Sadist Lover (Editing)

By aril_daine

16M 74.7K 9.6K

Available na po sa bookstores. NATIONWIDE. Grab your copy now! :) Price: P175.00 175 pages Taglish Psicom Pu... More

CHAPTER 1: A JOKE
Chapter 2: OMG!
Chapter 3: Bossy
CHAPTER 4: HIS FAMILY
CHAPTER 5: He's a what?
CHAPTER 6: He called me, what?
Chapter 7: Rooftop
CHAPTER 8: TREAT
CHAPTER 9: BIRTHDAY DATE?
CHAPTER 10: HE BOUGHT THIS FOR ME
Chapter 11: QUALITY TIME
CHAPTER 13: Facts about Lance Mariano
Chapter 14: night with...
Chapter 15: Love Spell
Chapter 16: You Meanie!
Chapter 17: Game
Chapter 18: Fieldtrip
Chapter 19: Fieldtrip part 2
CHAPTER 20: He's asking me to...what?
CHAPTER 21: Master-Slave day

Chapter 12: Playing Cupid

241K 3K 201
By aril_daine

CHAPTER 12

May quiz kami ngayon pero nag a-alala ako dahil dalawang araw nang hindi pumapasok si Lance. Dalawang araw akong na rin akong walang kinukurot. Wala tuloy akong pampagising tuwing inaantok na ako.

Kanina ay nagtanong ang teacher namin kung sino ang kaibigan ni Lance dito tapos lahat ng mga mata ng kaklase ko ay nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko kaninang tinanong ako kung bakit siya absent. Wala naman akong number niya kaya hindi ko rin siya mai-text.

Malay ko ba kung nasaan siya! Hindi naman ako hanapan ng nawawala, e.

"Psst." Hindi ako tumingin kahit alam kong ako ang sinusutsutan. "Oi! Miyuki."

"What?" Lumingon ako sa likuran ko at tinignan si Gail.

"I saw Lance." Ngumiti siya sa akin dahil mukhang alam niyang nakuha niya ang atensyon ko nang banggitin niya iyon sa akin.

"Talaga?" Tumango siya. Sabay na rin naming ipinasa ang quiz paper bago kami lumabas.

"Saan mo siya nakita?" Tanong ko rito nang nasa corridor na kami.

"Sa soccer field may laro yata sila. Diba malapit lang yun sa bahay niyo? Ang cool niya pala, no?"

"Hah?" Parang nagulat si Gail sa reaction ko.

"Ang sabi ko ay cool si Lance." Inayos pa niya ang salamin niya habang nakangiti ng todo.

"kaya ka ban a-late kanina? Never ka kasing na-late, e."

"Kasi naman nag-enjoy akong manood kanina habang nagpapractice pa sila." Ang dami niya pang ikinuwento sa akin pero hindi ko na iyon napakinggan pa. Tama na siguro 'yung alam ko kung bakit hindi pumasok si Lance. "Crush ko na yata siya." Napangiti na lang ako dahil sa pahayag niya.

"Gusto mo siyang maka-close?" Kaagad itong pinamulahan dahil sa tanong ko.

"H-hindi naman sa ganun, attracted lang ako physically pero hindi naman ako aabot sa puntong iyon. Anyway, kumusta naman ang quiz mo kanina?" Ngumuso ako dahil sa pag-iiba nito ng topic. Ayaw pa niya kasing aminin na may gusto siya kay Lance. Totoo naman na gwapo si Lance at talented. Medyo masungit lang sa una pero kapag nakilala naman, okay na rin. Likeable na rin.

Nagkibit balikat lang ako bago ngumiti sa kanya. Nahirapan kasi ako sa quiz kanina.

"Hindi ka nakasagot?" Hindi makapaniwala nitong tanong sa akin kaya tumango ako. "Miyuki, magaling ka naman pero bakit ka nagpapabaya? Dahil ba masyado kang busy sa boyfriend mo?" Napatigil ako sa paglalakad dahil medyo na-offend ako sa sinabi niyang iyon. "Look, concerned lang ako." She said kaya naman ang namumuong kunot sa noo ko ay nawala rin kaagad.

"Concerned ka?" mahina kong tanong rito.

"Oo naman. Classmate kita and... and" humugot siya ng hangin at tumingin sa labas bago muling nagsalita. "I want to be your friend." Pahina nang pahina ang pagkakasabi nito na dahilan naman ng pagngiti ko.

Pumunta ako sa harapan niiya at pinilit siyang titigan ako sa mga mata.

"Friends?" inabot ko ang kamay ko at matagal nitong tinitigan. "Gail, friends?" ulit ko pa rito. Kaagad itong tumango at kinamayan ako.

"Friends." Sagot nito.

"From now on, call me Sharlot. Kasi lahat ng tumatawag sa akin ng Sharlot mga taong close ko lang."

"Even Lance?" Tanong niya pa.

"Uhh, mapilit lang siya na tawagin akong Sharlot. Wait, binanggit mo na naman siya. Gusto mo talaga siya, ano?"

"Hindi naman crush level, maybe a fan. I saw him playing soccer kanina." Paliwanag niya sa akin na naiintindihan ko naman dahil napanood ko na siyang magsoccer. Totoong cool siya at mapapamangha ka talaga. Ibang-iba siya kapag naglalaro siya. Ang saya niya at lalo siyang gumagwapo habang naglalaro.

***

Matagal kaming nagkukwentuhan ni Gail sa canteen habang kumakain nang dumating ang mga dati kong kaibigan. Hindi naman sila ganito noon, pero sobrang pangit na ng pakikitungo nila sa akin simula noong naging kami ni Jake.

"So, you're here and with that loner, too." Matalim nilang tinignan si Gail. "Nagsama ang dalawang lame."

"Huwag mo silang pansinin." Bulong ko sa sarili ko dahil alam kong walang pakialam si Gail sa kanila.

"Kung wala si Lance, may iba ka pa palang kaibigan. Congrats." Mahina silang pumapalakpak at alam kong nagtitinginan ang ibang estudyante sa amin. Alam ko ring ayaw nilang makialam kaya hinahayaan lang nilang pinagti-tripan kami ng mga ito.

"Hoy." Napalunok na lang ako nang laway ko dahil sa boses ng isang lalaki. may backup na rin ba silang lalaki ngayon? Pero pagtingin ko ay kaagad na nawala ang pangamba ko. Si Lance lang pala. "Pahingi nga." Umupo ito sa tabi ko na dahilan ng pagkagulat ng lahat.

"A-ano sa tingin mo 'yang ginagawa mo?" Tanong ko rito nang kuhanin niya ang pagkain ko.

"Eating." Nakangisi nitong sagot sa akin. "Sadistang rabbit." Sabi niya pa kaya namilog talaga ng husto ang mga mata ko.

"Lance the bully! Give me back my food!"

"Bumili ka ng iyo." Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya tapos si Gail naman ay mahina lang na tumatawa sa tabi namin.

"Pero binili ko 'yan!"

"Dress." Seryoso ang pagkakasabi niya nun kaya naman natahimik ako. Mahal yung binili niyang dress noong nakaraan tapos yang kinakain ko 65 pesos lang. Sino ba naman ako para magreklamo? Ipamukha ba naman sa akin yung damit! Aba ibabalik ko sa kanya! Grabe talaga siya.

Tumayo na lang ako at napatingin sa mga dati kong kaibigan na ngayon ay parang gulat pa dahil nga sa inaasta ni Lance. Bago sila umalis ay tinignan pa nila ako na parang ang laki na naman ng kasalanan ko sa kanila. Mga bitchesa talaga sila.

Bumili na ako ng sarili kong pagkain, perfect strategy rin naman iyon para iwanan ko sila pero pagbalik ko doon ay hindi sila nag-uusap. Nakadukmo si Lance at mukhang balak pang matulog dito sa canteen. May saltik yata talaga siya.

"Tulog?" Mahina kong tanong kay Gail. Mahaba rin kasi kanina ang pila nang nagbabayad ako.

"I'm not asleep."

"Oooh!" Umupo ako sa tabi ni Gail ngayon at tinignan ko ang nakadukmong si Lance. "Akala ko kasi isa kang homo sapien na after kumain ay matuulog na."

"Ang gwapo ko namang homosapien." Kumento nito. Napailing na lang ako dahil doon. ang lakas ng self-confidence niya. Akala mo naman lahat ay patay na patay sa kanya. Duh! Mas pa rin si Jake sa lahat.

"Bakit ngayon ka lang pumasok?" Hapon na siya kung pumasok. "Malapit nab a ang game niyo?" Tanong ko habang ngumunguya ako kaya naman parang kumunot ang noo ni Lance dahil sa ginawa ko.

"Talk when you're done eating."

"Grabe naman 'to."

"rabbit ka talaga." Dahil sa sinabing iyon ni Lance ay napatingin na sa akin si Gail. Hindi na siya makarelate at hindi na niya maintindihan kung bakit ako tinatawag na Rabbit ni Lance. Maigi nang hindi malaman ni Gail dahil nakakahiya na sobra.

"Ang close niyo, no?"

"Hindi kami close. inaaway nga niya ako, e." I made face nang sabihin ko iyon. Wala na ulit nagsalita sa amin dahil kumain na ako at si Lance naman ay itinuloy ang pagtulog.

After ng lunch ay nagsibalikan na kami sa classroom. Napansin ko na ang tamlay ni Lance tapos parang wala siyang kagana-gana ngayong araw.

Nagsulat ako sa papel ng ibibigay ko sa kanya.

'Hoy pangit. Ang tamlay mo? problema?'

Inabot ko sa kanya yung papel at binasa naman niya kaagad bago nagsulat.

'Nah, I'm just bored. I'm too lazy to move.'

Yun na yon? Hindi ako naniniwala.

'Ano nga kasi? hindi ako naniniwala.'

'Just a headache.'

napakunot ang nook o dahil sa sagot nito kaya naman kahagad kong hinawakan ang noo nito para pakiramdaman kung may lagnat siya. Napanganga na lang ako dahil ang taas ng lagnat niya pero pumasok pa rin siya! What the hell?

"Hey, don't touch me." tinanggal nito ang kamay kong nakadampi sa noo niya.

"Ang init mo, bakit ka pumasok?" Mahinang tanong ko dahil nagdidiscuss na ang teacher namin.

"Because I'm bored." Simpleng sagot niya na dahilan ng pagkainis ko. Kahit papaano ay concerned naman ako sa kanya, friends na kami kaya tama lang na ganito ang nararamdaman ko ngayon. Tama.

"Hindi ka pwedeng magsoccer bukas!"

"Ano kita? nanay ko?" Napahawak na lang ako sa bibig ko nang makita ko ang teacher namin na palapit sa amin.

"Ms. Parco and Mr. Mariano," yumuko ako nang tawagin ng teacher ang pangalan namin. "Kanina pa ako salita nang salita sa harap at pansin kong sinasabayan niyo ako. So, can you explain to us the theory that I was talking about?" Sa akin nakatingin ang teacher namin pero si Lance ay kaagad na tumayo at biglang nagsalita. Natameme na lang ako dahil sa pagkawindang. Wala na akong naintindihan at hindi na rin maipinta ang hitsura ng teacher namin ngayon, ng lahat ng kaklase namin.

Dahil kay Lance ay hindi kami napagalitan ng teacher. I therefore conclude na halimaw ang utak ni Lance. Ang akala ko ay hindi siya nakikinig pero bago pa man makabalik sa harap ang teacher ay kaagad akong nagtaas ng kamay.

"What is it this time, Ms. Parco?"

"Ma'am, mataas po kasi ang lagnat ni Lance kung pwede po bang dalhin na sa clinic?"

"Okay, Ms. Fernandez..." Tumingin ako kay Gail na ngayon ay tinawag ng teacher. "Samahan mo siya." Mabilis na tumayo si Gail para samahan si Lance. Hahawakan nga sana siya nito pero mabilis na lumayo si Lance kay Gail. Ang arte. Ayaw magpahawak.

Mabilis lang din naman natapos ang klase namin. Pupuntahan ko sana si Jake kaya lang ay may practice pa siya ng basketball. Kaya imbes na pumunta ako sa gym ay sa clinic na muna ako dumiretso para kumustahin si Lance.

"Maayos nab a ang pakiramdam mo?"

"Yeah." Nakaupo ngayon sa kamay si Lance kaya maski ako ay umupo na rin.

"Pag-uwi mo, dapat ay hindi ka na magpagod. Matulog ka na lang. Huwag ka na irn pumasok." Bilin ko sa kanya.

"Kailangan kong pumasok."

"If notes lang din naman, ako na lang ang magsusulat." Presinta na dahilan ng pagkunot ng noo niya.

"Slave ba kita?"

"Well, tutulungan kita basta tuwing may sakit ka lang. Baka maging abusado ka, e."

Tumingin ako kay Lance tapos bigla kong naalala si Gail. Ano kayang napag-usapan nila kanina? Imposibleg hindi sila nag-usap. Aish! Iniisip ko pa lang ay kinikilig na ako para kay Gail.

Tumingin sa akin si Lance ngayon na para bang naiinis siyang nakatingin ako sa kanya.

"Ang weird mo." He said, pero ngumiti lang ako.

Pero sa ugali ni Lance? Parang kinakabahan ako sa naging pag-uusap nilang dalawa kung meron man.

Continue Reading

You'll Also Like

652K 14.4K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
1.9M 15.3K 87
It's so good to love someone so much it hurts, right?
71.3K 4.5K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...