi nila makita at para mapakinggan ko ang pinag-uusapan nila. Siyempre kailangan ko din ng mga impormasyon nung wala ako diba?

"Ma'am Stella, busog pa daw si Sophie at magpapahinga na lang daw muna siya." paalam ni yaya sabay alis para siguro sundin ang isa ko pang favor.

"Ano na naman ba ang binabalak nang batang 'yon ngayon?" sabi ni mama.

Binabalak? Oh believe me my dearest mother, maraming marami akong binabalak to make your life a living hell.

"Malamang nagpapaawa na naman 'yon at nagpapapansin. Ano pa bang bago?" sabi naman ni Monique.

Hindi ka parin nagbabago Monique. Pero hindi ko naman inaasahan na magbabago ka sa anim na buwan na pagkawala ko.

"Nandito na po si Sophie? Kumusta na po siya?" hindi ko inaasahang tanong ni Jarred.

Nagi-guilty ka ba Jarred sa ginawa mo saakin? Tama 'yan, dahil dapat habang buhay kang maguilty sa ginawa mo saakin.

"Ayun, sa tingin ko natauhan na sa pinanggagawa niya. Matututo na siyang sumunod ngayon." naka-smirk na sabi ni papa at sila nagtawanan lang.

Magpakasaya na kayo ngayon, because in the next day you'll see hell.

Aalis na sana ako nang...

"Oo, ready na ba yung surprise natin bukas kay Sophie? Ready na ba yung pintuan sa classroom? Yung entrance gate? Basta iready niyo na yung lahat." naka-smirk na sabi ni Monique sa kausap niya sa cellphone.

"Ano yung pinag-uusapan niyong surprise niyo kay Sophie?" tanong ni dad.

"P-po? Ah yun po ba? Napag-usapan po kasi namin na i-surprise si Sophie sa school bukas, parang iwe-welcome po namin siya." kinakabahang sagot naman ni Monique.

"Ang bait-bait mo talaga anak, hindi ko ba alam at saan nakuha ni Sophie ang basura niyang pag-uugali." proud na proud na sabi naman ni mama.

Kung ganon may balak ka na naman palang ipahiya ako bukas Monique? Tignan nalang natin bukas kung sino ang mapapahamak. You'll see hell starting tomorrow.

Pagkatapos kong marinig ang kailangan kong marinig umalis na ako doon at pumunta na sa garden kung saan alam kong naghihintay si yaya Ising.

"Umamin ka anak, saan mo galing ang mukhang mamahaling sasakyang 'yon?" tanong saakin ni yaya.

"Uminahon po kayo yaya. Hindi ko po yun ninakaw at hindi rin po ako gumawa nang masama para mabili 'yon." paninigurado ko sa kanya at siya ay nakahinga naman nang maluwag.

"Mabuti naman kung ganon. Pero paano ka nagkaroon nang ganoong sasakyan? Sigurado ako sobrang mahal yun." sabi naman niya saakin at ako nginitian ko lang siya.

"Paano niyo po nasabing mamahalin 'yon? Wala naman po kayong alam sa sasakyan ha?" tanong ko kay yaya.

"Anak hindi ako tanga, sa hitsura palang nang sasakyang 'yon e malalaman mo ng mamahalin yon. Ngayon anak uulitin ko ang tanong ko, saan mo galing ang sasakyang 'yon?" sabi niya sabay tanong niya saakin.

"Regalo po saakin. Binili po ng parents nang boyfriend ko." nakangiti kong sabi kay yaya.

"Boyfriend? Kaya ba napakaaliwalas nang mukha mo ngayon?" tanong niya saakin.

"Opo yaya. Alam niyo ba yaya ang saya-saya ko doon? Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan, mahal ako lahat ng mga tao doon. Nagkaroon din ako ng bagong pamilya. Sa wakas alam ko na ngayon kung ano ang pakiramdam nang mahal ka ng pamilya mo. Alam ko na rin kung ano ang pakiramdamdam nang minamahal, alam ko na ngayon kung ano ang pakiramdam nang may nag-aalaga, nagmamahal at nag-aalala sa'yo. Binigay lahat sa akin 'yon ni Lulu." kwento ko sa kanya at siya ngumiti lang nang malungkot saakin.

"Masaya ako para saiyo anak. Sa wakas nakamtan mo narin ang mga bagay na dapat para sa'yo." sabi niya tapos yinakap niya ako.

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
53.8K 2.1K 48
Have you heard the "Aburakatiktik syndrome?" Pwes kung hindi pa basahin mo ang storyang ito. Paano kung isang araw makita mo nalang ang boyfriend mo...
14.4K 833 25
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
225K 3.1K 23
Magtatagumpay kaya si Brimmie na mapaibig ang isang Prince Villegas? Paano pag itulak siya nito papalayo at sabihing Tumigil siya sa kabaliwan niya? ...