HELLO 2015!!! Happy Three Kings! ^___^
Happy reading everyone. I know hindi nakakatuwa ang mga kaganapan in this chapter pero sana magustuhan niyo. Hehehe I don't know how to end this story kaya bahala na si Batman. They says that ENDING is the best part. Sana maging BEST PART nga ang ending soon. Chapter 54 na po tayo. 6 more chapters to go. Hold on. ^__^
_______________________***_______________________
BLAZE'S POV
Nahuli ko ang pakpak ng malaking itim na ibon at hinila pailalim. Bumulagta naman ang ibon kasabay ng pagkahulog ni Naula sa lupa. Muling tumayo ang malaking ibon na matapang na naka tingin sa akin ang nakakatakot na mapupula niyang mata. Muli kong kinuha ang Ax weapon ko.
Tumakbo agad si Brix sa likuran ni Naula at si Aaron nanatili sa likod ko kaya senenyasan ko siya na sumunod kay Brix. Nabigla ako nang may kung anong bumalot sa katawan ko.
"Shield, to protect you." napatingin ako kay Aaron. Ngumiti siya sa akin at tsaka tumakbo para sundan si Brix.
Inis na mukha ni Naula ang humarap sa akin. Agad naman siyang bumangon at sinugod ako.
Malakas ang pagkakahampas niya ng kanyang sandata na mahabang metal na may dagger sa dulo. Mabilis ko ito sinangga nang espada ko at hinampas sa kanya ang palakol na hawak ko sa kaliwang kamay. Dahil sa impact may maiksing punit ang damit ni Naula kaya mas nainis pa siya sa ginawa ko.
"Hindi mo ako kaya!" sigaw niya sabay sugod sa akin. Muntik na akong tamaan sa ulo nang bigla siya sinipa ni Brix sa tagiliran kaya tumilapon siya ng kaunti, sinipa rin siya agad ni Aaron na siyang nagpatilapon sa kanya sa malayo.
"Alriiiight!" hiyaw ni Aaron na tumalon talon pa na pa ekis ekis ang mga paa na parang mag bo-boxing.
Inis na binato siya ni Naula ng bolang apoy kaya tumalon ng mataas si Aaron. Halos isang bahay ang taas ng pagtalon niya papunta sa kabilang Dereksyon. Mabilis na tumakbo si Naula na parang hangin, palapit sa akin at inatake ako sa likod, hinampas niya sa balikat ko ang metal niyang hawak kaya napa subsob ako sa lupa. Mabilis niya akong sinunggaban at paulit ulit na sinaksak ng matulis na dagger sa balikat.
"Arrgg!" inis siyang napasigaw nang hindi ako tinatablan ng pag saksak niya.
"Wrong move dude!" sigaw ni Aaron sa kanya. Mukhang nahalata niya na galing sa Sacred RIng ni Aaron ang shield na nakapalibot sa katawan ko.
Natuon ang atensyon ni Naula sa kanya dahil sa inis nito. Kaya mas malaking fire ball ang binato nito sa deresyon niya. Sunod sunod na nag lalakihang fire ball ang binato ni Naula sa kanya. Dahan dahan akong tumayo at lumayo sa tabi ni Naula kahit masakit ang katawan ko sa bugbog niya.
Ngunit sadyang matalas ang pakiramdam niya at hinampas niya ang likod ng tuhod ko kaya napaluhod ako. Tinira niya rin ng fire ball si Brix na palapit na sa likuran niya.
Hindi ako matatablan ng matutulis na bagay dahil sa shield ni Aaron pero matatablan ako sa tulak at palo. Pilit akong bumangon. Pero sa ginawang pag hampas ni Naula sa akin. Mukhang na distract si Aaron at Brix kaya tumilapon sila sa malayo. Biglang nawala ang liwanag ng shield ni Aaron na nakapalibot sa akin.
Mabilis akong nilapitan ni Naula at ngumisi.
"Arggg!" inis ulit siyang napasigaw dahil sa hindi niya parin ako masugatan. Nagulat din ako dahil kanina lang alam ko na nawala na ang bisa ng shield ni Aaron sa akin.
"Not so fast devil!" nagulat kami na nakatayo si Prinsesa Chrome sa likuran ko. Nakaramdam ako ng tuwa. Nandito na sila ni Prinsesa Ana. Ligtas sila.
Matalim ang mga tingin ni Naula sa kanya pero parang wala lang iyon kay Prinsesa Chrom. Nakangiti pa siya kay Naula na parang nanghahamon at iniinis pa siya lalo. Umatras si Prinsesa Chrome habang pinaikot ikot ang espeda niya at nakangiting naka tingin kay Naula.
Bigla akong hinila ni Prinsesa Ana para patayuin habang nag lalaban sina Naula at Prinsesa Chrome. Hindi ko maiwasan ang manunood dahil sa swabeng gawal ng Prinsesa, halatang hindi man lang siya nahihirapan at parang sanay nasanay makipaglaban.
Napatingin ako kay Prinsesa Ana. Nakatingin siya sa gawi nina Wayne kaya napatingin rin ako. Biglang tumakbo si Prinsesa Ana sa tabi nina Wayne at Axel. May malaki kasing Dark Keeper na halos 70feet na ang laki parang building. Unti unti nang natutupok ng apoy ang White Fire nila.
Napalingon ako kina Jaynel at Angelo na walang tigil sa pag kumpas ng mga kamay. Halata ang pagod nila pero hindi sila sumusuko. Sina Prinsipe Orly at Prinsipe Benjamin at halos tulong tulong na magkasangga sa labanan. Sina Ace at Elle ay ganoon din.
Napatingin ako sa Lake of Fire at kay Naula.
THIRD PERSON'S POV
Inis na inis si Naula dahil malapit na siyang mag tagumpay, abot kamay na niya pero may Gemnian shield pala ang naka palibot sa itinakda. 'Bwisit!' sigaw niya sa isip niya. Sa ikalawang pagkakataon ay naharang ulit ng Gemnian Shield na ipinag kataka niya. Alam niya na nawala na ito kanina nang tumilapon na sa malayo ang Soul Owner nang Gemnian Sacred Ring. Imposible na malagyan niya ulit ng shield ang itinakda, baka namatay na nga iyon sa lakas ng impact nga fire ball niya.
"Not so fast devil!" napatingin siya sa harap niya. Nakangiti ang babaeng nag lagay ng shield sa itinakda. 'Papaanong nakatakas ang babaeng yan?!' Tanong niya sa isip niya at saka inis na lumapit dito. Ngunit naka ngiti pa ang Prinsesa na parang ginagalit pa siya lalo.
Kilala ang Gemnian bilang pinakamalakas pag dating sa physical fighting, malakas sila at hindi sila natatablan ng kahit anong sandata dahil sa built in na kung baga ang shield sa katawan nila kaya mahirap silang talunin. Pwede rin nila ito ma bigyan ng temporary shield ang ibang nilalang na gusto nilang protektahan.
Sa kabilang dereksyon naman ay sina Wayne at Axel na nakikipag laban sa malaking Dark Keeper. Higante ito sa laki. Halos na ubos na rin kasi nila ang mga Dark Keeper, ito na lang yata ang natitira at malaki pa. Kinakabahan si Wayne sa nakikita dahil nag aalala siya sa nangyayari kay Blaze.
'Kuya Wayne, huwag mong bibitawan si Blaze.'
'Kuya Wayne, huwag mong bibitawan si Blaze.'
'SHIT!' Napamura na lang siya sa isip niya nang maalala ang sinabi ni Brianne. Gustong gusto na niyang lumingon at puntahan si Blaze ngunit unti unti na silang natatalo ng heganteng Dark Keeper. Hindi kakayanin ni Axel ang mag isa.
Nakataas ang dalawang kamay nila na nag papakawala ng White Fire para masunog nang tuluyan at maging abo ang Dark Keeper. Ngunit dahil pagod na sila at kanina pa gamit ang mga kapangyarihan nila. Mukhang hindi na nilala kakayanin.
"Aaahhhh!" napabagsak ang kamay ni Wayne at Axel. Ngunit nagulat sila na meron pang White Fire na patuloy lumalaban sa malaking Dark Keeper.
Napalingon silang dalawa.
"Ana!" gulat na sabi ni Wayne at ngumiti ang kapatid niya sa kanya.
Nang makabawi sa pagod ay tumayo na sina Axel at Wayne. Humugot sila ng lakas at sabay sabay silang tatlo na tumupok sa malaking Dark Keeper.
Halos wala naring natitira mga uwak at paniki na lumilipad, tumutulong na sina Jaynel at Angelo sa pag atake sa Black Spirit, ito kasi ang pinakamarami sa lahat ng mga kampon ni Naula. Wala na ring natira sa mga Kulto na kalaban nina Prinsipe Orlando at Prinsipe Benjamin dahil sa angking bilis nila sa pagkilos kahit dalawa lang sila. Nakita nila na tumilapon sina Brix at Aaron sa di kalayuan kaya nilipad nila ito at tinulungan. Pareho kasi silang may pakpak.
Sa gitna naman ng labanan. Mainit na nag papalitan ng tira sina Naula at Prinsesa Chrome, tumulong na rin si Blaze sa kanya gamit ang bow at arrows nito. Pilit naman na umiilag si Naula kahit marami na siyang daplis, nakatayo parin ito ng tuwid at walang balak sumuko.
"Grooooooowwwwlllll" sigaw ng malaking Dark Keeper na nakapukaw ng atensyon ng lahat.
Napahinto sila sa laban, napatingin si Naula sa paligid na halos wala nang natitira sa mga alagad niya. Bigla siyang nabahala sa nakikita. Napatingin siya sa huminto na mga kalaban. Sinamantala niya ang pag iba ng tingin ni Prinsesa Chrome at mabilis na pinakawalan ang malaking fire ball gaya ng ginawa niya kay Aaron.
Mabilis na tumilapon si Prinsesa Chrome sa mga bato at nawalan ng malay.
Nahinto si Naula sa pag galaw ng may masakit siyang naramdaman sa likod niya.
Napatingin siya sa pumana sa likod niya. Sabay tanggal ng pana sa bumaon sa kanyang balikat.
Nakangisi si Blaze na mahigpit ang hawak sa sandata niya. Umiilaw na ito ng kulay puti tsaka ito patakbong inatake si Naula.
Matinding labanan ang nangyari sa pagitan nilang dalawa, halos tabla at walang gustong magpatalo. Determinado si Blaze sa bawat kilos, seryoso at buong konsentrasyon niyang inaatake si Naula. Ngayon alam na niya kung bakit puspusan ang traingin na pinapagawa sa kanya ng kanyang ama mula pagkabata. Hindi rin niya maitatanggi na magiling si Naula, halos tabla na sila sa labanan.
'Stay away from him!' may naririnig siyang boses mula sa isip niya. Hindi iyon pamilyar sa kanya. Boses ng babae.
Napangisi si Naula dahil sa galing ng makipag laban ni Blaze. Mukhang sanay na sanay ito makipag laban. 'Hindi nga basta basta ang isang 'to may pinagmanahan' sabi niya sa sarili.
Sinaksak ni Blaze si Naula sa tagiliran at sinipa ito ng malakas. Imikot ikot si Blaze sa palibot niya habang pinaikot ikot din nila ang hawak niyang mga sandata. Bakas sa mukha ni Blaze ang pagigind determinado na patayin siya.
Mas napangisi si Naula ng nakita ang pagkunot ng noo ni Blaze na parang nawawala ang konsentrasyon nito. Bigla niya na alala ang prophesiya.
"Ikaw nga ang itinakda" sambit n Naula, pero seryoso paring naka tingin si Blaze sa kanya. Napangiti pa siya kay Blaze nang mapansing wala na ang Gemnian Shield na pomu-protekta dito. "Ngunit..." napangisi nanaman siya "...hindi ikaw ang itinakdang pumatay sa akin!" sigaw niya at mabilis na parang hangin na sinungaban si Blaze dahilan na masaksak niya ito malapit sa dibdib.
"Blaze!" sigaw ni Wayne na patakbong lumapit. Nanliit ang mga ni Naula sa lalaking sumigaw. Kaya mabilis niyang pinalibutan ng apoy ang paligid nila bago pa makalapit ang iba. Hindi niya alam na mabilis nakapasok si Prinsipe Elfin at pilit nitong nilaban ni Naula pero hindi sapat ang kapangyarihan nito na pantayan si Naula kaya tumilapon siya malapit sa apoy.
"Kuya!" sigaw ni Elle.
"OBERON!?" tawag niya sa malaking itim na ibon na lumipad ng mabilis papunta sa gitna ng apoy na ginawa ni Naula. Hindi makakilos agad ang mga kaibigan ni Blaze dahil sa laki ng apoy na pumalibot sa kanya.
"BLAZE! BLAZE!" sigawan nila. Ngunit nawalan na nag malay si Blaze. Sumakay si Naula sa malaking ibon habang buhat buhat si Blaze. Naroon parin ang nakasaksak na espada sa dibdib nito.
Binalot niya rin ng apoy ang nadadaanan ng ibon para hindi sila ma galaw ng mga Wizard at magamitan ng spell.
WAYNE'S POV
Pilit kong pinatay ang malaking apoy na pumapaligid kay Naula at Blaze.
"Blaze! Blaze!" sigawan namin lahat habang inaapula ang malaking apoy. Demonyo ka talaga Naula.
"Kuya! Kuya Elfin!" sigaw ni Elle, nakita ko ang nakahandusay na katawan ni Elfin sa loob ng apoy kasama sina Naula.
"Blaze, Lumaban ka!" sigaw ko. "Lumaban ka please!" naluluhang sabi ko habang natatar. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin.
Habang busy kami sa pag apula ng apoy, hindi namin napansin ang malaking itim na ibon na pumunta sa gitna ng apoy. Bumagsak sina Prinsipe Orlando at Prinsipe Benjamin mula sa itaas. Siguro sinubukan nilang pumasok sa loob ng apoy. Buong lakas ko ginamit ang apat na elemento ko pero walang nangyari. "ARG!" inis na sambit ko. Patuloy ang pagpapalaki ni Naula ng apoy. "Blaze! Laban please! Please!" sigaw ko dahil umaasa akong maririnig ako ni Blaze. Nalalaban siya para sa akin, para sa aming lahat.
"Arg Shit!" desperadong sigaw ko habang pilit na ginagamitan ang kapangyarihan ko ang apoy ni Naula. Pero hindi nito kaya. 'Humanda ka Naula. Ako mismo ang papatay sayo! Papatayin kita!' sigaw ko sa isip ko.
"BLAZE!" nakita namin nilipad na nang malaking ibon si Naula kasama si Blaze.
"Anong balak niya?" Jaynel
"Saan niya dadalhin si Blaze?!" Axel
"Angelo gumawa kayo ng paraan." Elle
Sinubukan ni Angelo mag cast ng spell pero walang nang yari. Si Jaynel naman ang sumubok pero ganoon din ang resulta.
"Hahahahahahaha!" tawa ni Naula habang namumula ang mga mata, kinaway kaway pa nito ang kamay niyang puno ng dugo ni Blaze. Lalo akong nagalit ng makita ang dugo na iyon.
"Demonyo ka talaga! Papatayin kita!!!"
Nawala na parang bula ang apoy at mabilis namin tinulungan si Prinsipe Elfin.
"Hindi pwede! Hindi ito pwedeng mangyari!" sigaw ni Brianne na parang nag hy-hysterical na, inalalayan naman siya ni Jaynel. Walang malay parin sina Brix, Aaron, Prinsipe Elfin at Prinsesa Chrome.
Wala kaming nagawa dahil nasa gitna ng Lake of Fire si Naula. Napakainit doon at hindi namin malapitan.
"Brianne, alam mo ba kung anong balak niya?" tanong ni Ace na nakayukom din ang kamao saka dahan dahan tumango si Brianne.
Napapikit ako ng matiim, ramdam ko ang luha na lumabas sa mata ko. 'Blaze' paulit ulit na sambit ko sa utak ko. Ramdam ko ang pangingig ng buong katawan ko, ang alam ko lang galit na galit ako. 'Blaze, please you can't die'
THIRD PERSON'S POV
Rinig nila na parang may sinasabi si Naula, parang orasyon na hindi nila maintindihan. Kasabay niyon ay ang pag buhat niya sa katawan ni Blaze. Kitang kita ang pag agos ng dugo nito papunta sa malaking Lawa ng Apoy. Higit sa lahat. Si Brianne ang nakakaalam nang mga nangyayari, hindi na niya ito mapipigil pa. Hinimatay ito sa gitna nang pangyayari at dali daling binuhat siya ni Ace.
'Tagumpay si Naula sa kanyang plano.' Iyon ang nasa isip ni Prinsipe Benjamin habang matalim na naka tingin kay Naula. Napatingin naman siya sa gawi ni Wayne.
"Mali" bulong niya. Napatingin naman sa kanya ang kapatid niyang si Prinsipe Orlando na nasa tabi niya. "Sinasabi ko na nga ba parang may mali."
Napakunot noo naman si Prinsipe Orlando sa kanya. "Anong mali?"
Tinitigan niya si Wayne na galit na galit na nakatingin sa dereksyon nila Naula at Blaze. Naka kuyom ang mga palad ni Wayne, hindi nila mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan nito. Mas napakunot noo si Prinsipe Orlando sa ibig sabihin ng kapatid.
"Siya ang dapat humarap kay Naula. Hindi si Miss Hatley." napatingin ulit si Prinsipe Orlando kay Wayne na parang nag iisip. Nang may naalala siya bigla. Inis naman siyang napasampal sa ulo niya ngunit huli na ang lahat.
"Bakit ngayon lang natin na alala." inis na sabi ni Orlando. Napatingin na rin si Axel sa kanila at nag tanong.
"Alin?" Axel
Nag alinlangan si Prinsipe Orlando na sagutin ang tanong na iyon dahil nakikinig na ang lahat maliban kay Wayne na namumula na sa galit. Ngunit hindi rin iyon na isip ni Brianne kanina. Diba dapat alam niya rin iyon?
"Ah--eh"
"Save them now and to the child they will bow." napatingin silang lahat kay Prinsipe Elfin nahirap na hirap sa paghinga.
"Huh?" Ace.
"D-dalawang propesiya ang lumabas noon. Ang unang p-propesiya ay nawalan ng bisa nang lumabas ang p-pangalawang propesiya. Iyon ay dahil sa h-hindi lang si M-mitchelle na Warriror Fairy ang nagka anak sa isang m-mortal." Prinsipe Elfin na pilit pinapaliwanag ang lahat.
"Tama si Prinsipe Elfin. Nabigla ang lahat sa paglabas ng panibagong propesiya dahil may sekretong anak pala ang White King sa isang mortal, at ang batang iyon ay si Wayne." Prinsipe Benjamin.
"Sandali ang gulo eh. Ibig sabihin si Wayne ang itinakda? Diba si Blaze? Ang gulo!" Ace
"Ewan naguguluhan na rin ako." Prinsipe Orlando na napakamot ng ulo. Pero napatingin na ang lahat kay Wayne na mukhang hindi naririnig ang usapan nila.
"Save them now and to the child they will bow." ulit ni Prinsipe Benjamin sa sinabi ni Prinsipe Elfin.
"Malinaw na sinasabi ng prophesiya na dalawa sila ang pwedeng itinakda. THEM." napakunot noo sila kay Benjamin.
"Ang unang tinukoy ng naunang prophesiya ay si Wayne. Dahil mas nauna siya ipinanganak, at ang sinasabing kailangan nyang pigilan ay ang paglitaw ng kadiliman. Si Naula ang kailangan niyang pigilan dahil si Naula ang pupukaw sa kadiliman, ang Hari ng Dilim."
"Ehh si Blaze?" Axel
"'Save them now and to the child they will bow.' Siya ang CHILD natinutukoy sa propesiya. Bilang pangalawang bata sa propesiya, destruction, iyon ang kailangan niyang pigilin. Kung saan ang Hari ng Dilim ang gagawa ng kaguluhan na iyon sa sanlibutan."
"Ibig sabihin si Blaze ang itinakdang pumigil sa Hari ng Dilim? Eh ano ang mali doon?" Ace
"Mali tayo dahil dapat si Wayne na ang pumigil kay Naula para hindi na mabuhay ang Hari ng Dilim. Sa ginawng pagharap ni Blaze kay Naula ay para naring binigay natin ang sangkap na kailangan niya sa pagbuhay sa Hari ng Dilim." Prinsipe Benjamin
"Ngayon nag tagumpay si Naula na makuha ang itinakda, ang dugo ni Blaze ang makakapagbuhay sa Hari ng Dilim at dahil doon kailangan natin ng buhay si Blaze dahil kung hindi...."
"Katapusan na natin." Prinsipe Orlando.
"K-kaya pala" sambit ni Elle. "Kaya pala sabi ni Brianne, huwag ni Wayne bitawan si Blaze." ngayon lang din nila na isip iyon. Halos murahin nila ang mga sarili nila sa nangyari pero wala nang lugar ang magturuan at mag sisi. Nangyari na ang hindi dapat mangyari.
Nagulat sila na wala na si Wayne sa kinatatayuan nito kanina.
"Wayne!" sigaw ni Axel ngunit hindi nila ito makita. Nasaan na si Wayne?
"WAYNE!"
"Guys! Look!" sigaw ni Angelo na hindi makapaniwala sa nakikita.
Bumulula ang Lake of Fire na parang may sasabog dito ano mang oras kaya nasipag takbuhan sila. Ang iba ay buhat buhat ang mga kasamahan nilang walang malay. Tumakbo sila patungo sa kweba kung saan sila galing kanina.
"Ano iyon?" tanong ni Prinsesa Ana. Habang nakadungaw sa labas. Mabilis namana siyang hinila ni Prinsesa Jaynel.
"Huwag ka diyan!" Jaynel
"Anong nang yayari?" pangungulit ni Prinsesa Ana.
"Buhay na siya." napatingin sila sa seryosong mukha ni Prinsipe Benjamin.
"Sino?" takang tanong ni Prinsesa Ana. Napatingin siya sa labas ng kweba. Seryoso parin ang mukha nito.
Tahimik lang ang iba habang nakikinig.
"Ang Hari ng Dilim"
Salita na nagpakilabot sa lahat.
"Ano?! Teka si Kuya Wayne!" tatakbo na sana si Prinsesa Ana palabas nang hilain muli nito ni Prinsesa Jaynel "Si Kuya Wayne! Si Kuya Wayne!" pag pupumiglas ni Prinsesa Ana.
"Delikado!" pigil sa kanya ni Jaynel at tinulungan na din siya ni Axel sa pag pipigil sa batang prinsesa.
"Ang kuya Wayne ko!" umiiyak na ito at nag sisigaw "Ngayon ko nga lang siya nakasama, ta-tapos… M-mawawala ulit siya." iyak niya habang napagod na ito sa kakapalag. Hinagod hagod ni Jaynel ang likod niya para patahanin nito.
"Hayaan niyo na ang galit ang makakapag udyok sa kanya para sa katuparan ng propesiya." makahulugang sambit ni Prinsipe Benjamin kaya nagkatinginan silang lahat.
_________
Support my new stories. PRANKSTERS...Kalokohan at puro pranks yun.hehe trying something new genre