Unlabeled [Baguio Series #1]

By marisswrites

39.1K 2.1K 764

• Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL • Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is... More

Unlabeled
Introduction
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Finale
ACKNOWLEDGEMENT & FAQs
Special Chapter: Unrecognized

21

445 31 15
By marisswrites

     

I can still remember how Gian always say that he can't let me touch a bottle of alcohol. Sabi niya ay habang nasa tabi ko siya, hinding-hindi ako makakatikim ng alak. He won't let me have a taste of it again because he knew that I am just drinking for a very deep reason.

Sabi niya pa ay hindi niya ako bibigyan ng dahilan para uminom ulit, pero nasaan na siya ngayon?

Bandang 8:30 PM nang makarating kami sa isang restaurant. Mahaba ang lamesa at mayroong videoke sa harap. Nakapila sa lamesa ang iba't-ibang flavour ng fried chicken at may mga alak nang nakahanda sa tabi ng bawat plato na nakahanda sa lamesa.

Mabilis silang naupo sa mga upuan at mabilis na kinain ang mga chicken na nakahanda. Bawat ubos ng isang flavour ay may pipindot ng calling bell para tawagin ang waiter at umorder ng panibagong set ng flavour ng manok na iyon.

Nagsisimula na rin silang kumanta sa videoke habang ang lahat ay busy sa pagku-kwentuhan at pagtatawanan. Ang saya nilang lahat...na-miss ko 'to. Ilang buwan akong hindi nakasama sa kanila sa paglabas-labas tuwing suwelduhan.

Pakiramdam ko ay hindi ko tuloy kilala ang mga katrabaho ko dahil ngayon ko na lang ulit sila nakitang ganito kalaya at ganito kasaya. Pakiramdam ko tuloy ay first time ko silang makasama nang ganito.

Ang dami kong na-miss na pagkakataon na ganito, na masaya lang at kinakalimutan ang kung ano mang problema ang mayroon sila, dahil masiyado akong nag-focus sa isang tao na akala ko ay hindi na mawawala pa sa akin.

"Mary, kumain ka, sayang five hundred mo!" sabi ng isang katrabaho ko habang ngumunguya ng pritong manok.

Natawa ako. "Oo, kumakain ako."

Lagi akong kinukuwentuhan ni Neil tuwing lumalabas sila nang hindi ako nakakasama. At nakakainggit minsan, pero hindi ako naapektuhan dahil nasa tabi ko noon si Gian.

Tuwing araw ng suwelduhan ay lagi silang nandito para magsaya, kumanta at magpaka-lasing. Hindi na rin ako nagtataka kung bakit kinabukasan ay may nali-late o kung hindi naman ay nag-a-absent.

Nagsimula nang mag-inuman ng alak matapos nilang makarami ng manok. Dumarami na rin ang kantang tapos na kantahin at ngayon ay marami na ulit kanta ang nakapila.

"Sigurado kang iinom ka?" tanong sa akin ni Neil. "Ilang taon na ba noong huling beses na nakatikim ka niyan?"

I chuckled. "Tatlo."

"'Wag ka na kaya uminom? Baka 'di ka makapasok bukas."

Kinuha ko ang baso na may lamang alak na ibinigay sa akin ni Sir Lawrence dahil turn ko na raw para tumagay.

"Kaya ko."

Ininom ko ang laman nito nang diretso at napangiwi nang malasahan ito at maramdaman ang mainit na pagguhit sa lalamunan ko. Umubo ako nang umubo dahil doon at lahat sila ay nagtatawanan nang dahil sa akin.

"Tangina, Mary!" tawa nang tawa na sabi ni Trevor. "Ay, gago. Tang ina sabi ko, tapos Mary 'yung kasunod, parang minura ko si Mama Mary, sorry po."

Lalong nagtawanan ang lahat sa sinabi niya dahil may point naman siya doon.

"Bakit ba kasi Mary ang palayaw mo?!" kunwari ay irita pa na sabi niya. "Puwede namang Shella."

"Mukha akong anghel kapag tinatawag na Mary, eh." pagbibiro ko.

Pero sa totoo lang ay ang Papa ko ang may gusto na Mary ang palayaw ko, para daw matakot at mag-alinlangan ang mga tao sa paligid ko na saktan o murahin ako, sa kadahilanan na katulad noong sinabi ni Trevor. Mary Shella ang tawag sa akin ni Papa pero hindi niya hinahayaan na hindi Mary ang itawag sa akin ng ibang tao.

Mary daw para maiwasan na masaktan ng ibang tao... para makunsensiya sila dahil para nilang sasaktan si Mama Mary kapag sinaktan ako.

Kaso, nasasaktan ako ngayon, Papa. Ano pa ba ang dapat kong gawin?

Nakaka-ilang ikot na rin, at kahit na nahihilo na ako ay hindi ko pa rin makonsiderang lasing ang sarili ko dahil diretso pa ako mag-isip. Nahihilo lang ako.

"Mary, ano, kaya pa?" natatawang tanong sa akin ni Dustin sa mic bago magsimula ang kanta niya.

Nagtaas ako ng dalawang hinlalaki tsaka sumagot. "Kayang-kaya!"

Nagtawanan ang lahat.

"Lasing na yata si Mary, tang ina." Sabi ni Trevor pero mabilis niyang sinampal ang sarili niya. "Paalala niyo nga sa akin na huwag magmura kapag pangalan ni Mary ang babanggitin ko."

Tawanan nang tawanan ang lahat, at masasabi ko, isa ito sa mga bagay na gustong-gusto kasama sila, noong sumasama-sama pa ako kapag gusto ko. Hindi ko alam na may mas isasaya pa pala sila kapag lumalabas sila. Sana ay hindi ko sila pinagpalit sa isang taong iiwanan lang rin pala ako, kasi sila, kahit na ganito lang kami at magkakasama lang sa trabaho, alam kong hinding-hindi nila ako pababayaan. Hinding-hindi nila hahayaan na masaktan ako, kasi anak at kapatid na ang turing sa akin ng karamihan sa mga katrabaho ko.

Ilang beses pang umikot ang baso, at nararamdaman kong hindi ko na kaya, pero pinipilit ko ang sarili kong uminom pa. Ayokong tumigil nang hindi pa natatapos ang inumang ito. Gusto kong patunayan sa kanila na bumabawi ako ngayon sa mga oras na hindi ako sumasama sa kanila.

"Oh, knock out na si Mary, 'wag niyo nang bibigyan ng tagay 'to, ah?" paalala ni Neil.

"Kaya ko..." sagot ko.

"Hindi na. Hindi ka na iinom." Seryosong sabi niya.

"Kaya ko nga sabi! Nandito tayo para magsaya, 'di ba?"

"Frenny, okay lang sana kung day-off mo bukas, kaso hindi. Opening ka ulit."

Umiling ako nang umiling. "Kaya ko nga. Kaya ko."

"Mary, lasing ka na. Tama na. Hindi ka na iinom." Maawtoridad na sabi ni Sir Lawrence.

"Sir naman. Ngayon na nga lang ako sumama, ayaw niyo pa akong painumin. It's been three years since the last time I drink an alcohol. Please don't stop me..."

Hindi na nga ako matino mag-isip. Lasing na nga ako, at rinig na rinig ko sa boses ko ang pagiging lasing.

"Mary, alam kong may problema ka pero hindi sagot ang alak. Akala mo ba magiging okay ka kapag nagpaka-lango ka sa alak? Hindi. Pahihirapan mo lang sarili mo kinabukasan."

I chuckled. "Alam mo sabi ni Gian, huwag ko raw isipin 'yung... 'yung mga puwedeng ano, mangyari sa kasalukuyan. Kasi...dapat daw na...i-enjoy natin 'yung present... 'yung kung ano ang ino-offer sa atin ngayon..."

Ipinikit ko ang mga mata ko at naramdaman ko ang sakit nang banggitin ko ang pangalan niya.

"Oh, hindi mo nga inisip 'yung puwedeng maging kahihinatnan, kaya ka nga nagkaka-ganyan ngayon, eh." sagot ni Neil sa sinabi ko.

"Bakit? Ano bang nangyari kay Mary?" rinig kong tanong ni Ate Flor.

"Ayokong magsalita, siya na lang magkuwento. Nagkukusa naman 'yan kapag lasing na talaga sabi ng best friend niya sa akin."

"Mary, puwede ka mag-share sa amin."

Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang malabong imahe nila dahil sa sobrang hilo. Muli akong pumikit. Naramdaman ko na lang ang luha sa pisngi ko.

"Na-ghost ako." I laughed.

"Ni? Gian?" tanong ni Sir Lawrence. I nodded. "Bakit daw?"

"Ewan ko. Bigla na lang siyang hindi nagparamdam, eh," I sobbed as more tears went out. Ramdam ko na ang mas pagsikip ng dibdib ko sa sakit ng nararamdaman.

"May problema ba kayo bago siya nawalan ng komunikasiyon sa 'yo?" tanong ni Ate Flor.

Pinunasan ko ang mga luha ko. "Wala. We were...happy. Okay na okay kami. Two weeks bago siya mawala, magkasama pa kami. Sobrang sweet niya pa tapos...ano, hinalikan niya pa ako." I laughed. "Tang ina, 'di ko matanggap 'yung biglaan niyang pagkawala. Wala man lang dahilan, wala man lang paalam."

Wala nang nagsalita pa sa kanila nang magsimula na akong magkuwento. Ipinatong ko ang siko ko sa lamesa at inilagay sa kamay ang ulo ko na pakiramdam ko ay ang bigat-bigat. Hindi ko na muling idinilat pa ang mata ko dahil pakiramdam ko ay hindi ko na kaya. Ang hapdi-hapdi na dahil sa pag-iyak.

"Hindi ko kasi gets. A-Ang tahimik ng buhay ko noong wala pa siya, eh. Okay na okay naman ako at hindi naman naka-depende sa ibang tao 'yung... 'yung kaligayahan ko. Tapos bigla siyang d-dumating, binibigyan niya ako ng mga life lessons kuno about maturity...on h-how to deal with the present, and never minding the future, b-because it will make me want to enjoy the happiness I have now."

"At least you learned something from him." sabi ni Sir Lawrence.

I laughed as I opened my eyes.

"Ano? Natutunan ko na pare-pareho lang ang mga lalaking... sa una at sa salita lang magaling?"

"Grabe, ni-lahat naman ni Mama Mary." Singit ni Trevor.

"Hindi ko nila-lahat, but guys can be like that, right? Magpaka-totoo na tayo, na oo, may mga matitinong lalaki, but among us here, sampo tayo, tatlo lang kaming babae. Sa pitong lalaki dito, mayroon talagang gago na sa salita lang magaling."

"Oy, hindi ako 'yon!"

"Hindi rin ako 'yon. Gago ba kayo?"

"Tangina mamatay na gago dito."

I laughed. "Hindi ko nila-lahat. Alam ko namang mayroon din sa aming mga babae na ganoon. Alam ko namang hindi lang ako ang kaisa-isang taong nakaramdam nito, pero, tang ina, hindi ko naman hiningi 'to." My voice broke as I cried more.

"Ang weird kapag si Mary 'yung nagmumura, 'no?" rinig kong bulong ng isa sa kanila.

"Alam ko naman na, wala kaming relasiyon. Hindi kami, at ako ang pumili noon. Ako ang may gusto ng unlabeled relationship, at alam ko kung ano ang pinasok ko. Alam ko ang limitasiyon ko...alam ko kung hanggang saan lang ako."

I wiped my tears.

"Alam ko rin na...wala akong karapatan."

Wala nang kumakanta. Tumutunog na lamang ang minus one ng kanta sa videoke habang ang lahat ay nakikinig sa akin.

"Pero hindi ko ba deserved ng explanation; ng reason kung bakit nawala siyang bigla? I mean, I can easily contact him, lagi nga siyang online sa Messenger, eh. Tinatawagan ko ang number niya pero hindi niya sinasagot. Minsan nga pinapatay niya pa, eh..." I laughed bitterly. "Ang hirap kasi 'yung hindi mo alam kung saan ka nagkamali...bakit bigla ka na lang iniwan..."

Muli akong humagulgol habang pinupunasan ang mga luha. For a moment, nakaramdam ako ng sobrang kahihiyan dahil kaya nga kami lumabas ay para magsaya, pero heto ako, dinala ang problema, at dinamay pa sila.

Damn, Mary Shella Matias. I hate you so much for being so petty.

"Kung wala naman pala talaga kayong opisyal na relasiyon, tigilan mo na siya. Huwag mo na siyang kausapin o kontakin, kasi ako, bilang lalaki, alam kong lumalaki ang ulo niyang si Gian kasi hinahabol mo siya." Sagot ni Sir Lawrence. "Huwag mong pakainin nang pakainin ang ego ng taong 'yan at lalo ka lang sasaktan niyan. Tigilan mo na siya."

"Hindi kasi gano'n kadali 'yon..." sabi ko kasabay ng mas matinding pag-iyak ko.

"Alam ko, pero hindi magiging madali lalo kung hindi mo sisimulan."

"Ang dami kasing tanong. Ang daming sagot ang hinahanap ko at gabi-gabi kong iniisip. Bakit bigla siyang nawala? Bakit ayaw na niya akong kausapin? Bakit hindi siya nagpaalam sa akin? Dahil ba hindi ako maganda? Dahil ba hindi na siya nacha-challenge sa akin? Dahil ba wala na siyang mapapala sa akin dahil nakuha na niya 'yung atensiyon at pagmamahal ko? Dahil ba...mayroon na siyang iba?"

Tinakpan ko ang mukha ko tapos ay ininom ang alak sa baso na nasa harap ni Trevor.

"Explanations lang ang gusto ko. Rason lang ang kailangan ko kung bakit ayaw na niya bigla. Pero pati paghingi ba no'n, wala pa rin akong karapatan?"

Maging ako ay naaawa na rin sa sarili ko dahil sa lakas ng iyak ko ngayon, at sa halos na pagmamakaawa sa mga tao sa harap ko ngayon ng sagot at eksplanasiyon na alam kong isang tao lang rin ang makaka-sagot.

"Saan ba ako nagkamali? Saan ba ako nagkulang? Bakit niya ako iniwanan nang walang paalam? Bakit sinanay niya ako sa mga bagay na kaya ko naman nang wala bago pa siya dumating sa buhay ko?"

Wala na akong ibang nagawa pa kung hindi ang humagulgol na lang sa kinauupuan ko ngayon. Sobrang nahihiya na ako ngayon para sa sarili ko dahil alam ko...sa paningin nila ngayon, pathetic na ako. Umiiyak sa inuman dahil sa lalaki? Sinira ang masayang mood? Aware ako sa lahat lahat ng kagagahan ko ngayon, pero ang hirap kasing pigilan...

"Kapag ba nasagot niya ang mga tanong sa isip mo, may magbabago ba?" tanong ni Trevor. "Mababawasan ba 'yung sakit? Mababawasan ba 'yung pagmamahal mo sa kaniya?" hindi ako sumagot. "Hindi naman, 'di ba? Hindi naman sa lahat ng oras, sagot ang makakapag-pagaan ng nararamdaman natin. Madalas, oras, at pagmamahal sa sarili."

"Pero sagot ang kailangan ko."

"At ano? Kapag nasagot niya ba mga tanong mo, anong susunod mong gagawin? Babaguhin mo ang sarili mo? Magmamakaawa na bumalik siya sa 'yo? Na bumalik kayo sa dati? Hindi mo kailangan ng sagot; gusto mo ng sagot. At gusto mo ulit na makita at makausap siya, kasi miss mo na siya, kaya nagkaka-ganiyan ka." Dagdag ni Trevor.

"Iba ang kailangan sa gusto, at hindi mo kailangan 'yung sagot na hinihingi mo, dahil alam ko na ngayon, nasasagot na ang mga tanong mo sa sarili mo pero hindi mo maamin sa sarili mo na tama nga, na ganoon nga, kasi umaasa ka pa na babalik siya...na babalikan ka pa niya."

I heard his sigh. "Oras ang kailangan mo. Sa pagdaan ng oras, masasanay ka nang wala siya, at malalaman mo na lang na okay ka na pala. Na, kahit nandiyan siya ay hindi ka na masasaktan at hindi ka na maaapektuhan. Dahil kung nasanay kang nandiyan siya, alam kong masasanay ka rin na wala na siya."

All Trevor's words stabbed my heart like a knife.

Ang sakit... ang sakit na parang nakukuha niya nang tama ang lahat ng nasa isip ko...at mas nililinawan niya ang isip ko.

Ang sakit... sobrang sakit.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 73.8K 67
|| Published under PSICOM || Tamara didn't want her husband to know that the day he married her was also the same day she was diagnosed with cancer. ...
130K 424 159
compilation of the best stories- a must read on wattpad add this to ur libraries! ------- highest ranking- #1 in bestwattpadstories ❤️
9.6K 261 28
Vernice Gayle dela Riva grew up prim and proper. Being the only child and bearing such a big name is also a big shoe she must fit in. From going to h...