Unlabeled [Baguio Series #1]

By marisswrites

39.1K 2.1K 764

ā€¢ Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL ā€¢ Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is... More

Unlabeled
Introduction
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Finale
ACKNOWLEDGEMENT & FAQs
Special Chapter: Unrecognized

27

445 27 8
By marisswrites

     

"Oh, G-Gian..."

He smiled. "Hi."

Just by hearing his voice, just by standing in front of him makes my knees go weak. My tears are starting to pool on the corner of my eyes, but I am trying my very best to hold it back...to not let my tears fall. He can't see how weak I am in front of him; how affected I am by his presence.

I smiled. "A-Anong ginagawa mo dito?"

Hindi ko kayang hindi pansinin ang napakabilis at napakalakas na tibok ng puso ko ngayong nasa harap ko siya. Hanggang kailan 'to? Hanggang kailan ako magkakaganito sa kan'ya?

"Ahh, pansin ko kasi na ilang araw ka nang wala sa trabaho. Akala ko nga absent ka ngayon, eh."

Wow, talagang pati sa bagay na iyon ay interesado siya? Para saan? Can he just stop? This is making it harder for me to go on.

"Ahh, 'yon ba?" I laughed. "Nasuspinde kasi ako, eh. Pero okay naman na, tapos na ang suspension ko."

Nag-iwas ako ng tingin at ilang beses na huminga nang malalim dahil pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hininga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba...sa sakit ngayong kaharap ko siya.

"Bakit ka raw na-suspend?"

Bakit ba tanong pa siya nang tanong? Can he just...not care? Since he never really cared, right? Or that...he stopped caring, at the least.

"Wala naman. Basta." I chuckled. "Bakit mo nga pala alam na wala ako sa trabaho?"

"Pumunta kasi ako kahapon at noong isang araw. Kaso wala ka."

"Bakit mo naman ako hinahanap doon?"

Hindi ko alam kung bakit tanong ako nang tanong. Dahil ba may hinahanap akong sagot? Dahil ba may inaasahan akong marinig ngayon?

At bakit siya tanong nang tanong? Bakit ba interesado siya? Bakit ngayon pa?

"Mahal mo trabaho mo, eh. Hindi kasi ikaw 'yung taong a-absent nang ganoon, 'di ba?"

Tumango na lang ako, at hindi na nagsalita dahil ayoko nang magtanong. Baka sumo-sobra na ako. Baka may malaman pa ako na hindi ko dapat malaman.

"Uhm, noong...noong isang gabi, noong uminom ka..."

Napaiwas ako ng tingin nang marinig ko 'yong mga unang sinabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko at naging triple ang kabang nararamdaman ko ngayong kaharap ko siya. Mabilis akong nagsalita para pigilan siya sa kung ano man ang gusto at balak niyang sabihin.

Hindi na... tama na. Nakuha ko na 'yung sagot ko. Hindi ko na kailangan ng salita niya.

"Ahh...oo. Nagka-ayaan kasi ang mga katrabaho ko dahil payday. Nag-enjoy lang naman kami..." pagputol ko sa kaniya dahil ayoko na sanang bumalik pa sa mga tanong ko noon.

"Pero kasi, 'yung ano, 'yung mga tanong mo, sorry kung hindi ko masagot."

Ito na...

Ito na ba 'yung hinihintay ko?

Pero handa ba ako sa mga malalaman ko?

"Ahh, 'yun ba? Naku, 'wag mo nang isipin 'yon, Gian. Wala 'yon. May mga bagay talaga tayong nasasabi kapag lasing na hindi talaga tayo aware." I laughed awkwardly. "'Wag mo nang isipin, Gian. Okay na 'yon. Sapat na 'yong mga sinabi mo para malinawan ako. And I swear, I am fine."

He smiled. "Gusto ko pa rin sabihin sa 'yo."

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at nagbuga ng malalim na buntonghininga.

"Uy, ano ka ba? 'Wag na." I chuckled. "'Wag na, okay na talaga, I swear. You don't have to feel burden kasi sobrang okay na ako. Look at me."

He stared at my face, with the looks of not believing me.

"Mary..."

"Gian, okay na talaga ako, huwag mo naman nang guluhin," I calmly said then chuckled as I almost begged for him to stop. "Tama na, okay? I am really fine, I swear, kahit kainin pa ako ng lupa at mamatay na ngayon."

"Mary naman..."

"Gian kasi, 'wag ka nang makulit!" I desperately said, because I couldn't take it anymore. "'Wag ka nang magsalita sa akin. I don't need any reasons and explanation anymore kasi wala na. It's been three months since you left without a word, akala mo ba hindi pa rin ako magiging okay by this time? Wala naman tayong relasiyon. Wala akong pinang- hahawakan sa 'yo. Ako ang pumili ng mayroon tayo noon, eh. Everything is to blame on me. It's my fault that I was hurt—before. But look at me now, I am better than the days you were with me."

I almost cried as I almost begged for him not to say his reasons. Ganoon pala, kahit na gustong-gusto mo ng sagot at rason, once kusa nang ibinibigay sa 'yo, doon mo mare-realize na hindi ka handa sa maririnig mo, at ayaw mo nang malaman pa, kasi alam mong mas mawawasak ka pa. Na...kung wasak ka ngayon, mas mawawasak ka pa sa mga maririnig mo.

So to protect myself, I'd rather not hear his answers. To protect myself from further pain, I guess it should be better to not know anything, tutal, tapos naman na. Wala naman nang babalik, babalikan, at wala na rin akong balak nang bumalik pa sa kan'ya...kahit na anong mangyari, wala na talaga.

This is the least thing I can do for myself.

"Gian, I am really okay, believe me. Magkaibigan lang naman tayo from the very start. We never have something that other people have. And that's okay; even better because you can leave any time you want. We were friends; and we're still friends for me. Nothing has changed. Sa ngayon kasi, hindi ko na talaga kailangan 'yung mga salita, rason, 'yung eksplanasiyon mo, kasi okay na talaga ako. Alam kong paulit-ulit na ako sa sinasabi ko, pero gusto ko kasi talagang maniwala ka na okay na ako."

Habang sinasabi ko ang mga salitang iyon ay nakita ko kung paano kuminang ang mga mata niya na para bang nangilid rin ang mga luha niya. Yumuko siya at tumalikod sa akin. Nakita ko ang sunud-sunod na paggalaw ng mga balikat niya na parang humuhugot ng sunud-sunod na pagbuntonghininga, tsaka humarap ulit sa akin nang may mas mapula pang mata.

I looked away as I gulped, before looking at him again.

"Gian, you don't have to feel burden. You don't have to worry about how I feel anymore. Sinasabi ko lahat ng ito sa 'yo ngayon kasi gusto kong sumaya ka nang hindi iniisip na may nasaktan kang tao. Ayokong isipin mo ako. Ayokong maawa ka sa akin dahil sa nangyari, kasi, choice ko rin 'yon, eh. And that's why here I am, letting you go."

I smiled at him with tears pooling at the side of my eyes.

"Are you really okay?" he asked.

I nodded as I smiled at him. "I am very okay."

Gusto kong umiyak sa harap niya matapos kong sabihin ang lahat. Pero hindi. He won't see a single tear that will fall from my eyes. He can't see me still affected by his presence; by his words. He can't see that I am the weakest for him.

"Just promise me not to feel burden about what happened, then I will be really, really okay." He nodded. "Sige, papasok na ako."

Nagpaalam na ako sa kaniya at dumiretso sa escalator papunta sa store namin.

Pero hindi ako sa store dumiretso, kung hindi sa opisina ng manager ko, dahil iyon naman talaga ang plano. Pero dumiretso ako doon sa manager ko, hindi para ipasa kaagad ang resignation letter ko, kung hindi para may taong maiiyakan.

"Oh, magandang umaga, Mary. Naparito ka?" she asked.

"Ma'am...puwede bang payakap?" I asked.

Tumayo siya mula sa upuan niya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa dalawang braso ko at tumingin nang may pag-aalala sa akin.

"Anong nangyari?"

Hindi na ako nakapag-salita pa dahil bumuhos na kaagad ang luha ko. Mabilis niya akong niyakap nang marinig ang malakas na hagulgol ko. Hindi siya nagtanong sa akin kung bakit ako umiiyak ngayon, at bakit ganito na naman ang itsura ko ngayon.

Tang ina, sayang makeup ni ate na ginamit ko, mabubura lang pala sa paghagulgol ko ngayon.

I hugged her even tighter because that's what I need right now. The louder I cried, the more it hurts me.

Hindi ko matanggap na nagkaka-ganito ako nang dahil lang sa isang lalaking wala naman akong relasiyon.

"Mary, calm down..."

She continuously rubbed my back as I kept on crying out loud in her arms.

"Ma'am...I'm sorry."

Kumalas ako sa yakap at pinunasan ang mga luha ko. Pinaupo niya ako sa upuan na nasa harap ng table niya at siya naman ay naupo sa swivel chair niya.

"Bakit?"

"I'm sorry for disappointing you continuously. I'm sorry."

"Mary, bilang manager, naiintindihan ko na nagkakaroon tayo ng mga personal na problema na kahit iwasang madamay ang trabaho ay hindi natin nagagawa. Naiintindihan ko, huwag kang mag-alala."

Umiling ako nang sunud-sunod kasabay ng paglandas ng mas maraming mga luha pa.

"Pero hindi kasi sapat na naiintindihan mo, Ma'am. Dapat kasi, naiintindihan ko rin. Hindi kasi matanggap ng sarili ko na nagkaka-ganito ako ngayon; na nadadamay ang walang kamalay-malay na trabaho ko sa mga problema ko."

She didn't answer. I continued talking after letting out the sobs.

"Ma'am, ako na kasi talaga 'yong problema. I already had two chances and I failed both. Hindi na kaya ng pride kong tanggapin na bibigyan mo pa ulit ako ng chance to improve myself when I continuously disappoint the people who trust me..."

She sighed as he held my hand, disagreeing to what said.

"Mary, you never disappoint me. Alam mo kung sino 'yung nadi-disappoint dito? Ikaw. Masiyadong mataas ang expectation mo sa sarili mo, when literally, no one expected too much from you. All the good things you made for me and for your job is enough to reach my expectations; sumobra pa nga, eh. Stop blaming yourself, Mary."

I smiled as I shook my head.

"Hindi ko na kasi kayang patawarin sarili ko, Ma'am, kung patuloy ko pang idadamay ang trabaho ko sa personal na problema ko," I handed her my letter. "So I am resigning."

Napaawang ang bibig niya, kasabay ng pagkunot ng noo niya. "What?"

I smiled. "Ma'am, thank you for more than a year na nakasama kita. You were the best manager for me, and you will always be. Thank you for being my mother here in my workplace. Sobrang salamat, Ma'am, dahil binigyan niyo ako ng room for lessons and improvement..."

"Mary, you don't have to do this."

"Ma'am, kailangan ko 'to. I am slowly becoming the person I know I will become once I have my anxiety attacks. Ma'am, I can't let my work be harmed with this illness."

"Mary..."

I smiled. "And I am now resigning because I love my work so much."

"Hindi ko kayang tanggapin ang resignation letter mo..." malungkot na sabi niya.

"Ma‟am...please accept it. This is the start of me, trying to heal and fix myself. I can't do it if I stay here. I'll never be a better person if I won't do this. I need to do this, Ma'am. Please, understand..."

Mahabang katahimikan ang pumagitan sa aming dalawa bago siya nagbuntonghininga at kinuha ang letter ko. It breaks me, but it's for the best.

"Okay, but promise me you'll come back. And once you're back, I want my old Mary Shella Matias to be back again, okay?"

I nodded. "I will, Ma'am. Thank you so much." Tumayo siya at lumapit sa akin, tsaka ako niyakap. "I will wait, okay?"

Nang matapos mag-usap ay dumiretso na ako sa store, at pinakita sa lahat na okay na ako.

I made the day to be a normal working day for all of us. I gave my very best in this job...since it will be the last...and my workmates hate it. They hate it so much.

But doing it now eased my heart slightly. At least, I saw that they really cared for me... that is this job, we're a family.

Continue Reading

You'll Also Like

7.8K 122 8
A Promise Of Forever Promise Duology #2 (Novel) It's been six years since Shane Chrystelle Sandoval experienced the painful heartbreak from her first...
3.8M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
130K 424 159
compilation of the best stories- a must read on wattpad add this to ur libraries! ------- highest ranking- #1 in bestwattpadstories ā¤ļø