My Girl In Loose Shirt

Par Potato_Ehlle

19 0 1

This is typical story were the boy fell in love into the girl. But the difference is - Whose the girl he fell... Plus

PROLOGUE
CHAPTER TWO

CHAPTER ONE

3 0 0
Par Potato_Ehlle

DAVE OROSCO

NINE am na natapos ang shift ko sa Philippine General Hospital, isa akong nurse roon, dapat ay kanina pa akong seven am ang kaso marami kasing pasyente ang dumating. Nagkaroon kasi ng aksidente, isang jeep at trysikel ang nagkabungguan sa Taft Avenue kaya naextend ako ng mga dalawang oras. Ten hours lang shift ko peo minsan nagiging twelve hours tulad na lang ngayon. Ganito naman lagi rito, swertehan na nga lang siguro ang araw na walang aksidente kang mararanasan.

Bumababa ako sa isang trysikel sa harap ng isang maliit na gate. Halos matumba na ako dahil twenty-four hours na rin akong walang tulog, hindi rin kasi ako nakatulog kahapon dahil saakin pa nagpasundo si Jaimie sa airport. Alam kasi niya na hindi ko siya matatanggihan kaya ganun na lang makahingi ng pabor. Babawi nga akong tulog ngayon at mabuti na lang din at day-off ko bukas kaya bawing-bawi ako.

Ipapasok ko na sana ang susi sa keyhole ng aking pinto ng marinig ko ang boses ng isang tao sa tabi ko. Agad na napahinto ako at dahan-dahang humarap sakanya.

"At sino ka naman?" mataray na saad nito saakin. Napatingin ako sakanya, weird na tao ang sumilay sa harap ko, hindi ko madistinguish kung lalaki o babae ba ang kaharap ko.

Matangkad siya, siguro ay mga nasa five'nine ft. ang height niya. Ang weird lang para saakin ay naka-bonnet siya na halos matakpan na ang mata niya. Maluwang na shirt ang suot niya na hanggang tuhod na niya pero pinatunganan pa niya ng itim na hoodie at naka pajama pa siya, kakagising lang siguro niya. Paos rin ang tinig niya.

"Tenant ak-" hindi pa ako tapos magsalita nang muli nanaman siyang sumigaw.

"Tenant ka, how come? Bakit hindi ko alam,ha. Siguro magnanakaw ka lang dito kung hindi lang kita nakita paniguradong natangay muna ang mga gamit rito, kaso mali ka siguro ng ninanakawan na bahay kasi walang nakatira dyan,"

Sasagot na sana ako kaso naunahan na ako ng isang babae. Mabilis siyang tumakbo papunta sa taong kaharap ko.

"Kean, oh my gash!! Kean, ikaw nga," nagtatalon sa tuwa ang bagong dating na babae, agad niya rin itong niyakap. Sa pagkakatanda ko Jelay ang pangalan ng bagong dating. Sakanya ako umupa nitong apartment, ngayon ko pa lang uli siya nakita simula nang tumira ako rito.

Tumikhim ako upang makuha ang atensyon nilang dalawa.

"Excuse me ha, okay na ba? papasok na ako sa loob," mahina kong sabi habang tinuturo pa ng hinlalaki ko ang pinto ng apartment ko. Agad na akong pumasok sa loob.

"Hep-hep-hep, kami rin," saad noong weird na tao, agad siyang nakalapit sa pinto at hinarang ang kanyang braso bago ko pa masara ng tuluyan ang pintuan. Pinapasok ko na rin sila bago pa may mangyaring gulo rito.

Umupo na sila sa sofa sa sala, ako naman ay dumiretso sa kusina para man lang mabigyan ng maiinom at makakain ang surprise guest ko.

"Inom muna kayo at tinapay," abot ko sa kanila.

Naupo ako sa one seater sofa habang silang dalawa ay magkatabing nakaupo, kumuha ng tinapay si Kean daw pero matalim pa rin na tingin ang pinupukol niya saakin. Habang si Jelay ay nakangiti pa, na mukhang nasisiyahan. Ewan ko lang ko nasisiyahan siya sa nangyayari o masaya lang talaga siya ngayon. Habang ako akward na napapatingin sa kanilang dalawa, hindi ko magawang magsalita kasi mukhang mangangain si Kean.

"Kean, bakit kaba nagsusumigaw kanina?" tanong ni Jelay na nagpabasag sa katahimikan pati na rin sa mga tingin na nakakamatay ni Kean saakin.

"Jelay, paano ba naman nandyan lang ako sa kabilang apartment pero hindi ko alam na mayroon na palang nangungupahan sa apartment ko,"

"Oy, wag ka ngang OA kong makareact. Kung binasa mo manlang kasi yung pinadala kong text at chat sayo malalaman mo. Ilang text ang pinadala ko sayo at tinawagan din kita pero hindi mo sinasagot. Kaya kesa naman maghintay pa ako sa iyo na lumabas sa lungga mo, eh pinayagan ko na siyang umupa rito, sayang din naman," paliwanag nito sa isa naming kasama, nawala naman ang pagkakakunot-noo nito, siguro ay naintindihan na nito ang nangyari.

"Magdadalawang buwan na siya rito, yung deposit niyang pera na kay Manang pati yung upa niya noong unang buwan kaso hiningi ko kay Manang binili ko ng material para sa painting ko."

"Uy utang mo saakin yun, bayaran mo yun. O, sige-sige, pupunta na ako sa kabila. Bukas na tayo mag-usap ng maayos dahil nagugutom na ako, kulang pa itong tinapay, kailangan ko ng maayos na pagkain." saad niya at agad na ring pumunta sa sarili niyang unit. Naiwan naman kaming dalawa ni Jelay dito.

"Dave, siya ang may-ari nitong buong apartment, kung naaalala mo siya yung kinokontact natin noong uupa ka na dito kaso ang nakausap natin ay si Manang diba. Mabait naman yun, siguro kaya ganun lang yun makareact dahil nagulat lang talaga siya, kaya wag ka nang magalala dyan. Iiwan na rin kita, sorry sa abala pwede ka nang magpahinga." paliwanag nito at sinundan na si Kean sa kanyang sariling apartment. Dumiretso naman ako sa kwarto para matulog na.

It's been a week simula ng makilala ko ang may-ari ng apartment na ito. Hindi ko naman nakikita o nakakasalubong siya simula noon. Ten in the evening ang simula ng shift ko at seven am naman ang tapos kaya pagdating ko rito ay baka tulog pa siya o baka nasa trabaho na rin niya at ako naman ay madalang namang lumabas ng bahay dahil lagi lang din akong tulog.

Hindi ko pa siya nakakausap at hindi ko pa rin alam kung babae o lalaki siya. Balot na balot ang buo niyang katawan at ni hindi ko nga rin nakita ang mata niya kaya paano ko malalaman. Palaisipan rin saakin ang nangyari sakanya sa dalawang buwan.

When I first moved here I never see her/him o kahit ang anino niya kaya paano nangyari na nasa kabilang bahay lang siya. Magkatabi lang ang apartment unit naming kaya dapat manlang may narinig akong ingay mula sa bahay niya o makita ko manlang siya.

Iba ngayong araw sa nakasanayan ko, wala na kasing grocery ang fridge ko kaya I decided na sa malapit na eatery kumain. Pagkabukas ko nang pinto ay bumungad saakin si Kean, akmang kakatok na siya ngunit parehas kaming nagulat ng makita namin ang isat-isa. Ilang segundong katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Ganung pananamit pa rin ang suot niya. Bonnet,hoodie,pajama, siguro may sakit siya kaya ganun siyang manamit.

"Hi! nagluto kasi ako, baka kamo gusto mo?" mahinang saad niya na nagpabasag sa katahimikan. Agad naman niyang inabot saakin ang isang tupperware na may lamang ulam.

"Ah, sige, salamat, balik ko na lang ito mamaya," saad ko habang tinataas ang tupperware na sinagot lang niya ng tango at agad na ring pumasok sa sariling unit niya.

Bakit naman niya ako dadalhan ng ulam. Magkapit-bahay kami pero hindi naman kami close. Baka mabait lang siya o naramdaman niya na wala na akong pagkain.

Hapon na, mag-gogrocery ako ngayon pero dumaan muna ako sa unit ni Kean para sana isauli yung tupperware pero naka-ilang tawag na ako at paulit-ulit na katok pero walang sumasagot, siguro ay umalis siya. Bukas ko na lang ito isasauli.

Ten pm ang simula ng duty at kadalasan ay mga nine na ako umaalis pero ngayon ay seven pa lang ay nakagayak na ako sa aking all-white uniform para umalis dadaan pa kasi ako Jaimie. Dahil kararating lang niya I decided to pay her a visit at baka may pasalubong din siya saakin.

Mabuti at at hindi na ganun katraffic, ibigsabihin ko ay nakakausad na ang mga sasakyan kasi kadalasan ay isang oras ka nang nakaupo pero hindi manlang umuusad.

"Akala ko hindi ka na dadalaw eh," bati niya saakin ng makarating ako. Busy niyang nililinis ang box ng pizza at ilang plato na ginamit na sa coffee table na nasa sala niya.

"May bisita ka kanina? Sila Yuan ba yan, di mo ko inaya?" tanong ko at pinalungkot ko ang mukha at boses ko. Napatingin naman siya saakin at nag-aalangan ang mukha niya kung sasabihin niya ba kung sino ang bisita niya.

"Hindi sila Yuan, sa linggo pa ang ang punta nila dito tatawagan pa lang kita pero heto ka na eh. Si Rex ang pumunta rito,"

"O, wag ka nang magtampo halika ka rito sa kusina, tikman mo na lang ang binake kong cookies," hinatak na niya ako sa kusina at sinubuan ng cookies na nasa dining table.

"Jaimie, si Rex Martinez ba ang pumunta rito?" tanong ko rito matapos maubos ng cookies na sinubo niya.

"Masarap ba yung cookies? Kumain ka pa, magdala ka rin para may makain ka sa apartment mo. Teka igagawa kita ng chocolate shake na paborito mo," ang tanong ko ay sinagot niya ng isa ding tanong, halata na iniiwasan niyang pag-usapan namin ang tungkol sakanila ni Rex. Hindi na lang ako nagpumilit at kumain na lang.

"Kamusta ka na? Tingnan mo nga yang sarili mo ang payat mo na. Malalagot ka kay tita kapag ang paborito niyang anak ay pangit na." natatawa niyang biro saakin, nakatalikod siya saakin pero kahit ganun parang nakikita ko pa rin ang mala-anghel niyang ngiti.

Pagkalapag niya ng chocolate shake sa harap ko ay lumapit siya saakin at agad na hinarap sakanya ang mukha ko at pinipisil-pisil ang pisngi ko.

"Tingnan mo nga yang mukha mo wala ng laman, naiimagine ko ang mukha ni tita pati na matinis niyang tinig 'susmaryosep ka Dave wala ka bang pagkain sa apartment mo, kung umuwi ka na lang kasi dito'," saad niya habang humahagalpak sa tawa at habang ginagaya pa ang boses ni Mama.

"Napapasarap ka ata sa pisngi ko, tama na at masakit na," awat ko rito na saka lang niya napagtanto na namumula-mula na ang mukha ko.

Umupo siya sa kaharap kong upuan. Hindi pa rin siya nagbabago. Simula nang makilala ko si Jaimie ay maalaga na siya, para pa rin siyang si Mama kung magalala saakin. Nandon pa rin sa mukha niya ang lagi niyang nakatawang labi, nakalabas ang pantay-pantay na ngipin at mala-anghel na ngiti na hindi mo pagsasawaan. Lumalabas din ang maliit na biloy niya sa pisngi. Ganun pa rin ang mahinhin yang tawa na animo'y inaawitan ka ng isang lullaby.

Patuloy sa pagsasalita si Jaimie pero hindi ko ito maintindihan dahil nakapokus ang buong sistema ko sa kanyang magandang mukha.

"Back to Earth Dave, masyado mo naman akong namiss at titig na titig ka diyan." biro niya saakin habang kinakaway-kaway ang palad niya sa harap ko na nagpagising saakin.

"Hindi kaya kita namiss, kamusta pala ang bakasyon mo sa France," tanggi ko, pero sa totoo lang ay namiss ko naman talaga siya, limang buwan rin kasi siya sa France, hindi naman talaga bakasyon ang pinunta niya roon. Ang sabi niya saakin kailangan niya ng bagong mukha ang mga akdang ginagawa niya at kailangan rin niya ng mare-fresh ang utak niya. Jaimie is one of the popular author in the world. She make different faces of people life and their experiences.

"Deny ka pa dyan, grabe Dave super worth it ang pagpunta ko doon, nakatapos na ako ng isang story at may apat pa akong tinatrabaho ngayon. Papasa ko na rin siya sa publishing house wala pa lang date. Pero super excited ako sa reaction ng mga mambabasa kasi iba itong mga story na ginagawa ko." may ningning sa matang sabi niya, I feel the happiness na nararamdaman niya. Pero may kakaiba sakanya ngayon. She's bit different. Pinawi ko na lang ang nasa isip ko, siguro wala lang ito.

"Sorry to say, pero kailangan ko na ring umalis, may duty pa kasi ako," nalungkot ang mukha, pero hindi niya pinahalata saakin ng magsalita siya.

"Sige, tsupi ka na at naubos mo na itong cookies ko, sa linggo na lang tayo ulit mag-usap pati yung pasalubong ko sayo sa linggo na lang din kaya wag kang mawawala, itatakwil ka namin sa barkada." saad niya nang maihatid niya ako sa pinto.

Maaga akong umuwi ngayong araw, kaya matutulog lang sana ako maghapon, kaso nagising ako ng malakas na katok, kaya ala-onse pa lang ay ginsing na ako.

"SANDALI LANG," sigaw ko rito.

Pagbukas ko ay si Jelay ang bumungad saakin, nakapaskil ang malapad na ngiti sakanyang labi at hawak niya ang isang tupperware sa isang kamay habang ang isa ay kumakaway-kaway saakin.

"Bakit?"

"O, ulam delivery para-" hindi pa siya tapos magsalita ay sumulpot naman sa tabi niya si Kean.

"Je, ano bang pakulo mo, ito na yung ulam at kanin" nayayamot na saad ni Kean habang may dalang tupperware na katulad ng dala ni Jelay habang ang isang kamay ay may dalang maliit na kaldero.

"O, ito na pala yung delivery food natin, kaya Dave tara na sa loob," saad nito at dire-diretso na siya sa pagpasok sa loob. Nakasunod naman kaming dalawa ni Kean sakanya naupo na siya sa tapat nang maliit kong lamesa sa kusina.

"Tutunganga na lang ba kayo riyan, aba'y maupo na," sumunod naman sakanya si Kean, naupo rin ito, nakataas ang isang paa sa bangko habang ang isa ay nakababa. Ibinababa na rin niya sa lamesa ang mga dala niya.

Nanatili akong nakatayo roon, hindi pa rin nag-sisink-in sa utak ko ang ginagawa nang dalawa rito. Napansin nang dalawa na hindi pa ako umuupo kaya hinatak na nila ako.

"Kainan na! Opps, wala pa palang plato ang nakagayak," tatayo na sana si Kean para sana kunin ang mga ito ngunit agad ko siyang pinigilan at ako na ang tumayo, hindi na rin naman na siya nagpumilit at umupo na lang at nakipagusap na lang kay Jelay.

Tahimik lang ako habang sila Kean naman ay patuloy ang paguusap, naputol ito nang magsalita ako.

"Bakit pala kayo rito kumain? wala namang problema saakin iyon nagtataka lang ako,"

"Alam mo kasi itong si Kean dalawang buwan walang nakitang tao yan, kaya dinala ko siya rito para naman makakita at makakausap nang tao bago pa ito tuluyang mabaliw," natatawang paliwanag ni Jelay habang napa-pout lang si Kean ng sabihan siyang baliw ng kaibigan.

"Dahil wala naman palang problema rito kay Dave ang pagsabay natin ng pagkain, eh araw-araw na kami rito. Kean ano, call ka doon?" pataas-taas pa ng kilay na tanong ni Jelay.

Hindi naman pinapansin ni Kean nag sinasabi ni Jelay, basta kain lang siya ng kain. Wala pa ring pinagbago ang pananamit ni Kean, weird pa rin.

"Nasan ba si Kean ng dalawang buwan at bakit siya di nakakakita ng tao at hindi niya alam ang nangyayari sa mundo," tanong ko kay Jelay. Agad naman itong natiglan hindi niya siguro akalain na tatanungin ko iyon. Nong minsa pa palaisipan saakin ang tungkol kay Kean, siguro ngayon ang tamang opportunity to ask it. But Ithink it's bad idea on how Jelay react on my question.

"Oy kayong dalawa wag niyo nga akong pagtsismisan nandito lang ako no. Ikaw Dave wag kang tanong ng tanong dyan ha. Sige dito na ako kakain, narealize ko kasi na baka minsan bigyan mo ako ng libreng ulam, kaya dito na ako kakain," nakangiting saad nito at nakipag-apir pa saakin na hindi ko naman tinanggap.

Matapos kumain, umalis na si Jelay dahil may painting pa siyang tatapusin, habang si Kean naman ay naiwan dahil siya na raw ang maghuhugas ng pinagkainan namin.

"Ayos ka lang ba dyan, iwan mo lang yan ako na lang ang gagawa mamaya," pilit ko kay Kean pero umiling lamang ito, mukhang wala na akong magagawa.

"Lalabas lang ako, may bibilhin lang," paalam ko rito na tinanguan lang niya. Bakit parang boyfriend ang dating ko, bakit nagpaalam ako, bakit para kaming maglive-in na magjowa. Ipinilig ko ang ulo ko upang mawala ang mga imahe -siya at ako maglive-in- sa utak ko.

Pagbalik ko ay nadatnan ko siya sa sala, nakataas ang paa sa maliit na lamesa habang hawak ang selpon niya at nakatitig rito. May lungkot akong nabasa sa mata niya habang nakatingin sa selpon niya.

"Kean," tawag ko rito at agad napabaling ang kanyang tingin saakin, tinago na niya ang lungkot sa mata na nararamdaman, ayaw niya na may makakita sakanyang iba na malungkot.

Inabot ko sakanya ang binili kong 'hanny' sa tindahan.

"May pa dessert ka pa ah, oo nga pala mamaya pa ako aalis dito muna ako, wala rin naman kasing magawa sa apartment ko okay na rito at kahit papaano may makakausap ako, baka nga tuluyan na akong mabaliw kapag nagsolo pa ako sa apartment ko,"

Natawa na lang ako sakanyang sinabi. Nakaupo lang siya habang ako naman ako ay naupo rin sa one seater sofa at nakatingin sa selpon ko. Ilang minutong namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa nang basagin ni Kean ito.

"Ano ba naman yan, imbis na ako lang yung mababaliw magiging dalawa pa ata tayo. Kung may itatanong ka itanong muna kesa naman kausapin mo yang utak mo eh hindi ka naman niyan masasagot,"

"Well since dito na ako kakain, I want to personally introduce my name."

"I'm- ."

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...