The Bad Boy's Love (Published...

Par blue_maiden

88.2M 2.1M 751K

[BAD BOY 3] Si Jeydon Lopez ay isang certified bad boy. Buong buhay niya ay wala siyang ginawang tama. Bisyo... Plus

Prologue
Chapter 1: City of love
Chapter 2: Dream or love?
Chapter 3: J's Graduation
Chapter 4: And she's back
Chapter 5: Long time no see
Chapter 6: Papa Jeydon
Chapter 7: Inuman session
Chapter 8: Going back
Chapter 9: The party
Chapter 10: Hello wedding bells
Chapter 11: Under the moon
Chapter 12: Job hunting
Chapter 13: First Night
Chapter 14: If only
Chapter 15: For a change
Chapter 16: Bridal Shower
Chapter 17: Dark past
Chapter 18: One step closer
Chaptet 19: Stag Party
Chapter 20: Changes
Chapter 21: Hold on
Chapter 22: Day to Forever
Chapter 23: The Wedding
Chapter 24: Secret House
Chapter 25: Premonition
Chapter 26: Best Friends
Chapter 27: Sayang
Chapter 28: Hindi itinadhana
Chapter 29: Welcome
Chapter 30: Bye Jeydon
Chapter 31: Durian
Chapter 33: Hongkong Part 1
Chapter 34: Hongkong Part 2
Chapter 35: My boo
Chapter 36: Come back home
Chapter 37: Welcome home
Chapter 38: Someone like you (Part 1)
Chapter 39: Someone like you (Part 2)
Chapter 40: He's coming
Chapter 41: Being a daddy
Chapter 42: The Player's wedding
Chapter 43: The Fighter's battle
Chapter 44: Rest in Peace.
Chapter 45: Goodbye and Hello
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)
Author's Note
TFBBAM BOX SET PRE-ORDER

Chapter 32: In laws

1.5M 40.2K 10.3K
Par blue_maiden

HINDI KO NA napigilan ang sarili ko ng kumain nang marami sa harap ni Daddy Dave. Nahihiya man ako pero wala akong magawa. Sa unang kita ko pa lang sa durian na dala niya sobrang natakam na ako na kulang na lang maglaway ako. Hindi ko na nga napansin 'yong mabaho niyang amoy eh. Basta sabi ng utak ko kailangan kong kumain ng durian. Ganito pala talaga kapag naglilihi ka sa isang pagkain?

"Masarap ba?" tanong ni Daddy Dave. Napahinto ako sa pagkain ko at napatingin ako sa kaniya. Natigilan pa ako kasi nakita ko na naman siyang nakangiti sa sa 'kin, 'yong ngiti na ni minsan hindi ko pa nakita noon sa kaniya. Siguro nakakatawa na 'yong itsura ko. Ang takaw ko kasi eh. "Pasensya ka na at natagalan ako, mahirap maghanap ng durian ngayon dahil hindi pa naman panahon ng ani, buti na lang may nakita ako sa daan na nagtitindi niyan. Bagong ani lang 'yan galing pa ng Davao."

"Kaya pala masarap eh. Salamat pom Dad," sambit ko. "Pasensya na po kung nahirapan pa kayo dahil sa paghahanap ng durian ko. Nakakahiya nga po sa inyo eh."

"'Wag mong isipin 'yon, maliit na bagay pa 'yan kumpara sa mga ginawa kong hindi maganda sa 'yo at kay Jeydon dati," seryoso niyang sabi. Tiningnan ko lang siya at gano'n din siya sa 'kin. Sandali kaming natahimik. "Candice, patawarin mo ako," pagbabasag niya ng katahimikan.

"Para saan po, Dad?" tanong ko.

"Alam kong napakasama ng mga nagawa ko sa inyo ng anak ko. Naging makasarili ako at sariling interes ko lang ang inisip ko pero lahat naman ng ginagawa ko para din sa pamilya ko. Akala ko kasi tama 'yong ginagawa ko noon pero hindi pala." Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. "I just want what's best for him."

Hindi ko naman pwedeng kwestyunin ang sinabi niya. Tama siya, gusto lang naman niya ang makakabuti para kay Jeydon. Hindi nga lang niya alam na hindi nap ala tama 'yong ginagawa niya.

"Naiintindihan ko po kayo, magulang lang kayo na gusto ang makakabuti sa anak n'yo. Isa pa, nakaraan na po 'yon kaya kalimutan na natin 'yon," sambit ko at hindi ko na naman napigilan ang sarili ko at kumain ulit ako ng durian. Natawa na nga lang sa 'kin si Daddy Dave. "Sorry po, natatakam talaga ako dito eh," pilya kong sabi.

"Ngayon alam ko na kung bakit sa'yo nagkagusto ang anak ko." Napatingin ako sa kaniya at nakangiti ulit siya sa 'kin. "You're one of a kind, Candice." Napangiti din ako sa sinabi niya.

"One of a kind din naman po ang anak n'yo eh, may pagka-abnormal nga lang minsan," pagbibiro ko. Sabay pa kaming tumawa. "Sa totoo lang po, hindi ko din akalain na si Jeydon pa ang mamahalin ko. Magkaibang magkaiba naman kami at saka para nga kaming aso't pusa eh."

"Sabi nga nila, opposites attract. Gano'n siguro kayo ng anak ko." Unti-unting naging seryoso ang mukha niya at nagulat na lang ako no'ng hinawakan niya ang kamay ko. "Candice, salamat dahil ipinaglaban mo ang anak ko hanggang sa dulo. Kahit na sobrang hirap na ng sitwasyon n'yo. Kahit na madami ang humahadlang sa inyo. Kahit na nabaldado siya ay hindi mo pa rin siya iniwan. For me, indeed that's really true love and I'm happy for my son that he found it with you."

Nakaramdam ako ng matinding kasiyahan sa mga sinabi ni Daddy Dave. Kahit minsan hindi ko naisip na masasabi niya iyon sa 'kin. Kahit kausapin nga lang ako ay hindi ko na naisip na mangyayari pa. Napawahak tuloy ako sa tiyan ko. Thank you, baby, bulong ko sa isip ko.

"Salamat po sa mag sinabi n'yo Dad at saka dahil naghanap pa talaga kayo ng durian para sa akin kahit na alas tres pa lang ng umaga at kahit na mahirap maghanap. Salamat din po kasi tinanggap n'yo na rin po ako para kay Jeydon," masaya kong sabi.

"Nawalan na ako ng anak noon, si Jenny. Sobrang sakit na mawalan ng taong minamahal lalo na kapag ang anak mo ang nawala sa 'yo, parang may parte na sa buhay mo na habang buhay nang wala. Sa mga ginawa ko, naisip ko na hindi mo pala pwedeng idikta sa ibang tao ang dapat nilang gawin at kung saan sila pupwesto. Kahit na sabihin mo na para sa ikabubuti nila ang ginagawa mo, kung hindi naman sila masaya, bale wala rin. Baka mawala lang sila sa iyo."

Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagsasalita siya at sa sandalling nakatingin ako sa mata niya, nakita ko ang matinding lungkot niya. Siguro dahil 'yon sa pagkamatay ni Jenny. Kung masakit mawalan ng magulangn siguro mas masakit mawalan ng anak kaya siguro doble pa ng sakit na naramdaman ko noon ang nararamdaman ngayon ni Daddy Dave.

Pakiramdam ko nga ibang tao ang kaharap ko ngayon. Hindi na siya ang Dave Lopez na nakilala ko noon. Ang masungit, matapangn at para bang walang pusong tatay ni Jeydon ay ibang iba na ngayon. Tingin ko nga kapag napag-uusapan ang pamilya niya ay sandali siyang nagiging mahina. Kahit papaano nakilala ko ang tunay na Dave Lopez at masasabi ko na sa kaniya nga nagmana si Jeydon.

"Close po ba kayo ni Jeydon dati?" tanong ko.

"Ultimo brand ng mga damit niya ay alam ko, gano'n kami ka-close na dalawa. Gago nga lang talaga ako kaya napalayo na siya sa akin ngayon. Sana nga isang araw, bumalik na kami sa dati pero alam ko mahirap na 'yon mangyari," malungkot niyang sabi.

"Kilala ko po si Jeydon at alam ko na kahit madaming nangyaring hindi maganda sa inyong dalawa ay mahal na mahal ka pa rin niya. Naniniwala ako na babalik din kayo sa dati," nakangiti kong sabi.

"Candice!" sigaw ni Mommy Janice. "There you are!" sabi pa niya no'ng makita niya ako. "Mukhang may heart-to-heart talk kayo," makangiti niyang sabi pagkatapos umupo siya sa tabi ni daddy Dave. Kumuha rin siya ng durian pero tiningnan siya nang masama ni Daddy Dave.

"Janice, hindi 'yan para sa 'yo. Para 'yan kay Candice," paalala ni Dad.

"Oh my gosh!" gulat pero masayang sabi ni Mommy Janice. "Sa durian mo rin pinaglilihi ang apo ko? Alam mo bang sa durian din pinaglihi si Jeydon?"

Wow, pareho pa talaga silang mag ama. "Siguro pa nagmana siya kay Jeydon," sagot ko.

"Sa durian din naman ako pinaglihin ni Mama at sa tingin ko mana mana lang 'yan." singit ni Daddy Dave. "Our grandchild will be just like me," mayabang niyang sabi. Napahawak naman sa baywang si Mommy Janice na tila hindi siya sumasang-ayon sa mga sinabi ni Dad.

"Kung magmamana siya sa 'yo, baka maging abnormal lang ang apo natin!" protesta niya. Hindi ko na naiwasang tumawa nang mahina. Para silang mga bata pero cute din naman tingnan. "Kung magmamana lang siya dapat sa 'kin na."

"Sa 'yo? Mas magiging abnormal lang siya," sagot naman ni Daddy Dave.

Natatawa lang ako sa kaniya. Biglang tumunog ang phone ko dahil tumatawag sa 'kin si Jeydon. Tumayo ako at kumuha ng isang pilas na durian. "Mom, Dad, excuse lang po tumatawag si Jeydon."

Natigilan sila at para bang natauhan sila na nagtatalo na sila na parang bata sa harapan ko. Tumango lang silang pareho at sumenyas na puwede na akong umalis. No'ng makalakad na ako palayo ay narinig ko na naman silang nagtalo. Natawa na naman tuloy ako.

Sinagot ko na ang tawag ni Jeydon. "Hello," natatawa kong sabi.

"May nakakatawa ba?" tanong niya. Pumasok na naman sa isip ko ang pagtatalo ni Mom at Dad kaya hindi ko na naiwasan na matawa ulit. "Asawa ko!" sigaw pa niya.

"Sorry, natatawa kasi ako sa parents mo eh," sambit ko. Pumasok ako sa kwarto ko at agad akong humiga sa kama. Nakaramdam ako ng antok. Ang aga ko kasing nagising eh.

"Anong meron kina Mom and Dad?" nagtataka niyang tanong. "May ginawa ba sila sa 'yo?"

"Wala naman. Para kasi silang bata na nagtatalo sa harap ko," natatawa ko pa ring sabi. "Ang cute nila pagmasdan." Kapag na-iimagine ko sa isip ko natutuwa talaga ako.

"Talaga?" bigla na lang ginanahan ang inaantok na boses ni Jeydon. "Ano namang pinag-uusapan nila?" tanong niya.

"Pinagtatalunan nila kung kanino ba dapat magmana ang anak natin."

Sandali siyang natahimik at nagulat ako no'ng tumawa siya nang malakas. "Pinagtatalunan pa ba 'yon?! Siyempre sa 'kin magmamana ang anak natin."

Napataas ang kilay ko. "So sa 'yo lang magmamana ang anak natin, gano'n? Ayan tayo eh," mataray kong sabi. Natawa na naman siya sa sinabi ko. "Hindi ba pwedeng sa 'ting dalawa siya magmana?"

"Kapag lalaki ang naging anak natin, siyempre sa 'kin magmamana. Pogi at habulin ng babae, matalino, at may pagka-bad boy. Kapag babae naman sa 'yo magmamana. Maganda, matalino, mabait, at walang katulad." Napangiti ako sa sinabi niya. Kung sa kaniya naman magmamana ang anak naming ay ayos lang, at least alam ko na maganda ang lahi naming dalawa. Natawa tuloy ako sa isip ko. "O bakit ka na naman natatawa?"

"Kapag sa 'yo nagmana ang anak natin, maigiging abnormal din kaya siya? Mahilig din kaya siya sa mga pusa at sa Doraemon? Bipolar din kaya siya?" pang-aasar ko pa sa kaniya.

"Yah! You're teasing me!" sigaw niya.

"I just miss you," malambing kong sagot.

"I miss you too. I miss you so damn much," sambit niya gamit ang malamig niyang boses. "I will see you very soon. I love you," inaantok niyang sabi. Halos mag-hiccup na siya sa antok. Siguro ay napagod siya sa therapy nila ngayon.

"Matulog ka na, asawa ko. Matutulog na rin ako. Maaga akong nagising kanina eh," sagot ko.

"Okay, see you in my dreams, asawa ko. Good night," sambit niya. "Sweet dreams. Muah muah. Tsup tsup," paglalambing naman niya.

"Mahal kita, saranghae, te amo, I love you sobra sobra," sagot ko.

Pag-tapos no'n ay nakatulog na ako hawak hawak pa rin ang durian na binili sa 'kin ni Daddy Dave.

Charles

"Sigurado ka bang sasama talaga kayo sa 'kin ni Skie?" mataray na tanong ni Serina. "Sure ka bang haharapin mo ang parents ko? Eh hindi ba nga takot ka sa kanila?" warning pa niya sa 'kin.

Tumawa lang ako. Ano bang tingin niya sa 'kin, matatakutin? "Sabihin mo lang kung ayaw mo kaming kasama," pagsusungit ko sa kaniya.

"Hindi naman sa gano'n. Baka napipilitan ka lang sumama kina mama sa Hong Kong para makabawi ka sa 'kin. Sabi ko naman sa 'yo na okay na ang lahat." Tiningnan ko siya sa mata niya at alam ko na nagsisinungaling siya. "Okay lang ako do'n besides tatlong araw lang naman ako mamalagi do'n eh."

"Pumunta tayong Disney Land para sa family outing natin. Serina, gusto ko naman magkaroon tayo ng maraming bonding na pamilya. Malay mo masundan pa natin agad si Skie, di ba?" pang-aasar ko pa pero siniko niya ako agad.

Hindi pa rin siya nagbabago, ang Amazona pa rin niya.

"Alam mo dahil diyan sa pananakit mo sa 'kin kaya kita lalong minahal eh," asar ko pa. "I love you, sweety pie."

"Sige, na sumama na kayo ni Skie sa 'kin," sagot niya. Kita mo na, galit pa rin siya deep inside.

"Hindi mo ako sinagot." pagmamaktol ko. Umupo ako sa upuan at umakto akong batang nagtatampo. "Sabi ko, I love you," pagdidiin ko pa.

"Matulog ka na, tanda! Maaga natin ihahatid si Skie bukas sa doktor!" sigaw niya tapos pumasok na siya sa kwarto namin.

Pumunta ako sa kwarto ni Mama at nakita ko do'n si Skie na masarap ang tulog. Dapat sa gitna namin siya matutulog, pero dahil alam niya na may away kami at gusto niya kaming pagbatiin ng mama niya, ayon, sa lola niya siya tumatabi. Ang talino talaga ng anak ko, manang-mana sa 'kin. Paglaki niya magiging kasing gwapo ko din siya.

Dumiretso na ako sa kwarto namin ni Serina at as usual simula no'ng bumalik ako dito, palagi na siyang nakatalikod sa 'kin. Sabagay kasalanan ko naman eh kaya hindi ko siya pwedeng sisihin. Kahit sabihin niya na okay na kami, alam kong hindi pa rin dahil hindi pa rin siya bumabalik sa dating siya. Kapag mas malakas na 'yong mga hampas niya sa 'kin alam kong bumalik na siya sa dati.

"Good night, sweety pie. Excited na ako makita ang in-laws ko," sambit ko.

"Good night, tanda," sagot niya. Ang sweet niya 'no?

Pinikit ko na ang mata ko. Sa totoo lang talaga, sobrang kinakabahan na akong makita ang mama at papa ni Serina. Alam n'yo naman kung saan magmamana ang anak—sa magulang din.

Good luck sa 'kin, sana walang mabaling buto kapag nagkita kami.


Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

97.7M 2M 87
TEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop...
2.6K 87 7
Paano mo naiimagine ang isang group na nagkakilala lamang sa online then one day nagpasiya sila na magkita kita hanggang sa nagplano na lamang bigla...
26K 475 2
(ON HOLD) Rui Leviciano has a high IQ of 150, a remarkable feat that has been observed ever since he was a child. But his depression caused him to sk...
Afterlife Par pao

Roman d'amour

8.3K 316 7
Ellyze Alvarez is a one of a kind girl. She's all beauty and brains. Raised by her mom alone, natuto na siyang maging independent at a young age. Giv...