Evanesce

By allileya

46.4K 3.6K 955

Aislinn Sinclair is a woman imprisoned in the world that her parents built for her, a world where she always... More

Evanesce
Dedication
Prologue
Part One
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Part Two
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue (Part One)
Epilogue (Part Two)
Note

Chapter 26

501 24 0
By allileya

"Magkaaway po ba kayo ni Kuya, Ate?" tanong ni Greya habang nagre-repack kami ng star margarine sa kubo nila sa likod-bahay.

"Hmm, hindi naman. Bakit?" Umiwas ako ng tingin sa kanila ni Canus. Inabala ko ang sarili ko sa pagre-repack pero mukhang hindi ako titigilan ng magkapatid.

"Bakit hindi po kayo nagpapansinan?"

Nilagay ko sa palanggana ang na-repack kong star margarine. Kinuha ko ang kutsara at naglagay ulit ng star margarine sa maliit na plastic. Napatingin ako sa pinto nang biglang lumabas si Icarius. Nagkatinginan kami pero mabilis kaming umiwas sa isa't isa.

"Ah, busy lang ang Kuya niyo. Ayoko naman siyang istorbohin."

Hindi nila kailangang malaman ang kung ano mang pinag-awayan namin ni Icarius noong nakaraang linggo. They wouldn't understand as much as I do. Ayaw din sabihin sa kanila ni Mama Encarnacion kaya sino ba naman ako para sabihin iyon sa kanila? Besides, it's not that big deal.

"Ba't ayaw po ni Kuya na kausapin ka kahit na palagi ka naman po niyang tinatanong sa amin?"

"Huh?" Agad akong natigil sa ginagawa ko at napatingin kay Canus nang may pagtataka.

"Kapag po umuuwi siya galing sa trabaho ay tinatanong niya po kami ni Greya kung kumusta ka raw po o kung ano raw po ang ginawa mo buong araw."

"Talaga?" Napatingin ako sa direksiyon ni Icarius. He's feeding the chickens.

"Opo."

Simula nang away namin ni Icarius noong nakaraang linggo tungkol sa pagbabantay ko sa tindahan ay hindi na kami nagkausap pa. I tried many times to talk to him but everytime that I'm near him, umuurong ang tapang ng dila ko. Minsan ay nagkakasalubong ang mga mata namin pero umiiwas agad ang isa sa amin sa kadahilanan na may hindi kami pagkakaintindihan.

Hindi ko alam ba't kay Icarius lang ako nai-intimidate ng ganito. Kapag kaharap ko na siya ay bumabalik lahat ng kahinaan ko. Kapag kausap ko siya ay nauutal ako o hindi nakakapag-isip ng maayos. Ngayon, hindi ko alam kung paano ko maaayos ang maliit na hidwaan namin. If he's Van, it's a lot easier for me to talk to him.

"Ate?"

"H-Huh?" Nabalik ang tingin ko kay Greya at Canus.

"Naghihintay lang po 'yan si Kuya na kausapin mo," si Canus, suot ang makahulugang ngiti.

"Oo nga po, Ate. Baka naman po may something na sainyo ng Kuya ko?"

"Naku, Greya. Hindi sa ganoon. Ano kasi..." Hinanap ulit ng mga mata ko si Icarius pero wala na siya sa puwesto niya kanina. "Hindi lang talaga naging maganda ang simula namin ng Kuya niyo. Ayaw niya sa mga ginagawa ko kaya hinahayaan niya na lang ako. Hindi na lang kami nagpapakialamanan."

Half of it is true naman, hindi ba? But I just don't understand the context of it. Ang babaw naman kung iyon lang talaga ang dahilan niya. 'Tsaka bakit naman ganoon?

Ewan. Palaisipan talaga sa akin ang away namin ni Icarius. In one week, hindi siya nawala sa isip ko. I'm always stressing myself late at night, thinking about him and his complications in life. Dinadamay niya pa ako na may sariling komplikasyon din sa buhay. Sigurado akong alam niya 'yon kaya bakit hindi niya na lang ako intindihin?

"Ah, LQ."

My eyes widened because of Canus' conclusion. "Hindi! Kayo ha? Ang dami niyong alam." Bigla akong nakaramdam ng pagkahiya.

Napatawa ang dalawa bago nagbulungan. Jusko. Pinagkakaisahan ako ng dalawang ito. Para akong na-hot seat nang wala sa oras. Kahit na ganoon, alam ko naman sa sarili ko na hindi ako magkakagusto kay Icarius. I respect him for being my savior. I mean, kung ano man ang iniisip ng dalawang ito ay pangungunahan ko na sila.

"Huwag ka pong mag-alala, Ate. Gusto ka po namin para kay Kuya."

"Opo! Approve ka po agad sa amin." Napa-thumbs up si Greya gamit ang madungis na kamay niyang naka-plastic gloves dahil sa pag-repack.

Napangisi naman ako saka napailing-iling. "Hindi mangyayari ang gusto niyo."

"Hala, bakit naman po, Ate?" Tila nawalan ng sigla si Greya nang marinig niya ang sinabi ko. Ang bitter ko bang pakinggan?

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanila, hindi alam kung dapat ko pa bang sabihin ang dapat kong sabihin. Napayuko ako at tinapos muna ang pagtali sa plastic. Nilagay ko agad sa palanggana ang natapos ko. Napaayos ako ng upo bago sila sinagot.

"Ikakasal na ako, eh." I force my facial muscles to give them a smile. I think, the more I answered directly, the more they will stop pushing me to Icarius and restraining me to leave this place.

Tama. Ayos na rin 'yon. Van's waiting for me. Hindi puwedeng mahulog ako sa iba lalo na't may plano talaga akong pakasalan siya once everything's settled. If I know, naisip na rin ni Van ang tungkol sa bagay na ito o kaya naman ay higit pa roon. Maybe he's even planning for it, right? And I am too.

Oo nga't malaki ang utang na loob ko kay Icarius at sa pamilya niya pero hindi naman yata required na lumagpas pa roon ang ugnayan namin just because his siblings wanted it, right? We can be friends, yes, but lovers? I don't think so. I don't think I can even call our relationship as friends, like what he said. So, what am I to him? A mere stranger woman he just saved?

"Aalis ka na po ba?" si Greya na parang naiiyak na.

"Uhm, hindi ko pa alam sa ngayon, eh. Hindi ko rin alam kung paano ba ako makakauwi sa amin."

Bigla akong nakaramdam ng lungkot. That's right. I'm not familiar with this place so I don't know how to leave. Ang layo ng Bicol sa Laguna. Hindi ko alam kung ilang pera ang magagastos ko para sa transportasyon ko. Ni hindi ko nga rin alam kung saan ba ako kukuha ng pera. Thinking about it, I can't help to feel pity for myself. Yes, I want to stay here with them since I'm slowly adjusting and coping, but I don't want to get stuck. I still want to go home and fix my mistakes if possible. Kung nakaluwang-luwang na ay puwede ko naman silang puntahan na lang ulit dito para bisitahin.

"E 'di huwag ka na lang pong umalis!" Greya excitedly said. "Dito ka na lang po sa amin. Si Kuya na lang po ang pakasalan mo."

Bahagyang namilog ang mga mata ko dahil sa gulat. I didn't see that coming. She really is innocent, isn't she? Malayo pa ang mga kaalaman at paniniwala niya sa gaya ko.

"Bunso, hindi naman 'yon puwede," sita sa kanya ni Canus.

"Canus is right, Greya. I don't think I can do that. I also have a home that I can't abandon." Nalulungkot man dahil kay Greya ay sinusubukan ko pa ring paintindihin sa kanya ang mga bagay-bagay.

"Pero gusto ko po dito ka na lang sa amin. Matagal ka na po dito, 'di ba? Kaya bakit aalis ka pa po? Ayaw mo po ba sa amin?" Greya's eyes watered.

Nataranta ako. Oh, my God. I don't know what to do anymore. Hindi ko alam kung paano magpakalma ng bata.

"Uhm, Greya, please stop. Mahirap din ito para sa akin-"

"Kaya nga po dito ka na lang po sa amin!" she insisted it more.

"Bunso, huwag kang ganyan. Tama na. Nagbibiruan lang naman tayo tapos ikaw din pala ang iiyak."

"Eh, Kuya naman!"

"Intindihin din natin ang nararamdaman ni Ate."

"Pero..." Greya stuttered. Napasinghot siya't agad pinunasan ang luha sa pisngi. Canus helped her too.

"Tahan na. Kahit na umalis si Ate ay hindi naman ibig sabihin 'non ay makakalimutan na niya tayo. Baka nga bumalik pa siya dito, 'di ba?"

Nakakamangha naman mag-isip si Canus. Greya's lucky to have him to make her understand things. Wala na akong masabi. This family is almost perfect. But I know that behind that perfection, there's a hidden imperfection. Also, almost will never be enough.

"That's right. So, stop crying, Greya, okay?" I smiled at her.

"Sorry po..."

"It's okay, don't worry. I'm sorry, too."

Napangiti ako sa dalawa. How can I leave if they're being like this? Ang cuteness at kakulitan nila ang nakakapagpasaya sa akin. Greya's a bubbly and sweet child while Canus' understanding and discreet. He can be funny and naughty at times but not as much as Greya. He's kind of mature in thinking and analyzing things just like Icarius even though he's only twelve while Greya's the innocent and fragile type for someone seven-year-old like her. But they also have a common characteristic; kindness. Bakit ba hindi na lang din ako nagkaroon ng kapatid na gaya nila? But having a sister is already enough for me.

Napayuko na lang ulit ako. Pinagpatuloy ko na lang ang pagre-repack para matapos na bago pa ako maging emosyonal din. Baka hindi ko na naman ma-handle.

Si Canus ang patuloy na nagpapakalma kay Greya kaya tahimik na lang ako na nakikinig sa kanila. Hindi ko na rin sila pinatulong sa pagre-repack. Hinayaan ko na lang sila na maglaro. Namingwit din sila pero walang nahuli kahit isa.

"Tapos ka na po ba, Ate?"

Biglang lumapit si Greya sa akin nang makitang tumayo na ako't naglilipit na. Sumunod naman agad sa kanya si Canus.

"Oo, ililigpit at lilinisan-"

Ang pagsasalita ko ay agad napalitan ng tili nang bigla na lang akong sinabuyan ng dalawang tabong tubig ni Greya at Canus. Mabuti na lang ay nalagay ko sa may gilid ang mga na-repack namin kaya hindi naman nadamay. Aba't tumatawa-tawa pa ang dalawang salarin.

"Greya! Canus!"

Dahan-dahan akong napatingin sa itsura ko habang nakaawang pa rin ang mga labi dahil sa gulat at lamig ng tubig. Pinasadahan ko ng dalawang kamay ang buhok ko. I wiped my face after.

"Lagot kayo sa 'kin!"

Naglakad ako palabas ng kubo kaya napatakbo sila papasok sa loob. Maliit lang ang espasyo sa likod-bahay nila kaya wala silang matatakbuhan o mapagtataguan pa rito.

Kumuha ako ng isang tabo ng tubig sa malaking dam. Papasok na sana ako habang may ngiti sa mga labi ko. Kaya lang, biglang may humarang sa dinadaanan ko. Napatili ako nang bumangga ako sa katawan niya't tumilapon ang laman ng tabo sa aming dalawa. Nabitawan ko rin ang tabo na siyang agad kong sinundan ng tingin.

"Shit!" I mumbled. "Pasensiya na po-" Sa pagtingala ko ay sinalubong ako ng malamig at madilim na mga mata ni Icarius. My lips formed into a thin line before I slowly walk backwards.

"May narinig akong tili kaya..." Icarius didn't bother to add more.

"S-Sorry. Bigla kasi akong sinabuyan ng tubig ng mga bata kaya..." Hindi ko rin magawang dugtungan pa ang sasabihin ko dahil nauutal na naman ako.

Nagkatitigan kami. When the tension's about to fuel up, I decided to pick up the dipper on the ground. Sa pag-angat ko ay bahagya akong napatingin sa pagitan ng mga binti niya. I cleared my throat before turning my look away. I gave him one last glance before putting the dipper back to the dam. Mariin akong napapikit nang mailagay ko na, hindi gustong harapin pa siya.

"Mag-usap tayo pagkatapos mong maligo."

Paglingon ko ay nakapasok na ulit siya sa loob. I sighed. Pag-uusapan na ba namin 'yong nangyari? Sasabihin niya na ba sa akin kung ano ang ikinagagalit niya? Pero paano naman ako? Paano ko ulit ipapaliwanag ang sarili ko? Ano ba 'yan. Ang hilig niya naman kasing sumulpot bigla tapos iiwan ako ng kaba at palaisipan.

Pumasok na ako sa loob at agad naligo. Hinanap ko agad si Icarius pagkatapos pero mukhang bumaba na naman siya sa bayan. Naghintay na lang ako hanggang sa makauwi na siya pero nang makita ko na naman siya ay nawalan na naman ako ng lakas at tapang na kausapin siya.

"Aislinn-"

"Ah, Mama Encarnacion, ako na po." Agad kong nilapitan si Mama Encarnacion sa may lababo. Nilapitan at tinawag kasi ako ni Icarius kaya kinailangan kong magpalusot upang makaiwas.

"Sigurado ka?"

"Opo."

Pero mukhang mas nilagay ko lang sa alanganin ang sarili ko. Hindi rin kasi umaalis pa ng kusina si Icarius. Ramdam ko rin ang titig niya na tumatagos sa buong katawan ko. Binilisan ko na lang ang paghuhugas. Nagpunas agad ako ng kamay at handa na sanang umalis. Natigil ako nang humarang na naman siya.

"I said, let's talk." His voice is firm that almost cause an attack to my system.

Mama Encarnacion, help me! Papa Narcissus, where are you?

"Ha? Ano naman ang pag-uusapan natin?"

Napabuntong-hininga siya't napapamaywang. Bahagya siyang yumuko habang binabasa ang mga labi niya. He looks frustrated. Nang magtagpo ulit ang mga mata namin ay agad akong umiwas, walang balak na dagdagan pa ang kaba na namumutawi sa akin.

"Mag-aayos lang ako sa kuwarto ko." It's a lie!

Nilagpasan ko siya. Nang malapit na ako sa may pinto ay nahawakan niya ako sa palapulsohan ko. Napatingin agad ako sa kanya.

"You're-"

"Jaimar, 'nak, may naghahanap sa 'yo."

Parehas kaming napatingin ni Icarius kay Mama Encarnacion na nasa tindahan. Hulog ka po talaga ng langit, Ma!

Kampante akong napatingin kay Icarius dahil alam kong bibitawan niya na ako any moment now at aalis na siya. Pero mukhang magpapakatigas na naman siya. Oh, please, Icarius! Huwag na muna kasi ngayon. But damn, it's been a week. How come I'm still not prepared for this?

"Sandali lang," sagot niya pabalik kay Mama Encarnacion habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Mabilis lang daw, nak! Kanina pa ito nagpapabalik-balik, eh!"

"Labasin mo na," ako na gustong-gusto nang makawala sa kanya.

Mas nadepina lang sa ekspresyon niya ang pagkairita. Ha! You have no choice, Icarius. Hindi pa talaga yata ngayon ang tamang oras para makapag-usap tayo. Alis na kasi.

"Hintayin mo ako. Babalik lang ako." He let go of my hand and see himself out of the house.

Like a fool, I waited for him to come back to talk to me. His words and stares made me do it again even though I'm not really ready for this one. Hindi ko alam kung gaano ako katagal naghintay sa kanya. Namalayan ko na lang na nakatulog na ako hanggang sa magising kinaumagahan.

Kumaripas ako ng bangon at baba sa kuwarto. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Icarius na nakahiga sa kahoy na mahabang upuan sa salas. Naglakad ako papunta sa kusina nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Ano pong nangyari kay Icarius?" Hindi ko na naiwasang magtanong nang makaupo na ako sa katabi ni Mama Encarnacion.

"Naku! Lasing na lasing. Hinatid pa 'nong mga naging kainuman niya kanina lang madaling araw bago umalis ang ama niya. Ayon nagkaroon pa ng palitan ng salita ang mag-ama."

Kaya pala hindi na nakapaghintay ang diwa at katawan ko sa kanya. Iinom pala siya tapos mag-iiwan pa ng mga salitang ganoon? Galing niya rin, eh 'no?

"Saan po siya uminom at sino ang mga kasama?" I asked, curiously, after putting a rice on a plate.

"Mga kaibigan at pinsan niya lang naman doon sa taas. Mukhang nagkasiyahan na naman dahil sa nalalapit na pista ng nayon."

Based from what I remember from Mama Encarnacion's story, may isa pa silang bahay sa taas ng bundok. Medyo malayo iyon dito. Pinupuntahan lang kapag gustong magpahinga nila Mama Encarnacion o kapag may kokontakin. Doon lang din kasi sa parteng iyon ang may signal. Nagpaparenta sila ng wifi roon para sa mga gustong mag-internet o kumontak sa mga pamilya't kakilala nila. May poultry-han din sila sa baba ng bundok pero isa sa kapamilya nila ang namamahala roon. That's their other business.

"Pista po?"

"Oo. Magkakaroon ng mga aktibidad at palaro. Hindi rin mawawala ang munting salo-salo."

Mayroon din pala silang pista rito. Sa buong buhay ko ay hindi pa ako nakakapunta o dalo sa isang pistahan. I wonder what it looks like. Mukhang panibagong karanasan na naman ito sa akin. And now that I think about it, my life has been on the loose because of the lack of normal experiences that a normal people could do, reason why I'm being ignorant to some things. Well, a bit, I think? Ibang-iba kasi talaga ang mundo sa labas ng mundong kinagagalawan ko. Masyado akong nasilaw sa kung ano ang meron kami. Masyado akong naging sunod-sunuran sa mga magulang ko.

"Ay oo nga pala, 'nak. Puwede ba akong makahingi ng pabor sa 'yo pagkatapos mong kumain?"

"Oo naman po. Ano po 'yon?"

My smile faded when Mama Encarnacion told me to take care of Icarius while she's busy with the chores and store. Damn. Parang panandalian akong nilubayan ng kaluluwa ko dahil sa kaba at ilang. Bakit ako? Ano namang gagawin ko? Natutulog naman siya kaya hindi ko na lang iistorbohin. He needs to rest, anyway.

"Ayon 'yong gamitin mong palanggana, 'nak. Tapos ito bimpo. Kumuha ka na lang din sa thermos ng mainit na tubig. 'Yong alcohol ay nasa kuwarto. Kung sakaling magising na siya, painumin mo agad ng kape para hindi na masuka," bilin ni Mama Encarnacion na para bang aalis siya ng bahay.

Sinunod ko na lang siya kahit na sobrang labag sa loob ko. Pero sa isip ko, ganito rin siguro ang ginawa niya sa akin sa loob ng anim na buwan. Wala naman sigurong mawawala kung suklian ko iyon kahit papaano? Tulog naman siya. Hindi niya naman siguro malalaman. 'Tsaka pupunasan ko lang naman siya.

Inalis ko ang ilang hibla ng buhok na nakatakip sa noo niya. Napatitig ako saglit sa makinis at halos perpektong features ng mukha niya. I licked my lips and sighed. Dahan-dahan kong pinunasan ang mukha niya. Natigil lang ako nang mapunta ang bimpong hawak ko sa leeg niya. Damn, Icarius! Bakit ganito ang itsura mo? Wala ka namang ginagawa pero naiirita ako sa 'yo. Why is that?

Binasa ko ulit ang bimpo sa tubig na may halong alcohol at marahang piniga. Kinakabahan kong inalis ang kamay niyang nakaharang sa may tiyan niya. Halos hindi ako makahinga nang mahawakan ko ito. His veins and muscles are such an attraction. Nagka-girlfriend na kaya siya? If yes, did she also felt what I'm feeling right now and that night? If no, then, this is such a huge favor for me.

Winaglit ko sa isip ko ang mga kahalayang naiisip ko. Pinunasan ko na lang ang kamay niya. The way I touches his hand reminds me of the night we shared our first kiss. Dumako naman ako sa dibdib at tiyan niya like it wasn't a big deal. I also tried to reach for his back but I couldn't.

I'm lying to myself if I'd say that my mind is in a calm state and my heart is in a normal heartbeat. It's not. I feel like I keep on bursting inside my shell because of the trickery memories from that night, playing like I'm longing for it. Like my mind's used to it. Damn. Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses ko iyong pinag-isipan.

Natapos ako na hindi siya nagigising kaya naman ay natuwa ako lalo na't si Mama Encarnacion na lang ang nagtimpla ng kape para sa kanya. Pagkatapos ay wala na akong ibang ginawa kundi ang iwasan siya buong araw.

"Aislinn-"

Ilang beses niyang sinubukan na lapitan ako para kausapin pero agad akong umiiwas, hindi hinahayaan na may lumabas na kahit ano sa bibig niya bukod sa pagtawag sa akin. Unfortunately, he ended it the other day, so my plan failed. That is to avoid him as much as possible but that's not the case for him.

"Tama na ang iwasan. Pag-usapan natin 'to ng matino."

Continue Reading

You'll Also Like

331K 17.8K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
958 188 24
Walang nangyaring maganda sa buhay ni Thor sa siyudad kaya bumalik siya sa kanilang probinsya para lang muling malasin nang mabundol siya ng isang ko...
482 185 36
Calum, a renowned romance writer and a low-key country music enjoyer who also plays guitar is a very private person. He may have his circle of friend...
33.1K 1.7K 53
Matagal nang tinalikuran ni Annika Faustino ang buhay sa lalawigan ng Elena dahil sa tatlong dahilan: gyera, panganib, at alaala ng namayapa niyang i...