"Three Prince and I" (On-goin...

By Yachix02

1.5K 271 102

Pag-ibig o Kapangyarihan Masaya ba? Masarap ba? ang maging isang Prinsipe at Prinsesa Kapangyarihan , kayaman... More

Chapter 1
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8: Second Prince
chapter 9: Firts encounter
chapter 10: Mean Girls 101
Chapter 11: The return of the past
Chapter 12: Trouble
Chapter 13: Head Lady vs Head Assistant
chapter 14: kaibigan
Chapter 15: Paghaharap
chapter 16: smile ๐Ÿ’•
Chapter 17: Partner
Chapter 18: New friend
Chapter 19: First Kiss ๐Ÿ˜ฏ๐Ÿ˜˜
Chapter 20: Pagtataka
Chapter 21: confirmed
Chapter 22: Deal
Chapter 23: Coming of truth
Chapter 24: Pain is back ๐Ÿ˜ข
Chapter 25: Acquaintance Party I
Chapter 26: Acquaintance Party II
Chapter 27: Bonding Time #LuNic ๐Ÿ’•
Chapter 28: Revelation
Chapter 29: Revelation II
Chapter 30 : Lolo meets Apo ๐Ÿ’–
Chapter 31 : welcome @TheMansion
Chapter 32: Princess Alexandria Valdez Fuentabella
Chapter 33 : Crush Kaya Kita
CHAPTER 35: Zambales ๐Ÿ„๐ŸŠ

Chapter 34: Love Hurts ๐Ÿ˜ข

31 3 0
By Yachix02


Dedicated to sleepyshimmy
Maker of my latest Book Cover


Chapter 34: Love hurts 💔



Lucia's point of view



"Patrick !"

"Bakit Nicolai ?"

"Pwede ko bang makausap si Lucia ?, Just a minute"

**Hindi kaagad sumagot si Patrick, nakikipagtitigan pa sya kay Nicolai.. ito namang si Nic-nic,ang lapad ng ngiti nang-aasar pa yata...

"Just -a - minute, okay !"

"Alright, lets go".. (sabay kindat)

**Hinawakan nya ang kamay ko, sabay kindat pa.. jusko.. lalo tuloy hindi maipinta ang mukha ni Patrick..

Ahm, Patrick, saglit lang talaga to.. mag-usap tayo mamaya..

**Nang bigla nyang hawakan ang isa ko pang kamay, ginawa nila akong lubid sa Tag-of-war nasa magkabila silang dulo..

"What!, "

"Kung ano man ang pinaplano mo, ...

"Ano bang sinasabi mo, relax.. mag-uusap lang kami.. okay.. wag kang paranoid Prince Patrick"

.....
**Habang naglalakad kami ay hawak pa din nya ang kamay ko, pinagtitinginan tuloy kami ng ilang mga estudyanteng nadadaanan namin.. nagpunta kami sa sikretong tambayan nila..
Hindi ko na mabilang kung ilang beses nakong nakapunta dito... Pero palagi pa rin akong nagagandahan dito, dahil siguro sa magagandang halaman na narito.. nakakarelax...

Teka, bitiwan mo na nga ako.. ano bang pag-uusapan natin??, Tyaka bakit pakiramdam ko inaasar mo si Patrick..

" Inaasar? Ano kami mga bata! Hahaha"

Hmm e bakit nga tayo nandito? Ano ngang pag-uusapan natin?

" I like you, sungit "

T-teka anong sabi mo? Sungit ? Inaano nanaman ba kita ahh.. nagtatanong lang naman ako, tinatawag mo na agad akong sungit.. grabe ka !!

"Seriously?!, Hahahha .. kakaiba ka talaga!"
Sa sinabi ko, yung SUNGIT pa talaga yung narinig mo ahh..

**Napaupo ako sa may bench**

Narinig ko ..

**Awtomatikong napalingon sa akin si Nicolai**

"Narinig mo?"

Oo .. hmm bakit ako? At kelan pa?

**Naupo sya sa tabi ko**

"Yung totoo, hindi ko alam kung kelan to nagsimula. Basta nagising na lang ako at gusto na kitang makita araw-araw.. hindi ko din alam kung bakit ikaw pa, sa dami ng babae"

Baka naman namimiss mo lang si Ashley.. baka nakikita mo lang sya sakin..

"Ofcourse not!, Pag sinabi kong naka-move on nako sa isang tao, that's true..matagal ko ng tinanggap ang mga nangyari samin ni Ashley.. so believe me, GUSTO KITA bilang ikaw!!"

Bakit mo sinasabi sakin to? Alam mong nanliligaw sakin si Patrick, alam mo din ang nararamdaman nya para sakin..

"Gusto kong malaman kung, may nararamdaman ka din ba para sakin?,"

**Napatingin ako kay nicolai.. hindi ko alam ang isasagot ko.. tanging pangalan lang nya ang naging sagot ko..

Nicolai..

"Are you inlove with him?"

**Hindi ako makasagot.. hindi ko alam ang isasagot ko.. ** tumayo sya at tumalikod sakin**

"Silence means Yes!..
Pasensya na kung kinailangan mo pang malaman ang nararamdaman ko sayo.. hindi ko gustong guluhin kayo.. halika na ibabalik na kita sa kanya"

Mahal ko sya...pero...

**Tumayo ako ,lumingon sya sakin** napayuko ako,..

I've tried..

"Anong sinubukan mo?!"

Sinubukan ko.. sinusubukan kong suklian yung nararamdaman nya sakin nang higit pa sa isang kaibigan ..pero ayaw makisama ng puso ko. Nahihirapan ako, alam mo ba yun.. ayoko syang pasahin, pero ayoko ding masaktan sya ..

**Nahilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko..** naramdaman ko na lang na nasa harapan ko na si Nicolai, diretsong nakatingin sakin..

"Lalo mo lang syang masasaktan kung patatagalin mo pa ang panliligaw nya, ikaw lang ang may kakayahang ipaliwanag sa kanya ang lahat .. "

Pero pano?, May paraan bang hindi sya masasaktan ha..

"Wala,.. hmm.. bakit nga ba hindi mo kayang mahalin pabalik si Patrick?"

**Bigla akong kinabahan sa tanong nya, bakit nga ba?.. napapikit ako.. hindi ko inaasahang mga alaala nang masayang pagsasama namin ni nicolai ang makikita ko.. ang mga asaran, ang halik na nag-ugnay saming dalawa.. napahawak ako sa kanang dibdib ko.. at napadilat ako ng may malambot na bagay ang dumapo sa mga labi ko...
Isang smack kiss ang ginawa nya sakin, pero tila lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng pintig nito..

B-bakit mo ginawa yun?

"Gusto kita Lucia, gustong-gusto"

Nicolai

**At bigla nya akong niyakap **

"A minute huh!"

**Kumalas si Nicolai sa pag-kakayakap sakin at napalingon sa nagsalita**

Patrick..

** Kinuha ni Patrick ang kamay ko at inilayo ako kay Nicolai, habang naglalakad kami ay humihigpit ang hawak nya**

Patrick, nasasaktan ako..

**Napahinto sya, nasa quadrangle kami ngayon, at pinagtitinginan ng mga estudyante.. binitiwan nya ako.. at biglang hinapit palapit sa kanya at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap

"I am sorry,. Hindi ko sinasadya.. Patawarin mo ako"

It's okay , naiintindihan ko naman..

**Bumalik na kami sa room.. habang lumilipas ang bawat klase.. hindi ako makapag-focus ng maayos, hindi mawala sa isip ko ang lahat ng napag-usapan namin ni Nicolai .lalo na ang smack kiss nya, ang lakas ng dating sa akin, lumalakas ang pintig ng puso ko dahil doon..

~~~~~

Good Morning sunshine !!

Hayy, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi..may eyebags na tuloy ako..
Hoy! Alam mo kasalanan to ng lalaking kumuha sayo, hindi nya ako pinatulog ng maayos.. halos magdamag syang tumatakbo sa isip ko, hindi ba sya napapagod??

Ang aga naman para mabaliw , mahal na prinsesa.. sa tingin mo ba ay sasagutin ka ng stuff toy na yan . At teka anong tawag mo sa kanya "HOy" psh.. ang baduy!!

Utak pwede ba ang aga-aga para maging kontrabida ha..

Tok! Tok !

"Lucia, anak, gising na.. "

Opo, nay, susunod napo ako..

**Nagmamadali akong tumungo sa banyo para maligo at sa mga morning rituals ko.. pagkatapos ay bumaba na ako**

"Good Morning Apo, mukhang napasarap ka ng tulog.. halika maupo kana at kumaen"

**Sana nga po napasarap nalang ako ng tulog Lolo..**

Sige po.. Magandang Umaga din po..

"Siya nga pala, simula ngayon ay, hindi ka na muna maaaring sumabay kay Prince Patrick, nanjan naman si Ronald, siya na ang magiging driver mo ,Apo"

Bakit po? Lolo

"Nakarating sa akin ang nagiging issue nyong dalawa .. Napagkakamalang nagli-Live-in kayo, dahil sabay kayong pumapasok at umuuwi.. Hindi ito magandang imahe para sa pareho ninyong pangalan, masyado pa kayong bata para sa gaanong bagay"

"Nauunawaan ko po H.M, salamat po"

Okay po Lolo..

~~~
"Bessy, bakit hindi kayo sabay ni Patrick? Nag-away ba kayo?"

Ha, hindi.. mejo mahabang kwento mamaya ko na lang iexplain ..pero we 're in good terms naman ni Patrick..

"Lucia, "

Prince Nicolai..

"Lucia, lets go"

Ahm, halika na bessy, Pat, pumasok na tayo..

**Buong umaga kong iniiwasan si Nicolai, hindi ko kasi alam kung pano ko sya haharapin..

"Ahm guys, hindi makakapag-lesson si Ms. Generoso, kaya may vacant time tayo"

"Lucia, eloisa, pupunta lang ako sa mga Admins, pinapatawag pala ako"

Sige, take care..

"I will :)"

....
"Lucia, pwede ba tayong mag-usap?!"

Nicolai..

"Ahm sige na bessy mag-usap na kayo, habang wala si Prince Patrick"

Eloisa,.

"Sige na, mukhang importante ang sasabihin ni Prince Nicolai, ako na ang bahala pagbalik ni Prince Patrick"

"Thank you, eloisa :) "

***Hawak nanaman nya ang kamay ko, naiilang tuloy ako.. **

Ano namang ginagawa natin dito sa LP?

"Hmm, baka kasi sawa kana sa secret tagpuan natin ahahah"

Ano nanaman bang sasabihin mo?,

"Mukhang puyat ka ahh, hindi ka ba nakatulog ng maayos?!"

Sino ba namang makakatulog ng maayos ha, kung ano-anu ang pinagsasabi mo kahapon at isa pa, umiral nanaman yang ka manyakan mo at hinalikan mo pa ako !!
** Omg, totoo ba to, diretso kong nasabi sa kanya ang lahat.. nakakahiya.. nararamdaman ko na ang pamumula ng mukha ko..

"Totoo ba?, Oh teka bakit nakatalikod ka?"

Ano bang gusto mong sabihin ha Ni...

"Wala ka bang nararamdaman para sakin?"
Crush moko hindi ba? Hanggang dun lang ba 'yon?

Gusto mong malaman ang totoo,.. Pinipilit kong suklian ang nararamdaman ni Patrick.. pero ikaw naman ang pinipilit kong ...

Pinipilit kong pigilan yung nararamdaman ko...

"Hindi mo kailangan pigilan Lucia, we have the same feelings toward each other, so what's the problem?!"

Si Patrick... I... I don't want to hurt him.. he doesn't deserve to be hurt..

**Yun lang ang iniwan ko na sya, dumiretso ako sa ladies room, hindi ko alam pinangingiliran ako ng luha.. bakit ganito..**

"Lucia!! Or should i say PRINCESS ALEXANDRIA VALDEZ FUENTABELLA !!

Stella! Ano bang sinasabi mo?

"Oh come on, Lucia.. hindi mo na maililihim, alam na namin.. kaya pala bigla na lang ang mga kakaibang kilos nyo.. na para bang may tinatago kayo ng mga kaibigan mo"

Direct to the point Stella.. what do you want, then?!

"I want you to know, kahit ano pang katayuan mo, hindi ako natatakot sayo, naiintindihan mo!?"

Sino ba ang nagsabi sayong matakot ka?, You are over reacting !! Pathetic !!

**Iniexpect kong hahabulin nila ako para gantihan pero wala, ni hindi man lang sila kumilos sa kinatatayuan nila..

**Hindi pala takot huh!.. **

P-patrick!

"San ka galing?"

Ako? Ah, jan lang sa, sa ladies room.. oo tama sa ladies room..

"Nicolai .."

Ha?, Hindi ahh. Hindi ko sya kasama .. nagpunta lang talaga ako sa ladies room

**Napatingin sya sa akin at tumingin din sa likuran ko.. at biglang dumaan sa gilid namin si Nicolai, oh no!

"Sobrang coincident naman na sabay kayong wala sa room, at parehas ko kayong nakita ngayon"

Pat, let me explain.. hindi to gaya ng iniisip mo..

"Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?!"

**Seryosong patrick ang nasa harapan ko ngayon , hindi ko sya kayang tingnan ng diretso, feeling ko ..hindi pa man kami ay niloloko ko na sya,. Nakakainis ka Lucia**

"Hmm, kalimutan mo na.. siya nga pala , may dapat kang malaman"

Ano yon?

"Alam na nila Stella ang tungkol sayo,"

Alam ko.

"Alam mo?"

Oo, kinompronta nila ako kanina sa ladies room..

"Kailangan tong malaman ng H.M, alam kong may nakahanda na syang hakbang sa bagay na to.. bumalik na tayo sa room"

Okay..

**Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng.. bigla na lang naglakad palayo si Pat,. Alam kong galit sya, na kaya nya akong iwan basta, dati lagi ako ang pinapauna nya sa paglalakad, hahawakan nya pa ang kamay ko para lang alalayan..

That's your fault, lucia.. kaya wag ka nang mag-inarte jan..

Alam ko, utak! Wag mo ng ipamukha.. kailangan ko na talaga syang kausapin..

**Pagpasok ko sa room ay, tumahimik ang lahat at nakatingin sa akin, biglang tumayo si Stella at pumunta sa harapan**

"Guys, let me have your attention please, MS. LUCIA JANE ABELLA, is having a BIG BIG announcement..

~~announcement daw, ano yun?

~~ diko alam , naku baka trip nanaman ni stella si Luciaa

~~ bakit ba lagi na lang nilang trip si Lucia, she's nice naman

Ano nanaman ba 'to, Stella?

"Ayaw mo bang sabihin sa kanila, gusto mo ako na lang ang magsabi, its my pleasure, Princess!!"

~~ princess? Bakit ganun ang tawag ni stella kay Lucia

~~ mukhang pasabog nga ito ahh..

~~ sabihin mo na Stella, baka nahihiya si lucia.. hhaha di ba classmate?

~~ Oo nga..

"Stella !"

"Yes, Prince Patrick, gusto mo bang ikaw na lang ang magsabi, tutal, nanjan ka naman palagi para saluhin at protektahan ang KA-MA-HA-LAN, hahhah"

"Lucia, Come here.. tingin ko kailangan nadin nilang malaman, sooner or later, parehas lang yun ."

Hindi ko alam kung maniniwala kayo o baka pagtawanan nyo lang ako.. pero totoo ang sinasabi ni Stella, i-isa akong Prinsesa..

**Tahimik sila,.. nang biglang..

~~ hahahhaha, narinig nyo ba yun? Prinsesa daw si Lucia..

~~ day dreaming !!

~~ hallucination ba yan lucia?

~~ anong tinira mo ha? Ba't ganyan kalakas ang tama sayo??

"Bastos! Ka ah!.. "

Patrick!.. ano ba, stop it..

**Biglang sinugod ni Patrick yung classmate namin na yun, hinawakan nya sa kwelyo at buong pwersang itinulak sa sahig..

"Bastos ka, hindi mo kilala kung sinong pinagtatawanan mo!!, "

Patrick, tama na please..

~~ haha, Stella, san mo bang chismosa nakuha ang impormasyong yan?, Kalokohan.. paano magiging prinsesa ang isang yan,?

Nicolai !!!..

"Isa pang salita mong hindi ko magugustuhan, hindi ako magdadalawang isip na basagin yang mukha g*g* !! "

**Nagulat ako ng biglang sapakin ni Nicolai yung kaklase namin na yun, ang gulo-gulo na...

Nicolai, please.. tama na.. wag nyo na syang patulan..

~~ akala mo kung sino kayo ahh, porket mga prinsipe kayo!! Ang yayabang nyo.. ano ha!!
Ano bang uri ng droga ang mga tinira nyo at puro kalokohan yang mga pinagsasabi nyo!!!

"Hindi ka talaga marunong madala ahh"

** Inawat ko si Nicolai, sasapakin nanaman nya yung kaklase namin, pero nagulat ako ng bigla akong lapitan ng lalaki na yun at itulak dahilan para bumangga ako sa table ng Lecturer namin.. arayyy masakit yun..

**Sabay na napasigaw sila Nicolai at Patrick, at ayun, hindi ko na sila nagawa pang pigilin na sugurin ang kaklase namin.. inaawat nalang sila ng iba pa naming mga lalaking kaklase ..

Dean's Office

"I am disappointed sa kaguluhang ginawa ninyo sa classroom ninyo.. "

I'm sorry Dean.. kasalanan ko po ito..

"What?!, Oh come on' alam nating lahat kung sino ang nag-umpisa nito"

"Mr. Silverio is right Princess Alexandria, its not your fault"

~~is this serious, Prinsesa talaga ang babaeng yan??

"Sinabi ko naman kasi sayo, James, Ayaw mo lang maniwala, edi sana hindi na nagkagulo ng ganito"

~~ malay ko bang totoo ang sinasabi mo, e alam naman naming lahat na lagi mong pinagtitripan at binubully yang si Lucia..

"Is this true Ms. Mercado?, Still a bully ? Huh!"

"Im sorry Dean"

"I've already warn you about your behavior, kung hindi lang nakiusap sakin ang parents mo ay matagal na kitang inexpell sa D.U,,. At tingin ko hindi ko na maaaring palampasin pa ang isang to!"

"Well if that's the case, fine expell me, i don't care"

"Ms. Mercado! Watch your words!"

Pwede naman natin tong pag-usapan Dean, hindi na kailangang ma..

"Pwede ba, don't act like you we're concern, gusto mo naman din ang mawala ako!"

Stella!, Pwede ba, wag ka ngang magsalita ng ganyan.. hindi ko nga maintindihan kung ano ang pinanggagalingan ng galit mo sakin e..

**She just rolled her eyes, nakakapikon na talaga ang isang to.. **

"Ms. Melissa, paki samahan nalang muna sila Prince Patrick , Prince Nicolai at Princess Alexandria sa Clinic. . Kakausapin ko muna sila Ms. Mercado at Mr. Gomez"

~~~

"Good bye bessy, Patrick, see you tomorrow"

Bye, bessy. Ingat kayo sa byahe..

Bye, eloi.. take care

**Sinundan ko ng tingin hanggang sa gate ang kotse nila, eloisa nang makita akong isang pamilyar na bulto ng tao.. napatakbo ako palapit dito.. naririnig ko pa habang tinatawag ako ni Patrick at nagsunuran ang mga bantay namin..

"Lucia, bakit?"

Pat, parang nakita ko si..

"Sino?,"

**Hindi ako pwedeng magkamali, si Mica... Si Mica ang nakita ko, ang bilis nyang nawala**

Ahm, wala kamukha lang nya siguro.. Lets go home na..

"Sige, para makausap na natin ang H.M"

**Habang naglalakad kami pabalik sa parking,hindi ako mapakali si Mica ang nakita ko.. sumakay na si Pat sa kotse nya, at sumakay na din ako sa kotse ng bantay ko, umandar na kami, habang nasa byahe...**

Kuya,Ronald paki hinto po ang kotse..

~~ahm, mahal na Prinsesa bakit po?

Baba,ba po ako..

~~ san po kayo pupunta, hindi po pwede, mapapagalitan po ako ng Hari pag may nangyari sa inyo..

**Nagulat kami ng may kumatok sa bintana ng kotse, tinted kasi ito..

"Kuya Ronald, may problema po ba? Bakit kayo huminto?,.. lucia are you okay?"

Nicolai, please.. come with me! Please..

~~~

Nicolai's point of view

"Nicolai, please.. come with me! Please"

Sige na, kuya Ronald, pakisabi na lang sa H.M na kasama ko ang Prinsesa .. salamat

**Inalalayan ko syang sumakay sa kotse, **

San tayo pupunta?

"I.. i want to see her.. 😢😢"

Sino?, Bakit ka umiiyak? May nangyari ba? Lucia magsalita ka!?

I saw her.. nakita ko si Mica kanina sa labas ng gate..

Si Mica..

**Nagpunta kami sa dating bahay nila, nakilala kaagad kami ng security ng village kaya nakapasok kami ng maayos.. hindi pa man kami nakakalapit sa dating bahay nila ay may natanaw na kaming isang babaeng nakatayo sa labas ng gate nito,..
Pinahinto ni Lucia ang kotse, nang medyo may kalayuan, bumaba sya at nag-umpisang maglakad.. pero huminto din at lumingon sa akin, kaya bumaba ako at nilapitan sya

Sige na, lapitan mo na sya, talk to her. I'll stay here.. i won't leave you.. promise..

*Isang matamis na ngiti lang ang isinagot nya sa akin, kasabay ang pagpatak ng luha nya.. pinunasan ko ito..

Shhh!! Stop crying.. lapitan mo na sya..

***

Mica's point of view

**Alam kong nakita ako ni Lucia, kanina.. buti na lang at mabilis akong nakapagtago..

Hayy, bessy, pinsan .. bakit ang komplikado naman ng sitwasyon natin..

**Diko na mapigilan ang maiyak.. narito ako ngayon sa harap ng dating bahay nila, inaalala ang lahat ng kalokohan naming ginagawa noon.. hahha..

Hmm, talaga bang hanggang dito na lang tayo, bessy, ha insan?.. sobrang miss na kita ..

"I miss you too"

I miss you too

**isang pamilyar na boses ang biglang nagsalita sa likuran ko.. kilala ko ang boses na yun.. kilala ko.. hindi ko kayang lumingon.. hindi ko kaya.. hanggang sa nag-uunahan nang bumagsak ang mga luha ko..

"Hindi mo ba ako haharapin?"

Hmm, Lord, naghahallucinate naba ako? Naririnig ko napo kasi ang boses ng bessy/pinsan ko..

"Mica naman ee.. "

** Hanggang sa parang slow motion ang paggalaw ng mga paa ko, ng ulo ko sa paglingon.. totoo ba ito? Hindi ba ako nananaginip? Kaharap ko ngayon si Lucia..

"Micaaaa.. 😭😭😭"

Luciaaaa. . 😭😭😭

**Okay eto na yung eksena na , nagiiyakan kaming dalawa habang magkayakap.. ayoko na syang bitawan, baka kasi pag binitawan ko sya... Bigla na lang syang mawala.. kung panaginip to.. ayoko ng magising...**
Nagbitiw kami sa isat-isa, at parehas na nagpupunas ng aming mga luhang nag-uunahan sa pagpatak...

Grabe, sobrang miss na kita..

"Ako din sobrang miss na kita"

**Nang bigla kong maisip ang lahat ng dahilan kung bakit kami humantong sa ganito.. napaatras ako at napayuko**

Umalis ka na.. Bakit ka ba nandito? Alam mo namang bawal na...

"Mica ano bang sinasabi mo..."

Bawal na tayong magkita! Batas yun Lucia, kailangan nating sundin.. nagkasala ang dad ko.. im sorry, ako na ang humihingi ng kapatawaran para sa kanya..

**Nagulat ako ng...

"T*ng in*ng batas yan !!!.. "

Lucia!!,

"Gusto ko ng normal na buhay, kasama ka Mica... Please bumalik na tayo sa dati"

Pero.. malapit na kong umalis Lucia... pinsan ko... Ang sarap pakinggan,, salamat at kahit sa pagkakataong to, natawag kitang pinsan.

"A-aalis? San ka pupunta?.. "

Hindi ko pwedeng sabihin, wag kang mag-alala , kahit malayo ako.. hindi kita makakalimutan.. ipangako mo sakin na magtatapos ka ng pag-aaral, kung magboboyfriend ka kilalanin mong mabuti ha, tyaka galingan mo sa pamumuno ha, naks Prinsesa pala ang pinsan ko... Lucia wag mo akong kakalimutan ah.. please

"Micaaa 😭😭😭.."

**Isang mahigpit na yakap nanaman ang ibinigay namin sa isat-isa, kapwa luhaan.. **

Patawarin mo ko Lucia, but we need to do this.. Sana din mapatawad mo si Daddy..

"Just stay Mica, papatawarin ko , kakalimutan ko lahat, j-just stay with me.. please"

Gustuhin ko man, pero hindi ganun kadali.. Hanggang sa muli , bessy/pinsan ko.. Mahal na mahal kita..

**Nag-umpisa na akong bumitaw sa kanya at humakbang papaalis... Pero hinabol lang ako ni Lucia at ayaw bitawan.. sinenyasan ko si Prince Nicolai na lumapit..

"Lucia, tama na.. "

"No.., hindi ko kaya.. Mica don't do this .. please.. please..."

**Pilit kong inalis ang mahigpit niyang pagkakahawak sa kamay ko.. umatras ako at yumuko sa kanya..

Paalam, Mahal na Prinsesa..

**Dinig na dinig ko ang pagiyak nya, ang pagmamakaawa nya kay Prince Nicolai na bitawan sya.. pero alam kong alam ni Prince Nicolai na ito ang tamang gawin**

"Lucia, nakikiusap ako tama na.. tama na please"

~~~
Nicolai's (point of view)

**Nakaalis na si Mica, pero heto at walang tigil sa pagiyak si Lucia**

"Nicolai, please habulin natin sya, nagmamakaawa ako sayo.."

Lucia, tama na.. tama na..

**Nakayakap na sya sa akin ngayon, at dahan-dahang tumitigil sa pag-iyak,. Hindi ko kayang makita syang ganito.. nasasaktan ako.. maya-maya pa ay inaya ko na syang sumakay sa kotse..
Tahimik kami habang nasa byahe, tanging ang pag-hikbi nya ang maririnig..
Madilim na nang makarating kami sa Mansyon, gaya ng dati nag-aantay sila Mom, Dad, H.M, Chester, Tita Ida at si Patrick na masama ang timpla ng mukha ng makita ang kotse ko.. **

Halika na

"Salamat"

**Magkahawak kamay kaming humarap sa kanila, hindi ko maintindihan pero sa kabila ng matatalim nilang tingin, ay may kung anong kilig ang dumadalaloy sa katawan ko .. hahha

"Prince Nicolai, Princess Alexandria.."

H.M, paumanhin po..

"Sa loob na tayo mag-usap!"

** Yun lang at tinalikuran na kami ng lahat, sumunod sila sa H.M tanging si Patrick lang ang naiwan, lumapit sa amin..

"Pwede mo na syang bitiwan, Nicolai.. lets go Lucia, pumasok na tayo"

**Huh! Epal.. **

Conference room

"Maupo kayong lahat.. Prince Nicolai, saan kayo nagpunta ng aking Apo?"

**Magsasalita na sana ako ng biglang....

"Apo, anong ginagawa mo!?, Tumayo ka !"

"No, Lolo, hindi ako tatayo hanggat hindi kayo pumapayag"

"Pumapayag? Saan? Hindi kita maunawaan, kaya't tumayo ka na dyan at magusap tayo ng maayos"

Lucia, please, tumayo kana

**Inalalayan ko syang tumayo.. hindi nanaman nya napigilan ang umiyak, halata sa kanila ang pagkalito..

"Apo, ano bang nangyayari at nagkakaganyan ka?, Nicolai may alam ka ba rito?!"

Wala po ako sa posisyon para magsalita.. Pero gusto kong humingi ng tawad, kasalanan ko din po ito..

"Hindi ko kayo maunawaang dalawa!?"

"Nagkita kami ni Mica.. Lolo im begging you, please, wag nyong ilayo sakin si Mica.. please"

"Paanong nangyari ito, ?"

Sinamahan ko po siya, kaya nagkita sila.. maniwala kayo o hindi.. coincident po ang nangyari.. nagpasya lamang po kaming puntahan ang dating bahay nila, hindi po namin inaasahang si Mica ang makikita namin doon..

"Lolo, tatanggapin ko lahat ng ipapagawa nyo sakin,.. wag nyo lang hayaang malayo sa akin si Mica.. she is almost a sister to me, karamay ko sya sa mga panahon nangungulila ako.. Lolo, ikaw ang hari, you had the power,.. please "

"Marahil nga ay hindi mo pa naiintindihan ang mga bagay-bagay sa Dmitrion, kaya nauunawaan kong ganyan ang iniaasta mo..pero.. patawad apo, ako nga ang hari at obligasyon kong ipatupad ang batas sa lahat ng nasasakupan ko.. Tapos na ang usapang ito.. tumayo kana at pumunta sa iyong kwarto,. Magpahinga na tayong lahat"

**Yun lang at tumayo na ang H.M, tahimik ang lahat, basta't sinabi ng Hari ay sinabi nito. Wala nang nakakabali pa man.. nasa nakaluhod na posisyon si Lucia ng magsalita ito**

"Lolo, ito na ang huling pagkakataong makikiusap ako, so please.. please, do something.. nagmamakaawa ako!! 😭😭😭"

Lucia, tama na, tumayo ka na..

"No, nicolai, si Lolo lang ang may kakayahan.. "

"Enough, Princess Alexandria!! Stand up!, Ako naman ang nakikiusap sayo.. itigil mo na ito, hindi na magbabago ang sagot ko sa iyo.."

** Biglang tumayo si Lucia...

"Bakit ba kasi ayaw nyong subukan, Lolo?, Kaya nyo naman e, pero ayaw nyong subukan.. "

"Alexandria! ,Saan ka pupunta! Go back here!! Alexandria !!"

** Hahabulin ko sana si Lucia, nang pigilan ako ni Dad, at umiling.. si Patrick tuloy ang humabol sa kanya,.. ilang oras pa ay nagpasya na din kaming umuwi nila Mom at Dad..
Hindi ako makatulog, hindi ako mapakali kung ano na ang lagay ni Lucia.. hindi ko namalayang hawak ko na ang cellphone ko at dinadial ang number nito na ibinigay sa akin ni Eloisa..**

Ringgg !!

Ringg !!

Ringg !!

"Hello?! S-sino to?"

Nic-nic

"Nic-nic?, Paano mong nalaman ang number ko?"

Importante pa ba yun?.. by the way, how are you? Nagdinner ka ba?,

"Ayos lang ako, ahm.. hindi, wala akong ganang kumaen ee,.. "

Kahit na, dapat kumaen ka, masamang matulog ng walang laman ang tummy..

"Bakit? Mamamatay ba ako kaagad, kapag hindi ako nakakaen ng hapunan? Hahahahah !!"

I love it when you laugh.. stay like that.. mas maganda ka kapag nakangiti

"Joke ba yun?, Ikaw nagagandahan sakin? Wag mo na akong bolahen pwede ba, hindi pa din ako kakaen"

What i mean is, hindi bagay sayo ang nakasimangot.. sige na hindi na kita pipiliting kumaen, matigas kaya yang ulo mo..

"Hahhaha, joker ka talaga, wala namang ulong malambot ee.. tyaka susundin lang kita kung boyfriend kita noh ,hahahhah"

Then, let us be.. willing akong maging boyfriend mo.. hahahha

**Natahimik sya**

Hey, are you still there?

Oo,. Joker ka talaga, sige na matulog ka na, anong oras na gising kapa at tumatawag, masyado ka nang obvious huh, Nic-nic!!

Ha? Anong obvious? Saan?

"Hahahha wala.. sige na ..lets sleep na.. Good Night Nic-nic ko"

Ayaw mo pang sabihin, yari ka sakin bukas.. sige na .. Good Night Lucia.. ko..

**Narinig ko pa syang tumawa, at sabay end ng call.. hayy parang bigla akong excited pumasok bukas**

~~~~~
Patrick's point of view

"Patrick."

Yes po H.M

"Ikaw na muna ang bahala kay Alexandria, simula pa ng nangyari kagabi ay hindi pa nya ako kinakausap.."

Ako na po ang bahala, kakausapin ko po siya.. mauna napo kami, naghihintay na sya sa kotse..

**
Lucia..

"Bakit Pat?, May sasabihin ka ba?"

Kinausap ako ng H.M kanina bago tayo pumasok..

"Anong sinabi nya?.., pagbibigyan na ba nya ako, ha, Patrick!? :)"

Lucia, alam mong hindi na mangyayari yun.. lets just accept it.. sana maintindihan mong ginagawa lang ng Lolo mo ang obligasyon nya..

"Bakit ba ganyan kayo magsalita?, Hindi nyo pa nga nasusubukan.. "

Lucia, wait.. teka, lucia ano ba!?

**Hay, and now shes's mad at me too.. argghh!!..

"What's wrong?"

Nicolai, ikaw pala..

"Galit pa din ba sya!"

Obvious naman,.. alam mo kasalanan mo to e..

"What!!?, Why me? "

Kung hindi mo sya sinamahang pumunta dun, hindi sila magkikita ni Mica..

"Oh come on Patrick, don't blame me.. tadhana ang dahilan ng pagkikita nila.. "

Psh!, Bahala ka nga jan..

"Tingnan mo to, kinakausap pa kita, bastos ka ahh, hoy Patrick!!!"

**
"Bessy, bakit parang hindi mo ginagalaw yang lunch mo?, Hindi ba masarap? Tara papalitan natin?"

"Ha, hindi okay lang, wala lang talaga ako sa mood, sige na kumaen na kayo"

Lucia, finish your food, kagabi kapa hindi kumakaen ahh,.

**Hindi nya ako pinansin**

"May problema ba kayong dalawa, kanina pa kayo tahimik e,. "

WALA! (sabay naming sabi ni Lucia)

"Ahh, wala nga, halata nga ee.

"Here! "

"Ano to?"

"Psh! Try to open it para malaman mo, byee"

"Woii, bessy ano yan, patingin"

**Inisa-isa ni eloisa na ilabas ang laman ng paper bag na nilapag ni Nicolai**

"Hmm, isang red rose?? Bakit ka nya bibigyan ng rosas?

"Ha? Ewan ko, baka, hindi para sakin yan, baka nagkamali lang...", Psh! Namumula ang mga pisngi ni Lucia.. kinikilig ba sya?.

"Wait!!.. Oh my ang sarap nito..."

"Ha? Anong masarap?"

"Here, slice cake, ito ang best seller cake sa isang sweet pastries cuisine, at alam mo ba may story pa ang cake na ito", parang excited na tinig ni eloisa..

"Story?, Cake na lang may story pa, puro ka talaga kalokohan eloi"

"What!? Ibig sabihin hindi mo alam, kahit si Patrick alam yun noh.. ang lahat ng lalaki na nagbibigay nito sa taong gusto nila, ay nagkakatuluyan .. promise wala pang palya.. ang dami kayang nagconfessed na totoo iyon"

So what do you mean, eloisa, na may gusto si Nicolai kay Lucia.. at dahil binigyan sya nito ng lecheng cake na yan magkakatuluyan sila.. so childish huh!!

"Pat, watch your words naman, nagbibiro lang naman yang si Eloisa e.. "

"Sabihin mo, hindi mo lang matanggap na may karibal ka na kay Lucia.. well may the "best man" win... "

"Eloi, teka, san ka pupunta!?, "

"Ano ba naman yan, Pat, nag-away pa kayo.. dahil lang sa cake.. "

Gusto mo naman di ba.. halata namang kinikilig ka, Lucia..

"Pat, ano ba? Pinagtitinginan na tayo dito oh.. ano ba yang sinasabi mo?"

"Pat, ano ba, aalis ka din.. Patrick!"..

** Nakalabas na ako ng Canteen, nagtago lang ako sa may pinto at hinihintay ang paghabol ni Lucia ..pero tumigil sya sa pagtawag sakin, at nang lingunin ko sya sa loob ay wala na sya sa table namin.. pati ang paperbag ay wala na din..

San naman kaya nagpunta yun..

Oh ngayon hahanap-hanap ka.. iiwan iwan mo e!! Di bagay sa lalaki ang magpabebe noh.

Manahimik ka nga jan. Utak!!

~~~~
Lucia's point of view

**Im shock!! Yes literally shock.. pano ba naman , nasa kalagitnaan ako ng paghabol at pagsigaw kay Patrick ng bigla na lang sumulpot itong si Nicolai at hinatak ako kasama ang paperbag na bigay nya..

Yes you heard it all right.. hinatak nya ako ng basta-basta, nawala ang poise ko dun ahh, buti na lang at flat ang suot kong sandals ngayon .kung hindi aray-aray!!

Teka, Nicolai, ano ba yan.. tigilan mo nga ang paghatak sakin.. ano bang problema mo ha? At bigla ka nalang susulpot.. at isa pa ano tong mga binigay mo, alam mo bang dahil dito ay nag-away pa sila eloisa at Patrick..

"Hindi mo ba nagustuhan?, Hmm akala ko magugustuhan mo. Akin na lang"

Ano?, Teka ..alam mo hindi kita maintindihan e..

"I like you ! Sinabi ko na sayo yan di ba.. at Wag mo ako ulit tatanungin ng bakit, kasi hindi ko din alam kung kelan at paano nagsimula tong nararamdaman ko.. its that One day i caught myself smiling for no reason, then i realized i was thinking of you... "

*Speechless ako.. hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o isasagot ko sa kanya*

"Are you okay?, I knew it, hindi ko na dapat sinabi pa sayo ulit ..galit kana sakin, ayaw mo na sakin, hindi mo nako gustong makita !!"

*Natawa ako*

"What!?, "

*Napikon agad!! Hahhah*

"Lucia naman eee"

What!?, Wala naman akong ginagawa ahh.

"Pero pinagtatawanan mo ako.. okay fine you're free to reject me"

*Reject?, Paano ko nga ba tatanggapin ang mga sinabi nya, kanina lang nagwalk-out si eloisa, tapos hinabol ko pa si Patrick, tapos ngayon may lalaking nasa harapan ko at nagtatapat nang nararamdaman nya para sakin.. kahit pangalawang beses na to.. pero akala ko nagbibiro lang sya nung una..

"Do you like me too?! Right..

*Do i.... Do i really like him too?*


**Nakakawindang ang sumunod na eksena **

1..2..3..4..5..

** Hindi ko namalayang, tumugon na pala ako.. nang matauhan ay itinulak ko sya**

N-nicolai, bakit mo ginawa yun?

"Ang alin?, Kissing you .. hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na kitang nahalikan.. pero sa lahat ng iyon, dito.. dito ka lang tumugon sakin, lucia.. bakit?"

*Bakit nga ba ako tumugon??..

H-hindi ko alam.. kalimutan na lang natin to.. Hindi dapat ito naganap sa pagitan natin, Nicolai..

*At tumalikod nako*

"You are being unfair lucia, hindi lang sa sarili mo, kundi pati saming dalawa ni Patrick.. "

*Nakuyom ko ang palad ko.. am i being unfair? Naguguluhan pa ako.. hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.. give some time to think, please..
At tuluyan ko na syang iniwan.. at hinanap ko si Patrick, sa room ko na sya natagpuan..













~~
Love is so damn complicated !!

Keep on reading chixxers.. i hope i'll get some voMments from you guys..

Lab yah all







To be continue..

Continue Reading

You'll Also Like

99.1K 2.4K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
113K 5.5K 57
Ivory known as Alvara is a abandoned child, one day she woke up in different world and realized that she reincarnated in the novel that she last read...
326K 485 150
I don't own this story credits to the rightful owner ๐Ÿ”ž
3.4M 129K 150
Millaray