My Weirdest Valentine

By GleeviAustere

41 4 25

This story will have an unfinished version in my first account @AoiFerocious . I can't open that account that... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7

Chapter 8

2 0 0
By GleeviAustere

Eto na yung update dapat sa dati kong account so yeah, enjoyyyy!!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Days passed and ganoon pa rin ang routine nila, pero ngayong araw ay wala silang prof. Kaya naman nasa usual tamabay spot ang apat na magkakaibigan habang naglalaro ng ML sa kanilang mobile phones.

"Gago! Push na!" Sigaw ni Rick.

"Ikaw ipush ko diyan eh, may dalawang naatake sa tore sa top! Saint, samahan mo ko." sabi naman ni Wendell habang gigil na pinipindot ang screen ng cellphone nito.

"Bobo ng kalaban ampota!" hiyaw naman ni Harry.

"Tanga, 'wag ka nang mang trashtalk." Natatawang saway ni saint kay Harry.

Ito kasi ang mahilig mang trashtalk sa kanila. Minsan nga ay pati kakampi nito ay tinatrashtalk din nito.

Nagpatuloy lamang sila sa pagpipindot ng kanilang mobile phones, nagtatawanan at nag mumurahan. Kaya naman hindi napansin ni Saint ang pagdating ni Valentine.

Dahan-dahang dumukwang si Valentine sa tainga si Saint at biglang sumigaw.

"PORN BA 'YAN?!!!" gulat na napalingon si Saint kay Valentine. Ngunit ang tatlong ugok ay patuloy lang sa pagdutdot sa kanilang mga cellphones.

"Mukha ba 'tong porn? Oi Saint, push na ampota mamaya ka na lumandi" sabi ni Rick.

"Eto na, eto na." Sagot naman nito at tahimik na nagpipindot.

Unlike his three friends, hindi maingay mag laro si Saint. Pero pag nagsosolo siya ay nangtatrashtalk din ito.

Hindi na muling tinapunan ng tingin ni Saint at ng iba pa si Valentine. Nagpatuloy lamang ang mga ito sa pagdudutdot ng telepono. Kaya naman napanguso si Valentine.

Maya-maya na lamang ay may naramdaman si Saint na brasong pumulupot sa kaniyang baywang. Nalanghap na naman niya ang mabangong amoy nito. Natigilan siya saglit at nanigas dahil sa gulat. Hindi niya alam kung iiwas ba siya o pababayaan na lang ito at mag busy-busy-han sa paglalaro. Naramdaman na naman niya ang tiyan niyang tila kinikiliti ng mga bulate.

Naka-upo si Valentine sa gilid niya pero ang katawan nito ay nakaharap sa kaniya. Ang Braso nito ay Nakapulupot sa baywang niya at ang ulo ay nakahilig sa kanang bahagi niya.

Hindi na siya makapag focus sa laro nila. Ngunit lalo lamang siyang nayanig nang inilapit nito ang bibig sa kaniyang tainga at huminga. Tila nangisay ang buo niyang katawan dahil dito.

"Hubby, I feel so neglected. Notice me please." nagtatampong bulong nito sa kaniyang tainga at isiniksik ang mukha sa kaniyang leeg.

Nagsitayuan ang mga balahibo niya sa batok dahil nararamdaman niya ang hininga nito sa kaniyang leeg. Napamura na lamang siya sa kaniyang isipan at pinipilit na mag concentrate sa laro.

Ibinuhos na lamang niya ang mga nararamdaman sa pag dutdot sa kaniyang cellphone. Kung ano-anong skill na lamang ang napipindot niya.

"Oi pota Saint! Bakit ka ng SS sa minion?!HAHAHAHA" rinig niyang kantyaw ni Harry.

Nagtawanan din ang dalawa pa dahil sa katangahan niya. Nahihiya siya ngunit hindi na lamang siya nagsalita. Bahala na kung naong mapindot niya sa cellphone niya, hindi niya maitatanggi na nag eenjoy siya sa pag yakap sa kaniya nito.

Hanggang sa matapos siya sa laro ay hindi umalis si Valentine sa pagkakayakap sa kaniya.

"Victory!" Sigaw ni Wendel matapos ang laro.

"Woohh bobo kalaban! Hahaha." kantyaw naman ni Rick sa cellphone nito.

Nang umangat ang tingin ni Harry sa kanila ay bigla itong humagalpak ng tawa.

"Kaya naman pala nag SS sa minion ay may nandidistract. Hahahahah!" Dahil sa kumentong iyon ni Harry ay inasar na din siya ng dalawa. Nag-init tuloy ang kaniyag pisngi.

"Val! Bitawan mo yung kaibigan namin. Puputok na ata 'yan sa kilig. HAHAHAHA" Muling kantyaw ni Harry. Binigyan niya lamang ito ng dirty finger at nag dirty finger din ito pabalik.

"Valentine." Tawag niya dito sabay tapik ng mahina sa braso nitong naka pulupot sa kaniyang tiyan.

"Hmm?" Umangat ito ng tingin sa kaniya nang hindi inaalis ang pagkakayakap sa baywang niya. Nagkatinginan sila at ilang sentimetro na lamang ang agwat ng mukha nila. Kung sa malayo ay aakalaing mag jowa sila nag p-PDA.

"Ang sweet ampota, sana all!" rinig niyang kantyaw ni Wendel. Naririnig din niyang inaasar siya ng mga ito ngunit nag bibingi-bingihan na lamang siya.

"Tapos na kami mag laro." Mahinang sabi niya habang bahagyang hinahawakan ang braso ni Valentine na nakayakap sa kaniya. Bahagya niya ding inilayo ang kaniyang mukha dahil baka mapansin nitong namumula siya.

"Hubby, date tayo." Biglang sabi nito at isiniksik muli ang mukha sa kaniyang leeg.

"Santino, date daw oh!" sabat naman ni Rick. Nag ayie naman ang dalawa pa dahil dito.

"Busy ako." simpleng sabi niya dito. Ayaw na niya ang makipag date, wala na siyang gana para sa mga date na ganiyan. Mas gusto niya pang magmukmok sa bahay, kaysa ang makipag date.

"Dali na, please." Hinigpitan pa nito ang yakap sa kanya. Pinagtitinginan na sila ng iba kaya naman dahan-dahan siyang kumakalas kay Valentine. Pero ang babae, mas hinigpitan pa ang yakap.

"Valentine, bitaw ka muna. Masabihan pa tayong PDA." Mahinang saway niya.

"Date muna." tila batang sabi nito.

"Hindi nga pwede at busy ako." pangangatwiran naman niya. Well, busy naman kasi siya sa weekdays at week ends.

"Kahit sa linggo lang please." Bumitaw na sa kanya ito ngunit nakadikit pa rin ang katawan nito sa kanya.

"Busy din ako." Busy siya, kasi mag lalaba siya sa linggo.

"Ihh! Dali na kasiii." tila bata na apela nito. Kumikisay-kisay pa ito na parang nagt-tantrums.

"Hindi nga kasi pwede." Pangangatwiran niya.

"I-date mo na kasi pare. Para date lang hindi mapagbigyan." Anang Wendel

"Oo nga pare, ikaw na ang niyayaya oh! Mahiya ka naman sa babae." dagdag pa ni Rick.

"Ah alam ko na!" Biglang sabi ni Harry. Kaya naman napatingin ang lahat sa kaniya.

"Anong alam mo na?" tanong ni Rick.

"Ganito na lang Saint at Valentine. Maglaro na lang kayo, pag si Val ang nanalo edi mag d-date kayo. Kapag ikaw naman Saint, hindi kayo mag d-date." Paliwanag nito. Sumang-ayon sina Rick at Wendel sa ideya nito.

"Okay game ako!" masayang sabi ni Valentine at itinaas pa ang kamay.

"What game?" tanong naman niya.

"Mobile Legends." Sagot ng tatlong kaibigan niya nang sabay-sabay.

"Game!"Sigaw uli ni Valentine.

"Nope." pagtanggi niya.

"Ano ba 'yan Saint. Ang KJ mo naman! Bro, ikaw na nga itong hinahainan na ang date, tapos ikaw pa itong tatanggi." Nangangantyaw na sabi ni Rick.

"Oo nga hubby, dali na kasi." pagdagdag naman ni Valentine na nagp-puppy eyes na sa kanya.

"Hindi ba't magaling ka naman mag-laro Saint? Bakit ka pa matatakot na laruin iyon? Baka nga manalo ka pa sa laro niyo diba." Sabi naman ni Harry.

"Kung gusto mo hubby, 4 againts 1 pa. Kayong apat na magkakaibigan kampi tas magisa lang ako." Sabi naman ni Valentine.

"Wag naman ganoon, 3 againts 2 na lang. Si Rick at Wendel kakampi mo tapos kami ni Val. Mas malakas kayo, tatlo kayong mythic." Pagnenegosasyon pa ni Harry. Sang-ayon naman si Rick at Wendel pati na si Valentine.

Kinumbinsi pa siya ng kinumbinsi ng mga ito, gini-guilt trip pa siya ni Harry at Valentine kaya naman um-oo na lang siya.

"Oo na, sige na nga!" napipilitan niyang sabi.

"Iyoooown!!" Sabay-sabay na sigaw ng apat.

"Sige na, sige na start na." excited na sabi ni Harry.

"Teka, naglalaro ka ba ng ML Valentine?" Biglang tanong ni Rick habang naglalabas ng cellphone si Valentine. Oo nga, hindi muna nila iyon naisip. Pero game na game ang babae kanina.

"Oo, kaso last week pa lang ako nag start." simpleng sabi nito.

"O edi, lamang na si Saint niyan." Sabi ni Wendel.

"Hayaan niyo na! Hahahaha." simpleng sabi ni Valentine na parang wala lang sa kaniya

"Custom ha, custom." Sabi ni Harry sa kanila.

Ha, ang lakas maghamon. Kakasimula lang naman pala maglaro. Sure win na ako dito. Pag iisip ni Saint.

Pangiti-ngiti lang si Valentine habang iniinvite siya ni Harry. Maka-ilang pindot pa ay nag start na ang laro.

Dalawa lang talaga sila ni Harry at tatlo sila sa team niya. Ni hindi na nagdagdag ng computer player sina Valentine para man lang ay patas.

Tahimik silang lahat habang naglalaro, nagbubulungan lamang si Valentine at Harry para siguro turuan ito. Ngunit, sobrang lapit naman ata ng mukha ng dalawa sa isa't isa. Parang biglang siyang nairita sa kaniyang nakita.

Kaya naman nang si Harry ang nakalaban niya ay pinanggigilan niya itong patayin. Napapahiyaw sila kapag napapatay niya si Harry. Pero ang lintik na Harry ay tatawa-tawa lang at ayaw pa ring dumistansiya man lang kay Valentine.

Maya-maya na lang ay biglang nabawas ng malaki ang HP niya dahil kay Valentine. Sinubukan niyang tumakas nang biglang mag SS ito.

"OOOOOHHHHH!!!" Sigawan ng apat. Napatingin siya sa dalawa niyang kakampi na nakiki-cheer kay Valentine.

Binalibag niya ng bagsak ang cellphone habang hinihintay na ma-revive siya. Nagtawanan sila nang makita iyon. Gigil na siya pero hindi siya nagsasalita.

Pinanood niya kung paano mag-laro si Valentine at nagulat siya nang mabilis lamang nitong napatay si Wendel. Ni walang tulong ni Harry ito dahil ang katapat ni Harry ay si Rick.

Nang ma-revive siya ay nag farm muna siya pagtapos ay si Harry na naman ang pinuntirya. Nang malapit na niyang mapatay si Harry ay bigla itong nakatakas sabay balik sa base.

Nagpatuloy lamang sila ng laban. Salitan lang ang pagkamatay ng mga avatars nila. Pero pinaka-maraming kills ang kay Valentine.

Palagi niyang nad-double kill si Wendel at Rick. Tatlong beses lamang ito namatay at siya ang may pinaka-maraming gold.

Napapamura na lamang sina Wendel at Rick palagi samantalang tawa ng tawa si Valentine kapag nakakapatay.

Maya-maya pa, napatay nina Valentine ang Lord.

"Putangina! Bilis sugod-sugod." Sigaw ni Rick.

Tig tatlong tore na lang ang naiwan sa kanila. Tatlo kina Harry at tatlo sa kanila. Agad silang sumugod sa Lord nang biglang,

"WIPED OUT!"

"PUTANGINAAAA!!"

"AAAAHHH!!!"

"Shit!"

Sabay-sabay na sigaw nilang tatlo nang bigla silang mapatay nina Valentine at Harry.

"Hahahahaha, panalo na kami!" Nagagalak na sigaw ni Harry habang si Valentine ay nakangising tiningnan siya.

Hinayaan na nilang ang Lord at mga minnions and sumira sa base nila. Ni hindi na dumutdot pa sa cellphone niya si Valentine. Nag-unat ito ng braso at leeg saka siya nginisian at kinindatan.

"DEFEAT!"

Kikiligin na sana siya nang marealize niya na talo sila. Napatingin siya sa screen ng cellphone niya at nakalagay doon ang word na 'DEFEAT'. Paanong nangyaring dalawa lamang sila, tapos last week lamang naglaro si Valentine ng ML at natalo silang tatlo na mythic na.

Nakaawang ang labi niyang tiningnan si Valentine na matamis siyang nginitian. Si Harry naman ay yinayabangan sina Wendel at Rick sa gilid. Masayang tumayo si Valentine ay lumipat sa tabi niya at niyakap ang braso niya.

"Yey! May date tayo!Hihi!"

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------<3

Sana nagustuhan niyo itong update, comment or vote naman kayo diyan para ma idedicate ko sainyo yung mga susunod na chapters.

Sakit na ng likod sa pag tatype kaloka. Buo na talaga story nito sa utak ko, sadyang tamad lang ako mag type asaka madaling sumakit likod ko pag naglalaptop so yah.

Stay Safe and have a Nice Day

Gleivia<3 

Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...