Hunstman Series #:7- The Mafi...

By MayAmbay

452K 14.2K 596

Colosas Hunstman HUNSTMAN 3rd GEN SERIES "Kasalan itong ginagawa mo sa'kin maghunos dili ka, Ginoo..." Lumuw... More

THE MAFIA BODYGUARD
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
Special Chapter (Henry and Clarit)
Special Chapter (Henry and Clarit)

Chapter 2

11.7K 362 19
By MayAmbay

Raquel
#KAPATID

"Kapatid kong babae, boss." Napapitlag ako ng pinisil niya ang beywang ko.

Napatingin ako sa kaniya. Nakita kong nakatitig lamang siya doon sa matanda, nakipagtitigan sa matanda.

Sinulyapan niya ako at kita kong walang emosyon ang kaniyang mga mata na nakatunghay sa'kin.

"Hindi ko alam na may kapatid kang babae, Romnick."

Napatingin ako sa matanda. Kita kong hinagod nito ang kabuuan ko bago tumingin sa lalaking nagsinungaling na kapatid daw niya ako.

"Tinago ko dahil ayoko siyang mapahamak."

Ngumisi ang matanda bago nito tinapik ang balikat ng lalaki. Tumalikod at akma itong lalakad ng magtangka akong magsalita.

"A-ah, sir! Ang toto—" Pinisil ng may diin ng lalaki ang beywang ko na lihim kong kinadaing, kaya napahinto ako sa dapat kong sabihin.

Napalingon naman sa'kin ang matanda.

"May sasabihin ka, iha?" Nakangiti nitong tanong na kinatango ko at hindi pansin ang lalaking nagsinungaling.

"A-ano po kase ang totoo ay—"

"Magpapaalam na kami, boss. Natrauma ang kapatid ko sa nasaksihan."

Tumango ito sa lalaki bago tuluyan umalis kasama ang ilang mga nakaitim na kalalakihan, may mga baril na sukbit sa tagiliran nila.

Kasabay noon ay bigla kong itinulak palayo sa'kin ang lalaking magaling magsinungaling tsaka hinarap ito.

"Sinungaling ka, Mister! Bakit mo naman sinabi iyon? Pumatay ka ng inosenting tao at nagsinungaling pang magkapatid tayo?" Sumbat ko.

Seryoso lang itong nakatitig sakin.

"Kung hindi ko gagawin iyon ay patay ka na."

Kinilabutan ako sa sinabi nito bago ako napadasal ng wala sa oras.

"Maghunos dili ka nga sa sinabi mo, Mister!" Bulalas kong sambit.

Napailing ito sa ginawa ko at kita kong seryoso ito sa kaniyang sinabi.

"Bumalik ka na sa pinanggalingan mo. Mapapahamak ka lang dito."

Mariin akong napailing sa sinabi niya.

"Hindi ko pa nakakausap si Mr. Aragon, kaya hindi ako pwedeng umalis." Pagkontra ko.

Titig na titig na naman ito sa'kin.

"Nakausap mo na siya." Simpleng tugon niya, mariin ang titig sa'kin.

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Natigilan ako ng matanto kung ano ang ibig niyang sabihin.

Biglang nanlaki ang mga mata ko.

"S-si Mr. Aragon ba iyong matanda?" Muli kong bulalas.

Hindi ito nagsalita at nakatitig lamang sakin pero base sa nakikita ko ay nakompirma kong si Mr. Aragon nga iyong matanda kanina.

Kung ganoon ay isang masamang tao si Mr. Aragon na pumapatay ng tao?

Muli na naman akong napadasal ng wala sa oras.

"Tsk." Rinig kong sambit ng lalaking kaharap ko.

"Paano ko siya kakausapin, Mister?" Biglang tanong ko na napalapit sa kaniya.

Hinawakan ko ang braso niya na kay tigas at parang nakuryente pa ako sa pagdantay ng kamay ko sa balat niya.

Bigla din niya akong tinitigan kaya napakurap ako sabay kuha ng kamay ko sa braso niya.

"Wala siya sa huwesto na makipag-usap ngayon kahit kanino." May pinalidad sa boses nito.

Nanghinayang ako sa sinabi niya. Nasayang lang pala ang pagod ko sa pagluwas dito.

"Kailan siya pwedeng makausap?"

Nagkibit balikat lamang ito sakin.
Lalo akong nawalan ng pag-asa.

Mahaba ang  biniyahe ko tapos makakasaksi pa ako ng taong pinatay sa harap ko at ang taong pakay ko ay walang oras makipag-usap sakin.

Pero hindi ako susuko. "Talaga bang ayaw ni Mr. Aragon makipag-usap o sinasabi mo lang ito para umalis ako? Sino ka ba, Mister?"

Tumaas ang sulok ng labi nito bago pinagkrus ang mga braso sa dibdib nito. Kakaiba ang tingin sa'kin.

"Edi pumasok ka kung gusto mong mamatay." Seryoso nitong sabi na hindi sinagot ang tanong ko.

Hindi talaga nagbibiro ang ginoong ito at ubod pa ng suplado.

Pinaglihi ba siya sa ampalaya— Diyos ko, patawad po!

Muli akong napadasal at iniiling ang ulo ko dahil sa iniisip ko.

Kumunot naman ang noo ng ginoong kaharap ko.

"Ayoko pang mamatay. Ayoko din na bumalik ng Kombento na hindi nakakausap si Mr. Aragon. Mababaliwala lahat ng  hirap ko sa pagpunta dito. Nanghiram pa ako ng pera para lang may pamasahe paluwas dito at isang araw lang iyon!"

Humihingal kong sambit at gusto nang umiyak sa kamalasan kong ito.

Ang dami kong nasaksihan sa isang gabi lang at pakiramdam ko ay makasalanan na itong mga mata ko.

"Tsk. Ang drama mo." Bulong nito.

Bigla akong naalarma ng iniwan ako ng ginoo kaya bigla kong nakuha ang bag ko at hinabol siya.

"Mister! Sandali lang!" Humihingal kong sabi habang mabilis ang mga hakbang ko na sinasabayan ang malalaki niyang hakbang. "P-pwede bang makitulog ako dito kahit ngayong gabi lang?"

Bigla siyang napatigil na pinagpasalamat ko.

Hinarap ko siya at ganoon pa din ang emosyon sa kaniyang mukha.

"Hindi ka pwede dito." Matigas niyang pahayag.

"Kahit saan na pwede, please? Wala kase akong mapupuntahan dito at hindi ko alam ang mga pasikot baka lalo akong mapahamak at kasalanan mo iyon."

Ako'y patawarin Mo po, Diyos ko.

Lihim kong dasal dahil ito na lang ang naisip kong paaran.

Ayoko talagang bumalik ng Kombento na hindi dala ang magandang balita.

Nangako ako sa kanila at lalo kay mother Isabelle na babalik akong may magandang balita.

Kita kong tumaas ang kilay nito at mukhang nagalit sa sinabi ko.

Ngumiti lamang ako sa kaniya pero nagmamakaawa ang aking mga mata.

Marahas siyang napahinga bago umiling sakin. Lumakad na siya at akma naman akong susunod nang magsalita siya.

"Stay here, may kukunin lang ako." Tumango- tango ako bago niya iniwan sa gitna ng espasyo.

Napahinga ako ng malalim bago luminga sa paligid ang mga mata ko.

Ngayon ko lang napansin na may mangilan- ngilan pa lang mga kalalakihan ang nasa unahan ng bahay at mukhang binabantayan ito.

Kita ko din na may mga sukbit na mahahabang baril sa kanilang balikat. Ang iba doon ay nasa tagiliran nila na nakita ko kanina.

Bigla akong kinilabutan. Muli na naman akong napadasal.

"Hi! Diba ikaw iyong sister ni Romnick?" Boses mula sa likod ko.

Napalingon ako, isang lalaki ang siyang nakatayo sa likod ko.

Matangkad ito at pareho ang  kasuotan nito sa ginoong nagpanggap na kapatid ako.

Pero mas matangkad ang ginoong iyon, makisig din kaysa dito.

"O-oo." Nauutal kong sambit. Napilitan na din akong tumango. Lihim ko pang nakagat ang aking dila dahil sa kasinungalingan na ito.

Nakangisi ito habang nakatitig sa'kin, hinahagod nito ang kabuuan ko.

Medyo nailang ako sa ginawa nitong pagtingin sa'kin.

"By the way, I'm Henry and you are?"

Nilahad nito ang isang kamay kaya napilitan akong kunin iyon.

"Ako si sister Raquel." Pinisil nito ang palad ko na kinapitlag ko.

Akma kong babawiin ang kamay ng may isang kamay naman ang humaklit ng braso ko.

Kinaladkad ako nito kaya mabilis na napasunod ako kahit nagulat sa ginawa nito.

"Raquel. Nice name!"

Napalingon ako sa lalaki at kita kong may malapad na ngisi sa mukha nito.

"Bilisan mo at layuan mo ang lalaking iyon." Seryoso niyang utos.

Napapitlag ako ng pinisil niya pa ang braso ko at ramdam kong may galit sa boses nito.

Nilingon niya ako kaya napatango nalang ako. Ilang minuto ay napatigil siya sabay bitaw niya ng braso ko.
Pansin kong nandito kami malapit sa gate.

Nagtaka ako kung ano ang gagawin namin dito?

Pero nakita ko siyang umangkas sa isang nakaparadang motorsiklo at pansin kong mamahalin pa iyon.

"Sakay." Tipid niyang sabi na kinataka ko.

"Ha?" Naisambit ko nalang sa aking pagtataka. Nakita ko naman na naiinis na siya sa'kin, nagpipigil lang.

"Gusto mo bang sumama?" Naiinis na nga ang boses nito na agad kong kinatango-tango.

"Oo!" Bulalas kong sabi.

"Tsk. Edi, umangkas ka dito sa likod ko!" Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

Pero sa takot na magalit ito at iwan ako ay napalapit ako sa kaniya.

At dahil sa taas ng motorsiklo at damit ko ay nahirapan ako sa pag-abot ng apakan.

Narinig ko ang pag 'tsk' niya bago bumaba at laking gulat ko ng bigla niya akong hawakan sa magkabilang beywang ko sabay upo niya sa'kin patagilid.

Sumunod din siya sa pag-angkas. Nasa kaniyang harapan ang bag ko.

"S-salamat." Naiilang kong sabi.

"Kumapit ka." Nilingon niya ako bago nito inistart ang makina kaya napatango ako sabay kapit ng isa kong kamay sa balikat niya.

"Tsk." Huminto ito at muli akong nilingon sabay iling nito sa'kin.

Muli nitong inistart ang makina. Bigla akong napahiyaw ng malakas dahil pinatakbo nito ng mabilis ang motorsiklo.

Kasabay noon ay napayapos ang dalawa kong kamay sa beywang niya,  napasubsob naman ang mukha ko sa likod niya.

Pikit mata ako doon. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng dibdib ko sa sobrang kaba.

"Mister, naman! Magdahan dahan ka nga sa pagpapatakbo! Nininerbiyos ako sa'yo!" Napalo ko ng mahina ang balikat niya pero lihim kong nahuli ang pagngisi niya.

Sa kauna- unahang pagkakataon ay nasilayan ko ang ngiti niyang iyon na mas bumagay pa iyata sa kaniya.

Lalong nagpadagdag iyon sa kakisigan niya. Lalo siyang gumugwapo sa paningin ko.

Diyos ko, patawarin Mo po ako kung nagkaroon ako ng paghanga sa isang lalaki. Ilayo Mo po ako sa kasamaan.

Napatikhim ito ng mahuli ang titig ko sa kaniya. Ramdam kong bumagal na din ang pagpapatakbo niya.

Ilang minuto lang ay pumasok ang motor sa isang gate at may nakita akong bahay na katamtaman ang laki. Maganda ang pagkakagawa ng bahay na yari sa semento.

Nang maiparada nito ang motor ay una itong umalis bago niya akong tinulungan makababa.

Dinala niya ang bag ko papasok sa loob kaya napasunod ako sa kaniya sa loob ng bahay.

Bumungad sa'kin ang maaliwalas na espasyo. Konting gamit lang ang nakikita ko sa paligid.

Nilapag niya ang bag ko bago ako hinarap, napakurap ako.

"Bahay ko 'to. Pumarito ka muna." Tipid akong napangiti sa sinabi niya.

"Maraming salamat." Tipid lang din siyang tumango sakin.

"Ikaw na muna ang bahala dito." Kumunot ang noo ko.

"Ha? Bakit, saan ka pupunta?" Kinabahan ang boses ko at alam kong nakita niya iyon.

"Huwag kang mag-alala, ligtas ka dito. Kailangan kong bumalik doon sa Mansion."

Tumango na lang ako sa kaniya at naniniwala naman ako sa kaniyang sinabi.

"Maraming salamat muli, Ginoong Romnick." Agad kong sabi sa kaniya.

Natigilan siya at nangunot ang noo at ako ay ganoon din dahil sa pagbanggit ko ng kaniyang pangalan.

Hindi ko alam pero kusa na lang iyon lumabas sa'kin labi. Iyon naman ang pangalan niyang narinig ko kay Mr. Aragon.

Hindi ito umimik at lumabas na ng bahay pero napahinto ito sa may pinto at nilingon ako.

"Mauuna na ako. Raquel."

Pagkabanggit niya ng pangalan ko ay tuluyan na siyang umalis. Rinig ko na lang ang pag-andar ng kaniyang motorsiklo palabas ng gate.

Naiwan akong napabuga ng hangin at nilibot muli ang aking paningin sa paligid. Nakita ko sa orasan na alas diyes na pala ng gabi. Kasabay noon ay biglang humuni ang tiyan ko.

Muli kong nilibot ang paningin ko. Nang masigurado na ako lang mag-isa dito ay bigla akong nalungkot.

Nasanay akong marami kami doon sa Kombento at masayang kumakain. Sabay din na nagbabible study. Bigla ko silang namiss doon.

Ako ang naiwan dito kaya sinamantala ko na ang pagkakataon.

Nilagay ko muna sa isang silid na alam kong kaniya dahil sa kulay panlalaki at ayos nito ang bag ko, bago ako lumabas at tinungo ang kusina.

Binuksan ko ang refrigerator. Agad akong natigilan ng makitang marami itong laman. Mga Karne, gulay, prutas, fresh milk at iba pang makakain at maiinom.

Sinara ko iyon at mga kabinet naman sa itaas ang tiningnan ko, mga instant noodles at ibang mga sangkap ang nandoon.

Kumuha nalang ako ng isang cup ng noodles at nilagyan iyon ng mainit na tubig. Naghintay ako ng ilang minuto bago iyon kinain.

Nagdasal muna ako bago kumain.

Gabayan niyo po ako, Diyos ko.

***
Please votes, comments and share. Thank you.

©MAYAMBAY.

Continue Reading

You'll Also Like

204K 5.5K 35
Ann Walton- The only Daughter of Senator Vernan Walton.Lingid sa kaalaman ng kanyang pamilya, Miyembro siya ng Black Underground ng Assassin's na kun...
27.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
59.4K 1.7K 45
COMPLETED Damian Hansley was a young business tycoon, he known as a ruthless and a devil he treat everyone like a trash but suddenly a girl Scarlett...
1.3M 44K 53
Conan Erlick Hunstman The Unpridectable Son "You don't know me and I didn't know you either. But our body know's each other." Nakangising pahayag ng...