Precognition (Published by Pa...

By abdiel_25

53.9K 4K 941

Sixth Sense Series #1 | Perhaps the end comes in various forms yet all fatal. *** A novel. "Take a peek at th... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1 : The Lesson
Chapter 2 : Endless Tunnel
Chapter 3 : Sophia the Artificial Intelligence
Chapter 4 : Integrated A.I.
Chapter 5 : She Who Can See the Seer
Chapter 6 : Asteroid with Tremendous Size
Chapter 7 : Depression versus Zombie
Chapter 8 : Another Vision
Chapter 9 : Too Much Bravery Will Kill You
Chapter 10 : What's with the Wall?
Chapter 11 : Old Lady Knows Something
Chapter 12 : Infected
Chapter 13 : Initial Cure
Chapter 14 : End of Humanity
Chapter 15 : Escape
Chapter 16 : Music Room
Chapter 17 : Carson
Chapter 18 : Painting
Chapter 19 : Miniso
Chapter 20 : Under the Sea
Chapter 21 : All-out War
Chapter 22 : Weird
Chapter 23 : Can't Read
Chapter 24 : Safe Zone
Chapter 25 : Underground
Chapter 26 : Attached
Chapter 27 : Frat War Incident
Chapter 28 : Glitch
Chapter 29 : Hideout
Chapter 30 : President's Son
Chapter 31 : Cannibal
Chapter 32 : Signing Off
Chapter 33 : Big One
Chapter 34 : Fa Mulan and Li Shang
Chapter 35 : Mr. Do
Chapter 36 : Hologram
Chapter 37 : John 3:16
Chapter 39 : Goodbye
Epilogue
Question and Answers
Author's Note
To be Published

Chapter 38 : Mirror in the Library

586 49 0
By abdiel_25

CHAPTER 38

NIANA'S POV






"ALAM MO, yumaman na 'tong ospital sa 'yo," bungad na sabi ni Midori sa akin nang tabihan niya ako sa higaan. Nakaupo siya sa may bandang gilid ng kama, kung saan ako nakahiga.

"Paanong yayaman ang ospital sa akin?" tanong ko sa kaniya habang nakatulala sa labas ng bintana. Nasa gawing kaliwa ko ito, opposite direction kung saan nakaupo si Midori. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko maalis sa labas ang tingin ko.

"Niana, nabilang mo ba kung ilang beses ka ng napunta rito sa ospital? Parang no'ng kailan lang sinugod ka rin dito. Suki ka na kaya ng ospital na 'to," tugon niya bago tumayo. Naglakad siya papunta sa harapan ko. Nakatulala pa rin ako sa labas kaya todo habol siya sa tingin ko. "Sabihin mo nga sa 'kin, dahil ba 'yan sa sixth sense mo? Kaya ka ba nawalan ng malay kanina ay dahil ulit sa sixth sense mo?" Dama ko 'yung pag-aalala sa boses ni Midori, pero hindi talaga ako makatingin ng diretso sa kaniya.

"Midori . . ." halos pabulong kong saad.

"Hmm?" Bahagyang tumaas ang dalawang kilay ni Midori. Hinintay niya ang sasabihin ko, kaya huminga ako ng malalim bago magdesisyon na magsalita.

"Sa tingin mo, gaano kahabang oras pa ang meron ka?" diretso kong tanong sa kaniya, dahilan para mawala ang pagtaas ng kilay niya at napalitan ito ng kunot-noo.

"Anong klaseng tanong 'yan? Kinikilabutan ako ha," aniya bago yakapin ang sarili niya. Marahan pa niyang hinimas ang magkabilang braso niya. Tumalikod siya saglit, bago muling humarap sa akin. "Bakit ganiyan ang tanong mo?" tanong niya. Dumoble ang pag-aalala sa tono niya.

'Midori . . ." Sa wakas ay naituon ko na rin ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko alam kung anong itsura ko, pero base sa titig ni Midori sa akin, parang hindi niya ako kilala. O baka hindi lang siya sanay sa biglaang pagbabago ko. "Hindi naman talaga natin alam kung gaano karaming oras pa ang nalalabi sa buhay natin hindi ba? Kaya gusto kong malaman kung . . ." Iniwas ko ang tingin ko kay Midori at muli itong binalik sa labas ng bintana. ". . .kung magiging worth it ba ang lahat kapag natapos na ang oras na pinahiram sa atin."

"Hay naku, Niana," mabigat na hinga ang pinakawalan ni Midori bago siya lumapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tumitig nang husto sa mga mata ko. Dahil sa ginawa niya, wala akong choice kundi ituon ang tingin ko sa kaniya. "Hindi ko alam kung anong meron at kung bakit ka biglang nagkaganyan. Basta ang alam ko lang, kailangan mong magpahingang mabuti. Dadating si Tita Hazel within five or ten minutes. Pull yourself together, Niana. Kung ano mang nasa isip mo, please let it go for a moment. Can you?" ani Midori na parang ate.

Tanging pagtango na lamang ang nagawa ko bilang pagtugon.

Tulad ng sinabi ni Midori, tinanggal ko lahat ng gumugulo sa utak ko. 'Yong tungkol sa fifth possibility at sa mga previous vision ko na nagkokonek-konekta na.

Pinilit kong ituon sa iba ang isip ko, kaya namalayan ko nalang na tumatawa na kami ni Midori. May ikinuwento siya sa aking lalaki na nakabangga niya sa canteen nang bumili siya kanina. Akala ko random na schoolmate lang namin, 'yon pala, si Gerome. 'Yong ex ni Midori.

Hindi ko alam kung anong nangyari talaga sa kanila noon. Basta ang alam ko lang, bigla na lang silang naghiwalay. Ang hindi malinaw sa akin ay kung bakit bigla siyang binitawan ni Gerome. Eh ang alam ko mahal na mahal siya no'n during junior highschool days.

Natatawa lang ako dahil kahit seniors na kami, mukhang pinagtatagpo pa rin silang dalawa ng tadhana.

Gano'n ba talaga gumagana ang tadhana? Parang plastic na kaibigan. Alam mong nandiyan siya sa tabi mo. Akala mo kaibigan mo, pero hindi mo alam habang nakatalikod ka, may balak na pala siyang saktan ka. The sad truth is, that's how it works. A traitor you can't escape is fate.

Ilang minuto lang, sa kalagitnaan ng pagkukwentuhan namin ni Midori, dumating si mama. As usual, pinagalitan na naman niya ako. Kesyo nag-alala raw siya sa akin. And as usual, sinabi kong okay lang ako kahit hindi ko rin sigurado sa isip ko kung ayos lang ba talaga ako.

What's unusual is, kasama niya si papa ngayon.

Sobrang pormal ng suot niyang tuxedo. Ayos na ayos ang buhok at walang kahit isang gusot man lang na makikita sa damit niya. He stands so firmly, as if someone's going to push him any moment.

"How are you?" diretsong saad ni papa. Monotonous, at parang hindi na pamilyar sa akin ang boses niya. Kailan ko nga ba huling narinig ang boses niya? No'ng isang linggo? Isang buwan? Nakaraang taon? Walang kahit anong emosyon sa mukha niya. Hindi ko alam kung nag-aalala ba siya sa akin o hindi.

"A-ayos lang po," saad ko. Nakita kong nanahimik sa isang tabi si Midori. Alam niyang ganito ang ambiance kapag nandito si papa.

Tumango si papa bilang tugon. Pagkatapos ay tumalikod siya at nagsimulang maglakad palabas ng k'warto. Unti-unti ring nawala ang mabigat na ambiance nang tuluyan na siyang mawala sa paningin namin. Ngayon, kaming tatlo na lang nila mama at Midori ang magkakasama.

"Pagpasensyahan mo na ang papa mo. Pagod lang 'yon dahil maraming ginagawa sa trabaho," pagpapaliwanag ni mama—which is hindi naman na niya kailangan gawin. Alam ko naman na busy si papa. Sana nga hindi na siya pumunta rito sa ospital dahil parang hindi rin naman siya tatay ko kung umasta.

Bumuntong hininga na lang ako bago tumango.






TWO DAYS AFTER, na-discharge na ako sa ospital. Kinailangan kong tumagal do'n para ma-monitor ako habang nagpapahinga. Mabuti na lang Sabado at Linggo 'yong dalawang araw na 'yon, hindi natamaan 'yong klase ko ngayong araw.

Monday na naman.

Balik sa pag-aaral ang lahat dahil exam na this week. Todo kilos ang karamihan dahil may mga ipapasang projects at reports. 'Yong iba, chill lang. Siguro tapos na sila sa mga gawain o talagang trip lang nilang mag-chill ngayon at mataranta kapag gahol na sila sa oras.

"Saan kayo magpapasko nila Tita?" biglang tanong ni Midori sa amin. Sabay kaming naglalakad ngayon papuntang library. May kailangan kasi kaming hanapin sa history class na hindi namin mahahanap sa Google—history ng school namin.

"Ang tagal pa ng pasko, bakit tinatanong mo na ako kung saan kami magpapasko?" tanong ko.

"Gusto ko lang malaman kung saan napadpad ang utak mo. Kanina ka pa kaya tulala," sabi ni Midori.

Hindi ko siya sinagot. Wala rin naman akong sasabihin.

Simula nang ma-discharge ako sa ospital, hindi ko na sinabi sa kaniya ang mga nangyari sa 'kin—sa mga nakita ko. Kaya madalas din akong tulala. Ayoko ng sabihin dahil sinusubukan ko na rin namang kalimutan. In the first place, hindi ko rin naman alam kung anong maitutulong no'n sa akin kung sasabihin ko sa iba. Tsaka ayoko nang mag-alala si Midori sa kalagayan ko.

Nakapasok kami sa library at agad na nag-log in. After no'n, humanap si Midori ng mauupuan namin. Medyo puno ang library ngayon dahil nga sa mga requirement na hinahabol ng bawat estudyante. Isa na kami ro'n ni Midori.

Habang naghahanap siya ng mauupuan, ako naman ang naghanap sa pakay namin. 'Yong history book ng school.

Hindi ko alam kung wala lang talagang mapagawa 'yong history professor namin na requirement o talagang gusto niya lang kaming paghanapin ng lumang libro.

Habang naglalakad sa iba't ibang hallways, may ilang mga estudyante akong nakakasabay at nakakasalubong. Siguro research din ang sa kanila o kaya reports kaya nagkukumpulan sila rito sa hallway. Hindi tuloy ako makapaglakad nang maayos dahil kailangan kong mag-ingat sa bawat yapak na gagawin ko dahil kung hindi, malamang kanina pa ako may naapakan o natisod.

Nakarating na ako sa pinakadulong hallway ng library pero wala talaga akong nakita na history book ng school sa history section ng library. Hindi ko alam kung wala ba no'n o hindi ko lang talaga mahanap. Sa dami ba naman ng libro sa library na 'to, for sure natabunan na 'yon kung saan man 'yon nakalagay.

"Fudge. May nauna na kaya sa akin?" tanong ko sa sarili ko bago ko kinagat ang ibabang labi ko.

Bagsak ang balikat ko habang naglalakad pabalik kay Midori. Sasabihin ko na lang sa kaniya na tulungan ako sa paghahanap. O kaya tanungin namin sa librarian para mapabilis ang paghahanap namin.

Habang naglalakad, may nadaanan akong malaking salamin. Nasa gitna ng library 'yon. Gawa sa salamin ang kisame sa gitna ng library, dahilan para pumasok ang liwanag na nagmumula sa araw. Kapag pumasok 'yong liwanag mula sa araw, tatama 'yon sa salamin na nasa gitna rin ng library, dahilan para lumiwanag ang halos kabuuan ng library kahit wala masiyadong fluorescent lights sa silid.

Napatigil ako sa paglalakad dahil bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako, o talagang . . .

Hindi ko nakikita ang repleksyon ko sa salamin.

As in walang trace na nakatayo ako sa harapan nito.

Natutulog ba ako? Daydreaming ulit?

Napatalon ako sa gulat nang may malakas na galabog mula sa likuran ko. Nang lumingon ako, wala nang kahit sino sa loob ng library. Kahit isang estudyante, wala. Ako na lang mag-isa.

Anong nangyayari?

Vision na naman ba 'to?

Muli akong lumingon sa salamin.

Awtomatiko akong napaurong nang makita ko na sa wakas ang repleksyon ko. I should be grateful that I finally saw my reflection pero kinilabutan lang ako lalo.

Repleksyon ko 'yon. Pero iba ang itsura.

I don't know what's happening. I am breathing fast as if I'm running out of oxygen.

Until I realized the meaning of this.

My time is almost up.

Continue Reading

You'll Also Like

21.1K 1.1K 50
As a writer, I have a lot of thoughts popping out of my mind in between unlikely situations or conversations. In my twenty-two years of existence, I...
262K 4.4K 15
Clair Evans is contented and happy with her simple life. But an unexpected event barrels her into a magical world that she never knew existed. Battli...
50.6K 2.7K 24
Transmigrating to a story sounds perfect, it's a dream of most readers would have. Jurlian also dreamt of waking up one day to one of the stories she...
5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...