Pangarap At Ikaw

By dsnygouache

30 2 0

May mga tao lang talagang pinagtatagpo, pinapaasa, pinapasaya't pinaniniwala pero hindi tinadhana. Ganon lang... More

1
3
4
5

2

9 1 0
By dsnygouache

Gumising ako ng maaga pagkarating ng Sabado. Lagi naman ako maagang gumigising kahit ano pang araw. Alas-kwatro araw-araw, no excuses. Naniniwala kasi ako na what I lack in intelligence, I make up with discipline and consistency.

Kaya rin may schedule ako na kinabebenefit din ni Marge at ng team namin. May mga sistema na ako gumagawa at nagpapatakbo at mga patakaran na sinusunod. Gusto ko lang na may structure buhay ko kahit sa maliliit na bagay lang kasi di ko rin alam kung saan ako patungo. Ang hirap naman nung 100% kang ligaw na ligaw.

Tinext ko si Marge kahit mamayang eight pa naman yun gigising. Kailangan kasi mas maaga para di kami matagalan sa biyahe.


To: marge cells

4:06 am

Hoy tatawag ako maya-maya ah. Maaga tayo ngayon. Alam mo naman sched today


Binaba ko na ang phone ko para magluto ng breakfast at baon ko mamaya. Nagpakulo na rin ako ng patatas para i-mash mamaya. Habang naghihintay, ginawa ko muna ang usual workout routine ko sa mat na nakaharap sa glass sliding door ng terrace ko. Nakatitig ako sa skyline habang nagwawarm up.

Pagkatapos ay kumain na ko, naghugas, at naghanda ng lunch ko para mamaya. For sure, magaaya sila ng drive-thru pero may budget ako at wala akong pera na pwedeng iwaldas ngayon sa kung saan-saan.

Tinawagan ko na si Marge pero walang sumasagot noong first three tries. Nung pangapat, sumagot na siya.

"Puta, bakit ba ang aga-aga, ha, Kia?" reklamo niya na parang nagmamakaawa pa. "Hindi pa gising yung araw oh!"

Umirap ako kahit di naman niya ko kita. Linagay ko siya sa speakerphone dahil naghahanda na ko ng susuotin.

"Nakasara lang blinds mo. Kanina pa nag-sunrise," sabi ko at naglabas ng black na boyfriend jeans.

"Pake ko? Di na ko maliligo. Gisingin mo nalang ako pagkadaan mo."

Binaba ko na ang tawag dahil wala ng silbe makipagusap pa kay Marge ngayon.

Naghuhubad na ko ng pajamas nang biglang nag-ring yung phone ko. May gising din pala sa social circle ko ng ganitong oras?


Incoming call

Leo Sean Perez
6:39 am


Hala? What the heck, bakit tumatawag to?

Wala akong maisip na dahilan kaya sinagot ko nalang.

"Hmm?" pambungad ko.

"Good morning, Kia. Sorry napatawag ako ng ganito kaaga," panimula niya.

Sorry? You can call me all you want! Char.

"Ah okay lang. Bakit? Ano meron?" tanong ko at pumasok na ng cr. Magnanature no. 2 pa naman ako. Bastos ba gawin yun habang may kausap? Wala naman akong choice.

"Si Selena kasi kailangan sumabay papuntang BGC eh diba doon kayo ngayon?" tanong niya.

May nahulog na. Fuck! Ang lakas. Narinig niya kaya? At bakit sasama yun samin?!

"Yep. Sasabay kayo?" tanong ko. Ampucha. Wala na, bad mood na ko. Joke.

"Siya lang. But anyway, yes. If okay lang? May project kasi ako ngayon. Kailangan ko pumasok sa office. Malapit na deadline," pageexplain niya. Jowa ata ako.

Sana!

Napasapo ako sa noo ko. Ano ba tong mga iniisip ko? May girlfriend na siya! May girlfriend na siya! May girlfriend na siya at may respeto ako!

"Okay, sige. Daan kami jan mamaya. Bahay niyo ba?" Kakatapos ko lang pero di ko muna flinush. Baka malaman niyang may ginagawa akong di kaaya-aya habang kausap siya.

"Yes. Thank you, Kia," sabi niya.

"Sure sure. Sige, bye." Binaba ko na ang tawag at naghugas na.

Pagkatapos ko maligo ginupitan ko yung buhok ko. Humahaba na kasi eh sanay akong hanggang baba ko lang halos. Matagal ko na rin tong ginagawa kasi nasanay at natututo na ko.

Tapos umalis na ko para daanan yung mga kasamahan isa-isa. Yung iba bangag na bangag pa't nakatulog agad sa sasakyan ko.

"Andito na kami sa baba, hoy," sabi ko nang sinagot ni Marge tawag ko.

"Akyat ka."

Napairap ako nang binaba niya bigla yung tawag. Hanep! Pa-señorita talaga tong si kumag!

Inakyat ko hanggang sixth floor at binuksan ang pintuan sa condo niya gamit ng emergency susi niya sakin. Madalas niya kasing nawawala yung kanya kaya meron akong mga duplicate. So far tatlo na yung nahingi niya sakin.

Tulog parin ang gaga nang pumasok ako ng kwarto niya. Pero nakapangalis na siya't nakasapatos. Inayos ko nalang yung gear bag niya na palagi niyang nakakalimutan ihanda the night before at nagtapon ng mga baon niya roon. Mga biscuit at tsitsirya tsaka tumbler niya.

"Tara na, pucha ka," sabi ko at mahinang sinampal ang pisngi niya. Hindi siya nagising pero hinila ko na siya mula sa kama niya.

Muntikan pa kaming magsuntukan doon pero nakaalis din kami papunta sa bahay nila para kay Selena.

Tulog silang lahat nang tumigil ako sa harap ng bahay nila Marge.

"Biyahe kayo ulit, mam?" tanong ni Sir Noli na guard nila sa main gate. Siya nagpapapasok ng mga sasakyan sa mansion nila Marge. "Ingat po kayo ah."

"Opo pero malapit lang tsaka di naman overnight," sabi ko. Tumango siya at umalis na pagkatapos magtanong kung may kailangan pa ba kami.


To: Alleo Sean Perez

7:42 am

Asa labas na kami. Marami bang dala si Selena?


Nag-reply siya agad.


From: Alleo Sean Perez

7:42 am

Oh sorry. Pababa na kami.

No, di masyadong marami dala niya. Just one duffel bag


Hindi na ko nag-reply at chineck nalang ang likod ng sasakyan ko kung may space pa ba. May dala kasing dalawang cooler si Corey, isa sa mga kasamahan namin. Drinks daw.

"Hi, Kia," bati ni Selena na may maliit na ngiti. Seryosong nakasunod lang si Leo sa likod niya. Tinapunan niya ko ng madaliang tingin.

"Hello, good morning," sabi ko at kinuha ang gamit niya. "Aayusin ko na."

Siniksik ko na yun sa likod para mabigyan sila ng privacy sa pag-goodbye nilang dalawa.

"Oi Kia," bulong ni Marge mula sa front seat. Gising na pala siya. She nodded her head at the couple next to our car. Napatingin ako sa kanila.

May binigay na susi si Selena kay Leo. "I'm sorry. Thank you for everything."

Hala? Ano raw?

Hinalikan siya ni Leo sa noo. "Don't be. Ingat kayo." Tumingin siya sakin. "Thank you, Kia. Take care."

Tumango nalang ako. Sumakay kaming dalawa. Sumiksik nalang siya sa tabi ni Marge na pagising na't umiinom ng kape.

"Oh Selena! Andito ka pala," sabi ni Marge na parang ngayon lang napansin na may katabi siya. "Momodel ka rin para samin?" Liningon ako ni Marge at nagtatanong ang mga mata. I shook my head slightly.

Hindi nga mapagkakaila na bagay kay Selena mag-model pero di naman yun yung plano.

Tumawa ng bahagya si Selena na para bang naiilang. "No. Sumabay lang for BGC."

Tumango lang si Marge kasi kumakain na siya ng binaon kong tinapay. Tahimik lang kami ulit.

Lumipas ang ilang metro nang nabasag ulit ang bumabalot na awkward silence sa harap ng sasakyan ko. Nakatulog ulit si Marge.

"I like your hair," sabi ni Selena sakin. Tinapunan ko siya ng tingin at ngiti. "It suits you."

"Salamat. Humaba na eh kaya ginupit ko kanina," sabi ko.

Parang nagulat siya don. "What? Really? You cut your own hair? That's impressive," tuloy-tuloy na sabi niya. "I mean, I'm afraid to cut my own hair. Kahit bangs lang."

So maguusap na talaga kami? Di ako magaling makipagusap kapag di ko trip magsalita. Wala akong sense of good conversation topics and replies. Pero alangan naman dedmahin ko siya. Mukang paiyak na rin siya kanina.

Nagaway ba sila? Kaya siya uuwi? Bakit parang ang OA naman nung "thank you for everything" if away lang? Unless immature sila tapos break-bati-break-bati.

"We kinda broke up," sabi niya at nagulat nalang ako kasi iba na pala topic. "Kinda since nililigawan palang naman niya ako." Silence. "Noon," dagdag niya nang maalala na wala na nga pala. "He just used to."

Ano sasabihin ko? Hindi ako masaya o malungkot. Ang nasa isip ko lang ngayon na 1) ang awkward, 2) single na siya ulit so hindi nakaka-guilty kiligin sa kanya, 3) kawawa naman siya kasi mukang masaya naman sila pero di ko talaga alam, at 4) gutom na ko.

"Ah, grabe naman," sabi ko nalang. Pero parang walang kwenta kaya dinagdagan ko. "Resbakan natin?" Kunyari close kami.

Pero tumawa naman siya. "I don't like violence," sabi niya at nakangiti parin. Ayan. At least di na siya mukang paiyak. Wala ata akong baong tissue.

"Wag mo nalang siya isipin," sabi ko. Di ko na tinanong kung ano nangyari sa kanila kasi di naman kami close at baka fresh pa masyado sa kanya.

"I'm trying my best not to," sagot niya. Di ko na siya binalikan at nagmaneho nalang.

Tumigil ako para magpa-gas. Ginising ko yung iba para paihiin. Lahat sila kinailangan mag-cr. Naiwan lang kami ni Patrick sa sasakyan. Isa siya sa mga magmomodel para samin ngayon.

"Psst, Kia," kinalabit ako ni Patrick mula sa middle row. "Gusto mo ako naman mag-drive? Tulog ka muna."

Liningon ko siya at tinaasan ng kilay. "Muka ba kong pagod?" sinupladahan ko siya.

Tinawanan niya ko. "Ulol, seryoso nga. Ako na muna jan."

Umiling ako, tumatawa na rin. "Okay pa ko. Di naman ako inaantok."

Dumating na sila at may bitbit pang bagong pinamili mula sa convenience store ng gas station. Masayang chinichika ni Corey si Selena na tinatawanan naman siya.

"Yayain kaya natin siya?" biglang tanong ni Marge sa tabi ko. Kumakain siya ng hotdog sandwich na may sandamakmak na mayonnaise. Kadiri. "For sure photogenic siya at magaling magdala ng sarili."

Mali si Marge.

Nakarating na kami sa site namin at pumayag nga si Selena na magpa-picture samin pero di nga lang daw siya makakatagal. Sabi rin niya na wala siyang experience sa ganito at hindi rin daw siya mahilig magpakuha ng mga pictures.

"I'm sorry, shit! I'm so embarrassed!" sabi niya at tinakpan ang muka. Binaba ko ang hawak kong Nikon D7100 at pinigilan ang ngiti. Tiningnan ko na ang mga nakuha ko. Marami-rami na rin yun kasi di pa niya kabisado kung gaano katagal dapat niya hawakan ang isang pose kaya sunod-sunod ko nalang siya kinukuhanan para may guaranteed na maayos.

"Okay ka lang ba? Gusto mo nood tayo YouTube videos?" tanong ni Marge sa kanya. May playlist siya ng mga photoshoot vlogs and tutorials na nakahanda just in case gusto niya ng inspirasyon.

Linipat ko na muna yung laman ng SD card ko sa iPad para makita yun ng mas maayos. Okay naman sila pero mukang pilit, stiff, at awkward. Hindi ko yun masabi kay Selena kasi feeling ko nakakapanghina yun ng loob yon lalo na't sabi nga niya na wala naman siyang alam dito. Kaya inisip ko nalang kung saan siya mas bagay ng hindi na to ibibring up.

Isang malakas ng tawa ang tumulak sakin palabas sa kulungan ng mga iniisip ko. Tumabi sa kanya si Corey at may pinapanood sila. Mukang badtrip naman sa kanya si Marge.

"Parang tanga! Nanonood na sila ngayon ng prank videos!" reklamo ni Marge sakin nang makalapit. Umupo siya sa tabi ko at pinagkrus ang mga braso. "Paano makakatulong yon?!"

Pinapanood ko silang tumatawa, lalo na si Selena. Buti hindi na siya malungkot. Mas bagay sa kanya ang maging masaya.

"Alam ko na!" bulong ko kay Marge at pinapalo-palo pa ang hita niya. Na-excite ako bigla!

Nalaman ko after many photoshoots with different friend-models na minsan may mga naiilang talaga dahil di sila sanay na humarap at umakto sa camera. Hindi ganon ka-confident. Pero karamihan sa kanila magaganda naman kapag hindi umaakto. Kapag kunyari hindi humaharap sa lens.

Kinuhanan ko sila ng mga pictures sa malayuan. Zinozoom-in ko nalang para di mahalata ni Selena. Lumipat-lipat ako makakuha mula sa iba't ibang anggulo.

"Patingin nga. Malalagay ba natin sa Instagram yan?" tanong ni Marge nang bumalik ako sa tech station ko.

Linipat ko ulit sa iPad ko at binuksan para ma-scrutinize.

"Hayup ah, ang galing!" bulong ni Marge sakin. Nagtinginan kami para mag-share ng knowing and admiring look.

"Selena! Halika! Ganda mo, what the hell!" sigaw ni Marge sa kanya na nanonood parin sa cellphone ni Corey. Mukang confused siya pero tumayo parin.

"Malapit na tayo dun sa epic fail eh!" pagwhiwhine ni Corey. Hinila nalang niya si Leila para ipanood sa kanya yon.

"Ano yun?" tanong ni Selena nang makalapit samin. Inabot ko sa kanya yung iPad ko.

Nagulat siya at napangiti. "Hala... ang galing! When did you take this?" tanong niya samin na mukang tuwang-tuwa pa. "I never knew I could look like I'm having this much fun in a photo!" Linapit pa niya ang muka sa screen, nakasingkit ang mga mata. "Gosh! Tawang-tawa ako! Yung muka ko!" Mukang nahihiya na siya ngayon.

"At least maganda ka tumawa," sabi ko at natawa dahil di ako maganda tumawa. Lalo na sa litrato. Di ako photogenic at all.

"See? Magaling ka naman pala," sabi ni Marge at nakisilip na rin. Inaya niya yung iba.

"I didn't know that."

Sinet up ko na ulit yung camera ko at nagbalak kung saan naman pepwesto yung next na magmomodel para samin.

"Kia, tingin!" tinawag ako ni Patrick.

"Ha?" Lumingon ako at biglang napicturan sa muka. May flash pa.

"Puta!" sigaw ko. Tawang tawa si Marge na parang demonyo, tumatakbo palayo para di ko mahabol.

Di na ko tumakbo kasi nakakatamad. Tinaasan ko nalang siya ng middle finger.

Sumunod na sila Jenica at Patrick sa pagmomodel. Then sinubukan ni Selena ulit kasama si Corey habang nagtatawanan nanaman sila. Kumain at uminom kami saglit sa loob ng sasakyan ko habang naka-park. Bago bumaba ang araw, umalis na kami para mahatid ko na yung iba. Hindi na rin nakapunta si Selena sa pupuntahan niya dapat kanina.

"I had no plans. Uuwi lang dapat ako sa condo at magmumukmok," sabi niya nang kami-kami nalang nila Marge at Patrick.

Kumain kami ulit saglit ng libre ni Selena na KFC. Sa sasakyan ko lang ulit ng naka-park. Nakabukas lang yung mga bintana para hindi na mag-aircon.

"Magkalat ng manok mababaog," pagbabanta ko.

Hinatid ko na sila isa-isa pagkatapos at umuwi na sa condo ko. Naligo ako ulit pagkauwi at agad-agad na pumwesto sa desk ko para mag-edit, mag-post, at mag-aral ng kaunti para sa mga present at incoming lessons.


From: marge cells

8:58 pm

gusto ko medyo warm ah, vintage vibes. kita mo naman style nila today. next time invite mo si mae para mag-makeup. papa-promote din siya


To: marge cells

9:03 pm

Boss kita?


From: marge cells

9:04 pm

yes bitch. ano sa tingin mo?

post mo na later if kaya. send mo yung iba para ma-edit ko. thank me later fuckr


To: marge cells

9:06 pm

Ulol. Di ka marunong. Leave me alone


From: marge cells

9:11 pm

k


Di na ko nag-reply at nag-edit nalang. Natapos ko yung pag-edit ng mga final pictures bago mag 11. May na-post ako sa Instagram ng team namin at mabilis namang nag-like yung mga kasamahan ko. Si Selena rin since naka-tag siya at finollow na namin ang isa't isa bago umuwi.


Instagram

[alleoperez517__] sent you a post.


Hala? Nagmemessage pa to ng post. Anong oras na. Ano kaya yun? Inspirational quote?


[alleoperez517__]

You're getting really better. I love this shot


Sinend niya pala yung kuha ko ng mga nakahilerang building na tinatamaan ng sunset kanina. Tapos mga sumusunod na street life shots.


[kia.june08]
Thank you hahahaha. Proud of them


Naalala ko yung mga pinost kong pictures ni Selena na proud na proud din ako. Gusto ko rin maki-chika.


[kia.june08]
Nakita mo ba yung kay Selena? First time niya raw yun. Napakagaling

Also, wtf did you do to her? Pinapaiyak mo pa grabe


Di naman umiyak si Selena pero muntikan na. Seems fair.


[alleoperez517__]
She's not a big cryer so I won't believe you. But yes, I saw. She's pretty in all of them.


Naramdaman ko na hindi siya magkekwento kaya di nalang ako nag-reply. Ni-like ko nalang. Di na rin naman kami close. Dati lang yun. Nagaral nalang ako ng mabilisan bago matulog.

Naglinis lang ako ng condo kinabukasan at nagluto ng mauulam mamaya hanggang Lunes. Dinalhan ko rin si Marge dahil mamatay siya ng maaga sa kaka-fast food deliver o takeout niya.

"Baka panis to ah," pinangliitan niya ko ng mata.

Nginitian ko siya ng plastik. "Syempre naman. Special flavor ko yan para sayo."

Lumabas na ko ng pinto bago pa ko abutan ng sandok na binato niya.

Kinabukasan may mga presentation kami at dalawang formative quizzes. May due nanaman sa Wednesday kaya di na muna ako kumain noong unang break time para trabahuin yun sa library.

"Uy, Kia. Hello."

Nagulat ako nang biglang marinig yung boses ni Leo sa library ng university ko. Nakatayo siya sa harap ko at naka casual business attire pa. Pero nakabukas na ang mga unang butones at nakatupi ang long sleeves.

Tumigil muna ako sa pagtatype. "Hello. Pano ka napunta dito?"

Binaba niya yung laptop bag niya sa tabi ng upuan na katapat ko. "Alumni library access. Hindi mo ba alam na may ganon?"

Naalala ko bigla. Nabasa ko dati sa school flyer nung mageenroll palang kami. "Ah oo. Nabasa ko dati. Bakit ka nga pala andito?"

Andito ex ng kaibigan ko. Kaibigan ko na si Selena dahil nag-bond kami over favorite Netflix shows. Tsaka wala namang rason para di siya kaibiganin kahit pa man sila parin ni Leo if ever dahil mabait siya at friendly.

Dapat bang i-report ko sa kanya na andito si Leo? Baka gusto niya makita? Makausap?

"... pwede ba sumama sayo dito?" Nagulat nalang ako sa tanong ni Leo. Kinakausap nga pala niya ko. Ano nga raw?

Linock ko nalang yung iPad ko at nagpanggap na gulong-gulo na sa buhay. Tumawa ako para mas believable. "Ha? Sorry, dami kong iniisip. Di ko na alam kung ano sinasabi mo. Ano ulit?"

"May project kami for work ni Jaime at natandaan kong may reference dito na useful para doon kaya okay lang ba na dito kami sa table mo? Nakakahiya naman kasi sainyong mga nagaaral pa baka mawalan pa sila ng library space," pagpapaliwanag niya.

Okay. Pero dapat ko bang sabihin to kay Selena?!

Tumango nalang ako para matapos na to. "Sige, go lang. May ginagawa rin naman ako."

Tumango na rin siya at naglakad paalis, nakalapag na sa mesa ang mga gamit. Andun pa yung lumang Macbook niya at notebook na dala niya kahit saan.


To: Selena

12:47 pm

Andito si Leo sa library. Baka gusto mo makita hahahaha


From: Selena

12:49 pm

I don't really care about him anymore. No worries. Hayaan nalang siya

Besides, it's not like makakapasok ako jan


To: Selena

12:50 pm

Actually may paraan pero okay


From: Selena

12:50 pm

I'm over him hun


Di ko na siya nireplyan at pinagpatuloy nalang yung script ng presentation ko sa Miyerkules. Maya maya bumalik na si Leo na may dalang isang pile ng makakapal na libro. Binaba niya to sa harap ko at halos di ko na makita yung ilong niya.

"He's on his way," sabi niya sakin sabay tapon ng tingin. "Di siya maingay so don't worry about that."

He was proven wrong. Pagkarating nung Jaime para bang crush ako at walang ginawa kung di chikahin ako.

"Ang ganda ng buhok mo," sabi niya ng nakangiti ang mga labi at mata. "Saan ka nagpagupit?"

Sasagot na dapat ako nang linagyan siya ng panyo sa bibig ni Leo. "We have work to do. Mamaya ka na makipagdaldalan."

Nandidiring niluwa ito ni Jaime. "Gross, dude. Pampunas mo to ng pawis. Kadiri ka."

Umiling nalang ako, pinipigilan ang ngiti, at tinapos na yung ginagawa ko. Iniwan ko na sila doon nung time na para sa susunod na klase ko.

"Bye, Kia!" sigaw ni Jaime. Nagulat ako kasi nasa library kami at hindi ba't kasalanan magingay sa library?

Naparusahan siya ng malakas na batok mula kay Leo.

Natapos na ang araw at magkasama ulit kami nila Marge at Corey. Nagyayaya sila mag-Glorietta kasama si Selena.

"May gusto ka ba dun?" tanong ni Marge kay Corey na kanina pa ako pinipilit. "Niligawan yun ng kuya ko eh pero biglang di natuloy. Recent lang kaya baka di pa yun ready."

Naghihintay na kami ng masasakyan. "Maganda siya at type ko pero di ko naman sobrang balak jowain," sagot ni Corey. "Pero g lang. Tropa muna."

"Mas matanda rin yun satin. Kilala ni Leo eh," singit ko.

"Kasing edad lang natin yun," balik ni Marge. "Nagkakilala sila last year nung fair sa college ni Selena."

Natuwa naman si Corey sa balita. "Nice! Di ko trip mas matanda sakin eh."

Nakasakay na sila. Di nila ako napilit kaya diretso ako sa bahay ng parents ko para kumain ng special mami ng tita ko. Tinext niya ko kanina na yun daw ulam nila for dinner at naghanda siya ng mas maaga para sakin.

Magkasama si mama pati yung nakababata niyang kapatid na si Tita Reese. Kakamatay lang kasi ng asawa niya sa US kung saan sila nakatira dati. Tangina ng mga pulis nila.

"Baby, nakauwi ka na," pagbati niya sakin nang pumasok ako ng formal dining room. Dun siya tumatambay para magaral ng bagong recipes. "Iniinit lang nila Ate Mel mo kasi nalamigan na."

Binaba ko yung mga gamit ko. "Sorry po natagalan. Naglakad kasi ako mula gate. Exercise."

Tumawa siya dun. Nagkwentuhan lang kami at magkamustahan hanggang sa nahanda na yung special mami. Asa trabaho pa si mama at nasa school pa mga anak ni Tita kaya kaming dalawa lang kumain. Pinasabay namin sila Ate Mel at yung anak niya na nine years old na si Rosalie at yung driver ni Tita. Si Kuya Harold.

Umuwi na ko pagkatapos at naghanda ng ibabake kong cookies. Maaga pa naman at mamaya pang eight yung time ko para sa mga schoolwork. Kailangan ko rin mag-unwind at relax.

Biglang tumunog yung phone ko sa counter. Unknown number.


From: 09012345678

5:58 pm

Hi, Kia! Jaime to hehe


Ah pucha. Pano naman nakuha nito number ko? Kulit pa naman niya!


From: 09012345678

5:59 pm

Magalit ka kay Leo. Binigay niya number mo

Tapos sabi niya gusto niya rin daw mag-dinner sa bahay mo :O


What the heck? Anong trip nito? Natawa nalang ako. Pero nakakaexcite din. 


To: 09012345678

6:01 pm

Lakas ng trip mo ah hahahaha

Wala na kong pagkain dito


Wala akong pagkain na mashashare sa kanila. It's all mine.


From: 09012345678

6:03 pm

Ang sad naman. Gutom na ko eh hehe ayaw ko gumastod

Gumastod*

GUMASTOS****


Tumawa ako ng malakas. Both in real life at sa chat.


To: 09012345678

6:03 pm

HAHAHAHAHA gutom ka na nga ata

Next time nalang. Wala talaga eh


From: 09012345678

6:06 pm

LIBRE RAW TAYO NI LEO YELLOW CAB

G KA NAAAAAAAAAAAA


Napasapo ako sa noo ko. Ano ba naman tong taong to! Ang kulit!


Incoming call

09012345678
6:08 pm


Inend ko.


To: 09012345678

6:08 pm

Ang kulit mo wtf hahahahahaha pero sige. Yellow Cab eh

Pero ulol baka ibang tao ka. Patawag mo muna si Leo sakin gamit number niya


From: 09012345678

6:09 pm

Ang daming requirements!? High school ba kita? HAHAHA


Incoming call

Alleo Sean Perez
6:10 pm


[FAN KA PALA NG YELLOW CAB!] Biglang may sumisigaw sa kabilang linya. Napalayo ako sa cellphone ko.

"Ampucha, sakit sa tenga," sabi ko sabay tawa. "Hello? Leo?"

[AYAN NA!] sigaw ulit ni Jaime. Ilang segundo ang nakalipas bago nakapagsalita si Leo. [Kia? Sorry about him. Ganito talaga siya and it's absolutely not a reason pero ayaw niya umuwi. Nakakairita. Sorry.]

Natawa ako dun. Nagusap pa kami at ngayon andito na sila ngayon sa condo ko.

Lord?! May meaning ba to?!

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
1.1M 84.1K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
330K 22.8K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
5.4M 275K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...