My Weirdest Valentine

By GleeviAustere

41 4 25

This story will have an unfinished version in my first account @AoiFerocious . I can't open that account that... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8

Chapter 5

3 0 0
By GleeviAustere


Dumaan ang halos isang linggo ay hindi na muli sila nag kita pang muli ni Valentine. Minsan ay namamalayan niya ang sarili na pinagmamasdan lahat ng taong makikita niya sa campus. Tinitingnan niya if he will be able to see that weird Valentine again.

Nasa kwarto siya ngayon at kaharap ang malaking teddy bear. Matamlay niyang tiningnan ang laruan at bumuntong hininga,

"Kailan ko kaya uli makikita ang mommy mo?" pagtatanong niya sa stuffed toy, iniintay na bigla na lamang itong sumagot sa kanya.

Napahilamos siya nang mukha at mahinang napatawa, nang marealize niyang mukha pala siyang tanga na kinakausap ang laruan.

'Itutulog ko na nga lang 'to.' Nilagay niya ang teddy bear sa paanan niya at natulog na.

--

Kinabukasan ay sama sama silang apat na magt-tropa na kumain sa may kubo ng campus.

"Uy pre, asan na yung chicks na pinakasalan mo sa marriage booth noong Valentine's? Yung si Valentine ba 'yon?" Pagtatanong ni Harry sa kanya habang may pagkain pa sa bibig.

"Ang baboy mo pre, talsikan yung kanin." Nandidiring puna naman ni Rick.

"tae, pre may chicks ka?" Usyoso naman ni Wendell.

"Oo pre, ang ganda pa. Nag pakasal sila noon Valentine's day tapos best man ako." Pagsasabat na naman ni Harry.

"Hindi ko chicks si Valentine." Halos mapairap pa si Saint sa mga kaibigan.

"Ulol! 'Di daw chicks, tapos ikinasal sa marriage booth tapos hinalikan." mapanuyang sabi ni Harry.

"Uyyyy....Valentine!" Nagsabayan pa ang tatlo sa panunukso sa kanya.

"Una sa lahat, ikaw ang tumulak sa akin kaya nahalikan ko si Valentine!" Tinuro pa niya si Harry ng may pang aakusa.

"Good job pare hahaha." sabi ni Rick kay Harry at nag fist bump pa ang mga ito. Tuluyan na ngang napa irap si Saint.

"Pangalawa, pina huli ako no'n sa jailbooth, at blinack-mail ako sa pag papakasal sa marriage booth. Ninakaw din niya yung flash drive ko na may laman na thesis na'tin at wallet ko." Nagtawanan ang mga kaibigan niya dahil sa ikwinento niya.

"What a coincidence pare, nag pakasal ka kay Valentine sa araw ng Valentine's day. Hahaha iba talaga ang sumpa sayo ni St. Valentine." Pagkokomento pa ni Wendell.

"Tsaka pare, ito na siguro ang oras para mag move on ka kay Diana. Malay mo na si Valentine na pala ang mag papawala ng kamalasan mo." dagdag ni Harry habang sinisimot ang tira tirang butil ng kanin sa paper plate.

Napa ismid na lamang siya sa sinabi ng mga kaibigan. Matapos nang lahat ng sakit na naranasan niya mula kay Diana ay nadala na siya. Hinding hindi na siya mag kakagusto ulit, nakakadala ang mga experiences niya sa babae. Once is enough, ika nga niya.

Si Saint kasi angtipo ng tao na kapag nag fail sa unang try ay ititigil na niya agad. Ang tanging bagay na nag fail siya at 'di sumuko ay sa pagsasayaw. Dahil dito niya ibinubuhos ang galit, lungkot at saya niya. Pagsasayaw ang isa sa mga bagay na bumubuhay sa kanya.

Kaya kahit na ang unang competition niya ay palpak, hindi pa rin siya tumigil doon. Inisip na lamang niya na may sumpa lang talaga siya sa Valentine's day. Dahil ang mga sumunod niyang kompetisyon ay nananalo naman sila. Noong araw lang talaga ng Valentine's na iyon siya napahiya, na-injure at natalo. The rest ay 3rd or place, 2nd place na, hindi pa man sila nakaka grand champion ay kuntento at masaya na siya.

Napapailing na binuksan ni Saint ang water bottle niya habang patuloy pa rin ang mga gago niyang kaibigan sa pagdaldal at pag lamon. Nang akmang iinom na siya mula sa bote ay bigla siyang nabuwal dahil sa isang malakas na impact mula sa kanyang likuran. Ang kalahati ng tubig mula sa bote ay natapon sa lamesa at may isang pares ng mga bisig ang nakapulupot sa mga braso niya.

May mabangong halimuyak ang kanyang naamoy, amoy cotton candy. Pag lingon niya ay kaunting distansya na lamang mula sa labi nang taong nakayakap mula sa likuran niya.

Lumawak ang mata niya nang mapagtanto niyang si Valentine pala ang taong sumugod sa likuran niya at niyakap siya. Naka uniporme ito na pang law student, naka fishtail braid naman ito ngayon.

Nang tumingin siya sa mukha nito ay nakita na naman niya ang matamis na ngiti ni Valentine. Hindi niya alam pero tila lumakas ang tibok ng kanyang puso. Nakatingin lamang sila ni Valentine sa mata ng isa't isa. Corny man pakinggan pero biglang parang naging sila na lamang ang tao sa mundo.

Ni hindi nila narinig ang eksaheradong tikhim at ubo ni Harry. Sina Rick at Wendell naman ay naka awang pa rin ang mga bibig habang tinitingnan ang dalawang tao sa harapan nila na tila may sariling mundo.

Dahan dahang bumaba ang tingin ni Saint sa labi ni Valentine. Nang mapansin ni Valentine iyon ay ngumuso ito sa kanya. Nakita lahat iyon nang tatlo, kaya akala ng mga ito na hahalikan ito ni Saint. Pero nilagay ni Saint ang malaking palad sa mukha ni Valentine at nilamukos dito.

Inis na inilayo ni Valentine ang mukha sa palad ni Saint at hinawakan ito.

"Domestic Violence ka hubby ha!"Pang aakusa nito kay Saint habang hawak pa rin ang palad ni Saint na inilamusok nito sa mukha niya.

"Wala tayo sa bahay, kaya paano naging domestic violence iyon?" babawiin na sana niya ang kamay niya mula kay Valentine nang ipagdaop ni valentine ang palad nilang dalawa.

" Hindi ba't pangalawang tahanan ang eskwelahan. So technically, domestic violence still counts." she smugly said. Napapailing na natawa na lamang si Saint sa pagiging witty nito. Rinig din ang pagpipigil ng tawa ng tatlo mula sa background.

Napangisi na lamang siya sa idinahilan nito. 'Well, her reasoning is kind of witty tho' banggit niya sa sarili at saka nag kibit balikat na lamang dito.

Umupo na si Valentine sa tabi niya habang hawak pa rin ang kanyang kamay. Ang kabilang braso naman nito ay iniyakap din sa hawak nitong kamay niya. Mukha tuloy koala si Valentine at ang braso ni Saint ang kawayan.

Nang tumingin si Valentine sa kanyang harapan ay nakita niya ang tatlong lalaking naka awang ang mga labing nakatingin sa kanila. Hindi niya ito napansin kanina dahil focused lamang siya sa kanyang hubby na isang linggo na niyang hindi nakikita. Ngumiti siya ng matamis sa mga ito at kumaway.

"Hello!" She cheerfully said to them while smiling very sweetly.

"h-hi." Hindi pa rin makapaniwalang bati nina Wendell at Rick. Nakangiti lamang si Harry dahil kilala na naman niya si Valentine.

"Pare, ipakilala mo naman kami." asik sa kanya ni Harry

"Wendell, Rick, Harry, meet Valentine. Valentine, meet Wendell, Rick, and Harry." bagot na sabi ni Saint. Ni hindi man lang itinuro kung sino si Wendell, Rick o Harry

"I'm Mary Valentine, Saint's wife!" sabi naman ni Valentine at naki pag handshake sa tatlo.

"Wife?" naguguluhang tanong ni Wendell.

"Siya yung sinasabi ko sainyong chicks ni Saint na pinakasalan niya sa marriage booth." sabi nito sa mga kaibigan. Bumaling ito kay Valentine ay nakipag handshake.

"Harry nga pala, ako yung bestman sa kasal-kasalan niyo ni Saint. Kababata niya din ako kaya pag kinasal kayo for real ay ako din ang best man." magiliw na sabi nito kay Valentine.

"I like you na Harry! Dahil diyan ay may pabalot ka nang handa sa reception namin ni Saint hubby!" Nag apir pa ang dalawa.

Nakangiting napapa-iling na lamang si Saint dahil sa kabaliwan ng matalik niyang kaibigan at ng weirdo na si Valentine.

Nag simula nang makwentuhan at magtawanan ang apat, hindi kasama si Saint. Nagmukha tuloy na si Valentine ang tropa ng mga ito at hindi siya. Ka-vibes na agad ni Valentine ang mga gago niyang kaibigan.

Ininterview si Valentines ng tatlo habang nakikinig lamang si Saint sa tabi nila habang sumusipsip ng tubig mula sa bote nito na natapon na ang kalahati dahil sapag damba sa kanya ni Valentine.

Nalaman niyang 4th year na pala si Valentine sa kursong political science at mag l-law school ito pag kagraduate.

"Ay nako, attorney pala itong si Valentine." ani Rick

"Uy, bagay talaga kayo ni Saint. Mag aabogado ka tapos siya pulis." sabi naman ni Wendell

"Oo nga, pareho kayong alagad ng batas." paggatong ni Harry.

"I know right. Meant for each other talaga ni hubby." Iwinaslik pa nito ang buhok na nakabraid at niyakap muli ang braso ni Saint.

"Saint, e 'di pag nagkatuluyan kayo ni Valentine. Lahat ng mg mahuhuli mong tao ay pwedeng si Valentine ang magpakulong. Perfect tandem kayo." nakangiti pa sa kanya si Rick na parang sinasabing 'ang galing ng idea ko 'di ba?'

Tumango tango naman si Valentine.

"Pero, ngayon pa lang ay gusto ko na kitang ipakulong hubby." biglang baling nito sa kanya.

"Sa anong kaso naman aber, ha Attorney?" tanong ni Saint.

"Robbery and Theft." Simpleng sabi nito. Aba't siya pa talaga ang kakasuhan ng theft, eh siya nga itong ninakawan niya.

"Baka nga ikaw dapat ang kasuhan ng theft diyan. You stole my wallet and flashdrive.Kaya, dapat nga ikaw ang kasuhan ko diyan?"natatawa niyang sabi

" Ninakaw mo kasi ang puso ko." then she winked at him. Napangisi na lamang siya sa ka-corny-han ng babaeng ito. Habang ang tatlong ulupong niyang kaibigan ay kinikilig ang nagsisi- 'ayiiieee'. Kaya naman ay unti-unti siyang namula.

Ang hilig talaga siyang pahiyain ng mga ugok niyang kaibigan. Alam naman ng mga ito na madali siyang mamula.

"Saint naman kasi, bakit mo ninakaw yung puso ni Attorney." pagtutudyo pa ni Rick sa kaniya.

"Nako Attorney, ikulong mo na 'yan! Ikulong mo na sa puso mo!"dagdag pa ni Wendell.

"Tapos ang piyansa dapat ay puso mo 'din. Ayie!" Huling hirit pa ni Harry at sabay sabay na uli ang tatlong nagsabi ng 'ayie!'

Nakita niyang tuwang-tuwa naman si Valentine sa tatlo dahil binubudol siya nito sa kaniya. Naiiling na napapangiti na lamang tuloy siya.

Tumingin sa kanya si Valentine "Anyways hubby, kamusta na si Cupid?" tanong sa kanya ni Valentine, napakunot naman siya. 'sinong cupid?'

"Sinong Cupid?" sabay na tanong ng tatlo, bago pa siya makapag tanong. Hilig talaga ng tatlong ito na unahan siyang magsalita. Lalo na itong si Harry na sumasagot lahat ng tanong na para kay Saint dapat.

Sa tatlo naman ibinaling ni Valentine ang tingin at simpleng sumagot ng, "Anak namin ni Saint."

"Anak?!" Napasabay na si Saint sa pag sigaw kaya naman napatingin ang tatlo sa kanya.

"Pre, may anak ka pala sa pagkabinata ah?" ani Rick

"Lagot ka kay tita Virgie, may anak ka na pala sa pagkabinata." Pananakot pa ni Harry.

Doon lamang niya na reaize na ang anak pala na sinasabi nito ay ang teddy bear na pula. So Cupid pala ang pangalan noon.

"Mga ugok! Pangalan ng teddy bear 'yon." at kinaltukan niya si Harry.

"Aray! Bakit ako lang?" tanong ni Harry habang himas ang ulo.

"Ikaw yung katapat ko eh." simpleng sabi naman niya.

"Akala naman namin may anak ka na talaga." sabi ni Rick na parang nabunutan ng tinik.

"Teka, anong anak ba ang sinasabi mo Violet?'pagtatanong ni Wendell.

"The stuff toy she won from the dart game booth noong Valentine's day. Binilin niya sa'kin at sinabing anak daw namin iyon" pagsagot ni Saint.

Natawa naman ang tatlo dahil doon. Ngayon ay hindi na lang si saint ang may alam sa kabaliwan at ka-weirduhan nitong si Violet.

"So how was he?" tanong uli ni Valentines.

"He's okay, nasa bahay siya ngayon. Do you want it back?" baling ni Saint kay Valentine. Umiling ito.

"No, sa'yo muna yung anak na'tin. Good to know he's okay, alagaan mo yun ha? Sabihin mo, namimiss na kamo siya ni mommy" pinanindigan talaga nitong anak ang itawag sa laruan na iyon.

"As if naman buhay iyon. Kahit maalikabukan iyon ay hindi 'yo mag rereklamo." asik niya dito. Gulat siyang tiningnan ni Valentine, as if may nasabi siyang masama.

"I won that stuff toy for you! Tapos 'di mo aalagaan, anong klase kang ama?!" dinuro pa siya nito.

"Oo nga pare, anong klase kang ama." pag gaya pa ni Harry kay Valentine.

"Kaya nga I'm asking you if you want it back." he said.

"I told you na alagaan mo ang anak na'tin!" tumaas na ang boses ni Valentine na tila unti-unti nang naiinis.

"Inaalagaan ko naman ah! Ikaw nga 'tong isang linggong iniwan sa'kin yung stuff toy." parang gusto niyang matawa kay Valentine dahil parang paiyak na ito.

"I was busy! And you better be taking care of him. Kapag nalaman kong hindi mo inaalagaan at minamaltrato mo ang anak na'tin ay magkikita na lang tayo sa korte." seryosong sabi nito sa kanya.

"Kakakasal niyo lang, pinag aawayan niyo na agad yung kostodiya ng bata." sabi ni Harry at tumawa. Naki-join naman ang dalawa sa pagtawa. Amused na amused ito dahil kay Valentine at Saint na tila comedy show ang pinapanood nila.

He was taking care of that bear. He appreciates effort and Valentine made an effort to get that bear. He finds it amusing kapag masyadong nagiging into it si Valentine sa character nito. Naaaliw siya sa kabaliwan nito.

Napatingin siya sa relo at nakitang tapos na ang lunch time nila.

"Hoy mga ugok! Time na, may kanya-kanya pa tayong klase." Tumayo na siya at kinuha na niya ang backpack at isinukbit sa balikat nito. Ganoon din ang ginawa ng tatlo.

Nagpaalam na ang mga ito kay Valentine, maliban sa kanya.

"Pare, 'di ka ba magpapalam kay Valentine?" tanong ni Harry.

"Oo nga pare, 'di mo na nga inaalagaan yung anak niyo eh." pang aasar pa ni Rick.

Bumuntong hininga siya at lumingon kay Valentine.

"Bye." simple lang niyang sabi.

Maglalakad na sana siya nang biglang hilain ni Valentine ang braso niya at bigla siyang may naramdamang labi na dumampi sa pisngi niya. Narinig niya ang pag 'oooohhhh' at pag palakpak ng tatlo niyang kaibigan.

Gulat na gulat siya sa ginawa ng babae. Oo at hindi ito ang unang beses na nahalikan niya ito, pero hindi niya pa rin maiwasang mamula. Lalo na't maraming tao ang nakapaligid sa kanila, kasama pa ang mga kaibigan niya.

"Iba ka talaga Valentine! Hahaha." Pag sigaw pa ni Harry

"Pulang pula na si Santino!" Kantyaw pa ni Rick kaya naman pinakyuhan niya ito.

"Bye hubby, see you tomorrow!" at nginitian siya nito ng matamis.

"Wala akong pasok bukas." aniya habang namumula pa din.

"But you have dance rehearsals with the Groovers tomorrow." she said.

'Paano niya nalaman? Weirdo na nga stalker pa.'

"Wala kaming rehearsals." he lied.

"Don't lie to me hubby, ka-member mo and pinsan ko. I know your schedule." pag ngisi sa kaniya nito.

"Sino?" tanong niya.

"Si Bran."

"Oh."Bran is one of the veterans in The Groovers. Graduating na ito this year at member na ito since freshmen year.

"Anyways, I'll watch your practice tomorrow. Bye hubby!" Naglakad na ito papunta sa building ng law at siya naman sa klase niya.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------<3

Isang malaking shout out kay @ASoullessBeingsa kanyang malulupit na comment. Kaya naman dedicated sayo ang next update ko!!!

Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...