Babysitting the Billionaire

By JFstories

47.7M 1.3M 485K

Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to unders... More

Prologue
TERRENCE MONTEMAYOR SAAVEDRA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
END OF BOOK 1
Terrence Montemayor-Saavedra
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Epilogue
BLACK OMEGA SOCIETY
Just wanna share these :)
Q

Kabanata 7

785K 22.2K 8.9K
By JFstories

Kabanata 7


PAKIRAMDAM ko'y humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Mabilis lang ang pagdampi ng mga labi ni Jumbo sa mga labi ko pero para bang may ginising ito sa kung anong natutulog sa aking sistema. 


Bagsak ang panga kong nakatanga lang sa ginawa nya.


Bakit niya ako hinalikan? Pakiramdam ko'y dumoble ang aking kalasingan dahil sa kapangahasan niya. 


Pumaling ang ulo nya habang nakatingin sya sa akin na para bang nagtataka sya kung bakit ako naestatwa.


Kaya naman hinalikan nya pa ako ng isa. 


Hinalikan nya pa ko ng isa?! Oo, kinintalan nya na naman ako na halik sa aking mga labi. 


Mabilis lang iyon ngunit pinapasirko nito ang puso ko. "J-Jumbo..." napausal ako na hanggang ngayon ay nakatanga pa rin sa kanya.


Kumintal ulit sya ng halik sa akin.


Aba teka! Sumusobra na ang Jumbo na ito ah. "Jumbo, tama na." saway ko sa kanya.


Hindi ko siya boyfriend pero nakahalik siya sa akin, masyado siyang sinuswerte. Si Paolo nga na naging boyfriend ko ng matagal noon, never naka-isa sa akin, 'tapos siya manghahalik lang dahil gusto niya?!


Pero hindi ako nakapalag nang umisa pa sya ulit!


"Jumbo, isa pa. Namumuro ka na." saway kong muli sa kanya kahit nanginginig ang aking mga labi.


Eh umisa pa ulit.


At isa pa!


At isa pa ulit!


Aba, nawili!


"Tsk! Jumbo, ano ba? Isang-isa na lang talaga at malilintikan ka na, sige!" nagtaas na ako ng boses.


Hindi na sya kumilos pa. Nakatingin na lang sya sa akin.


"Isa lang, Jumbo at malalagot ka na," banta ko ulit. Bangenge na ako sa alak, pero kailangan ko pa rin syang sawayin. 


Huminto naman na siya. Nakatitig na lang sya sa akin.


"Naku talaga naman. Kapag umisa ka pa, yari ka na."


Hindi na siya kumilos. Nakatitig na lang talaga sa akin ang magandang kulay tsokolateng mga mata niya.


"Nakakainis ka na ha! Bakit ka huminto? Kashe nemern eh... isha pa..." kapag talaga ako lumalandi, pati dila ko ngumingiwi. 


Ahg! Ano bang nangyayari sa akin? Para akong may sapi! Ang ligalig ko. Dahil ba ito sa alak ko dahil mas nakakalasing ang mga labi ni Jumbo?


Pumaling muli ang ulo nya habang nakatingin sa akin. Na-appreciate ko na naman ang mga mata nya. Kinokumbinahan ito ng mahahaba nyang mga pilik mata na lalong pume-perpekto sa guwapo at napakaamo nyang mukha. Sinamahan pa ng bahagya nyang magulong buhok na tila ba umaayon sa pagkakataong lasing ako kaya naman nababaliw ako sa hitsura nya.


Lalo tuloy akong napikon. "Jumbo! Halika rito at – " biglang lumambing ang boses ko. "–mapulbusan ka..."


Speaking of pulbos, ewan ko ba sa sarili ko kung bakit lagi na akong may dala nito. Simula ng makilala ko sya, naging girlscout na ako.


Kaya nga heto na ako at lumapit na sa kanya. "Jumbo, hubad! Pupulbusan kita." Utos ko sa kanya habang ako na mismo ang naghuhubad nitong t-shirt nya na binili ko sa ukay-ukay noong isang gabi. 


Tumayo sya sa harapan ko. Ang lamig naman ng hangin, pero parang pinagpapawisan sya. Kailangan ko nga talaga syang pulbusan dahil mahirap na, baka ubuhin sya. 


Inangat ko ang laylayan ng basa nyang t-shirt. Mabango pa rin sya kahit pawisan. Alaga ko kasi sya sa pulbo. At iyon nga, bumungad na naman sa akin ang maganda niyang pangangatawan. Bakit ba hindi pa rin ako masanay-sanay? Saka bakit ba kasi ganito makatitig si Jumbo? Ang init, hayan tuloy at parang pinagpapawisan na rin ako. 


Napalunok tuloy ako. This time, hindi lang tubig ang kailangan ko. Dextrose!


At nang sa wakas ay natanggal ko na rin ang t-shirt nya. Whew! "Ngayon Jumbo, hubo!" utos kong muli sa kanya habang nakaluhod ako sa harapan nya at hawak kong muli naman ang butones ng kanyang pantalon at kinakalas iyon.


Wake up Rosenda! Pupulbusan mo lang sya. Bakit kailangan pang hubuan pati ng pantalon?


Oops! It's too late na. Nahubuan ko na sya er. 


Ipinilig ko ang aking ulo. Sobrang lasing na ba ako? Hindi ko na kasi namamalayan ang ginagawa ko. Kaya naman tinampal-tampal ko ang mukha ko. 


Kulang pa. Tinampal ko ulit. Hindi pa sapat. Inulit ko. Wah! Iba na pala itong tinatampal ko. Hindi na itong mukha ko! Kundi itong jumbolito na pala ni Jumbo!


Relax, Rosenda. May boxers pa sya. Pero bakit nga kaya nakahubog na itong pagkalalaki nya? Nang tingalain ko si Jumbo ay nakayuko siya... at bakit ganito? Parang nag-aalab ang mga mata niya na nakatitig sa akin.


At ang isang kamay niya, nakahawak sa ulo ko na para bang ayaw niya akong bitiwan dahil may hinihintay siyang mangyari.


Nawala tuloy ako sa sarili. Walang pasubaling hinubo ko ang boxers nya. Nasapol pa ako ng kanyang kuwan sa pisngi dahil nag-bounce iyon.


Muntik na akong mapatili nang biglang lumuhod si Jumbo sa harapan ko. Napausod ako palayo pero ang aking mga mata ay tila ayaw maalis doon sa harapan niya.


Teka? Bakit tumitibok? 


May sarili rin kaya iyong isip at puso? 


Napapikit ako. Sa aking pagdilat ay nakalapit na sa akin si Jumbo. Gahibla na lang ang pagitan ko sa kanya. Ang mukha ko ay nakatapat sa makinis at mabangong leeg niya, doon ay nakita ko kung paanong ilang ulit na umalon ang lalamunan niya.


Nagtagpo ang mga mata namin nang tingalain ko sya. 


Iba na ang mukha nya. Ibang-iba na ang pagkakatitig niya sa akin, na parang nag-ibang tao na sya. Hindi ko na makilala sa kanya ngayon ang Jumbo na baby ko. Bigla ay hindi na sya baby. Daddy na!


Ang mainit niyang kulay tsokolateng mga mata ay marahang bumaba sa suot kong blouse. Para bang sinasabi ng mga titig niya na bakit nakadamit ako at sya lang ang nakahubad. Napatotohanan ang naiisip ko nang kunin niya ang kamay ko at dalhin sa bandang unang butones ng aking suot na damit.


"Jumbo..." anas ko nang makuha ang gusto niyang gawin ko. Bakit ganito? Bakit ayaw ko siyang biguin? Bukod sa kalanguan sa alak ay may kung talaga sa mga mata ni Jumbo na tila hinihipnotismo ako, dahil namalayan ko na lang na kinakalas ko na ang mga butones.


Pag-isipan mong mabuti ang ginagawa mo, Rosenda. Tralalala... okay napag-isipan ko na. Kaya heto at hinubad ko na. Nag-init ang pisngi ko. Lalo kasing napatitig sa akin si Jumbo.


"Okay na ba, Jumbo?" tanong ko. Niyakap ko ng aking mga braso ang sarili. Malamig ang hanging panggabi na dumadampi sa aking hubad na balat, pero higit ang pakiramdam na dala ng nakakapasong titig ni Jumbo. 


Nahubad ko na ang blouse ko kaya akala ko ay okay na, kaya nagulat ako ng ang isang kamay ni Jumbo ay bumaba sa bandang bewang ko. Napamulagat ako dahil ang mahahaba niyang daliri ay masuyong nilaro ang tirante ng aking suot na shorts.  


"J-Jumbo, ano 'yan?" gulat at kulang sa lakas na saway ko. Tuluyang naubos ang aking lakas nang tumungo si Jumbo. Daig ko ang nakuryente nang dumampi ang mainit niyang mga labi sa balikat ko.


Marahang mga halik, masusuyong mga halik na tila pinapayapa ang utak ko pero hinihibang ang puso ko. Sya lang, si Jumbo lang ang bukod tanging nakagawa sa akin nang ganito. 


Kahit si Paolo na minahal ko, hindi kailanman umabot sa puntong ganito. 


Napamulat ako nang maalala bigla si Paolo. Ang walanghiyang Paolo na iyon. Minahal ko nang totoo pero pinagmukha akong tanga, niyurakan ang pagkababae ko at sinaktan ang puso ko. Wala itong binatbat kung tutuusin kay Jumbo. Ni sa kalingkingan ni Jumbo ay walang-wala ito!


Nang maramdaman ko ang marahang paghila pababa ni Jumbo sa shorts ko ay hindi ako pumalag. Wala akong makapang pagtutol sa aking dibdib. Hindi katulad kay Paolo na walang kuwentang tao.


Hinaplos ko ang makinis na pisngi ni Jumbo. Hindi ko sigurado kung sino sa amin ang unang umabot sa labi ng bawat isa, basta ang alam ko lang ngayon ay magkalapat na ang mga labi naming dalawa.


Ang init ng hininga niya, ang bang, amoy sandwich.


Habang tumatagal ay mas lumalalim, mas nauubos ang lakas ko at mas nawiwindang ang buo kong pagkatao. Parang hindi na yata ako ang nagdadala ng halik, dahil ang totoo, hindi naman ako marunong humalik. Pero paanong nakakahalik nang ganito si Jumbo? Bakit ang galing?


Huminto si Jumbo sa paghalik sa akin at bahagya syang lumayo. Bumaha ang pagpoprotesta sa aking sistema. Akala ko ay tapos na, pero hindi pa pala. Napasinghap na lang ako nang umibabaw si Jumbo sa akin sanhi para mapahiga ako sa kawayang sahig ng treehouse. 


Parang magigiba ang dibdib ko sa kaba. Naramdaman ko ang paghaplos ng mainit at malaki niyang palad sa bewang ko, sanhi para bigla akong manghina.


Nang dumagan sa akin ang bigat niya ang napanganga ako. "J-Jumbo, s-sandali..." Akala ko kasi hanggang kiss lang. Wala namang usapang may daganang magaganap.


Napasinghap ako ng kabigin niya ang batok ko saka siya umangat para muling magtagpo ang mga labi namin. Kusang pumikit ang mga mata ko, at kusang gumalaw ang aking mga labi para halikan siya. Matagal, mainit ngunit malumanay ang halik na pinagsaluhan namin.


Lumalalim ang halik ni Jumbo sa akin na para bang alam niya ang nangyayari at alam niya ang ginagawa. Sinubukan kong kumawala pero pinigilan ng malaking palad niya ang aking ulo. Sa huli ay hinayaan ko na lang siya na halikan ako, at ginanti ko rin ng kasing init ang mga halik niya sa akin.


Nangatog ang buong katawan ko sa sumunod na nangyari. Para bang nilipad na talaga ng malamig na hangin ng gabi ang lahat ng lohika sa utak ko.


Ang amo ng mga mata ni Jumbo kahit nagbabaga na iyon ngayon. Nakakabaliw ang hitsura niya. At parang karapat-dapat lang talaga na ibigay ko sa kanya ang hindi ko naibigay kay Paolo.


Pikit ang mga mata na hinayaan kong tangayin ako ng kakaibang damdamin. Dumadaloy ang mainit na kuryente sa ugat ko, malakas ang kabog ng dibdib ko at habol-habol ko ang aking paghinga.


"Ahhhh..." napa-ungol si Jumbo. Iyong tinig nya na kaysarap sa pandinig dahil husky iyon.


Hindi ko alam kung bakit napupuno rin ng init ang puso ko sa mga sandaling ito. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Nang tumigil ang halik ay pinagmasdan ko si Jumbo.


Mapungay ang mga mata niya habang nakatitig siya sa mga labi ko. Napasigok ako at sumubsob sa kanyang leeg. Lalo akong napaiyak ng maramdaman ang paghaplos niya sa likod ko.


Naibigay ko na sa kanya ang hindi ko naibigay kay Paolo, gayunpaman, wala akong pinagsisisihan. Ang lahat ng agam-agam ko ay pinapawi ng masusuyong haplos ng maiinit at malalaking palad ni Jumbo. Tila pati puso ko ay pinapakalma niya sa mga oras na ito.


Napakahigpit ng yakap niya sa akin na para bang ayaw niya akong mawala. Na po-protektahan niya ako sa kahit sino. Sa panibagong unang beses sa buhay ko, safe na safe ang pakiramdam ko.


"Wag mo akong iiwan, Jumbo ..."


@JFstories

Continue Reading

You'll Also Like

83.5M 1M 56
Aragon Series #2 : What will happen if Mr. Maniac John Dale Aragon meets Ms. Pervert Natasha Feddiengfield ?
422K 10K 24
Php 150.00 lang po. Available na rin po ito sa National Book Store nationwide. Ganoon din po sa SHOPEE at LAZADA app. May mga added scene po ito sa m...
103K 1.9K 81
Part 1 [COMPLETED] Part 2 [COMPLETED] "Nang dahil sa facebook nagsimula ang salitang tayo." An Epistolary Novel Highest Rank: #39 in Short story #27...
678K 8.9K 92
[Book 1] All of this started with an ACCIDENT! Jacob is a heartthrob, wealthy, popular, and good-looking man who only wants to be free of the girl hi...