When Heart Decides

By imeesyouuu

15.4K 1.2K 250

COMPLETED Story Description: Dixie Atarah Mendez was a girl who lived her whole college life abroad for her s... More

When Heart Decides
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE

CHAPTER 26

289 27 0
By imeesyouuu

26

"Sinong cute?" Thea asked. "Edi si baby TJ!" Then the baby laughed.

"Pero sinong mas cute?" She once throw baby TJ in the air. "Edi si Ninang Thea ganda!" At muli na namang tumawa ang bata.

"Sino ulit ang cute?" Paulit-ulit nitong tanong sa bata na walang ibang ginawa kundi ang tumawa dahil wala pa naman itong naiintindihan sa mga sinasabi ni Thea.

"Edi si baby TJ!" At muli nitong itinapon sa ere ang bata. Humalakhak pa ito.

Nang lumabas naman mula sa kitchen si Atarah, nanlaki ang mga mata nito at dali-daling nilapitan ang kaibigan.

"Thea, bwisit ka! Mahuhulog ang anak ko!" Nag-aalalang saad nito.

"Hindi 'yan! Baby TJ is actually enjoying, diba baby?" Tanong pa nito sa bata. "Sino ang cute?" Natampal na lang ni Atarah ang kanyang noo habang pinapanood ang mga ito.

Paano kasi ay nakatayo si Thea at buhat-buhat nito ang sanggol. At ang ginagawa lang naman nito ay tinatapon niya sa ere ang bata pagkatapos ay sasaluhin at muling itatapon ng bahagya sa ere. Ang anak naman nito'y tawa lang ng tawa. Halatang nag-eenjoy sa ginagawa sa kanya.

Alam naman nitong alagang-alaga ng mga kaibigan nito ang bata pero nag-aalala lang itong baka mabitawan niya ito bigla.

"Tama na baby TJ. Nagagalit na ang mommy. Baka pagalitan ang Ninang Thea ganda mo." Humalakhak naman ang bata. Akala mo ay may naiintindihan.

Nang makaupo si Thea sa sofa ay pinaupo niya ang bata sa kanyang kandungan saka niya ito tinuruan ng close and open sa kamay.

"Kung gusto mong makipaglaro sa bata Thea, doon kayo sa crib. Ewan ko talaga sa'yo. Abnormal ka talaga."

"Relax guys. Sorry na, hindi na mauulit." Saad nito sa mga kaibigan.

Pinaalalahanan ulit ni Atarah si Thea sa maayos na paraan bago ito bumalik sa kitchen upang ituloy iyong kanyang niluluto. Sumunod si Dianne sa kanya habang si Gia naman ay naiwan. Obviously, binabantayan nito si Thea baka kasi ay kung ano pang kalokohan ang gawin sa bata.

Nung araw na iyon ay doon na silang nananghalian. Friday 'yun noon at nagkataong free time nilang tatlo. Si Neon naman ay wala ngayon dahil nasa trabaho.

Since Neon was not with them yesterday, ngayon namang Sabado ay naisipan ng mga itong lumabas, silang tatlo kasama si baby TJ.

Nang makarating sila sa isang malapit na park, TJ offered his hands to Neon, obviously he wanted to be carried by him. Pinaningkitan tuloy ni Atarah ang bata habang nakangiti itong nakatingin kay Neon, pumalakpak pa ito habang may sinasabi sa kanya ang lalaki.

"Favoritism ka Thyron Jae." She told to her son pero ang bata ay tanging nakatuon lamang ang atensyon kay Neon. She tsk-ed.

Nang makahanap ng pwesto si Atarah, naupo na lang ito sa may swing habang pinanonood ang dalawang medyo may kalayuan na sa kanya.

Pagkatapos ay ibinaba ni Neon si TJ saglit, tila nakikipaghabulan ito. Kahit hindi pa tuwid ang paglalakad nito, natutuwa si Atarah dahil sa gano'ng paraan ay unti-unting natutunan ng bata kung paanong maglakad.

She fished her phone out of her bag and simply took them photos from afar while they are playing together.

"Ang cute." Pangungusap nito sa sarili habang tinitignan isa-isa iyong mga larawang kinuha niya.

"Ang cute nga ng mag-ama mo ineng." Nagulat ito sa taong nagsalita kaya napatingin siya roon sa kanyang likuran.

Isa iyong matanda, kasamahan ng mga taong naglilinis ng park dahil may hawak-hawak itong grass cutter. Atarah just smiled pagkatapos ay nagpaalam na rin iyong matanda sa kanya.

Matapos maglaro ng dalawa, saglit na nagpahinga ang mga ito sa isang bakanteng swing na nasa tabi niya. Atarah carried TJ and placed him on her lap saka nito pinunasan ang pawisang bata. Her eyes narrowed when she heard her son's breathing. It's different and Thyron Jae looks pale.

"What's wrong?" Tanong sa kanya ni Neon na noo'y nakatitig na sa dalawa.

"His heartbeats are so fast." She answered.

"Ang kulit kasi ng anak mo. Napagod lang 'yan sa kakalaro." Saad ng lalaki at natawa na lang si Atarah nang sabihin niya iyon sa kanya.

"Ang kulit nga. Mana sa'yo." Then she threw him one small towel.

Maging ito kasi ay pawisan din. Inalis na lang nito ang suot ng bata at pinalitan ng bago then pinulbusan nito ang kanyang likod.

Inilabas ni Atarah ang ilan sa mga pagkaing dala niya at pinagsaluhan nilang tatlo iyon. Having enough rest, muling bumalik ang mga ito sa paglalaro.

Hinayaan na lang nito ang dalawa. Ayaw niya rin naman silang istorbohin since the two of them were enjoying. Katunayan ay nakisali pa nga ito at buong maghapon silang nagstay roon sa park.

Mula sa byahe nila pauwi ng bahay, nakatulog na ang bata sa kandungan nito. Halatang napagod ng husto.

Noong gabing iyon ay roon na naghapunan si Neon. Gusto nga niyang magstay pero umuwi pa rin ito sa bahay nila dahil marami pa siyang kailangang asikasuhin. Inahatid na lang ito ni Atarah sa may gate nung pauwi na ito.

"Thank you Neon." She smiled.

"Come on baby, it's nothing. Now get inside. Patulugin mo na lang ang bata. Baka kapag nakita pa ako no'n ay iiyak lang siya." He replied. Nilapitan nito si Atarah at hinalikan siya sa kanyang noo. "Get inside. Babalik na lang ako bukas." Dagdag saad nito. Tumango naman ito sa kanya.

"Ingat ka." Tsaka ito ngumiti ulit. Sinundan na lang nito ng tingin ang lalaki nang pumasok ito sa kotse at pinaharurot na iyon paalis.

When the car is already out of her sight, tsaka ito pumasok sa loob. Gaya ng sabi ng lalaki sa kanya, pinatulog na lang niya si baby TJ nang maaga.

"I wanted to stick with the blue and white motif. Simple lang sana." Atarah stated while talking with the event organizers.

Dalawang buwan ang nakalilipas simula nung mapabinyagan ito, ngayon naman ay ang first birthday nito ang pinagkakaabalahan nila.

They discussed about every single detail of the event. Ang iba ay sinasang-ayunan nito, ang iba ay hindi. She also suggests some ideas. Kasama nito ang kanyang magulang and to be honest, ito tuloy ang sumasalungat sa mga gusto niya dahil gusto ng mga itong gawing engrande ang party.

But of course, si Atarah ang nasunod. Ayaw kasi nito ng engrandeng selebrasyon. She wanted a simple and common birthday party celebration though it has a slight touch of being grand dahil na rin sa parents niya besides they will be expecting for a huge number of visitors. In the end, pumayag na rin si Atarah.

Kahit na ano basta ang gusto niya ay iyong may paparlor games and stuffs. Iyong Perfect Photo Print studio pa rin naman ang nag-organize ng party gaya nung christening ng anak nito.

Then that day came. Sobrang tuwa lang ni Atarah. Parang kailan lang noong ipinagbubuntis niya ito at parang kailan lang din nung sabay silang lumabang mag-ina para sa buhay nila nang maipanganak niya ito tapos ngayon ay ipinagdiriwang na ng mga ito ang una nitong kaarawan.

Their garden was filled with many visitors. Nang lumabas ito buhat si baby TJ ay hindi magkandamayaw ang mga bisita upang buhatin ito. TJ is not a cry baby. Sa tuwing inilalahad ng mga ito ang mga kamay nila sa kanya upang buhatin siya, agad-agad na nagpapabuhat naman ito.

Hindi rin ito palaiyak, maliban na lamang kung nagugutom ito. Katunayan ay palagi itong tumatawa lalo na kapag kasama niya si Thea. Everyone knew how jolly Thea is. Yun nga lang ay may pagka-abnormal.

Nang makalapit sa harap, sabay-sabay na kumanta ang mga ito ng birthday song. Since it was a baby party, lahat sila ay may suot-suot na birthday hat.


Matapos kantahan, buhat-buhat ang bata ay inilapit ni Atarah si TJ sa mga cakes na nasa harapan nila at tinulungan niya itong i-blow yung mga candles tsaka nagpalakpakan ang mga bisita. Pagkatapos noon ay nagsalu-salo na sila sa mga pagkaing inihanda.

After eating, hinayaan muna nila Atarah ang kanilang bisita habang nag-uusap ang mga ito, ang iba sa kanila ay patuloy pa ring kumakain. Saka nagtungo ang mga ito sa sala kung saan nakalagay ang mga regalong bigay nila sa bata.

Last nga sana nilang gawin iyon pero pinipilit sila ni Thea. Excited na raw kuno siya. Inihabilin na lang tuloy ni Atarah ang mga bisita sa kanyang mga magulang. Babalik naman sila kapag magsisimula na ang palaro.

Nang makarating ang mga ito sa sala, sinuggest ni Thea na iyong mga regalo na lang muna nila ang una nilang buksan. Sumang-ayon naman sina Gia at Dianne sa naisip nito. Gia's gift is a different set of car. Kay Dianne naman ay tatlong ternong damit. Ang isa ay pangtulog.

When Thea's turn, natutuwa nitong binuksan ang kanyang regalo at nung makita ng tatlo ang laman ng box na kanyang dala, napailing sila at napairap ng mata.

"Baka nakakalimutan mong one year old lang ang reregaluhan mo?" Sarkastikong tanong ni Dianne sa kanya habang dinidiinan iyong pagkakasabi niya.

"Oh, anong problema rito?" At inilabas pa nito ang medyo katamtamang laki ng box at binuksan ng tuluyan ang laman no'n.

"Walang problema r'yan. Ikaw ang problema. Ang laki mo talagang abnormal Thea!" Sumbat sa kanya ng mga kaibigan nito. Paanong hindi maaasar ang mga ito'y iPhone ang kanyang regalo. Aanhin ng bata 'yon?

"Pwede na yan. Pwede siyang magyoutube d'yan o kaya ay maghintay siya ng mahabang taon. You know, right age to use cellphone." Tsaka ito tumawa dahil sa sinabi niya.

Nagdahilan pa itong paniguradong puro damit, sapatos, laruan at kung ano pang mga pangbata ang ireregalo nila kay baby TJ kaya naisipan na lang nitong iyong iPhone ang ireregalo sa bata para unique kuno.

"Ewan ko sa'yo! Hindi ko alam kung bakit naging kaibigan ka namin!" Atarah huffed.

"Well, you guys should be thankful!" Thea exclaimed happily.

"Abnormal ka talaga!" Sabay na singhal ng tatlo sa kanya. Napailing pa ang mga ito tsaka sila nagpatuloy sa pagbubukas ng ilan pang mga regalo.

Kasama ng mga ito si baby TJ. Nakaupo lang ito sa malaking mesa kung saan nakapatong ang mga gifts para sa kanya at hinayaan ng mga itong galawin ang maliliit na gift boxes na naabot niya.

When Neon came, he carried baby TJ. Pauunahin na raw nito ang bata sa may side ng garden kung saan gaganapin ang ilang parlor games na inihanda nila. Imbitado rin kasi ang kalapit nila sa subdivision at dala-dala ng mga ito ang mga anak nilang maglalaro sa games na inilaan para sa kanila.

"Sumunod na kayo sa amin mamaya baby. Iwanan niyo na lang muna yang mga regalo r'yan. Magsisimula na yung mga palaro." Tumango lamang si Atarah sa sinabi ni Neon tsaka niya ito nginitian.

"Yup, sunod kami mamaya. Ingatan mo si TJ, okay?" Neon nodded his head at tuluyan ng umalis ang mga ito.

Saglit lang na inayos ng magkakaibigan ang ilang mga regalong nabuksan nila. Agad namang dumating ang ilan sa mga kasambahay upang ligpitin iyong mga gift wrappers na nakakalat tsaka sumunod ang mga ito sa may side ng garden.

Naging maingay ang mga tao sa kanilang malawak na garden dahil sa mga nilalaro ng mga bata. Si TJ naman ay naging saling pusa.

Sa tuwing may tumatakbong mga bata ay nakikitakbo rin ito, tumatawa pa, parang lasing nga lang since kailan lang nito natutunan kung paanong maglakad. He still needed some assistance though. Tuloy ay iniiwasan na lang na mabunggo ito ng ilang mga bata habang sila ay naglalaro.

"Prepare the cake honey." Utos sa kanya ng kanyang Mommy habang nanonood din ang mga ito.

Tumango si Atarah sa kanyang ina saka ito nagtungo sa may kitchen nila upang kumuha ng ilang bread knives at slicer. May mga nakahanda naman na. Kumuha lang siya just in case na kukulangin dahil marami ang bisita at ang iba pa sa kanila'y nagdala ng cake maliban pa sa inihanda nila.

Pagbalik nito ay para siyang nawindang dahil nagkakagulo na lang bigla ang mga tao sa paligid niya. Then Neon showed up in front of her, telling her the news she never wanted to hear.

"TJ suddenly fainted while playing with the other kids." At ang marinig ang mga salitang iyon ay nagdulot ng sobrang kaba sa dibdib niya at kung anu-anong ideya na ang pumapasok sa isip niya.

Ni hindi nito namalayan ang mabilis na kilos na kanyang ginawa. All she knew is she's now kneeling down in front of her baby who's unconscious without knowing what the reason is as she felt how fast her heartbeat is.

Continue Reading

You'll Also Like

269K 8.8K 49
She is Aurora Sandoval but this man named Alted Dela Fuente insisted that she is Candice Entrata-Dela Fuente, his wife. There's no way that she got m...
1.2M 44.4K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
1M 32.8K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3M 183K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...