CHAPTER 24
ALTHEA'S POV
Nakatulog na si Sir Mateo at si Canon sa sala. Ayaw nilang humiwalay samin ni Craige. Kami naman ni Craige pinagtabi namin yung sofa at yung dalawang armchair para magkatabi kami. Wala na kasing makapal na kutson maliban sa gamit nila Sir Mateo.
Actually hindi naman kami masyadong nakatulog..pero bago niyo isipin na may ginawa kaming kababalaghan sasabihin ko ng..wala. Si Christian Grey lang ang keri na keri ang sexual intercourse kahit may period si girl. Hindi ko keri yon kahit na nagkalat ang librong Fifty Shades sa The Camp. Sa pagkakatanda ko page 429 sa first book yun eh.
Nasa tabi namin yung laptop para makita namin kung anong nangyayari kaila Big Show. Madaling araw pa lang at hindi ako makakatulog kung may naririnig akong kumakalabog.
-__-
"I can't sleep."-me
"I'll sing you to sleep-"
"Seriously? No thanks."
Tinignan niya ako ng masama at ngumisi lang ako. Nawala yung ngiti ko ng biglang may kumalampag na naman. Anak naman ng tokwang bulok, o.
Wala ba silang balak tumahimik? kasi kung wala ililibing ko na lang sila ng buhay habang kumakanta ako ng 'We Die Young' ni Kesha.
"Alam mo naiinis na ako."-me
"I know."
"Pwede puntahan ko na sila?"
"No."
urgh! eto kaya muna ang ilibing ko ng wala na akong problema? Ang kaso..mawawalan ako ng gwapong Boss. Mawawalan ako ng Captain America.
Kaya nevermind na lang..umupo ako at ipinatong ko yung dalawang hita ko kay Craige..kuminang yung mga mata niya and of course hindi siya nakangiti.
Pinalo ko yung kamay niya ng maramdaman ko yon na gumagapang sa hita ko...inirapan ko siya at hindi ko binitawan yung kamay niya.
Kung hindi siya titigil sa pagigign sweet maiinlove na talaga ako sa kaniya. I mean..hindi naman ganong kahirap na mahalin siya. Marami lang siyang emotional baggage..pero madali lang siyang mahalin. No matter how hard he try to hide the face na mabait siya...talagang mabait siya.
Suplado..pero mabait.
"Psh..alam mo pupuntahan ko na sila."-me
"No."
"Ganon din naman..bukas pupuntahan din naman natin sila. Baka sakaling tumahimik sila kapag nabugbog na natin at ng makatulog ako."
Tumayo na ako at bago pa ako makalayo hinawakan na niya yung kamay ko. Lumingon ako sa kaniya at parang gusto ko na siyang sagpangin..
bat ba kay Craige pwede lahat i-describe? including..sexy. Parang nang aakit siya na bumalik ako sa tabi niya dahil mas maganda ang mangyayari kung babalik ako.
OMAYGHAD! PLEASE PLEASE SAVE ME FROM TEMPTATION! for now...pwede namang pag tapos na ang Bwisita ko eh pwede na akong mag give in sa Temptation.
"Stay."-craige
"Tama na yang..pang-aakit mo. Baka marape- masipa kita diyan eh! tsu!"
Hinila ko yung kamay ko pero ayaw niya akong pakawalan. Tumayo siya at napanganga ako ng sinuklay niya yung buhok niya pataas dahil tumatabing yon sa muka niya.
OMG, OMG, OMG. Please..ayokong magkasala. Bumitaw ako sa kaniya at kumuha ng baril then dire-diretso akong lumapit sa refrigerator kung saan nakalagay yung drinks namin kagabi at tumungga ako ng isang basong coke.
and of course..
...
...
inihit ako ng ubo.
Hinagod ni Craige yung balikat ko..tinignan ko siya ng masama dahila alam kong alam niya na siya ang dahilan kung bakit natataranta ako.
Damn this man for being so sexy.
Kung sabagay hindi naman niya kasalanan maging gwapo..kaso ako I'm very sure na hindi ko kasalanang maging super duper ganda to the highest level.
Nang tumigil na yung pag-ubo ko ay naglakad na ako papunta don sa room kung saan namin nilagay yung tatlo. Tinulak ko yung cabinet at syempre tinulungan ako ng Captain America ko dahil mabigat.
Nang maitulak na namin yon pabagsak na binuksan ko yung pinto at napatigil yung tatlo sa pakikipagbuno sa taling hindi naman nila makalas-kalas.
"Ang ingay niyo. Magpatulog naman kayo. Tignan niyo ng ang eye bags ko..parang meeting place na ng mga eyebags."-me
Hindi sila umimik at nakatingin lang samin.
...
...
pagkaraan sunod-sunod na mura ang narinig ko. Nahilot ko ng wala sa oras yung sentido ko...ibat-ibang language ang naririnig ko. Puro lenguahe sa Pilipinas.
"STOP! Grabe ang lutong niyong mag mura..Chicharon, yummmee!"-me
TInignan ko si Big Show at parang gusto niya na akong baliin. Pero bago niya yon magawa gagawin ko na siyang giniling. O kaya ipapabugbog ko siya sa totoong Big Show.
"Pakawalan niyo kami!"
"Roll call. Isa-isa magpakilala."-me
"Bitch-"
"NOW!"
Namutla silang lahat kasama na si Big Show. Fine..I look murderous..wala kasi akong tulog eh kaya mainit ang ulo ko. Ngumiti ako...sweetly. But even that shouldnt be trust. Kaya kong manakal kahit nakangiti ng sweet.
"Serio Cruz."
"Victor Mendez."
"Timothy Dizon-"
Bigla akong napatawa. Parang hindi bagay kay Big Show ang pangalang Timothy. Binigyan niya ako ng matalim na tingin pero hindi na siya nag salita.
Umubo ako para itago yung tawa ko. Kasi naman eh..kailangan kong matulog kundi mababaliw ako nito. Baka gawin ko silang geisha lahat kapag hindi ako natulog.
"So..may mga dala ba kayong cellphone? paheram maglalaro ako ng tetris."-me
Nakangangang nakatingin sila sakin na parang tinitignan kung seryoso ako. Tinanggal ko yung ngiting nakapaskil sa labi ko at namutla sila lalo.
"Wala."-timothy
"Okay..san ang agency niyo? ng mga killer or something? agency or hideout..whatever."
"Hindi namin pwedeng sabihin! papatayin nila kami!"-victor
"Kung yan ang gusto niyo bahala kayo. Dalawa lang naman ang choice niyo..hindi niyo sasabihin samin papatayin namin kayo. Sabihin niyo samin then papatayin nila kayo pero aggawa kami ng paraan para hindi mangyari yon."
Kailangan nilang mamili..pareho lang namang hindi maganda yung pagpipilian nila. Pero may mas better naman kaya yun ang pillin na.
"Hindi mo kami mapapatay."-serio
"Is that an invitation? Because my hands are really itching right now."
Kinuha ko yung baril na nasa bulsa ko at tinutok ko sa kanila yon. Mukang hindi sila na niniwala na kaya kong iputok yon base narin sa pagkakatingin nila sakin.
Kinasa ko yung baril then..
...
...
nagpaputok ako.
Lahat yon tumama lang sa sahig. Pero effective dahil lahat sila parang malapit ng himatayin. Nahihintakutan na nakatingin sila sakin. Tumingin sila kay Craige...
na parang humihingi ng tulong.
Natawa ako. Kung parang cold blodded na ang tingin nila sakin lalo na si Craige. Baka lahat sila ngayon injured na. Mabait pa nga ako ng lagay na yan eh.
"So..san kayo nagtatrabaho?"-me
"Hideout lang. Sa...sa mall malapit sa kompanya ni Parker. Katabi ng mall na yon may lumang building..sa basement non kami nagtatago. Malaki ang grupo namin..mahihirapan kayo."-timothy
"Si parker lang ang target niyo ngayon?"
"Hindi..meron pang isa. May pinatitira ang Boss namin. Pero hindi sa grupo ko..hindi ko alam kung sino yung target nila. Ang alam ko lang sabi ni Ma'am..tatakutin lang daw muna. Taga tagaytay yung lalaking trip niyang gawing target."
Napatingin ako kay Craige.
Coult it be...No...pero pairamdam ko yun eh. Maaring coincidence lang pero kailangan naming malaman..maybe iisa lang ang kailangan naming hulihin.
"Si Parker..tinarget niyo ba siya ksi gusto lang ng Boss niyo?"-me
"Hindi..may nagbayad sa kaniya. Pero wala kaming alam kung sino. Katulad ng sabi ko..tumatanggap lang kami ng utos. Hindi namin kilala yung kliyente maliban kay Ma'am."
"Tungkol sa Ma'am niyo..saan sa tagaytay yung target niya?"
"May naringi akong Camp. Yon lang ang alam ko."
Napasinghap ako.
Shit!
Nilingon ko si Craige at nakatiim bagang na siya habang nakatingin siya don sa mga lalake. Lumapit siya kay Big Show at kinulong niya sa isang kamay ang panga ni Big Show..
"Siguraduhin niyong tama ang binigay niyo na Adress...dahil kapag hindi ipahahanap ko kayo at susunugin ko lahat-lahat sa inyo."-craige
may inabot siya sa bulsa ni Timothy.
cellphone.
-____-
Nagdadabog na inabot ko yung phone at inambaan ko si Big Show na namutla..I guess alam niya na ngayon na hindi kami ordinaryong tatanga-tangang assistant lang ni Parker.
"Tatawag pa dito yung ma'am niyo? at saka yung nag-utos sa inyo?"-me
"O-O...minomonitor samin nung kliyente kung ayos na. pero boses lang ang kilala namin sa kaniya."
"Good."
tumingin ako kay Craige at hawak-hawak niya yung phone niya..nirerecord niya yung boses. Then pinicturan niya yung tatlo na hindi na nakailag.
"Pakakawalan namin kayo. Umalis kayo at magpakalayo-layo..pupunta tayo ng batangas...may nag-iintay sa inyo don. Pagkatapos ilalagay kayo sa isang lugar na hindi niyo kailangan kabahan para sa kaligtasan niyo. Pwede niyong isama ang pamilya niyo kung meron man. Dont worry about the trail..palalabasin namin na patay na kayo. That is if you want it..pwede naman na makulong na lang kayo."-craige
He's giving them a chance..
this time..nasa kanila na ang desisyon kung sisirian nila ang chance na yon.
Magkatulong na hinila namin yung tatlo at nilagay sa chart. Lumabas kami papunta sa garehe at inilagay niya sa back seat yung tatlo. I'm very sure tatawagan niya sila andreige on the way sa bantangas.
Papasok na sana ako ng umiling si Craige.
"Matataranta sila Mateo kapag wala kahit isa satin kapag nagising sila."-craige
"Hmm..so..payag kang iwan ako kasama ni Tom Cruise?"
"Yes..since ako lang naman ang pinagnanasaan mo ng todo. I'm sure of that."
He leaned down and kissed me bago siya pumasok sa sasakyan. Pagkaraan umaandar na paalis yung sasakyan..pumasok na ako sa loob at umupo ako sa sofa.
Binuksan ko yung TV at nanood na lang ako ng cartoons. Ang kaso wala naman don ang focus ko kundi na kay Craige. Napasimangot ako..
kaalis lang niya pero
...
...
miss ko na siya.
-___-
ano bang nangyayari sakin? Gusto ko lagi siyang nakikita..gusto ko lagi ko siyang kasama at kahit na gusto ko siyang asarin gusto ko din na ngumingiti siya sakin.
weird.
I mean..attrated ako sa kaniya pero hanggang don lang yon....sa pagkakaalam ko. Hindi naman kasi kami pwede eh..hindi pa siya handa.
ako....ako...hindi ko alam. Naguguluhan nga ako. Kahit sarili ko hindi ko maintindihan..parang rumble rumble na lahat ng nararamdaman ko.
Bumungtong-hininga ako at kinuha ko yung phone ko.
TO: Boss, Sir, Among Tunay
san ka na?
napangiti ako ng masend ko yon. Para akong asawa na nag-iintay sa pag-uwi ng asawa niya..tapos magtatakbuhan yung mga anak namin..
O////////O
erase, erase.
The hell Thea! ano bang nangyayari sayo? Baliw na ako dati..pero parang mas lalo akong nagiging baliw. Baliw na baliw kay Craige Lawrence.
FR: Boss, Sir, Among Tunay
Hindi pa ako nakakalayo. Why? Do you miss me?
TO: Boss, Sir, Among Tunay
of course not! >.<
kinikilig na humiga ako sa sofa. Para akong teenager ulit..siguro ganon talag kapag katext mo yung taong importante sayo..yung taong mahal mo.
...
...
f@ck.
I'm so dead.
Nakagat ko yung ibabang labi ko habang nakatingin ako sa phone ko. Yes...mahal ko siya..damn me for not noticing that fast. Hindi lang siguro kayang tanggapin ng isip ko..ang kaso sumuko narin siya kay heart na mas makulit pa sakin.'
I'm in love with Craige Lawrence and its scaring me.
FR: Boss, Sir, Among Tunay
Stop texting me. I'm driving.
Nanginginig yung mga kamay ko ng hinawakan ko yung phone. Damn...ganto pala ang feeling. Nakakatakot na hindi ko maintindihan.
TO: Boss, Sir, Among Tunay
Sungit. Magpakasal ka na nga ng hindi ka na ganiyang kasungit. Para blooming ka everytime.
Ganto pala kapag inamin mo na sa sarili mo na mahal mo ang isang tao. Nakakakaba kasi hindi mo alam kung maibabalik din yung feelings mo para sa kaniya.
Cause love dont have the assurance that the love you give will be given back in return.
FR: Boss, Sir, Among Tunay
I'll marry the woman I love.
Tumulo yung luha ko pero nakangiting pinahid ko lang yon. Wala akong magagawa..in love ako sa taong to. Sa taong alam kong matatagalan bago ako mahalin.
I can do this.
TO: Boss, Sir, Among Tunay
Whatever (=|
Tumutulo ang luha na itinype ko yung mga salita na alam kong hindi ko masasabi sa kaniya..na alam kong wala akong lakas na loob para sabihin.
'I just wish it can be me. Cause I found myself right now already in love with you.'