Unlabeled [Baguio Series #1]

marisswrites

39.1K 2.1K 764

• Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL • Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is... Еще

Unlabeled
Introduction
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Finale
ACKNOWLEDGEMENT & FAQs
Special Chapter: Unrecognized

20

478 26 4
marisswrites


Muli akong pumunta sa bahay ni Archie galing sa trabaho ko makalipas ang isang linggo matapos kong ma-late sa trabaho sa unang pagkakataon.

"Hindi na talaga nagparamdam?"

Iyon ang kauna-unahang tanong niya matapos ang matagal kong pananahimik simula noong dumating ako sa bahay niya.

Umiling ako bilang sagot, with no sign of smile in my lips while staring at the glass of orange juice in front of me.

"Lubayan mo na 'yan."

Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niyang 'yon. Tumingin ako sa kaniya. "Paano kung bumalik?"

"Ano? Tatanggapin mo?"

Napahigit ako ng hininga sa tensiyon na nananaig ngayong pinag-uusapan na naman naming ni Archie ito. Nag-init ang sulok ng mga mata ko, pero hindi ko hinayaang tuluyan na maiyak ako.

"Paano kung may rason? May problema sila ng pamilya niya, Archie."

Bayolente siyang nagbuntonghininga na para bang paulit-ulit niya nang sinasabi sa akin ang susunod niyang sasabihin.

"Mary, kung talagang may pakialam pa sa 'yo 'yung tao na 'yan, hindi niya hahayaang tumawag ka lang nang tumawag sa kaniya at hindi ito pansinin. Kung talagang may pakialam siya sa 'yo, magcha-chat o magti-text siya sa 'yo. Mary, wala pang isang minuto ang pagti-tipa ng message para ipaalam kung bakit wala siyang paramdam. Bakit hindi niya magawa 'yon?"

Hindi ako nakasagot, dahil tama siya. Hindi naman mahirap mag-reply sa text ko at sagutin ang tawag ko. Napaiwas ako ng tingin nang hindi sumasagot sa mga sinabi niya.

"Alam kong noon, medyo pinagta-tanggol ko pa siya sa 'yo, but that's because he's being reasonable and understandable. Iba na ngayon, Mary. Wala na siya sa hulog. At ikaw ang ihuhulog ko d'yan kapag hindi mo pa naintindihan ang punto ko."

Sunud-sunod na tumulo ang mga luha ko, at wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak na lang. Ipinatong ko ang siko sa dining table nila at tinakpan ang mukha kong basang-basa na ng luha.

"Wala na siyang pakialam sa 'yo, Mary. Tigilan mo na 'yan. Hindi ba't sinabi ko naman sa 'yo na kapag pinagpatuloy niya ang ganoong pagtrato sa 'yo, iwanan mo na?"

"Alam mong hindi ako ganoon..." sabi ko sa gitna ng paghagulgol ko. "Alam mong ayoko ng nang-iiwan."

"Ayaw mo ng nang-iiwan, pero iniwanan ka na naman. Ano ba, magpapaka-tanga ka pa rin? Hindi pa ba sapat 'yong mga panahong iginugol mo para sa kaniya? Hindi pa sapat 'yung mahigit kalahating taon? Kulang pa?"

Umiling ako bilang tugon. Hindi ko rin alam kung bakit ako umiling matapos kong marinig ang mga sinabi ni Archie.

"Tang ina, makita ko lang 'yung lalaki na 'yan, hindi lang sapak ang matitikman sa akin niyan."

"Tumigil ka nga..."

"Ano? Nag-aalala ka pa rin doon? Tinarantado ka na nga, eh. Mary, kahit wala kayong relasiyon, may karapatan kang malaman kung ano pa ba kayo. Mahirap bang i-chat ka? Mahirap bang sagutin ang tawag mo? Gago lang talaga ang lalaking 'yan, at sa una lang magaling."

Muli akong napahagulgol sa huling sinabi niya. Ngayon, ramdam kong galit na galit na talaga si Archie, at nararamdaman kong tototohanin niya ang sinasabi niya once na makita niya ito.

Bakit ngayon pa nangyari ang mga ito kung kailan ang lalim na ng nararamdaman ko sa kaniya? Sinabi ko naman sa kaniya noon, kung aalis rin siya, mas mabuti pang umalis na siya hangga't wala pa akong nararamdaman sa kaniya.

Pero hindi siya nakinig.

Nanatili siya at patuloy akong pinaasa sa posibilidad na may puwedeng magmahal ulit sa akin.

"Tang ina, Archie. Pakiramdam ko, basura ako na basta na lang itinapon," I said as my voice broke.

Nag-angat ako ng tingin at pinunasan ang mga luhang walang tigil na tumutulo mula sa mga mata ko.

"Hindi ikaw ang basura, Mary; siya. Siya ang basura. Itinapon niya ang sarili niya sa lugar kung saan siya nararapat."

Umiling ako nang umiling.

"Bakit... bakit pakiramdam ko, ang dali kong itapon? Saan ba ako nagkulang? Saan na naman ako nagkamali?" I said in between my sobs.

"Mary, ayan ka na naman. Bakit ba lagi mo na lang iniisip na ikaw ang may problema?"

I can hear the frustration in his voice, and I can understand if ever he'll get angry at me.

"Kuntento kasi ako sa kaniya, Archie. Masaya ako sa kung ano ang binibigay at ipinapakita niya sa akin, kaya alam kong walang mali sa kaniya."

"Pero hindi ibig sabihin no'n, ikaw ang may mali. Hindi mo lang talaga nakita na gago siya; hindi niya ipinakita sa 'yo na hindi naman talaga siya sigurado sa nararamdaman niya."

And I didn't answer. I just cried harder, kasi sa totoo lang, sinabi niya sa akin. Pero nanatili pa rin ako.

Sa totoo lang, binigyan niya ako ng sign na...hindi naman talaga siya sigurado. At ang sakit-sakit malaman na iyon na nga pala 'yon...na doon na nagsisimula ang problema sa aming dalawa.

"B-Binigyan niya ako ng sign, eh." I answered. "He said that...it was the worst side of him. Na...ipinapakita niya sa akin ngayon na sigurado siya, pero ang totoo ay hindi naman talaga..."

"Kailan? Eh 'di sana noon pa lang, tinigilan mo na."

"The last time I was with him."

Ibinagsak niya ang kamay niya sa lamesa na siyang nagpagulat sa akin.

"Oh, eh 'di gago pa rin talaga siya, kasi bakit ngayon niya lang sasabihin, kung kailang nakuha na niya ang loob mo? Tang ina, parang intensiyon niya talaga ang paasahin ka. Tang ina, bakit ba hinayaan kitang mapalapit sa putang inang 'yan?"

Sobrang sakit...

Lalo na noong sinabi niyang parang intensiyon talaga ni Gian ang paasahin ako.

Pero sa pagkaka-kilala ko kay Gian, hindi naman siya ganoong tao.

Pero nakilala ko nga ba talaga siya? O hindi lahat, naipakita niya sa akin?

Ilang sandali pa, naupo si Archie sa tabi ko at hinagod ang likod ko. Pinunasan niya ang mukha kong basang-basa na ng luha gamit ang panyo niya.

"Tumahan ka na. Kapag nalaman niyang nagkaka-ganiyan ka nang dahil sa kaniya, yayabang 'yon."

Pinunasan ko ang mga luha ko sa pisngi at ininom ang juice na nasa harapan ko.

"Huwag mong hayaang manatili 'yung sakit sa 'yo. Move forward. Kung wala na siya, eh 'di wala. Hayaan mo na siya. Masaya ka naman dati noong wala pa siya. Alam kong magiging masaya ka rin kahit na ngayong wala na siya."

***

By first week of August, August 4 to be exact, nakuha na namin ang suweldo namin. Nag-aaya na lumabas ang mga katrabaho ko, dahil ganoon naman sila tuwing su-suweldo; laging lumalabas para mag- enjoy at para i-treat ang sarili.

Hindi nga lang ako noon sumasama dahil si Gian ang treat ko para sa sarili ko, eh. Sa kaniya lang ako lagi naka-depende noon.

At ngayong wala na siya sa akin...ang hirap makita ang mga tingin sa 'yo ng mga katrabaho mong nakikita ang pagbabago sa 'yo.

"Ano? Sino sasama?" tanong ng isang regular employee na nagco-compute ng payroll namin sa office.

'Yun sana ang gusto ng manager ko, na makahawak ako ng posisyon sa opisina at hindi ako puro store lang. Pero dahil nagkaroon ako ng late ay hahaba ang probationary period ko bago ma-promote.

Nagtaas ng kamay ang mga kasama ko sa trabaho bilang sagot sa tanong ni Sir Lawrence para sa paglabas mamayang gabi.

"Wala na, 'no?" tanong pa nito nang makapag-headcount na dahil magpapa-reserve sila sa unli chicken and unli-alak restaurant na lagi nilang pinupuntahan.

Wala sa sarili masiyado, itinaas ko ang kamay ko.

"A-Ako..."

Tumingin sila sa aking lahat na para bang hindi nila inaasahang sasama ako ngayon. Halos lahat sila ay hindi inaasahan ang pagtataas ng kamay ko, na para bang himala sa kanila ito.

Bigla akong nakaramdam ng hiya. Tama ba itong ginagawa ko? Nang dahil sa pag-alis ni Gian ay babalik ako sa kanila? Is it...selfish?

"Bakit?" tanong ni Sir. "I mean, mabuti naman kasama ka pero bakit bigla yatang sumama ka?"

I chuckled, ignoring the thought in my mind. "Parang kailangan ko yata 'yan, eh."

He laughed. "Ayan, tama 'yan, hindi puro boyfriend mo kasama mo. O, sige, okay na, 'no? Finalize ko na 'to para makapagpa-reserve tayo ng table sa restaurant."

Bumalik na kaming lahat sa store matapos ang maikling meeting sa opisina. Kinausap ako ng isang katrabaho kong si Arman.

"Umiinom ka na ba ulit?" tanong niya. "Ha? Hindi."

"Eh, sayang naman 'yung ibabayad mo mamaya.

'Yun ang nagpapalaki ng bayad natin, e."

I smiled. "Puwede naman na akong uminom, wala nang pipigil sa akin."

Tumawa si Arman bago ako inakbayan.

"Hayaan mo na 'yong Gian na 'yon, mas maraming deserving kaysa sa kan'ya."

Ngumiti lang ako at hindi na nagsalita dahil hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko. Kinuha niya ang folder namin for inventory at ibinigay ang folder na may pangalan ko.

"Salamat," sabi ko.

Ngumiti siya. "Bumalik ka na sa dating Mary na nasa amin palagi, ah?" he chuckled. "Miss ka na naming kumain ng manok habang nag-iinuman na kaming lahat."

Tinawanan ko na lang siya at nagpunta na sa kani-kaniya naming area for inventory.

Hanggang sa magtanghalian ay kasama na nila ako sa pantry, at excited na pinag-uusapan ang tungkol sa pag-alis namin mamaya. Mabuti na lang talaga at may dala ako palaging extra clothes sa bag. Hindi pa naman kumportable makisali sa trip nila kapag naka-uniform.

"May dala kang extra clothes?" tanong sa akin ni Trevor.

Tumango ako. "Lagi naman akong may dala."

He laughed. "Tama 'yan. Mag-iinuman kasi tayo, siyempre, kailangan hindi naka-uniform."

Bawal kasi 'yon sa company, lalabas at magpi-picture-picture, tapos ay makikita na nag-iinuman suot ang uniform. Kaya kahit na wala naman akong pupuntahan ay palagi akong may dalang extra clothes.

May mga biglaan din kasi akong fieldwork kaya naman kapag pinagpapawisan ay nagpapalit ako.

May isang oras at kalahati pa ako sa lunchbreak ko, dahil opening ako ngayon, kaya naman ginugol koi yon sa pag-i-Instagram. Hindi naman ako madalas mag-post kasi wala akong hilig, pero gusto kong nakikita ang Instagrammable post ng mga fino-follow ko.

Ilang sandali pa ay naalala ko na may Instagram nga rin pala si Gian. Kung ii-stalk ko ba siya, malalaman ko kung kumusta na siya at kung ano nang nangyayari sa kan'ya?

Nangingilid ang mga luha kong itinipa ang username niya. Mabilis ko iyong nakita dahil naka-follow naman kami sa isa't-isa.

Nakita ko ang mga post niya ro'n ng lugar, at paminsan-misan ay picture niya, pero madalang iyon. May mga post siya na picture kasama ang mga kaibigan niyang dalawang lalaki. Iyon siguro ang madalas niyang ikuwento sa akin pero hindi ko naman nakilala sa pangalan.

Ni-view ko ang isang post niya kasama ang dalawang lalaking kaibigan, at ang isa ay may kasamang babae na mukhang sopistikada. Mukhang girlfriend noong isang lalaki na katabi niya na may dimple. Tiningnan ko ang comments.

@georgiepogi: ugh! Ang guwapo ko

@brianna_c: @georgiepogi mahiya ka nga. ig mo?

@benitezgian: @georgiepogi putanginamo happy birthday sa akin, ha?

@mav3rick: kahit na magyabangan kayo dyan, wala sa tabi niyo ang mga bebe niyo

@georgiepogi: ok lang, sa kanya naman ako umuuwi ♥ ulol mav pakyu times ten

@benitezgian: mga putangina niyo talaga hapi bertdey sa akin

@mav3rick: HAHAHA hayaan mo na may santo ka naman dyan

@benitezgian: talaga. ha!

@georgiepogi: wag mong sabihing lugi ka pa don gian tanginamo mahiya ka sa kutis mo

@benitezgian: panalong-panalo, pare @georgiepogi

I chuckled as I realized that the one their talking about santo is me. Ibig sabihin ay totoong ikinukuwento niya ako sa mga kaibigan niya. At naalala ko na sini-send niya ang mga selfie naming dalawa sa groupchat nilang magkakaibigan kaya sigurado akong sa parteng iyon ay totoo ang mga ipinaramdam niya sa akin.

Nang sumunod ay tiningnan ko ang tagged post sa kan'ya nung Tori at nakita na kung kailan lang iyon, silang dalawa lang din ang magkasama. Sumikip ang dibdib ko sa nakita kung gaano kaganda ang babae, kumpara sa akin. Ito ba ang bago niya? Pero sa nakita ko kanina ay mukhang ang isang kaibigan niya ang boyfriend nito...o baka nagkamali ako?

Binasa ko ang caption.

@tori: You damn asshole, thank you for making me realize the right way to love him. Thanks for the time.

Nangilid ang mga luha ko sa nabasa. Nakita kong nag-comment siya.

@benitezgian: Welcome. @mav3rick pakyu mag-comment ka dito kung di ka bitter sa breakup niyo ni tori

@georgiepogi: HAHAHA tangina mo Gian

@mav3rick: @benitezgian u l o l p a k y u

Napangiti ako sa kung paano sila mag-away na magkakaibigan. Gian is really a funny friend. He's really funny when he's with me, and it's a big factor of why I liked him.

The next photo I saw was from that George. Silang tatlo lang magkakaibigan at nakahalik silang dalawa sa nandidiri ang itsura na si Gian na parang stolen iyon.

@georgiepogi: Happy birthday pare, aylabyu. Hindi ako tumatanggap ng tropa kaya magpasalamat ka kung bakit tinanggap pa rin kita

I chuckled at the funny caption. And then I saw the comments.

@tori: medyo mahangin yung friend mo, @mav3rick. pls collect

@mav3rick: @brianna_c pakipulot po ng jowa, thanks

@benitezgian: ang kapal ng mukha mo, malasin ka sana!

@brianna_c: hindi rin ako nagjo-jowa ng pangit kaya magpasalamat ka kung bakit pinatulan kita, @georgiepogi

Sunud-sunod na tawanan mula kay Gian at Maverick ang reply sa comment noong girlfriend ng George. Maging ako ay natawa na rin.

It would be really funny to have met all of them, maybe? But I guess...it will never happen anymore. Nangilid ang mga luha ko lalo sa napagtanto.

He's happy with them. He's just fine...so why am I like this?

Продолжить чтение

Вам также понравится

7.8K 122 8
A Promise Of Forever Promise Duology #2 (Novel) It's been six years since Shane Chrystelle Sandoval experienced the painful heartbreak from her first...
Illicit Affair (GxG) k.

Любовные романы

3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
Gregory Troye Lena

Любовные романы

416K 4.5K 9
The romance writer meets his heartless match. Sa dinami-rami ng babaeng nagkandarapa sa kanya, mai-in love na lang siya, sa bitter pa. Sa dinami-rami...
Moving Into the Monster's House Raice

Художественная проза

748K 13.1K 31
Forced to live under the same roof with her monster for a mother-in-law, Georgina finds herself stuck amidst complications and lies. With her trying...