QBMNG (Book 1) ๐—–๐—ข๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜๐—ง...

By Gamatoki

2.2M 56.1K 8.4K

| QBMNG BOOK 1 | Meet Andrea Jansen Lorenzo a.k.a 'Blandina'. The rich, the popular, and the gorgeous self-p... More

Story Description
Author's Note
QBMNG - CAST
CHAPTER 1 - Two Worlds Collide
CHAPTER 2 - The Clash Pt. 1
CHAPTER 3 - The Clash Pt. 2
CHAPTER 4 - Spoonful Of Hell
CHAPTER 5 - Not Obsessed
CHAPTER 6 - Backfired
CHAPTER 7 - Quality Time
CHAPTER 8 - Taste Of Your Own Medicine
CHAPTER 9 - She Strikes Again
CHAPTER 10 - Evil Plan
CHAPTER 11 - Won The Battle, Lost The War
CHAPTER 12 - Best Friends? More Like Sisters
CHAPTER 13 - When Life Is Playing Tricks With You
CHAPTER 14 - The Game Of Cat And Mouse
CHAPTER 15 - Shit Happens
CHAPTER 17 - The Start Of Something Beautiful
CHAPTER 18 - I'm So Sick
CHAPTER 19 - Late Night Rendezvous
CHAPTER 20 - Food For The Soul
CHAPTER 21 - Uncommon Emotion
CHAPTER 22 - Apology Accepted Part 1
CHAPTER 23 - Apology Accepted Part 2
CHAPTER 24 - Missing In Action
CHAPTER 25 - Please Stay
CHAPTER 26 - Fiel Jansen
CHAPTER 27 - Meeting The Cousin
CHAPTER 28 - Curiosities
CHAPTER 29 - Late Night Phone Call
CHAPTER 29.1 - Meanwhile ..
CHAPTER 30 - Curing A Headache
CHAPTER 31 - Santillan Household
CHAPTER 32 - Trouble With The Best Friend
CHAPTER 33 - Payback
CHAPTER 34 - Kiss And Make Up
CHAPTER 35 - Overwhelmed
CHAPTER 36 - Lesbi-Honest
CHAPTER 37 - Terrible Liar
CHAPTER 38 - Confessions
CHAPTER 39 - Royal Bitch [1/3]
CHAPTER 40 - Royal Bitch [2/3]
CHAPTER 41 - Royal Bitch [3/3]
CHAPTER 41.1 - Tease
CHAPTER 42 - Valentine's Day [1/4]
CHAPTER 43 - Valentine's Day [2/4]
CHAPTER 44 - Valentine's Day [3/4]
CHAPTER 45 - Valentine's Day [4/4] PT. 1
CHAPTER 46 - Valentine's Day [4/4] PT. 2
CHAPTER 46.1 - Clarence
CHAPTER 47 - Just say it
CHAPTER 48 - The Other Side
CHAPTER 49 - Lonely Hearts
CHAPTER 50 - Missing You
CHAPTER 51 - Operation: Fixing A Lonely Heart
CHAPTER 52 - Turning Point

CHAPTER 16 - A Truce, Maybe?

34.6K 929 110
By Gamatoki

Lorenzo



“Ay ganoon po ba? Sige po ihatid na po namin kayo Ma’am Lorenzo.” sabi nung isang guard ng subdivision namin. Nag papahatid kasi ako sa bahay. I mean, kami pala dahil sasama daw si Santillan. Hindi pwede ang mga trike o kung ano ano pang ka cheap-an na public transpo dito sa loob ng subdivision namin. This is a gated community where some, if not most, of the country's wealthiest families live. 

Ni-radyo na nung guard yung kasama niya para bumalik sa gate. Ginagamit kasi nito ngayon yung service 4x4 car na mag hahatid sa amin. Alam ko ginagamit lang naman nila yan kapag iikot sila sa buong subdivision para mag ronda. Ayaw ko sana sumakay dun pero wala na akong choice. Ayaw ko na mag-inarte pa. Gusto ko nalang umuwi at matulog. Baka kasi pag nagpaka choosy pa ako, magalit na ng tuluyan si Santillan na obvious na obvious naman na bad mood na ngayon. Hindi na nga siya nag-sasalita. 

Galit pa rin siya sa ginawa ko. Hindi ko naman sinasadya. Duh, I couldn’t help it. I wasn’t feeling well. Sumakto lang talaga nung lumapit siya sa akin tsaka naman sumakit lalo yung sikmura ko.

Anyway, that useless security took almost half an hour to arrive. Ang bagal kumilos. Nahihilo na nga ako, pinag hintay pa ako ng matagal. If only my feet weren’t killing me right now, we could’ve walk instead. Hindi naman ganun kalayo mula dito sa guard house yung mismong bahay namin. Nakakainis kasi si Santillan. Ang taas nung foot bridge na inakyat namin kanina and I’m wearing heels for fuck’s sake.  

The security guard kept on apologizing pero hindi ko na pinansin. Mag iinit lang ang ulo ko. Napaka incompetent. He should’ve known better. I’ll make sure to bring this matter sa President ng Land Owners Association namin so she can fire him instead. Sumakay na kami sa pick-up. Doon nalang ako sa passenger’s seat sa unahan sumakay at sa likod naman si Santillan. Hindi na siya nag reklamo. Buti naman. 

Nakaka frustrate lang talaga yung mga nangyari sa akin kanina. Wala naman akong motion sickness or anything pero hindi na din naman ako nagtaka kung bakit ako nahilo sa biyahe kanina. Doon kasi sa unang puv na sinakyan namin, ang daming sakay. As in. May tatlo pa nga na mga lalaki na nakasabit lang sa likod. Like, is that even allowed? Hindi ba delikado yun? May mga nadaanan naman kami na mga traffic enforcers pero hindi naman sila sinita. Halos ma-suffocate na ako kanina. Halo-halong amoy yung pumapasok sa ilong ko. Amoy cigarettes, amoy cosmetics, amoy pawis, amoy usok ng sasakyan, amoy polusyon, amoy punyeta, amoy dugyot. Nakakadiri. Lalo na yung katabi ko kanina na malaking guy na hindi ata naligo ng isang linggo. Napaka unhygienic niya. That was my first and sure as hell the last time I’ll ever try riding public utility vehicles. Nakaka stress.  Buti nalang talaga mabango si Santillan at yung panyong pinahiram niya. Hindi na nga ako nag atubili nung inabot niya sa akin yun. Siya ang nag silbing oasis ng pang-amoy ko kanina.

Ayos lang sana at matitiis ko pa kung yung ilong ko lang ang na-torture eh, pero hindi. Napakainit kanina. Sobrang init. Ang traffic pa. Bumper to bumper. Ang daming motorista. Puno ang kalsada. Gusto ko na nga sumigaw ng ‘We need a new plague’ at gayahin si Dwight Schrute ng The Office pero hindi ko na ginawa. Nahihilo na ako nung mga time na yun. Salamat talaga sa candy na inabot niya sa akin kanina at pag paypay na ginawa niya at gumaan ang pakiramdam ko. Bawi na yung pang-iinis niya sa akin kanina sa waiting shed. 

Ilang minuto pa, nakarating na kami sa bahay. Nag madali na ako bumaba ng car bago ko pa masermonan ulit ang guard ng subdivision namin na panay hingi pa din ng sorry sa akin. 


"This is where I live. Kahit hindi naman kita inutusan, I guess thank you pa din sa pag hatid mo sa akin. You can go home now."

Ugh. Why do I have to thank her anyway. On her own naman na nag prisinta siya na ihatid ako eh. Kung hindi lang talaga na stroke si Mang Robert, I wouldn't have had to depend on her to bring me home. Hindi ko naman maistorbo si Laur for I know nasa meeting pa siya kanina and she's been preparing for that all week. Si Fiel naman ay hindi sumasagot sa phone niya. 

Nakakainis! 


 "What? Why are you glaring? Nag pasalamat na ako, hindi pa ba yun sapat? Or baka naman gusto mo ng pera kapalit ng effort mo? Sure, yun lang pala eh." 


Lalo lang sumama ang tingin ni Santillan sa akin. Ano bang problema niya. 


“Hindi mo kailangan mag pasalamat at hindi ko din naman hinihingi na pasalamatan mo ako. At LALO nang hindi ko kailangan ng pera mo. Hinihintay ko lang kung mag kukusa ka man lang na alukin ako na pumasok muna sa loob. Pero, mukhang wala eh so ako na mag sasabi. Papasukin mo naman muna ako bago mo ako paalisin. Pahiramin mo na din ako ng damit para makapag palit ako. Ayoko bumyahe na ganito itsura ko."


I can't help but rolled my eyes with that. Tss. 

I heard the clicking sound of her tongue as if telling me that she cannot believe how I was acting right now. I'm not comfortable inviting someone I barely knew inside my home. I can't help it, may bad experience ako diyan before. Even though Santillan looked like she wouldn't hurt a fly, still, hindi pa din ako kumportable na papasukin siya sa bahay ko. 

“Siguro nung nagsabog ng kagandahang-asal si Lord, lasing ka kaya hindi ka man lang naambunan ng kahit konti."


Well, aminado naman akong maldita ako kaya hindi na ako kumontra pa. Pero hindi ibig sabihin nun hindi ako nainsulto sa sinabi niya. 


Oh, di ikaw na mabait. Ikaw na! 



“Shut up!” sabi ko pa sabay abot nang 1000 pesos para sa pamasahe namin kanina. "How much do I owe you para sa effort mo kanina?" 


Hinihintay kong abutin niya na yung pera pero hindi niya ginawa. Pinaningkitan niya pa ako ng mga mata. The nerve of this girl. 


“Hindi ko nga kailangan ng pera mo. Makikiligo lang ako. MA-KI-KI-LI-GO."


Umirap na lang ako sa sinabi niya sabay senyas sa kanya na sumunod sa akin. Mukhang wala naman siyang balak tantanan ako eh kaya napilitan na ako. Para matapos na at makauwi na siya. 

Nagsalita na ako sa intercom para ipaalam na nasa labas na ako ng gate. Maya-maya lang bumukas na ito. Nakita ko din yung isa naming guard na ilang taon ng nagta-trabaho sa amin pero hindi ko pa rin alam ang pangalan. Hindi ko naman kailangang alamin diba, dahil gwardiya lang naman siya. Wala namang benefit sa akin kung makikilala ko siya.


“Good evening po, Ma'am.” bati nito sa akin. Tumango lang ako bilang tugon. Pero si Santillan, ayun at bumati din sa kanya.



“Si Yaya Miling?” tanong ko pa. 



“Ay wala pa po. Nasa ospital pa. Tinakbo po nila ni Emil si Mang Robert kanina.”


Si Emil yung isa pa naming guard/driver na din paminsan minsan. Apat lang naman kasi sila dito. Si Yaya Miling, si Mang Robert na driver ko talaga at yung dalawang gwardiya. Madami pa kaming mga maids before pero nung nag simulang mag stay ang parents ko ng matagal sa San Francisco, sinesante ko na yung iba. Hindi ko naman sila kailangan. The less poor people I had to deal with, the better. May trust issues kasi ako sa mga katulad nila. Si Yaya nga lang yung pinagkakatiwalaan ko dito. Baby palang naman kasi ako, andiyan na siya.

Tuluyan na akong pumasok ng bahay. Patay lahat ng ilaw. Well, obviously kasi wala si Yaya. Siya lang naman kasi ang pinapayagan kong pumasok sa loob. Yung iba kasi doon sila nag-stay sa maliit na bahay sa likod ng mansion.

Diretso akyat na ako. Pinasunod ko na si Santillan. Doon na lang siya sa kwarto ko. Powder rooms lang kasi ang meron sa first floor. Sarado din kasi yung ibang rooms at ayoko ng mag abala pa na hanapin kung nasaan ang mga keys nila. Si Yaya ang nag tatabi nun for safe keeping. I didn't bother for a duplicate. 


“Oh, ayan na, pakibilisan nalang ang paliligo. May mga toiletries na diyan. Hindi ako madamot, you can go ahead and use them. May towels na din diyan."


Tumango lang siya sa akin at nag madali na. 

Uupo na sana muna ako para makapag pahinga ng maalala ko na nang hihiram nga pala ng damit si Santillan. Groaning, I rummage my closet for a shirt that I can lend her. Nagulat pa ako ng mag notif ang phone ko. Akala ko si Yaya. 

 

‘Hi, Andrea. Did you got home safe?’


Galing kay James. Hi mo mukha mo. Punyemas siya. Pumayag na nga ako makipag-dinner sa kanya kahit ayoko tapos bigla ba naman nag cancel. Nagkaroon daw ng emergency sa kanila. Kaya nga hindi ko na dinala yung kotse ko para pagkatapos ng dinner namin hindi ko na kailangan pa dumaan ng school tapos biglang hindi tuloy. Ugh! Lahat talaga nangyari ngayong araw ay kasalanan niya eh. Asa pa siya na replyan ko siya. Bahala siyang maghintay. Pinag-patuloy ko nalang ang pag hahanap ng shirt na ipapahiram ko kay Santillan. Yung medyo maliit ang size.

It took me quite a while, pero wala pa din ako nahanap na sakto sa kanya kaya kinuha ko nalang yung white burberry shirt ko na hindi ko pa nagamit. Kumuha pa ako ng ilang pieces pa ng clothes ko and then pinuntahan ko na siya para iabot ang mga ito. 

Maingat akong pumasok. There’s a glass partition in there at hindi siya silag so may privacy naman siya.  Ilalagay ko lang  yung mga damit doon sa patungan sa loob para pagkatapos niya, available na. Para hindi niya na din ako kailangang tawagin pa. Tapos lalabas na din ako agad. Yun ang plano. Supposed to be. Kaya lang pag-pasok ko, tapos na siya maligo. Ang bilis ah. Nasa labas na siya ng partition. She was in the middle of drying her hair. Nakatalikod siya habang ang tanging suot lang ay isang itim na boy shorts. I must admit, she looked, uhh, nevermind. She does have her fair share of feminine curves, I’ll give her that. Hindi naman pala siya ganun kapayat at mukhang lampa. 

Ilang minuto ko din siguro siya tinitigan ng bigla ko marealize ang ginagawa ko. 


Quit staring at her, friggin weirdo! 


Embarassed, I quickly put the clothes on the table near the sink then slowly and carefully got out of the bathroom.

Minutes passed when I heard her calling me. 



“Andy, pahiram ng t-shirt.”



Andy. 

 

I dunno why but,  I'm starting to like it when she calls me that. Nobody calls me that. Just her. 


“Nandiyan na. Malapit sa sink.” tugon ko naman sa kanya.



Hindi na siya sumagot at maya-maya oa nga ay lumabas na din siya ng banyo. 

Muntik na akong matawa nang makita ko ang itsura niya ngayon. Kasi tulad ng inaasahan ko, hindi appropriate yung size ng shirt ko sa kanya. Okay yung lapad pero yung haba, hindi eh. Ang liit niya kasi. Pero ang cute niya tingnan, infairness. Para siyang hanger. 



“Wala bang mas maliit ng konti dito?" she asked. Suppressing a grin, I shook my head.


“Ganun? Ang haba kasi. Yung jacket ko pala na pinahiram, nasa iyo pa ba?” she asked again, now referring to the hoodie she lent me back at the parking lot near the bar they performed at.

Oo, nasa akin pa. Hindi ko nga naibalik diba? Pero wala na akong balak isauli pa iyon. She missed her chance. It’s mine now. Hindi naman sa nag susuot ako ng basahan, gusto ko lang yung hoodie niya. I mean yung color kasi. Oo, yung color nga. Ang lamig sa mata. 



“Wala. Tinapon ko na.” sabi ko nalang.



“Grabe ka naman. Bakit mo tinapon, pwede mo namang isauli nalang eh. Maayos pa kaya yun. Binili ko yun sa UKAY eh.”  sabi niya pa sa akin at mukhang nalungkot talaga siya para sa hoodie niya. Kaya tumalikod na ako at tinungo yung isa ko pang closet. Humanap ako ng pwedeng substitute sa hoodie niya. Inabot ko sa kaniya yung gray Givenchy pullover ko na nakatambak lang naman sa closet. 


“Salamat..” sabi niya sabay suot ng nito. She's trying to fold the sleeves since medyo mahaba nga sa kaniya. Ilang minutes na siya nag tatry pero hindi niya pa din maitupi ng maayos kaya. Nag volunteer na ako. 



“Let me..”




Habang inaayos ko yung sleeves, I caught her staring at me. 



“What?” tanong ko pa pero umiling lang siya sa akin sabay bawi ng tingin. Anong problema niya?


“Naambunan ka din pala kahit konti.” 



“Anong naambunan? Anong sinasabi mo?" 




“Ah, wala. Ang slow mo.” nang-aasar naman na sagot niya pa sa akin. 




“Ewan ko sayo. I'll just freshen up a bit. Wait lang.” sabi ko nalang sabay diretso sa banyo.


After ko makapag ayos ng sarili, bumaba na kami. Niyaya ko na siya sa kusina. I should at least offer her a drink. Marunong naman ako tumanggap ng bisita. 

She didn't want juice nor soda kaya kinuha ko nalang siya ng isang basong tubig. I checked the fridge kung anong pwede kainin. Late na din kasi at hindi pa kami nakapag dinner. Aalukin ko nalang din si Santillan para wala na siya masabi. Konsensiya ko naman kapag hinimatay siya sa gutom.

Ang daming pwede i-serve. Yaya had it covered. Nasa mga microwave safe containers that I can just re-heat anytime. Kaya lang, nag aalangan ako i-serve yun kay Santillan. Baka kasi hindi niya magustuhan or isipin niya pa na nag seserve ako ng leftovers sa bisita. I don’t want to risk it. Ewan ko ba. Suddenly, what she thinks of me matters. Kaya ayun, magpa deliver nalang ako ng food. 




“What do you want to eat? Mag papa-deliver ako for dinner.”





“Hindi na. Uuwi na ako. Sa bahay nalang ako mag hahapunan.”




What? No way. Para saan pa yung anxiety ko kanina. 




“Dito kana mag dinner. You know, as thanks na din. The least I can do.” pilit ko naman sa kanya. Hindi nalang kasi pumayag eh. Ang daming arte. 




“Okay nga lang yun. Hindi pa din naman ako nagugutom eh. Uwi na ako ha.” yun lang at kinuha niya na yung backpack niya sabay talikod sa akin.

 

Tsk! 


Lumapit na ako sa kanya sabay hablot sa braso niya para pigilan siya sa pag-alis. 





“Bakit ba ang kulit mo?! Sabi ko dito kana nga kumain!”




“Mas makulit ka! Sabing sa bahay na nga lang. Kailangan ko na umuwi, late na oh.”





“Huwag ka mag-alala Santillan, ipapahatid kita sa driver ko. So, huwag ka nga umarte. Dito ka na mag dinner.”




Ang dami pang reason eh, hindi nalang sumunod. Ako na nga nag initiate na yayain siya na dito na mag dinner, ayaw pa pumayag. 




“May balak ka ba lasunin ako kaya pinipilit mo ako kumain dito? Nako, huwag mo na tangkain ha.” sabi niya pa habang magkasalubong ang mga kilay.




“Hoy! Hindi ako ganyan kasama no!”



Grabe ha. Masama lang ugali ko. Hindi ako kriminal. Bwisit talaga tong Santillan na to eh. 



Hindi na siya sumagot. Tinitigan niya nalang ako. Yung klase ng tingin na ginawa niya nung sinabi ko na quits na kami kapag ginawa niya yung homework ko sa Accounting dati. Mukhang ayaw pa maniwala. 

 “Okay, okay. Sige, payag na nga ako. Hindi ko alam kung bakit masyado importante sayo na dito ako kumain pero, hindi na kita tatanungin pa. Pero, sa isang kondisyon ha.” sabi niya pa habang pangisi-ngisi.


Oo nga. May point naman siya. Ano bang pakialam ko kung saan niya gusto kumain. Ang pathetic lang, Andrea.




“Wow, ha. Ikaw na nga pakakainin ikaw pa may kundisyones.  Kapal mo!”



“Oo nga eh. Ang kapal ko talaga. Sabi ko nga. O, sige ha. Alis na ako. Ingat ka dito, wala pa si Yaya mo." pang iinis niya pa. 




Eh di huwag. Kung ayaw mo kumain, di huwag. Bwisit! Ang dami pa kaartehan! Bahala ka sa buhay–




“Wait nga. Ano ba kasing kundisyon 'yan?” sabay sabi ko pa. Napa facepalm nalang ako sa isip. 




“Papayag ka na mag pa-tutor. Ayun lang naman ang kundisyon. Pumayag ka lang kahit mag mukbang pa tayo.” walang kakurap-kurap at seryoso niyang tugon.


At talaga naman umaasa ka pa ha. Tutor daw? Nakakatuwa talaga 'tong pandak na 'to eh. Papayag na akong mag pa tutor kapalit ng pag-didinner niya dito? Wow. Anong piling niya importante siya sa akin? Oh wow. That's hilarious. Kumain siya ng basura sa lansangan, bwisit siya! 




“Oh? Parang ayaw mo ata eh. Buh-bye.”




Talagang ayaw ko, lintik ka! Magutom ka diyan! Pero nung malapit na siya sa pintuan, hindi ko na din napigilan. Kainis! 



“Okay, fine! Mag papa tutor na ako. Happy?”



Fuck! 




Hindi ko na maintindihan sarili ko. Bakit nagiging sunod sunuran ako sa kaniya! 




“Ows, talaga ba? Wala ng bawian yan ha. Payag ka na talaga?” nangungulit niya pang tanong sa akin. Nakangiti pa siya at halatang masayang masaya. 



“Oo nga! Ang kulit ah. Manahimik ka na diyan kung ayaw mo mag bago pa isip ko.” 



 Naasar ako sa sarili ko ngayon.



“YES!” sigaw niya naman sabay fist pump pa. Para siyang bata ngayon. Ang saya saya niya. Ang babaw niya. Ewan ko pero, hindi ko mapigilan mapangiti din. First time ko siya makitang ganyan. 



“Ang OA mo. Para ka talaga—" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla ba naman siyang lumapit sabay yakap sa akin. 


What the..


Parang may kung anong electricity ang dumaloy sa katawan ko. Ang higpit pa ng yakap niya. Hindi ko alam kung ano ba dapat maging reaksiyon ko kaya pinatong ko nalang ang mga kamay ko sa balikat niya. Damn it! I loved the smell of my shampoo on her. She smelled good. She always does. Oh, shut up! 



“Thanks, Andy! Promise, gagalingan ko. Hindi tayo mapapahiya.” sabi niya pa pagkatapos niya akong yakapin. Yung ngiti niya eh. Damn. Pwede mag model ng toothpaste. Grabe, ngayon lang siya ngumiti ng ganyan. Yung totoong smile at hindi ngisi na madalas expression niya kapag inaasar niya ako. Well, syempre expected naman yun dahil binubully ko siya dati. DATI. Hindi na ngayon. 



Pero ganoon ba kahalaga sa kanya ang pag-tututor sa akin? Like, ang saya niya kasi ngayon. At pakiramdam ko naman genuine yung energy niya. 




“S-sure. Wait lang ha. Mag papa-deliver lang ako ng food natin. Wait lang, huwag kang aalis.” sabi ko nalang sabay takbo paitaas para kunin ang phone ko na naiwan ko sa kwarto.



Pagka-order ko, bumaba na ulit ako. I sighed in relief when I saw that she’s still there. Baka kasi pinag-tritripan niya lang ako tapos bigla siyang umalis. Pero hindi, nag-stay pa din siya.  Hindi nasayang ang pag payag ko sa kundisyon niya. Yes! Wait- I mean.. Shit! Parang tanga lang Andrea!



Ignoring my inner bitch, I happily went downstairs.

Continue Reading

You'll Also Like

14.6K 375 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci
622K 13.8K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
347K 13.5K 43
"That Amnesia of yours. Do you think it's a punishment?" "Why?" :)"I just think that the ability to remember things forever is a kind of punishment"...
10K 802 6
She was fine . . . or that's what she thought all along.