Unlabeled [Baguio Series #1]

By marisswrites

39.1K 2.1K 764

β€’ Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL β€’ Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is... More

Unlabeled
Introduction
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Finale
ACKNOWLEDGEMENT & FAQs
Special Chapter: Unrecognized

24

441 27 10
By marisswrites

     

Halos tumila na ang ulan, at alam kong malapit na akong sunduin ng Papa ko.

Tahimik lang kaming pareho, at walang ibang maririnig kung hindi ang patak ng ulan, malakas na ihip ng hangin, pati ang mga buntonghininga naming dalawa.

"Mahigit dalawang buwan..." I said. "Mahigit dalawang buwan kang nawala?" I chuckled. "Kumusta ka naman sa mahigit dalawang buwan na 'yon?"

"Oo nga, e. Okay naman ako. I just...live my life the way I usually do," he chuckled. "Ikaw, kumusta?"

Wow, buti pa siya.

Parang sa aming dalawa, ako lang ang naapektuhan.

Parang ang saya at sobrang enjoy naman siya noong dalawang buwan na wala siya.

Parang...parang wala lang lahat sa kaniya... Parang wala kaming pinagsamahang dalawa.

Sabagay, updated nga ako sa paano sila mag-asaran ng mga kaibigan niyang taga-Baguio, eh.

I pursed my lips and smiled.

"Okay lang din ako, naging focused ako sa work."

Focused amputa.

"Wow, sigurado akong mapo-promote ka na." he smiled.

Oo nga, na-promote na sana ako kung hindi lang ako nagloko sa trabaho. Gusto kong isisi sa kaniya ang lahat ng nangyari sa akin dahil kung hindi naman siya dumating at umalis sa buhay ko, hindi mangyayari sa akin ang lahat ng nangyari.

Pero alam kong pagiging immature ang manisi ng tao, at isa pa, natural lang na gano'n ang maging epekto sa akin no'ng pag-alis niya dahil sa anxiety ko, kaya wala akong dapat isisi sa kaniya. Sa akin ang lahat ng sisi kasi ako 'to, eh. Ako 'yung pumili nito. Ako 'yung na-attach at ako 'yung gumagawa ng actions ko.

Hindi naman niya ako dinidiktahan...

"Sana nga..." I said as I smiled.

Napabuntonghininga ako nang muli kong maramdaman ang pagsikip ng dibdib ko ngayong kasama ko siya at nag-uusap. Naaalala ko lahat ng pagdurusa ko noong bigla siyang nawala.

"Uhm, sorry nga pala."

Tumingin ako sa kaniya. "Sorry? Saan?"

He looked away. "Basta..."

Muli kong naramdaman ang pag-init ng sulok ng mga mata ko sa pagsagot niyang iyon. Mahirap bang...sabihin? Kung para saan ang sorry niya, mahirap bang sabihin 'yun?

"Sabihin mo na kung bakit," I said, trying to stop my voice from breaking.

"Sorry...sorry kasi bigla akong nawala."

Hindi... hindi 'yan ang hinihintay kong sagot. Pero ang sabihin niya 'yun ay talagang nasaktan ako...dahil alam niya... alam niya sa sarili niyang bigla siyang nawala.

I smiled and laughed at him. "Ano ka ba? Huwag mo ngang isipin 'yun. Wala namang problema sa akin, Gian. Magkaibigan lang naman tayo, 'di ba?"

Saying those last words almost killed me.

Tangina, 'di ko alam kung saan ko nakukuha 'yung lakas ng loob para sabihin sa kaniya lahat ng sinasabi ko sa kaniya ngayon. Kung saan ko nakukuha 'yung tapang na ngumiti at tumawa sa bawat sorry niya.

'Yung tapang na sabihin kong walang problema sa akin kahit na muntik nang masira ang buhay ko sa biglaan niyang pagkawala.

'Yung lakas ng loob na sabihin kong magkaibigan lang naman kami, kahit na iyon 'yung dahilan ng pagsu-suffer ko...kasi ako 'yung pumili no'ng bagay na 'yon para sa amin.

Nakita ko na hindi niya inaasahan ang isinagot ko sa kaniya na 'yon. Lumiit ang ngiti niya, at naging malumanay ang kaniyang mga mata.

"Basta sorry..."

Umiwas ako ng tingin sa kaniya, at nagbuntonghininga para mapigilan ang sarili sa pag- iyak.

"Pero alam mo, iniisip ko, bakit kaya? Ano kaya 'yung nagtulak sa 'yo para umalis nang walang paalam?" kalmadong sabi ko. "Dahil ba...wala akong karapatan na malaman?" I looked at him and laugh. "Uy, 'wag mo akong tingnan ng ganiyan, hindi naman masama ang loob ko. Gusto ko lang talagang malaman."

Hindi siya sumagot kahit na ilang minuto ko pa siyang hinintay na magsalita.

"Naisip ko rin...dahil ba... hindi ako maganda? Kaya ka umalis?"

Umawang ang bibig niya, at nakita ko ang kung anong galit sa mata niya nang marinig 'yon.

"Hindi... Mary, ayan ka na naman, eh..."

I suddenly remembered how he told me that he'll help me build my confidence.

Yes, for few months, he helped me...pero siya rin mismo ang nagsira ng bagay na ginawa niyang 'yon para sa akin.

I chuckled again to stop myself from crying again. This conversation is killing me. Can my Papa just drive faster and pick me up here right now?

"Biro lang. Pero ito, gusto ko talagang malaman. Bakit bigla kang nawala?"

Muli...hindi siya sumagot.

Bahagya akong napaawang ng bibig nang mapagtanto ang lahat, bago nagsalita. "Ah, w-wala pa rin ba akong karapatang malaman? Sorry, baka nakukulitan ka na sa akin." I laughed. "Okay lang, hindi mo naman kailangang sagutin. Gusto ko lang talaga mapigilang magtanong pero hindi ako umaasa ng sagot sa 'yo."

Sobrang sakit na ng lalamunan ko, to the point na nahihirapan na akong magsalita, pero hindi ko pinakita 'yon. Hindi ko pinakita sa kaniya na nasasaktan pa rin ako.

"Mary..."

I sighed in frustration as my tears started to form on the corner of my eyes.

"Pero bakit kasi... bakit kasi bumalik ka pa?" seryosong tanong ko, at unti-unti nang nawawala 'yung mga ngiti at tawa na pineke ko. "Gian... okay na ako, eh. Nagiging okay na ako."

Nakita kong iniharap niya na ang buong katawan niya sa akin, at napaiwas ako ng tingin nang muli kong makita kung paano hinangin ang buhok niya. It was that thing that always makes me smile...but now, it hurts me.

"Mary, sorry. Sorry na nasasaktan ka ngayon..."

Tumingin ulit ako sa kan'ya. "Gian, hindi. Okay na talaga ako. Tama na 'yung

sorry kasi sawang-sawa na ako marinig 'yan sa 'yo ngayong gabi," mabilis kong pinunasan ang mga luha kong biglaang tumulo. "Gian, okay na ako, eh. Okay na ako..."

Halos nagmamakaawa na ang boses ko sa huling sinabi ko. Totoo namang okay na ako nang wala siya. Okay na ako ngayon at unti-unti na akong bumabalik sa dating performance ko sa trabaho, pero heto, bumalik na naman siya at naguguluhan na naman ako.

"Mary..."

"Wala ka bang sasagutin sa mga tanong ko?" mahinahon at mahinang tanong ko. "Oh, sige...ito na lang. Uhm, nawala ka ba dahil...dahil may iba na?"

"Mary, wala. Wala akong iba."

Natawa ako. "Bakit ang bilis mong sagutin 'yung tanong na 'yan?" I chuckled. "Bakit hindi mo masagot kung bakit bigla kang nawala?" he did not answer. "Nagsawa? Hindi na na-cha-challenge?" again, no answer. "Tang ina..." I whispered.

"Sorry. I'm so sorry..."

Hindi ko alam pero sa tuwing sasabihin niya ang mga salitang ito, sobrang winawasak niya ako. Sa bawat sorry niya ay nasasagot ang mga tanong ko, na para bang ang salitang iyon ang kailangan ko para masagot lahat... lahat ng katanungan.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang busina ng motor ng Papa ko. Lumingon ako doon at nakita ko na kadarating niya lang.

"Sige na, uuwi na ako. Salamat, Gian."

Pagkatapos noon ay iniwan ko na siyang mag-isa sa kinauupuan niya.

Sumakay ako sa loob ng tricycle at muling hinayaan ang mga luhang bumuhos nang tahimik.

Bakit ngayon pa siya babalik kung kailan unti-unti nang nagiging maayos ang lahat?

***

Bakit ba bumabalik ang taong umalis na sa mga panahong hindi mo inaasahan?

'Yung ang tagal mong naghintay na bumalik siya, pero babalik lang siya kapag unti-unti ka nang nakakalimot, nagiging maayos, at naghihilom ang mga sugat sa puso.

Ang daming pagkakataon para bumalik siya sa atin nang mas maaga, pero bakit laging pinipili 'yung mga oras na bumabalik na tayo sa dating masaya?

Bakit ba kasi kailangang bumalik pa? Para saan? Para guluhin 'yung maayos mo nang buhay?

Para muli kang pasayahin?

Para muli kang paasahin?

Para muli kang saktan?

Para muli kang iwanan?

Ang dami kong tanong sa isip ko simula noong makita ko ulit siya, pero ang importante sa lahat, ang sakit...ang sakit na ang saya saya ko ngayong muli ko siyang nakita.

Nang makauwi ako ay kumain lang ako ng hapunan tsaka pumasok na sa kuwarto ko. Mabilis kong tinawagan ang college best friend kong si Archie.

"Oh, ano na namang problema mo?" kunwari ay masungit na tanong niya.

Hindi ko alam kung bakit, pero oras na magsalita ako ay muling bumuhos ang mga luha ko.

"Archie..."

"Oh? Ano na namang nangyari? 'Di ka pa ba tapos umiyak sa gago na 'yon?"

Umiling ako kahit na hindi niya naman iyon makikita. "Hindi kasi 'yun, he..."

"Eh, ano?"

"Bumalik siya, e."

"Oh? Ano ngayon?" tanong niya na parang walang kuwenta ang sinabi ko sa kan'ya.

"Bumalik nga siya..."

"Dapat bang may pakialam ka pa? Nawalan nga siya ng pakialam sa 'yo noong biglaan siyang nawala, 'di ba?"

Ramdam ko na ang inis sa boses niya.

"Archie, hindi kasi gano'n 'yung nararamdaman ko..."

"Argh...tang ina." Na-imagine ko na ang pagsabunot at paghilamos niya sa mukha niya sa inis niya. "Mary, ano ba? Hindi mo pa ba titigilan 'yan? Hindi ka naman sigurado na bumalik siya nang may nararamdaman pa rin sa 'yo, eh. Hindi ka nga rin sigurado kung may naramdaman talaga siya para sa 'yo..."

Sobrang nasaktan ako sa sinabi niya, pero alam ko namang tama siya. At isa pa, ako naman ang unang nagsabi sa kaniya na hindi ako sigurado kung totoo ba lahat ng ipinakita at sinabi niya sa akin. Ako lang naman ang sigurado sa aming dalawa, eh.

"Pero kasi, 'yung... 'yung nickname na nilagay niya sa chatbox namin sa Messenger. May pinanghahawakan pa ako, dahil hangga't nandoon 'yun, alam kong ako pa rin..."

Nagbuga siya ng malalim na buntonghininga.

"Ang childish kasi, Mary. Putangina kasi, lalaki ako, at hindi lang naman baby ang puwedeng maging tawagan ng dalawang tao. Paano kung mayroon pala siyang babe, love o kaya naman tart at kung anu-ano pang kaputanginahang 'yan? Mag-isip ka nga."

Hindi ako sumagot, dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang isasagot ko. Masiyado siyang tama at hindi ko na magawang kontrahin 'yon.

"Hindi niya pa binubura..."

"Eh 'di ikaw ang magbura!"

"Siya 'yung naglagay no'n..."

"Eh ano naman? Ikaw na magbura, kahit na ba siya naglagay, eh. Wala rin namang kayo."

"Ayoko, hindi ko kaya."

"Ewan ko sa 'yo, bahala ka na nga..." he sighed.

"Sorry..."

"Anong plano mo ngayon?"

"Hindi ko alam."

"Anong hindi mo alam? Ang plano, huwag na siyang pansinin. 'Yun ang plano, Mary."

Muli, ay hindi na ako nakasagot.

"Pero okay ka lang ba?" pangungumusta niya. "Kasi bumalik siya bigla, anong nararamdaman mo ngayon? Okay ka lang ba? May anxiety attacks ka na naman?"

Napaisip ako nang makita ko siyang muli makalipas ang dalawang buwan.

Nagkaroon ako ng anxiety attacks, oo. Kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung tatakbo ba ako palayo sa kaniya o yayakapin siya kasi miss na miss ko na siya. Wala akong nagawa sa dalawang iyon kung hindi ang umiyak sa tabi niya.

Umiyak nang umiyak nang umiyak... parang bata.

Pero kahit ganoon...isa lang ang sigurado ako. Nakaramdam ako ng saya nang makita ko ulit siya, kahit ang sakit-sakit na hindi ko na alam kung paano aakto sa kaniya.

"Nagkaroon ako ng anxiety attacks. Pero...m-masaya ako."

"Grabe. Tang ina talaga ng nagagawa ng matatamis na salita, 'no? Alam mo, Mary, tulad ng sinabi ko, lalaki ako. At once na na-challenge kami sa isang babae, nakukuha nito interes namin. Tapos kapag nawala na 'yung challenge, at nawala na rin 'yung interes, ibig sabihin no'n, hindi talaga buo 'yung feelings namin sa isang babae. Ganoon kasi 'yon. Minsan kasi, sa sobrang guwapo naming mga lalaki, naghahanap kami ng challenge sa ibang babae."

Gusto kong tumawa nang marinig ko ang pagyayabang niya pero pinili ko na lang ang huwag siyang pansinin at ituloy ang pakikinig sa sinabi niya.

"Hindi ko alam kung gets mo 'yung punto ko pero nawawalan talaga ng gana ang isang gagong lalaki, once hindi na siya challenged sa isang babae. At ikaw, alam ko, nasabik lang siya sa pagiging gan'yan mo...na cold, mysterious, at kung anu-ano pang ka-shit-an na pinagsasabi niya. Alam kong hindi naman lahat ng lalaki, gano'n. Pero ako, inaamin ko, minsan, naging gano'n ako. At alam ko na hindi ko talaga minahal ang babae kapag nawalan ako ng gana once mawala 'yung challenge.

"Kasi, sa isang relasiyon, hindi naman 'yung kilig, o 'yung challenge, 'yung hahanapin at mamahalin mo talaga; 'yung tao dapat mismo. At kung hindi gano'n sa 'yo si Gian, kung alam mo nang bigla ka na lang niyang binalewala at iniwan, dapat alam mo nang hindi talaga ikaw 'yung nagustuhan niya, kung hindi 'yung challenge na naramdaman niya sa 'yo."

Muli akong naiyak sa huling sinabi niya.

Kung ganoon nga, sobrang tanga ko naman na nagpadala ako sa salita niya...sa galaw niya...sa mga halik niya.

Kung totoo nga 'yon...sobrang tanga ko nga, kasi alam ko na hanggang ngayon...gusto ko pa rin siya.

Continue Reading

You'll Also Like

6.7K 321 68
|| third installment of "habit series" || Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother...
6.9K 274 37
Dubbed the 'Ice Queen of Southeast Asia', Isla Lorenzo's dream is to become the first-ever Filipino figure skater to win the gold medal in the Winter...
133K 4.2K 55
In one's relationship, distance can result into two things: This can either strengthen or end one's love for each other. How will it be for Ricci an...