Chapter 19
Jill's POV
"Mamaya na yang chuvaness na yan. Let's talk about our prod number on the Christmas ball."
"Maka-prod number naman teh? Ano to? Party Pilipinas o ASAP?"
"Party P 'to!"
"Hindi, ASAP kaya 'to!"
Nagtatalo pa yung mga classmates ko.
Eh hindi naman para sa Party P o ASAP ang gagawin namin.
Si Steve umupo sa tabi ni Sally, since sila nga ang magko-choreograph sa sayaw. Dun sila sa harapan nakaupo.
Hinanap ko naman si Mimi. Tamang-tama kumaway sa akin.
Umupo ako sa tabi nya.
Si Steve naman bago umupo, lumingon muna sa akin at nag-thumbs up. Tinatanong nya kung okay lang ako.
Tumango ako at nag-smile.
Mi Gash...
Hanglande ko naman..
"YIE!!!!" asar ulit ng mga classmates namin.
"Bakit ang sweet niyo today?" tanong ni Lanie kay Steve.
"Ha? Ah.. Kasi.. Kasi kanina muntik na kami mabangga ng jeep. Naisip naming maiksi lang ang buhay at dapat maging mabait sa lahat kasi hindi natin alam kung kailan huli na diba?"
"YIIIEEEE! Eh pastor fafa Steve, bakit kay Jillian ka lang sweet?! Dapat sakin na rin!" tanong naman ng partner kong atribidang si Charlie beki. Bakit sya nasa harapan? Eh magka-partner kami diba?
Teka...
Loading...
MABANGGA? MUNTIK MABANGGA?
BAKIT HINDI AKO NABA-BOTHER NA MUNTIK NA KAMI MABANGGA KANINA?
EEEHHH! NADADAIG AKO NG KILIG EH!!
Pero Thank you kay GOD hindi nya pa ako kinuha.
Si kuyang driver naman kasi ng school service ng jeep paborito daanan yung tapat ng dorm namin.
"Muntik kayong mabangga? Dongsaeng, gwaenchana? Saan masakit?"
"Wala Mimi. Nakatabi naman po kami." Tumango lang si Mi Young.
You said it again my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching their shadows burning in the dark
And I, I, I, I'm inlove..
And I, I, I, I'm terrified
"Kaninong phone ba yung tumutunog?" sigaw ni Lanie.
Hindi ko alam kung may nag-silent ng phone o sinagot ba kung tawag man yun.
Pero ako parang na-LSS na yata.
"And I, I, I, I'm inlove, And I, I, I, I'm terrified.."
"Uyyy! Si Jill. Inlove ka?" curious na tanong ni Mimi, nanlalaki pang mga mata.
"Magke-kwento ako mamaya Mi Young." Kinuha ko yung bag nya at isinubsob ang mukha ko.
Tumili ako ng kaunti!
Di ko na carry teh! Kilig much na talaga ako pag naaalala ko yung kanina!
Si Mimi naman tinitignan lang ako na parang nababaliw na 'ko.
Hinalikan nya yung kamay ko at tinitigan ako sa mata.
"Bespren, Jillian. I Love You.."
Sya namang tugtog ng Terrified na yan na kinalaunan ay napag-alaman naming galing sa jeep na dadaan.
Magkatitig parin kaming dalawa.
Grabe speechless ako nang biglang...
"Hoy boy! Tumabi nga kayo ng gelpren mo! Masasagasaan na kayo sa ka-sweetan nyo eh!"
Tumakbo naman kami papunta sa gilid.
Saka lang ako parang nakabawi.
Tawa tuloy ako ng tawa.
Astig kasi ng joke nya eh.
Bago dumating yung jeep, over na yung feeling ko eh.
Ang sikip ng paghinga ko, parang gusto kong tumili..
Parang may butterflies sa stomach ko, parang ipis na nga eh..
Kinikilabutan rin ako, pero iba 'to.
Sama-sama yung mga feelings na yan,
Ang sarap sa pakiramdam.
Sobrang saya, para akong nililipad.
"Alam kong nakakarami na ako, pero ayaw mo kasing maniwala eh." Hindi ko sya maintindihan.
Kaya laking gulat ko ng halikan nya ako sa pisngi.
I was really shocked.
Parang nawalan ako ng ulirat ng ilang segundo.
"Jillian! Gising! Hindi 'to panaginip."
I looked at him.
His eyes was so super, duper sincere.
"I Love You Jill. More than a bestfriend. Neoreul teugbyeolhaeyo. Saranghamnida, bepu-ya."
"Ansabe? Talaga lang ha.." Sa totoo lang, ayaw pa mag-sink in eh!
Tumango lang sya.
Naglakad kami ng magka-holding hands. Ako ang kumuha ng kamay nya.
Gusto ko malaman kung may nagbago ba.
Inakbayan nya rin ako.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Nagpa-palpitate ba ako?
Hay.. Iba talaga pag inlababo..
Eeeek! WRONG!
Hindi pa ako sure..
"Earth calling Tere! Earth calling Tere! Ay ang tagal mag-connecting!"
Parang na-snap back of reality naman ako.
"Maka-Tere ka naman Mimi!" sigaw ko sa kanya.
Teka? Kanina katabi ko lang yun si Mimi ah? Ngayon kasama na si Dylan?
Sila kasi ang partners eh.
Tinignan ko naman lahat ng classmates namin. Lahat sila naka-pwesto na sa baba. Kaharap ang partners.
"Uy! Nagising na ang prinsesa mo Edward!"
"AYIEEEEE!" asar na naman ng mga classmates namin. Napakamot nalang si Steve sa batok niya habang nakangiti sa akin. Tss. Puro sila Ayie..
Weh? Kilig naman ako?!!
Nagmadali akong bumaba papunta kay Charlie.
Nakapameywang sya.
"Sorry ateng, nagde-daydream lang."
Pumwesto na rin kami.
Habang nagtuturo sina Steve at sally ng steps para sa first verse, nagdadaldalan rin kami.
"Shunge! Ako ang hawakan mo sa bewang! Sino ba lalaki rito?"
"Jillian! Hindi ako boylet! I am a woman trapped in a man's body!"
"Oo na woman in a man's body! Magpakalalaki ka nalang muna! Pwede?" ayaw kasi nito ni Charlie humawak sa bewang ko. Ako raw ang humawak sa bewang niya! Hahahaha :P
"Hindi ko keri to ate! Mas lalaki ka sakin eh! Ako ang gurl sa atin!"
"Tigilan mo ako Charlie ha! Ako ang tunay na babae rito. Saka hindi ako tibo ano! May love life rin ako!"
Tinitigan nya ako. Nagdadadada kami habang sumusunod sa turo nina Sally at Steve.
"Ang laki ng mata mo! Wag mo ko tignan ng ganyan!"
"Jill? Luma-love life te? Ay!! Kanino? Kay Papa Steve talaga?"
Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sa iba naming classmate.
"Haliparot! Akin yan si Fafa Steve eh!"
"Bakit? Sayo ba nanghihingi ng chance?"
"Hindi!"
"Edi hindi sayo!"
"Tse! Eh bakit sayo nanghihingi ba?"
"Oo."
"Sasagugtin mo naman ba?"
"Iniisip ko pa nga lang kung papayagan ko manligaw eh."
"Ay? Pa-virgin? First time may manliligaw? Bakit pag-iisipan pa?!"
"Sira! Oo noh! Pero hindi naman sya ang unang nanligaw sakin. May mga naging bf na ko noon."
"Eh bakit nag-iinarte ka pa?"
"Te, magbestfriend kami. Baka masira lang ang friendship namin kung maging kami man tapos maghihiwalay rin."
"True to the word! Pero lahat naman ng relationship minsan nagkaka-problema! Mahal mo ba?"
Hindi ako sumagot. Nag-sigh naman sya.
"Your heartbeat speeds up when he's there..
You got jealous when he talks to other girls..
You think of him all the time, o di kaya, most of the time..
Kinikilig ka sa mga sinasabi nya, kahit simple lang..
You feel butterflies in your stomach..
You feel creeped up but it feels good at the same time.." pagkahaba-habang explanation ni Charlie.
"Baka infatuation lang to bakla.."
"Aba ewan ko sayo."
"Thanks. You're such a big help.. Pero di nga. Pano pag ikaw, pano mo nalalaman na inlove ka?"
"Pag willing ako i-risk ang situation ma-try lang ang relationship with someone. Aba, once in a blue moon lang yun! Malay mo worth it pala! Eh di go! Diba?"
"Baka masaktan lang namin ang isa't-isa.."
"You'll never know unless you try.."
"Uhh. Ang hirap naman eh.."
"Are you willing to risk the friendship?"
"Dati hindi.."
Sigurado akong hindi ko talaga kaya dati.
Dati talaga hindi.
"Ngayon willing na ako."
"Then you're ready." Charlie smiled as he said that to me.
_________________________________________________________________________________
Mi Young's POV
"So papayag ka ba?" I'm here on Jillian's room. Nagku-kwentuhan kami. Nakakakilig nga yung ginawa sa kanya ni bespren Steve nya eh. Kanina pa kami talon ng talon sa kama nya.
Ako kaya? Kailan kaya magkaka-love life?
Lapit na pasko eh!
"Ewan ko rin Mimi."
"Sabi ni Charlie payagan mo na raw diba?" sabi ko habang pinupulot yung mga buhok ng walis tambo sa ibaba ng kama nya.
"Papayag? Hindi? Papayag? Hindi?"
"Balak mo ba ubusin yung hair ng tambo? Kawawa naman!" sermon ko sa kanya habang hinahablot sa kanya yung tambo.
Si Jill kasi! Nilalagas yung tambo! Ako naman ang taga-pulot!
Ginulu-gulo naman nya ang buhok nya.
"Alam mo Jill, alam mo naman talaga sagot sa tanong na yan eh!"
"Alam ko. Kailangan lang talaga pag-isipan lahat ng decision ng hundred times para walang pagsisihan. Sige Mimi, baba lang ako sa kitchen. Gusto mo rin ng gatas?"
"Sige, kunin ko lang sa kwarto ko yung unan ko." Lumabas na kami sa room nya.
"Mag-share nalang kaya tayo ng kwarto? Nasasanay na rin ako may katabi eh."
"Gusto ko rin kaso, maliit naman yung rooms para sa tatlong tao. Unfair naman kung ako lang kasama mo tapos si Sally hindi. Baka magkaroon sya ng maling pag-intindi."
"Sabagay. Sige baba na ako."
Tumalikod na sya papunta sa stairs.
"Jillian.."
"Oh?" lumingon sya.
"Payagan mo na." nag-'Hwaiting sign' pa ako. AJA!
Ngumiti lang sya at naglakad pababa.