My Weirdest Valentine

By GleeviAustere

41 4 25

This story will have an unfinished version in my first account @AoiFerocious . I can't open that account that... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8

Chapter 6

3 0 0
By GleeviAustere

Mag aalas-diyes na ng umaga nang makadating si Saint sa dance room ng university. Dapat ay 9:30 talaga ang call time nila pero syempre walang pumupunta ng eksaktong call time talaga.

He wore a gray sweat pants and a black body-fit shirt, he also wore Nike air max 270 na black. He carried a back pack which contain a set of extra clothes along with a tumbler and face towel. Just the usual essentials for dance practice.

Three weeks from now ay foundation day ng kanilang university. At bilang isa sa mga university dance troupe sila, they were ordered to be one of the performers for the foundation day.

Nang makadating siya sa dance room ay puro freshman na member palang nila ang nandoon. Ganyan din siya noon nang nagsisimula pa lamang siya. Palaging maaga at on time. Pero ngayong junior year niya ay nagpapalate na din siya.

Binati siya ng mga ito at siya naman ay nag start nang mag warm up. They are a total of 16 members, all male. 4 seniors,6 juniors, 3 sophomores, and 3 freshies. They were originally 19 but the 3 seniors retired early para mag focus na sa studies dahil graduationg. They were all from criminology course.

Medyo sikat sila sa university dahil karamihan sa members nila ay mga good looking. May fan base din sila sa loob ng universisty. Maririnig ang titlian palagi kapag nag peperform ang grupo nila. Supportado din sila ng mga estudyante dahil isa sila ang pambato ng school sa mga competitions.

Mga 11:40 sila nakumpleto kaya naman nag start na silang mag practice. Their song was Abusadamente remix, their choreographer Eljo and Bran made the choreo beforehand para deretsong practice na sila ng sayaw.

Wala masyadong flips sa routine nila since production number lang naman ito para sa foundation day.

After 4 hours of practice, they had a 30 minute break. Some of them went outside to buy food and drinks, while he gets his tumbler inside his bag. He sat down the floor while wiping his face with a towel.

He lifted up his shirt that shows his not so buff abs, he has 6 pack abs na produkto ng halos anim na taon niyang pagsasayaw. Then he rested the towel in his head, covering his face. He motioned his shirt up and down na parang pinapaypayan ang dibdib at tiyan niyang exposed.

Magpapahinga muna siya bago lumabas at bumili ng pagkain, buti na lamang at dinagdagan ng nanay niya ang baon. Lagi kasing dinodoble nito ang baon kapag may dance practice sila para makabili ng maraming pagkain ang anak. Siyempre, nakakapagod at nakakagutom ang pagsasayaw kaya naman tinataasan nito ang baon nito.

Thankful din ang ina niya sa pagsasayaw ng kaniyang anak, dahil dito ay nabawasan ng kalahati ang tuition nito. Ang University kasi na napasukan niya ay nagbibigay ng discount sa mga miyembro ng dance troupe, glee club, athletes, at kung ano-ano pang clubs that involves talent.

Habang nagpapahinga siya at nakikinig sa malakas na music mula sa speaker ay may biglang tumama sa paa niya na mabigat na bagay. Napa-aray siya ng mahina at tinanggal ang nakataklob na towel sa mukha niya.

Pag kita niya sa paanan ay may gumulong na malaking bote ng gatorade at isang pares ng paa. Nang tumingala siya sa may ari ng paa ay nakita niya ang naka-awang na bibig na si Valentine. Naka uniporme ito at may hawak na paper bag.

Titig na titig ito sa kanya or rather sa tiyan niyang exposed. Medyo nailang siya sa pag titig ng babae sa abs niya, kaya naman binababa niya agad ang t-shirt, kaya naman biglang umapela ito.

"Hubby naman! Bakit mo binababa?! Nag eenjoy pa kong titigan ang iyong hot bodeh." nakangusong pag rereklamo nito. Nagpapadyak pa ito ng kaliwang paa

Umayos naman ng upo si Saint at sininamaan ng tingin ang babae.

"Bakit ka nandito?" Pinulot ni Valentine ang gumulong na Gatorade at iniabot iyon sa kanya.

"Para saan ito?" tiningnan lamang niya ang Gatorade at hindi inaabot.

"I bought it for you. Para 'di ka ma-dehydrate." 'di pa rin inaabot ni Saint ang bote.

"I have water." sagot niya.

"Yaan mo na, para sosyal 'di ba?" at nginitian siya nito. Inabot na lamang niya ang inumin and said his thanks, para hindi na sila mag talo. Siguradong may rebuttal na naman ito kapag kinontra niya pa ito.

"Bakit ka nga andito?"Pag ulit niya muli sa tanong.

Umupo na ito sa tabi niya at binuksan ang paper bag na dala nito.

"i texted uya Bran and asked if break time niyo na. Saktong labasan na ng last class ko for today. So, pumunta na ako dito and I brought food!" Oo nga pala at pinsan nito si Bran kaya alam niya ang schedule ng practice nila.

Pinanood niya lamang ito na linalabas ang dalawang tupperware mula sa loob nito. Binuksan nito isa-isa ang lalagyan. Sa unang tupperware ay may lamang lasagna, ang isa ay may lamang garlic bread at dalawang maliit na chocolate cupcake.

Kumuha din ito ng dalawang disposable fork mula sa paper bag at iniabot ang isa sa kanya. Wala sa isip niyang kinuha ang tinidor at tiningnan lamang ito.

"Eat up, I've prepared all of these for you. Nagpakahirap akong lutuin 'yan!" masiglang sabi sa kanya ni Valentine at tila proud na proud sa niluto.

"Thanks but no thanks, you don't have to do that. May pera naman akong pambili ng pagkain. It's not that boyfriend mo 'ko para paghandaan ng pagkain" malamig niyang sabi.

Tinitigan lang siya ni Valentine nang walang emosyon hanggang sa dumilim na ang mukha nito. Pinulot nito ang takip ng tupperware at padabog na tinakpan ang mga tupperware.

Hinablot din nito ang tinidor na hawak niya padabog ding inilagay pabalik sa paper bag. Padaskal nitong inilagay sa loob ang mga tupperware at hindi man lang inisip kung matatapon ba ang laman nito.

Mabilis itong tumayo at halos tinakbo na ang palabas ng dance room. Ang iilan na freshmen na nasa loob ng dance room ay napatingin dito. Nanunubig na pala ang mga nito at sumisinghot-singhot na ito.

Sakto namang lalabas na ito sa pintuan ay nakasalubong nito ang pinsang si Bran. Hinawakan nito ang pinsan sa braso at itinanong kung anong nangyari. Bigla itong ngumawa at itinuro ang direksyon niya.

"Uya! Si Saint kasi!" ngumawa uli ito pagtapos ay kumalas na sa hawak ng pinsan at tumakbo palabas. Bran apologetically looked at him at lumapit sa kanya.

"Pre, pagpasensyahan mo na yung pinsan kong iyon. Moody kasi at medyo sensitive ever since." Nagkamot pa ito ng ulo. Ganoon na talaga ang pinsang niyang iyon kaya kahit simpleng salita lang ay iiyak na ito.

"Wala ka namang masamang ginawa diba?" Bran's voice shifted from apologetic to serious.

"Tinanggihan ko lang yung pagkain na inalok niya. I didn't do anything wrong." he plainly said but deep inside, he was guilty of making Valentine cry.

Kaya naman tumayo siya at lumabas ng dance room habang dala ang Gatorade. He will apologize to Valentine, he realized na nag effort ito para sa kanya.

Hindi siya mahilig manuyo, that is fact. Hindi siya marunong at hindi din niya gusto ang nanunuyo. Kaya siguro din siya ipinagpalit ni Diana noon ay dahil never niya itong sinuyo kapag nagta-tantrums ito. Tipong nagtatampo nang walang rason.

He doesn't like dealing with this kind of shits. Ayaw na ayaw niya ang nanunuyo lalo na kapag nag iinarte lang naman.

He doesn't get why girls do that, tipong simpleng bagay lang palalakihin nila tapos mag tatampo sila tapos kailangan mo pang suyuin. It's just a pain in the ass, really.

Pero eto siya ngayon, tumatakbo at hinahagilap si Valentine para suyuin. Well, hindi naman niya talaga susuyuin ito kundi mags-sorry lang siya. Atleast that's what he wants to think.

Luminga-linga siya sa paligid at doon, nakita niya si Valentine sa usual kainan ng mga estudyante. Nilalantakan nito ang garlic bread habang umiiyak, nagtitinginan ang mga tao dito dahil medyo may kalakasan ang pag ngawa nito . Pero wala itong pakialam sa paligid at pinagpatuloy ang pag nguya.

Hindi niya alam kung matatawa o maaawa ba siya dahil itsura nito. Kinusot-kusot pa nito ang mata gamit ang braso at nasinok-sinok pa. Naghahanap ito ng maiinom pero naalala nito na binigay niya ang Gatorade kay Saint kaya lalo itong ngumawa.

"Waaaaahhh"

Mabilis na naglakad si Saint papunta sa inuupuan ng babae. Pinatong niya ang Gatorade sa mesa at umupo sa tabi nito. Napatingin ito sa kanya habang ngumunguya pa rin. Hindi nagsalita si Saint, kinuha nito ang lasagna pati ang disposable fork at sinimulang lantakan.

Malalaki ang subo nito sa lasagna, habang si Valentine ay nakamasid lamang sa kanya. Hindi ito nag salita, tumigil na din ito kakaiyak at pinanood na lang siya. Nang maubos na niya ito ay kinuha niya ang Gatorade at tinungga ito. Pagtapos mangalahati ng inumin ay tinakpan na niya ito.

"Salamat sa lasagna." Binababa na niya sa lamesa ang inumin.

*Buurrp*

"Excuse me" nahihiyang sabi ni Saint.

Ang kaninang malungkot na Valentine ay bigla na lamang tumawa. Napangiti siya dito nang makitang masaya na muli ito.

"Masarap?" mahinang tanong nito sa kanya. Tumango lamang siya at uminom mula sa bote. Masarap naman talaga ang lasagna na ginawa nito.

Valentine once again rubbed her eyes with her arm and smiled. Pero biglang kumunot ang mukha nito at may kinuha sa kaniyang bag. Nilabas nito ang pack ng tissue, akala niya ay ipapahid nito ang tissue sa sarili. Pero inilapit nito ang kamay sa labi niya at pinunasan ito.

Sa sobrang bilis pala ng pag kain niya ng lasagna ay may mga sauce na naiwan sa gilid ng labi niya. Doon din lang niya napansin ang mga bandages sa daliri ni Valentine. Kinuha niya ang kamay nito at kunot noong tiningnan si Valentine.

"Nahiwa ka?" wala namang dapat hiwain sa pag gawa ng lasagna kaya nagtataka siya kung bakit may bandages ito.

Binawi nito ang kamay atsaka umiling at ngumiti sa kanya.

"Masyado kasi akong naexcite nang ma-bake na yung lasagna. Kaya noong ilalabas ko na sa oven ay nalimutan kong maglagay ng mittens. Kaya ayun, napaso tuloy ako teehee!" Dumila at nag peace sign

"Crazy girl." Natatawa niyang sabi at ginulo ang buhok nito. Pero sumeryoso din siya nanag maalala niya ang mukha nitong umiiyak kanina.

"Valentine, I'm sorry for making you cry earlier. At salamat sa pag effort mo sa pagluluto, napaso ka pa tuloy." He said while looking at Valentine.

"Okay na 'yon hubby! Nakain mo naman lahat eh kaya bati na tayo." she flashed her childish smile at him. Then, kinuha niya ang chocolate cupcake at akmang isusubo sa kanya.

"Uh, I'm allergic to chocolates." ngiwi niyang sabi habang nakamuwestrang isusubo ni Valentine ang cupcake sa bibig niya.

"Is that so?" malungkot na sabi nito at ibinalik sa container ang cupcake. Pero bigla din itong sumaya kaya naman nag taka siya.

"May bago na akong alam tungkol sa'yo hubby! Nag p-progress na din ang realtionship natin." masiglang sabi nito at pumalakpak pa.

Napangiti na lamang siya dahil sa sinabi nito. Weirdo talaga ang babaeng ito, kanina ay ang lakas ngumawa at napaka sensitive. Pero ngayon ay kahit na malungkot ito ay nakakahanap ito ng positive sa sinabi niya.

Napa tingin siya sa oras at nakitang patapos na ang 30 minutes break nila. Binalingan niya ng tingin si Valentine na ngayon ay masayang iniinom ang Gatorade na ininuman na niya.

"Indirect kiss." rinig niyang bulong ni Valentines matapos maubos ang inumin.

'Nahalikan mo na nga ako sa labi eh.' napangisi na lamang siya sa naalala.

"Babalik na ako sa practice." pagpapaalam niya at tumayo na.

"Sama, hubby." at nagmamadali na nitong niligpit ang pinagkainan nila at humabol sa kanya.

"Bawal doon manood." ang totoo niyan ay nahihiya siyang panoorin nito. Sanay naman siyang napapanood na sumayaw siyempre, pero iba kasi tumingin itong si Valentine kapag nanonood.

"Papayagan ako ni uya Bran no." naglakad na sila papunta sa dance room. Para itong bata dahil sa tawag nito kay Bran. Kulang ng k ang kuya nito at naging uya.

"bawal ka nga doon, maiistorbo mo lang kami." pagbabawal nito.

"Pwede ngaaa ih." tila batang pilit nito kaya natawa siya. Pagtapos ay kumabit na ito sa braso niya at hindi niya na pinigilan 'to at naglakad na lamang.

Nang makarating sila sa dance room ay nakahanda na ang lahat para mag practice muli. Napatingin ang lahat sa kanila, ang mga ka batch niya ay mapang asar siyang tiningnan, ang iba ay sumisipol pa.Samantalang nagulat naman si Bran nang makita sila.

"Oh Valine, bakit ka nandito?" tumakbo si Valentine sa pinsan at niyakap ito. Hinawakan naman ito ni Bran sa ulo. Normal na sa kanila iyon dahil close lahat silang mag pinsan kay Valentine ,dahil napaka caring at sweet nito sa lahat.

"Uya, wala na kong klase. Pwedeng manood sa practice niyo?" nag puppy eyes pa ito sa pinsan." Nag puppy eyes pa ito, na kahinaan nilang lahat na magpamilya. Kapag nag puppy eyes na ito ay hindi ka na talaga makaka tanggi.

"Hays, sige pero behave ka lang. Umupo ka doon at manood lang." Itiniro ni Bran sa dulo ng dance room kung saan nandoon ang mga gamit nila.

Magiliw itong tumango at tumakbo papunta sa dulo at umupo. Para itong kindergarten na attentive na pinapanood ang nasa harap. Naka ngiti pa ito habang ginagalaw ang ulo pakilawa at kanan.

Pumapalpak na si Eljo at sinabing "Positions." Pumusisyon na sila sa kanilang formation at pinatugtog na ang speaker.

While they are practicing, Valentine bobs her head to the tune of the music. Minsan pa ay pumapalakpak ito kapag naa-amaze sa moves na ginagawa nila. Chini-cheer din nito ang pinsan at ibang kagrupo niya.

Nang ang routine ay siya ang nasa gitna at mag sosolo ng ilang dance steps ay napalakas ang palakpak ni Valentine.

"Go hubby! Asawa ko yan! O my gosh, notice me hubby!" Tila kinikilig pa ito habang sumisigaw.

Bigla tuloy siyang namula at nahiya habang sumasayaw. Ang mga ka grupo naman niya ay natatawa dahil sa kabaliwan ni Valentine. Ang iba ay inaasar siya at sumisipol habang pinagpapatuloy pa rin ang pag sasayaw.

"Kurt, pumantay ka kay Gil! Tawa ba naman ng tawa, ayusin aba! Mamaya niyo na asarin si Saint." Saway ni Bran, hindi naman ito galit pero medyo strict ang tono nito. Medyo pagod na din kasi ito.

Tumahimik na ang mga ito pero may mga mapang asar paring ngiti sa labi. Si Saint naman ay pilit na tinatago ang emosyon at pinagpatuloy ang pagsasayaw. Ayaw niyang ipahalata, pero medyo kinilig siya sa pag cheer sa kanya ni Valentine.

Ni minsan kasi ay hindi bumisita man lang si Diana sa dance practice nito. Nagagalit pa ito kapag nakakatulugan niya ng maaga, dahil nga pagod siya sa practice. Hindi siya nito pinapanood sa mga competition, busy din kasi ito sa cheer dance practice nito. Cheer leader kasi ito ng university.

Samantalang siya ay nagpagawa pa ng banner noong cheer dance competition nito. Pinagalitan pa siya dahil nakakahiya daw.

The last 2 hours ay nag practice lamang sila at si Valentine ay patuloy pa rin sa ginagawa nito.

"Okay guys, let's wrap it up! Sa sabado na uli ang practice, same time and same place." Pag sabi ni Eljo na main choreographer slash leader nila.

Uminom muna siya ng tubig at nag punas ng pawis bago inilabas ang spare t-shirt mula sa bag.

Nag paalam na ang iba nilang kagrupo at uunti-unting nag uwian na.

"Valine, mag ingat ka sa pag byahe. May dadaanan pa kasi ako, kaya 'di ako makakasabay." Rinig niyang paalam ni Bran kay Valentine.

"Sure uya, kaya ko nang mag-isa. I'm a strong independent woman na."

"Sige mauna na ko, bye." niyakap nito si Valentine at ginulo at hinawakan ang ulo nito.

"Bye uya, ingat!" at kumaway na ito sa paalis na Bran.

Naghubad na si Saint ng damit at naramdaman niyang lumapit si Valentine sa kanya. Kaya mabilis niyang mag bihis dahil baka titigan na naman ni Valentine ang abs niya

Pero nakita pa rin pala iyon ni Valentine at hinawakan ang t-shirt niya para itaas.

"Ang swerte ko naman, may abs pala yung asawa ko. Pasilip nga uli." tinangka pa nitong itaas ang t-shirt niya pero agad niyang nahawakan ang kamay nito. Pero ang walang hiya, 'di man lang natinag at sinubukan pa ring itaas ang damit niya.

"Dali na kasi, silip lang!" pagpupumilit pa nito.

"Hindi pwede." pagpipigil niya. Nagpupumiglas pa ito pero sa huli ay sumuko na din.

Kinuha na niya ang backpack at isinukbit sa balikat. Nag simula na itong maglakad palabas ng dance room at 'di na nag paalam sa mga natirang ka grupo sa loob.

Humalukipkip naman si Valentine habang sinusundan siyang mag lakad. Bumulong bulong ito sa tabi niya.

"Tss, mahahawakan ko din 'yan kapag sinagot mo na 'ko. Mag sasawa ako sa katawan mo hehehe" Hindi niya masyadong narinig ang sinabi ng weirdong babae pero nakita niya ang mukha nitong tumatawa na parang baliw.

"Weird Valentine." Narinig ito g babae kaya naman ay nilingon siya kaagad nito at masamang tiningnan pero ngumiti din sa huli.

'weirdo talaga' pag sabi ni Saint sa kanyang isipan. Minsan kasi ay masama siyang titingnan nito pero bigla ding ngingiti ng parang baliw. Napapatawa na lamang siya sa ka-weirduhan nito.

Diretso lamang na naglalakad si Valentine pero maya-maya at titingin sa kanya at ngingiti. Kapag tinatanong naman niya kung bakit ay ngingiti lang ito at iiling tapos tutulala na uli.

Nang makadating sila sa paradahan ay nagpaalam na ito sa kanya.

"Bye hubby! Wala akong pasok bukas so sa isang araw pa tayo mag kikita. Huwag mo kong mamimiss ha." Pilya nitong sabi

"Hindi kita mamimiss wag kang mag alala."biro niya dito, kaya naman sinimangutan siya nito.

Tiningnan nito muli ang jeep na nangangalahati na ang laman

"Hmpf, ayan na yung jeep ko. Bye na!" nang akala niya ay papasok na ito sa jeep, ay nagulat na naman siya nang bigla siya nitong hinalikan sa pisngi. Pagtapos ay pumasok na ito sa loob.

Napatulala na lang siya at napahawak sa pisngi. Nag simula nang umandar ang jeep at kumaway ito sa kanya.

"Babye!" malakas na sabi ni Valentine habang papalayo na ang jeep.

Si Saint naman ay naka tayo pa din doon, nang mawala na sa paningin niya ang jeep ay doon lamang siyang natauhan.

Bigla siyang nakaramdam ng pamilyar na kabog mula sa kanyang dibdib. He nervously laughed then held his chest and cursed.

"Shit"

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------<3

Pano kaya madidiscover tong storya ko? Anyways, siguro kahit wala akong readers ipagpapatuloy ko na lang ang pag susulat. Tapos pag nakumpleto ko na tsaka ko itatry isubmit sa mga publishing house. Basta ako, kinikilig ako sa sarili kong storya hahahah

Gleivia<3

Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...