KISS ME, CAPTAIN

By Zoenia_01

809K 21.9K 7.3K

[ME series#2] The life of Paint Cenery Ordencial is not perfect as other people think. She's beautiful like a... More

KISS ME CAPTAIN
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chaptet 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64

Chapter 28

11.8K 437 128
By Zoenia_01

Paint Cenery

KINAPAKAPA ko ang cellphone ko sa tabi ko nang mag alarm ito. Nakalimutan kong alisin ang pag ka set ng alarm nito kagabi dahil nakasanayan ko na kasi na mag alarm noog may trabaho ako kay Roks.

Sa paggalaw ng kamay ko ay may kung ano akong nakapa na alam kong pigura ng isang tao. Ewan ko kung panaginip ba 'to o ano pero naamoy ko ang pamilyar na pabango ni Captain.

Napaka imposibleng katabi ko siya ngayon. Hinaplos haplos ko ang nakapa ko upang kumpirmahin kung si Hanz pa ba 'to dahil siya lang naman ang katabi ko rito sa lapag pero nakakapagtaka na 'di ko maramdaman ang payatot na katawan ni Hanz kaya agad kong minulat ang aking mga mata upang tignan 'to.

Napabalikwas nang makita ko si Roks sa tabi ko na taimtim na nakatitig saakin kaya agad kong tinaklob ang  kumot sa sarili ko para hindi niya makita ang itsura kong sabog.

Potakte ngayon nalang ulit ako na conscious ng gan'to kahit pa ilang beses niya na akong nakitang bagong gising na walang toothbrush, magulong buhok at may mga muta pa.

"Anong ginagawa mo rito?" napapikit ako ng mariin para maalis ang inaantok kong pakiramdam.

Naramdaman ko siyang gumalaw kaya umusog ako ng kaunting paatras.

"Why are you hiding?" paos na boses na saad nito. T'yak akong mapungay pungay ang mga mata niya ngayon o kaya naman umiigting ang panga nito.

"Ako una nagtanong 'di ba ?" mataray ang paraan ng pananalita ko dahil lalo akong nabadtrip sakaniya sapagkat siya ang dahilan bakit 'di na naman ako nakatulog ng ayos kagabi.

Madami akong tinatanong sa isipan ko, isa na roon ay kung bakit ba ako umiyak ng dahil sakaniya.

Anak ng shooting star ang weirdo ko kahapon, dapat inis lang ang nararamdaman ko sakaniya nun ayaw ko man aminin pero kasi may kung anong mabigat sa dibdib ko tapos parang kumikirot nang makita ko siya kahapon.

"I'm here to fetch you. Can you remove this d-mn blanket it's so annoying, I want to see you." masuyo pero may diin na saad nito pero hinigpitan ko lang ang hawak ng kumot dahil ayoko makita niya ako.

"Ayoko nga, teka ang ibig mo bang sabihin hindi mo 'ko aalisin sa trabaho? Pero 'di ba ikaw na nga mismo nagsabi kahapon na iresponsable ako na kesyo oras ng trabaho nakikipag date? Karapat dapat na alisin ako 'di ba?" nakayukom ang kamao ko dahil may gigil talagang hatid ang bawat sinasambit ko.

Nang tinalukuran ko siya kahapon ay hindi niya na kami tuluyang sinundan. Hinayaan niya na kami ni Atlas pero kahit gano'n ay hindi pa rin ako mapakali, maya't maya akong sumusulyap sa paligid.

Ang gulo rin kasi ng utak ko dahil may parteng saakin na gusto kong sundan niya kami at may parteng h'wag dahil inis ako sakaniya kaya nga kahapon lutang ako lalo pa't naguguluhan ako sa nangyayari saakin pati kay Roks dahilan para hindi ko nabibigyan pansin si Atlas. Ni hindi ko naintindihan ang pinanood naming movie pati na rin ang bawat paliwanag niya sa mga painting na mga interest ko pero kahapon 'di ko nabigyan pansin dahil kay Captain Bato.

Mabuti nalang at naiintindihan ako ni Atlas. Hindi nga siya nagtataka at nag usisa pa nang makita niyang mapula ang mata ko. Back to normal lang kami nag makalayo na kay Captain na parang walang nangyari.

"Look I didn't mean to say that I'm sorry Im just uh---" pinutol ko na agad ang pagpapaliwanag niya dahil wala pa akong sa mood marinig ang mga 'yun.

"Awit wala ka ng toyo ngayon kaya mabait ka na naman? Anak ng shooting star mabuti naman kung gano'n. Lumabas ka na muna at mag aayos nalang muna ako." kahit masama loob ko sakaniya natutuwa pa rin ako na malaman na hindi niya tinotoo ang sinabi kong tangalin niya ako sa trabaho lalo pa ngayon kailangan ko ng pera para sa problema naming sa kinauutangan ng magulang ko.

"Teka muna, nasaan pala si Coco at Roksie?"

"They are playing at the living room." napailing iling nalang ako dahil ang sosyal pa ng tawag niya sa mumunting sala namin.

"Ok, puntahan mo na muna sila, do'n mo na ako hintaying hindi rin naman ako magtatagal, sige na alis." ginamit ko ang paa ko para maitaboy siya. Narinig ko pang bumuntong hininga siya bago ko naramandaman na tumayo siya.

"I'll wait you." pinakiramdaman ko ang yapak niya na ngayon ay papalayo na. Nakahinga naman na ako ng maluwag at inalis ang ang nakatalakbong na kumot saakin.

Pinunasan ko ang mukha kong pawis na pawis bago tuluyang inayos ang pinaghigaan namin. Napatingin ako sa orasan, alas otso na pala kaya nasa school na ang mga kapatid ko.

Azar, bakit hindi nila ako ginising? Sana'y naasikaso ko sila ngayon wala naman akong trabaho.

Nang matapos na ako maglinis ng kwarto ay naghanap na ako ng susuotin bago nagpunta ng banyo pero syempre sinilip ko muna si Roks na nakikipag laro kay Roskie at Coco.

Inabot lang ako ng 15 minuto sa pagligo pati na rin sa pagaayos ng sarili ko pero may napansin ako sa maliit na salamin dito sa banyo, ang refleksyon ko na hinog na hinog ang eyebags.

Napangiwi ako at agad kong nilagyan ng pulbo ang ibabang mata ko. Nagtiim ang bagang ko dahil wala naming pinagbago kaya dinamihan ko pa pero natigilan ako nang marealize na bakit ko nga ba kailangan itago 'tong eyebags ko? Eh, wala naman akong pakialam dati rito ha?

Bago pa ako masiraan ng ulo sa pagiisip ay lumabas na ako nagtungo sa sala namin. Naabutan kong nakikipagtawanan si Captain sa kapatid ko habang nilalaro nila si Roksie.

Tumikhim ako para maagaw ang atensyon niya. "Pwede ko bang isama si Roksie at Coco sa mansyon? Walang magbabantay sakanila, h'wag kang mag alala hindi sila maku----." pinutol na kaya ang sasabihin ko kasabay ng pagtayo niya kinuupuan nito habang hindi inaalis ang titig saakin pero ako malamig ang balik ng tingin ko sakaniya.

"It's fine, let's go." umamo na naman ang itsura niya at maaliwalas. Ang fresh niya pa tignan inshort ang gwapo ng manok na 'to. Hindi ko naman akalain na may nag e-exist na gan'to.

Iniwas ko ang aking tingin. "Ayusin ko lang gamit nila, saglit lang." tatalikuran ko na sana siya pero nagsalita na naman ito.

"No need, nasa sasakyan ko na. I prepared it while you're sleeping," pumungay pungay ang mga niyang parang nang aakit kaya napairap nalang ako saka ko nilapitan si Roksie para buhatin samantalang hinawakan ko naman sa kamay si Coco.

"Pupunta tayo sa bahay ni Kuya Roks, gusto mo 'yun?"

"Swimming! Swimming!" napangiti nalang ako at iginiya sila palabas.

Ilo-lock ko na sana ang pintuan gamit ang isang kamay ko pero may humawak nun kaya agad akong nag angat ng tingin.

"Let me handle that, go to the car." hindi na ako nakipagtalo pa at ibinigay na sakaniya ang padlock pati ang susi ng pintuan saka kami nagtungo ni Coco sa sasakyan ni Roks.

Hindi ko na pinansin ang mga kapitbahay na tsismosa na ngayon ay nakatingin saamin dahil wala ako sa mood makipagaway.

Pumasok ako sa backseat dahil hindi naman pwedeng sa frontseat ako tapos iiwanan ko rito sa likod si Coco baka mapano pa. Malikot pa naman siya.

Ipinatong ko na muna sa mga hita ko si Roksie para maayos kong mailagay ang seatbelt ni Coco at sunod naman 'yung akin. Nag angat ako ng tingin kay Roks na pumasok ng kotse habang nakatitig sa refleksyon ng rear mirror.

"Pasensya na kung magmumukha kang driver pero hindi ko talaga pwede iwan si Coco dito magisa sa likod." malamig kong turan habang blanko pa rin ang exspresyon ko.

"No problem." sagot niya saka hinawakan ang panga niyang umiigting pero iniwas ko agad ang tingin ko sakaniya dahil totoo pala talaga 'yung nababasa ko sa libro na kapag inis, galit, dissapointed, at napipikon ay umiigting ang panga ng lalaki dahilan para lalong gumwapo at maging sexy.

Anak ng shooting ano ba 'tong pinagsabi ko, kaderder ampotek. Ibinaling kay Roksie na ngayon ay sumisiksik saakin kaya niyakap at hinalikan ko 'to dahil nilalamig siya.

"Pwede bang pakihinaan ang aircon kasi nilalamig si Roksie."

"Sure, here wrap it to him." may inabot siyang isang tela na mukhang mamahalin na kulay blue na kung saan may desenyong isang babae, lalaki at unggoy tapos may nakaburdang maliit na 'Mommy Paint, Baby Roksie at Daddy Roks'

Pinagawa niya ba 'to?

Sumulyap ako kay Roks na pasulyap  sulyap rin sa rear mirror habang nag d-drive. Iniwas ko muli ang tingin ko lalo pa nang magkasalubong mata namin na parang hinihigop niya ako.

Tumikhim ako at ibinalot ang tela kay Roksie at pagkatapos hinela ko siya   dahil t'yak aantukin naman 'to. Buong biyahe si Coco at Roksie ang kinakausap ko kahit hindi naman nila ako sinaasagot.

"Jollibee! Jollibee!" masayang sigaw ni Coco habang nakatingin sa bintana dahil papunta kami ngayon sa isang fastfood chain.

"Yes, as I promise a while ago Coco." nilingon kami ni Roks na nginingitian ang kapatid ko.

Napasinghap ko dahil paulit ulit na pinupuri ng utak ko ang kagwapuhan niyang taglay kahit naka simple white t'shirt and short lang siya. Gustong gusto ko na nakikita na puti ang pang itaas niya. Ang gwapo niya lalo, e.

Takte naman Pintura Senarya kung ano ano iisip mo. Bakit mo ba pinupuri 'yang manok na 'yan?

''Ice cream! Ice cream!"

"Coco, ang aga aga mag i-ice cream ka. Bawal. Gusto mo ba ako magalit?" seryoso kong saad kaya napanguso siya at agad nawala ang masayang expresyon niya.

Naawa at naguilty ako sa naging expresyon niya pero hindi ko siya maaring pag bigyan dahil para rin naman sakaniya at isa pa para madisiplina rin na hindi lahat ng gusto ay napagbibigyan.

Nilingon ko si Roks at pinagtaasan ng kilay "At ikaw h'wag mo siyang ibibiliMasyado pang maaga para mag ice cream. Hindi magandang ini-spoil si Coco." napakagat siya sakaniyang labi at tinanguan ako pero pinag ikutan ko lang siya ng mata.

"Maraming ice cream sa bahay Coco, h'wag ka ng malungkot. Kakain tayo mamaya." malambing na usal ni Roks kaya napalobo nalang ako ng pisnge ko dahil nagawa niyang pangitiin ulit ang kapatid ko. Edi siya na kasi, tss.

Tumuloy pa rin kami sa drivethru ng Jollibee. "What do you want, Cenery?" nilingon niya ako.

Pinagtaasan ko lang siya ng kilay. "Wala, nagtitipid ako. Sila nalang bilhan mo para kaunti lang mabawas sa sweldo ko." 

"My treat." pinanliitan ko siya ng mata at sarkastikong nginitian.

"Tigil tigilan mo ang panlilibre, ayoko ng madagdagan pa 'yang utang na loob ko sa'yo."
napabuntong hininga naman siya saka piniling h'wag nalang na magsalita.

Naisip ko tuloy kaya 'di niya ako tinanggal sa trabaho kasi nga may binigay siyang advance kong sweldo at isa pa gusto niya pagsilbihan ko siya kasi malaki ang utang na loob ko sakaniya at kailangan kong bayaran 'yun.

Kaya siguro wala rin siyang pakialam sa nararamdaman ko dahil hamak niya nga lang naman akong tagasilbi, oo nga naman bakit nga naman niya ako i-uupdate ? Bakit niya naman ako kailangan kamustahin, ano ba kami? Mag amo lang naman kami kaya dapat hindi na ako mag inarte ng gan'to.

"Hindi ba sinasabi ko ayoko. Busog nga ako." iritado kong turan nang makitang napaka dami niyang inorder.

"Set aside your pride, I know you're mad at me but please eat these. You didn't eat breakfast yet. Choose Cenery, you'll eat these or I'll deduct it from your salary. If you think I'm blackmailing you, hell yes you're right." binigyan niya ako ng  mapunukat na tingin habang inilalagay ang mga pagkain sa front seat.

Napakagat ako sa labi dahil nakakagutom ang amoy ng mga pinamili niya. "Ok madali ako kausap pero may dalawang bagay lang ako lilinawin sir. Una hindi ako galit pangalawa hindi ko tinaas ang pride ko." nginitian ko siya ng peke.

Ibinigay niya saakin ang mga paper bags na agad ko namang inabot.
"Salamat sa pagkain dito ba namin kakainin o sa Mansyon?" nakatuon sa mga pagkain ang mata ko at talagang nakakatam ang itsura at amoy nito.

"You can eat now, we're still far to mansion." hindi ko na siya inimikan at nagsimula ng pakainin si Coco saka Roksie pati na rin ang sarili ko.

Ipinakain ko kay Roksie ang pie dahil 'yun ang unang kinuha niya sa plastic habang si Coco naman ay french fries samantalang ko ay sinunggaban ko naman na kainin ay ang manok at spaghetti.

"Ahh." ngumanga si Coco kaya sinubuan ko 'to at napasulyap kay Roks na patingin tingin na naman sa rear mirror.

"Gusto mo ba?" walang reaksyon na tanong ko. Tumango lang siya habang mapupungay ang abo niyang mata.

Ibinigay ko sakaniya ang isang plastic na may laman na burger, fries at spaghetti na may kasamang manok
"Oh, kumain ka may kamay ka naman 'di ba?" mataray kong saad. Alam ko namang mahihirapan siyang kumain pero wala akong balak subuaan siya.

Hindi naman ako galit dahil narealize ko wala naman akong karapatan pero wala kasi akong sa mood ngayon parang nanlalambot ako. Ewan ko ba pakiramdam ko dadatnan na ulit ako.

"I'm driving." mahinang saad niya kaya napairap ako sa kawalan.

"Alam mo ba 'yung kasabihan na kapag gusto may paraan at kapag ayaw ay may dahilan. Tss, bagalan mo 'yung takbo mo para makakain ka o kaya naman itabi mo nalang. 'Di ko gagawin 'yang umiikot sa isip mo. Ano ka chixx?" sumubo ako ng isang malaking kutsara ng spaghetti para painggitin siya.

"I'm your chix, right?" malambing na saad nito kaya halos lumabas ang spaghetti sa ilong ko dahil sa sinabi niyang 'yun.

Napaubo ubo ako. Potakte bigla akong nahirinan do'n ha. "Sh-t, drink this." inabot niya saakin ang bote ng tubig na agad ko namang tinungga 'yun dahil pakiramdam ko maubusan na ako ng hangin.

"Hoy h'wag mo ng itabi, ok na'ko." napansin ko kasi nabalak niya pang itabi ang sasakyan sa gilid.

Napahawak ako sa dibdib ko at hingal na hingal na sumulyap kay Captain.
Kitang kita ko rin ang matinding pagaalala ng expresyon. "What do you feel?"

"Ikaw kasi ang kapal kapal ng mukha mo! Chicken ka, hindi ka chixx! Anak ng shooting star ka hindi ka baby! Tandang ka! Daddy ka!" hindi ko alam sa pesteng matang 'to pero bumaba ang tingin ko sa labi niyang kanina niya pa kinakagat dahilan para maalala ko ang tukaan days namin.

Huminga siya ng malalim. "Ok fine if you don't want to feed me atleast let me kiss you just one little peck on that lips." nalaglag ang panga ko dahilan para ngisian lang niya ako.

Nagtiim ang bagang ko ag inirapan siya. "Ang landi landi mo talaga, kita mong may bata." kunwari iritado ako pero ang totoo parang gusto na ideya 'yun ng utak ko. Anak ng shooting star nahihibang na ako.

"Ok, let's do it to my room then."
tignan mo 'to kanina nagaalala tapos ngayon inaasar ako.

"Pokpok ka. Kumain ka nalang d'yan at h'wag mo 'kong guluhin." bwiset, bakit hindi siya magpahalik sa mga babae niya. Sawa na naman ba siya sakabila kaya ako na naman 'tong binalikan niya? Tss.

Hindi naman niya sinunod ang sinabi ko. 'Di na siya kumain pero sinunod niya na h'wag rin siya nagsalita kaya buong byahe ay nababalutan na ng katahimikan lalo pa nang matapos kami kumain ay nakatulog si Coco at Roksie.

Makalipas ng halos 40 minutos dahil sa sobrang traffic ay nakarating na kami sa mansion. Tahimik akong lumabas ng kotse pero si Coco ay hinihila ako dahil excited 'tong ikutin ang kabuuan gng mansyon dahil ngayon nalang ulit siya nakapunta.

"Coco h'wag pasaway mamaya na." binitawan niya ang kamay ko at nagtungo kay Roks nang makalabas 'to ng kotse.

Nginitian naman niya ang kapatid ko at ginulo ang buhok. 4'9 flat lang ang tangkad ni Coco kumpara sa 6 footer na si Captain. Bagamat 18 years old na si Coco maliit pa rin siya epekto ata 'to ng sakit niyang downsyndrome dahil nasa lahi na namin ang pagiging matangkad. 5'8 nga ako, e.

"Go you can roam around. I bought so much toys for you and to Roksie." tuwang tuwa namang tumalon talon si Coco na kala mo naman naiintidihan si Captain.

Napangiwi rin ako nang biglang tumalon si Roksie mula sa pagkabuhat ko sakaniya papunta sa daddy n'ya.

"'Di ka maiintindihan ni Coco! H'wag mo siyang english-in. Tss, may gagawin ka ba? " tanong ko habang papasok na kami sa loob ng mansyon kung saan sinalubong kami ng ilang ksambahay na nagsiyukuan para magbigay galang kaya nginitian ko ang mga 'to.

"No, I don't have." sagot niya habang busy sa paghahaplos sa balahibo ng baby Roksie namin.

"Pakitingin na muna si Coco at Roksie. Aayusin ko lang ang lulutuin ko. Anong gusto mong ulam?"

Sinulyapan niya ako. "Anything, as long as you like it." mababang boses na wika nito kaya tumango nalang ako at ibinaling ang tingin sa kapatid ko.

"Coco, h'wag kang pasaway kay Kuya Roks at ikaw din h'wag kang pasaway sa Daddy mo." napasapo ako sa noo ko dahil nasabi ko ang salitang Daddy kaya 'tong si Roks ay malaki ang ngisi ngayon.

Sinamaan ko siya ng tingin at tinalikuran para magtungo sa kusina niya. Binilisan ko ang lakad dahil sa kahihiyan. Ang kapal ko sa parte na kahapon na si Atlas na 'kuno' ang Daddy ni Roksie.

"Magandang umaga, Paint." salubong ni Ate Jemma.

"Mabuti at nakabalik ka na." komento ni Aling Tessa na busy sa pagpupunas ng kasangkapan.

"Bumalik na ang boss nating bipolar, e. Kayo ba pinag day off kayo?"

"Parang araw araw naman dayoff kami. Naglilinis lang kami tapos wala namang masyado gagagawin. Pwede kami kahit saan pumunta, magparty dito sa swimming o garden niya at kumain ng kahit ano rito. Swerte nga tayo at naging amo 'yang batang 'yan."

Hindi na ako nagsalita at nakinig nalang sa mga opinion nila kay Captain.

"Mabait kasi si Sir Roks, hindi naman mahigpit. Hindi rin naman masungit katulad ng sinasabi mo. Baka sa'yo lang nagsusungit para mas bigyan mo ng pansin." natatawang saad ni Ate Jemma kaya pinagkunutan ko 'to ng noo.

Si Captain nag papansin? Hindi siguro baka ako oo, posibleng posible! Natural na talaga kay Roks ang pagiging bipolar.

"Gawain 'yan madalas ng kalalakihan kunwari masungit pero ang totoo nagpapansin lang sa gusto nila." natigil ako sa pagbukas ng ref para sana tignan kung anong magandang iluto.

"Ang punto n'yo po ba ay may gusto saakin ang boss natin?" nakangiwi kong tanong.

"Hindi malabo maganda ka. At ikaw ang kaunaunahang babaeng dinala niya rito, naalala mo no'ng naaksidente ka ba? Saka isa pa bakit itinituring ka niya bang isang trabahador? Aminin man natin o hindi iba ang trato niya sa'yo kumpara saamin. Pamilya ang tingin niya saamin habang sa'yo parang pang kasintahan."

"Nako, kung alam n'yo lang po. May tinatago kasing landi 'yan si Captain. Hindi mangyayari 'yung iniisip n'yo dahil may fiance siya." tapos may isa pang babae. Gustong gusto ko ituloy pero baka isipin nila sinisiraan ko si Captain baka biglang magsumbong pa sila.

"Huh? Sino?"

Napatingin ako sa paligid bago lumapit at binulangan sila. " 'Yung nagpuntang babae dito 'yung kasama ng Mommy at Ate niya. Si Technical Sergeant Derin."

"Talaga?! Paano mo nalaman? Sinabi sayo ni Sir Roks?" interesadong tanong ni Ate Jemma pero umiling ako.

"Nung kakilala nila."

"Kaya ba sila bumisita nun dito na parang nagmeeting para pagplanuhan ang kasal." natigilan ako sa naging pahayag ni Aling Tessa nang may mabuong teorya sa utak ko.

Nagtataka ako kung bakit kasama si Derin no'n at mukhang close siya kay Ate Paper at sa Mommy ni Roks. Posible ngang no'ng araw na 'yun ay pinagusapan talaga ang kasal.

"Siguro." mahinang bulong ko habang nakatulala sa lapag.

Napitlag lang ako nang sinisiko ako ni Ate Jemma at may tinuturo sa likuran ko kaya napalingon ako.

Naabutan ko si Captain na sobrang amo ng expresyon  "Cenery? Let's talk first." mapaos paos na saad niya.

Napatingin ako kina Aling Tessa at Jemma na malaki ngisi habang lumalabas ng kitchen. Napahawak ako sa sintido ko at pinakialaman ang ref.

"Busy ako boss, uunahin ko na muna 'tong trabaho bago pa ako makipag chitchatan. Ayoko ng matawag na iresponsable." sarkastikong turan. Jusmiyo goku hindi ko talaga feel na makipag usap sakaniya.

"I'm sorry."

"Sino nagbabantay kina Roksie at Coco?" pangsasawnalag bahala ko sa paghingi ng dispensa niya

"Maid and the driver. They are playing in the garden."

Tumango ako at tahimik na binalik ang atensyon ko sa aking ginagawa. "C'mon let's talk, please."

Huminga ako ng malalim dahil paniguradong guguluhin ako nito hanggat 'di kami nakakapagusap.
"Tungkol sa nangyari kahapon? Ok lang naman. Hayaan mo na."

"It's not ok, you're mad at me. I need to do something for that." napangisi nalang ako dahil para siyang bata na may malaking kasalanan.

"Hindi ako galit, bakit ka ba narito? Ang ibig kong sabihin wala kang trabaho?"

"I'm on leave." lumapit siya saakin ng kaunti pero umiwas lang ako at nag pretendeng busy.

"Whoa, leave huh. Alam mo dapat busy ka nalang lagi, no? Ang saya ng araw ko kapag wala ka sa totoo lang walang stress. Hahaha." ang galing ko talaga mag sinungaling. Mas magaling sakaniya.

Anak ng shooting kung alam niya lang mas stress ako noong 'di siya nagparamdam.

""I just missed you so d-mn. I wonder if you miss me as much as I miss you but it seems like not. " natitinigan ko ang lungkot sa boses niya kaya 'tong dibdib ko todo ang pagkalungkot.

"Bakit kita mamimiss? Ano ba kita? Eh amo lang naman kita na bipolar? Natutuwa nga ako sa dayoff ko, e. Kailan ka ba magiging busy ulit?" inis kong sambit habang patuloy pa rin sa pagpapanggap na busy ako.

"Look at me, My Cenery." naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko kaya agad kong tinabig 'to.

Potakteng 'My Cenery' 'yan lalo akong nanghihina kapag tinatawag niya ng gan'yan.

"H'wag ka ngang magulo! Nagt-trabaho ako!" umigting ang panga niya at hinawakan muli ang kamay ko at iginiya sa palabas ng kusina.

"Pakiasikaso nalang po ang lunch. Mag uusap lang kami." saad nito kina Ate Jemma at Aling Tessa na makahulugan akong nginitian.

"Ano ba? Bitawan mo 'ko." mahigpit ang hawak niya pero hindi naman ako nasasaktan sadyang hindi lang ako makalaban dahil parang nanghihina ako kaya sa huli hinayaan ko nalang para matapos na 'tong panggugulo niya.

"Ano bang gusto mo? Sinabi ko na ngang ok na?! Ano pang pinuputok ng butchi mo at ginugulo mo 'ko?" ako na mismong naglock ng pinto nang makarating kami ng kwarto niya.

Tinabig ko ang kamay niya kaya pinakawalan niya ako at nagtungo ito sa kama niya. "Let's fix this,  I'll let you to curse me if you want, tell me the things you hate 'bout me I will accept it. Just don't give me your cold treatment, I'm not used to it." napasuklay siya sa kaniyang buhok at malambing ang matang ipinukol saakin.

Nagtiim ang bagang ko at matalim siyang tinignan. "Alam mo 'di ko alam kung anong purpose ng paguusap nating 'to. Una palang wala akong karapatan magalit at magsumbat sa'yo dahil hamak taga luto mo lang ako. Hindi mo obligasyon na magpaalam saakin, iupdate ako sa mga nangyayari sa'yo at intindihin ang nararamdaman ko kaya pasensya na sa nangyari kahapon sa mga nasabi at pag iinarteng lumabas sa bibig ko. Nabadtrip lang kasi ako sa'yo dahil bigla kang sumulpot kung kailan masaya ako sa piling ni Atlas. Kaya ang ibig sabihin hindi mo rin obligasyon na mag papaliwanag ngayon at hindi ka dapat humihingi ng pasenya ako ang nararapat na gumawa nun dahil ang naginarte ako at naging iresponsable. Dapat lang na magalit ka!"

"I will never get mad at my Cenery. Never in my life." mapaos paos na usal nito habang ang mga mata ay sobrang amo.

"Come here." para akong nahipnotismo ng boses at mata niya dahil sinnunod ko siya, nilapitan ko 'to at naupo sa tabi niya.

"You have the rights to be mad at me, My Cenery. Gusto kong magkaroon tayo ng karapatan sa isa't isa. I badly want that." hinaplos haplos niya ang pisnge ko at mas lumapit pa siya saakin.

Sobrang bilis ng tibok puso ko at pakiramdam ko nawawalan na ako ng lakas dahil hihigop niya.

Ang mapungay pungay ay bumaba ang tingin sa labi ko kaya napalunok ako habang diretso ang tingin ko sa mukha niya.

Ginamit niya ng hinlalaki niya para haplusin ang labi ko. "I miss the your sweet lips, the soft fragrance of your lips. The tender way we used to kiss."

Unti unti nilapit niya ang mukha niya saakin. Hindi na ako nakagalaw at hinayaan nalang na maglapat ang labi namin. Hinigit niya naman ako sa balakang para mas ilapit sa katawan niya.

Gumalaw ng masuyo ang labi niya kaya napasabay na rin ako. Pinalupot ko ang kamay ko sa leeg niya dahil kahit nakaupo ako ay pakiramdam ko  bibigay na ang mga tuhod ko.

Ang pamilyar na sensasyon na hinahanap ko ng ilang araw ay ngayon ay nakakatam ko na sa piling ni Captain.

Parang hinihigop ng mga labi niya ang bibig ko. Nagiinit ako ang katawan ko at sobrang nagugustuhan ko ang masuyong halikan na pinagsasaluhan namin lalo pa nang simulan niyang haplusin ang hita ko pababa at pataas. Madali niyang nagawa 'yun dahil naka dress ako na binili niya noon. Ewan ko ba kung bakit napili ko 'tong suotin kanina.

"Uhh..Roks." unti unti niya akong hiniga sa kama at siya naman ay pumaibabaw saakin.

Nilapit yung bibig nya sa tenga ko, hinipan niya ito ng dahan dahan. Hipan na parang pabuga at hindi hipan na manipis. "I miss you deeply, unfathomably, senselessly, terribly." mahinang bulong niya.

Napapikit ako at 'di mapakali lalo pa nang buong lambing na hinahalikan ang gilid ng tenga ko hangang sa  kanang bahagi ng aking leeg; marahan, pababa sa aking kanang balikat. 

"R-roks." mainit at nakakakiliti sa pakiramdam. Mula sa kaba ay unti unti akong binalot ng init lalo pa nang haplos haplusin niya ang bewang ko habang patuloy ang paghalik niya sa leeg ko.

Napakagat ako ng labi ng umangat ang dress na suot ko dahilan para maramdaman ko sa pagkababae ko ang anaconda na nakatago sa short niya.

Gusto ko na siyang patigilin pero hindi ako makapagsalita dahil sa sensasyon na ibinibigay niya. At nakahinga naman ako ng maluwag ng tumigil siya sa paghalik saka inayos ang dress ko.

Hindi pa rin siya umaalis sa ibabaw ko at ang mga mapangakit niyang mata ay pilit na hinuhuli ang akin.
"This is not right time. I know you're not ready. We're both not." hinalikan niya ako sa noo pababa ng pisnge at tungki ng ilong ko.
 
"Your lips are like camera, whenever you click your lips with my mine, I  smiles." saad niya saka mabilis na hinalikan ang labi ko at nginitian ako ng matamis.

"Umalis ka na d'yan." tinulak ko siya at naupo ako. Biglang gumaan ang pakiramdam ko sa 'di ko malamang dahilan nawala 'yung bigat sa puso ko. Dahil ba 'to sa tukaan session namin?

"Ang galing din ng let's talk mo no? Anak ng shooting star nauwi sa 'Let's talk-ka-an!' " sinamaan ko siya ng tingin dahil maloko niya lang akong nginisian.

"Ok, don't worry next time I'll not say 'Let's talk' I'll use the sentence, 'Let's talk-ka-an.' Combination of talk and kissing." bumaba ang tingin niya sa dibdib ko kaya agad kong tinakpan ang sarili ko at binato siya.

"Hoy anong tinitignan mo! Ang manyak mo!"

"My mark is look good on you." kinagat niya ang labi niya at pangisi ngisi pa.

Nanlaki ang mata ko at nagtungo sa CR niya. Nalaglag ang panga ko nang makitang may mga chikinini ako sa leeg at balikat.

"Ahh!" hiyaw ko at padabog na pinuntahan si Roks na ngayon malaki ang ngisi habang pretendeng nakahiga sa kama niya.

"P-nyeta kang manok ka! Yawa ka! Anak ng shooting star ka! Potakte! G-go! Lahat ng mura bagay sa'yo! Ano nalang sasabihin ng kasambahay kapag nakita nila 'to!" pinaghampas ko siya ng unan pero siya patawa tawa lang.

"It's weird, but your eyes are even more pretty when you do that pissed off look when you're mad it makes me want to get you even more mad. Your nose scrunches up and you get all pouty. And I couldn’t stop myself to kiss you again." nakangisi niya pang usal.

"Ang landi mo! 'Di mo na ako madaan sa matatamis mong salita! Anong sasabihin ko sakanila! Lalo nilang paghihinalaan na may relasyon tayo!"

"Tell them, tinuka ng malaking manok." sinamaan ko siya ng tingin at parang nag usok ang magkabilang tenga ko saka tinigilan ang paghampas sakaniya.

"Siguro ang hilig mo 'to ginagawa 'to sa mga babae mo no! Sanay na sanay ka! Do'n ka nalang sa babaeng inaalagaan mo 'di ba kaya mo nagawa mong tiisin na 'di ako halikan dahil mukhang may bago kang kiss slave na! Nilagyan mo na rin ba siya ng gan'to?!" inis kong tinuro ang mga marka sa leeg at balikat ko.

"Wait are you jealous? I didn't know that you're jealous type." malokong usal niya kaya sinipa ko siya.

"H'wag mong ibahin ang usapan! May nakapagsabi na mayroon daw  na babeng lagi tumatawag sa'yo! Siya nga raw 'yun dahilan bakit sinusuway 'yun rules n'yo! Hindi ba tama ako? Umaalis ka sa trabaho  para puntahan siya!"

"Maybe they are talking 'bout Atarah."  nakangiwi niyang usal habang hinahaplos haplos ang parteng natamaan ng sipa ko.

"Sinungaling! Nangyari 'yun months ago lang! Hindi raw nga si Atarag saka nag aaway nga raw kayo ng Fiance mong si Derin!"

"The f-ck? Where did you get that news?" salubong na kilay na tanong niya laya napairap ko.

"Ay secret ba? H'wag kang mag alala 'di ko naman pagkakalat." puno ng sarkasmong wika ko.

"She's not my fiance." mahinahon na wika nito pero ang panga niya patuloy ang pagtiim.

"Pero sa kampo niyo kalat! Sige mag sige masinungaling ka pa! Big yuck! Ayaw mo sa mga sinungaling pero ikaw mismo sinungaling!"

"I don't even have a girfriend fiancé pa kay? I made it clear to you I will married the woman that I love. I don't love her in romanticall way for the pete's sake! Her family is a close friend of my fam. They are just shipping us and make an issue but I assured you that there's nothing between us. Do you want me to call her to prove that she's not my fiance and she have one now and that's not me." seryosong saad niya.

Hindi ko alam kung anong totoo. Posbibleng nagsasabi siya ng totoo at pwede ring hindi pero dapat wala na akong pakialam sa buhay niya.

"H'wag na, ok na! Wala naman akong pake!" jusme baka isipin n'yang nagseselos na naman ako. Tss, hinding hindi magngyayati 'yun.

"About to the girl, she's Atarah. You didn't know what's really happen between us. I'm so inlove with her and I'll do anything for her. Our friends and family know that .If you don't want to believe in me, you can personally ask Rare or even Atarah." pakiramdam ko may kung anong bumara sa lalamunan ko.

Maari ngang si Atarah ang babaeng inaalagaan niya. Tama siya wala naman akong alam sa nangyari sakanila. Hindi ko alam kung anong sakripisyo ang ginawa niya at halata namang mahal na mahal niya nga si Atarah.

Huminga nalang ako ng malalim.
"Oo na, pero anong kibibisihan noong nawala ka? Work? Alam mo bang pumunta ako ng kampo mo pero wala ka naman. Anong trabaho kaya 'yung pinagkikibisihan mo, no?" malamyang saad ko.

Wala na naman akong gana!

Hinawakan ang umiigting na panga.
"Work too, hindi lang lang sa militar ako naglilingkod. We owned the Montego Inteligence Security Agency. My Mom ordered me to go in Visaya because theres an emergency our branch there. Pinasabog ito at halos kalahati ng tauhan namin do'n sugatan. Inasikaso at nagimbestiga ako sa nangyari dahil malaking kawalan ang nangyari. And you know why I didn't call you or even text you? Cuz I know when I heard your voice and read your text I'm going home early for me to see you without fixing the problem and disobey my Mom's order cuz I miss your voice, I miss your smell, I miss your face and the whole you."

Iniwas ko ang tingin ko sakaniya dahil nagwawala ang bacteria sa katawan ko at gusto gusto kumawala ng ngiti sa labi ko. "And now let's talk about you and Atlas. You I hate seeing you with him. No'ng umalis ako kasama mo siya pati ba namang pagbalik ko?  The f-ck! I know he's hitting you. He even kiss you! I'm very territorial. akin 'to. Akin lang." mabilis ang pangyayari at ninakawan niya na naman ako ng halik.

Patuloy siya lang kami sa paguusap nawala na ulit ang bigat  sa dibdib ko. Malinis na 'to muli dahil nag
kalinawan na kami. Ipinaliwanag niya rin kung bakit niya ako pinapasundan kahapon.

Natapos na kasi siy sa pagaasikaso ng problema sa Visaya. Sinundo niya ako pero wala raw tao sa bahay. Nagpunta rin siya ng hospital at sakto namang umalis na ako kaya pinahanap niya hanggang sa natagpuan niya kami.

Napagplanuhan din na mamasyal kami para malibang si Coco at Roksie. Mabuti nalang at wala na siyang aasikasuhin ngayon.

Bumaba na kami para makapagluto ako at nilagyan ko nalang ng bandaid ang mga markang iniwan niya saakin at nagpalit ako ng t-shirt na pagmamayari niya para hindi halata ang band aid mabuti nalang sa ibaba ng dress ko may short ako.

Lumipas ang oras at natapos na akong magluto. Nagpunta ako ng garden para tawagin sila at makakain na kami. Nandito kasi naglalaro sina Roks, Roksie at Coco.

"Nasaan si Captain?" tanong ko sa kasambahay ng makitang wala si Roks sa garden tanging si Roksie na nagsasalambitin sa puno at Coco na nagkukulay kulay.

"Nasa taas, sa kwarto niya."

"Pumasok na kayo para makakain na." saad ko sala ako umakyat ng  papunta ng kwarto niya.

Nang makarating ako sa kwarto niya ay narinig kong mukhang may kausap siya sakaniyang telepono dahil bukas ng bahagya ang pinto.

"I can't go there, Darling. Please understand, I'm working." mahinahon na saad nito.

Darling? Work? Wow mukhang nagsisinungaling na naman siya babae niya. Kakasabi niya lang kanina saakin na naka leave siya tapos ngayon nagt-trabaho.

"Shh, don't cry. I'll visit you again tommorow. I promise. Ofcourse I miss you d-mn much." malambing na pahayag niya.

Sabi na e, nagsisinungaling talaga siya. Siguro itong darling niya 'yung babaeng inaalagaan niya o 'yung isa pang kiss slave niya. Malakas naman ang pakiramdam ko na hindi si Atarah ang kausap niya.

"Hush Darling, I'll do anything for you . Ok fine, just take your medicine first then I'll go there after my work, Darling. Shh, don't be afraid. I'll protect you."

Anak ng shooting star siya! Napaka sinungaling niya. Salitan kami ng babae niya na pinapakain ng kasinungaling. Kapag kasama niya ako dahilan niya sa babae may inaasikasong work tapos kapag 'yung babae naman ang kasama dahilan niya saakin ay busy siya sa trabaho.

Hindi lang pala ako ang sinasabihan niya ng matatamis na salita. Halos lahat ata ng babae. Siguro kaya 'di siya sinagot ni Atarah dahil babaero.

Mapait akong bumaba ng hagdan dahil 'di ko na kaya pang marinig ag paguusap niya pati ang darling niya.

"Ate Jemma, pakisabi kay Roks uuwi na kami." seryosong saad ko nang makalapit ako sa hapag kainan. Agad namang sinunod ng kasambahay ang utos ko.

Mabuti ng umalis nalang kami bago pa na si Roks mismong magpaalis saamin para mapuntahan 'yang Darling niya. T'yak idadahilan niyang may emergency na naman. Tss.

Kinuha ko ang bag kung nasaan ang mga gamit ni Coco ay Roksie sa sala saka ako bumalik ng hapagkainan.
Hinawakan ang kamay ni Coco para patayuin muli sa pagkaupo.

"Aalis na tayo, sa bahay na tayo kakainin." sambit ko sa kapatid ko saka ko binuhat na rin si Roksie .

"Hey what's the problem. I thought we'll go to park?" saad ni Captain habang pababa ng hagdan.

Malamig ko lang 'tong tinignan.
"Masama pakiramdam ko. Ihatid mo nalang kami. Satigin ko ok naman na ang niluto ko na parang hanggang mamayang gabi. Kung ayaw mo, pakiusap magpaluto ka nalang muna sa mga kasambahay masama talaga sobra pakiramdam ko."

"I'll take you to the hospital." puno ng pag aalalang turan saka madaling nilapitan ako.

"Masakit lang ulo ko, keri na 'to ng biogesic. Mas lala kalagayan ko kung nandito ako nagtrabaho. Pasensya na kung demanding pero kung gusto mo ibawas nalang sa sweldo ko."

Eto na naman ang pamilyar na pakiramdam na naranasan ko kahapon. Mabigat sa dibdib at sobrang nakakapang lambot. Bwiset na Roks 'to lagi nalang akong ginaganito! Magsama sila ng Darling niya!

______________________________________
Nyang note: Sa POV po ni Roks soon pa. Abangan n'yo! Good luck sa mga student like me na nag o-online class.

Don't forget to vote and leave a comment.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 10.3K 12
Cathy Xyrene Garcia is a girl who only wants Grey Sanford to recognize and love her. She did everything for him but unfortunately, her love is unrequ...
5.5K 77 10
How to be a call center agent?
BROKEN LUST By Y A N A

General Fiction

6.2K 198 11
❌ WARNING | SUPER SPG! ❌ Please do not read if ypu are sensitive Started: May 30, 2022 What would you do if one day, you just found yourself as the s...
3.4M 45.5K 26
SAVED BY SEX GOD FIRST SEQUEL :) Sabrina Williams stop believing in happy ending after the fatal accident that killed the man she loved happened .. p...