Unlabeled [Baguio Series #1]

By marisswrites

39.1K 2.1K 764

• Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL • Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is... More

Unlabeled
Introduction
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Finale
ACKNOWLEDGEMENT & FAQs
Special Chapter: Unrecognized

23

420 27 11
By marisswrites

     

I am so happy that I get to laugh with my co-employees here again, na parang dati lang na wala namang problema. At least, kahit malungkot ako sa bahay, nagagawa kong maging masaya sa trabaho. At least, kahit may attacks ang anxiety ko, hindi ko na iyon naipapakita pa sa trabaho.

I may still be a very, very sad person today; I may still be this person who's still hurt, pero I know I am getting to the phase where I can be fine. 'Yung makaka-move on na ako sa paglisan ng importanteng taong nawala sa akin.

Wala na akong ibang naiisip ngayon kung hindi 'yung improvements ko. 'Yung akala ko dating hindi na ako magiging okay, 'yung akala ko dating ma-i-stuck na ako sa pain na naramdaman ko, hindi pala. Kasi oras talaga ang kailangan mo for yourself.

Give yourself enough time to heal—don't rush. Just give yourself all the time you need to be fine. Give yourself that time you deserve to love yourself better than you do before.

It's been more than a month since my Mom and I talked the day after kong malasing.

It's been a month...

I still read our conversations repeatedly, at ang sakit na habang nagbabasa ako ng conversation namin ay online siya...pero hindi na talaga siya nagcha-chat o nagti-text sa akin.

Nakita ko sa chat box namin ang time duration ng video call namin na 2 hours and 14 minutes. Bigla kong naalala 'yung pinag-usapan namin noon...

"Ano ba 'yang hawak mo?"

"Unan, si Pinggu..." sagot ko.

"Buti pa 'yan, yakap mo. Ako na lang ang yakapin mo, mas masarap ako yakapin kaysa d'yan." He laughed.

Humagalpak ako ng tawa sa sinabi niyang 'yon. "Ang landi mo!"

He chuckled. "Sa 'yo lang, baby. Sa 'yo lang."

My tears fell as I remembered how happy we were. Those were the days when he first kiss me. Ang bilis ng panahon. Parang dati lang ay ganoon kami kasaya... na ganoon kami kalapit sa isa't-isa.

Ngayon, wala na siya.

"Uy, si mama oh!"

"Huh? Umuwi ang mama mo?"

"Hindi, nasa likod mo 'yung mama mo, na mama ko soon." He burst out of laughing from his own cheesy line.

"Gago ang landi mo talaga!" I said as I am laughing. "Pag ikaw, nawala, nako, sinasabi ko sa 'yo!"

He smiled at the screen of my phone. "Baby, I am not going anywhere without you. Hinding-hindi ako magsasawa na sabihin sa 'yong dito lang ako..." he smiled. "At hindi ako aalis."

Pero nasaan ka na ngayon? Nasa Baguio? Baby, can't you just tell me what went wrong so I am not asking myself of the things I can never have answers from someone else?

I still look at our pictures and it pains me more to realize that all those smiles I have on the photos will never be back again, because all those smiles I have was for him. Every smile that I have when I was with him, was all because of him. I may smile again wider than that but he'll never be the reason anymore.

I marked all the photos we have on my phone and deleted it.

Alam ko namang may recently deleted section ang gallery ko kaya mayroon pa akong 30 days para bawiin 'yung mga binura ko na 'yon, pero hindi na kasi. Hindi ko na babawiin pa 'yun. Bumalik man siya o hindi na, hinding-hindi ko na ire-restore ang mga picture na iyon. My tears fell as I read the 100% photos deleted on my phone.

I need this. Paano ko mao-overcome 'yung anxiety ko kung hindi ko gagawin 'to, 'di ba? I need to let go of the things that makes me remember the person and how he hurt and left me. I need to let go of the things that remind me the pain I felt when he left me.

The only thing I can never delete is our conversation—text man or chat. Sa lahat ay iyon ang hindi kayang burahin. Those were the special moments I'll always cherish. Those were the memories I want to keep until I became totally fine. Naroon din ang iba naming pictures nang magkasama kasi sini-send namin sa isa't-isa, pero hinayaan ko na ro'n. I promised to myself that I'll never download those photos. I swear.

I may not delete it now, but I know, soon, that I will delete it without any hesitations.

Pero mapagbiro talaga ang tadhana...

Kung kailan binibitiwan mo na ang tao, tsaka naman babalik at magpapakita sa iyo.

***

Tapos na ang buwan ng August, ang buwan kung kailan sobrang maulan dito sa Zambales. Buwan na ngayon ng September pero nag-uulan pa rin.

Bakit ba lagi ko na lang nakakalimutan na magdala ng payong o kapote? Makakauwi na sana ako nang tama sa oras pero hindi ko magawa dahil tuwing uwian ko ay lagi akong inaabutan ng ulan. Gusto akong ihatid ng mga katrabaho ko pero naka-single na motor lang sila kaya wala din, mababasa lang ako lalo.

Nilalamig na ako sa lakas ng hangin, at nababasa na rin ako sa mga tubig ulan na tinatangay ng hangin papunta sa akin. Naglalabo na rin ang paningin ko dahil nagmo-moist ang salamin ko sa lamig ngayon.

Argh... bakit ba palagi na lang?!

Hindi lobat ang cellphone ko ngayon. Ang problema, hindi nila sinasagot ang tawag ko para sunduin ako. Tinawagan ko ang Ate ko para ipasundo ako, pero ang sabi ay maghintay na raw ako na tumila kahit na kaunti ang ulan dahil nga masiyadong malakas, at delikado mag-drive ng motor.

Wala akong magawa kung hindi ang maghintay na lang.

Naupo na lang ulit ako at tinitigan ang cellphone ko. Dati-rati lang ay kapag ganitong oras, 20% na lang ang cellphone ko. Ngayon, 85% pa.

Ibabalik ko na sana ang cellphone ko sa bag nang magulat ako sa pag-vibrate nito sa kamay ko. Nakita kong may tumatawag, at mas lalong kinabahan nang makita kung sino iyon.

Gian...

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil makalipas ang dalawang buwan, ngayon ko na lang ulit nakita ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko. Ramdam na ramdam ko ang pangingilid ng mga luha ko at ang panginginig ng mga kamay ko.

"Hindi mo man lang ba sasagutin?"

Naging triple ang bilis ng tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses niya malapit sa akin, kasabay ng tunog ng pagbuhos ng ulan. Malakas ang ingay ng pagbuhos ng ulan pero sobrang linaw sa pandinig ko na boses nga iyon ni Gian.

Kahit kailan, hinding-hindi ko makakalimutan ang boses na iyon, kahit gaano ko pa katagal na hindi marinig iyon.

Napalingon ako sa gilid ko at nakita kong naglalakad siya papalapit sa akin habang nakatapat sa tainga ang kaniyang cellphone. Naupo siya sa tabi ko at siya na mismo ang nagsagot ng tawag ko. Inilagay niya ang cellphone na hawak ko sa tapat ng tainga ko at saka siya nagsalita.

Para akong batang nagluha nang maramdaman ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko na may hawak na cellphone. Sa simpleng galaw na iyon, sa simpleng pagdapo ng balat namin, para akong ibinalik nito sa simula.

"Sabi ko na nga ba wala ka na naman dalang payong, eh."

Naririnig ko ang boses niya sa harap ko, at naririnig ko rin ang boses niya sa telepono na nakatapat sa tainga ko, at ang marinig iyon pareho nang sabay ay ibinalik ako sa nakaraan kung kailan 'yong araw na kinuha niya ang number ko at unang beses na tinawagan niya ako.

Sobrang tanga at martyr ko para maging masaya ngayong nakita ko siya, kaharap, kausap.

Sobrang baliw ko sa kaniya na bigla ay parang nakalimutan ko lahat ng ginawa niya noong nakaraan, at bigla ay gusto ko na lang siyang yakapin at halikan.

"Hindi ka man lang ba magsasalita?" he asked. "I missed your damn voice."

Unti-unti kong naramdaman ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. Sinubukan kong pigilan ang umiyak sa harap niya, pero kasabay ng pag-init ng sulok ng mga mata ko, sobrang sakit ng dibdib ko. Sobrang sikip...at hindi na nito maintindihan ang kung ano ang dapat na maramdaman ngayong kasama ko siya ngayon.

"Mary..."

Tumulo na nang tuluyan ang mga luha ko nang tinawag niya ang pangalan ko gamit ang boses niyang naging paborito ko na sa mga nagdaang buwan. Nakita ko ang gulat sa kaniya, hanggang sa pumungay ang kaniyang mga mata at ngumiti sa akin.

"Sorry..." he said.

Hindi ako makapag-salita. Yumuko na lang ako at ibinaba ang cellphone at hinayaan ang sariling umiyak nang umiyak. Hindi niya ako nilalapitan o hinahawakan. Alam kong nanonood lang siya sa akin habang umiiyak sa tabi niya. Hindi rin siya nagsasalita, at siguro...sapat na sa ngayon na ganito kami.

Ngayong bumalik na naman siya, nagkanda-leche leche na naman ang plano ko.

Nagbago na naman...

May nagbago na naman sa takbo ng utak ko. May nagbago na naman sa mga plano ko. Naguguluhan na naman ako, pero sa ngayon, ang sigurado lang ako, hindi ko na hahayaang maapektuhan niya ako tulad ng naging epekto niya sa akin noon.

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 101K 49
Shinessa knows that Helix is worth the fight―until she discovers that he's dying soon. Now faced with a difficult situation, can Shin overcome her wo...
748K 13.1K 31
Forced to live under the same roof with her monster for a mother-in-law, Georgina finds herself stuck amidst complications and lies. With her trying...
416K 4.5K 9
The romance writer meets his heartless match. Sa dinami-rami ng babaeng nagkandarapa sa kanya, mai-in love na lang siya, sa bitter pa. Sa dinami-rami...
7.3K 227 5
It all started with that site where you get to talk with strangers.